Share

My Forever Love
My Forever Love
Author: Dugong_Bughaw

WRong sent

Chapter 1

YEAR 2006:

Kakauwi lang ng bahay ni Clariza galing sa eskwelahan nang masalubong nya si Aling Bebeng!

“Clariza! Naku, dali, halika nga bata ka tumama ka sa jueteng! Natsambahan mo ang taya!” masayang balita sa kanya ng ginang.

“Ho? Talaga ho Aling Bebeng?” Namilog ang mata nya sa pagkagulat. Lalo na nang iabot nito sa kanya ang pera. “Hindi nga kayo nagbibiro Aling Bebeng!” tuwang tuwa niyang bulalas.

Naisip niya kung saan nga ba niya dadalhin ang kanyang napanalunan, at isang pasya ang kanyang nabuo.

Ibibili nya ng cellphone ang pera, yung latest ngayon na Nokia 3310.

Wala kasi syang cellphone, hindi katulad ng lahat ng kaklase nya na kanya-kanya ng hawak kapag break time.

***

ESKWELAHAN.

Excited syang tumabi sa upuan ng kaibigan niyang si Jhoan. “Besh! May cellphone na ko!” kinikilig pa nyang impit na tili sa kaibigan.

Agad namang bumaling si Jhoan sa kanya na namimilog ang mga mata “Talaga? Saan galing? Binilan ka ng nanay mo? Himala yun, ah!” sunod-sunod na turan ng kaibigan na nakangisi din sa kanya.

“Naku, ‘di ako ibibili non, sapat lang kita ni tatay sa panggastos namin araw-araw!” sagot naman niya na nakangiti rin.

“Eh, saan nga galing bruha ka? ‘Wag mong sabihin sa ‘kin na binigyan ka ni Tonyo?’” tanong ni Jhoan na sinabayan pa ng malakas na tawa.

Si Tonyo kasi yung laging nagpapacute kay Clariza.

“Tse! Bakit naman ako bibigyan non, ‘di ko naman jowa yon,” nakairap nyang sagot sa kaibigan na ikinatawa nila nang sabay.

“Tumama ako sa jueteng nung Byernes ng hapon,” nakangiti niyang turan, “ewan ko nga ba at ano pumasok sa isip ko at tumaya ako, hindi naman talaga ako mahilig don, pero ayos na din kase nadali ko, haha,” masaya nyang sagot.

Nang dumating ang reccess period nila ay masaya naman nagsama-sama ang magkakaibigan upang pumunta sa paborito nilang tambayan, ang ilalim ng punong mangga na ‘di kalayuan sa kanilang room.

“Huy, bruha ka pahingi ako ng number mo,” bati kaagad sa kanya ni Rachelle, agad namang ibinigay ni Clariza ang number niya sa kanya at gayon na din kay Jhoan, Leona, Jem.

Sa kanilang lima ay sila ni Jhoan ang malapit sa isa't-isa.

***

DUMATING ang gabi habang abala sa paggawa ng homework si Clariza ay tumunog ang cellphone nya.

Palibhasa ay bago ang kanyang cellphone ay excited nyang kinuha ito ngunit nang sasagutin na nya ang tawag ay bigla itong nag end call kaya inilapag na lamang nya ulit sa mesa at tumutok sa kanyang ginagawa.

”Sino kaya sa mga bruhang yon ang nantitrip sa ‘kin?” naisaloob nya.

Hindi kasi naka register ang number ng tumawag sa kanya kaya iniisip nyang niloloko sya ng mga kaibigan.

Maya maya pa ay tumunog ang message tone nito at binasa nya ang text.

“Nay naipadala ko na po sweldo ko, kuhanin nyo nalang po sa remitance. Ayaw mo sagutin ang tawag ko, eh,” basa nya sa mensahe ng text.

Ito ang number na tumatawag kanina ngunit ganon pa man ay iniisip nyang taktika lamang ito ng mga kaibigan sa kanya kaya dali-dali rin syang nagtype sa ‘di keypad nyang cellphone.

“Loko, ‘wag mo kong pagtripan, gumagawa ako ng assignment,” reply nya.

Hindi nya alam kung sino sa mga kaibigan nya ang pagbibintangan nya kaya ‘di nya tinukoy ang pangalan ng kausap.

Maya-maya ay tumunog muli ang aparato.

“Ha? Nay, ako ‘to si Joseph. Anong assignment po ba sinasabi nyo?” muli nyang basa sa mensahe, kaya’t sinagot nya ulit ito.

“Ay, sorry sir, baka po wrong number po kayo, wala po kasi akong kilalang Joseph na magpapdala sa akin, at isa pa po, bata pa po ako para tawagin mong nanay.”

Nakangiti sya habang nagta-type. Naiisip nya kasi kung ano ang itsura ng nanay na version nya.

Ilang minuto ang lumipas at wala na syang natanggap muli na mensahe. Sumagi sa isip nyang baka nga napagkatuwaan lamang siya ng mga kaibigan.

“Tss, mga yun talaga, puro kalokohan!” sabay iling nya.

Ilang sandali pa ay nakatanggap nanaman sya ng mensahe. “Oops, sorry po wrongsend, magkamukha po kasi ang number nyo ng nanay ko, dulo lang ang pinagkaiba akala ko ikaw ang nanay ko!”

Natawa nanamn sya sa nabasa, “Style mo bulok, wag ako, si Jhoan ka, eh, haha, akala mo ha,” reply ulit ni Clariza.

Muling tumunog ang celphone niya. “Hah? Hindi ah, sorry na nga po eh, kung gusto mo po tawagan mo ang nanay ko, palitan mo po ng 7 ang huling number mo para malaman mo na hindi kita niloloko,” basa ni Clariza sa reply ng katext.

“Ok po, sorry, sige po,” reply nya para matigil na ang usapan, pero makulit talaga ang katext nya.

“Tutal magkatext naman na tayo, pwede bang mkipagtextmate sayo? Ano ang pangalan mo?” basa nya sa text nito.

Tumaas ang kilay nya sa nabasa pero nakatuwaan nya na rin na replyan. “Wala namang mawawala,” sa isip nya, kaya nakangiti pa syang nagreply ng “Sure! I’m Clariz.” Nalilibang sya at hindi na nya napansin ang oras habang nakikipagpalitan sya ng mensahe sa bagong kakilala.

***

“Good morning! Ingat sa school mo!”

Nabasa agad ni Clariza ang text ni Joseph ng umagang iyon pagkagising nya. Napangiti sya at pakiramdam nya ay sya ang unang naisip nito nang magising, 4:30 AM kasi ang oras ng text nito.

“Good morning din po, salamat! Kakagising ko lang kaya ngayon lang po nakareply,” nakangiti nyang isinend ang text nya.

“Ok lang po. Maaga lang talaga kita naalala,” reply nito na nakapagpagaan ng loob nya.

“Easy ka lang clariza, hindi mo yan kilala, makangiti ka naman wagas. Malelate ka pa nyan eh,” kastigo nya sa sarili at dali-dali na syang gumayak sa pagpasok sa eskwelahan.

Nakaligo at nakabihis na sya ng uniporme nang biglang tumunog ang ring tone ng cp nya. Number ni Joseph ang nakita nya s screen.

“Hala bakit sya tumatawag?” tanong niya sa isip ngunit hinayaan nya lamang matapos ang caller ring tone at hindi sinagot yon. Naiilang kasi syang kausapin ito.

Mayamaya pa ay nakatanggap na naman sya ng message. “Bc ka na po?” tanong nito.

“Hindi naman po, naggayak lang po ako sa pagpasok,” sagot naman ni Clariza.

“Naiinip kasi ako rito sa work ko kaya ikaw ang kinukulit ko =),” sabi nito.

“Wala ka po bang ibang kasama riyan?” tanong ni Clariza.

“Mayroon naman, ikaw lang talaga ang gusto kong kausap,” sagot nito.

Napakunot ang noo ng dalaga. “Hala may tama yata ito,” naisip nya. “Hoyy, Clariza, kunwari ka pa eh kinikilig ka nga. Alalahanin mo na libangan lang yan!” sigaw ng utak nyang nagsesermon.

Naging routine na ni Clariza sa maghapon ang makipagtext kay Joseph sa twing may bakanteng oras sya. Hindi nya maunawaan ang sarili pero naaaliw sya sa mga banat nito sa twing katext nya ito. Katulad ng oras na yon habang vacant period nila at naghihintay sila sa uwian.

“Good afternoon sa mabait na binibini,” basa nya sa text na natanggap.

“Good afternoon din sa makulit na lalaki.” Bahagya pa syang nakangiti habang tumitipa sa kanyang cellphone.

“Makulit man ako pero cute naman hahaha,” reply nito.

“Weeehhhh,” reply naman nya.

Habang lumilipas ang oras na kausap nya ito ay nahuhulog ang loob nya sa lalaki.

Pero syempre ay ‘di sya aamin dito dahil alam nyang malabo ang ganoong uri ng relasyon.

Araw ng sabado, habang sya ay naglalaba, muli nanaman syang nakabasa ng mensahe mula sa textmate nya. Hindi nya nagawang sagutin ito dahil walang pasok at syempre wala syang budget pang load. Ngunit hindi nya inaasahan ang sunod-sunod na pagtunog muli ng aparato. Nagtataka syang lumapit at inusisa kung kanino galing iyon. Nanlaki ang mata nya nang makitang load pala ang dumating sa kanya. Kasunod nito ang mensahe ni Joseph.

”Binigyan na kita ng load para makareply ka, alam kong wala kang load.”

Kinilig bigla si Clariza pagkabasa doon.

Pakiramdam nya ay napaka espesyal nya para sa binata.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
EmiLor Estrada Tomas
naalala ko yang cellphone na yan nung bata ako. yung tinatago pa naman ni ate sa kumot para lang makapag laronng space pack at snake hahhah
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status