CHAPTER 3
“LET’s just stop this!” Joseph whispered while they talk.“ Bakit?” tanong ni Clariz sa kausap habang naka kunot ang noo sa pagtataka.Wala naman syang natatandaan na pinagtalaunan nila nang mga nakaraang araw. Oo at minsan silang nagkakatampuhan dahil sa kanilang biruan, pero ngaun lang umabot sa ganito na nakikipag hiwalay na ito sa kanya. “Ahmm Clariz kasi, ano–” nadinig pa nya ang malalim na paghinga nito.Maging ang paraan ng pagtawag nito sa kanya ay nabago na . “Patawarin mo ko pero kasi may girlfriend na ko itdito sa malapit.” Bagaman alam nya na darating ang araw na magsasawa ito sa kanilang set -up ay hindi parin nya mapigilan ang pag-iyak. Ipinagpalit na sya nito sa malapit. Nauunawaan naman nya ito sa bagay na yon kahit nasasaktan sya ay tumango tango sya na parang nakikita sya nito. “ Ah so may nakita ka na sa malapit.? Yung lagi mo nakakasama?”.Tanong nya sa pagitan ng paghikbi .“Sige pinapalaya na kita. “Wala naman akong magagawa eh, isa pa hindi naman talaga tayo magkakilala”,puno ng pait niyang wika. “Mag- iingat ka dyan, salamat sa panahong pinaglaanan mo 'ko ng oras. Hindi ko makakalimutan na minsan sa buhay ko may dumating na ikaw”. Wika nya habang patuloy sa pagpatak ang kanyang mga luha. Hindi niya mapigilan ang pag-iyak minahal nya kasi ito kahit pa sa kabilang linya lang sila nagkakilala at nagkausap. “Alam kong weird tong naging relasyon natin, pero ikaw ang first love and first heart break ko, ang sakit pala”. Dagdag pa nya na pinasigla ang boses at bagya pa syang tumawa.“Bata ka pa naman, may darating sa buhay mo na magmamahal sayo ng totoo, Yung hindi ko itkatulad.” Dinig nya pang sinabi ni Joseph. “Kahit hindi kita nakita, kahit hindi ko natupad yung pangako ko na pupuntahan kita, masaya kong naging bahagi ka ng buhay ko.” Lalo lamang syang kiumiyak sa sinabi nito. “ Malay mo isang araw magkita tayo sa hindi sinsadyang pagkakataon diba?” biro pa sa kanya ni Joseph. Matagal nang tapos ang kanilang pag- uusap ay nakatulala parin sya at damang dama nya ang sakit ng kanyang puso. ****MAKALIPAS ANG SAMPUNG TAON****Maagang pumasok sa trabaho si Clariza. Kailangan nya pa kasing mag gayak para sa uNang pagkikita nila ng kanilang big boss. Tatlong taon na syang supervisor sa VILLA FUENTE GARDEN HOTEL AND RESORT. Ngunit minsan man ay hindi pa nya nakikita ng personal ang kanilang big boss. Lagi daw kasi itong abala sa buhay. Laging ang assintant lamang nito ang nakakausap nya.Nakapalagayan na din nya ng loob ang mga staff sa resort na iyon maging ang assistant ng kanyang boss. Ang kwento ng mga ito sa kanya ay mabait naman daw ang kanilang big boss, hindi mahirap kausap at higit sa lahat gwapo daw ito at makalaglag panty ang sex appeal.Ganun pa man ay di nya maiwasang kabahan. Sinikap nyang irelax ang sarili habang hinihintay ang pagdating ng mga ito. Inabala muna nya ang sarili sa pagrerebisa ng mga reports sa na kakailanganin nyan ipresent mamaya. Sinipat din niya ang kaniyang sarili sa harap ng salamin na nasa kanyang opisina. Simpleng three fourth polo blouse ang suot niya na kulay blue at naka tucked in sa kanyang black trouser na tinernuhan niya ng simpleng flat sandals.Itinali niya pataas ang kaniyang buhok at naglagay ng kaunting pulbos sa mukha. Nag- apply na din siya ng manipis na lip tint sa kanyang labi. Ganyan siya kasimpleng gumayak sa araw- araw ng kaniyang buhay. Hindi siya kumportable sa mga miniskirt na tulad ng suot ng ibang staff sa hotel na iyon. Huminto sa tapat ng hotel ang isang mamahaling sports car na itim. Alam niyang ang sakay nito ay ang kanilang big boss, at last, magkikita na din sila ng personal. Pigil ang hininga niya nang makita niyang bumukas ang pinto ng sasakayan at bumaba ang isang lalaking napakagwapo sa kanyang paningin. “Oh