Si Ysabella ay isang cloistered nun, ang babaeng mas pinili ang mamuhay sa apat na sulok ng monesteryo at ilaan ang buhay sa pagsamba at paglilingkod ng tahimik sa Diyos. Napakasaya niya at ilang araw na lamang ay matutupad na ang pangarap niyang maging ganap na perpetual cloistered nun, ngunit hindi niya inaasahan ang bilaang pagbisita ng kanyang nag-iisa at nakakatandang kapatid. Inamin nitong miyembro ng organisyon ng mga mafia at siya ay pinaparatangang nagtraidor sa grupo kaya kailangan nitong umalis at magtago. Nagmakaawa itong proprotektahan niya ang kanilang mga magulang sa maaring gawin ng grupo sa kanilang pamilya kung kayat napilitan siyang lumabas sa monesteryo. Hindi niya akalaing ganun kasama ang sinalihang grupo ng kanyang kapatid lalong lalo na ang pinuno na si Eric Madrigal na walang awang basta na lamang kumikitil ng buhay sa kanyang harapan. Sa galit nito sa kanyang kapatid ay puwersahan siyang inilayo sa kanyang pamilya upang pagbayaran ang kasalanan ng kapatid. Ano kaya ang naghihintay na kapalaran ni Ysabella sa kamay ng pinakamasamang mafia boss sa buong daigdig? Makakabalik pa kaya siya sa monesteryo?
View MoreMataas na ang araw ng magising si Yzabella. Sa unang pagkakataon ay ngayon lamang siya nagising ng lampas lampas sa alas singko. Matagal silang nag-usap at nagkwentuhan ni Eric kagabi at sa ilang buwang napupuyat dahil sa kaiisip dito ay ngayon lamang siya nakatulog ng nakangiti at matiwasay. She was wrapped by Eric’s arm the whole night kung kayat umaapaw ang labis na kaligayahan sa kanyang puso. Inextend niya ang braso sa katabi upang siya naman ang magbigay ng mainit at mahigpit na yakap dito ngunit naimulat niya ng bahagya ang mata sapagkat wala naman ang binata sa kanyang tabi. Mabilis siyang bumaling sa kabilang side and came to realized na napagitnaan siya ng dalawang unan na malalaki.“Eric?!”, agad siyang napabalikwas ng bangon at hinanap sa loob ng kuwarto ang bulto ng binata. Tinignan niya sa ibat ibang sulok ng kuwarto, sa likod ng mga kurtina at maging sa ilalim ng kama ngunit ni anino nito ay hindi niya nakita. Sapo ang ulo ay napaupo siya sa gilid ng higaan kasabay ng pa
“I’m sorry, sweetheart; I’m really sorry!”, si Eric na pinupog ng halik ang ulo ng dalaga habang hindi mapigilan ang pag-iyak. Akala niya hindi tanggap ni Yzabella ang kanyang pagkatao kaya bigla itong nagdesisyong lumayo sa kanya. Si Yzabella ang una at tanging babaing kanyang minahal kaya sobra siyang nagalit sa gainagalawang mundo, feeling niya siya ang pinakamasamang tao sa mundo at hindi siya nararapat sa pagmamahal nito. Pero mahal na mahal niya ang dalaga at kaya niyang talikuran ang lahat upang maging karapat dapat lamang siya dito.“I love you so much, hindi ko na alam ang mabuhay kung wala ka.”, madamdaming turan niya dito. Sa halos mahigit dalawang buwan nilang hindi pagkikita ay tila walang saysay ang kanyang buhay dahil walang oras na lumipas na hindi niya ito iniisip.“Wait lang, anong pinagsasabi mo?”, ang dalagang biglang kumawala mula sa kanyang pagkakayakap at bahagyang idinistansiya ang sarili. Sa inasal ng dalaga ay nakangiti siyang tumingin sa mukha nito. Still, t
After 5 minutes’ drive ay narating din nila ang maraming kabahayan, hindi niya inexpect na may malaking community na nakatago sa loob ng isang private property. Halatang may magaganap na special occasion dahil maraming nakasabit na banderitas at nagkalat sa paligid ang maraming tao. Nang makitang parating ang kanilang sasakyan ay nagsipagtabi ang mga ito upang bigyan ng madadaanan hanggang sa kung saan nagpark ang binata.“We’re here, I hope you’ll enjoy.”, bago tinanggal ang seatbelt ay tumingin muna sa kanya ang binata.“Surely, I will.”, pahayag naman niya habang nakangiti. Ngayon lamang siya mkaattend ng pista sa bayan at kanina pa siya naeexcite ng makakita ng banderitas at maraming tao.“I’m happy to hear that because this will be your home.”, nakangiting wika ng binata at bahagya siyang natawa dito.“Baba na tayo, kanina pa yata namamaga ang mga mata ng mga tao sa kahihintay saiyo , ilang minuto na lang mahihigblood ang mga yan saiyo.”, turan niya pagkatapos ay binalingan na an
Mula sa pagkaidlip ay nagisng si Yzabella ng maramdamang may humahaplos sa kanyang buhok. Parang ayaw pa niyang ibuka ang mga mata dahil feeling niya ay gusto pa ng kanyang katawan ang magpahinga at matulog. Ngunit hindi tumitigil ang humahaplos sa kanyang buhok kung kayat unti unti niyang ibinuka ang mga mata; napakunot siya ngunit bigla ring pinanlakihan ng mata ng mamulatan si Earl Rick habang nakaupo sa gilid ng kama at nakangiting nakatunghay sa kanya.“Time to get up sweetie, were going to attend the program in the farm.”, saad nito habang hindi matanggal tanggal ang magandang pagkakangiti sa mga mukha. Agad naman siyang napabalikwas ng bangon ngunit ng maramdamang walang siyang kahit na anumang saplot sa katawan ay mabilis niyang hinila ang kumot at ibinalot sa sarili. Ngunit ng maalala ang mga nangyari ay agad siyang bumaba sa higaan at kumaripas ng takbong tinungo ang banyo at naglock ng pinto.Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakasandal sa likod ng dahon ng pinto n
Pagdating nila sa malawak na komedor ay halos maglaway siya sa mga pagkaing nakahain, ang sasarap at iba’t ibang putahe. May tinolang manok, may inihaw na isda, may hipon, meron ding alimango, mga gulay. Parang may pista sa dami ng pagkain at parang gusto niya agad maupo at kumain.“Wow! ang mga paborito kong pagkain, ang sasarap.”, tila hindi rin napigilan ni Eric ang sarili, tinungo niya agad ang gripo at naghugas ng kamay pagkatapos ay tila hindi na nakapaghintay na kumurot ng inihaw na hito at isinawsaw sa nagawang sawsawan. Natuwa naman si Yzabella sa sobrang excitement ng binata sa pagkain kung kayat di niya napigiling mapangiti habang pinagmamasdan ito. Maya maya lamang ay bigla itong bumaling sa kanya at inilapit sa kanyang bunganga ang kinurot na isda.“Sobrang sarap, tikman mo.”, saad nito at hindi siya nakahindi, bagkus ay ibinuka niya ang bibig at kinain ang isinubo nito.“Masarap?”, masayang tanong nito pagkatapos niyang magnguya at tumango tango siya dahil totoo namang
“Feeling better?”, bigla ay nagising ang diwa ni Yzabella mula sa pagkakayakap sa lalaking inaakalang si Eric. Naimulat niya ng malaki ang mga mata at dahan dahang tinanggal ang mga kamay na nakapulupot sa baywang nito at pasimpleng inilayo ang sarili. Nang humarap ito sa kanya ay parang gusto na lamang niyang lumubog sa kinatatayuan dahil sa kahihiyan.“So…sorry, pa…sensiya na kasi...”, halos nawala ang kanyang dila at maging ang kanyang isip ay hindi makapagprocess ng sasabihin. Mas lalo pa siyang nakaramdam ng labis na pagkapahiya dahil nakangiti ito na tila nag-eenjoy sa nakikitang reaction niya.“It’s alright.”, turan nito na tila tuwang tuwa at wala siyang nagawa kundi tawanan na lamang ang sarili habang napapailing na hinawakan ang noo.“Sorry talaga.”, saad niya at tumango tango ito habang hindi maialis ang tuwa sa mukha.“And I said it’s alright, you can hug me day and night if you want.”, panunukso nito at napailang siya habang nakatawa.“Bakit ka nga pala nandito?”, maya ma
Pagkatapos niyang malinisan ni Yzabella si Maya mula sa pagCR nito ay ipinasama niya ito sa kasamahan niyang papunta sa gym. Naiiyak pa rin siya dahil sa nakitang kamukha ni Eric kung kayat minabuti na niyang huwag bumalik doon habang naroon ang lalaki. Bagkus ay tinungo niya ang pinakachapel ng shelter at lumuhod sa harap ng altar upang ipagdasal ang kululuwa ni Eric at humingi guidance at lakas sa Panginoon upang mapagtagumpayan niya ang lahat ng pinagdadaanang pagsubok kanyang buhay.Hindi niya alam kung gaano siya katagal sa ginagawang taimtim na pagdarasal ngunit naramdaman niyang lumuhod sa kanyang tabi at agad siyang kinilabutan ng maamoy ang hindi makalimutang amoy ng pabango ni Eric. Natigil siya sa ginagawang pagdarasal at dahan dahang iminulat ang mata upang tignan kung sino ang nasa lumuhod sa kanyang tabi ngunit laking gulat niya ng makita ang lalaking nasa gymnasium. Napatakip pa siya ng makita ang hawak nitong pink na rosary, kahawig nito ang iniwan niyang rosary kay Er
Simula ng malaman ni Yzabella na wala na si Eric ay halos araw araw siyang nagagawi sa simbahan upang ipagdasal ang kaluluwa nito. Hindi man lamang niya ito nasilayan kahit sa mga huling sandali nito dahil ayon sa balita ay nacremate din ito kinabukasan pagkatapos madead on arrival sa hospital mula sa pagkakabaril. Kung alam lamang niyang mawawala ito ay sana nakipag-ayos na lamang siya sa binata at piniling makasama ito kesa lumayo dito. Mahal na mahal niya si Eric at sa palagay niya habang buhay niyang ipagluluksa ang pagkawala nito.“Yzabella?”, palabas na siya sa loob ng simbahan ng marinig niyang may tumawag sa kanyang pangalan. Paglingon niya ay nagulat siya ng makita si Adrian habang nakasuot ng polo shirt ng pari.“Adrian?”, hindi makapaniwalang turan niya pagkakita dito.“Father Adrian!”, nakangiting wika ni Adrian. Nagulat man ngunit hindi naman naitago ang sobrang kasiyahan para dito.“Talaga po?”, excited niyang pahayag kahit naguguluhan pa rin kung paanong nangyari lalo a
“I want to build my own empire.”, si Eric at sa unang pagkakataon ay sinadya niyang harapin ang ama.“What do you mean?”, ang kanyang ama na tila nagulat sa kanyang ekpresiyon. He is quite serious and as cold as ice that even the bond of father and son cannot break.“I don’t want to be a Mafia anymore!”, saad niya na hindi nagbabago ang expression ng mukha."That’s impossible; you can’t get away with that!”, hindi makapaniwalang bulalas ng kanyang ama.“Yes, I can!”, matigas niyang pahayag kasabay ng pangingislap ng mga mata. Halatang may tinitimping galit at ora mismo ay sasabog. Tinitigan siya ng ama ngunit hindi siya nagpatalo, kung tumigas ang mukha nito ay sampung beses na mas matigas sa kanya. This time, he doesn’t know defeat. He's at his scariest, which even his father couldn't predict.“This is a voice recorder of your loving wife.”, pagkalipas ng ilang minutong labanan ng titigan ay ipinatong ang hawak na bagay sa harapan ng ama. Bahagya itong natigilan pagkatapos ay inilipa
“Sister Yzabella may bisita po kayo sa visitor’s area. Kapatid niyo daw po sister.”, si Sister Glenda ng makasalubong niya ito sa may pasilyo sa labas ng prayer room. Katatapos lamang niya ang mahigit tatlong oras na pagnonovena at palabas na siya para tignan ang iba niyang gawain.“Ganon po ba sister? Sige po, maraming salamat.”, nakangiti niyang turan sa kapwa madre pagkatapos ay magalang siyang nagpaalam dito. Oras na din kasi ng pagnonovena nito kung kayat hindi na niya pinatagal pa ang kanilang pag-uusap. Isa pa sagradong lugar ang kinaroroonan nila kaya hanggat maari ay walang ingay na naririnig. Ngumiti na lamang din to sa kanya at pagkatapos ay tahimik silang nagkanya kanya upang tumungo sa kanilang direksiyon. Si Sister Glenda sa loob ng prayer room at siya naman ay sa visitor’s area upang tignan ang kanyang bisita. Kahit paano ay excited siyang makita ang kapatid; sa mahigit apat na taon kasi niyang pamamalagi sa loob ng monesteryo ay ngayon lamang ito dumalaw sa kanya.Nasa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments