Ava's P.O.V.Alin kong pinagmasdan si Elijah habang siya ay natutulog. Sino kaya ang babaeng niyaya siyang kumain? Medyo may katandaan na ito at sa tingin ko ay nasa edad kuwarenta na ang babaeng iyon. Bakit siya niyaya nitong kumain? Hindi kasi sinasabi sa akin ni Elijah kung sino ang babaeng iyon. Basta ang sabi niya ay kaibigan niya lang. Pero naiinis ako sa totoo lang. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Dapat nga na wala akong pakialam sa kanilang dawa dahil driver ko lang naman si Elijah. Pero bakit parang iba ang epekto sa akin nang makita ko silang magkasama ng babaeng iyon? Bakit parang may matinding inis sa puso ko na parang gusto ko silang paghiwalayin? Basta ayokong makita silang magkasama. Period.Bumuntong hininga ako at saka umupo sa tabi ni Elijah. Napakagwapo talaga niya. Kaya naman hindi na ako magtataka na kahit matanda o bata man ay mahuhulog sa kaniya. At isa pa, nakakatuwa ang ugali niya. Maginoo na medyo bastos. 'Yon pa naman ang pinangarap kong lalaki. Magin
Ava's P.O.V."Parang naging masipag ka yata sa pag-aasikaso ng kompanya natin, Ava," sabi sa akin ni Mama habang kumakain kami."Medyo, Mom. Okay na rin pala sa company natin.""Paanong okay? Hindi ka na naiinis kapag marami kang proposal na binabasa? Na marami kang pinipirmahan?"Marahan akong umiling. Noong wala pa kasi si Elijah, wala talaga akong ganang patakbuhin ang kompanya. As in natatamad ako. Hindi ko naman kasi talaga gusto ang nasa opisina lang na puro basa o pirma kapag may naaprobahan ako. Ang gusto ko kasi magnegosyo tulad ng pagbebenta ng mga damit. Mahilig kasi akong mag-design ng damit. At pinangarap ko na maibenta ko ang mga damit na dinesenyo ko."Mabuti naman kung ganoon. Sabi naman namin sa iyo ng Dad mo, matututunan mo ring mahalin ang gawain sa kompanya natin. At alam kong mapapalago mo kagaya ng kompanya ni Leonardo. Darating ang araw na mahihigitan din natin sila."Napatingin ako kay Mama. Alam kong may inggit siyang nararamdaman kay Mr. Leonardo at hindi ko
Elijah'sP.O.V. "Ano bang eksena mo? Bakit ka ba nandito?" Inis na sabi ko kay Amelia."Wala lang. Gusto ko lang makita ka. Ito pala ang kompanya ng amo mo. Mayaman pala siya," wika niya sabay tingin sa mataas na building na nasa harapan namin."Oo. Mas mayaman pa sa ito. Bakit ka ba nandito, ha? Ano bang kailangan mo sa akin? Hindi ko naman sinabing pumunta ka dito pero papansin ka. Kulang ka ba sa aruga?"Ngumiti siya. "Oo kulang sa aruga mo.""T*ng in mo! Matanda ka na arugain mo ang sarili mo. Huwag mo nga akong pistihin dito, Amelia. Magpaaruga ka sa iba. Huwag sa akin dahil abala ako sa trabaho ko."Tumaas ang kilay niya. "Abala sa trabaho? Paano ka naman magiging abala eh driver ka lang naman? Pagkagapos mong maihatid ang babaeng iyon, puwede ka ng umuwi o gawin ang mga dapat mong gawin. O 'di naman kaya ang magpahinga. Kaya bakit ka magiging abala? Huwag mo sabihing abala ka sa amo mo?"Matalim ko siyang tinitigan. Ano ba ang gustong palabasin ng babaeng ito?"Alam mo, kaya si
Ava's P.O.V."Bakit parang bapapansin ko ang pagiging malapit mo sa lalaking 'yon? Sa driver mo? Na parang iba ang pakikitungo mo sa kaniya, Ava?" galit na turan sa akin ni Mommy.Tiningnan ko siya. Ano na naman kaya ang napapansin niya? Sa tingin ko ay magkakasagutan na naman kaming dalawa dahil may napanain na naman siya. "Paano ibang? At saka masama bang makipag-usap at mapalapit driver ko? Hindi ba puwedeng close lang kami dahil mabait siya sa akin?" Inis kong sabi sa kaniya. Nakakainis talaga siya kahit kailan. Kaunti na lang talaga ay mawawala na ang respesto ko kay Mommy.Ngumisi siya. "Paano mo naman nasabing abait siya sa iyo, ha? Mabait nga ba talaga? Hindi ka naman ganiyan sa mga driver mo dati. Kung makitungo ka nga sa kanila ay parang ayaw mo silang makausap ng matagal."Walang emosyon kong tiningnan si Mommy. Naiirita na talaga ako sa kaniya pero pinipilit ko lang maging kalmado. Hangga't maaari kasi ay nagpipigil akong magalit dahil magulang ko pa rin sila. Pero parang
Elijah's P.O.V.Abala ako sa paglilinis ng bay*g ko nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Ma'am Ava sa screen. Napabilis tuloy ang pagligo ko at pagkatapos ay sinagot ko na ang tawag niya."Yes, Ma'am? Bakit po?""May ginagawa ka ba?" tanong niya mula sa kabilang linya.Lumabas na ako ng banyo at saka naglakad patungo sa kama. Sinuot ko ang nakahanda kong brief pati short."Wala naman po, Ma'am. Bakit po?""Puwede mo ba akong sunduin ngayon dito sa bahay? Gusto ko sanang magpalipas ng gabi sa bahay ninyo. Nandiyan na ba ang Mama mo?"Bigla akong nakaramdam ng saya. "Wala po, Ma'am. Sige po papunta na ako diyan." Pinatay ko na ang tawag. Agad kong isinuot ang damit ko at pagkatapos ay nagmamadali akong sumakay sa motor ko at pinaandar ito. Naabutan kong nasa labas na ng gate nila si Ma'am Ava. Nakasuot siya ng t-shirt at maikling short. Napatingin tuloy ako sa maputi at makinis niyang hita. Agad siyang sumakay sa motor ko."Halika na, bilisan mo ang pagpapatakbo."
Leonardo Montemayor's P.O.V."Kumusta si Bethrice? Nandoon pa rin ba siya sa kapatid niya?" tanong ko kay Jack na aking pamangkin. Siya ang naging utusan ko sa lahat ng bagay. Malaki ang utang na loob ko sa kaniya kaya naman binibigay ko ang lahat ng gusto niya para masuklian ang pagtulong niya sa akin para hanapin ang anak kong si Elijah. Lahat ng sekreto ko ay alam niya at ni minsan ay hindi niya ako pinahamak."Yes, Tito. Hindi pa rin siya umuuwi sa kanila. Bale nag-iisa pa rin si Elijah sa bahay nila. Pero noong nakaraang araw, parang nakita ko si Ma'am Ava kasama siya. At sa tingin ko ay nagkakamabutihan na ang dalawang 'yon."Napangiti na lang ako. Ramdam ko naman iyon noong huling punta ko sa opisina ni Ava. Nakakatuwa lang dahil si Ava ang natipuhan ng anak ko. Sobrang saya ko dahil sa wakas nakasama ko na rin ang anak kong si Elijah. Kaya nga lang, hindi niya alam na ako ang tunay niyang ama. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi sinabi ni Bethrice ang katotohanan tungkol
Elijah's P.O.V."Say ah!" sabi ko kay Ava sabay subo ng pagkain sa kan'ya. Sabay kaming kumakain ngayon dito sa mini kitchen niya. At parehas kaming nagsusubuan ng pagkain."Ang cute pala ng bunganga mo, Hon," sabi ko sa kan'ya sabay ngisi."Ano?" kunot noong tanong niya."Ang sabi ko, ang cute pala ng bunganga mo."Alanganin siyang natawa. "Okay? Thank you, Hon.""Pero mas cute 'yan kung isusubo mo ang tit* ko."Muntik na niyang masuka ang pagkaing nasa bibig niya. Malakas niya akong hinampas sa braso sabay irap."Ano ba naman 'yan, Hon! Napakabastos mo talaga! Kumakain tayo eh!"Humagalpak ako ng tawa. "Naisip ko lang kasi na mas masaya siguro kung tit* ko ang nasa bunganga mo. Kaya mamaya, isubo mo 'to."Namula ang kaniyang mukha. "K-Kailangan ba talaga 'yon?"Mabilis akong tumango. "Oo, Hon. Kailangan na kailangan. Kagaya ng sa iyo, isusubo mo ang akin at kakainin ko naman ang sa iyo. Masarap sa pakiramdam, 'di ba?"Mas lalong namula ang mukha niya. Ang cute niya kapag namumula
