Home / Romance / My Forever Love / How do I court you?

Share

How do I court you?

Chapter 6

 Pasipol sipol ang binata habang naglalakad pabalik sa kanyang opisina. Masayang masaya siya na nakuha niya nang walang kahirap hirap  ang mobile number ni Clariza.Bakas naman ang pagtataka sa mukha ng bawat empleyadong nakakasalubog niya. Nakangiti pa kasi siyang tumatango bilang pagtugon sa mga bati nito sa kanya na dati naman niyang hindi ginagawa. 

 

Nakarating siya sa kanyang opisina na hindi niya napapansin. Abala ang utak niya kung paano mailalapit ang sarili sa dalaga. Alam niyang gusto niya ito ang hindi lamang niya matukoy ay kung gaano kalalim ang kanyang pagkagusto dahil bago sa kanya ang pakiramdam na iyon. Hindi pa niya naramdaman sa mga nakarelasyon niya. Maliban sa babaeng nakatextmate niya sampung taon na ang nakalilipas. Ganito din siya noon, parang hibang na pangiti ngiti mag isa, ang kaibahan lamang ay bata pa siya noon.  

 

Hapon na at nagulat pa si Joseph nang bumukas ang pinto ng opisina niya. Nakita niyang nakatayo doon ang kanyang bestfriend na nakangiti na animo nang aasar. 

“Oh bakit ngayon ka lang nagpakita? At bakit ganyan ka makangiti sagad hanggang bagang?” tanong niya kay Emman. Nahuhulaan na niyang may baon nanaman itong pang aasar sa kanya.

“Diba tumawag ako sayo kanina na nasiraan yung sasakyan ko? sagot nito na nakangisi parin.

“So kumusta naman ang date nyo ni Miss.Supervisor? Ganda nya noh? tanong nito tumataas taas pa ang dalawang kilay. 

“Ano bang date ang sinasabi mo? Bussiness meeting un, remember kasama ka dapat kaso di ka dumating” kunwaring galit niyang sagot sa kanyang assistant.

“Ibig sabihin hindi ka manlang nakaporma? Sabagay, mas macho pa yata sakin yong babaeng yon” natatawa nitong sagot sa kanya. 

Napapailing nalang siya sa kalokohan ng best friend niya. 

“Pero, ano sa palagay mo dude? Diba tama ako? Magaling siyang supervisor! Dagdag pa nito na ipinagmamalaki nanaman si Clariza.

“Actually impressive siya pagdating sa trabaho. Saka mukha siyang friendly sa lahat ng tao” sagot niya na satisfied sa pag oobserba  sa dalaga.

“Sandali nga muna, may gusto ka ba kay Miss Mendoza?”  tanong niya kay Emman na nakakunot ang noo.

“Eh bakit kung meron ba magagalit ka? balik tanong nito na inaarok ang isasagot niya.

Gusto niyang mainis sa kaibigan sa paraan ng pagsasalita nito.Napailing na lamang siya.

“Oh eh wala naman palang problema kung may gusto ako sa kanya” dagdag pa nito na patawa tawa.

“Ang problem kahit gusto ko yon eh nakakatakot

 pormahan, baka mabalian pa ko ng buto para kasing lalaki kung kumilos” pailing iling pa ito habang idinidiscribe ang dalaga. 

“So my gusto ka nga sa kanya?naniniyak na tanong niya.

“Sus! Eh kahit sino naman pwedeng magkagusto sa kanya, maganda yung tao,mabait at matalino yun nga lang nagkamali yata ng likha ang Diyos ng pagbibigay ng kasarian sa kanya parang lalaki kasi” natatawa nitong sagot.

Natawa naman siya sa sagot nito. Alam niya kasing sexy ang tipong babae ng kanyang best friend at hindi yung haragan. 

“Wala akong balak pormahan siya, tropa lang kami non at hanggang don nalang yon, baka mamaya ako pa ang ipagtanggol non sa mga loko may pagka amazona pa naman yon!” dagdag pang hirit ni Emman. Nagkatawanan silang dalawa sa kalokohan ng kanyang assistant. 

“Loko ka talaga” naiiling nalang niyang bulalas.

Sa likod ng kanyang ngiti ay lihim siyang nagpapasalamat na hindi sila magkakaroon ng problema ng bestfriend niya dahil sa isang babae. Ayaw niyang mangyari iyon.

****

Samantala si Clariza naman ay hindi mapakali sa loob ng kanyang opisana, naaalala nanaman niya ang boss niya. Ang gwapo nitong mukha at ang kindat nitong hindi niya maintindihan kung bakit iba ang dating sa kanya. Naipailing na lamang siya. 

“ Bakit kaya ganun ang ugali non?, pabago bago ng

trip sa buhay akala ko talagang mabait yun pala likas ang hanging taglay” kausap niya sa sarili na nakanguso pa.  

“Hmp! Makapag trabaho na nga lang!” pabalewala niyang hinarap ang mga papeles sa kanyang mesa upang libangin ang sarili. 

Naalala niya ang proposal niya para sa mga empleyadong tataasan ng sahod. Napangiti siya sa ideyang 30% ang increase na ibibigay ng kanilang big boss. Malaking bagay ang magagawa non para sa pamilya ng mga kandidato sa pagtataas ng sahod. Ganun pa man ay kaylangan pa niyang maghintay ng approval ng HR department para dito. Alam niyang hindi ganon kadali ang proseso ngunit nagpapasalamat na siya na pumayag ang kanilang  boss.

Hapon na nang may kumatok sa opisina ng dalaga. 

“Hello Maam, lets go snack tayo masyado kang nakatutok sa trabaho breaktime na po!” nakangiting anyaya sa kaniya ng kaibigang si Grace. 

Sinipat niya ang orasang pambisig mahigit alas tres na ng hapon. Nakalimutan na niyang mag break time dahil sa dami ng paper works niya.  Tumayo naman siya upang sumama sa kaibigan. Nagpunta sila sa pantry na nakalaan para sa mga empleyado ng resort. Halos lahat ng empleyado sa lugar na ito ay kasundo niya para sa kanya ay pantay pantay lamang sila kaya walang special treatment sa bawat isa. Iginagalang at sinusunod naman siya ng mga ito bilang kanilang supervisor sa oras ng trabaho. Nakikipag bonding din siya sa mga ito kapag wala sila sa trabaho. 

“What is your order maam?tanong ng waiter sa kanila.

“Plain coffee please,tapos pakisamahan mo na lang ng cookies” nakangiti niya sagot sa waiter

“Sure ka maam? Yan ang order mo? Nagtitipid ka?” Nanlalaking mata na tanong sa kanya ni Grace.

Natawa naman siya sa itsura ng kanyang kaharap na parang hindi normal ang kanyang ginawa. Umorder din ito ng spagetti at mango shake.

“Kape ang trip ko ngayon eh, saka busog pa kasi aq ang daming pagkain sa meeting kanina” pabalewalang sagot niya sa kaibigan.

“Ay nga pala maam, birthday ni Jorelle sa sabado, pinapasabi na kung pwede po kayong pumunta?

“ Oo ba.. kaya lang sa gabi nalang ako kase my trabaho pa tayo sa umaga” pagpayag niya priority parin niya ang trabaho.

“Okay lang yun maam, dinner naman ang celebration kasi nga may trabaho pa sa umaga,morning shift kasi sya sa birthday niya” tugon ni Grace.

“Oh well that's good sakto lang pala!” sagot niya sa kaibigan. 

7 pm naman lagi ang out niya kung walang ganong kaganapan o hindi masyadong crowded ang resort sa mga turista. Nagbibilin na lamang siya sa ibang staff na naka assign kung sakaling mga mahalagang bagay na kailangang gawin.

Pabalik siya ng opisina niya ng makasalubong niya sa pasilyo ang kanyang boss. Napakagwapo nito sa kanyang paningin. Nakangiti ito sa kanya habang nakasuksok sa bulsa ang isang kamay. Animo bagong paligo ang tingin niya sa lalaki.

“Good afternoon,Miss. Mendoza” isang simpatikong ngiti ang sumilay sa labi nito at sinabayan ng kindat. Nagulat pa siya sa ginawa nito kaya hindi niya nakuhang tumugon. Isang simpleng tango na lamang ang kanyang isinagot.

Naiiling naman na nakangiti si Joseph a.k.a. Kristian sa nakita niyang reaksyon ng dalaga. Nakita kasi niya itong naglalakad sa pasilyo na akala mo lalaki ang hakbang, nagmamadali na akala mo naghahabol ng oras. Hindi niya makuhang maturn off sa nakikita niyang kilos ng dalaga kundi nakikita niya ang malakas na otoridad sa aura nito na parang kahit ano man ang sabihin nito ay susunod ang sinoman.

“How do I court you?"Tanong ng isip niya. Natatawa siya sa sarili sa mga naiisip niya. Bakit ba siya nagkakaganito? Siya na isang kilalang inhinyero at kilala sa lipunan, hindi iilang babae ang nagpakita ng motibo sa kanya at ang iba nga ay hayagan nang nag aalok ng sarili para sa kanya. Ngayon ay hindi niya malaman ang gagawin kung paano makukuha ang loob ng kakaibang dalaga.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status