"YEAH, it's pretty clear, I ain't no size two but I can shake it, shake it, like I'm supposed to do 'cause I got that boom boom that all the boys chase and all the rights junk in all the right places."
Feel na feel ni Becky ang pagkanta ng "All About That Bass" habang paminsan-minsan pang napapakembot habang naghihiwa ng kung ano-anung gulay at sahog sa mga putahe.
"Bacause you know I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble. I'm all about that bass, 'bout that bass, no treble." Nilapitan niya ang speaker at lalo pang nilakasan habang sinasabayan ng paggalaw ng ulo niya.
"Yeah, my momma she told me don't worry about your size, she says boys like a little more booty to hold at night, you know----" Isang makabasag eardrum na tili ang kumawala sa kanya nang makita ang pigura ng isang lalaki na tila aliw na aliw sa panonood sa kanya.
"Diyos ko!"
"Kumakanta ka pala, Becky?"
"Brix, anon'ng ginagawa mo rito?"
"Kanina pa kita tinatawag sa labas, 'kaso ang lakas mg speaker mo kaya hindi mo ako marinig. Wala ka pa bang lutong ulam? Nagugutom na ako, pati ang mga tauhan ko sa gym." Anito habang hinihimas-himas ang tiyan at sinisilip ang kung anong hinihiwa niya.
"Mamayang ten pa ako maglalabas ng mga lutong ulam. Bumalik ka na lang mamaya."
"Ngayon lang kita narinig na kumanta ah?" Anang binatang nakangiti pa na tila nang-aasar. Humawak pa ito sa baba na tila may kinakamot.
"You have a good voice Bekbek, and not to mention, you can move too." Alam na alam na ni Becky kapag nagsimula na naman siyang tawaging 'Bekbek' ni Brix.
Na dahilan kaya nag-init agad ang mukha ni Becky sa sinabi nito. She already know where this kind of conversation going.
"Alam mo,tama 'yong kinakanta mo kanina. The line that goes, boys like a little more booty to grope----"
"Anong grope? 'Hold' 'yon!" Iritang sabat niya dito habang nakapamewang.
"Pareho lang 'yon. Personally, I think curvaceous and full-figured women are attractive too. I think it's nice to cuddle with them after... you know." Brix said, matter-of-factly. Napangiti pa ito sa huling sinabi na tila nagre-reminisce.
"C-cuddle after....." Umawang ang mga labi ni Becky.
"Napaka bastos mo talaga, Brix!"
Tumawa lang naman ang binata.
"Ano ka ba Bekbek? Nasa hustong gulang na tayo. Hindi na tayo bata para umarte ka nang ganyan. Thirty-three na ako at sa pagkakaalam ko ay thirty ka na, hindi ba?"
"Kahit na! Hindi pa rin tama na pag-usapan ang mga ganyang bagay, lalo pa at hindi mo naman ako girlfriend. Isa pa, tantanan mo nga ng kaka Bekbek sa akin! Ang ganda ganda ng pangalan ko e pinapapangit mo!" Damang dama niya ang pag-iinit ng buong mukha, lalo pa ng makitang titig na titig ang binata sa kanyang mukha.
"B-bakit? Ano'ng problema mo? Wag mo nga akong tingnan ng ganyan!"
Kumunot ang noo ni Brix.
"Could it be... You're still..." Tumikhim ito.
"Well, it's a choice, right?" Anito at tila kabadong tumawa.
"Ano'ng choice? Teka, naguguluhan ako. Ano ba'ng ibig mong sabihin?"
"Wala naman."
"Sabihin mo na, Brix!" Nanggigigil na sabi niya. Hindi niya gusto na tila may inililihim ang binata sa kanya.
"You know, it's perfectly fine if you still haven't been introduced to carnal knowledge yet. Being NBSB is not that bad either, I swear! That's no problem. In fact, it's nice to know that at this day and age, there are still a few women who value their worth as a woman. That's just great." Ngingiti-ngiting sabi nito na tila ba nakadiskubre ng isang mahalagang bagay.
Pakiramdam ni Becky ay nanlaki ang ulo niya sa sinabi ni Brix. Iniisip nitong NBSB at virgin pa siya! For the record ay nagka-boyfriend na siya noong college, si Percival. Tumagal lamang sila ng pitong buwan, at walang nangyari sa kanila. Pero boyfriend pa rin ang tawag dito.
"Hindi ako NBSB! Porke ba at mataba ako, iniisip mo na agad na hindi pa ako nagkaka-boyfriend? Na walang sumubok na ligawan ako? Ganun ba kapangit ang iniisip mo sa akin para isipin mong walang maglakas loob na lalaking magkagusto sa akin?"
"Hey! That's not what I meant! Okay, nagkamali ako ng intindi. Sorry naman. Hindi ganyan ang ibig kong sabihin, Becky."
"Hindi! Ganyan ka naman mula pa noong mga bata pa tayo, hindi ba? You've been always rude to me. Binu-bully at binu-bwisit mo ako palagi. Tama! Ganun ka! You're a bully!" Tila naiiyak sa sobrang highblood niya dito.
"Becky, ano ka ba? Ang seryoso mo naman diyan, binibiro lang kita kapag inaasar kita. Ang akala ko naman ay hindi mo sini-seryoso." Nakangiti pa ring paliwanang ng binata, tila wala lang dito ang mga binitiwang salita.
"Alam mo, sana hindi ka na bumalik sa Pilipinas. Mas tahimik pa ang buhay ko noong wala ka. Bakit kasi bumalik-balik ka pa rito? Dapat doon ka na lang nanatili sa Saudi."
Doon nabura ang tila pang-aasar na ngiti ni Brix. Ilang sandaling tiningnan siya nito ng sersoso bago tumikhim. "I'm sorry, Becky. I mean it."
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nadama ni Becky ang sinseridad sa paghingi nito ng paumanhin. Pero ng mga sandaling iyon ay mas nangingibabaw ang pagkainis niya dito. Hindi mapapawi ng paghingi ng "sorry" nito ang nararamdaman niya ngayon.
"Maybe I should go, babalik na lang ako mamaya. Sige, ituloy mo na ang ginagawa mo." Anito, bago lumabas ng bahay niya. Naiinis pa ring sinundan niya ito ng tingin.
Kung kanina ay inis na inis si Becky kay Brix, napawi agad iyon nang makita niyang may dalawang mensahe sa kanya si Justin.
Hello Becky! How are you doing, dear? Anito at nang hindi agad siya sumagot ay nagmessage ito ulit.
It's been a while. I miss you.
Napangiti siya ng mabasa ang mga message. Minsan pala ay nakakabuti rin na hindi siya palaging online para ma-miss siya ng lalaki.
Hello Justin! I'm very sorry for not answering your messages sooner. I've been doing a lot of things, Imiss you too.
What have you been up to? As for me, I've been hooked on biking lately. I also play basketball and badminton during my free time. How about you? What kind of sports are you into?
Nakagat ni Becky ang ibabang labi. Mukhang sports-minded pa ata si Justin. Wala siyang hilig sa sports pero. Kailangan niyang magmukhang interesado. Kailangang magkaroon sila ng common ground para mas maging interesado ito sa kanya. Alang-alang sa kanyang American dream.
I do swimming sometimes and I love badminton, too.
Natagpuan na lamang niya ang sarili na itina-type ang mga iyon. Naglalaro naman talaga siya ng badminton noon at nae-enjoy din naman, pero mga 3 years ago na iyon. Nagsu-swimming naman siya tuwing summer kaya siguro pwede na niyang banggitin ang "swimming".
That's great it seems that we could get along with each other very well, Becky. We could play badminton here in Chicago or maybe there in the Philippines if i ever come over for a visit, whichever comes first. That sounds like a pretty good idea, right?
Muntik nang mapatili si Becky sa naging sagot ng Kano.
Yes! That's a verry good idea, Justin.
And since you're into sports, I can only assume that you must be in good shape. I wonder why your pictures on f******k are so few. You're close-up pictures are that nice, though. You're very pretty.
"Hello there, how are you?"Kinikilig at nakangiti si Becky o mas kilala sa tawag na "BekBek" habang ka-chat ang isang foreigner sa isang app. Nagpakilala itong si Justin Cray, thirty nine years old na daw ito at may dalawang anak bago nakipag divorce sa asawa. Nakailang browse na rin ang dalaga sa mga pictures nito. Dito niya nalaman na mayaman ito at may napakalaking bahay sa Chicago at pati na rin sa Los Angeles. Laman din ng ibang litrato nito na nakasakay sa magagarang sasakyan nito at sa bakasyon nito habang lulan ng kanyang private yacht. Kung sa itsura naman ay gwapo rin naman si Justin kahit medyo mataas na ang hairline nito dahil na rin sa edad."Hi Justin! I'm okay. I'm sorry it took me a while to go online again because I've been busy with work at my own restaurant." Sabi niya dito habang nagta-type sa kanyang laptop. Ingat na ingat siya sa paggamit ng kanyang second-hand laptop na nabili niya online. Ang laptop na iyon kase ang susi ng kanyang tagump
"Adobo ba 'to?""Dinuguan 'yan." Nakahalukipkip na sagot niya. Tuwing nakikita niya ang pagmumukha ng kaharap ay naiinis siya. Ewan niya kung matatawag ngang mukha iyon dahil para iyong bigote at balbas na tinubuan ng mukha. Gigil na gigil siyang ahitan ang mukha ng binata."Sige, isang order nito, saka dalawang order ng kanin. Bigyan mo na rin ako ng mainit na sabaw, 'yong kakakulo lang sana kung meron. Salamat."Akmang ilalagay niya ang mga iyon sa plastic ng magsalita ulit si Brix."Wag mo na palang ibalot. Dito na ako kakain." Anito bago naupo sa tapat ng mesa."Magsasara na ako! Sa bahay mo kana lang kumain.""Alas-siyete palang ah, ang aga-aga pa para magsara." Anang binata bago sinulyapan ang wall clock sa karinderya."May mga gagawin pa 'ko.""Makikipag-chat ka na naman ba sa mga foreigner sa facebook?" Agad na nag-init ang mukha ni Becky sa sinabi ni Brix."P-paano mo nalaman?""I saw you at the com
Ika-anim pa lamang ng umaga ay naka-online na agad si Becky sa Facebook at Instagram. Madalas ay iyon ang pinagkakaabalahan niya pagkatapos mamalengke tuwing madaling-araw, isasabay niya iyon habang nagpapahinga. Nagsisimula naman siyang mag-ayos ng mga gagamitin at magluto kapag malapit na ang tanghalian.Madalas ay pulos Hollywood celebrity news lamang naman ang binabasa niya. It had always been her dream to travel to or live in the USA. Gustong-gusto niya ang ideya ng winter at makapagselfie sa Statue of Liberty pati na rin sa Times Square. Pakiramdam niya ay iyon ang kanyang tadhana at ito ang totoong makakapagpasaya sa kanya, ang makarating sa lugar na gusto niya at malibot ito. Kaya siguro 'di siya makatagpo ng love life sa Pilipinas sa edad na treinta ay dahil nasa Amerika ang kanyang destiny. Ang problema lang ay wala siyang sapat na pera para makapagtravel abroad. Ang kinikita niya naman sa karinderya ay sumasapat lamang sa gastusin niya sa sarili at sa bahay. Bumuko