I'm Crazy For You

I'm Crazy For You

last updateLast Updated : 2025-04-23
By:  MIKS DELOSOUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
228Chapters
2.4Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Sa gitna ng karangyaan ng Blue Ocean Cruise Ship, isang banggaan ng galit at kapalaran ang magpapasimula ng pagbabago sa buhay nina Cherry at Jal. Si Cherry, isang matapang at determinadong crew member na may fiancée na nangangalang David, ay umuusok sa galit matapos ang magulong araw sa trabaho. Sa isang aksidenteng pagkikita, napagkamalan niyang gigolo ang isang gwapong lalaki na tila walang pakialam sa mundo—si Jal. Ngunit ang hindi niya alam, ang lalaking kanyang sinigawan at tinawag na bastos ay ang mismong kapitan, CEO, at bilyonaryong nagmamay-ari ng barkong kanyang pinagtatrabahuhan. Ngunit sa ilalim ng liwanag ng buwan at sa kislap ng dagat, naganap ang isang gabing hindi nila inaasahan—isang mainit at mapusok na one-night stand na nag-iwan ng masakit na katotohanan: si Cherry ay nagdadalang-tao ng triplets. Habang patuloy na iniwasan ni Cherry si Jal, ang galit niya rito ay nagiging masalimuot na damdaming hindi niya maunawaan. Ang kanyang puso ay tila nagkakaroon ng sariling isip tuwing nakikita si Jal, kahit pa alam niyang may malaking sagabal sa kanilang dalawa—ang kanyang matagal nang fiancé na si David, na naghahanda na para sa kanilang kasal sa susunod na taon. Sa bawat araw na lumilipas, lalo siyang nahuhulog sa kakaibang ganda at pagkatao ni Cherry—isang damdaming hindi niya inasahan at pilit niyang nilalabanan. Ngunit paano kung malaman niya ang lihim ni Cherry? Paano kung matuklasan niyang siya ang ama ng mga triplets na dinadala nito? Pipiliin ba ni Cherry ang responsibilidad ng pangako kay David, o ang tawag ng pusong nagsisigaw para kay Jal?

View More

Chapter 1

I'm Crazy For You Chapter 1

Malamig ang simoy ng hangin sa deck ng Blue Ocean Cruise Ship. Walang ibang naririnig si Cherry kundi ang banayad na tunog ng alon na bumabangga sa barko. Ngayong araw, sa wakas ay day-off niya mula sa trabaho bilang passenger crew. Suot ang simpleng t-shirt at shorts, nagpasya siyang gumala sa paligid ng barko, nagbabakasakaling makahanap ng tahimik na lugar kung saan puwede siyang mag-relax.

Sa isip niya, ito na ang pagkakataong magpahinga mula sa magulong mundo ng kanyang trabaho. Pero ang hindi niya alam, isang gulo ang naghihintay sa kanya.

Habang abala si Cherry sa pagkuha ng litrato ng malawak na dagat gamit ang kanyang cellphone, bigla siyang nakaramdam ng tapik—hindi sa balikat kundi sa kanyang puwet! Gulat na gulat siyang napalingon, ang kanyang mukha’y namumula sa halong galit at hiya.

“Excuse me?!” sigaw niya, halos sumabog sa galit.

Ang salarin, isang matangkad, gwapo, at tila mayabang na lalaki, ay nakatingin sa kanya na may nakakalokong ngiti. Ito si Jal, ang kapitan ng barko na hindi niya pa nakikilala nang personal. Ngunit sa mga oras na iyon, wala siyang alam tungkol sa pagkatao nito. Para sa kanya, isa lang itong bastos na lalaki.

“Oh, ikaw pala 'yan,” sabi ni Jal, tumatawa pa. “Kagabi pa kita hinahanap, ah. Hindi ko akalain na nandito ka rin sa deck. Late night hangout ulit mamaya?”

Nagtama ang kilay ni Cherry. “Ano?! Ano'ng sinasabi mo?” Napakapit siya sa baywang, ang mga mata’y nanlilisik. “Hindi kita kilala, at paano mo nagawang bastusin ako?!”

Natigilan si Jal. Kita sa mukha nito ang pagtataka, ngunit agad din itong ngumiti na parang hindi seryoso ang sitwasyon. “Teka, hindi ba ikaw yung... sa bar kagabi?” tanong nito, sabay turo sa mukha ni Cherry. “Ikaw yung sumayaw sa stage, ‘di ba?”

Halos mauntog si Cherry sa sobrang inis. “Stage? Bar? Ano’ng pinagsasasabi mo?!” Sigaw niya. “Hindi ako kung sinuman ang iniisip mo! Bastos ka!”

Sa puntong iyon, napansin ni Jal ang suot ni Cherry—malinis, simple, at wala ni katiting na bakas ng pagiging party girl. Napakamot siya sa batok, mukhang napagtanto ang pagkakamali. Ngunit imbes na mag-sorry, ngumisi ito at humalukipkip.

"Well, my bad," sabi niya na parang wala lang. "Pero aminin mo, hindi ka ba nagagwapuhan sa akin? Ang cute mo kasi, eh."

“Ang kapal ng mukha mo!” bulyaw ni Cherry. Pakiramdam niya’y gusto niyang sabuyan ng tubig ang lalaki sa sobrang inis. “Kung hindi lang ako day-off ngayon, matagal na kitang isinumbong sa management!”

Tumalikod si Jal at naglakad palayo, ngunit bago ito tuluyang mawala sa paningin niya, muli itong lumingon. "Relax ka lang, Miss. sayang ang ganda mo, nakasimangot ka. Don't worry, hindi kita makakalimutan. Malakas ang dating mo."

Naiwang tulala at nagngangalit si Cherry. "Sino ba ’yon? Napakayabang at Napakabastos! Dapat makarma agad!" bulong niya sa sarili.

Habang bumalik siya sa kanyang upuan sa deck, hindi niya maiwasang magtanong sa sarili kung sino ang lalaking iyon.

Ang hindi alam ni Cherry, ang lalaki palang iyon ay walang iba kundi ang may-ari at kapitan ng barko. At ang maling tapik na iyon ang simula ng alon ng emosyon at pagkakagulo na magbabago sa buhay niya magpakailanman.

"Hindi," bulong niya. "Hindi ko akalain may mga bastos na lalaki talaga kahit saan."bulong ni Cherry sa kanyang sarili.

Habang si Cherry ay abala sa pagdedesisyon kung paano magpapakalma, si Jal naman ay bumalik sa kanyang opisina sa pinaka-itaas ng barko. Nakatitig ito sa salamin, pinapanood ang mga alon sa ibaba.

"Hindi ba siya 'yon o namamalikmata lang ako?" bulong niya sa sarili, tumatawa nang mahina. "Pero napaka- interesting niya."

Pumasok ang kanyang assistant na si Marco, bitbit ang ilang dokumento. "Sir Jal, ito na po ang mga reports na kailangan ninyo para sa weekly evaluation."

"Thanks," sagot ni Jal, ngunit halatang wala ang isip niya sa trabaho. "By the way, kilala mo ba ang mga crew members sa deck?"

Natigilan si Marco. "Crew members, sir? Ah, hindi po lahat. Bakit po, may problema ba?"

Umiling si Jal. "Wala naman. May nakilala lang akong... interesting." Ngumisi siya, at hindi maikakailang may kung anong naglalaro sa kanyang isipan.

Kinabukasan, nagpasya si Cherry na huwag nang magpakita sa deck. Sa halip, nagpunta siya sa canteen ng mga crew para doon magpalipas ng oras. Ngunit tila mapaglaro ang tadhana dahil pagbalik niya sa kanyang kabina, nakatanggap siya ng mensahe mula sa supervisor niya.

Supervisor: Cherry, pumunta ka sa meeting room sa deck 5. May ipapakilala akong bagong directive mula sa management.

Napabuntong-hininga si Cherry. "Sana naman hindi na baguhin ang shift ko malipat ako ng ibang departamento; malaking hassle iyon para sa akin "bulong niya habang inaayos ang uniporme.

Pagdating sa meeting room, laking gulat niya nang makita kung sino ang nasa harapan, nakatayo at nakangiti sa lahat ng crew.

