Share

Chapter 2

Author: Daylan
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Brianna Pov

Paglabas ko sa tarangkan ng gate namin habang hila-hila ko ang aking bisikleta ay nagulat ako nang makita kong nasa labas pa ng gate nila si Dean at tila may inaayos sa bisiklita nito. Nakapagtataka na sa ganitong oras ay wala pa ito sa school.

Maagang pumapasok si Dean sa school kaya maaga rin akong gumigising para makasabay sa kanya sa pagpasok sa school kahit nakabuntot lamang ako sa likuran niya ng mga ilang metro ang layo. Pero ngayon ay tinanghali ako ng gising dahil nanuod pa ako ng Asian drama kagabi. Halos maghahating-gabi na yata ako nakatulog kagabi. 'Tapos napanaginipan ko na naman na ikinakasal kami ni Dean kaya lalong napasarap ang tulog ko't tinanghali na ako ng gising.

Inaasahan ko na talaga na wala na siya, nakaalis na papuntang school dahil late na nga akong nagising. Pero laking-gulat ko nang makita ko siyang nasa harapan pa ng kanilang bahay. Hmm, hinihintay niya yata ako kaya hindi pa siya umaalis papuntang school.

Kahit alam ko na imahinasyon ko lamang 'yon ay lihim pa rin akong kinilig. Para akong temang na nakangiti habang nakatingin sa kanyang likuran.

"Anong nginingiti-ngiti mo d'yan, Ate? Para kang temang d'yan. Bakit hindi ka pa umaalis?" biglang tanong sa akin Bryle na lumabas na rin ng gate namin hila ang sariling bisikleta

Nang marinig ni Dean ang boses ng kakambal ko ay bigla itong napalingon sa amin. Saglit na nagtama ang aming mga mata. Saglit lamang dahil sa katabing kapatid ko na siya tumingin agad. Pero kahit saglit lamang ang pagtatama ng aming mga mata ay ibayong kaba ng dibdib at excitement ang aking naramdaman. Ganito ako palagi kapag nakikita ko siya. Kinakabahan na hindi ko mawari'y kung bakit.

"Bakit nandito ka pa, Kuya Dean?" tanong ni Brlye, pagkatapos ay bumulong sa akin sa mahinang boses, "Kaya pala para kang temang d'yan na nakangiti kasi nandito pala si Kuya Dean."

Pagkatapos sabihin sa akin iyon ni Bryle ay lumapit ito kay Dean. Sinundan ko na lamang ng masamang tingin ang kapatid ko.

"Flat ang gulong ng bisikleta ko at saka sira ang kadena. Nakita ko lamang nang paalis na ako kanina. Binumbahan ko muna at pinalitan ng kadena kaya hindi pa ako nakakaalis," paliwanag ni Dean sa kapatid ko.

"Ah, akala ko sinadya mong magpa-late kasi hinintay mo itong Ate ko na adik sa aAsian drama kaya late nagising," nakangising tudyo ni Bryle kay Dean.

Namula ang magkabila kong pisngi sa sinabi ng kapatid ko kahit na hindi naman ako ang binibiro niya. Bigla kasing napatingin si Dean sa akin pagkarinig sa sinabi ng kakambal ko. Bumuka ang bibig niya na tila may nais sabihin sa akin ngunit nagbago ang isip at kaya biglang isinara.

"Good morning, Love!"

Damn! Wrong timing talaga ang halimaw na 'to, naisaloob ko habang hinihintay ko na makalapit sa akin ang kaibigan kong nagsalita na walang iba kundi ang lalaking tumutol sa kasal namin ni Dean sa aking panaginip. Gustong-gusto ko na talaga siyang ibaon sa hukay.

"Ano ang maganda sa umaga?" nandidilat ang mga matang sabi ko sa kanya. Kung nakakatunaw lamang ang tingin ay malamang na naglaho na sa harapan ko ang kaibigang kong panira ng moment.

Nakangising inakbayan niya ako habang nakaupo siya sa kanyang sariling bisikleta. "Maganda ang umaga ko kasi napanaginipan ko na ikinakasal ka sa isang prinsipeng palaka. Mabuti na lamang at hindi natuloy dahil bigla akong sumigaw ng, 'Itigil ang kasal' kaya hindi natuloy ang kasal ninyong dalawa."

"Ah gano'n? Pinigilan mo ang kasal ko? Anong karapatan mo na pigilan ang kasal ko sa lalaking mahal ko?"nandidilat ang mga matang sita ko sa kanya at pagkatapos ay pinagkukurot ko siya ng pinong-pino.

Ang tinutukoy ko ay hindi 'yong panaginip niya kundi ang panaginip ko kung saan ay tumutol din ito sa kasal namin ni Dean.

"Aray! Masakit! Tama na, Love! Mali-late na tayo sa school," awat nito sa ginagawa ko. Hinuli nito ang dalawang kamay ko para matigil ako sa pangungurot sa kanya. "Gusto mo lang yata na maka-tsansing sa akin, eh," nakangisi ang mukhang tudyo nito sa akin. Talagang hindi kumpleto ang araw nito kung hindi ako magawasang asarin kahit isang beses sa loob ng isang araw.

"Ang kapal talaga ng mukha mo 'no, Peter? Kasing kapal ng swelas ng sapatos mo at kalyo sa paa," hindi patatalong asar ko naman sa kanya. Marunong din ako mang-asar ngunit madalas ay ako pa rin ang talo sa huli.

Bigla akong natigilan nang maalala ko na nandito pala si Dean malapit sa amin. Ngunit paglingon ko ay wala na ito pati na rin ang kapatid ko. Nauna na pala ang dalawa sa pagpasok sa school. Basta na lang akong iniwan. Hindi rin natuloy ang ano mang nais sanang sabihin sa akin ni Dean kanina kasi biglang dumating ang halimaw kong kaibigan.

"Ano pa ang hinihintay mo d'yan, pasko? Nakaalis na ang crush mo. Hindi na 'yon babalik para akayin ka papuntang school," nakangising pambubuska sa akin ni Peter bago ito nagpatiunang magbisikleta papuntang school namin. Nagmamadaling sumakay naman ako sa aking bisikleta upang habulin ang mapang-asar ngunit maaasahan ko namang kababata at kaibigan.

Karamihan sa mga estudyante sa Memaropa High School dito sa Bulacan ay bisikleta lamang ang ginagamit sa pagpasok sa school. Ang school namin kasi ay parang nasa dulo ng isang plantasyon ng mga bulaklak. Hindi maaaring makaraan ang mga sasakyan dahil makitid ang kalsada. May mga pumapasok naman na naka-kotse pero hindi sa daan na dinadaanan ng mas nakararaming estudyante. May isa pang kalsada sa likuran ng school namin kung saan naroon ang main entrance. Doon nagdaraan ang mga teachers at students na may mga dalang kotse sa pagpasok sa school.

Kami nila Dean ay sa makitid na kalsada dumaraan kasi iyon ang way ng bahay namin papuntang school. Mas gusto ko nga 'yon kaysa dumaan sa malawak na kalsada na puno ng usok at alikabok. Sa dinadaanan namin ay hindi lang preskong hangin ang nalalanghap namin kundi pati na rin ang amoy ng mga mababangong bulaklak na nakatanim sa paligid.

Kaugnay na kabanata

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 3

    Brianna"Hintayin mo naman ako, Peter. Nakita mo na ngang marami akong libro na pupulutin 'tapos bibilisan mo pa ang paglalakad mo. Napaka-walang kuwenta mo talagang kaibigan. Napaka-ungentleman mo rin," nangungunsensiyang sabi ko sa kaibigan ko. Naglaglagan kasi sa semento ang ibang libro na dala ko habang naglalakad kami sa hallway ng school.Marami kasi akong hiniram na books dahil nagpapahiram din ang kakambal ko. Tinatamad kasi itong pumunta ng library kaya nakisabay na lang sa akin."Eh sino ba naman kasi ang nagsabing manghiram ka ng maraming libro? Mukhang nanuno sa punso ka yata at bigla kang sinipag magbasa," nang-aasar na sagot ni Peter. "Hindi naman ito akin lahat. Mas marami ang kay Bry—" Napahinto ako sa pagsasalita nang pag-angat ko ng aking mukha ay wala na sa harapan ko ang kaibigan ko. Hmp! Napaka-ungetleman talaga. Hindi man lang huminto sa paglalakad para tulungan akong magbitbit ng mga dala-dala kong libro.Akmang tatayo na ako nang bigla na lamang may dalawang k