Amelia Buenavista's P.O.V.Halos mamaga ang mata ko kaiiyak kagabi. Nasaktan ako ng sobra sa mga salitang binitawan sa akin ni Elijah. Oo, alam ko namang naging mali ang paraan ko para mahalin siya. Pero hindi naman niya ako masisisi dahil malaki ang insecurities ko sa sarili ko dahil nga mas matanda ako sa kaniya. Mahal na mahal ko si Elijah. Unang kita ko pa lang sa kaniya, nabihag niya na ang puso ko. At nang pumayag siya na maging kami, tuwang-tuwa ako. Kaya naman hindi ako nagdalawang isip na ibigay sa kan'ya ang lahat para hindi niya ako iwa. Pero hindi pa rin nabago iyon at iniwan niya pa rin ako Alam ko namang mali ang nagawa ko at naisip ko nga na naging preso siya sa piling ko. Kaya nga gusto kong bumawi at ipakita sa kaniya na handa akong magbago bumalik lamang siya sa akin. Pero mukhang mahahadlangan iyon dahil sa babaeng 'yon. Hindi naman siya maganda. Makinis at maputi lang siya pero kung tutuusin mas maganda pa ako sa kan'ya. Sa edad lang kami nagkakatalo. Sa yaman na
Ava's P.O.V.Isang linggo matapos mailibing si Mommy, tila naging tahimik ang buhay ko. Naging malungkot at tila ba walang buhay. Ang anak ko na lang na si Evo ang nagpapasaya sa akin. Laking pasasalamat ko dahil nandiyan siya upang pasayahin ako."Ava...hindi mo ba talaga ako kayang mahalin? Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Bakit hindi mo ako mabigyan ng isang pagkakataon para mapatunayan ko na totoo ang nararamdaman ko para sa iyo? Huwag mo ng isipin pa si Elijah. Nalalapit na ang araw ng kasal nila ng bago niya. Bakit ba hindi mo na lang siya kalimutan?" sabi sa akin ni Bryan.Kasalukuyang dinalaw ako ni Bryan ngayon. Pero wala naman akong pakialam sa kaniya. Hindi ko naman siya kailangan. Si Elijah ang kailangan ko ngayon. Pero mukhang busy ito sa pag-aasikaso ng kasal nila ni Amelia."Hindi natuturuan ang puso, Bryan. At kahit pang mangyari, hindi kita magagawang mahalin dahil si Elijah lang ang hanap ng puso ko. Siya lang ang mahal ko at wala ng iba pa. Kaya kung maaari sana, t
Ava's P.O.V.Malungkot akong nakatanaw sa kalangitan. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa sa paghihintay ng pagbabalik ni Elijah. Sobrang nasasabik na akong sabihin sa kaniya ang tungkol sa anak namin."Evo...anak ko...wait lang natin si Daddy mo, ha? Alam kong babalikan niya tayo..." Hindi ko napansing tumutulo na pala ang mga luha ko. Kaagad ko iyong pinunasan. Hindi ko lang kasi talaga maiwasang hindi masaktan. Sabik na sabik na akong mayakap at makasama si Elijah. Walang araw o oras na hindi ko siya inisip. At walang araw na hindi ako nagdasal na sana ay nasa mabuting kalagayan lang siya. Kinabukasan, nagulantang ako sa balitang natanggap ko. Nandito na raw si Elijah. Sobrang kabog ng puso kaya naman nagpunta kaagad ako sa kompanya ng kaniyang ama."Hello po, Tito...nasaan po si Elijah?" Kinakabahan kong tanong nang makita ko si Mr. Leonardo.Malungkot siyang tumingin sa akin. At pagkatapos hinawakan niya ako sa magkabilang balikat."Ava...hindi ko alam kung
Elijah's P.O.V.Kahit nahihilo na ako, hindi pa rin ako tumitigil sa kaiinom ng alak. Gusto kong magpakalunod sa alak. Gusto ko ring maglaho na lang bigla. Hindi ko in-expect na magagawa iyon sa akin ni Ava. "Elijah...lasing na lasing ka na. Tama na 'yan," sabi sa akin ni Jack.Bumaling ako sa kaniya. "Ano bang nagawa kong mali para ipagpalit kaagad ako ni Ava? Hindi ba siya naniwala sa akin na babalikan ko siya? Na kinailangan ko lang ng kaunting panahon para maabot ko kung ano na ako ngayon?"Bumuntong hininga si Jack. "Sa totoo lang, ayokong magsalita eh. Kasi hindi ko naman alam ang side ni Ava. Baka may kinalaman na naman ang Mommy niya kaya siya nagkaroon agad ng iba.""Pero kahit na. Kung mahal niya talaga ako, hindi niya magagawang magpabuntis sa iba. Na makakaya niya akong ipaglaban. At alam mo na ang sama niya dahil tunay na anak pala niya ang batang 'yon pero sinabi niya lang na ampon? Hindi ko akalain na ganoon pala siyang klaseng babae. Hindi niya inisip ang anak niya. K
"Ano bang pag-uusapan nating dalawa?" tanong ko kay Amelia nang pumayag akong makipagkita sa kaniya.Malawak siyang ngumiti. "Mas lalo kang gumuwapo ngayon, Elijah. Masaya ako dahil unti-unti mo nang natutupad ang mga pangarap mo. May sarili ka ng kompanya at kilala ka na rin. Hindi magtatagal ay magiging kagaya ka na rin ng Daddy mo."Kumunot ang noo ko. "Paano mo nalaman?""Sa akin na lang 'yon. Kailan ko lang ito nalaman. Nagulat nga ako eh. Syempre, sa pagkawala mo, talagang nangulila rin ako dahil mahal pa rin kita. Nag-imbestiga ako tungkol sa iyo at nalaman kong anak ka pala sa labas ng isang kilalang tao. Masaya nga ako dahil maayos na ang buhay mo ngayon. At may maipagmamalaki ka na sa taong umapi sa iyo kagaya ng Mommy ni Ava."Napatango na lang ako. Sabagay, mayaman si Amelia. Marami siyang koneksyon kaya talagang may malalaman siya tungkol sa akin."Okay. Pero ano ba ang dahilan mo para makipagkita sa akin? Ano bang sasabihin mo?" Ngumiti siya. "Hindi naman sa pangingial
Elijah's P.O.V.Dalawang buwan simula nang matungo kami dito sa probinsya, wala akong ibang inisip kun'di si Ava. Labis akong nangungulila sa kaniya. Deactivated ang lahat ng social media accounts ko. Pati ang simcard ko ay sinira ko na rin para wala na siyang contact sa akin. Alam kong mali ang ginagawa kong 'to dahil wala man lang akong pasabi sa kaniya na aalis ako pero ito lang ang paraan ko para hindi na rin siya madamay. Ayokong magkaroon pa siya ng koneksyon sa akin na maaari niyang ikapahamak."Ayos ka lang ba, anak?" tanong sa akin ni Mama na kararating lang galing sa palengke."Ayos lang po ako, Mama. Huwag niyo po akong alalahanin," sagot sabay ngiti. Bumuntong hininga si Mama. "Nakikita ko sa iyong mga mata ang labis na pangungulila mo kay Ava. Pero kailangan muna nating magtago sa ngayon para na rin sa kapakanan ninyong dalawa."Huminga ako ng malalim sabay tango. "Opo, Mama. Naiintindihan ko po 'yon. At isa pa, gusto ko na pagbalik ko, may masasabi na ako. Hindi naman m
Elijah's P.O.V.Habang abala ako sa pagluluto, nagulat na lang ako nang may malakas na katok mula sa gate. Pagkatingin ko, nandoon si Papa. Agad ko siyang pinagbuksan ng gate. Nagmamadali naman siyang pumasok sa loob ng bahay."Umalis na muna kayo, Elijah. Magpakalayo-layo kayo ng Mama mo," mabilis na sabi ni Papa habang nanginginig ang kamay."Ha? Bakit Leonardo? Anong mayroon?" takang tanong naman ni Mama na pababa ng hagdan."Bethrice, nalaman na ni Moira ang tungkol sa anak natin. Alam na niya na anak natin si Elijah. Galit na galit siya sa akin. Ibig sabihin, siya pala ang nag-utos sa tauhan niya na sundan si Elijah para alamin kung sino ba siya. At alam kong may gagawin siyang masama sa inyo. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa inyo. Umalis na kayo hangga't maaga pa. Para hindi na niya kayo maabutan pa," bakas sa tono ni Papa ang takot."Pero Papa, paano ka naman? Baka may gawing masama sa iyo ang babaeng 'yon!" Ngumiti si Papa. "Huwag mo akong ala
