Sa murang edad ni Clariza ay natutunan nyang umibig. Subalit ang una niyang pag-big ay hindi katulad ng pangkaraniwan sapagkat hindi niya nakita si Joseph. Sa pamamagitan lamang ng text sila nag-usap at sa ganoong paraan niya ito minahal. Nagpakilala si Joseph kay Clariza bilang pump attendant ng isang gasoline station. Lingid sa kaalaman ng dalaga na nag-iisang tagapagmana ang binata ng pamilya Villa Fuente at Monreal. Itinago ng binata ang kanyang estado sa buhay upang sukatin ang pag-ibig sa kanya ng dalaga. Naging tapat naman ang pag-iibigan nila pero isang araw ay nagbago iyong lahat. Dahil sa isang mabigat na dahilan ay nakipaghiwalay si Joseph kay Clariza. Labis na ikinadurog ng puso ng dalaga ang biglaang pakikipaghiwalay sa kanya ni Joseph. Mula noon ay nangako si Clariza sa sarili niya na hindi na siya iibig pang muli. Mabilis na lumipas ang sampung taon. Lingid sa kaalaman ni Clariza ay matagal na siyang nagtatrabaho sa lalaking nanakit sa kanya. Si Engr. Joseph Kristian Monreal Villa Fuente. Isang kilalang inhinyero at isang multi-billionaire. Tatlong taon siyang hindi umuwi sa Pilipinas dahil sa kagagawan ni Venus, ang babaeng sumira ng maganda nilang relasyon ni Clariz. Sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas ay dumeretso siya sa resort na pag-aari niya. Nakilala niya nang personal ang supervisor na laging ipinagmamalaki sa kanya ng kanyang assistant. Sa unang pagtatama ng paningin nila Joseph at Clariza at sa simpleng ngiti ng dalaga ay agad na nahumaling ang binata. Dala ng kuryusidad ay natuklasan ng binata na ang babaeng napupusuhan niya ay siya rin ang babaeng iniwan at sinaktan niya sampung taon na ang nakalipas. Pano makukuhang muli ni Joseph ang puso ni Clariza? May pangalawang pagkakataon pa ba ang kanilang magmamahalan gayong hindi na handang muling umibig ang dalaga?
view moreChapter 13!Pagkatapos mag ikot sa buong pasilidad ng VILLA FUENTE GARDEN RESORT ay bumalik si Kristian sa kanyang opisina.Paga siya umupo at isinandal ang li hikod sa swivel chair. Pumikit siya at ang magandang mukha ni Clariza ang paulit- ulit na kaniyang nakikita. Naalala niya kung paano ito nahulog at bumagsak sa kaniyang bisig. Ang madungis nitong mukha, at ang magulo nitong buhok. Ang ekpresyon nito nang siya ay makita. Napapangiti siya sa mga naglalaro sa kanyang isip. Dumilat siya at huminga ng malalim,kasabay ng bahagyang pag-iling.“Bakit iba ang dating mo sakin,Clariza? Dahil lang ba sa kapangalan mo siya?” tanong niya sa sarili.“No! Napaka unfair ko kung yun lamang ang dahilan ko!” sigaw naman ng kabilang bahagi ng isip niya.Sa ilang oras nilang magkasama ng dalaga ay nakita niya ang paraan ng pagkilos,pananalita at maging ang paglakad nito. She's a boyish type na parang sinasabi sa lahat na kaya niyang makipagsabayan ng kakayahan sa lalaki at babae na nasa paligid niya
Chapter 12“Shit na malagkit!” wika ng isip ni Clariza, tutop ang bibig niya habang wala sa sariling naglalakad papasok ng apartment. “Bakit ba kasi natulog ka ng mahimbing sa sasakyan ng boss mo ha Clariza? Lukring ka! eh di hayan suot mo ang damit ng amo mo, kapal talaga ng mukha mo!” panenermon pa niya sa sarili.Napabuntong hininga siya habang kumukuha ng damit na gagamitin sa pagpasok niya sa hotel. Pagkatapos ay tinungo niya ang banyo upang maligo. Isang simpleng white polo shirt ang pinili niyang isuot at tinernohan niya ng denim jeans. Hanggang alas tres lamang ng hapon ang pasok niya ngayon at sa tingin niya ay wala naman siyang masyadong gagawin natapos na niya ang karamihan sa mga nagdaang araw. Itinali niya ng isahan ang kaniyang buhok at nag lagay ng konting pulbos at lip tint at isinuot niya ang puting rubber shoes.Pagpasok pa lang niya ng hotel ay nakita na niya ang kotse ng kanyang boss sa parking area. Deretso siyang lumakad na parang walang nangyari. Sinikap niyang
Chapter 11 Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili, bukod sa may konting pananakit ng ulo siyang nararamdaman ay wala naman kakaiba sa kanyang pakiramdam. Saglit niyang inalala ang nangyari kagabi. Natutop niya ang kaniyang bibig nang maalala niyang nakisakay siya sa sasakyan ng dalawang binatang amo. Dali dali siyang tumayo upang alamin kung kaninong bahay ba itong kaniyang tinulugan. Maraming tanong ang gumugulo sa kaniyang isip,tulad ng paanong naiba ang kaniyang damit? sino ang nagpalit sa kanyang damit? at kaninong bahay ang kaniyang namulatan?Hindi pamilyar sa kanya ang kwartong kaniyang kinaroroonan, maging ang mabangong amoy ng paligid at ang pang lalaking kulay ng dingding at interior design. Napasinghap siya upang lumanghap ng hangin.“amoy gwapo!”bulong ng isip niya.Lumabas siya ng kwarto at inaasahan niyang si Emman ang nag uwi sa kanya. Close naman kasi sila ng lalaki kahit paano hindi katulad ng big boss nila na hindi mo malaman ang takbo ng utak kung mabait, suplad
Chapter 10Maya- maya pa ay tumayo ang kanilang boss at nag enter ng number sa videoke. Hindi nya himalubos isipin na ang isang napaka yamang lalaki na tulad ng boss Kristian nila ay makikisalamuha sa kanila sa ganitong salo salo. Kahit pa napakaseryoso ng mukha nito ay alam niyang sinisikap nitong makibagay sa kanila. Nagsimula mag play ang kantang isinaksak nito, curious siya qng marunong ba itong kumanta.Hey, there's a look in your eyesMust be love at first sightYou were just part of a dreamNothing more so it seemedBut my love couldn't wait much longerJust can't forget the picture of your smile'Cause every time I close my eyesYou come aliveHabang kumakanta ito ay napatulala siya. Maganda ang boses ng binata at swabeng swabe sa kanyang pandinig ang bawat liriko na kaniyang naririnig. Bigla kumabog ang kanyang dibdib ng titigan siya nito habang kumakanta na parang sa kanya nais iparating ang mensahe ng awit. Nag init ang kanyang mukha sa pagtatama ng kanilang paningin.Nat
Chapter 9 Hindi niya ma imagine ang itsura niya habang nakasuot ng skirt. Gusto niyang magprotesta sa sinasabi ng binata pakiramdam niya ay para lamang sa kanya ang rules na pinatupad nito.Siya lamang kasi ang bukod tanging naka pants sa pagpasok. Naninibago siya sa bagong atmosphere ng resort na ito mula nang dumating ang binata. Nakasanayan na niya kasi na si Emman ang lagi niyang kaharap bilang representative ng kanilang boss. Effective ang rules na ito na magsisimula pagktapos ng treat na ibibigay sa kanila nito. May panahon pa siya para makumbinse ang sarili sa bagay na yaon.****Laglag ang balikat at animo binagsakan ng langit ang itsura ni Clariza habang pabalik sa kanyang opisina. Hindi parin natatanggap ng kanyang sistema ang pagsusuot niya ng skirt.“ Oh maam, ano ang nangyari sayo? May masakit ba sayo?” tanong ni Grace nang napansin na parang wala siya sa mood gumalaw. “ Wala, ang unfair lang ng rules ng boss nyo” nakatirik ang mata niyang sagot na ikinatawa naman
Chapter 8 Napasandal naman sa likod ng pinto si Clariza oras na makapasok siya sa loob ng apartment niya. Kasabay ng isang malalim na paghinga, natutop niya ang kanyang dibdib. Matinding tensyon ang nararamdaman niya habang kasama ang binatang amo. Inaalala din niya ang mga tao sa paligid hindi siya sanay na may lalaking naghahatid sa kanya sa pag uwi lalo at dalawa lamang sila. Nag tungo siya sa kusina upang kumuha ng inumin upang guminhawa ang kanyang pag hinga. “ Ano kaya ang trip ng lalaking yon? sala sa init sala sa lamig, hindi mo malaman kung mabait o masungit!” naiiling na bulong ng isip niya.Hindi na niya naisipan kumain dahil sa kakaibang pakiramdam. Dumeretso siya sa kanyang damitan at kumuha ng damit pang tulog at pumasok sa banyo upang maglinis ng katawan. Itutulog na lamang niya ang inis na nararamdam.***** Kinabukasan, nasa entrance pa lamang siya ng hotel nang salubungin siya ni Grace.“Maam Clariz, may urgent meeting daw po tayo sa pavillon ngayon tara saba
