Share

Chapter 7

Author: Daylan
last update Last Updated: 2024-02-07 22:52:43

Brianna

Alas siyete na pero hindi pa rin ako lumalabas ng bahay namin para pumunta sa acquaintance party ng school namin. Hindi lang dahil sa tinatamad akong magpunta roon kundi dahil sa alam kong may ibang ka-date ang crush ko.

"Bakit hindi ka pa umaalis, Brianna? Anong oras ba ang party ninyo?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ng mommy ko nang makita niyang nasa sala pa ako at nakaupo na parang wala akong balak na umalis.

"Medyo tinatamad kasi akong um-attend, Mom. Wala kasi si Peter dahil reunion ng family niya kaya parang ayaw ko na ring magpunta," sagot ko sa kanya. Hindi ko na sinabi na naiinis ako dahil may ka-date si Dean na ibang babae. At ang pinakasikat na estudyante pa sa school namin.

"So, hindi ka na pupunta niyan?"

Huminga ako ng malalim bago sinagot ang mommy ko. "Pupunta pa rin pero mayamaya na siguro."

Kung hindi lamang ako nakapangako kay Alex na magiging ka-date niya ay hindi na sana ako pupunta. Kaso kapag inindiyan ko naman siya ay baka naman isipin niya na wala akong kuwentang kausap. Hindi na nga ako pumayag na sunduin niya tapos hindi ko pa siya sisiputin.

Kanina ay tinawagan ko si Alex para ipaalam sa kanya na huwag na akong sunduin sa bahay at sa school na lamang kami magkita. Hindi ko kasi feelna magpasundo sa kanya. Malas kasi ang Peter na 'yon. Kung bakit natapat pa ang reunion ng pamilya nito sa reunion namin. Hindi sana ako papayag na maging ka-date ni Alex. Mabigat ang loob na lumabas ako ng bahay. Paglabas ko ay nakita si Dean sa tapat ng gate nila. Guwapong-guwapo ito sa suot na  skyblue polo-shirt na tenernuhan ng hapit na pantalong maong. Kahit naman kasi ano ang isuot niya ay bagay naman sa kanya.

"Siguro nagpa-guwapo siya para kay Ivy," masama ang loob na bulong ko sa sarili. Hindi niya napapansin na nasa labas ako ng gate namin dahil nakatalikod siya sa akin at panay ang tingin niya sa kanyang suot na relo. Hindi ba susunduin pa niya ang Ivy na 'yon? Bakit nandito pa siya't hindi pa umaalis?

Nang may dumaang tricycle ay mabilis kong pinara. Saka naman lumingon sa likuran niya si Dean at napakunot ang noo niya nang makitang sumakay ako ng tricycle. Iniisip siguro niya kung bakit ako mag-isa at wala si Alex gayong narinig niya na susunduin ako ni Alex sa bahay namin. Pagdaan ng sinasakyan kong tricycle sa harapan niya ay hindi ko siya tinapunan ng tingin. Kunwari'y hindi ko siya nakita. Masama ang loob ko sa kanya kaya wala ako sa mood na magpa-cute.

Pagdating ko sa tapat ng school namin ay nakita kong naghihintay sa akin si Alex. Medyo nakasimangot ito at halatado ang pagkainip sa mukha pero agad na umaliwalas ang mukha niya nang makita akong bumaba sa tricycle. Agad niya akong sinalubong ng matamis na ngiti.

"Ang ganda mo naman, Brianna,"  puri niya sa akin. Hindi ako natuwa sa papuri niya. Ewan kung totoo na nagagandahan siya sa akin o kung binobola niya lamang ako. Paano naman kasi siya magagandahan sa akin, eh, hindi naman ako nag-ayos ng mabuti? Kaunting pulbos lamang ang inilagay ko sa mga pisngi ko at lip gloss naman sa aking mga labi. Isang simpleng bestida na kulay rose gold na hindi umabot sa aking mga tuhod ang suot ko tapos tenernuhan ko ng sapatos na sneaker. Ayoko kasing magsuot ng sandalyas. Bahala na sila kung isipin man nila na weird akong manuot. Basta ang importante sa akin ay kumportable ako sa suot ko. Ang mahaba kong buhok ay hinayaan ko lamang na nakalugay saka nagwisik din ako ng konting pabango na vanilla lace ang flavor. Sa simpleng ayos kong ito ay nagandahan sa akin si Alex?

"Thanks," pilit ang ngiti na tugon ko sa kanya. "Pasensiya ka na't natagalan bago ako dumating. Hinintay ko pa kasi na dumating si Mommy para may tao sa bahay." Palusot ko na lamang. Alangan namang sabihin ko na tinatamad na akong um-attend dahil naiinis ako na ka-date ni Dean si Ivy.

"Shall we?" tanong niya sa akin. Iniabot niya ang kanyang braso  para doon ako kumapit. Sa halip na kumapit ako sa braso niya ay tinitigan ko lamang ito.