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 4

    BriannaIlang minuto nang nakalabas si Dean ay nananatili pa rin akong natunganga sa nilabasan niyang pintuan. For the first time ay pinuntahan niya ako sa classroom ko kahit pa para lamang ibigay ang naiwan kong sapatos sa labas kanina. Kahit gano'n lang ay masaya pa rin ako na pinuntahan niya ako."Breath, Brianna, for Pete's sake! Wala na siya pero halos hindi ka pa rin humihinga diyan. Gusto mo bang siya ang maging dahilan para matigok ka?" may pagkainis sa tono ng boses ni Peter nang magsalita. Bahagya pa nitong niyugyog ang aking balikat na tila ginigising ako. Dahan-dahan ko siyang nilingon at nakahanda na ang nakamamatay kong tingin para sa kanya. "Oopss, sorry. Ginigising lang kita dahil baka nangangarap ka pa rin," tabingi ang pagkakangiti na turan niya."Makukulong ba ako kung papatay ako ngayon ng kutong-lupa?" tanong ko sa kanya. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nakahanda ko siyang sakalin kapag mahawakan ko siya. Habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya ay dahan-

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 5

    Brianna"O bakit mas maaga ka yatang gumising ngayon, Brianna?" hindi napigilang puna sa akin ng Mommy ko nang makita niyang four-thirty palang ng umaga ay gising na ako. Gising na rin si Mommy kasi maaga talaga siya kung gumising. Inaasikaso niya kasi lahat ng gamit namin bago pumasok sa school. Mula sa paghahanda sa mga uniform namin ni Bryle, sapatos, baon na pagkain sa school saka iyong umagahan namin. Actually, I can do it by myself. And Bryle too. We're big enough para i-asa pa namin kay Mommy ang mga ganoong bagay. But she insisted to do it. Gusto raw kasi niya na siya ang mag-asikaso sa amin dahil siya ang nanay. Kaya hinayaan na lang namin siya na gawin ang gusto niya."Gusto ko kasing sumabay kay Dean sa pagpasok sa school, Mommy," matamis ang pagkakangiting sagot ko sa kanya."Pero masyado pang maaga, Brianna. Mamayang alas otso pa ang pasok ninyo. Siguradong aantukin ka lang sa loob ng classroom. Bumalik ka sa loob at matulog muli," utos niya sa akin.Nakasimangot na buma

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 6

    Brianna"Bakit sambakol na naman iyang mukha mo? Nag-asaran na naman ba kayo ni Bryle at ikaw na naman ang talo?" tanong ni Peter nang lumapit siya sa kinauupuan ko."Wala ako sa mood Peter kaya puwede bang huwag mo muna akong asarin?" nakasimangot na sabi ko sa kanya. Dahil sa nakita ko kanina kaya napagbuntunan ko tuloy ng inis ang walang muwang kong kaibigan."Aba, Miss Briannang masungit. Bakit ikaw ang nagsusungit ngayon sa akin? Hindi ba dapat ako ang magalit at mainis sa'yo dahil hindi mo ako sinipot kahapon? Nagmukha tuloy akong tanga sa kakahintay sa'yo kahapon," nakasimangot niyang saad. Napakagat ako ng mga labi ko nang maalala ko na hindi ko nga pala siya sinipot kahapon dahil kay Dean. Ni hindi ko nga siya nakuhang i-text or tawagan para sabihin na hindi ako makakarting. And it's all Dean's fault. Nakakalimutan ko talaga ang lahat kapag nasa paligid ko si Dean."Oo nga pala. Sorry. Nakalimutan ko na may usapan nga pala tayo," hindi ko na sinabi sa kanya na dahil kay Dean

