Share

CHAPTER SEVEN

Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko ngayon, my dad greeted me today. It's my 26th birthday, and wasn't expecting na e-surprise nila ako. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo, at hindi mapigilan ang mga luha na kumawala mula sa aking mga mata. Hindi ko kasama si dad buong buhay ko. I was already 23 when dad take me with him, kilala ko naman siya noon pa. Si Yaya Anne ang kasama ko buong buhay ko. She was like my second mother. Tumira na ako kay dad 3 years ago, at iniwan ang dating tahanan kung saan ako namulat sa katotohanan.

At first, Dad tries to hide me from everyone. But, when I turned 18, he tells me everything. Ayaw kong magtanim ng sama ng loob sa kanya, hindi naman niya ako pinabayaan. Lumaki naman ako na maayos, at nakukuha rin ang lahat. Kahit palagi akong nakaranas ng pambubully ay hindi naman huminto ang buhay ko dun. I keep being a strong, independent woman, I never allow everyone to talk shit behind my back. At nakilala din ako ng lahat dahil ipinakilala ako ni Dad na anak niya, ahit may negatve feedback na natanggap si Dad, he never gets upset at me, instead he supports me, and proud of me. Hanggang sa grumaduate ako ng kolehiyo, at simula noong grumaduate ako nang Business Management, ay pinasok ako ni Dad sa Company niya.

Although nahihirapan akong mag adjust, but every employee treat me well. They helped me. Hanggang sa natuto ako sa buhay, at paano maging business woman. Dun ko na realize na maganda pala ang magkaroon ng sariling kumpanya, i asked dad and he willingly helped me. He never gets in return, for him ay bumabawi siya sa akin.

“ Thank you, Dad. Thank you, guys.. ” emotional kong wika sa mga ito. Dad hug me, and give me a small box.

“ Open it, anak. I hope magustuhan mo yan, I know that you're not into expensive or fancy things, but I couldn't ignore that thing kasi every time nakikita ko yan, ikaw agad naalala ko. ” wika ni Dad. I hugged him tightly. He handed me the box, and when I opened it I saw a jade necklace with a diamond shaped pendant. Napangiti naman ako dahil naalala ko ang necklace ni mommy sa picture niya.

“ Thank you, dad. It was so beautiful. Si mommy agad naalala ko,” mahina kong salita na sakto lang na marinig ni dad.

“ You are really like your mom, gorgeous. "Dad said.

“ We have our gifts din po Miss C, ” sabat naman ng isa kong empleyado. Natawa naman ako sa kanila dahil lahat talaga nakahanda na sa gilid.

“ Thank you, guys.. Umuwi kayo nang maaga mamaya ah. Pa birthday treat ko na, and treat your family tonight. Ako na bahala sa gastos. Date them, or whatever. Dina, Ikaw na bahala sa kanila ah.. ” utos ko kay Dina na agad naman ng tumango.

“ Thank you po, Miss C. God bless you more, and more blessings. And a successful married life po, ” saad naman ng isa ko pang empleyado.

Wala talaga ako problema sa mga empleyado ko, they treat me nicely. I respected their hard works. Lumabas na sila ng office ko, at naiwan na kami ni Dad sa loob.

“ Umupo ka muna, Dad. Thank you for this, Dad. ” I said. He smiled.

“ You're just so lovely, mana ka talaga sa mommy mo. Yang maliit mong mukha, cute mong ilong na matangos, mga malalim at bilog na mga mata, mana yan sa mommy mo. ” nakangiti na wika ni Dad. I can feel it, I can feel how dad loves mommy.

If mom was just here, if mom was just alive. Maybe we are the happiest family ever.

“ Thank you dad. Na kahit may pamilya ka na, you never forget mom. You still love her, do you? ” panunukso ko sa kanya.

I heard him laughed. A laughed of sincerity. “ I always did. Hindi nawala si mommy mo sa puso ko. I am committed to her. She was the woman whom I promised to marry, but things happened unexpectedly. It was so hard for me to let go, kahit na napilitan akong pakasalan si Tita Andrea mo ay ginawa ko. Pero hindi ko nakalimutan ang mommy mo, ” mahabang kwento niya. Nakikita ko sa mga mata ni Dad how much he longed for her.

“ Ako din dad. I missed her so much. Sayang lang kasi hindi ko man lang siya nakita ng buhay. Mahal na mahal ko si mommy, wala nang iba pa na papalit sa puso ko. At ganun ka din dad. ” mahirap para sa akin na hindi masilayan ang mukha ng mommy ko.

Kaya dati sa litrato na lang ako tumitingin kay mommy. Nakatatak na din siya sa utak ko. Mommy is etched in my heart and mind. Dad brushes my hair, using his fingers. He never gets mad at me, he supports me in so many ways. I am not mad at him for keeping me before, and I understand him for doing it. Bumabawi naman siya sa tuwing wala siya noon,at sinusulit ang panahon ana wala siya. Dad is kind, and understanding, mali lang talaga na nagpakasal siya sa madrasta ko.

“ Nak, you are not getting any younger. Soon ikakasal ka na kay Diego, I know that I push you to do that. But nak, I am not forcing you to do it,right? ” tanong ni Dad na parang may pagsisisi sa tono ng boses niya. I smiled at him.

“ No dad, you didn’t. It is my own well po, you have nothing to worry about. I love Diego po, I have liked him for a long time. ” sagot ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko na may pagsisisi si Dad na ipakasal ako kay Diego. Dad likes Diego for me, so i have nothing to think about, what is the problem.

“ Nangako ako kay mommy mo,na ipapakasal kita sa taong mahal mo, and I know that Diego will love you. Kampante naman ako anak, pero may halong kaba. Dahil siguro ikakasal ka na, ” hindi ko pa rin maintindihan kung bakit parang may pag aalinlangan si Dad, pero baka nga dahil sa ikakasal na ako, at naging ganun na lang reaksyon niya.

“ Dad, ipapangako ko sayo na magiging masaya kami. Magiging masaya ako sa buhay na kasama ang taong mahal ko, at sa bagong yugto ng buhay ko. Pangako dad na aalagaan ko sarili ko, at mas maging matapang ako. ” ani ko ng buong puso. I know Dad is just worried over something.

“ Ipagdarasal ko anak na maging masaya ka sa bagong yugto ng buhay mo, yan lang ang lagi kong pinag-darasal. I don’t want to fail your mother, nangako ako sa kanya kaya tutuparin ko yun. Kaya nak, if you are having a second thought of this marriage, you can back out. I won’t force you, or ask you to marry someone whom you just met and known. Hahayaan kita ang pumili ng taong makakasama mo habang buhay, ” mahabang wika ni Dad.

“ Dad i already made up my mind po, wag po kayong mag-alala sa akin kaya ko po na alagaan ang sarili ko, at protektahan ang sarili ko sa lahat. I love you,Dad. Masaya akong malaman na concern and worried ka sa akin. I promise po na kapag alam kong hindi na mag work ang marriege namin ni Dego, i will sign up an annulment po agad,” I said to make him feel better.

“ Promise me nak ha. At kapag may problema, call me agad. ” tumango na lang ako kay Dad.

“ I won't hesitate to help you, ” dagdag pa niya.

I couldn't hide my happiness, kung paano bumawi si dad sa lahat lahat. I am not holding grudges against him, and I love him so much. Siya na lang ang meron ako ngayon. As long as I can, I will make dad happy.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status