Chapter 11 Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili, bukod sa may konting pananakit ng ulo siyang nararamdaman ay wala naman kakaiba sa kanyang pakiramdam. Saglit niyang inalala ang nangyari kagabi. Natutop niya ang kaniyang bibig nang maalala niyang nakisakay siya sa sasakyan ng dalawang binatang amo. Dali dali siyang tumayo upang alamin kung kaninong bahay ba itong kaniyang tinulugan. Maraming tanong ang gumugulo sa kaniyang isip,tulad ng paanong naiba ang kaniyang damit? sino ang nagpalit sa kanyang damit? at kaninong bahay ang kaniyang namulatan?Hindi pamilyar sa kanya ang kwartong kaniyang kinaroroonan, maging ang mabangong amoy ng paligid at ang pang lalaking kulay ng dingding at interior design. Napasinghap siya upang lumanghap ng hangin.“amoy gwapo!”bulong ng isip niya.Lumabas siya ng kwarto at inaasahan niyang si Emman ang nag uwi sa kanya. Close naman kasi sila ng lalaki kahit paano hindi katulad ng big boss nila na hindi mo malaman ang takbo ng utak kung mabait, suplad
Chapter 12“Shit na malagkit!” wika ng isip ni Clariza, tutop ang bibig niya habang wala sa sariling naglalakad papasok ng apartment. “Bakit ba kasi natulog ka ng mahimbing sa sasakyan ng boss mo ha Clariza? Lukring ka! eh di hayan suot mo ang damit ng amo mo, kapal talaga ng mukha mo!” panenermon pa niya sa sarili.Napabuntong hininga siya habang kumukuha ng damit na gagamitin sa pagpasok niya sa hotel. Pagkatapos ay tinungo niya ang banyo upang maligo. Isang simpleng white polo shirt ang pinili niyang isuot at tinernohan niya ng denim jeans. Hanggang alas tres lamang ng hapon ang pasok niya ngayon at sa tingin niya ay wala naman siyang masyadong gagawin natapos na niya ang karamihan sa mga nagdaang araw. Itinali niya ng isahan ang kaniyang buhok at nag lagay ng konting pulbos at lip tint at isinuot niya ang puting rubber shoes.Pagpasok pa lang niya ng hotel ay nakita na niya ang kotse ng kanyang boss sa parking area. Deretso siyang lumakad na parang walang nangyari. Sinikap niyang
Chapter 13!Pagkatapos mag ikot sa buong pasilidad ng VILLA FUENTE GARDEN RESORT ay bumalik si Kristian sa kanyang opisina.Paga siya umupo at isinandal ang li hikod sa swivel chair. Pumikit siya at ang magandang mukha ni Clariza ang paulit- ulit na kaniyang nakikita. Naalala niya kung paano ito nahulog at bumagsak sa kaniyang bisig. Ang madungis nitong mukha, at ang magulo nitong buhok. Ang ekpresyon nito nang siya ay makita. Napapangiti siya sa mga naglalaro sa kanyang isip. Dumilat siya at huminga ng malalim,kasabay ng bahagyang pag-iling.“Bakit iba ang dating mo sakin,Clariza? Dahil lang ba sa kapangalan mo siya?” tanong niya sa sarili.“No! Napaka unfair ko kung yun lamang ang dahilan ko!” sigaw naman ng kabilang bahagi ng isip niya.Sa ilang oras nilang magkasama ng dalaga ay nakita niya ang paraan ng pagkilos,pananalita at maging ang paglakad nito. She's a boyish type na parang sinasabi sa lahat na kaya niyang makipagsabayan ng kakayahan sa lalaki at babae na nasa paligid niya
Chapter 1YEAR 2006: Kakauwi lang ng bahay ni Clariza galing sa eskwelahan nang masalubong nya si Aling Bebeng!“Clariza! Naku, dali, halika nga bata ka tumama ka sa jueteng! Natsambahan mo ang taya!” masayang balita sa kanya ng ginang. “Ho? Talaga ho Aling Bebeng?” Namilog ang mata nya sa pagkagulat. Lalo na nang iabot nito sa kanya ang pera. “Hindi nga kayo nagbibiro Aling Bebeng!” tuwang tuwa niyang bulalas. Naisip niya kung saan nga ba niya dadalhin ang kanyang napanalunan, at isang pasya ang kanyang nabuo. Ibibili nya ng cellphone ang pera, yung latest ngayon na Nokia 3310. Wala kasi syang cellphone, hindi katulad ng lahat ng kaklase nya na kanya-kanya ng hawak kapag break time.***ESKWELAHAN. Excited syang tumabi sa upuan ng kaibigan niyang si Jhoan. “Besh! May cellphone na ko!” kinikilig pa nyang impit na tili sa kaibigan. Agad namang bumaling si Jhoan sa kanya na namimilog ang mga mata “Talaga? Saan galing? Binilan ka ng nanay mo? Himala yun, ah!” sunod-sunod na turan
Chapter 2 LUMIPAS ang mga araw, at pakiramdam nya ay kulay rosas ang paligid nya dahil may inspirasyon sya. Hindi man nya nakikita at nakakausap ito ng personal ay alam nyang hulog na hulog na sya sa binatang katextmate nya. Hanggang sa gumanap na nga ito bilang “boyfriend” niya. Tumatawag na rin ito sa kanya palagi at hindi na rin nya problema ang load dahil ang binata na ang nagbibigay niyon. “Honey ko, gusto kitang puntahan diyan sa lugar nyo kapag nagkaroon ako ng libreng oras”.Turan ng binata habang kausap nya ito sa phone. Napangiti sya sa nadinig dahil napakalambing naman talaga nito sa twing kausap nya. Hindi nya iniisip na hadlang ang di nila pagkikita dahil nadarama naman nya ang pagmamahal nito mula sa kabilang linya. “Natatakot ako honey ko, baka pag nakita mo na ko ay maturn off ka sa akin, isa pa hindi alam ng nanay ko na may boyfriend ako”.Nakasimangot nyang sagot dito.Nadinig nya ang pagtawa nito sa kabilang linya. “ Honey ko mahal kita hindi dahil sa mukha mo
CHAPTER 3“LET’s just stop this!” Joseph whispered while they talk.“ Bakit?” tanong ni Clariz sa kausap habang naka kunot ang noo sa pagtataka.Wala naman syang natatandaan na pinagtalaunan nila nang mga nakaraang araw. Oo at minsan silang nagkakatampuhan dahil sa kanilang biruan, pero ngaun lang umabot sa ganito na nakikipag hiwalay na ito sa kanya. “Ahmm Clariz kasi, ano–” nadinig pa nya ang malalim na paghinga nito.Maging ang paraan ng pagtawag nito sa kanya ay nabago na . “Patawarin mo ko pero kasi may girlfriend na ko itdito sa malapit.” Bagaman alam nya na darating ang araw na magsasawa ito sa kanilang set -up ay hindi parin nya mapigilan ang pag-iyak. Ipinagpalit na sya nito sa malapit. Nauunawaan naman nya ito sa bagay na yon kahit nasasaktan sya ay tumango tango sya na parang nakikita sya nito. “ Ah so may nakita ka na sa malapit.? Yung lagi mo nakakasama?”.Tanong nya sa pagitan ng paghikbi .“Sige pinapalaya na kita. “Wala naman akong magagawa eh, isa pa hindi naman tal
Chapter 4 Napatulala ng ilang minuto si Joseph habang inaaral angilang reports na kanyang binabasa. Napasadahan kasi ng kanyang mga mata ang files ni Clariza binasa niya ang folder. Ma.Clariza G.Mendoza basa niya sa pangalan nito. Nakita din nya s resume nito ang ilang achievements nito sa buhay. Namangha siya sa katangian ng dalaga. Dean's lister kc ito sa kolehiyo at nagtapos bilang cum laude. “Good catch!, Beauty and brain huh!” Naisip niya habang pangiti ngiti. Bigla niyang naisip na makipag lapit sa dalaga. “I want to know you more, Clariza” dagdag pa ng isip niya. Sinipat niya ang relong pambisig niya, tamang tama dahil malapit na ang ng lunch meeting nila ng dalagang supervisor. Inayos niya ang kanyang sarili at parang teenager na sumulyap sa sariling repleksyon sa glass wall ng knyang opisina. “Ok gwapo ka pa rin naman seph,” pangiti ngitin niyang puri sa sarili at nag spray pa ng pabango. Lumabas na siya ng opisina at tinungo ang restaurant ng hotel kung saan sila magk
CHAPTER 5“Nothing sir!” sagot niya.Ramdam niya ang paninitig ng boss niya sa kanya habang siya ay nakayuko. Hindi niya tuloy maiwasan ang mailang habang kumakain.Samantalang aliw na aliw naman si Kristian habang pinagmamasdan niya ang dalaga. Sumilay ang isang simpleng ngiti sa kanyang labi.“Boyish style huh! Tingnan ko nga kung gagana ang charm mo sa kanya Kristian”, naglalarong salita sa kanyang isipan. Pormal siyang tumikhim upang makuha ang atensyon ng dalagang kaharap. “So may i see the reports of this past few months of this resort, Miss Mendoza?”wika niya na diretsong nakatingin sa dalaga.Mabilis naman ang naging kilos ni Clariza upang tugunin ang hinihingi ng kanyang big boss. My pagka professional siya kapag oras ng trabaho at tinitiyak niyang nasa ayos ang lahat ng kanyang gagawin. Inilabas niya ang folder na naglalaman ng lahat ng detalye na kailangan niyang iprisinta sa sa kanyang big boss at iniabot dito. Pinasadahan naman ng tingin ng binata ang ang kanyang re