CAROLINE PATRICIA FROWLINE, is the illegitimate daughter of Mr. Frowline. Nang ipinanganak siya ay namatay ang kanyang ina kaya hindi ito naikasal sa kanyang ama. Kahit na ganun ay lumaki siyang mabait, magalang at masipag. May potensyal sa negosyo ang dalaga so she gave her all into it. May pinupusuan siyang binata pero hindi niya ito tinuunan ng pansin dahil alam niyang wala siyang pag-asa—not until both of their fathers arranged their marriage. Tumutol siya nung una, pero pumayag na rin siya. Alang-alang sa ama niya, at dahil mahal niya ang binata. Caroline thought that once she married him, he would bring heaven to her—but it turned out to be the other way around. Sa simula lang pala maayos ang lahat. She lost their first baby because of him. He keeps hurting her every time umuuwi ito galing trabaho. It was endless misery until one day, she saw him lying on the ground outside, unconscious with blood on his chest. She was seen on the crime scene, so the police took her into custody and accused her of murdering her husband. She was sent to jail for 8 years. When she got out, akala niya ay OKAY na ang lahat, but when she went to her father's house, she was kicked out. She was left with nothing. The accusation of her killing her husband changed her life, pero hindi sumuko si Caroline. Nangako siyang babangon siyang muli at binago ang kanyang katauhan bilang ROSITA MANSALANG. Namasukan siya bilang katulong sa binatang si CROSS RAVEN WOODSMAN—isang binata na obsessed sa kanya. Pero malamig pa sa yelo, at walang sinasanto pag-dating sa ibang tao. At parte ang binata ng isang malaking organisasyon sa bansa. Tatanggapin kaya ni Rosita ang pag-ibig ng binata sa kanya? O may matutuklasan ang binata sa kanya?
view more“Surpresa!” sabay-sabay na sigaw ng lahat nang buksan ni Caroline ang pinto. Napaatras naman siya, tila nagulat sa dami ng mga taong nagkakantahan at nagpapalakpakan sa sala. Hindi naman maiwasan ni Caroline ang matuwa, dahil ang iba sa mga bisita ay mga empleyado niya. At kumpleto rin ang kanyang pamilya,.maliban Sa isang tao. Sa gitna ng lahat, si Raven ay nakangiti habang may hawak na ang bunso nilang anak na si Venus.“You thought we forgot, didn’t you?” Raven said with a teasing smile.Bago ang kaganapan, sobrang abala si Caroline sa kumpanya dahil nagkaproblema sila sa isang investor. Dahil sa tindi ng kanyang pagka-busy, hindi na niya namalayan ang paglipas ng mga araw. Isang buwan na pala ang nakalipas, at maraming nangyari sa panahong iyon.Si Diego at Dina ay pumunta na sa ibang bansa para sa operasyon ni Diego. Masaya naman si Caroline dahil sa wakas ay magagamot na ang dati niyang asawa. Para kay Dina naman, magsisimula na ito ng negosyo sa ibang bansa. Tinulungan sila ni
Alam kong may konsensya pa rin si Dina hanggang ngayon, at ako rin naman. Hindi mawala sa isip ko ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Sobrang dinurog ko siya. Hindi ko nga alam kung paano ako makakabawi sa kanya. "Uhm... ano ba ang susunod nating hakbang? Paano natin mapapasaya si Caroline? Wala akong maisip na pwedeng gawin..." litong sabi ko. "Paano kung ayain natin sina Raven at Caroline mag-date? Sa tingin ko magandang ideya 'yun, di ba?" masiglang mungkahi ni Dina habang nag-iisip pa. "Sa tingin mo, okay lang sa kanya? Hindi kaya siya magalit?" tanong ko nang may pag-aalinlangan. Hindi ko rin kasi masyadong kilala si Caroline, lalo na't hindi naman kami nagtagal. Nakilala ko lang naman si Caroline noon nung sinabi sa akin ni Dad na siya ang papakasalan ko. Dahil sa maganda siya at napakamasipag na babae. Agad rin nahulog ang loob at puso ko sa kanya. Pero nagloko pa rin ako sa kanya. She's the perfect woman na sana, kaso isang akong tanga kaya ngayon wala na siya sa akin.
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata, at agad na bumungad sa akin ang puting kisame at amoy ng ospital. Nakakasulasok ang amoy, at ayoko nito. Paano ako napunta sa lugar na 'to? Kasama ko lang si Mamay kanina; baka naman naghahallucinate lang ako. Pero nasa kwarto lang talaga ako ngayon at hindi sa ospital. Ibinaling ko ang aking ulo sa kaliwa at tumingin sa paligid. Nasa ospital nga talaga ako. Pero anong ginagawa ko rito? "Babe, you're finally awake. Thank goodness," bungad na sabi ni Raven. "Pinag-alala mo ako. Sorry..." umiiyak na sabi ni Raven. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Ano ba ang problema? "Why are you crying?" mahina kong tanong. “Nasa ospital ka, babe. Hindi ka nagising kagabi, kaya nag-alala ako. Lahat kami nag-alala. Pasensya na, sorry kung napaiyak kita ulit.” “Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang ginawang mali, ah...” tanong ko. “Mamay told me. Umiiyak ka raw, at sobrang sama ng loob ko. Alam ko kasi kung bakit ka umiiyak kahapon. Akala mo siguro may k
[CAROLINE] Bumuhos na naman ang aking mga luha. Kakaayos lang namin, pero may nalaman na naman ako. Bakit ganito? Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana? Gusto ko lang naman na maging maayos kami, kahit na pinagtaksilan nila ako. Pero bakit hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagsisinungaling? Bakit ganito? Agad akong pumasok sa kotse at humagulgol. Pilit kong inaayos ang lahat—sinubukan kong tanggapin at patawarin sila. Binigay ko ang gusto nila para maayos na. Kahit labag sa loob ko, ginawa ko, para kahit papaano'y maibsan ang bigat ng dinadala ko. Bakit ba ang hirap magpakatotoo? "Why do I have to experience this? Gusto ko nang maayos ang lahat sa amin, tapos bigla na lang malalaman ko na ang murderer ng asawa ko noon ay ang kabit niya pala? This is so frustrating!" Dapat ba akong maawa kay Diego? Pero siguro sapat na itong mga nalaman ko. Tama na ang kadramahan. Gusto nilang magsama, sige, hahayaan ko na sila sa buhay nila. Ibibigay ko na at magpopokus na lang ako sa buhay k
Nagulat si Caroline sa paghingi ng basbas ni Diego sa kanya. She felt something touch her heart, at pakiramdam niya'y napawi ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi sakit at selos ang nararamdaman niya ngayon, kundi saya sa kanyang puso. The way humingi si Diego ng basbas sa kanya ay para bang sigurado na siya kay Dina—na para bang ito ang babaeng habang buhay niyang mamahalin.Tears streamed down her cheeks. Tiningnan niya ang kalagayan ni Dina na wala pa ring malay at pagkatapos ay tumingin kay Diego, na para bang sinasabi, "Please, let us be happy together.""C-Caroline, sorry. Please, don't cry. H-hindi na kita tatanungin tungkol sa bagay na 'yon. I am sorry, masyado lang ata akong desperado," he said in panic as he held Caroline's hand.Akala ni Diego ay galit pa rin si Caroline sa kanilang dalawa. Alam ni Caroline na hindi madaling maghilom ang sugat na dinulot nila."Maybe giving them a chance isn't bad, right?" sa isip ni Caroline.Pinahiran niya ang kanyang mga luha, at mahi
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Stiffany nang magkita silang dalawa sa hideout nila. Nagulat si Stiffany sa ginawa ni Dina, sa biglaang pagsampal na hindi niya alam ang dahilan. Dahil dito, sinampal din niya si Dina ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Nanlilisik ang kanilang mga mata, at tila konti na lang ay mag-aaway na sila at magdadambahan."Ano ba ang problema mo?" singhal ni Stiffany kay Dina."Ikaw! Kayo ng mga kuya-kuyahan mo! Ano ang ginawa ninyo kay Diego?" nanlilisik ang mga mata ni Dina habang nagsasalita.Inirapan ni Stiffany si Dina at tinalikuran ito. "He deserves to die," ani Stiffany. "Dahil sa ginawa niya, nawala sa amin ang lahat. Sinumbong niya kay Daddy kung ano ang ginawa namin nina Kuya. Kung tumahimik lang sana siya, hindi siya mapapahamak." Nanggigigil na sambit nito."Paano mo nagagawa 'yon sa kapatid mo? Hindi ba baliw na baliw ka kay Diego? Ano'ng kapahamakan ang ginawa ninyo sa kanya?" sigaw ni Dina. "Mabait si Diego sa inyo, paano ni
