Brianna
"Hintayin mo naman ako, Peter. Nakita mo na ngang marami akong libro na pupulutin 'tapos bibilisan mo pa ang paglalakad mo. Napaka-walang kuwenta mo talagang kaibigan. Napaka-ungentleman mo rin," nangungunsensiyang sabi ko sa kaibigan ko. Naglaglagan kasi sa semento ang ibang libro na dala ko habang naglalakad kami sa hallway ng school.Marami kasi akong hiniram na books dahil nagpapahiram din ang kakambal ko. Tinatamad kasi itong pumunta ng library kaya nakisabay na lang sa akin."Eh sino ba naman kasi ang nagsabing manghiram ka ng maraming libro? Mukhang nanuno sa punso ka yata at bigla kang sinipag magbasa," nang-aasar na sagot ni Peter."Hindi naman ito akin lahat. Mas marami ang kay Bry—" Napahinto ako sa pagsasalita nang pag-angat ko ng aking mukha ay wala na sa harapan ko ang kaibigan ko. Hmp! Napaka-ungetleman talaga. Hindi man lang huminto sa paglalakad para tulungan akong magbitbit ng mga dala-dala kong libro.Akmang tatayo na ako nang bigla na lamang may dalawang kamay mula sa likuran ko ang pumisil sa mga pisngi ko. Napakuyom ang isa kong kamao. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang hinahawakan at pinipisil ang mga pisngi ko na para bang isa akong bata na pinanggigigilan. At walang ibang tao na nangangahas gumawa sa akin niyon kundi si Peter lamang.Inihanda ko ang aking sarili at pagkatapos ay pabigla akong lumingon sa aking likuran para bigyan ko siya ng isang malakas na suntok. Ngunit nagulat ako nang paglingon ko ay biglang tumama ang nguso ko sa noo niya. Nakayuko pala ito sa likuran ko mismo at sobrang lapit ng mukha sa ulo ko kaya hindi sinasadyang n*******n ko siya sa noo."Bakit ka nanghahalik, Brianna? May gusto ka ba sa akin?" nakangising tudyo nito sa akin. Hindi man lang ito nagulat na bigla ko siyang n*******n sa noo samantalang ako ay biglang nanlaki ang mga mata. Siyempre, first kiss ko 'yon. Sabihin pang sa noo ko lamang siya n*******n at hindi pa sinasadya ay halik pa rin iyon. At hindi si Peter ang taong gusto kong maging unang halik kundi si Dean. Ngunit wala na. Nasira na ang pangarap kong maging first kiss ang binatilyo dahil sa pasaway kong kaibigan."Peter! Alam mong hindi ko 'yon sinasadya, okay?" nandidilat ang mga matang wika ko. Hindi ko rin napigilan ang mapasimangot. Sa panaginip man o sa totoong buhay ay talagang panira ito ng pangarap ko."Aminin mo nga, Brianna. You secretly had a crush on me, right? Hindi lang si Dean ang crush mo kundi ako rin," patuloy na panunudyo nito sa akin. Hindi mawala-wala sa mga labi nito ang natutuwang ngisi."In your dreams!"Tumawa lamang ng malakas si Peter sa sinabi ko. Pagkatapos ay kinuha niya ang ibang libro sa kamay ko at nagpatiunang naglakad habang kumakanta.Mas lalo akong napasimangot nang marinig ko ang lyrics ng gawa-gawa niyang kanta."Oh my sweet, Brianna. Why did you kissed me just now? Is it because you secretly likes me? Oohh...""Will you please shut up, Peter? Baka may makarinig pa sa'yo at mag-isip na totoo iyang kinakanta mo," nanggigigil na saway ko sa kanya. Paano na lang kapag may makapansin sa lyrics ng kanto nito? Eh di na-tsismis pa na may lihim akong gusto sa kanya kahit wala naman."Brianna secretly had a crush on me. Oohh..." patuloy na kanta ni Peter sa gawa-gawang lyrics.Hanggang sa nakalabas na kami ng building ay patuloy pa rin siya sa pagkanta sa walang kuwentang lyrics niya."Shut up, Peter!" naiinis kong sigaw sa kanya. Pero hindi siya tumigil sa pagkanta. Tatawa-tawa lamang ito at pasulyap-sulyap sa akin habang kumakanta.Tumakbo ako palapit sa kanya para bigyan siya ng isang tadyak sa puwit ngunit mabilis siyang nakailag at ipinagpatuloy ang pagkanta sa sariling lyrics. Tila tuwang-tuwa ito sa nakikitang pagkainis sa mukha ko."Talaga, Peter? Hinalikan ka ni Brianna?" tanong ng kaklase naming si Rhea na nakarinig pala at naka-intindi sa lyrics ng kanta ni Peter.Hindi sumagot si Peter. Pero nakangising tumango naman sa kaklase namin na siyang pinaka-tsismosa sa loob ng classroom namin. Kapag minamalas ka nga naman talaga."It's not true, Rhea. Kaya huwag kang maniwala sa lalaking iyan," sabi ko sa kaklase namin kahit pa alam ko naman na hindi pa rin niya ako paniniwalaan."Eh, ano ang tawag sa ginawa mo sa akin kanina kung hindi totoo na hinalikan mo ako? Balat na dumikit sa ibang balat?" amused na tanong ni Peter. Talagang ayaw akong tantanan sa ginagawang pang-iinis."Correction. Hindi kita hinalikan, okay? Ang nangyari kanina ay aksidente lamang. So I didn't considered it as a kiss, okay?" hindi lang yata mga mata ko ang nanlalaki kundi maging ang dalawang butas ng ilong ko sa sobrang pagkapikon."So it's confirmed! You really did kissed, Peter," namimilog ang mga matang bulalas ni Rhea. May maichi-chismis na naman ito sa classroom namin.Igigiit ko pa sana sa tsismosa naming kaklase na hindi ko nga hinalikan si Peter pero bigla na lamang niya akong tinalikuran. At nahuhulaan ko na kung saan ito pupunta. Sa loob ng classroom namin para ipagkalat ang maling impormasyong nalaman."Nakakainis ka talaga, Peter! Dahil sa'yo ay machi-chismis pa tayo ngayon," masama ang tinging wika ko sa kanya. Ngunit hindi naman ito apektado sa aking pagsusungit. Talagang sanay na ito sa ugali kong gano'n kapag naiinis."Eh ano naman ngayon? Mabuti nga't sa akin ka machi-chismis at hindi sa crush mo. Kapag na-chismis kayo ni Dean na may relasyon ay siguradong dadami ang kaaway mo dito sa school.""Ang boses mo hinaan mo, gosh! Baka may makarinig ulit sa'yo." gustung-gusto ko na talagang sakalin ang kaibigan kong ito. May balak pa yata itong ipangalandakan sa buong campus na may lihim akong crush kay Dean.Sa halip na hinaan ni Peter ang boses ay mas lalo lamang nitong nilakasan kaya napalapit ako sa kanya. Pero mabilis siyang nakalayo sa akin kaya naiwan na naman akong nanggigigil sa kanya.Sa sobrang inis ko sa nakangisi niyang pagmumukha ay walang pakundangan kong hinubad ang isa kong sapatos at pinalipad sa mukha niya. Ngunit mabilis niyang nailagan ang aking sapatos.Akala ko ay lalagapak lamang sa lupa ang aking sapatos ngunit hindi pala sa lupa lumagapak kundi sa dibdib ng isang lalaking estudyante na nakatayo malapit sa kinatatayuan ni Peter.Nanlaki ang mga mata ko at nakagat ko ang aking pang-ibabang labi nang makita ko kung sino ang lalaking estudyante na minalas na matamaan ng madumi kong sapatos. Ito't walang iba kundi si Dean! Ang aking pinakamamahal. Tarantang napalapit tuloy ako sa kanya."Oh my God! Dean, I'm sorry. Hindi ko sinasadya. Naku, nadumihan ng sapatos ko ang uniform mo. Ano'ng gagawin ko?" hindi magkandatutong sabi ko kay Dean habang pilit kong inaalis sa pamamagitan ng mga daliri ko ang nagmarkang dumi na dumikit sa damit niya.Ang lakas ng tawa ni Peter sa katangahang ginawa ko. Tila tuwang-tuwa ito na makitang napapahiya ako sa harapan ni Dean."Ang ganda ng imprenta ng damit mo, Dean. Saan ka ba nagpa-imprenta at magpapa-print din ako ng ganyang design?" nakangising tanong nito kay Dean. Ang tinutukoy nitong design ay ang marka ng maruming sapatos ko na dumikit sa puting uniporme ng binata.Saglit kong itinigil ang ginagawa kong pagkuskos ng dumi sa damit ni Dean para tapunan ng masamang tingin ang kaibigan ko na abot hanggang tainga ang pagkakangisi."Kasalanan mo 'to! Kung hindi ka sana umilag ay hindi mapupunta ang sapatos ko kay Dean. Hindi sana nadumihan ang damit niya ngayon," paninisi ko sa kanya. Pagkatapos ay muli kong kinuskos ng aking mga daliri ang dumi.Muli akong napakagat ng mga labi ko nang sa halip na maalis ang dumi sa uniform