Chapter 7 “I will make you a woman” bulong ng binata sa isip habang naglalaro sa isip nya ang imahe ng magandang mukha ni Clariz.“Sayang ang ganda mo, kung walang poporma sayo”dagdag pa ng isip niya habang may pilyong ngiti sa labi. May plano siyang nabuo at excited siyang gawin ito sa lalong madaling panahon.******Gabi na at hindi na oras ng trabaho ni Clariza ngunit hindi pa siya agad umuwi. Pinili muna niyang makipag kwentuhan sa mga staff na pang gabi tulad ng nakagawian niya. Wala naman gaanong guest na nag over night check in sa gabing iyon kaya hindi gaanong abala ang lahat. Hindi katulad noong nakaraang linggo na araw araw ay dagsa ang mga turista umaga at gabi. Wala silang panahon para magkwentuhan kaya heto siya ngayon at sige ang pakikipagbiruan sa mga staff. Nakaupo siya sa pasimano ng pasilyo habang kumukuyakoy ang mga paa. “Jorelle, ano ba ang pasabog mo sa birth day mo? My banda ba?” tanong niya sa kaibigan. Hindi sila naglalayo ng agwat ng edad siya ay dalawangpu
Chapter 6 Pasipol sipol ang binata habang naglalakad pabalik sa kanyang opisina. Masayang masaya siya na nakuha niya nang walang kahirap hirap ang mobile number ni Clariza.Bakas naman ang pagtataka sa mukha ng bawat empleyadong nakakasalubog niya. Nakangiti pa kasi siyang tumatango bilang pagtugon sa mga bati nito sa kanya na dati naman niyang hindi ginagawa. Nakarating siya sa kanyang opisina na hindi niya napapansin. Abala ang utak niya kung paano mailalapit ang sarili sa dalaga. Alam niyang gusto niya ito ang hindi lamang niya matukoy ay kung gaano kalalim ang kanyang pagkagusto dahil bago sa kanya ang pakiramdam na iyon. Hindi pa niya naramdaman sa mga nakarelasyon niya. Maliban sa babaeng nakatextmate niya sampung taon na ang nakalilipas. Ganito din siya noon, parang hibang na pangiti ngiti mag isa, ang kaibahan lamang ay bata pa siya noon. Hapon na at nagulat pa si Joseph nang bumukas ang pinto ng opisina niya. Nakita niyang nakatayo doon ang kanyang bestfriend na nakangiti
CHAPTER 5“Nothing sir!” sagot niya.Ramdam niya ang paninitig ng boss niya sa kanya habang siya ay nakayuko. Hindi niya tuloy maiwasan ang mailang habang kumakain.Samantalang aliw na aliw naman si Kristian habang pinagmamasdan niya ang dalaga. Sumilay ang isang simpleng ngiti sa kanyang labi.“Boyish style huh! Tingnan ko nga kung gagana ang charm mo sa kanya Kristian”, naglalarong salita sa kanyang isipan. Pormal siyang tumikhim upang makuha ang atensyon ng dalagang kaharap. “So may i see the reports of this past few months of this resort, Miss Mendoza?”wika niya na diretsong nakatingin sa dalaga.Mabilis naman ang naging kilos ni Clariza upang tugunin ang hinihingi ng kanyang big boss. My pagka professional siya kapag oras ng trabaho at tinitiyak niyang nasa ayos ang lahat ng kanyang gagawin. Inilabas niya ang folder na naglalaman ng lahat ng detalye na kailangan niyang iprisinta sa sa kanyang big boss at iniabot dito. Pinasadahan naman ng tingin ng binata ang ang kanyang re
Chapter 1YEAR 2006: Kakauwi lang ng bahay ni Clariza galing sa eskwelahan nang masalubong nya si Aling Bebeng!“Clariza! Naku, dali, halika nga bata ka tumama ka sa jueteng! Natsambahan mo ang taya!” masayang balita sa kanya ng ginang. “Ho? Talaga ho Aling Bebeng?” Namilog ang mata nya sa pagkagulat. Lalo na nang iabot nito sa kanya ang pera. “Hindi nga kayo nagbibiro Aling Bebeng!” tuwang tuwa niyang bulalas. Naisip niya kung saan nga ba niya dadalhin ang kanyang napanalunan, at isang pasya ang kanyang nabuo. Ibibili nya ng cellphone ang pera, yung latest ngayon na Nokia 3310. Wala kasi syang cellphone, hindi katulad ng lahat ng kaklase nya na kanya-kanya ng hawak kapag break time.***ESKWELAHAN. Excited syang tumabi sa upuan ng kaibigan niyang si Jhoan. “Besh! May cellphone na ko!” kinikilig pa nyang impit na tili sa kaibigan. Agad namang bumaling si Jhoan sa kanya na namimilog ang mga mata “Talaga? Saan galing? Binilan ka ng nanay mo? Himala yun, ah!” sunod-sunod na turan ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments