Hello! Pasensya na po if Ang tagal ng update hehe Malapit na po matapos itong story. Salamat sa lahat!
Chapter one“ Dad, I made up my mind po, ” I nervously said to my dad, who's busy reading the newspaper. He lifted his face and confusedly looked at me.“ I am accepting to marry Mr. Solise, ” I said. His eyebrows furrowed.“ Is that all you have to say? ” Aniya, in his baritone voice. I nodded. Akala ko ay magagalit siya, because it's been three months since he asked me to marry his closest friend's son, Diego Draven Solise.“ Y-yes, dad. ” I know dad was disappointed, however, I can't deny the fact that I am head over heels, Diego. He was my long-time crush. My first love. “ That's a good news, Caroline. ” biglang naging masigla si Dad, and left me to his room. I followed him sa sala, and there hawak ang kanyang cellphone.“ Good news, Amigo. ” Masayang wika ni dad sa kanyang kaibigan. Si Mr. Solise lang naman ang tinatawag niyang Amigo everytime they talked. Ang daddy ni Diego, “ My daughter is accepting the proposal, so the deal is still good? ” kunot-noo kong tiningnan si Dad.
CHAPTER TWOMatapos ang gabing iyon ay nakatanggap na ako ng bouquet of bulaklak, everyday. Minsan pinapadala pa sa office ko, with sticky notes pa. I couldn't hide my happiness, I wanted to cherish every moment of him, so I kept the notes and put them in a notebook. I want to keep it. It's a sign of love. I believe that he’ll like me, agad. I am hardworking. Ideal woman, and definitely a wife. I will make Diego happy, and give him all my heart, and love. “ Happy ka girl? ” biglang sabat ni Dina, ang aking secretary, slash best friend. Ano na naman kaya ang nasagap nitong balita?“ Anong chismiss meron ka today? ” agad na tanong ko. Sekretarya kong marites kahit kailan, pero mabait naman yan at maasahan sa lahat.“ Hmm.. I just found out something intriguing, ” she said, and put the envelope in my table. Hindi ko alam kung ano na naman ang nasa isip nito, minsan kasi gumagalaw lang ito ng walang utos.“ Open it, sis. ” aniya. Bumuntong hininga pa ako bago ko pinulot ang envelope at
CHAPTER THREEI paused. Speechless. Emotional. Confused.I don't know how to react. For the very first time, Atacia Frowline apologized in front of me. Parang may kung anong matigas na biglang lumambot sa puso ko. Sa loob ng dalawangput isang taon, nagawa ni Atacia ang mag-sorry. Hindi ko alam kung ano ang maging reaksyon ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa mag-sink in sa utak ko ang nangyayari. I still have doubts. What if it's just a prank? “ I know that I was so mean back then, I didn't accept you as my oldest sister. I was surprised back then, when dad took you home and said that you're my oldest sister. I was just ten, or eleven perhaps, when you became part of our lives. I got mad. I get jealous, and envied you for being a strong, independent woman. I just realized how amazing you are, that I must also rely on you. Pero habang iniisip ko na, kapag kinasal ka na ay aalis kana sa bahay ay parang may kung anong masikip sa puso ko, ” I got teary eyes. I want to hug her, and apolo
CHAPTER FOURNaging mas malalim ang halik ni Diego sa akin, I couldn't breathe but I didn't push him. Kusa na lang siyang bumitaw at tumawa. Nagulat naman ako sa kanyang biglang pagtawa at nakaramdam ng hiya.“ Sorry, I didn't stop myself. It's just because your lips are soft, and it's calling me, ” bulong niyang may halong pagnanasa. Napalunok naman ako ng aking laway, ang landi niyang tingnan. Shit. “ I can't wait to marry you, baby. Isang linggo na lang, at sa pagbalik ko, ayusin na natin ang kasal natin ha. ” anito. Ito na ba ang sinasabi nilang cloud nine? Ano ba tawag dun? Feels like cloud nine?“ S-sige, ayusin natin. ” pagsang-ayon ko sa kanya. Ngumiti siya at niyakap uli ako ng mahigpit, at sinubsub ang mukha niya sa leeg ko kaya nakikiliti ako. Pakiramdam ko tuloy ay mag-asawa na talaga kami. “ Boss, we can't be late. ” Biglang sabat ng secretary nito, halata naman na ito ang secretary niya. May tao pala sa kotse niya. Did he see the scenes, medyo nakakahiya. He scoffed.
CHAPTER FIVEHINDI ko na alam kung anong oras na, lasing na lasing na si Dina kaya minabuti na lang namin na umuwi. Mataas kasi alcohol tolerance ko kaya hindi ako agad nalalasing. Kanina pa kasi siya sayaw ng sayaw eh, naiinis ako kasi ang daming lalaki na lumalapit sa kanya at nanghihipo pa mga tarantado. “ Uwi na tayo, ” saad ko sa kanya at hinila na siya paalis sa dance floor. Nagpatangay naman siya sa akin, nang makalabas na kami ay may nakabangga akong lalaki. Sa sobrang lakas para akong tatapon, akala ko ay matutumba na ako kasama si Dina.“ Careful, ”bulong ng isang malamig, ngunit malalim na boses. Nag pantinagan ang aking tenga, naninindigan ang aking balahibo sa katawan, dahil sa boses nito. Hindi ko maiwasan na hindi ito tingnan, dun ko lamang napagtanto na may iba nang humawak kay Dina, at ako naman ay hawak ng lalaki sa aking bewang. Malapit na malapit lang ang aming katawan, ramdam ko ang kanyang hininga, at ang menthol scent nito na cologne ay mas lalong nag-palamig
A week without seeing Diego is a misery to me. I missed him so much. I still can't get his number that easy, I have to ask his relatives but I don't like them. They're so maatitude. I can wait naman so naghihintay ako kung kailan ko gusto, pero sobrang na-miss ko na talaga si Diego. Kumusta na kayo siya sa Dubai no, makakauwi na kaya siya today? One week lang naman yung business trip, I hope makakauwi na siya today. Nasa opisina ako nagbabasa ng ibang documents, may mga reports then about sa sales ng products namin. Reading some articles about our company, seeing how people positively giving comments, and their opinions means a lot to me. It just means that they like the products. As a business woman,. I have to know what other people prefer. The product they like, although hindi lahat ay nagiging masaya sa isang produkto pero hindi naman nagtatapos yun dun. Kaya nagsisikap din kami na mabigyan ng maayos na produkto at affordable ang mga kababayan. I have been in this business indus
Hindi ko alam kung ano nararamdaman ko ngayon, my dad greeted me today. It's my 26th birthday, and wasn't expecting na e-surprise nila ako. Tumayo ako mula sa pagkaka-upo, at hindi mapigilan ang mga luha na kumawala mula sa aking mga mata. Hindi ko kasama si dad buong buhay ko. I was already 23 when dad take me with him, kilala ko naman siya noon pa. Si Yaya Anne ang kasama ko buong buhay ko. She was like my second mother. Tumira na ako kay dad 3 years ago, at iniwan ang dating tahanan kung saan ako namulat sa katotohanan. At first, Dad tries to hide me from everyone. But, when I turned 18, he tells me everything. Ayaw kong magtanim ng sama ng loob sa kanya, hindi naman niya ako pinabayaan. Lumaki naman ako na maayos, at nakukuha rin ang lahat. Kahit palagi akong nakaranas ng pambubully ay hindi naman huminto ang buhay ko dun. I keep being a strong, independent woman, I never allow everyone to talk shit behind my back. At nakilala din ako ng lahat dahil ipinakilala ako ni Dad na anak
Gabi na at nandito na ako sa labas nang building. I was waiting for Diego. Kanina pa ako kinakabahan dito, at nanginginig na sa sobrang kilig, gusto kong tumili na parang ewan pero ayaw kong gawin yan dito sa labas nang building, baka ma viral pa ako gawin na katawa-tawa ng mga tao.Sobrang nakakahiya ata nun. Mapagkamalan pa akong gaga kapag ginawa ko yun. Diego texted me a while ago, that he will fetch me. At hito naman ako na sobrang excited bumaba agad nang building, kahit hindi pa tapos ibang files na kailangan pirmahan ko. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti. This night will be our first ever date.While waiting, patingin tingin ako sa aking paligid, ngayon ko lang napagtanto na may mga maliit na stores, and branch pala dito sa harapan ng building ko. Naalala ko dati may isang Nanay na nag-tayo ng kanyang tindahan dito mismo sa harap ko kung saan ako nakatayo. Ang sarap lang sa feeling, kasi hindi nawala ang pangalan ni Nanay Dona, at malaki na din ang tindahan niya.Si Nanay D
Maayos ang lahat. Naging matagumpay ang sorpresa, at labis na napasaya si Caroline. Hindi rin maalis ang ngiti sa kanyang mukha habang nagkukuwentuhan sila ni Atacia. Ngunit, nalungkot din siya nang malaman na nakunan pala si Atacia at inabuso ang kapatid ng dating asawa nito. Habang tumatagal daw ang kanilang pagsasama ay nagbago ang ugali ng asawa ni Atacia at madalas na siyang sinasaktan, dahilan kung bakit siya nakunan. Mabuti na lamang at nakapag-divorce sila sa ibang bansa. Limang taon din nagtiis si Atacia sa piling ng mapang-abusong asawa. Ngayon, malaya na siya at abala sa trabaho sa isang kumpanya sa Canada, kung saan niya rin nakilala ang bago niyang kasintahan. Habang nagkukuwentuhan pa rin sina Atacia at Caroline, lumapit naman ang Daddy ni Caroline kay Raven. "Anong balak mo, iho?" tanong ni Mr. Frowline, bigla siyang sumulpot sa tabi ni Raven, ikinagulat naman nito. "Kanina pa kasi kita napapansin na parang kinakabahan ka," dagdag pa nito. "Tito, g-gusto ko na sana
“Surpresa!” sabay-sabay na sigaw ng lahat nang buksan ni Caroline ang pinto. Napaatras naman siya, tila nagulat sa dami ng mga taong nagkakantahan at nagpapalakpakan sa sala. Hindi naman maiwasan ni Caroline ang matuwa, dahil ang iba sa mga bisita ay mga empleyado niya. At kumpleto rin ang kanyang pamilya,.maliban Sa isang tao. Sa gitna ng lahat, si Raven ay nakangiti habang may hawak na ang bunso nilang anak na si Venus.“You thought we forgot, didn’t you?” Raven said with a teasing smile.Bago ang kaganapan, sobrang abala si Caroline sa kumpanya dahil nagkaproblema sila sa isang investor. Dahil sa tindi ng kanyang pagka-busy, hindi na niya namalayan ang paglipas ng mga araw. Isang buwan na pala ang nakalipas, at maraming nangyari sa panahong iyon.Si Diego at Dina ay pumunta na sa ibang bansa para sa operasyon ni Diego. Masaya naman si Caroline dahil sa wakas ay magagamot na ang dati niyang asawa. Para kay Dina naman, magsisimula na ito ng negosyo sa ibang bansa. Tinulungan sila ni
Alam kong may konsensya pa rin si Dina hanggang ngayon, at ako rin naman. Hindi mawala sa isip ko ang mga kasalanang nagawa ko sa kanya. Sobrang dinurog ko siya. Hindi ko nga alam kung paano ako makakabawi sa kanya. "Uhm... ano ba ang susunod nating hakbang? Paano natin mapapasaya si Caroline? Wala akong maisip na pwedeng gawin..." litong sabi ko. "Paano kung ayain natin sina Raven at Caroline mag-date? Sa tingin ko magandang ideya 'yun, di ba?" masiglang mungkahi ni Dina habang nag-iisip pa. "Sa tingin mo, okay lang sa kanya? Hindi kaya siya magalit?" tanong ko nang may pag-aalinlangan. Hindi ko rin kasi masyadong kilala si Caroline, lalo na't hindi naman kami nagtagal. Nakilala ko lang naman si Caroline noon nung sinabi sa akin ni Dad na siya ang papakasalan ko. Dahil sa maganda siya at napakamasipag na babae. Agad rin nahulog ang loob at puso ko sa kanya. Pero nagloko pa rin ako sa kanya. She's the perfect woman na sana, kaso isang akong tanga kaya ngayon wala na siya sa akin.
Mabilis kong iminulat ang aking mga mata, at agad na bumungad sa akin ang puting kisame at amoy ng ospital. Nakakasulasok ang amoy, at ayoko nito. Paano ako napunta sa lugar na 'to? Kasama ko lang si Mamay kanina; baka naman naghahallucinate lang ako. Pero nasa kwarto lang talaga ako ngayon at hindi sa ospital. Ibinaling ko ang aking ulo sa kaliwa at tumingin sa paligid. Nasa ospital nga talaga ako. Pero anong ginagawa ko rito? "Babe, you're finally awake. Thank goodness," bungad na sabi ni Raven. "Pinag-alala mo ako. Sorry..." umiiyak na sabi ni Raven. Kunot-noo ko siyang tinitigan. Ano ba ang problema? "Why are you crying?" mahina kong tanong. “Nasa ospital ka, babe. Hindi ka nagising kagabi, kaya nag-alala ako. Lahat kami nag-alala. Pasensya na, sorry kung napaiyak kita ulit.” “Bakit ka nagso-sorry? Wala ka namang ginawang mali, ah...” tanong ko. “Mamay told me. Umiiyak ka raw, at sobrang sama ng loob ko. Alam ko kasi kung bakit ka umiiyak kahapon. Akala mo siguro may k
[CAROLINE] Bumuhos na naman ang aking mga luha. Kakaayos lang namin, pero may nalaman na naman ako. Bakit ganito? Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana? Gusto ko lang naman na maging maayos kami, kahit na pinagtaksilan nila ako. Pero bakit hanggang ngayon, patuloy pa rin ang pagsisinungaling? Bakit ganito? Agad akong pumasok sa kotse at humagulgol. Pilit kong inaayos ang lahat—sinubukan kong tanggapin at patawarin sila. Binigay ko ang gusto nila para maayos na. Kahit labag sa loob ko, ginawa ko, para kahit papaano'y maibsan ang bigat ng dinadala ko. Bakit ba ang hirap magpakatotoo? "Why do I have to experience this? Gusto ko nang maayos ang lahat sa amin, tapos bigla na lang malalaman ko na ang murderer ng asawa ko noon ay ang kabit niya pala? This is so frustrating!" Dapat ba akong maawa kay Diego? Pero siguro sapat na itong mga nalaman ko. Tama na ang kadramahan. Gusto nilang magsama, sige, hahayaan ko na sila sa buhay nila. Ibibigay ko na at magpopokus na lang ako sa buhay k
Nagulat si Caroline sa paghingi ng basbas ni Diego sa kanya. She felt something touch her heart, at pakiramdam niya'y napawi ang sakit na kanyang nararamdaman. Hindi sakit at selos ang nararamdaman niya ngayon, kundi saya sa kanyang puso. The way humingi si Diego ng basbas sa kanya ay para bang sigurado na siya kay Dina—na para bang ito ang babaeng habang buhay niyang mamahalin.Tears streamed down her cheeks. Tiningnan niya ang kalagayan ni Dina na wala pa ring malay at pagkatapos ay tumingin kay Diego, na para bang sinasabi, "Please, let us be happy together.""C-Caroline, sorry. Please, don't cry. H-hindi na kita tatanungin tungkol sa bagay na 'yon. I am sorry, masyado lang ata akong desperado," he said in panic as he held Caroline's hand.Akala ni Diego ay galit pa rin si Caroline sa kanilang dalawa. Alam ni Caroline na hindi madaling maghilom ang sugat na dinulot nila."Maybe giving them a chance isn't bad, right?" sa isip ni Caroline.Pinahiran niya ang kanyang mga luha, at mahi
Isang malutong na sampal ang dumapo sa pisngi ni Stiffany nang magkita silang dalawa sa hideout nila. Nagulat si Stiffany sa ginawa ni Dina, sa biglaang pagsampal na hindi niya alam ang dahilan. Dahil dito, sinampal din niya si Dina ng dalawang beses sa magkabilang pisngi. Nanlilisik ang kanilang mga mata, at tila konti na lang ay mag-aaway na sila at magdadambahan."Ano ba ang problema mo?" singhal ni Stiffany kay Dina."Ikaw! Kayo ng mga kuya-kuyahan mo! Ano ang ginawa ninyo kay Diego?" nanlilisik ang mga mata ni Dina habang nagsasalita.Inirapan ni Stiffany si Dina at tinalikuran ito. "He deserves to die," ani Stiffany. "Dahil sa ginawa niya, nawala sa amin ang lahat. Sinumbong niya kay Daddy kung ano ang ginawa namin nina Kuya. Kung tumahimik lang sana siya, hindi siya mapapahamak." Nanggigigil na sambit nito."Paano mo nagagawa 'yon sa kapatid mo? Hindi ba baliw na baliw ka kay Diego? Ano'ng kapahamakan ang ginawa ninyo sa kanya?" sigaw ni Dina. "Mabait si Diego sa inyo, paano ni
Dinala nina Raven at Caroline si Diego sa ospital dahil nahihirapan itong huminga. Kahit ayaw nitong magpadala sa ospital, dinala pa rin nila ito upang magamot din ang mga sugat niya. May bantay sa kwarto niya upang walang sinuman ang makapasok. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa kwarto ni Diego sa ngayon dahil sa nangyari. Nagsimula na rin mag-imbestiga ang mga pulis sa bahay ni Diego, at nagbigay na rin ng pahayag sina Raven at Caroline. Ayon kay Diego, ang mga kapatid niya ang may pakana ng nangyari sa kanya. Nagpaiwan si Caroline sa ospital upang bantayan si Diego, na hindi pa rin nagigising simula nang dinala nila siya roon. May nais ding malaman si Caroline. Gusto niyang maintindihan kung bakit laging sinasabi ni Diego na masakit ang kanyang ulo. Sinabi rin ni Raven na uminom si Diego ng pain reliever bago sila umalis ng bahay. Hindi siya mapakali, lalo na nang mahawakan niya ang ulo ni Diego at mapansin ang labis na pagkalagas ng buhok nito. Malakas ang kutob niya na
HATING-GABI na nang makatanggap ng tawag si Raven mula kay Diego. Mukhang hinihingal ito at nahihirapan sa paghinga. Nang oras na iyon, nasa kanyang opisina siya sa loob ng bahay, samantalang si Caroline ay natutulog na sa kanilang kwarto. Kunot-noo man si Raven dahil sa biglaang tawag nito, hindi niya magawang balewalain dahil mukhang may nangyari.Mabilis na kinutuban si Raven kaya hindi na siya nagdalawang-isip na tumayo at kunin ang susi ng kanyang kotse. Alam niyang hindi pa sila lubusang nagkakasundo ni Diego, pero hindi na niya ito kalaban ngayon. Wala na siyang kailangang patunayan dahil alam niyang si Caroline at ang mga bata ay sa kanya pa rin"Nasaan ka?" kalmadong tanong ni Raven habang pinapaandar ang kanyang sasakyan."Sa bahay ko, alam mo na kung saan 'to, dahil nakapunta ka na rito noong dinala mo si Matthew," hirap na hirap nitong sabi. Rinig na rinig din ni Raven ang mabigat na paghinga ni Diego.Dinala niya kasi ang bata sa bahay nito isang beses, dahil gustong maki