Magsasalita sana ako para sabihin kay Alex na hindi kailangan na humawak pa ako sa braso niya dahil hindi naman pormal ang party na pupuntahan namin kundi acquaintance party lamang ngunit napunta lamang sa lalamunan ko ang sasabihin ko. Bigla kasing huminto sa tapat namin ang kotse nila Ivy. Pagkatapos bumaba si Dean at inalalayang makalabas ng sasakyan si Ivy na parang sasali sa beauty pageant ang kasuotan pati na rin ang tamis ng pagkakangiti sa mga labi.

"Good evening, Brianna. Nandito ka na rin pala. In fairness, bagay na bagay kayo ni Alex. 'Di ba, Dean?" Ngiting-ngiti ang mukha ni Ivy samantalang ako ay pigil na pigil na huwag humaba ang aking nguso pagkakita ko sa kanila.

"Uh," mahinang sagot ni Dean habang nakatingin sa akin ang seryosong mukha. Hindi ko malaman kung pasang-ayon ba ang sinabi nito o hindi.

"Thanks, Ivy. Kayo rin naman ni Dean ay talagang bagay na bagay. 'Di ba, Brianna?" matamis ang pagkakangiti na wika naman ni Alex. At tinanong pa talaga ako kung bagay ba ang dalawa. Ano kaya kung sabihin kong hindi sila bagay dahil kami ni Dean ang bagay para sa isa't isa. Napatingin tuloy ako kay Dean na nananatiling nakatingin sa akin. Hinihintay ba niya na sang-ayunan ko ang sinabi ni Alex? No way!

"I don't know. Bagay nga ba sila?" pinasadahan ko ng tingin ang hitsura ni Ivy na todo makeup at ayos ng buhok. Nakasuot pa ito ng evening gown  na ang haba ay halos umabot sa talampakan. Para nga itong sasali sa isang beauty pageant sa ayos nito. Maganda ito sa salitang maganda ngunit hindi naman kasi bagay sa party ang suot nito. Baka nga ma-out of place ang suot nito sa mga kasuotan ng ibang dadalo sa party.

Napasimangot si Ivy nang marinig ang sinabi ko at saka inirapan ako bago ikinawit sa braso ni Dean ang braso nito. Gusto ko ring mapasimangot ngunit hindi ko ginawa. Ngumiti na lamang ako ng matamis sabay kawit sa aking braso sa braso ni Alexna napangiti naman ng maluwang. Nang tingnan ko si Dean ay nakita kong medyo madilim ang expression ng mukha niya. Nainis ba siya sa akin dahil hindi ko sinabing bagay sila ni Ivy?

Marami nang mga teachers at estudyante pagdating namin sa loob ng basketball court kung saan ang venue ng party. Siguro kanina pa nag-umpisa dahil nagsasayawan na ang iba samantalang ang iba naman na bagong dating pa lamang na katulad nila ay nag-uumpisa pa lamang na kumain.

"Wow! Ang ganda mo naman, Ivy! Walang dudang ikaw ang pinakamagandang estudyanteng babae rito sa school natin at si Dean naman ang pinaka-guwapong lalaking estudyante," nanunukso ang ngiti at mga mata na wika ni Leah, isa sa mga kaibigan ni Ivy.

"Of course. Pipili ba naman ako ng ka-date na hindi babagay sa akin?" ani Ivy sa kaibigan. Todo ang ngiti nito na akala mo'y nanalo sa lotto. Proud na proud ang hitsura nito na parang boyfriend na nito si Dean.

"Uuuyyy...baka mabalitaan na lang namin na magkasintahan na pala kayong dalawa pagkatapos ng gabing ito," tukso naman kay Dean ng isa pang kaibigan ni Ivy.

Gustung-gusto ko nang barahin ang mga kaibigan ni Ivy sa tahasang pagpapareha sa dalawa ngunit nagpigil ako ng aking sarili. Mas lalo lamang masisira ang gabi ko kapag ginawa ko iyon.

Tinapunan ko ng tingin si Dean dahil gusto kong makita kung ano ang reaksyon niya sa mga panunukso sa kanila ni Ivy ng mga kaibigan ng huli. Hindi siya ngimingiti o sinasakayan ang mga panunukso sa kanila ni Ivy ngunit hindi rin naman niya itinatanggi. Ni hindi nga niya sinagot ang panunukso sa kanya ng kaibigan ni Ivy. Blangko lamang ang ekspresyon niya kaya hindi mahuhulaan ng kahit sino kung gusto ba niya na tinutukso sila ni Ivy or hindi.

"Uy, mukhang naligaw ka yata sa event na pinuntahan mo, Ivy? Hindi ito beauty pageant kundi acquaintance party," nakangising biro ng ka-school mate naming bully na si Kirby nang lumapit ito kay Ivy.