ni Dean ay mas lalo lamang itong kumapit at kumalat pa. Napapikit ako dahil sobra akong kinakabahan. Natatakot ako na baka magalit siya sa akin. Pero dagli rin akong napamulat ng mga mata nang biglang hinawakan nito ang dalawa kong kamay na patuloy na kinukuskos ang dumi kahit na hindi naman iyon natatanggal."No need to scrub it. Hindi naman tubig at sabon ang mga daliri mo para maalis ang dumi," ani Dean habang inilalayo ang mga kamay ko sa damit niya. As usual, seryoso pa rin ang anyo nito na siyang madalas nitong expression.Kahit hindi ko na kinukuskos ang dumi sa damit niya ay pareho pa rin kaming nakatayo sa harapan ng isa't isa habang magka-hugpong ang aming mga paningin. Tila pareho kaming nabatubalani sa isa't isa.Sobrang bilis ng tibok ng aking puso habang nakatitig ako sa kanyang mga mata. Ito ang unang beses na nagkatitigan kami ng matagal at ganito pa kalapit sa isa't isa. Nakita kong bahagyang gumalaw ang kanyang 'di kalakihan pang adam's apple. Doon napatutok naman ang mga mata ko. And I found it cute and adorable. Tila may sariling isip ang kamay ko na umangat at marahang hinaplos ang gumagalaw niyang adam's apple."Brianna, nakakahiya ka! Kababae mong tao ay ikaw itong nauunang humawak sa lalaki," sigaw ni Peter sa aking tabi. Mabilis niyang kinuha ang kamay kong humahaplos sa leeg ni Dean at mabilis na hinila palayo sa binatilyo.Hinarap ko ang kaibigan ko at piningot ko siya sa kanyang tainga bago pa siya makatakbo ulit. "Mabuti at ikaw na ang lumapit sa akin. Halika rito at mag-uusap tayo.""Ouch! It hurts, Brianna!" reklamo nito pero hindi ko pinansin.Kipkip ko sa isang kamay ang dala kong mga libro samantalang hawak naman ng isang kamay ko ang tainga ni Peter na naglakad kami papunta sa classroom namin. Excuse ko na lang ang ginawa kong pagpingot sa tainga ni Peter para makaiwas sa nakakahiyang sitwasyong iyon. Hindi ko kasi alam kung ano ang pumasok sa utak ko't bigla ko na lamang hinaplos ang adam's apple ni Dean. Hay naku, nakakahiya talaga ang ginawa ko."BRIANNA, sorry na. Hindi na kita aasarin pa tungkol sa nangyaring halik."Magmula nang makapasok kami sa loob ng classroom namin ay walang tigil na si Peter sa kakahingi ng tawad sa akin. Ngunit hindi ko feel na patawarin siya kaagad lalo pa't pagpasok namin sa classroom kanina ay inulan kami ng panunudyo ng aming mga kaklase. Sabi ko na nga ba't ipagkakalat kaagad ni Rhea ang bagong tsismis na nakalap. Talagang walang tatalo rito bilang numero unong tsismosa sa school namin lalong-lalo na sa aming classroom."Dahil sa'yo ay dalawang beses akong napahiya sa harapan ni Dean kaya hindi kita mapapatawad," masama ang loob na sabi ko sa kanya. Naiinis talaga ako kay Peter dahil siya ang sinisisi ko kung bakit ako napahiya sa harapan ni Dean."Ayos lang 'yon. Naka-tsansing ka naman sa kanya. Saka dapat nga'y magpasalamat ka pa sa'kin dahil nagawa mong maka-tsansing sa crush mo dahil sa akin," mahina ang boses na wika nito habang nakangisi."Peter!" inis kong sigaw. Napatingin tuloy sa amin ang mga tsismosa naming kaklase lalo na si Rhea na parang rabbit sa laki ang mga tainga."Uuyy, may lover's quarrel silang dalawa," tukso sa amin ng isang kaklase naming lalaki. Lalong tumindi ang inis ko kay Peter nang magtawanan ang lahat ng mga kaklase naming nasa loob ng classroom."Sorry na ulit. Promise, hindi ko na talaga babanggitin 'yon. Saka hindi naman nila narinig iyong sinabi ko na crush mo si Dean dahil hininaan ko naman ang boses ko," ani Peter. Umupo ito sa armchair ng silya ko at umakbay sa akin.Dahil naiinis talaga ako sa kanya kaya hindi ko na siya pinansin pa. Nagkunwari ako na hindi siya nag-e-exist sa paligid ko."Sorry na talaga, please. At bilang peace offering ko sa'yo ay ililibre kita ng paborito mong ice cream kapag wala tayong pasok sa ating pang-huling subject sa hapon."Bigla akong napalingon sa kanya. "Talaga? Ililibre mo ako ng ice cream?" namimilog ang mga mata na parang bata na tanong ko sa kanya. Weakness ko talaga ang ice cream. It's my favorite dessert. Kaso minsan lang kami payagan ni Mommy na kumain ng ice cream dahil baka mabilis daw na masira ang ngipin namin. Sobrang lamig at tamis daw kasi ng ice cream kaya hindi maganda sa ngipin. Araw-araw naman kaming nagto-toothbrush ni Bryle pero ayaw pa rin niya kaming pakainin masyado ng ice cream.Tumango si Peter. "Ako ang magbabayad sa lahat ng ice cream na mauubos mo basta bati na ulit tayo."Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at pinanggigilan. "Ang cute mo talaga, Peter. Pero mas cute ka kapag kumakain na tayo ng ice crea—"Sabay kaming napaigtad ni Peter nang bigla na lamang may bumagsak na kung anong bagay sa ibabaw ng table ko. Napalingon ako sa pinanggalingan ng bumagsak na bagay na walang iba kundi ang sapatos ko na tumama sa dibdib ni Dean at basta ko na lamang iniwan sa labas kanina. Dahil kasi sa pagkapahiya ay hindi ko na nagawang kunin at isuot ang aking sapatos.Nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng aking puso nang makita kong nasa tabi ko pala si Dean at seryoso ang mukha habang nakatingin sa amin ni Peter. Mukhang nakahiram ito ng uniform dahil malinis na ang suot nito at wala nang marka ng dumi ng sapatos ko."Naiwan mo ang sapatos mo doon sa labas," maikling sabi ni Dean bago walang paalam na tumalikod at naglakad palabas ng aming classroom. Naiwan akong nakatunganga habang nakasunod lamang ng tingin sa papalabas niyang pigura.BriannaIlang minuto nang nakalabas si Dean ay nananatili pa rin akong natunganga sa nilabasan niyang pintuan. For the first time ay pinuntahan niya ako sa classroom ko kahit pa para lamang ibigay ang naiwan kong sapatos sa labas kanina. Kahit gano'n lang ay masaya pa rin ako na pinuntahan niya ako."Breath, Brianna, for Pete's sake! Wala na siya pero halos hindi ka pa rin humihinga diyan. Gusto mo bang siya ang maging dahilan para matigok ka?" may pagkainis sa tono ng boses ni Peter nang magsalita. Bahagya pa nitong niyugyog ang aking balikat na tila ginigising ako. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakahanda na ang nakamamatay kong tingin para sa kanya. "Oopss, sorry. Ginigising lang kita dahil baka nangangarap ka pa rin," tabingi ang pagkakangiti na turan niya."Makukulong ba ako kung papatay ako ngayon ng kutong-lupa?" tanong ko sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nakahanda ko siyang sakalin kapag mahawakan ko siya. Habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya ay dahan-
Brianna"O bakit mas maaga ka yatang gumising ngayon, Brianna?" hindi napigilang puna sa akin ng Mommy ko nang makita niyang four-thirty palang ng umaga ay gising na ako. Gising na rin si Mommy kasi maaga talaga siya kung gumising. Inaasikaso niya kasi lahat ng gamit namin bago pumasok sa school. Mula sa paghahanda sa mga uniform namin ni Bryle, sapatos, baon na pagkain sa school saka iyong umagahan namin. Actually, I can do it by myself. And Bryle too. We're big enough para i-asa pa namin kay Mommy ang mga ganoong bagay. But she insisted to do it. Gusto raw kasi niya na siya ang mag-asikaso sa amin dahil siya ang nanay. Kaya hinayaan na lang namin siya na gawin ang gusto niya."Gusto ko kasing sumabay kay Dean sa pagpasok sa school, Mommy," matamis ang pagkakangiting sagot ko sa kanya."Pero masyado pang maaga, Brianna. Mamayang alas otso pa ang pasok ninyo. Siguradong aantukin ka lang sa loob ng classroom. Bumalik ka sa loob at matulog muli," utos niya sa akin.Nakasimangot na buma
Brianna"Bakit sambakol na naman iyang mukha mo? Nag-asaran na naman ba kayo ni Bryle at ikaw na naman ang talo?" tanong ni Peter nang lumapit siya sa kinauupuan ko."Wala ako sa mood Peter kaya puwede bang huwag mo muna akong asarin?" nakasimangot na sabi ko sa kanya. Dahil sa nakita ko kanina kaya napagbuntunan ko tuloy ng inis ang walang muwang kong kaibigan."Aba, Miss Briannang masungit. Bakit ikaw ang nagsusungit ngayon sa akin? Hindi ba dapat ako ang magalit at mainis sa'yo dahil hindi mo ako sinipot kahapon? Nagmukha tuloy akong tanga sa kakahintay sa'yo kahapon," nakasimangot niyang saad. Napakagat ako ng mga labi ko nang maalala ko na hindi ko nga pala siya sinipot kahapon dahil kay Dean. Ni hindi ko nga siya nakuhang i-text or tawagan para sabihin na hindi ako makakarting. And it's all Dean's fault. Nakakalimutan ko talaga ang lahat kapag nasa paligid ko si Dean."Oo nga pala. Sorry. Nakalimutan ko na may usapan nga pala tayo," hindi ko na sinabi sa kanya na dahil kay Dean
BriannaAlas siyete na pero hindi pa rin ako lumalabas ng bahay namin para pumunta sa acquaintance party ng school namin. Hindi lang dahil sa tinatamad akong magpunta roon kundi dahil sa alam kong may ibang ka-date ang crush ko."Bakit hindi ka pa umaalis, Brianna? Anong oras ba ang party ninyo?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ng mommy ko nang makita niyang nasa sala pa ako at nakaupo na parang wala akong balak na umalis."Medyo tinatamad kasi akong um-attend, Mom. Wala kasi si Peter dahil reunion ng family niya kaya parang ayaw ko na ring magpunta," sagot ko sa kanya. Hindi ko na sinabi na naiinis ako dahil may ka-date si Dean na ibang babae. At ang pinakasikat na estudyante pa sa school namin."So, hindi ka na pupunta niyan?"Huminga ako ng malalim bago sinagot ang mommy ko. "Pupunta pa rin pero mayamaya na siguro."Kung hindi lamang ako nakapangako kay Alex na magiging ka-date niya ay hindi na sana ako pupunta. Kaso kapag inindiyan ko naman siya ay baka naman isipin niya na wa
Brianna"Oouch...ang sakit ng ulo ko," daing ko nang magising ako sa umaga. Ito yata ang tinatawag nilang hangover. Mayamaya ay napatakbo ako sa loob ng banyo dahil biglang bumaliktad ang aking sikmura. Inilabas ko yata ang lahat ng mga kinain ko kagabi pati na rin ang nainom kong alak. "Kahit kailan ay hindi na ako iinom ng nakalalasing na inumin," mahinang sabi ko sa aking sarili. Nanghihinang napabalik ako sa higaan ko at muling nahiga sa kama. Nahihilo kasi ako at parang binibiyak ang ulo ko sa sakit."Ate Brin, gising ka na?" tanong sa akin ni Bryle na biglang kumatok sa pintuan ng aking kuwarto. "Brin" ang palayaw niya sa akin dahil nahahabaan siya sa pagbigkas sa pangalan ko kahit tatlong syllables nga lang ang "Brianna"."Yes, gising na ako," mahina kong sagot pero sinigurado kong nakaabot pa rin sa pandinig niya. Pagpasok ni Bryle sa loob ng kuwarto ko ay bigla akong nagtalukbong ng aking kumot. Ayokong makita niya ang haggard kong hitsura dahil mahahalata niyang may hangover
BriannaNaglalakad ako sa corridor papunta sa classroom namin nang bigla akong harangin ng grupo ni Ivy. Mukhang gulo yata ang hanap nila. Ano naman kaya ang nagawa kong kasalanan sa kanila?Ayoko ng gulo kaya nilagpasan ko na lamang sila ngunit bigla na lamang hinawakan ni Ivy ang isa kong braso at malakas na isinandig sa pader. Nasaktan ako nang mauntog ang ulo ko sa pader pero hindi ako nagreklamo."Ano ba ang problema mo, Ivy?" pilit akong nagpakahinahon kahit na gusto ko na siyang tarayan. Masakit ang pagkakahawak niya sa mga braso kaya nasisiguro ko na magkakaroon ng pasa kung saan siya nakahawak ng mahigpit."Ano ang problema ko? Ikaw ang problema ko, Brianna. Masyado kang papansin kay Dean. Pero huwag mong isipin na porke't inihatid ka niya noong gabi ng acquaintance party ay may gusto na siya sa'yo kaagad," nandidilat ang mga matang sabi niya sa akin. Mukhang nagalit siya ng sobra dahil sa ginawang paghahatid sa akin ni Dean noong party. Mabuti na lamang at hindi niya nalaman
BriannaLahat kami na kasali sa naganap na away ay humantong sa loob ng guidance office. Pare-parehong magugulo ang mga buhok namin at may mga kinalmutan. Pero dahil tatlo sila habang ako ay nag-iisa lamang ay ako ang mas na-agrabyado. Mas maraming kalmot sa mga braso leeg at mukha ang aking natamo at may putok pa ang gilid ng aking mga labi dahil sa malakas na sampal ni Ivy na pinadapo sa pisngi ko. Base sa usapang nagaganap ngayon sa loob ng guidance office ay ako ang lumalabas na may kasalanan. Halatado kasi sa pananalita ni Mrs. Katakutan na kumakampi ito kay Ivy. Porke't kasama sa honor list si Ivy ako'y hindi kung kaya't ito ang kinakampihan ng aming prinsipal."Ayoko nang maulit pa ang nangyaring kaguluhan na ito, Ms. Aguilar. Kapag inulit mo pa ito ay hindi lamang ipapatawag ko ang parents mo kundi i-expelled kita sa school na ito," babala sa akin ni Mrs. Katakutan. "Ma'am, hindi ako natatakot na ipatawag mo ang parents ko dahil wala akong kasalanan. Ilang ulit ko bang sasab
Brianna"Ouch! Dahan-dahan lang naman, Bryle. Ang hapdi kaya," reklamo ko sa kapatid ko habang nilalagyan niya ng gamot ang mga kalmot ko sa braso, leeg at mukha. "Nakaramdam ka na ngayon ng sakit? Habang nakikipagkalmutan ka kanina ay hindi mo naisip na mahapdi kapag ginamot ang mga kalmot mo?" nakataas ang kilay na tanong niya sa akin. Napa-aray ulit ako nang bigla niyang diniinan ang paglalagay ng betadine sa leeg ko."Hindi ko na naisip 'yon kanina. Ang mahalaga lamang sa akin ay maipagtanggol ko ang sarili ko," nakangusong sagot ko. Napailing na lamang siya at ipinagpatuloy ang paglalagay ng betadine sa mga sugat ko. Mayamaya ay biglang dumating ang humahangos kong best friend."Brianna, okay lang ba?" agad na tanong nito pagkapasok sa sala namin. Lumapit siya sa akin at umupo sa aking tabi habang sinisipat ang aking mga sugat.Napairap ako sa kanya. "Mukha ba akong okay?"Tumayo si Bryle at nagpaalam. "Mabuti at nandito ka Peter. Pakigamot naman ang mga sugat ng ate ko't kaila
BRIANNAMalayang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok habang nakatayo ako sa gilid ng baybayin sa isang isla sa Samar kung saan ako naroon ngayon. Probinsiya ito ni Desna at siya ang nagsabi sa akin na masarap daw magbakasyon sa probinsiya nito dahil malapit sila sa tabing-dagat kaya presko ang hangin. Kaya nang inalok ako ni Desna na magbakasyon sa bahay-bakasyunan nito ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanggap ang alok niya. At hindi naman ako nagsisi na nagpunta ako rito dahil maliban sa totoong presko ang hangin ay nakapag-isip-isip na rin ako ng maayos. Tama si Bryle. Ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa amin ay pagsubok lamang sa amin ni Dean. Pagsubok na parehong nalampasan namin. Bryle was right when he said that I should give myself another chance to feel happiness. And only Dean could give me that happiness. Only he would make me happy. Sa loob ng halos tatlong buwan kong pananatili rito sa isla ay madalas tumatawag sa akin si Bryle para sabihin na nakikiu
BRIANNANang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng aking silid at nakahiga sa aking kama, sa tabi ko ay naroon si Peter at nakayupyop ang ulo sa gilid ng aking kama at natutulog. Biglang umahon ang galit ko nang maalala ko ang sinabi niya bago ako nawalan ng malay. Bigla ko siyang pinaghahampas ng aking mga kamay."Bakit mo pinatay si Dean? Ano ang kasalanan niya sa'yo?" umiiyak na tanong ko kay Peter habang walang tigil ko siyang hinahampas ng aking mga kamay.Pupungas-pungas pa si Peter nang magising dahil sa sakit ng mga hampas ko sa kanya. Bigla itong napatayo at napaatras palayo sa akin."Calm down, Brianna! I am just kidding, okay?" pag-amin ni Peter sa akin. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Mamamatay tao? At isa pa, hahayaan ba ni Dean na patayin ko siya? Eh, mas magaling siyang makipaglaban kaysa sa akin."Sa aking narinig ay bigla akong napaiyak ng malakas. "I hate you, Peter. How could you joke at me like that?"Lumapit si Peter sa akin at nako-konsensiyang niyakap
BriannaNanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Dean na siya palang kausap ni Rex sa opisina nito. Buhay si Dean. At higit sa lahat ay tama ang una kong hinala na siya at si Lance ay si Dean. Pero bakit niya iyon ito ipinagkaila sa akin? Bakit hinayaan niya ako magdusa sa pagkawala niya?Mabilis na tumayo sa kinauupuan niya si Dean at nilapitan ako. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Brianna. I'm sorry that I lied to you. I'm very sorry that I hid the truth that I'm alive."Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at dinama ang mainit niyang yakap. Akala ko ay hindi ko na mararanasan pang muli ang mayakap ng lalaking pinakamamahal ko.Akmang tutugunin ko na ang yakap niya nang sumagi sa isip ko ang mga paghihirap ng loob na ininda ko dahil sa pag-aakala kong patay na siya. Sukat sa isiping iyon ay itinulak ko siya at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha."Masaya ka ba sa ginawa mong pagpapanggap na patay ka na? Nag-enjoy ka ban
BriannaPapasok na ako sa kotse ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong si Lance ang tumawag sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso pagkakita ko sa kanya ngunit agad kong isinantabi ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon ko nang makita ko siya. Mas napagtuunan ko ng pansin ang ginawa niyang pagbanggit sa pangalan ko."Bry, sandali lang. Gusto lang kitang makausap," sabi niya nang makalapit siya sa akin."Bakit mo alam ang pangalan ko? Kung hindi ka si Dean ay bakit alam mo ang palayaw niya sa akin?" Hindi siya si Dean pero bakit alam niya ang palayaw ko?"Nakalimutan mo na ba na binanggit mo nag palayaw mo noong unang beses na nagkita tayo? Kahit ang kaibigan mong si Desna ay tinawag binanggit naman niya ang pangalan mo," mabilis na paliwanag ni Dean.Huminga na lamang ako ng malalim. Hindi ko matandaan kung binanggit ko pa ang oangalan ko o hindi nang gabing iyon."Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinundan? Hindi ka
BriannaKagagaling ko pa lamang sa lugar kung saan nahulog ang kotse ni Dean. Binisita ko ang lugar na iyon dahil gusto kong suriing mabuti kung may pag-asa bang makaligtas ang taong nahulog sa bangin na iyon. Ngunit kahit anong suri at posibilidad ay mukhang malayo na makaligtas si Dean sa nangyaring aksidente maliban na lamang kung may kapangyarihan siya. But he is just an ordinary person kaya imposible talaga na makaligtas siya.Sa halip na magtungo sa aking coffee shop ay nagdesisyon akong magtungo na muna sa mall at mag-ikot-ikot. Nang mapagod ay pumasok ako sa isang cake shop para mag-megmeryenda. Kasalukuyan akong kumakain ng isang slice ng strawberry cheesecake na binili ko nang makatanggap ako ng text mula kay Desna. Inimbitahan niya ako na dumalo sa award night next day, kung saan ay isa ito sa mga young fashion designer sa bansa na makatanggap ng award.Naisip ko na kailangan ko rin libangin ang sarili ko kaya sinabi ko sa kanya na aattend ako. Agad ko nang tinapos ang akin
BriannaMagmula nang nalaman ko na hindi si Dean ang lalaking nakita ko na kamukha niya sa loob ng bar ay pilit kong iwinaglit siya sa aking isip. Naisip ko na tama si Rex. Dapat mag-move on na ako. Ayokong hindi matahimik ang kaluluwa ni Dean dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mapait niyang sinapit.Para malibang ko ang sarili ko ay madalas akong nagtutungo sa mall pagkatapos magsara ng coffee shop ko. Kagaya ngayon, maaga kaming nagsara dahil birthday ng dalawang staff ko. At dahil maaga pa kaya ipinasya kong maglibot sa mall hanggang sa mapgod ako. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay saka lamang ako uuwi sa bahay ko kapag nakaramdam na ako ng pagod at antok. Pagdating ko sa bahay ay matutulog agad ako kaya hindi ko na maiisip si Dean.Ngayon ay naabutan ako ng pagsasara ng mall dahil nanuod pa ako ng sine kaya paglabas ko ay mga sarado na pala ang bawat stall sa loob ng mall. Nagmamadaling lumaba ako ng mall dahil nakakaramdam na ako ng antok.Punuan ang park
Brianna"D-Dean?" mahina ang boses na sambit ko sa taong pumigil sa kamay nang akmang gagantihan ko na ang ginawang pananampal sa akin ng babae."Don't you dare hurt her," nagtatagis ang mga ngipin na babala sa akin ni Dean. Matalim ang tingin niya at para bang hindi niya ako kilala na aking ipinagtaka."Dean. Is that really you? You're alive!" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Narito sa harapan ko si Dean at buhay na buhay. Pero paano nangyari iyon?Akmang yayakapin ko na siya ngunit biglang humarang ang babaeng nanampal sa akin."Hey! Bitch! Get away from him!" galit na sigaw nito sa akin."Let's go, Mina. Ipinapasundo ka na sa akin ng ama mo," kausap ni Dean sa babaeng Mina ang pangalan. Hinawakan nito sa balikat ang babae at hinila para umalis sa bar na kinaroroonan namin.Isang taon akong nangulila sa kanya. Isang taon akong nagdusa dahil inakala kong patay na siya. At ngayong nandito siya sa harapan ko ay hindi ko siya hahayaang mawala sa paningin ko nang hin
BriannaMabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging Linggo, naging buwan at umabot na ng isang taon. Isang taon nang patay si Dean ngunit sariwa pa rin sa aking puso ang sakit at alaala ng kanyang mga huling sandali na kapiling ko siya.Sa loob ng isang taon ay pinilit kong mabuhay. Kumakain ako, umiinom, natutulog ngunit pakiramdam ko ay patay na ang kaluluwa ko. Sumama na ito kung nasaan man ngayon si Dean. Minsan ngumiti rin ako na hindi umaabot sa aking mga mata. Nabubuhay na lamang ako dahil ayokong masayang ang pagbubuwis ng buhay ni Dean para lamang mailigtas ako."Aalis ka, Ma'am Brianna?" tanong sa akin ni Petchy, ang cashier ng aking coffeeshop.Pinalaki ko ang aking coffeeshop at dito na lamang ibinugos ko ang lahat ng aking atensiyon. Ako ang madalas nagbabantay sa cashier ngunit kapag umaalis ako at may lakad ako ay si Petchy ang humahalili sa akin."Yes, Petchy. First death anniversary ngayon ng asawa ko at dadalawin ko siya ngayon." Hindi man kami natuloy na ikin
BriannaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at binabantayan nina Peter, Bryle, at Desna."Thank God, gising ka na rin sa wakas, Ate Bri," kausap sa akin ng kakambal ko nang makita niyang iminulat ko ang aking mga mata. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang ang dalawa kong mga kamay.Bahagya kong itinulak ang kakambal ko at nagpalinga-linga ako sa paligid ng room. Hinahanap ko si Dean. "Nasaan si Dean, Bryle? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."Unfortunately, nasa in-denial stage pa ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Dean kaya pilit kong iniisip na nakaligtas siya t nasa loob din siya ng hospital."Ate Bri, wala na si Kuya Dean. Masyadong mataas at matarik ang bangen tapos sumabog pa ang kotse niya kaya imposibleng mabuhay siya." Isinampal ni Bryle sa mukha ko ang katotoohanan na pilit kong tinakasan."No! Hindi totoo iyn, Bryle! Nakaligtas si Dean! Dalawa kaming nakaligtas!" sigaw ko. Pilit akong bumangon sa kama dahil pupuntahan ko si Dean ngunit