my ghad! Ang gwapo pala ni boss”!. Sigaw ng isip niya. Ngunit ganon pa man ay hindi pa rin siya nawala sa konsentrasyon. Hindi katulad ng iba na akala mo nalaglagan ng higad sa katawan kung magsigalaw. Halatang halata na attracted sa kanilang boss. Diretso lamang siyang nakatayo at nakatingin sa direksyon nito. Nang magtama ang kanilang paningin ay may kung anong kaba siyang naramdaman marahil ay sa tensyon dahil ngayon lamang niya ito nakita. Isang simpleng ngiti ang kanyang ibinigay dito at magalang na bumati. “ Good morning sir!”, sinabayan p nya ng bahagyang pagyuko. Isang tango naman ang isinagot nito habang titig na titig sa kanyang mukha. Hindi niya maintindihan kung bakit ganon na lamang ang titig nito sa kanya. Maya maya pa ay ngumiti ito at lumabas ang pantay pantay n ngipin maging ang mga mata nito ay parang nakangiti din. “ So ikaw ang supervisor dito?” tanong nito sa kanya. “Yes sir”, simpleng sagot niya. “Finally, we met,miss?” nakangiti paring sabi nito na naka lahad ang kamay. Naunawaan naman niya ang ibig sabihin nito. Iniabot niya ang kaniyang kamay upang tanggapin ng pormal ang pakikipagkilala nito. “Clariza Mendoza, sir” seryoso niyang sagot. Napansin niyang tila natigilan ito saglit na parang may inaalala. Nagulat pa siya sa bahagyang pagpisil nito sa kanyang kamay bago sumagot. “Call me Kristian,” sagot nito. Pakiramdam niya ay pamilyar sa kanya ang pangalan ng lalaki ngunit wala siyang panahon para isipin ang ibang bagay, lalo na at nasa trabaho siya. Nagulat pa siya nang biglang lumapit ang mukha nito sa kanya.“Hala hahalikan ba ko nitong kumag na'to?”, naisaisip nya. Ngunit bumulong ito sa kanyang tainga. “ I like you!” Nakangiti nitong sambit na ikinalaki ng mata niya. Para siyang nanigas sa kanyang kinatatayuan nang mga oras na yaon. Mabilis naman itong pumasok sa loob ng hotel at dumeretso na opisina nito at nakita pa nya ang pilyong ngiti nito na my pa iling- iling pa. Napasimangot siya habang pinagmamasdan ito. “Napaka presko naman ng lalaking yon!” inis niyang bulong sa kanyang sarili nang siya ay makabawi sa pagkabigla. Samantala, habang nasa loob ng kanyang opisina si Kristian ay abot naman hanggang tainga ang kanyang ngiti na akala mo nakatanggap ng malaking bonus. Naalala kasi niya ang mukha ng babaeng kakikilala pa lamang niya sa entrance ng hotel. “Ang cute eh!”,iiling iling niyang bulong.May naiisip siyang kalokohan sa babaeng nagngangalang Clariza. Sa ilang ulit niyang pagpunta sa hotel na ito na minana pa niya sa kanyang mga magulang ay ngayon pa lang siya nakakita ng maganda sa kanyang paningin.Malakas ang dating sa kanya ng dalaga kahit pa napakasimple lamang ng gayak nito. Napaisip siya sa pangalan nito.“Clariza” banggit niya sa pangalan ng dalaga.Bigla na lamang niyang naalala ang babaeng basta na lamang niya hiniwalayan sampung taon na ang nakalilipas. “Kumusta na kaya siya ngayon?”,bulong niya sa kawalan. “Siguro may pamilya na siya, besides 25 na siya ngayon” dagdag pa ng isip niya. Madami na rin ang babaeng dumaan sa kanyang buhay sa nakalipas na sampung taon mula nang hiwalayan niya si Clariza at isa man sa mga iyon ay wala siyang sineryosong relasyon. Hindi rin siya nag eeffort para sa mga babaeng nakarelasyon. Mag stay kung gusto at umalis kung ayaw ganon ang katwiran niya palagi.Hindi niya ugali ang mag habol sa isang relasyon.Chapter 4 Napatulala ng ilang minuto si Joseph habang inaaral angilang reports na kanyang binabasa. Napasadahan kasi ng kanyang mga mata ang files ni Clariza binasa niya ang folder. Ma.Clariza G.Mendoza basa niya sa pangalan nito. Nakita din nya s resume nito ang ilang achievements nito sa buhay. Namangha siya sa katangian ng dalaga. Dean's lister kc ito sa kolehiyo at nagtapos bilang cum laude. “Good catch!, Beauty and brain huh!” Naisip niya habang pangiti ngiti. Bigla niyang naisip na makipag lapit sa dalaga. “I want to know you more, Clariza” dagdag pa ng isip niya. Sinipat niya ang relong pambisig niya, tamang tama dahil malapit na ang ng lunch meeting nila ng dalagang supervisor. Inayos niya ang kanyang sarili at parang teenager na sumulyap sa sariling repleksyon sa glass wall ng knyang opisina. “Ok gwapo ka pa rin naman seph,” pangiti ngitin niyang puri sa sarili at nag spray pa ng pabango. Lumabas na siya ng opisina at tinungo ang restaurant ng hotel kung saan sila magk
CHAPTER 5“Nothing sir!” sagot niya.Ramdam niya ang paninitig ng boss niya sa kanya habang siya ay nakayuko. Hindi niya tuloy maiwasan ang mailang habang kumakain.Samantalang aliw na aliw naman si Kristian habang pinagmamasdan niya ang dalaga. Sumilay ang isang simpleng ngiti sa kanyang labi.“Boyish style huh! Tingnan ko nga kung gagana ang charm mo sa kanya Kristian”, naglalarong salita sa kanyang isipan. Pormal siyang tumikhim upang makuha ang atensyon ng dalagang kaharap. “So may i see the reports of this past few months of this resort, Miss Mendoza?”wika niya na diretsong nakatingin sa dalaga.Mabilis naman ang naging kilos ni Clariza upang tugunin ang hinihingi ng kanyang big boss. My pagka professional siya kapag oras ng trabaho at tinitiyak niyang nasa ayos ang lahat ng kanyang gagawin. Inilabas niya ang folder na naglalaman ng lahat ng detalye na kailangan niyang iprisinta sa sa kanyang big boss at iniabot dito. Pinasadahan naman ng tingin ng binata ang ang kanyang re
Chapter 6 Pasipol sipol ang binata habang naglalakad pabalik sa kanyang opisina. Masayang masaya siya na nakuha niya nang walang kahirap hirap ang mobile number ni Clariza.Bakas naman ang pagtataka sa mukha ng bawat empleyadong nakakasalubog niya. Nakangiti pa kasi siyang tumatango bilang pagtugon sa mga bati nito sa kanya na dati naman niyang hindi ginagawa. Nakarating siya sa kanyang opisina na hindi niya napapansin. Abala ang utak niya kung paano mailalapit ang sarili sa dalaga. Alam niyang gusto niya ito ang hindi lamang niya matukoy ay kung gaano kalalim ang kanyang pagkagusto dahil bago sa kanya ang pakiramdam na iyon. Hindi pa niya naramdaman sa mga nakarelasyon niya. Maliban sa babaeng nakatextmate niya sampung taon na ang nakalilipas. Ganito din siya noon, parang hibang na pangiti ngiti mag isa, ang kaibahan lamang ay bata pa siya noon. Hapon na at nagulat pa si Joseph nang bumukas ang pinto ng opisina niya. Nakita niyang nakatayo doon ang kanyang bestfriend na nakangiti
Chapter 7 “I will make you a woman” bulong ng binata sa isip habang naglalaro sa isip nya ang imahe ng magandang mukha ni Clariz.“Sayang ang ganda mo, kung walang poporma sayo”dagdag pa ng isip niya habang may pilyong ngiti sa labi. May plano siyang nabuo at excited siyang gawin ito sa lalong madaling panahon.******Gabi na at hindi na oras ng trabaho ni Clariza ngunit hindi pa siya agad umuwi. Pinili muna niyang makipag kwentuhan sa mga staff na pang gabi tulad ng nakagawian niya. Wala naman gaanong guest na nag over night check in sa gabing iyon kaya hindi gaanong abala ang lahat. Hindi katulad noong nakaraang linggo na araw araw ay dagsa ang mga turista umaga at gabi. Wala silang panahon para magkwentuhan kaya heto siya ngayon at sige ang pakikipagbiruan sa mga staff. Nakaupo siya sa pasimano ng pasilyo habang kumukuyakoy ang mga paa. “Jorelle, ano ba ang pasabog mo sa birth day mo? My banda ba?” tanong niya sa kaibigan. Hindi sila naglalayo ng agwat ng edad siya ay dalawangpu
Chapter 8 Napasandal naman sa likod ng pinto si Clariza oras na makapasok siya sa loob ng apartment niya. Kasabay ng isang malalim na paghinga, natutop niya ang kanyang dibdib. Matinding tensyon ang nararamdaman niya habang kasama ang binatang amo. Inaalala din niya ang mga tao sa paligid hindi siya sanay na may lalaking naghahatid sa kanya sa pag uwi lalo at dalawa lamang sila. Nag tungo siya sa kusina upang kumuha ng inumin upang guminhawa ang kanyang pag hinga. “ Ano kaya ang trip ng lalaking yon? sala sa init sala sa lamig, hindi mo malaman kung mabait o masungit!” naiiling na bulong ng isip niya.Hindi na niya naisipan kumain dahil sa kakaibang pakiramdam. Dumeretso siya sa kanyang damitan at kumuha ng damit pang tulog at pumasok sa banyo upang maglinis ng katawan. Itutulog na lamang niya ang inis na nararamdam.***** Kinabukasan, nasa entrance pa lamang siya ng hotel nang salubungin siya ni Grace.“Maam Clariz, may urgent meeting daw po tayo sa pavillon ngayon tara saba
Chapter 9 Hindi niya ma imagine ang itsura niya habang nakasuot ng skirt. Gusto niyang magprotesta sa sinasabi ng binata pakiramdam niya ay para lamang sa kanya ang rules na pinatupad nito.Siya lamang kasi ang bukod tanging naka pants sa pagpasok. Naninibago siya sa bagong atmosphere ng resort na ito mula nang dumating ang binata. Nakasanayan na niya kasi na si Emman ang lagi niyang kaharap bilang representative ng kanilang boss. Effective ang rules na ito na magsisimula pagktapos ng treat na ibibigay sa kanila nito. May panahon pa siya para makumbinse ang sarili sa bagay na yaon.****Laglag ang balikat at animo binagsakan ng langit ang itsura ni Clariza habang pabalik sa kanyang opisina. Hindi parin natatanggap ng kanyang sistema ang pagsusuot niya ng skirt.“ Oh maam, ano ang nangyari sayo? May masakit ba sayo?” tanong ni Grace nang napansin na parang wala siya sa mood gumalaw. “ Wala, ang unfair lang ng rules ng boss nyo” nakatirik ang mata niyang sagot na ikinatawa naman
Chapter 10Maya- maya pa ay tumayo ang kanilang boss at nag enter ng number sa videoke. Hindi nya himalubos isipin na ang isang napaka yamang lalaki na tulad ng boss Kristian nila ay makikisalamuha sa kanila sa ganitong salo salo. Kahit pa napakaseryoso ng mukha nito ay alam niyang sinisikap nitong makibagay sa kanila. Nagsimula mag play ang kantang isinaksak nito, curious siya qng marunong ba itong kumanta.Hey, there's a look in your eyesMust be love at first sightYou were just part of a dreamNothing more so it seemedBut my love couldn't wait much longerJust can't forget the picture of your smile'Cause every time I close my eyesYou come aliveHabang kumakanta ito ay napatulala siya. Maganda ang boses ng binata at swabeng swabe sa kanyang pandinig ang bawat liriko na kaniyang naririnig. Bigla kumabog ang kanyang dibdib ng titigan siya nito habang kumakanta na parang sa kanya nais iparating ang mensahe ng awit. Nag init ang kanyang mukha sa pagtatama ng kanilang paningin.Nat
Chapter 11 Pinakiramdaman niya ang kaniyang sarili, bukod sa may konting pananakit ng ulo siyang nararamdaman ay wala naman kakaiba sa kanyang pakiramdam. Saglit niyang inalala ang nangyari kagabi. Natutop niya ang kaniyang bibig nang maalala niyang nakisakay siya sa sasakyan ng dalawang binatang amo. Dali dali siyang tumayo upang alamin kung kaninong bahay ba itong kaniyang tinulugan. Maraming tanong ang gumugulo sa kaniyang isip,tulad ng paanong naiba ang kaniyang damit? sino ang nagpalit sa kanyang damit? at kaninong bahay ang kaniyang namulatan?Hindi pamilyar sa kanya ang kwartong kaniyang kinaroroonan, maging ang mabangong amoy ng paligid at ang pang lalaking kulay ng dingding at interior design. Napasinghap siya upang lumanghap ng hangin.“amoy gwapo!”bulong ng isip niya.Lumabas siya ng kwarto at inaasahan niyang si Emman ang nag uwi sa kanya. Close naman kasi sila ng lalaki kahit paano hindi katulad ng big boss nila na hindi mo malaman ang takbo ng utak kung mabait, suplad