Nagtawanan ang mga estudyanteng nakarinig sa biro na iyon ni Kirby kay Ivy. Kahit ako ay hindi rin napigilang mapangiti. Sa wakas ay may nagsabi rin ng mga salita na kanina ko pa gustong sabihin.

Namula naman ang mukha ni Ivy sa pagkapahiya. Inirapan nito ang lalaking nagsalita bago nagsalita. "Ano naman ang pakialam mo? Ikaw nga diyan ay hindi na kailangan pang um-attend sa acquaintance party na ito dahil sa mga susunod na araw ay tiyak na sisikat ka na naman sa buong school natin," hindi patatalong sagot naman ni Ivy.

Madalas kasing laman ng guidance office si Kirby kaya madalas itong parusahan. Tinatakbo nito ng isang oras ang buong campus kaya naman kilalang-kilala na ito sa school namin. Tanging mga bagong estudyante lamang ang hindi nakakakilala rito.

"O tama na iyang tuksuhan ninyo at baka mauwi pa sa pikunan iyan. Kumain na lamang kayo at mag-enjoy sa party," saway ng isang teacher na lumapit sa amin. Iningusan ni Ivy si Kirby bago niyayang kumuha ng pagkain sa buffet table.

"Kumuha na rin tayo ng pagkain natin, Brianna," yaya sa akin ni Alex. Tinanguan ko lamang siya at nagpatianod na lamang nang hilahin niya ako palapit sa buffet table.

Gentelman naman si Alex dahil ito pa ang kumuha ng plato ko pati na rin kutsara't tinidor. Ito rin ang nagsasandok ng pagkain at inilalagay sa aking plato.

"Hindi siya puwede niyan dahil may allergy siya sa alimango," biglang sabi ni Dean nang makita niya na nilagyan ni Alex ng alimango ang plato ko. Lihim akong nakadama ng kasiyahan dahil binibigyan pala niya ako ng atensyon kahit si Ivy ang kasama niya. Napasimangot naman si Ivy at inirapan ako bago umalis sa buffet table para maghanap ng mauupuang mesa.

Tama si Dean. May allergy ako sa alimango. Kapag kumakain ako ng alimango ay nagpapantal ang buo kong katawan at nangangati.  At ang mas malala ay nao-ospital ako dahil sa hindi ako makahinga. Alam iyon ni Dean dahil isang beses na akong na-ospital dahil sa aking allergy noong birthday ng daddy ko at inimbitahan ang pamilya ni Dean sa bahay namin.

***

"Tumikim ka lang kahit na konti, Brianna. Masarap 'to," pamimilit sa akin ni Alex.

Nakapagpuslit ng isang bote ng nakalalasing na inumin ang kaibigan ni Alex na si Carlo at ngayon ay pinipilit akong uminom. Sa isang mesa ay ako at mga kaibigan ni Alex lamang ang nakaupo. Samantalang sa mesa na kinauupuan ni Dean ay tanging mga kaibigan naman ni Ivy ang nakaupo at panay ang tukso sa dalawa. Kahit dalawang mesa ang pagitan namin ay dinig na dinig ko pa rin ang malakas na tuksuhan sa kabilang mesa. Iyon nga lang ay hindi ko nakikita ang reaksyon ni Dean kung natutuwa ba ito na tinutukso na ipinapareha kay Ivy dahil nakatalikod siya sa akin.

"Ano na, Brianna? Kahit isang shot lang," pamimilit din ni Carlo. Kinuha nito ang baso na may lamang alak at inilagay mismo sa aking kamay.

"Baka mahuli tayo ng mga teacher tiyak na mananagot tayo," nag-aalalang saad ko. Ayokong ipatawag ang parents ko sa guidance office dahil nahuli akong umiinom ng alak sa loob ng school kahit sabihin pang nasa loob kami ng party. Dahil una pa lang ay nagsabi na ang teacher namin na bawal magdala ng hard liquor dahil mga menor de edad pa kami.

"Tayo lang naman ang nandito kaya walang magsusumbong. Basta 'wag lang tayong magpahalata na nakainom tayo ng alak," patuloy na panngungumbinsi ni Alex sa akin.

Lumingon ako sa gawi ni Dean para tingnan kung ano ang ginagawa niya. Gusto ko kasi siyang tawagin para magpatulong at nang hindi na ako piliting uminom ng nakalalasing na alak ng mga kasama ko sa mesa. Tila tinusok ng maliliit na aspile ang dibdib ko nang makita kong nagbubulungan sina Dean at Ivy pagkatapos ay hahagikhik ang huli na para bang kinikiliti ito sa singit. Nakaramdam ako ng paninibugho. Sa dinami-rami ng babaeng nagpakita ng interes kay Dean ay tanging si Ivy lamang ang kinausap niya. Naisip ko tuloy na may gusto siguro siya sa babaeng iyon kaya niya ito ini-entertain. Sa isiping iyon ay lalong bumigat ang pakiramdam ko. Walang sabi-sabing ininom ko ang alak na nasa kamay ko na ibinigay ni Carlo. At dahil ito pa lang ang unang beses na nakainom ako ng alak kaya nagkandasamid ako. Isang minuto yata akong inubo. Mainit na mapait na medyo maanghang ang lasa ng alak kaya nagkandasamid-samid ako sa pag-inom.

Ang isang beses na pag-inom ko ng alak ay nasundan ng pangalawa hanggang sa pangatlo. Lumulutang na ang pakiramdam ko at nangangapal na rin ang mukha ko. Mukhang tinamaan na ako ng alak na nainom ko.

"One shot pa, Brianna," mahinang wika ni Alex. Tinagayan niya ang maliit na basong plastik na nagsisilbi naming tagayan pagkatapos ay iniabot sa akin. Nakangiti namang tinanggap ko ang baso.

Kung kanina ay ayokong uminom at nag-aalinlangan ako ngayon ay wala na. Tila tinangay na ng epekto ng alak ang aking pag-aalinlangan at takot na baka mahuli kami ng mga teacher namin at mapatawag sa guidance ang parents namin. Hindi ko na rin gaanong nararamdaman ang tila mga aspileng tumutusok sa dibdib ko dahil sa paninibugho. Mukhang nakatulong ang alak para 'di ko ito gaanong maramdaman.

"One shot," nakangiting sabi ko tapos dinala ko sa aking bibig ang baso na may lamang alak. Ngunit bago ko pa ito mainom ay may malakas na kamay ang pumigil sa akin at walang sabi-sabing inagaw sa akin ang basong may alak.

"Sinong may sabi sa inyo na puwede ninyo siyang painumin ng alak?" madilim ang mukha na tanong ng taong umagaw ng alak sa kamay ko na walang iba kundi si Dean.

"Bakit ka ba nakikiakam, Dean? Girlfriend mo ba si Brianna?" maangas na tanong ni Carlo na dala na rin ng kalasingan.

"Baka gusto ninyong makarating sa guidance ang ginawa ninyong ito?" nagpipigil ng galit na tanong ni Dean sa mga kaharap kong kainuman. Natahimik ang mga kaharap ko na tila natakot sa sinabi ni Dean. "Ikaw, halika ka na't iuuwi na kita bago pa makahalata ang mga tao rito na lasing ka."

Walang kibong tumayo ako para sumunod sa sinabi niya. Sa unang pagkakataon ay nakita kong nagalit siya at natuklasan kong nakakatakot pala siyang galitin. Baka nga isumbong niya kami sa guidance tiyak na malilintikan ako.

Ilang hakbang na ang nagagawa ko nang makaramdam ako ng pagkahilo. Bigla tuloy akong napahinto sa paglalakad. "Dean," mahinang tawag ko sa kanya. Pakiramdam ko kasi'y matutumba ako kapag humakbang pa ako ng kahit isang beses.

Napahinto naman si Dean na kasabay kong naglalakad. Nahalata marahil niya ang nararamdaman ko kaya bigla niya akong inakbayan sa aking mga balikat. "Kung ayaw mong malaman ng mga tao rito na nakainom ka ay umayos ka ng paglalakad mo," mahinang bulong niya sa akin.

Kahit hilong-hilo na ang pakiramdam ko ay pilit kong sinunod ang sinabi niya sa akin. Wala sa loob na napakapit ako sa kanyang braso. Doon kasi ako kumuha ng lakas para makapaglakad ng maayos. Nang makarating kami sa labas ng court ay saka pa lamang ako nakahinga. Finally, I'm safe.

Lihim akong kinilig nang hindi pa rin ako binitawan ni Dean kahit nasa labas na kami ng court hanggang sa labas mismo ng school namin. At nang may dumaang tricycle ay mabilis na pinara ni Dean pagkatapos inalalayan akong makasakay sa loob bago ito naman ang sunod na sumakay.  Sa kalasingan ay nakatulog ako sa loob ng tricycle habang nakasandig sa kanyang dibdib.

Related chapters

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 8

    Brianna"Oouch...ang sakit ng ulo ko," daing ko nang magising ako sa umaga. Ito yata ang tinatawag nilang hangover. Mayamaya ay napatakbo ako sa loob ng banyo dahil biglang bumaliktad ang aking sikmura. Inilabas ko yata ang lahat ng mga kinain ko kagabi pati na rin ang nainom kong alak. "Kahit kailan ay hindi na ako iinom ng nakalalasing na inumin," mahinang sabi ko sa aking sarili. Nanghihinang napabalik ako sa higaan ko at muling nahiga sa kama. Nahihilo kasi ako at parang binibiyak ang ulo ko sa sakit."Ate Brin, gising ka na?" tanong sa akin ni Bryle na biglang kumatok sa pintuan ng aking kuwarto. "Brin" ang palayaw niya sa akin dahil nahahabaan siya sa pagbigkas sa pangalan ko kahit tatlong syllables nga lang ang "Brianna"."Yes, gising na ako," mahina kong sagot pero sinigurado kong nakaabot pa rin sa pandinig niya. Pagpasok ni Bryle sa loob ng kuwarto ko ay bigla akong nagtalukbong ng aking kumot. Ayokong makita niya ang haggard kong hitsura dahil mahahalata niyang may hangover