Elijah's P.O.V.Kinabukasan ay pinuntahan ko si Amelia sa kanilang bahay. Hindi naman kasi imposibleng tauhan niya ang sumusunod sa akin dahil minsan na niya akong pinasundan. Malakas na katok ang ginawa ko sa gate niya. "Hoy babae! Ano bang problema mo? Talagang hindi mo ako titigilan?" Galit na sigaw ko sa kaniya.Nagtataka naman siyang lumabas ng kaniyang bahay. "Ha? Anong pinagsasabi mo, Elijah?"Asar akong tumawa. "Huwag ka na ngang magmaang-maangan diyan! Bakit mo ako pinapasundan sa tauhan mo? Talaga bang baliw ka na?"Nagsalubong ang kilay niya. "Ano? Pinapasundan? Saan mo naman nakuha 'yan? Hindi kita pinapasunda sa tauhan ko! Maniwala ka. Hindi na nga kita pinakikialaman dahil alam ko naman na hindi ka na babalik pa sa akin. Maniwala ka, Elijah. Hindi ko tauhan ang sumusunod sa iyo."Matalim ko siyang tinitigan. Nagsasabi kaya ng totoo ang babaeng 'to? Pero kasi ang hirap maniwala. Minsan na kasi niyang ginawa sa akin 'yon. At isa pa, baliw na baliw siya sa akin kaya talaga
Elijah's P.O.V.Ngayong araw ay wala kaming ibang ginawa ni Papa kun'di ang gumala. Hindi sumama si Mama dahil ayaw daw niya ng gulo. Kaya nagpaiwan na lang si Mama sa bahay. Kung saan-saan kami nagpunta ni Papa. Binilhan niya rin ako ng mga mamahaling damit at sapatos."Nagustuhan mo ba anak ang lahat ng binili ko sa iyo?" tanong sa akin ni Papa. "Opo! Gustong-gusto ko. Maraming salamat po, Papa," masayang sabi ko sa kaniya."Walang ano man anak. Nga pala, saan mo pa pala gustong magpunta?""Puwede po ba pumunta tayo sa play house? Mag-basket ball tayo, Pa! Pataasan tayo ng score," sabi ko sabay tawa.Natawa rin siya sabay tango. "Sige ba. Walang problema."Agad naman kaming nagtungo sa play house. Maraming kabataan ang naglalaro sa baskellball-an kaya naghintay muna kami ni Papa. At pagkatapos ay agad na kaming naglaro.Masasabi kong magaling si Papa mag-shoot ng bola dahil halos wala siyang palya."Wow ang galing! Mataas ka lang sa akin ng two points, Pa!" sabi ko nang makita ko a
Elijah's P.O.V."Elijah…" Napalingon ako nang may tumawag sa akin. Nagulat ako nang makita ko kung sino."Uy ikaw! Ikaw 'yong nakabangga sa sidecar ko dati 'di ba?" sabi ko sa kaniya sabay lapit. Pinagbuksan ko siya ng gate."Sinadya ko 'yon." Nakangising sabi niya.Kumunot ang noo ko. "Ha? Bakit mo naman sinadya?"Tumawa siya. "Kailangan para magkita na tayo. Ako pala si Jack. Magpinsan tayo. At matagal na kitang minamatyagan dahil utos 'yon sa akin ng Daddy mo."Nanlaki ang mata ko. "Weh? 'Di nga? Kaya pala parehas tayong guwapo! Magpinsan pala tayo!" Napangiti sabay iling si Jack. "Loko ka. Kumusta ka pala? Kayo ng nobya mong si Ava?" Bumuntong hininga ako. "Ito…medyo nahihirapan dahil patago kaming nagmamahalan ni Ava. Patago kaming kikita at nagsasama tuwing gabi.""At dahil ba 'yon sa hindi ka tanggap ng Mommy niya?" Mabilis akong tumango. "Oo. Siya talaga ang kontrabida sa love story namin ni Ava. Ewan ko ba sa babaeng 'yon. Hindi na lang siya maging masaya para amin ng ana