Share

CHAPTER FOUR

CHAPTER FOUR

Naging mas malalim ang halik ni Diego sa akin, I couldn't breathe but I didn't push him. Kusa na lang siyang bumitaw at tumawa. Nagulat naman ako sa kanyang biglang pagtawa at nakaramdam ng hiya.

“ Sorry, I didn't stop myself. It's just because your lips are soft, and it's calling me, ” bulong niyang may halong pagnanasa. Napalunok naman ako ng aking laway, ang landi niyang tingnan. Shit.

“ I can't wait to marry you, baby. Isang linggo na lang, at sa pagbalik ko, ayusin na natin ang kasal natin ha. ” anito. Ito na ba ang sinasabi nilang cloud nine? Ano ba tawag dun? Feels like cloud nine?

“ S-sige, ayusin natin. ” pagsang-ayon ko sa kanya. Ngumiti siya at niyakap uli ako ng mahigpit, at sinubsub ang mukha niya sa leeg ko kaya nakikiliti ako. Pakiramdam ko tuloy ay mag-asawa na talaga kami.

“ Boss, we can't be late. ” Biglang sabat ng secretary nito, halata naman na ito ang secretary niya. May tao pala sa kotse niya. Did he see the scenes, medyo nakakahiya.

He scoffed. “ We have to go. Ingat ka ha, ” Diego said at sumakay na sa kotse. He waved at me, so I did the same thing hanggang sa umalis na sila.

I couldn't hide my happiness. I want to shout. Nag-iinit ang katawan ko, kakaibang init. My heart is beating so fast. Ang lakas ng dug dug nito. In love na talaga ako sa kanya,mas lumalalim pa. Nang hindi ko na makita ang sasakyan niya ay pumasok na uli ako sa loob, at nadatnan ang magkapatid sa sala. Poker face ulit ako, dahil naiinis ako sa mga mukha ng mga batang to.

Sabado pala ngayon,muntik ko ng makalimutan. Gusto kong lumabas mamaya, yayain ko kaya si Dina. It's been a while since my last gala. No work ako every sabado. Rest day ko baga. Hays. I really couldn't hide myself from smiling. Bawing bawi sa sama ng loob ko kagabi dahil sa mga batang to. Hays.

“ SANA ALL,SWEET! ” Atacia said. I ignored them,and went upstairs. Ma-inggit ka Atacia,ang crush mo ay ang mapapangasawa ko.

Naligo na muna ako bago bumaba. Nag-ayos ng susuotin. Tinali ko na din ang mahabang buhok ko na hanggang baywang na din ang haba.

Naalala ko tuloy si yaya Anne ko. She was my nanny for twenty-five years. And I don’t have any information about her whereabouts. But I will find her. I have to bring my nanny back. She’s been gone for six months now, and I really have no clue why she left. Nasaktan ako sa ginawa niya pero hahanapin ko pa rin siya.

Lumabas na ako dahil nakaramdam na din ng gutom, naalala ko na hindi pala ako nag dinner kagabi. I am craving tuyo. It’s been so long, Nana Anne, who always cooks my favorite food. Tiningnan ko muna ang fridged kung meron pa bang tuyo na iniwan dahil nakita ko pa yun last week eh. Hindi rin kasi ako dito sa bahay kumakain. Baka tinapon na din yun ng mga bruha dito sa bahay. At sila Manang at iba pa naming kasambahay ang binibigyan ko ng tuyo kapag nag go-grocery ako.

“ Manang, have you seen may tuyo po? ” Tanong ko kay Manang Ester. Kaibigan din siya ni Nanny Anne ko.

“ Nako po ma’am Carol, pinatapon po lahat ni Madame ang lahat nang groceries na binili niyo po last week. Pasensya na po dahil hindi agad kita napag sabihan, ” bulong ni Manang ester. Tumango-tango naman ako. Walang kasalanan sila Manang. Lahat na lang pinapakialaman ng bruha na yun.

Dumeretso ako sa taas upang kausapin ang bruha kong tita. Hindi talaga okay sa akin na pinapakialaman ang mga gamit ko. Agad akong kumatok sa pintuan ng kanyang kwarto. It took me minutes before she opened the door. Beauty rest, ang laspag na ito ah..

“ Tita, bakit niyo po ipinatapon ang favorite ko? Which is my tuyo, ” taas kilay niya lang akong tiningnan. Sarap dukutin ng kanyang mga mata.

“ I don’t want that awful food here inside my ho—- ” I cut her off.

“ To be precise, OUR HOUSE. MY DAD’S HOUSE, NOT YOURS! ” I confidently say. Wala naman kasing kanya sa bahay na ito eh.

Parang umuusok na ang ilong ni Tita sa galit. May parte lang siya sa bahay na ito ay dahil asawa siya ni dad. Kung tutuusin ay tinanggap lang naman siya ni dad to keep his image clean. Dad doesn't like issues,as long as he can make his image clean,he will make it clean no matter what it takes.

“ Mana ka talaga sa Nanay mo, pakialamera! ” sigaw niya. Naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya. How dare she mention my mother.

“ Do you know my mom? ” I ask hysterically. Bigla na lang siyang tumawa,at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Tinitigan niya ako sa mata bago siya mag salita. Galit ang nararamdaman ko ngayon for involving my mom.

“ You know nothing about your mom, Caroline. Do you want to know more about her? I can spill some, I can share some information with you. However,there’s a price for every word I say. What do you think? ” pinaningkitan ko siya ng mata. Hindi niya ako madadala, she knows nothing about my mother.

“ I don’t need to hear your every scheme, Tita. Dad told me that you and my mother are strangers. Hindi mo kilala ang mommy ko, kaya please don’t involved my mother sa kagaguhan mo, ” mahina ngunit pabagsak kong salita sa kanya.

“ Talaga? You listen to what your dad says? Perhaps ayaw ng dad mo na masaktan ka, and what you said kagabi,.. parang binabaliktad mo lang ata. Your mother is the mistress. Yes, ikaw ang nauna dahil nilandi ng mommy mo ang daddy mo, while I was abroad studying. I was already your dad’s fiance, at that time. Your mom just ruined my relationship with your dad, that is why I broke up with him. ” Mahabang wika niya. I am still not convinced. My mother won’t ruin a relationship.

“ Ang galing mo talaga kahit kailan Tita, no wonder taong bahay ka lang kasi hindi ka marunong magpatakbo ng storya. Your scheme sucks! ” wika ko. “ Mag practice ka pa next time, Tita. Make sure na convincing ang bawat salita na sasabihin mo. Wag ako, dahil wala akong respeto sa mga taong dinadamay ang mommy ko sa issue. This is about us! ” malamig kong salita sa kanya.

Kunot ang noo ni, Tita at sabay hawak sa dibdib niya. Huminga ito na para bang nauubusan na siya ng hininga, but i didn’t mind her acting. Umalis ako sa harapan niya, when she started to call for help. She’s obviously faking it. Nice. Sana nag artista na lang si Tita. Akala niya ata wala akong alam tungkol sa mommy ko. I know everything, wala ako dito ngayon kung tatanga tanga ako.

Disrespecting a dead person? I will never let it pass.

NANDITO ako ngayon sa dating bar kung saan kami laging nakatambay ni Dina. Actually tatlo sana kami, but the other one betrayed us. Siniraan niya ako kay Dina. Dina has a boyfriend for three years, they broke up because of my friend’s scheme. Gumawa siya ng kwento that i am hooking up with Dina’s boyfriend, tapos siya lang pala yun. Ang bitch, hindi ba?

Kaya hindi na ako nakikipag-kaibigan kahit na kanino, and hindi na ako nag plano na mag boyfriend pa. Wala talaga ako boyfriend, since birth hanggang sa makilala ko si Diego sa isang event. Dun nagsimula ang magka-gusto sa kanya. It’s been three years since I've had a crush on me. And now, ikakasal na kami pero gusto ko din maranasan na ligawan. I just hope that Diego will make me feel all the love that I have never experienced before.

Mamahalin ko talaga siya ng buong-buo. He is my first love, and last love. Hindi na ako muling magmamahal ng iba. Siya lang at wala nang iba. I may sound obsessed pero lilimitahan ko pa rin ang sarili ko. Magmamahal ako ng buo, ngunit may ititira pa rin para sa sarili ko. Sana ay mag work ang relasyon namin ni Diego, ibibigay ko talaga ang lahat sa kanya.

Takot akong masaktan pero walang nag-mamahal na hindi nasasaktan. Kailangan natin masaktan muna bago natin mahanap ang tunay na saya kasama ang taong tunay na sayo nagpapaligaya. Pero?... Kailangan ko pa ba na masaktan upang mahanap ko ang tunay na kaligayahan? Hindi naman ata ako sasaktan ni Diego, hindi ba?

Sa sobrang lalim na nang iniisip ko ay nakalimutan ko na nasa bar pala ako. Kumusta na kaya si Diego? Nasa Dubai na kaya siya ngayon? Namimiss ko na siya. Hindi ko din matawagan, hindi ko alam phone number niya.

“ Hoy, nakasimangot ka diyan. Okay ka lang ba? ” hindi na ako nagulat sa kanya dahil lagi naman yan ganyan sa tuwing may gala kami, at laging late ng 30 minutes. Wala naman jowa na kinabibisihan.

Bubuka ko na sana ang bibig ko ng hinarang niya ang hintuturo niya, atsaka nilagok ang isang baso na wine ko. Lakas niya talaga uminom.

“ Bakit late ka na naman, palagi ka na lang late wala ka namang jowa. Sino ba kinabibisihan mo? Alam nang once week lang tayo nakakagala, late ka pa. Ano ba yan Dina, magbago kana nga, ” naiinis akong pinikit ang aking mga mata, at kinalma ang sarili. Kabisado na niya talaga lahat ng sasabihin ko.

“ Kabisado mo na lahat, next time iba naman ang sasabihin ko, ” ani ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status