Dinala nina Raven at Caroline si Diego sa ospital dahil nahihirapan itong huminga. Kahit ayaw nitong magpadala sa ospital, dinala pa rin nila ito upang magamot din ang mga sugat niya. May bantay sa kwarto niya upang walang sinuman ang makapasok. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa kwarto ni Diego sa ngayon dahil sa nangyari. Nagsimula na rin mag-imbestiga ang mga pulis sa bahay ni Diego, at nagbigay na rin ng pahayag sina Raven at Caroline. Ayon kay Diego, ang mga kapatid niya ang may pakana ng nangyari sa kanya. Nagpaiwan si Caroline sa ospital upang bantayan si Diego, na hindi pa rin nagigising simula nang dinala nila siya roon. May nais ding malaman si Caroline. Gusto niyang maintindihan kung bakit laging sinasabi ni Diego na masakit ang kanyang ulo. Sinabi rin ni Raven na uminom si Diego ng pain reliever bago sila umalis ng bahay. Hindi siya mapakali, lalo na nang mahawakan niya ang ulo ni Diego at mapansin ang labis na pagkalagas ng buhok nito. Malakas ang kutob niya na
HATING-GABI na nang makatanggap ng tawag si Raven mula kay Diego. Mukhang hinihingal ito at nahihirapan sa paghinga. Nang oras na iyon, nasa kanyang opisina siya sa loob ng bahay, samantalang si Caroline ay natutulog na sa kanilang kwarto. Kunot-noo man si Raven dahil sa biglaang tawag nito, hindi niya magawang balewalain dahil mukhang may nangyari.Mabilis na kinutuban si Raven kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tumayo at kunin ang susi ng kanyang kotse. Alam niyang hindi pa sila lubusang nagkakasundo ni Diego, pero hindi na niya ito kalaban ngayon. Wala na siyang kailangang patunayan dahil alam niyang si Caroline at ang mga bata ay sa kanya pa rin"Nasaan ka?" kalmadong tanong ni Raven habang pinapaandar ang kanyang sasakyan."Sa bahay ko, alam mo na kung saan 'to, dahil nakapunta ka na rito noong dinala mo si Matthew," hirap na hirap nitong sabi. Rinig na rinig din ni Raven ang mabigat na paghinga ni Diego.Dinala niya kasi ang bata sa bahay nito isang beses, dahil gustong maki
Natameme si Diego sa narinig. Nagsimulang manginig ang kanyang mga kamay, nanghina ang kanyang mga tuhod, at napaluhod siya. Hindi siya makapaniwala na ang kabit pala ang dahilan ng pagkawala ng panganay niyang anak—at kasalanan niya rin iyon. Isa siyang pabaya na asawa. Napahilamos siya sa kanyang mukha, at sunod-sunod na nagsilabasan ang kanyang mga luha. Tahimik siyang napahagulgol habang ang kanyang mga kamay ay nasa mukha pa rin. Ngayon, mas lalo siyang nagsisisi dahil sa kanyang nagawa. Napakalaki ng kasalanan niya kay Caroline, at hindi katanggap-tanggap ang kanyang ginawa. "Patawad," humihikbing sabi ni Diego. "Walang kapatawaran ang nagawa kong kasalanan sa'yo. Kasalanan ko ang lahat," hagulgol niya. "Patawarin mo ako, Caroline. Labis kitang nasaktan. Napaka-gago kong tao—irresponsable, manloloko, sinungaling. Hindi mo deserve ang isang katulad ko. Nabigo akong maging lalaki para sa'yo, nabigo akong maging ama, at nabigo akong maging asawa. Pinabayaan kita, Caroline," pat
Chapter one“ Dad, I made up my mind po, ” I nervously said to my dad, who's busy reading the newspaper. He lifted his face and confusedly looked at me.“ I am accepting to marry Mr. Solise, ” I said. His eyebrows furrowed.“ Is that all you have to say? ” Aniya, in his baritone voice. I nodded. Akala ko ay magagalit siya, because it's been three months since he asked me to marry his closest friend's son, Diego Draven Solise.“ Y-yes, dad. ” I know dad was disappointed, however, I can't deny the fact that I am head over heels, Diego. He was my long-time crush. My first love. “ That's a good news, Caroline. ” biglang naging masigla si Dad, and left me to his room. I followed him sa sala, and there hawak ang kanyang cellphone.“ Good news, Amigo. ” Masayang wika ni dad sa kanyang kaibigan. Si Mr. Solise lang naman ang tinatawag niyang Amigo everytime they talked. Ang daddy ni Diego, “ My daughter is accepting the proposal, so the deal is still good? ” kunot-noo kong tiningnan si Dad.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments