Chapter 4
Napatulala ng ilang minuto si Joseph habang inaaral angilang reports na kanyang binabasa. Napasadahan kasi ng kanyang mga mata ang files ni Clariza binasa niya ang folder. Ma.Clariza G.Mendoza basa niya sa pangalan nito. Nakita din nya s resume nito ang ilang achievements nito sa buhay. Namangha siya sa katangian ng dalaga. Dean's lister kc ito sa kolehiyo at nagtapos bilang cum laude.“Good catch!, Beauty and brain huh!” Naisip niya habang pangiti ngiti. Bigla niyang naisip na makipag lapit sa dalaga.“I want to know you more, Clariza” dagdag pa ng isip niya. Sinipat niya ang relong pambisig niya, tamang tama dahil malapit na ang ng lunch meeting nila ng dalagang supervisor. Inayos niya ang kanyang sarili at parang teenager na sumulyap sa sariling repleksyon sa glass wall ng knyang opisina. “Ok gwapo ka pa rin naman seph,” pangiti ngitin niyang puri sa sarili at nag spray pa ng pabango. Lumabas na siya ng opisina at tinungo ang restaurant ng hotel kung saan sila magkikita ng dalaga. Pakiramdam niya ay makikipag date siya at hindi patungkol sa negosyo ang pakay.Maaga pa naman sa oras na napag usapan nang siya ay dumating. Excited lamang siyang makita ang dalaga kaya sinadya niyang agahan ang punta sa nasabing lugar. Hindi nagtagal at nakita niya sa pintuan ang ng restaurant ang dalaga naglalakad ito papasok. Hindi niya maiwasan ang pagkatulala habang minamasdan ito. Napakaganda sa kanyang paningin ang dalaga kahit simpleng ayos lamang ang taglay nito. “Malakas ang appeal” bulong niya.Napansin din niya ang medyo boyish nitong paglakad ngunit imbes na maturn off ay lalo yatang sumidhi ang paghanga niya sa dalaga. Puno ito ng kumpiyansa sa sarili habang naglalakad ngunit hindi mo mababakas ang kayabangan kundi lagi itong nakangiti sa lahat ng makasalubong na staff. Her eyes deffine her powerful aura and authority, yun ang napansin niya sa dalaga. Hindi niya namalayan na nakalapit na sa kanya ang dalaga kung hindi pa ito tumikhim.“Good afternoon boss!, I'm sorry for your wait” bati nito sa knya na may matamis na ngiti sa labi.“Good afternoon Ms.Mendoza, it's okay have a sit!” Tumayo siya at ipinaghila ng upuan ang dalaga.Napansin niyang natigilan ito saglit at alam niyang nahihiya ito sa kanya.“Order ka na ng pagkain, habang hinihintay natin si Emman”,saad niya sa dalaga.Tinawag niya ang waiter upang dalhin sa kanila ang list ng menu. Lumapit naman ito na nakangiti habang iniaabot sa kanya ang menu list. Nagulat siya nang nagsalita ang dalaga.“Kuya Greg, dating gawi yung sakin”!dinig niyang sabi ng dalaga at tiningnan niya ito nakangiti ito sa waiter, naisip niyang magkakilala na ito dahil iisang sistema lamang ang kanilang ginagalawan. Nakita naman niya ang pagsaludo ng waiter na tinawag nitong kuya Greg. Samantalang siya naman ay nag order ng pagkain para sa kanilang tatlo. Tumalikod ang waiter at naiwan silang dalawa sa mesa. Siya na ang nagbukas ng usapan nilang dalawa upang mapalagay ang loob nito sa kanya.-“Ahm Clariza,right?Tawag niya dito. Tumingin naman ito at tumango.-“Yes,sir” tangi nitong tugon.“So how are you?, I mean kumusta naman ang trabaho mo dito as supervisor?”“So far, so good sir!” Maayos naman po ang pakikitungo sakin ng mga staff dito we are all friends here”. Sagot nito na nakangiti parin.Napatango siya ng bahagya sa isinagot nito.-“So that, kuya Greg ay kaibigan mo din?”-“Yes, sir!, Kasundo ko po sila dito at walang pasakit sa ulo sa oras ng trabaho”. -“Well, that's good to hear” sabay ngiti niya sa dalaga na may halong pagpapacute. Tiniyak niyang binigyan niya ito ng isang simpatikong ngiti.HABANG kausap ni Clariza ang kanyang big boss ay abot abot naman ang kabang kanyang nararamdaman. Mukha naman itong mabait sa paraan ng pakikipag usap nito sa kanya. Subalit hindi niya maiwasan ang pagkabog ng kanyang dibdib. Sinisikap lamang niyang maging professional sa harap ng kanyang boss. Lumipas ang ilang sandali at dumating ang order nila. Nagulat si Clariza sa dami ng pagkain na iniorder ni Joseph, sa pagkakaalam niya ay tatlo lamang silang kakain ng mga yon at hanggang ngaun nga ay wala pa si Emman. Siya naman ay my sariling order na eggpie at mango graham shake. Sapat na para sa kanya ang pagkain na yun busog na siya at tipid pa. Nagulat na lamang siya ng bigla nanaman nag salita ang kanyang boss.-“Yan na ba ang inorder mo kanina para sa lunch mo?” tanong nito na namimilog ang mga mata sa gulat.Ngumiti lamang siya at tumango. Nakita niya ang pag buga ng hangin ng kanyang boss.“Ibig sabihin laging ganyan ang pagkain mo?,kasi alam nila ang lagi mong order sa kanila? Magkakasakit ka nyan!” Iiling iling pa ito.Gusto niyang tumawa sa itsura ng boss niya at nakadama siya ng simpleng kilig sa pinagsasabi nito kahit parang nanenermon ito sa kanya. Nahihiya naman siyang sabihin na nagtitipid siya sa buhay kailangan kasi niyang ipagamot ang kanyang ina. Nagulat siya ng kuhanin nito ang pagkain niya at itinabi sa isang gilid pinalitan ng inorder niya.-“Here, you should eat this, dessert lang yang inorder mo eh,!”Sabi pa nito habang inilalapit sa kanya ang plato n puno ng pagkain. Nakaramdam na siya ng pagkailang dahil alam ng lahat ng nandoon na ito ang big boss nila at pinagsisilbihan siya. Inagaw na niya ang ginagawa nito.-“Ako na sir!, Salamat”. Simpleng bawi niya at abot abot nanaman ang kaba.Tunog ng cellphone ang umagaw sa kanilang pansin. Tumatawag si Emman, ang assistant ni Joseph at best friend niya.-“Hello?, Asan kana Emman? Late ka na ng ten minutes!.Kanina pa kami dito” sabi niya sa kabilang linya.-“Dude, nasiraan ang kotse ko, baka pwedeng ireschedule nalang natin bukas ang meeting?” tanong ni Emman.Natutop naman niya ang kanyang noo. Nahihiya siya sa dalagang kasama niya ngayon. Nag effort pa naman itong magpunta at masasayang ang oras nito. Wala siyang nagawa kundi ang patayin ang tawagan at humingi ng paumanhin sa dalaga.“ Ah, Ms. Mendoza, im sorry for interuption, pero hindi daw makakarating si Mr. Sanchez,nasiraan daw ang sasakyan, mas maigi siguro kung tayo nalang ang mag discuss ng reports para hindi na tayo mag reschedule bukas?” May himig paumanhin na pagkasabi niya sa dalagang kaharap. -“No problem sir!”. Sagot naman ng dalaga.-“Pero kumain na muna tayo, bago ang lahat tanghali na din kasi”. Seryoso niyang turan.*** “My ghad! Pano ba ko kakain sa harap nitong lalaking to?!” bulong ng isip ni Clariza habang pinagmamasdan ang pagkain sa harap niya.“May problema ba Miss. Mendoza?” . Dinig niyang tanong ng binata. Nakakunot ang noo.“A-ah w-wala po sir, may iniisip lng” nauutal pa niyang sagot.“Anyway let just introduce ourself formaly to each other. I'm Eng. Joseph Kristian Villafuente, Kris nalang for short”. Wika nito na nakalahad ang kamay.Natigalgal siya pagkadinig niya sa pangalan nito. Hindi niya akalain na may Joseph pala na kasama ang sa buong pangalan nito. Ang pangalan na paulit ulit na nagbibigay lungkot sa kanyang puso.Isang tikhim ang kanyang nadinig na nagpabalik sa kanya sa pagkatulala.-“Ma. Clariza Mendoza, sir!. 3 years working here at your place as supervisor”. Tugon niya sabay abot sa kamay na nakalahad. May kung anong pakiramdam siyang naramdman sa simpleng pagdidikit ng kanilang palad.Pakiramdm niya ay dati pa niyang kilala ang lalaki.Kumakabog ang puso niya hindi dahil sa takot kundi may kaligayahang hatid ang ngiti nito na nakakabit sa gwapo nitong mukha.“Clariza, tumigil ka sa kakirihan mo ha? Boss mo yan, hindi ka na bata!” kastigo niya sa kanyang sarili."How come na Joseph ang pangalan nya?" bulong ng isip niya. Sa lahat ng pwedeng maging kapangalan, bakit kapangalan pa ng taong sobra niyang minahal to the point na hanggang ngayon ay naaalala pa rin niya. Hindi niya tuloy malasahan ang pagkaing nakahain sa kanyang harapan dahil sa pag-iisip ng kung ano-anong bagay."Is there something bothering you, Ms. Mendoza? May sakit ka ba?" Napapitlag pa siya nang bahagya sa boss niyang biglang nagsalita.Umiling siya at ngumiti habang pilit na ibinabalik ang sigla sa sarili. Hindi dapat ganito kapag kaharap niya ito na kung saan-saan lumilipad ang kanyang isip.CHAPTER 5“Nothing sir!” sagot niya.Ramdam niya ang paninitig ng boss niya sa kanya habang siya ay nakayuko. Hindi niya tuloy maiwasan ang mailang habang kumakain.Samantalang aliw na aliw naman si Kristian habang pinagmamasdan niya ang dalaga. Sumilay ang isang simpleng ngiti sa kanyang labi.“Boyish style huh! Tingnan ko nga kung gagana ang charm mo sa kanya Kristian”, naglalarong salita sa kanyang isipan. Pormal siyang tumikhim upang makuha ang atensyon ng dalagang kaharap. “So may i see the reports of this past few months of this resort, Miss Mendoza?”wika niya na diretsong nakatingin sa dalaga.Mabilis naman ang naging kilos ni Clariza upang tugunin ang hinihingi ng kanyang big boss. My pagka professional siya kapag oras ng trabaho at tinitiyak niyang nasa ayos ang lahat ng kanyang gagawin. Inilabas niya ang folder na naglalaman ng lahat ng detalye na kailangan niyang iprisinta sa sa kanyang big boss at iniabot dito. Pinasadahan naman ng tingin ng binata ang ang kanyang re
Chapter 6 Pasipol sipol ang binata habang naglalakad pabalik sa kanyang opisina. Masayang masaya siya na nakuha niya nang walang kahirap hirap ang mobile number ni Clariza.Bakas naman ang pagtataka sa mukha ng bawat empleyadong nakakasalubog niya. Nakangiti pa kasi siyang tumatango bilang pagtugon sa mga bati nito sa kanya na dati naman niyang hindi ginagawa. Nakarating siya sa kanyang opisina na hindi niya napapansin. Abala ang utak niya kung paano mailalapit ang sarili sa dalaga. Alam niyang gusto niya ito ang hindi lamang niya matukoy ay kung gaano kalalim ang kanyang pagkagusto dahil bago sa kanya ang pakiramdam na iyon. Hindi pa niya naramdaman sa mga nakarelasyon niya. Maliban sa babaeng nakatextmate niya sampung taon na ang nakalilipas. Ganito din siya noon, parang hibang na pangiti ngiti mag isa, ang kaibahan lamang ay bata pa siya noon. Hapon na at nagulat pa si Joseph nang bumukas ang pinto ng opisina niya. Nakita niyang nakatayo doon ang kanyang bestfriend na nakangiti
Chapter 7 “I will make you a woman” bulong ng binata sa isip habang naglalaro sa isip nya ang imahe ng magandang mukha ni Clariz.“Sayang ang ganda mo, kung walang poporma sayo”dagdag pa ng isip niya habang may pilyong ngiti sa labi. May plano siyang nabuo at excited siyang gawin ito sa lalong madaling panahon.******Gabi na at hindi na oras ng trabaho ni Clariza ngunit hindi pa siya agad umuwi. Pinili muna niyang makipag kwentuhan sa mga staff na pang gabi tulad ng nakagawian niya. Wala naman gaanong guest na nag over night check in sa gabing iyon kaya hindi gaanong abala ang lahat. Hindi katulad noong nakaraang linggo na araw araw ay dagsa ang mga turista umaga at gabi. Wala silang panahon para magkwentuhan kaya heto siya ngayon at sige ang pakikipagbiruan sa mga staff. Nakaupo siya sa pasimano ng pasilyo habang kumukuyakoy ang mga paa. “Jorelle, ano ba ang pasabog mo sa birth day mo? My banda ba?” tanong niya sa kaibigan. Hindi sila naglalayo ng agwat ng edad siya ay dalawangpu
Chapter 8 Napasandal naman sa likod ng pinto si Clariza oras na makapasok siya sa loob ng apartment niya. Kasabay ng isang malalim na paghinga, natutop niya ang kanyang dibdib. Matinding tensyon ang nararamdaman niya habang kasama ang binatang amo. Inaalala din niya ang mga tao sa paligid hindi siya sanay na may lalaking naghahatid sa kanya sa pag uwi lalo at dalawa lamang sila. Nag tungo siya sa kusina upang kumuha ng inumin upang guminhawa ang kanyang pag hinga. “ Ano kaya ang trip ng lalaking yon? sala sa init sala sa lamig, hindi mo malaman kung mabait o masungit!” naiiling na bulong ng isip niya.Hindi na niya naisipan kumain dahil sa kakaibang pakiramdam. Dumeretso siya sa kanyang damitan at kumuha ng damit pang tulog at pumasok sa banyo upang maglinis ng katawan. Itutulog na lamang niya ang inis na nararamdam.***** Kinabukasan, nasa entrance pa lamang siya ng hotel nang salubungin siya ni Grace.“Maam Clariz, may urgent meeting daw po tayo sa pavillon ngayon tara saba
Chapter 9 Hindi niya ma imagine ang itsura niya habang nakasuot ng skirt. Gusto niyang magprotesta sa sinasabi ng binata pakiramdam niya ay para lamang sa kanya ang rules na pinatupad nito.Siya lamang kasi ang bukod tanging naka pants sa pagpasok. Naninibago siya sa bagong atmosphere ng resort na ito mula nang dumating ang binata. Nakasanayan na niya kasi na si Emman ang lagi niyang kaharap bilang representative ng kanilang boss. Effective ang rules na ito na magsisimula pagktapos ng treat na ibibigay sa kanila nito. May panahon pa siya para makumbinse ang sarili sa bagay na yaon.****Laglag ang balikat at animo binagsakan ng langit ang itsura ni Clariza habang pabalik sa kanyang opisina. Hindi parin natatanggap ng kanyang sistema ang pagsusuot niya ng skirt.“ Oh maam, ano ang nangyari sayo? May masakit ba sayo?” tanong ni Grace nang napansin na parang wala siya sa mood gumalaw. “ Wala, ang unfair lang ng rules ng boss nyo” nakatirik ang mata niyang sagot na ikinatawa naman
Chapter 10Maya- maya pa ay tumayo ang kanilang boss at nag enter ng number sa videoke. Hindi nya himalubos isipin na ang isang napaka yamang lalaki na tulad ng boss Kristian nila ay makikisalamuha sa kanila sa ganitong salo salo. Kahit pa napakaseryoso ng mukha nito ay alam niyang sinisikap nitong makibagay sa kanila. Nagsimula mag play ang kantang isinaksak nito, curious siya qng marunong ba itong kumanta.Hey, there's a look in your eyesMust be love at first sightYou were just part of a dreamNothing more so it seemedBut my love couldn't wait much longerJust can't forget the picture of your smile'Cause every time I close my eyesYou come aliveHabang kumakanta ito ay napatulala siya. Maganda ang boses ng binata at swabeng swabe sa kanyang pandinig ang bawat liriko na kaniyang naririnig. Bigla kumabog ang kanyang dibdib ng titigan siya nito habang kumakanta na parang sa kanya nais iparating ang mensahe ng awit. Nag init ang kanyang mukha sa pagtatama ng kanilang paningin.Nat
Chapter 11 Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili, bukod sa may konting pananakit ng ulo siyang nararamdaman ay wala naman kakaiba sa kanyang pakiramdam. Saglit niyang inalala ang nangyari kagabi. Natutop niya ang kaniyang bibig nang maalala niyang nakisakay siya sa sasakyan ng dalawang binatang amo. Dali dali siyang tumayo upang alamin kung kaninong bahay ba itong kaniyang tinulugan. Maraming tanong ang gumugulo sa kaniyang isip,tulad ng paanong naiba ang kaniyang damit? sino ang nagpalit sa kanyang damit? at kaninong bahay ang kaniyang namulatan?Hindi pamilyar sa kanya ang kwartong kaniyang kinaroroonan, maging ang mabangong amoy ng paligid at ang pang lalaking kulay ng dingding at interior design. Napasinghap siya upang lumanghap ng hangin.“amoy gwapo!”bulong ng isip niya.Lumabas siya ng kwarto at inaasahan niyang si Emman ang nag uwi sa kanya. Close naman kasi sila ng lalaki kahit paano hindi katulad ng big boss nila na hindi mo malaman ang takbo ng utak kung mabait, suplad
Chapter 12“Shit na malagkit!” wika ng isip ni Clariza, tutop ang bibig niya habang wala sa sariling naglalakad papasok ng apartment. “Bakit ba kasi natulog ka ng mahimbing sa sasakyan ng boss mo ha Clariza? Lukring ka! eh di hayan suot mo ang damit ng amo mo, kapal talaga ng mukha mo!” panenermon pa niya sa sarili.Napabuntong hininga siya habang kumukuha ng damit na gagamitin sa pagpasok niya sa hotel. Pagkatapos ay tinungo niya ang banyo upang maligo. Isang simpleng white polo shirt ang pinili niyang isuot at tinernohan niya ng denim jeans. Hanggang alas tres lamang ng hapon ang pasok niya ngayon at sa tingin niya ay wala naman siyang masyadong gagawin natapos na niya ang karamihan sa mga nagdaang araw. Itinali niya ng isahan ang kaniyang buhok at nag lagay ng konting pulbos at lip tint at isinuot niya ang puting rubber shoes.Pagpasok pa lang niya ng hotel ay nakita na niya ang kotse ng kanyang boss sa parking area. Deretso siyang lumakad na parang walang nangyari. Sinikap niyang