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 7

    BriannaAlas siyete na pero hindi pa rin ako lumalabas ng bahay namin para pumunta sa acquaintance party ng school namin. Hindi lang dahil sa tinatamad akong magpunta roon kundi dahil sa alam kong may ibang ka-date ang crush ko."Bakit hindi ka pa umaalis, Brianna? Anong oras ba ang party ninyo?" nakakunot ang noo na tanong sa akin ng mommy ko nang makita niyang nasa sala pa ako at nakaupo na parang wala akong balak na umalis."Medyo tinatamad kasi akong um-attend, Mom. Wala kasi si Peter dahil reunion ng family niya kaya parang ayaw ko na ring magpunta," sagot ko sa kanya. Hindi ko na sinabi na naiinis ako dahil may ka-date si Dean na ibang babae. At ang pinakasikat na estudyante pa sa school namin."So, hindi ka na pupunta niyan?"Huminga ako ng malalim bago sinagot ang mommy ko. "Pupunta pa rin pero mayamaya na siguro."Kung hindi lamang ako nakapangako kay Alex na magiging ka-date niya ay hindi na sana ako pupunta. Kaso kapag inindiyan ko naman siya ay baka naman isipin niya na wa

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 8

    Brianna"Oouch...ang sakit ng ulo ko," daing ko nang magising ako sa umaga. Ito yata ang tinatawag nilang hangover. Mayamaya ay napatakbo ako sa loob ng banyo dahil biglang bumaliktad ang aking sikmura. Inilabas ko yata ang lahat ng mga kinain ko kagabi pati na rin ang nainom kong alak. "Kahit kailan ay hindi na ako iinom ng nakalalasing na inumin," mahinang sabi ko sa aking sarili. Nanghihinang napabalik ako sa higaan ko at muling nahiga sa kama. Nahihilo kasi ako at parang binibiyak ang ulo ko sa sakit."Ate Brin, gising ka na?" tanong sa akin ni Bryle na biglang kumatok sa pintuan ng aking kuwarto. "Brin" ang palayaw niya sa akin dahil nahahabaan siya sa pagbigkas sa pangalan ko kahit tatlong syllables nga lang ang "Brianna"."Yes, gising na ako," mahina kong sagot pero sinigurado kong nakaabot pa rin sa pandinig niya. Pagpasok ni Bryle sa loob ng kuwarto ko ay bigla akong nagtalukbong ng aking kumot. Ayokong makita niya ang haggard kong hitsura dahil mahahalata niyang may hangover

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 9

    BriannaNaglalakad ako sa corridor papunta sa classroom namin nang bigla akong harangin ng grupo ni Ivy. Mukhang gulo yata ang hanap nila. Ano naman kaya ang nagawa kong kasalanan sa kanila?Ayoko ng gulo kaya nilagpasan ko na lamang sila ngunit bigla na lamang hinawakan ni Ivy ang isa kong braso at malakas na isinandig sa pader. Nasaktan ako nang mauntog ang ulo ko sa pader pero hindi ako nagreklamo."Ano ba ang problema mo, Ivy?" pilit akong nagpakahinahon kahit na gusto ko na siyang tarayan. Masakit ang pagkakahawak niya sa mga braso kaya nasisiguro ko na magkakaroon ng pasa kung saan siya nakahawak ng mahigpit."Ano ang problema ko? Ikaw ang problema ko, Brianna. Masyado kang papansin kay Dean. Pero huwag mong isipin na porke't inihatid ka niya noong gabi ng acquaintance party ay may gusto na siya sa'yo kaagad," nandidilat ang mga matang sabi niya sa akin. Mukhang nagalit siya ng sobra dahil sa ginawang paghahatid sa akin ni Dean noong party. Mabuti na lamang at hindi niya nalaman

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 10

    BriannaLahat kami na kasali sa naganap na away ay humantong sa loob ng guidance office. Pare-parehong magugulo ang mga buhok namin at may mga kinalmutan. Pero dahil tatlo sila habang ako ay nag-iisa lamang ay ako ang mas na-agrabyado. Mas maraming kalmot sa mga braso leeg at mukha ang aking natamo at may putok pa ang gilid ng aking mga labi dahil sa malakas na sampal ni Ivy na pinadapo sa pisngi ko. Base sa usapang nagaganap ngayon sa loob ng guidance office ay ako ang lumalabas na may kasalanan. Halatado kasi sa pananalita ni Mrs. Katakutan na kumakampi ito kay Ivy. Porke't kasama sa honor list si Ivy ako'y hindi kung kaya't ito ang kinakampihan ng aming prinsipal."Ayoko nang maulit pa ang nangyaring kaguluhan na ito, Ms. Aguilar. Kapag inulit mo pa ito ay hindi lamang ipapatawag ko ang parents mo kundi i-expelled kita sa school na ito," babala sa akin ni Mrs. Katakutan. "Ma'am, hindi ako natatakot na ipatawag mo ang parents ko dahil wala akong kasalanan. Ilang ulit ko bang sasab

Pinakabagong kabanata

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   79

    BRIANNAMalayang tinatangay ng hangin ang mahaba kong buhok habang nakatayo ako sa gilid ng baybayin sa isang isla sa Samar kung saan ako naroon ngayon. Probinsiya ito ni Desna at siya ang nagsabi sa akin na masarap daw magbakasyon sa probinsiya nito dahil malapit sila sa tabing-dagat kaya presko ang hangin. Kaya nang inalok ako ni Desna na magbakasyon sa bahay-bakasyunan nito ay hindi ako nagpatumpik-tumpik pa at tinanggap ang alok niya. At hindi naman ako nagsisi na nagpunta ako rito dahil maliban sa totoong presko ang hangin ay nakapag-isip-isip na rin ako ng maayos. Tama si Bryle. Ang lahat ng hindi magagandang nangyari sa amin ay pagsubok lamang sa amin ni Dean. Pagsubok na parehong nalampasan namin. Bryle was right when he said that I should give myself another chance to feel happiness. And only Dean could give me that happiness. Only he would make me happy. Sa loob ng halos tatlong buwan kong pananatili rito sa isla ay madalas tumatawag sa akin si Bryle para sabihin na nakikiu

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 78

    BRIANNANang pagbalikan ako ng malay ay nasa loob na ako ng aking silid at nakahiga sa aking kama, sa tabi ko ay naroon si Peter at nakayupyop ang ulo sa gilid ng aking kama at natutulog. Biglang umahon ang galit ko nang maalala ko ang sinabi niya bago ako nawalan ng malay. Bigla ko siyang pinaghahampas ng aking mga kamay."Bakit mo pinatay si Dean? Ano ang kasalanan niya sa'yo?" umiiyak na tanong ko kay Peter habang walang tigil ko siyang hinahampas ng aking mga kamay.Pupungas-pungas pa si Peter nang magising dahil sa sakit ng mga hampas ko sa kanya. Bigla itong napatayo at napaatras palayo sa akin."Calm down, Brianna! I am just kidding, okay?" pag-amin ni Peter sa akin. "Ganyan ba ang tingin mo sa akin? Mamamatay tao? At isa pa, hahayaan ba ni Dean na patayin ko siya? Eh, mas magaling siyang makipaglaban kaysa sa akin."Sa aking narinig ay bigla akong napaiyak ng malakas. "I hate you, Peter. How could you joke at me like that?"Lumapit si Peter sa akin at nako-konsensiyang niyakap

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 77

    BriannaNanlalaki ang mga mata ko at hindi ako makapaniwala habang nakatitig kay Dean na siya palang kausap ni Rex sa opisina nito. Buhay si Dean. At higit sa lahat ay tama ang una kong hinala na siya at si Lance ay si Dean. Pero bakit niya iyon ito ipinagkaila sa akin? Bakit hinayaan niya ako magdusa sa pagkawala niya?Mabilis na tumayo sa kinauupuan niya si Dean at nilapitan ako. Kinabig niya ako at niyakap ng mahigpit. "I'm sorry, Brianna. I'm sorry that I lied to you. I'm very sorry that I hid the truth that I'm alive."Ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata at dinama ang mainit niyang yakap. Akala ko ay hindi ko na mararanasan pang muli ang mayakap ng lalaking pinakamamahal ko.Akmang tutugunin ko na ang yakap niya nang sumagi sa isip ko ang mga paghihirap ng loob na ininda ko dahil sa pag-aakala kong patay na siya. Sukat sa isiping iyon ay itinulak ko siya at binigyan ng isang malakas na sampal sa mukha."Masaya ka ba sa ginawa mong pagpapanggap na patay ka na? Nag-enjoy ka ban

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 76

    BriannaPapasok na ako sa kotse ko nang biglang may tumawag sa pangalan ko. Napakunot ang noo ko nang makita kong si Lance ang tumawag sa akin. Biglang bumilis ang pintig ng aking puso pagkakita ko sa kanya ngunit agad kong isinantabi ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksiyon ko nang makita ko siya. Mas napagtuunan ko ng pansin ang ginawa niyang pagbanggit sa pangalan ko."Bry, sandali lang. Gusto lang kitang makausap," sabi niya nang makalapit siya sa akin."Bakit mo alam ang pangalan ko? Kung hindi ka si Dean ay bakit alam mo ang palayaw niya sa akin?" Hindi siya si Dean pero bakit alam niya ang palayaw ko?"Nakalimutan mo na ba na binanggit mo nag palayaw mo noong unang beses na nagkita tayo? Kahit ang kaibigan mong si Desna ay tinawag binanggit naman niya ang pangalan mo," mabilis na paliwanag ni Dean.Huminga na lamang ako ng malalim. Hindi ko matandaan kung binanggit ko pa ang oangalan ko o hindi nang gabing iyon."Ano ang kailangan mo sa akin? Bakit mo ako sinundan? Hindi ka

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 75

    BriannaKagagaling ko pa lamang sa lugar kung saan nahulog ang kotse ni Dean. Binisita ko ang lugar na iyon dahil gusto kong suriing mabuti kung may pag-asa bang makaligtas ang taong nahulog sa bangin na iyon. Ngunit kahit anong suri at posibilidad ay mukhang malayo na makaligtas si Dean sa nangyaring aksidente maliban na lamang kung may kapangyarihan siya. But he is just an ordinary person kaya imposible talaga na makaligtas siya.Sa halip na magtungo sa aking coffee shop ay nagdesisyon akong magtungo na muna sa mall at mag-ikot-ikot. Nang mapagod ay pumasok ako sa isang cake shop para mag-megmeryenda. Kasalukuyan akong kumakain ng isang slice ng strawberry cheesecake na binili ko nang makatanggap ako ng text mula kay Desna. Inimbitahan niya ako na dumalo sa award night next day, kung saan ay isa ito sa mga young fashion designer sa bansa na makatanggap ng award.Naisip ko na kailangan ko rin libangin ang sarili ko kaya sinabi ko sa kanya na aattend ako. Agad ko nang tinapos ang akin

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 74

    BriannaMagmula nang nalaman ko na hindi si Dean ang lalaking nakita ko na kamukha niya sa loob ng bar ay pilit kong iwinaglit siya sa aking isip. Naisip ko na tama si Rex. Dapat mag-move on na ako. Ayokong hindi matahimik ang kaluluwa ni Dean dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan ang mapait niyang sinapit.Para malibang ko ang sarili ko ay madalas akong nagtutungo sa mall pagkatapos magsara ng coffee shop ko. Kagaya ngayon, maaga kaming nagsara dahil birthday ng dalawang staff ko. At dahil maaga pa kaya ipinasya kong maglibot sa mall hanggang sa mapgod ako. Kagaya ng madalas kong ginagawa ay saka lamang ako uuwi sa bahay ko kapag nakaramdam na ako ng pagod at antok. Pagdating ko sa bahay ay matutulog agad ako kaya hindi ko na maiisip si Dean.Ngayon ay naabutan ako ng pagsasara ng mall dahil nanuod pa ako ng sine kaya paglabas ko ay mga sarado na pala ang bawat stall sa loob ng mall. Nagmamadaling lumaba ako ng mall dahil nakakaramdam na ako ng antok.Punuan ang park

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 73

    Brianna"D-Dean?" mahina ang boses na sambit ko sa taong pumigil sa kamay nang akmang gagantihan ko na ang ginawang pananampal sa akin ng babae."Don't you dare hurt her," nagtatagis ang mga ngipin na babala sa akin ni Dean. Matalim ang tingin niya at para bang hindi niya ako kilala na aking ipinagtaka."Dean. Is that really you? You're alive!" bulalas ko. Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Narito sa harapan ko si Dean at buhay na buhay. Pero paano nangyari iyon?Akmang yayakapin ko na siya ngunit biglang humarang ang babaeng nanampal sa akin."Hey! Bitch! Get away from him!" galit na sigaw nito sa akin."Let's go, Mina. Ipinapasundo ka na sa akin ng ama mo," kausap ni Dean sa babaeng Mina ang pangalan. Hinawakan nito sa balikat ang babae at hinila para umalis sa bar na kinaroroonan namin.Isang taon akong nangulila sa kanya. Isang taon akong nagdusa dahil inakala kong patay na siya. At ngayong nandito siya sa harapan ko ay hindi ko siya hahayaang mawala sa paningin ko nang hin

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 72

    BriannaMabilis na lumipas ang mga araw hanggang sa naging Linggo, naging buwan at umabot na ng isang taon. Isang taon nang patay si Dean ngunit sariwa pa rin sa aking puso ang sakit at alaala ng kanyang mga huling sandali na kapiling ko siya.Sa loob ng isang taon ay pinilit kong mabuhay. Kumakain ako, umiinom, natutulog ngunit pakiramdam ko ay patay na ang kaluluwa ko. Sumama na ito kung nasaan man ngayon si Dean. Minsan ngumiti rin ako na hindi umaabot sa aking mga mata. Nabubuhay na lamang ako dahil ayokong masayang ang pagbubuwis ng buhay ni Dean para lamang mailigtas ako."Aalis ka, Ma'am Brianna?" tanong sa akin ni Petchy, ang cashier ng aking coffeeshop.Pinalaki ko ang aking coffeeshop at dito na lamang ibinugos ko ang lahat ng aking atensiyon. Ako ang madalas nagbabantay sa cashier ngunit kapag umaalis ako at may lakad ako ay si Petchy ang humahalili sa akin."Yes, Petchy. First death anniversary ngayon ng asawa ko at dadalawin ko siya ngayon." Hindi man kami natuloy na ikin

  • BITTER SWEET LOVE STORY OF US   Chapter 71

    BriannaPagmulat ko ng mga mata ay nasa loob na ako ng hospital at binabantayan nina Peter, Bryle, at Desna."Thank God, gising ka na rin sa wakas, Ate Bri," kausap sa akin ng kakambal ko nang makita niyang iminulat ko ang aking mga mata. Nilapitan niya ako at hinawakan ng mahigpit ang ang dalawa kong mga kamay.Bahagya kong itinulak ang kakambal ko at nagpalinga-linga ako sa paligid ng room. Hinahanap ko si Dean. "Nasaan si Dean, Bryle? Nasaan siya? Gusto ko siyang makita."Unfortunately, nasa in-denial stage pa ako. Hindi ko matanggap ang nangyari kay Dean kaya pilit kong iniisip na nakaligtas siya t nasa loob din siya ng hospital."Ate Bri, wala na si Kuya Dean. Masyadong mataas at matarik ang bangen tapos sumabog pa ang kotse niya kaya imposibleng mabuhay siya." Isinampal ni Bryle sa mukha ko ang katotoohanan na pilit kong tinakasan."No! Hindi totoo iyn, Bryle! Nakaligtas si Dean! Dalawa kaming nakaligtas!" sigaw ko. Pilit akong bumangon sa kama dahil pupuntahan ko si Dean ngunit

DMCA.com Protection Status