BriannaMag-e-eleven ng umaga nakarating sa tuktok ng talampas ang team namin. Mabuti na lamang at hindi gaanong matindi ang pagtirik ng araw kaya hindi masakit sa balat. Pagdating sa itaas ng talampas ay mapapa-wow talaga ang sino man sa kakaibang experience. Kahit na may araw at walang masisilungan ay hindi gaanong mararamdaman ang init. Ang mas mararamdaman mo ay ang tila nanunuot na lamig ng hangin. Preskong-presko ang hangin at tunay na nakakawala ng stress. Hindi man kasing-lamig sa Baguio ay hindi naman pahuhuli sa lamig ang tuktok ng talampas nang Anaruta."Everybody listen!" tawag pansin ni Ma-am Salve sa atensiyon ng lahat nang mga estudyante. "Magtulung-tulong kayo sa pag-ayos ng tent ninyo para may matulugan kayo mamayang gabi. At walang lalapit sa gilid ng bangen dahil sobrang delikado. Maliwanag?" "Yes, Ma'am!!" sabay-sabay naming sagot. Tapos nagkanya-kanya na kami sa paglalagay ng tent namin. Ang mga tent na inaayos namin ay nauna nang iniakyat sa talampas ng mga in
BrainnaKung malamig ang hangin sa araw ay doble naman ang lamig sa gabi. Nakasuot na nga akong makapal na sweater ay nararamdaman ko pa rin ang lamig sa aking katawan. Ngunit kahit nakakapanginig ang lamig ay masarap pa rin sa pakiramdam. Hindi kasi mararamdaman sa kapatagan ang ganitong pakiramdam.Nakabawas sa malamig na pakiramdam ang apoy na ginawa ng mga estudyanteng lalaki. Apat na grupo kami at sa bawat grupo ay nakapalibot sa apoy para kahit paano ay mabawasan ang lamig na nararamdaman ng bawat isa.Tahimik lamang kaming lahat habang ninanamnam ang init ns ibinibigay sa amin ng apoy mula sa naglalagablab na mga tuyong kahoy. Nakaka-bored pero walang nais na magsalita kahit isa sa amin. Kahit si Ivy na nasa grupo namin at katabi ni Dean sa pag-upo ay walang kibo lamang sa kinauupuan nito."Ma'am, ang boring naman kung mauupo lang tayo sa harapan ng at magtititigan lamang. Walang excitement," hindi nakatiis sa katahimikan na wika ni Carlo, isa sa mga kaklase ni Dean."Anong gus
BriannaWalang imik lamang ako habang sakay kami ng bus pabalik sa school namin. Katabi ko pa rin sa upuan sina Dean at Ivy. Katulad ko ay tahimik lang din si Dean sa upuan niya. Kahit na kinakausap siya ni Ivy ay tango at iling lamang ang kanyang sagot kaya nanahimik na rin si Ivy sa upuan niya habang nakasimangot.Gusto ko sanang lumipat ng upuan at tumabi na lamang kay Peter kanina pag-akyat namin sa bus ngunit ang sabi ni Ma'am Salve ay kung sino ang katabi namin pagpunta ay siya ring katabi namin pabalik para masigurado na walang naiwan na estudyante. Kaya no choice ako kundi ang maging katabi ang dalawa sa upuan.Nang magsipagbabaan na kami pagkarating namin sa school ay tinulungan ako ni Peter sa pagdala ng bag ko at inalalayan niya ako pagbaba ng bus. Tinukso tuloy kami ng mga Marites at Mario naming mga kasama. Marites at Mari ang tawag ko sa kanilang mga tsismosang lalaki at babae. Ginaya ko lamang ang napanuod ko sa tv noong isang araw."Confirm na ba, Peter? Kayo na ni Bri
Brianna"Mom, isama ninyo ako sa Manila. Ayokong maiwan dito nang mag-isa," nakikiusap na sabi ko sa Mommy ko. Pupunta sila ngayon sa Manila para makiramay at makipaglibing na rin sa pinsan ng mommy ko na namatay dahil sa atake sa puso. Ang Daddy ko ay naroon na at doon na lamang sila magkikita. Si Bryle ay isasama ni Mommy samantalang ako lamang mag-isa ang maiiwan sa bahay. May pasok kasi next day kaya hindi ako puwedeng isama nila. Ayaw ni Mommy na mag-absent ako sa klase samantalang ang kakambal ko ay wala namang pasok sa Lunes kaya puwedeng sumama. Ang kaso ako lamang ang maiiwan sa bahay namin. Nakakatakot kayang mag-isa lamang ako."Huwag kang mag-alala, Brianna. Sinabi ko na kay Amalia na sa bahay ka nila muna matutulog habang wala pa kami," nakangiting sagot ni Mommy sa akin. Nahinto ako sa pagmamarakulyo nang marinig ko ang sinabi niya."O 'ayan Ate Brin. Huwag ka nang malungkot diyan. Dapat magsaya ka pa nga dahil magkakaroon ka ng chance na makipaglapit kay Kuya Dean," nan
BriannaNakahiga na ako sa ibabaw ng aking kama nang pagbalikan ako ng malay tao. Maliban sa bahagi ng ulo ko na masakit at sa may tigiliran ay wala na akong ibang nararamdaman pa. Bahagya kong kinapa ang ulo ko. Napangiwi ako nang makapa ko ang isang maliit na bukol sa gilid ng aking ulo. Bunga siguro iyon ng pagkakabagok sa ulo sa matigas na bagay kanina nang madulas ako sa banyo. Teka, sino nga pala ang nagbuhat sa akin mula sa banyo papunta rito sa kuwarto ko? At sino ang nagbihis sa akin?Bilang sagot sa tanong ko ay pumasok si Dean sa loob ng aking kuwarto. Nanlalaki ang mga matang napatitig ako sa kanya."D-Dean? Don't tell me, ikaw ang nagbuhat sa akin mula sa banyo papunta rito?" namumula ang mukhang tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin at pagkatapos ay biglang nag-iwas ng mga paningin. "Huwag mong sabihin na nakita mo ang kahubaran ko?" gusto ko ng maiyak at lumubog sa kinahihigaan ko sa sobrang kahihiyan. Hindi niya ako sinagot. Ang pananahimik niya ang nagpapatunay na
BriannaKinabukasan ay sinamahan ako ni Dean sa ospital para magpa-CT Scan. Lahat pala ay walang pasok at hindi lamang ang classroom ng kapatid ko. Kung alam ko lang sana ay nagpumilit ako kay Mommy na sumama sa kanila ni Bryle kahapon. Kung nakasama ako ay hindi sana ako mapapahiya ng sobra kahapon. Ngunit kung sumama naman ako ay hindi ko rin mararanasan ang aking first kiss. At kay Dean pa."Anong iniisip mo diyan? Bakit ang tahimik mo?" tanong ni Dean habang nakasakay kami ng taxi pauwi. Negative naman ang result ng CT Scan kaya hindi na kami nagtagal sa ospital. "Wala. Tinatamad lang akong magsalita," matipid kong sagot. Paano ko naman kasi aaminin sa kanya na hanggang ngayon ay nahihiya pa rin ako ng sobra dahil sa nangyari kahapon.Tinitigan niya ako bago muling nagsalita. "Hindi ka naman dating ganyan. Nakakapanibago," tila may bahid ng lungkot ang tono ng boses niya kaya napatingin ako sa kanya. "Dahil ba sa nangyari kahapo—""Inaantok ako. Matutulog na muna ako habang nasa
Brianna"Bakit nasa bahay ninyo kahapon ang Dean na iyon, Brianna?" Paulit-ulit na tanong sa akin ni Peter. Magmula pagpasok ko sa classroom kaninang umaga ay hindi na niya ako tinantanan sa katatanong. "Naghatid lang siya ng ulam na niluto ng mommy, satisfied?" Medyo naiinis kong sagot sa kanya para tigilan na niya ako. Ayokong sabihin sa kanya ang lahat ng mga nangyari dahil mas lalong hindi niya ako titigilan sa kakatanong. Lalo na kapag nalaman niya na sa bahay nila din ako pansamantalang natutulog. Hindi ko alam kung ano ang gagawin niya kapag nalaman niya iyon. Masyado kasi siyang protective sa akin pagdating kay Dean kasi alam niyang gusto ko nga ang kapitbahay namin."Mabuti naman. Akala ko kung ano na ang ginagawa niya sa bahay ninyo," anito na may nagdududang tingin sa akin.Inirapan ko siya. "Bakit? Ano ba ang iniisip mong gagawin ni Dean sa bahay namin?"Sa halip na magsalita at sagutin ako ay nginisihan lamang ako ni Peter. Pagkatapos ay tumayo siya sa kinauupuan niya at
Brianna"Kumusta ka naman habang wala kami ng kapatid mo, Brianna?" tanong ng mommy ko habang naghahanda ng aming hapagkainan.Wednesday morning nang dumating silang tatlo pero nasa school na ako nang dumating sila kaya pag-uwi ko ay sa hapon na kami nagkita-kita."For sure, tuwang-tuwa si Ate Brin, Mom. Baka nga nahiling niya na sana ay hindi pa tayo umuwi para mas matagal pa niyang makasama si Kuya Dean," nanunuksong wika ni Bryle. "Ikaw ang nais kong hindi na umuwi rito," nakairap kong sikmat sa kapatid ko bago ko sinagot ang tanong ni Mommy. "Okay lang po, Mom. Alagang-alaga nga ako ni Tita Amalia, eh. Pero ang tagal ninyong umuwi. Akala ko nga iniwan n'yo na talaga ako rito, eh.""Daddy, ang tagal mong hindi nakauwi, ah. Hindi mo yata ako na-miss, eh," nakangusong sabi ko kay Daddy. I'm a daddy's girl. Mas strict kasi si Mommy kaysa kay Daddy. Lumapit ako kay Daddy at naglalambing na niyakap ko siya."Naaalala mo pa kaya ako?Eh, buong atensiyon mo ay nakatuon naman kay Dean," ma
BRIANNAMalayang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok habang nakatayo ako sa gilid ng baybayin sa isang isla sa Samar kung saan ako naroon ngayon. Probinsiya ito ni Desna at siya ang nagsabi sa akin na masarap daw magbakasyon sa probinsiya nito dahil malapit sila sa tabing-dagat kaya presko ang hangin. Kaya nang inalok ako ni Desna na magbakasyon sa bahay-bakasyunan nito ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanggap ang alok niya. At hindi naman ako nagsisi na nagpunta ako rito dahil maliban sa totoong presko ang hangin ay nakapag-isip-isip na rin ako ng maayos. Tama si Bryle. Ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa amin ay pagsubok lamang sa amin ni Dean. Pagsubok na parehong nalampasan namin. Bryle was right when he said that I should give myself another chance to feel happiness. And only Dean could give me that happiness. Only he would make me happy. Sa loob ng halos tatlong buwan kong pananatili rito sa isla ay madalas tumatawag sa akin si Bryle para sabihin na nakikiu
BRIANNANang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng aking silid at nakahiga sa aking kama, sa tabi ko ay naroon si Peter at nakayupyop ang ulo sa gilid ng aking kama at natutulog. Biglang umahon ang galit ko nang maalala ko ang sinabi niya bago ako nawalan ng malay. Bigla ko siyang pinaghahampas ng aking mga kamay."Bakit mo pinatay si Dean? Ano ang kasalanan niya sa'yo?" umiiyak na tanong ko kay Peter habang walang tigil ko siyang hinahampas ng aking mga kamay.Pupungas-pungas pa si Peter nang magising dahil sa sakit ng mga hampas ko sa kanya. Bigla itong napatayo at napaatras palayo sa akin."Calm down, Brianna! I am just kidding, okay?" pag-amin ni Peter sa akin. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Mamamatay tao? At isa pa, hahayaan ba ni Dean na patayin ko siya? Eh, mas magaling siyang makipaglaban kaysa sa akin."Sa aking narinig ay bigla akong napaiyak ng malakas. "I hate you, Peter. How could you joke at me like that?"Lumapit si Peter sa akin at nako-konsensiyang niyakap
BriannaNanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Dean na siya palang kausap ni Rex sa opisina nito. Buhay si Dean. At higit sa lahat ay tama ang una kong hinala na siya at si Lance ay si Dean. Pero bakit niya iyon ito ipinagkaila sa akin? Bakit hinayaan niya ako magdusa sa pagkawala niya?Mabilis na tumayo sa kinauupuan niya si Dean at nilapitan ako. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Brianna. I'm sorry that I lied to you. I'm very sorry that I hid the truth that I'm alive."Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at dinama ang mainit niyang yakap. Akala ko ay hindi ko na mararanasan pang muli ang mayakap ng lalaking pinakamamahal ko.Akmang tutugunin ko na ang yakap niya nang sumagi sa isip ko ang mga paghihirap ng loob na ininda ko dahil sa pag-aakala kong patay na siya. Sukat sa isiping iyon ay itinulak ko siya at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha."Masaya ka ba sa ginawa mong pagpapanggap na patay ka na? Nag-enjoy ka ban
BriannaPapasok na ako sa kotse ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong si Lance ang tumawag sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso pagkakita ko sa kanya ngunit agad kong isinantabi ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon ko nang makita ko siya. Mas napagtuunan ko ng pansin ang ginawa niyang pagbanggit sa pangalan ko."Bry, sandali lang. Gusto lang kitang makausap," sabi niya nang makalapit siya sa akin."Bakit mo alam ang pangalan ko? Kung hindi ka si Dean ay bakit alam mo ang palayaw niya sa akin?" Hindi siya si Dean pero bakit alam niya ang palayaw ko?"Nakalimutan mo na ba na binanggit mo nag palayaw mo noong unang beses na nagkita tayo? Kahit ang kaibigan mong si Desna ay tinawag binanggit naman niya ang pangalan mo," mabilis na paliwanag ni Dean.Huminga na lamang ako ng malalim. Hindi ko matandaan kung binanggit ko pa ang oangalan ko o hindi nang gabing iyon."Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinundan? Hindi ka
BriannaKagagaling ko pa lamang sa lugar kung saan nahulog ang kotse ni Dean. Binisita ko ang lugar na iyon dahil gusto kong suriing mabuti kung may pag-asa bang makaligtas ang taong nahulog sa bangin na iyon. Ngunit kahit anong suri at posibilidad ay mukhang malayo na makaligtas si Dean sa nangyaring aksidente maliban na lamang kung may kapangyarihan siya. But he is just an ordinary person kaya imposible talaga na makaligtas siya.Sa halip na magtungo sa aking coffee shop ay nagdesisyon akong magtungo na muna sa mall at mag-ikot-ikot. Nang mapagod ay pumasok ako sa isang cake shop para mag-megmeryenda. Kasalukuyan akong kumakain ng isang slice ng strawberry cheesecake na binili ko nang makatanggap ako ng text mula kay Desna. Inimbitahan niya ako na dumalo sa award night next day, kung saan ay isa ito sa mga young fashion designer sa bansa na makatanggap ng award.Naisip ko na kailangan ko rin libangin ang sarili ko kaya sinabi ko sa kanya na aattend ako. Agad ko nang tinapos ang akin
BriannaMagmula nang nalaman ko na hindi si Dean ang lalaking nakita ko na kamukha niya sa loob ng bar ay pilit kong iwinaglit siya sa aking isip. Naisip ko na tama si Rex. Dapat mag-move on na ako. Ayokong hindi matahimik ang kaluluwa ni Dean dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mapait niyang sinapit.Para malibang ko ang sarili ko ay madalas akong nagtutungo sa mall pagkatapos magsara ng coffee shop ko. Kagaya ngayon, maaga kaming nagsara dahil birthday ng dalawang staff ko. At dahil maaga pa kaya ipinasya kong maglibot sa mall hanggang sa mapgod ako. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay saka lamang ako uuwi sa bahay ko kapag nakaramdam na ako ng pagod at antok. Pagdating ko sa bahay ay matutulog agad ako kaya hindi ko na maiisip si Dean.Ngayon ay naabutan ako ng pagsasara ng mall dahil nanuod pa ako ng sine kaya paglabas ko ay mga sarado na pala ang bawat stall sa loob ng mall. Nagmamadaling lumaba ako ng mall dahil nakakaramdam na ako ng antok.Punuan ang park
Brianna"D-Dean?" mahina ang boses na sambit ko sa taong pumigil sa kamay nang akmang gagantihan ko na ang ginawang pananampal sa akin ng babae."Don't you dare hurt her," nagtatagis ang mga ngipin na babala sa akin ni Dean. Matalim ang tingin niya at para bang hindi niya ako kilala na aking ipinagtaka."Dean. Is that really you? You're alive!" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Narito sa harapan ko si Dean at buhay na buhay. Pero paano nangyari iyon?Akmang yayakapin ko na siya ngunit biglang humarang ang babaeng nanampal sa akin."Hey! Bitch! Get away from him!" galit na sigaw nito sa akin."Let's go, Mina. Ipinapasundo ka na sa akin ng ama mo," kausap ni Dean sa babaeng Mina ang pangalan. Hinawakan nito sa balikat ang babae at hinila para umalis sa bar na kinaroroonan namin.Isang taon akong nangulila sa kanya. Isang taon akong nagdusa dahil inakala kong patay na siya. At ngayong nandito siya sa harapan ko ay hindi ko siya hahayaang mawala sa paningin ko nang hin
BriannaMabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging Linggo, naging buwan at umabot na ng isang taon. Isang taon nang patay si Dean ngunit sariwa pa rin sa aking puso ang sakit at alaala ng kanyang mga huling sandali na kapiling ko siya.Sa loob ng isang taon ay pinilit kong mabuhay. Kumakain ako, umiinom, natutulog ngunit pakiramdam ko ay patay na ang kaluluwa ko. Sumama na ito kung nasaan man ngayon si Dean. Minsan ngumiti rin ako na hindi umaabot sa aking mga mata. Nabubuhay na lamang ako dahil ayokong masayang ang pagbubuwis ng buhay ni Dean para lamang mailigtas ako."Aalis ka, Ma'am Brianna?" tanong sa akin ni Petchy, ang cashier ng aking coffeeshop.Pinalaki ko ang aking coffeeshop at dito na lamang ibinugos ko ang lahat ng aking atensiyon. Ako ang madalas nagbabantay sa cashier ngunit kapag umaalis ako at may lakad ako ay si Petchy ang humahalili sa akin."Yes, Petchy. First death anniversary ngayon ng asawa ko at dadalawin ko siya ngayon." Hindi man kami natuloy na ikin
BriannaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at binabantayan nina Peter, Bryle, at Desna."Thank God, gising ka na rin sa wakas, Ate Bri," kausap sa akin ng kakambal ko nang makita niyang iminulat ko ang aking mga mata. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang ang dalawa kong mga kamay.Bahagya kong itinulak ang kakambal ko at nagpalinga-linga ako sa paligid ng room. Hinahanap ko si Dean. "Nasaan si Dean, Bryle? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."Unfortunately, nasa in-denial stage pa ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Dean kaya pilit kong iniisip na nakaligtas siya t nasa loob din siya ng hospital."Ate Bri, wala na si Kuya Dean. Masyadong mataas at matarik ang bangen tapos sumabog pa ang kotse niya kaya imposibleng mabuhay siya." Isinampal ni Bryle sa mukha ko ang katotoohanan na pilit kong tinakasan."No! Hindi totoo iyn, Bryle! Nakaligtas si Dean! Dalawa kaming nakaligtas!" sigaw ko. Pilit akong bumangon sa kama dahil pupuntahan ko si Dean ngunit