Share

Honey Ko!

Chapter 2  

   LUMIPAS ang mga araw, at pakiramdam nya ay kulay rosas ang paligid nya dahil may inspirasyon sya. Hindi man nya nakikita at nakakausap ito ng personal ay alam nyang hulog na hulog na sya sa binatang katextmate nya. Hanggang sa gumanap na nga ito bilang “boyfriend” niya. Tumatawag na rin ito sa kanya palagi at hindi na rin nya problema ang load dahil ang binata na ang nagbibigay niyon. 

“Honey ko, gusto kitang puntahan diyan sa lugar nyo kapag nagkaroon ako ng libreng oras”.Turan ng binata habang kausap nya ito sa phone. Napangiti sya sa nadinig dahil napakalambing naman talaga nito sa twing kausap nya. Hindi nya iniisip na hadlang ang di nila pagkikita dahil nadarama naman nya ang pagmamahal nito mula sa kabilang linya. 

 “Natatakot ako honey ko, baka pag nakita mo na ko ay maturn off ka sa akin, isa pa hindi alam ng nanay ko na may boyfriend ako”.Nakasimangot nyang sagot dito.Nadinig nya ang pagtawa nito sa kabilang linya. 

“ Honey ko mahal kita hindi dahil sa mukha mo, minahal kita ng hindi ka nakikita, masaya ako kapag kausap ka at kahit may problema ako kapag kausap kita, gumagaan ang pakiramdam ko, sapat na sa akin yon,” seryoso nitong sagot.

 “Ikaw nga diyan baka pag nakita mo ako ay hindi mo na ako kausapin pagkatapos” dinig pa nyang tawa nito na my bahid ng pag aalala.

 “Hala hindi ako ganon no? Saka ikaw kaya ang first love ko, hindi yun mababago ng itsura kahit mukha kapang paa” sagot nya at sabay silang napahagalpak ng tawa. 

“ Grabe ka naman sa mukhang paa, honey ko. Aminado akong di ako kagwapuhan pero wag naman mukhang paa” sabi nito sa pagitan ng pagtawa.

 “Ako nga kmukha ni Sorayda eh,” sagot nya na tumatawa din naiimagine nya kasi ang itsura ng isang komedyante sa t.v.

  Ang totoo ay hindi naman sya kamukha noon, literal na maganda sya kung ilalarawan. May manipis na mapupulang labi na kahit hindi lagyan ng lipstick ay sadyang mapula. Hanggang balikat ang itim at makisap nyang tuwid na buhok, maliit na ilong na my katangusan at pares  ng mga matang mapupungay, na binagayan pa ng malantik na pilik mata. Hindi sya kaputian pero makikita ang makinis niyang balat na parang alaga sa lotion. Isang simpleng dalaga na walang kaartehan sa katawan, pulbos lng ang tangi nyang inilalagay sa kanyang mukha.

*****

Lumipas ang mga araw at patuloy siyang pinapakilig ni Joseph sa mga banat nito. Tuwing umaga ay ginigising sya nito sa pamamagitan ng pagtawag sa kanya. Hindi din ito nakakalimot mag update sa kanya sa bawat oras na alam nitong bakante sya. Isang text ang natanggap ni Clariza.Isang simpleng ”?” lamang iyon pero alam nya ang ibig sabihin nito. Kung pwede naba syang mkipag usap dito. 

“ My god Clariza praning kana”! Question mark palang ang text sayo kinikilig kana akala ko naman kung ano na sinabi sayo at akala mo ka pusang di maihi dyan!”.

 Walang prenong talak  ni Jhoan sa kanya.Nagulat siya sa kaibigan dahil di nya akalain na nabasa pala nito ang text ni Joseph sa kanya. Halos matawa siya sa ekpresyon ng mukha ni Jhoan. 

“Anu kaba besh my meaning un, tinanong nya kung pwde na kami mag usap. Nakairap niyang sagot.

  

  “Para kang timang dyan besh, paano mo nasabing boyfriend mo yan, ni hindi mo nga nakikita malay mo, hindi naman tlga single yan, panu kung may asawa at anak na pla sya sabi mo nga He is 5 years older than you?”  Mahabang sermon na naman ng kaibigan. 

Naisip na din nya nang maraming beses ang bagay na sinabi sa kanya ni Jhoan,ngunit sadyang makulit ang puso nyang patuloy na umibig kay Joseph.

“Ano ba ang trabaho ng lalaking yan? Tanong pa ulit ni Jhoan.

“ Pump attendant daw sya sa gas station” sagot naman nya. 

“My God beshy!! Ganyn ka na ba kadesperadang magkaroon ng jowa ha? Bukod sa hindi mo pa kilala ng  lubusan, gasoline boy pa?! Si Tonyo nalang ang pagbigyan mo, atleast kilala mo pa”.Nakatirik ang mata ng kaibigan habang nagsasalita. Nasaktan sya sa sinabi ng kaibigan ngunit nauunawaan naman nyang nagmamalasakit lang ito sa kanya. Ipinagsawalang kibo na lamang nya ang sinabi nito.

 Sa kabilang banda, habang kausap ni Joseph si Clariza, ay pinagmamasdan naman sya ng bestfriend na si Emman. Pangiti ngiti pa ito at pailing iling sa kaibigan. 

“Praning”! naisaisip pa nito.

 Nang matapos ang pag-uusap ay binalingan niya ang kaibigan. 

“Bakit ka patawa tawa diyan tol?”. Tanong niya na nakakunot ang noo sa pagtataka. Ngumisi naman si Emman.

 “Wala tol, natatawa lang ako sa inyong ng girlfriend mo!”

 Sagot nito na ikinibot kibo pa ang tig dalawang daliri sa magkabilang kamay na parang sinabi na girlfriend mo kuno. Para kasing totoong totoo yang pinagsasabi mo patuloy pa nito.

“ Bakit? Tol mukha ba kong hindi seryoso sa kanya? Kahit naman hindi ko pa sya nakikita, alam kong mahal ko na sya”.

 Seryoso naman niyang sagot. Ngayon lang kasi nya naranasan ang makipagrelasyon sa babaeng hindi pa niya nakita ng personal. Bagamat ilang bababe na rin ang kanyang nakarelasyon. Ngunit iba itong si Clariz, pakiramdam nya ay kulang ang maghapon pag hindi nya ito nakakausap.  “

“Tol, inamin mo na ba sa kanya ang tunay mong estado sa buhay?” Tanong nito. 

“Hindi tol, hayaan mo muna sya darating din tayo sa bagay na yan. Hayaan mong mahalin nya ko bilang isang pump attendant”. Sabay iling nya na natatawa din sa pinag gagawa nyang kwento. 

“Take note tol, mahal nya daw  ako kahit daw mukha pa akong paa!”.

Sabay tawa nya sa kaibigan,. Natawa din si Emman sa kanyang sinabi. 

“Grabe naman sa mukhang paa, sana manlang ay mukhang takong para class ng konti!”.

 Hagalpak nitong tawa. Malayo kasi sa sinasabi ni Clariz na mukha sya paa o mukhang takong dahil ang totoo ay may pinagpalang mukha siya. Hindi lamang mukha to be exact pati ang pangangatawan niya ay pinagpala din. Mula sa mata nyang parang nangumgusap kung tumingin, pointed nose at mapupulang labi na pag ngumiti ay maakit ang sinomang kabaro ni Eva.idagdag pa ang mapuputi at pantay pantay niyang ngipin. Ang medyo pangahan niyang hugis ng mukha na lalaking lalaki ang dating. May malapad na balikat at dibdib. Idagdag pa ang taas nyang 5”9. Lapitin sya ng mga babaeng kasing edada at mga kolehiyala, ngunit mula ng makilala nya mula sa kabilang linya si Clariz ay wala na siyang nakitang magandang babae sa paligid niya. Ganon sya kahibang sa pag- ibig sa dalagang fourth year high school.

Handa syang puntahan ito makasama lamang at makilala ng lubusan.

Ngunit isang pangyayari ang magpapabago sa kanilang relasyon. Kadarating lang ni Joseph galing sa trabaho ng salubungin sya ng kanyang ama sa sala ng kanilang bahay. 

“Hijo anak mabuti at nandito kana may mahalaga tayong pag- uusapan halika at sabayan mo kami sa pagkain” wika nito.

Pagdating nya sa kusina ay nagulat siya sapagkat hindi lang ang mga magulang at kapatid niya ang naroon. Nakaupo din sa harap ng hapag si Venus at ang mga magulang nito.Si Venus ang kanyang first girl friend, childhood sweetheart nya ito ngunit may nang may makilala itong lalaki sa paaralan na pinapasukan ay nagpaalam na ito na palayain niya. Isang taon na silang hindi nagkikita kaya't nagtataka sya sa biglang pagbisita ng mga ito. May kakaibang pakiramdam siya sa pagkikita nilang iyon na parang problema ang dala.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status