    Last Updated : 2024-02-07
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 9

    BriannaNaglalakad ako sa corridor papunta sa classroom namin nang bigla akong harangin ng grupo ni Ivy. Mukhang gulo yata ang hanap nila. Ano naman kaya ang nagawa kong kasalanan sa kanila?Ayoko ng gulo kaya nilagpasan ko na lamang sila ngunit bigla na lamang hinawakan ni Ivy ang isa kong braso at malakas na isinandig sa pader. Nasaktan ako nang mauntog ang ulo ko sa pader pero hindi ako nagreklamo."Ano ba ang problema mo, Ivy?" pilit akong nagpakahinahon kahit na gusto ko na siyang tarayan. Masakit ang pagkakahawak niya sa mga braso kaya nasisiguro ko na magkakaroon ng pasa kung saan siya nakahawak ng mahigpit."Ano ang problema ko? Ikaw ang problema ko, Brianna. Masyado kang papansin kay Dean. Pero huwag mong isipin na porke't inihatid ka niya noong gabi ng acquaintance party ay may gusto na siya sa'yo kaagad," nandidilat ang mga matang sabi niya sa akin. Mukhang nagalit siya ng sobra dahil sa ginawang paghahatid sa akin ni Dean noong party. Mabuti na lamang at hindi niya nalaman

    Last Updated : 2024-02-07
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 10

    BriannaLahat kami na kasali sa naganap na away ay humantong sa loob ng guidance office. Pare-parehong magugulo ang mga buhok namin at may mga kinalmutan. Pero dahil tatlo sila habang ako ay nag-iisa lamang ay ako ang mas na-agrabyado. Mas maraming kalmot sa mga braso leeg at mukha ang aking natamo at may putok pa ang gilid ng aking mga labi dahil sa malakas na sampal ni Ivy na pinadapo sa pisngi ko. Base sa usapang nagaganap ngayon sa loob ng guidance office ay ako ang lumalabas na may kasalanan. Halatado kasi sa pananalita ni Mrs. Katakutan na kumakampi ito kay Ivy. Porke't kasama sa honor list si Ivy ako'y hindi kung kaya't ito ang kinakampihan ng aming prinsipal."Ayoko nang maulit pa ang nangyaring kaguluhan na ito, Ms. Aguilar. Kapag inulit mo pa ito ay hindi lamang ipapatawag ko ang parents mo kundi i-expelled kita sa school na ito," babala sa akin ni Mrs. Katakutan. "Ma'am, hindi ako natatakot na ipatawag mo ang parents ko dahil wala akong kasalanan. Ilang ulit ko bang sasab

    Last Updated : 2024-02-07
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 11

    Brianna"Ouch! Dahan-dahan lang naman, Bryle. Ang hapdi kaya," reklamo ko sa kapatid ko habang nilalagyan niya ng gamot ang mga kalmot ko sa braso, leeg at mukha. "Nakaramdam ka na ngayon ng sakit? Habang nakikipagkalmutan ka kanina ay hindi mo naisip na mahapdi kapag ginamot ang mga kalmot mo?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Napa-aray ulit ako nang bigla niyang diniinan ang paglalagay ng betadine sa leeg ko."Hindi ko na naisip 'yon kanina. Ang mahalaga lamang sa akin ay maipagtanggol ko ang sarili ko," nakangusong sagot ko. Napailing na lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng betadine sa mga sugat ko. Mayamaya ay biglang dumating ang humahangos kong best friend."Brianna, okay lang ba?" agad na tanong nito pagkapasok sa sala namin. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi habang sinisipat ang aking mga sugat.Napairap ako sa kanya. "Mukha ba akong okay?"Tumayo si Bryle at nagpaalam. "Mabuti at nandito ka Peter. Pakigamot naman ang mga sugat ng ate ko't kaila

    Last Updated : 2024-02-19
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 12

    BriannaSa lahat ng umagang gumising ako ay ngayong umaga ang pinakatinatamad akong bumangon. Mabuti na lamang at Sunday kaya hindi ko kailangang bumangon ng maaga para pumasok sa school. Napabalikwas ako ng bangon nang biglang kumatok sa pintuan si Bryle."Ate Brin, hindi ka pa ba babangon? Hindi ka ba magsisimba?" tinig ng kapatid ko mula sa labas ng kuwarto ko. Nakasanayan na kasi ng pamilya namin ang magsimba tuwing Linggo. At kahit wala ang parents namin ay nagsisimba pa rin kaming magkapatid."Sa next Sunday na lang ako. Medyo masakit pa kasi ang katawan ko kaya tinatamad akong bumangon," mabilis kong sagot para hindi niya ako kuliting lumabas ng kuwarto."Sige, magpahinga ka na lang muna. Ako na lang ang magsisimba. Kapag nagutom ka ay kumain ka na lang. Nakapagluyo na ako ng almusal," ani Bryle bago ko narinig ang mga yabag niya palayo sa harapan ng kuwarto ko.Tuluyan na akong bumangon sa kama at humarap sa malaking salamin na nasa loob ng kuwarto ko. Napangiwi ako nang makit

    Last Updated : 2024-02-19
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 13

    Brianna"Brianna! Hindi ka pa ba babangon diyan? Late ka na sa school."Napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang malakas na boses na iyon ng mommy ko. Napuyat kasi ako sa kakapanuod ng paborito kong Chinese drama. Sa inis ko kasi kay Dean ay mas itinuon ko ang isip ko sa panunuod ng mga Asian drama. Mabuti pa ang manuod ng drama dahil may happy ending. Sinisiguro ko kasi na may happy ending ang drama na papanuorin ko. Ayoko kasi ng walang happy ending dahil nakakalungkot. Palabas na nga lang ay wala pang happy ending. Kami naman ni Dean ay wala pang kasiguraduhan kong may happy ending ba o wala.Pagkatapos ng nangyaring away namin ni Ivy kasama ang mga kaibigan niya ay pinilit ko silang iwasan. Kapag nakikita kong naroon ang grupo niya sa pupuntahan ko ay mabilis akong umiiwas. Mahirap na at baka ma-guidance ulit kami at tuluyan nang maipatawag ang parents ko sa school. Si Dean naman ay ganoon pa rin. May pagka-aloof pa rin siya sa akin. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko pa

    Last Updated : 2024-02-19
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 14

    BriannaKanina pa kumukulo ang dugo ko habang nakatayo ako sa harapan ng gate at hawak sa itaas ng ulo ko ang may kalakihang plywood na may nakasulat na "HINDI NA AKO MALI-LATE AT TATALON SA PADER" habang pinagtatawanan ng mga estudyanteng nakakakita sa akin. Kahit si Peter ay hindi rin napigilan ang sarili na matawa sa hitsura ko. Para daw kasi akong nagbebenta ng plywood sa gilid ng kalsada.Natatawa sila sa hitsura ko samantalang hindi na maipinta ang mukha ko. Kasalanan ni Dean ito. Kung hindi siya nagsalita ay hindi sana malalaman ng kasamahan niya na tumalon ako mula sa pader dahil na-late ako. Kahit crush ko siya ay nakadama ako ng inis sa kanya. Bakit? Porke ba crush ko ang isang tao ay hindi na ako makakaramdam ng inis sa kanya? Ibang usapan na 'yon."Magkano ba ang isang letra, Brianna? Bibilhin ko na lahat para makauwi ka na sa bahay mo," nakangising buska ni Peter sa akin. Inirapan ko siya at ipinalo ko sa ulo niya ang hawak kong board. Hindi naman ito nasaktan dahil hind

    Last Updated : 2024-02-19
  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 15

    BriannaNasa loob na ako ng classroom namin at nakaupo na sa upuan ko ay hindi pa rin maipinta ang mukha ko. Hanggang ngayon ay naiinis pa rin kasi ako kay Dean. Hindi na nga niya ako ipinagtanggol noong nag-away kami ni Ivy ay siya pa ang naging dahilan para mahuli at maparusahan ako ngayon. Hay naku, kung hindi ko lamang siya crush ay baka nakatikim na siya sa akin ng medyo maanghang na mga salita. Medyo lang naman. Hindi naman kasi ako masyadong nagsasalita ng mga salitang hindi kanais-nais pakinggan. Hindi naman kasi ako mahilig magsalita ng ganoon dahil maayos ang pagpapalaki sa amin ng mga magulang namin."Tapos na ang parusa mo ay nakasimangot ka pa rin, Brianna? Move on ka na," puna sa akin ni Peter na biglang umupo sa katapat na upuan ko. Hindi pumasok ang subject teacher namin para sa oras na ito kaya wala kaming ginagawa. Mabuti na nga lang at hindi pumasok dahil kung pumasok ay siguradong absent ang magiging record ko dahil natagalan ako bago ko natapos ang aking punishment

    Last Updated : 2024-02-19

Latest chapter

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   79

    BRIANNAMalayang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok habang nakatayo ako sa gilid ng baybayin sa isang isla sa Samar kung saan ako naroon ngayon. Probinsiya ito ni Desna at siya ang nagsabi sa akin na masarap daw magbakasyon sa probinsiya nito dahil malapit sila sa tabing-dagat kaya presko ang hangin. Kaya nang inalok ako ni Desna na magbakasyon sa bahay-bakasyunan nito ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanggap ang alok niya. At hindi naman ako nagsisi na nagpunta ako rito dahil maliban sa totoong presko ang hangin ay nakapag-isip-isip na rin ako ng maayos. Tama si Bryle. Ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa amin ay pagsubok lamang sa amin ni Dean. Pagsubok na parehong nalampasan namin. Bryle was right when he said that I should give myself another chance to feel happiness. And only Dean could give me that happiness. Only he would make me happy. Sa loob ng halos tatlong buwan kong pananatili rito sa isla ay madalas tumatawag sa akin si Bryle para sabihin na nakikiu

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 78

    BRIANNANang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng aking silid at nakahiga sa aking kama, sa tabi ko ay naroon si Peter at nakayupyop ang ulo sa gilid ng aking kama at natutulog. Biglang umahon ang galit ko nang maalala ko ang sinabi niya bago ako nawalan ng malay. Bigla ko siyang pinaghahampas ng aking mga kamay."Bakit mo pinatay si Dean? Ano ang kasalanan niya sa'yo?" umiiyak na tanong ko kay Peter habang walang tigil ko siyang hinahampas ng aking mga kamay.Pupungas-pungas pa si Peter nang magising dahil sa sakit ng mga hampas ko sa kanya. Bigla itong napatayo at napaatras palayo sa akin."Calm down, Brianna! I am just kidding, okay?" pag-amin ni Peter sa akin. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Mamamatay tao? At isa pa, hahayaan ba ni Dean na patayin ko siya? Eh, mas magaling siyang makipaglaban kaysa sa akin."Sa aking narinig ay bigla akong napaiyak ng malakas. "I hate you, Peter. How could you joke at me like that?"Lumapit si Peter sa akin at nako-konsensiyang niyakap

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 77

    BriannaNanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Dean na siya palang kausap ni Rex sa opisina nito. Buhay si Dean. At higit sa lahat ay tama ang una kong hinala na siya at si Lance ay si Dean. Pero bakit niya iyon ito ipinagkaila sa akin? Bakit hinayaan niya ako magdusa sa pagkawala niya?Mabilis na tumayo sa kinauupuan niya si Dean at nilapitan ako. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Brianna. I'm sorry that I lied to you. I'm very sorry that I hid the truth that I'm alive."Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at dinama ang mainit niyang yakap. Akala ko ay hindi ko na mararanasan pang muli ang mayakap ng lalaking pinakamamahal ko.Akmang tutugunin ko na ang yakap niya nang sumagi sa isip ko ang mga paghihirap ng loob na ininda ko dahil sa pag-aakala kong patay na siya. Sukat sa isiping iyon ay itinulak ko siya at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha."Masaya ka ba sa ginawa mong pagpapanggap na patay ka na? Nag-enjoy ka ban

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 76

    BriannaPapasok na ako sa kotse ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong si Lance ang tumawag sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso pagkakita ko sa kanya ngunit agad kong isinantabi ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon ko nang makita ko siya. Mas napagtuunan ko ng pansin ang ginawa niyang pagbanggit sa pangalan ko."Bry, sandali lang. Gusto lang kitang makausap," sabi niya nang makalapit siya sa akin."Bakit mo alam ang pangalan ko? Kung hindi ka si Dean ay bakit alam mo ang palayaw niya sa akin?" Hindi siya si Dean pero bakit alam niya ang palayaw ko?"Nakalimutan mo na ba na binanggit mo nag palayaw mo noong unang beses na nagkita tayo? Kahit ang kaibigan mong si Desna ay tinawag binanggit naman niya ang pangalan mo," mabilis na paliwanag ni Dean.Huminga na lamang ako ng malalim. Hindi ko matandaan kung binanggit ko pa ang oangalan ko o hindi nang gabing iyon."Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinundan? Hindi ka

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 75

    BriannaKagagaling ko pa lamang sa lugar kung saan nahulog ang kotse ni Dean. Binisita ko ang lugar na iyon dahil gusto kong suriing mabuti kung may pag-asa bang makaligtas ang taong nahulog sa bangin na iyon. Ngunit kahit anong suri at posibilidad ay mukhang malayo na makaligtas si Dean sa nangyaring aksidente maliban na lamang kung may kapangyarihan siya. But he is just an ordinary person kaya imposible talaga na makaligtas siya.Sa halip na magtungo sa aking coffee shop ay nagdesisyon akong magtungo na muna sa mall at mag-ikot-ikot. Nang mapagod ay pumasok ako sa isang cake shop para mag-megmeryenda. Kasalukuyan akong kumakain ng isang slice ng strawberry cheesecake na binili ko nang makatanggap ako ng text mula kay Desna. Inimbitahan niya ako na dumalo sa award night next day, kung saan ay isa ito sa mga young fashion designer sa bansa na makatanggap ng award.Naisip ko na kailangan ko rin libangin ang sarili ko kaya sinabi ko sa kanya na aattend ako. Agad ko nang tinapos ang akin

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 74

    BriannaMagmula nang nalaman ko na hindi si Dean ang lalaking nakita ko na kamukha niya sa loob ng bar ay pilit kong iwinaglit siya sa aking isip. Naisip ko na tama si Rex. Dapat mag-move on na ako. Ayokong hindi matahimik ang kaluluwa ni Dean dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mapait niyang sinapit.Para malibang ko ang sarili ko ay madalas akong nagtutungo sa mall pagkatapos magsara ng coffee shop ko. Kagaya ngayon, maaga kaming nagsara dahil birthday ng dalawang staff ko. At dahil maaga pa kaya ipinasya kong maglibot sa mall hanggang sa mapgod ako. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay saka lamang ako uuwi sa bahay ko kapag nakaramdam na ako ng pagod at antok. Pagdating ko sa bahay ay matutulog agad ako kaya hindi ko na maiisip si Dean.Ngayon ay naabutan ako ng pagsasara ng mall dahil nanuod pa ako ng sine kaya paglabas ko ay mga sarado na pala ang bawat stall sa loob ng mall. Nagmamadaling lumaba ako ng mall dahil nakakaramdam na ako ng antok.Punuan ang park

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 73

    Brianna"D-Dean?" mahina ang boses na sambit ko sa taong pumigil sa kamay nang akmang gagantihan ko na ang ginawang pananampal sa akin ng babae."Don't you dare hurt her," nagtatagis ang mga ngipin na babala sa akin ni Dean. Matalim ang tingin niya at para bang hindi niya ako kilala na aking ipinagtaka."Dean. Is that really you? You're alive!" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Narito sa harapan ko si Dean at buhay na buhay. Pero paano nangyari iyon?Akmang yayakapin ko na siya ngunit biglang humarang ang babaeng nanampal sa akin."Hey! Bitch! Get away from him!" galit na sigaw nito sa akin."Let's go, Mina. Ipinapasundo ka na sa akin ng ama mo," kausap ni Dean sa babaeng Mina ang pangalan. Hinawakan nito sa balikat ang babae at hinila para umalis sa bar na kinaroroonan namin.Isang taon akong nangulila sa kanya. Isang taon akong nagdusa dahil inakala kong patay na siya. At ngayong nandito siya sa harapan ko ay hindi ko siya hahayaang mawala sa paningin ko nang hin

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 72

    BriannaMabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging Linggo, naging buwan at umabot na ng isang taon. Isang taon nang patay si Dean ngunit sariwa pa rin sa aking puso ang sakit at alaala ng kanyang mga huling sandali na kapiling ko siya.Sa loob ng isang taon ay pinilit kong mabuhay. Kumakain ako, umiinom, natutulog ngunit pakiramdam ko ay patay na ang kaluluwa ko. Sumama na ito kung nasaan man ngayon si Dean. Minsan ngumiti rin ako na hindi umaabot sa aking mga mata. Nabubuhay na lamang ako dahil ayokong masayang ang pagbubuwis ng buhay ni Dean para lamang mailigtas ako."Aalis ka, Ma'am Brianna?" tanong sa akin ni Petchy, ang cashier ng aking coffeeshop.Pinalaki ko ang aking coffeeshop at dito na lamang ibinugos ko ang lahat ng aking atensiyon. Ako ang madalas nagbabantay sa cashier ngunit kapag umaalis ako at may lakad ako ay si Petchy ang humahalili sa akin."Yes, Petchy. First death anniversary ngayon ng asawa ko at dadalawin ko siya ngayon." Hindi man kami natuloy na ikin

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 71

    BriannaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at binabantayan nina Peter, Bryle, at Desna."Thank God, gising ka na rin sa wakas, Ate Bri," kausap sa akin ng kakambal ko nang makita niyang iminulat ko ang aking mga mata. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang ang dalawa kong mga kamay.Bahagya kong itinulak ang kakambal ko at nagpalinga-linga ako sa paligid ng room. Hinahanap ko si Dean. "Nasaan si Dean, Bryle? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."Unfortunately, nasa in-denial stage pa ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Dean kaya pilit kong iniisip na nakaligtas siya t nasa loob din siya ng hospital."Ate Bri, wala na si Kuya Dean. Masyadong mataas at matarik ang bangen tapos sumabog pa ang kotse niya kaya imposibleng mabuhay siya." Isinampal ni Bryle sa mukha ko ang katotoohanan na pilit kong tinakasan."No! Hindi totoo iyn, Bryle! Nakaligtas si Dean! Dalawa kaming nakaligtas!" sigaw ko. Pilit akong bumangon sa kama dahil pupuntahan ko si Dean ngunit

DMCA.com Protection Status