"Good morning, everyone," ani Jal, suot ang kanyang unipormeng pang-kapitan na nagpapatingkad sa kanyang tindig at kisig. "Ako si Jal Pereno, ang kapitan ng Blue Ocean Cruise Ship at CEO ng  Pereno Shipping Lines."

Napalunok si Cherry. "Siya?!" bulong niya sa sarili. Mabilis niyang iniwas ang tingin, umaasang hindi siya mapapansin.

Ngunit tila hindi siya pinalampas ni Jal. Habang nagsasalita ito, bigla nitong itinuro si Cherry. "Ikaw," sabi nito, may bahid ng ngiti sa kanyang boses. "nagkita na naman tayo."

Nagtinginan ang ibang crew kay Cherry, na ngayo’y halos gusto nang magtago sa ilalim ng mesa. "Sir," sagot niya, pilit na kalmado. "Ano pong kailangan niyo sir?"

Ngumiti si Jal, ang kanyang mga mata’y parang nang-aasar. "Wala naman. Gusto ko lang magpasalamat sa mainit na pagtanggap mo kahapon."

Hindi alam ni Cherry kung maiiyak o magagalit. Ang buong meeting room ay napuno ng mahihinang tawanan mula sa iba pang crew. Ngunit sa halip na magpaapekto, tumindig siya nang maayos at ngumiti nang peke.

"Welcome po, Sir," sagot niya. "Next time po, mas mainit pa."

Natawa si Jal, ngunit sa kabila ng kanyang panunukso, may bahagyang paghanga sa tapang ng dalaga. "I’m looking forward to it," sagot niya, bago bumalik sa pagpapaliwanag sa mga bagong polisiya ng kumpanya.

Habang umuusad ang pagpupulong , si Cherry ay nananatiling tahimik, ngunit sa loob-loob niya'y punung- puno ng emosyon at pagkapahiya. Sa unang pagkakataon, naramdaman niya na ang simpleng day-off ay nagdala sa kanya ng alon ng komplikasyon. At sa hindi inaasahang pagkakataon, ang galit niya sa isang lalaki ay tila humahalo sa isang bagay na mas mahirap intindihin.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Trish
Wahh andami mo na books author,ang ganda rin ito ...️...️...️...️highly recommended
2025-01-13 02:50:00
0
228 Chapters
I'm Crazy For You Chapter 1
Malamig ang simoy ng hangin sa deck ng Blue Ocean Cruise Ship. Walang ibang naririnig si Cherry kundi ang banayad na tunog ng alon na bumabangga sa barko. Ngayong araw, sa wakas ay day-off niya mula sa trabaho bilang passenger crew. Suot ang simpleng t-shirt at shorts, nagpasya siyang gumala sa paligid ng barko, nagbabakasakaling makahanap ng tahimik na lugar kung saan puwede siyang mag-relax.Sa isip niya, ito na ang pagkakataong magpahinga mula sa magulong mundo ng kanyang trabaho. Pero ang hindi niya alam, isang gulo ang naghihintay sa kanya.Habang abala si Cherry sa pagkuha ng litrato ng malawak na dagat gamit ang kanyang cellphone, bigla siyang nakaramdam ng tapik—hindi sa balikat kundi sa kanyang puwet! Gulat na gulat siyang napalingon, ang kanyang mukha’y namumula sa halong galit at hiya.“Excuse me?!” sigaw niya, halos sumabog sa galit.Ang salarin, isang matangkad, gwapo, at tila mayabang na lalaki, ay nakatingin sa kanya na may nakakalokong ngiti. Ito si Jal, ang kapitan ng
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more
I'm Crazy For You Chapter 2
Makalipas ang ilang araw mula sa nakakainis na insidenteng iyon, sinubukan ni Cherry na umiwas kay Jal. Ayaw niyang magkaroon ng kahit anong koneksyon sa lalaking iyon. Ngunit tila ba nilalaro siya ng tadhana—sa bawat sulok ng Blue Ocean Cruise Ship, tila lagi siyang napapadpad sa lugar kung saan naroon si Jal.Isang umaga, habang naghahanda si Cherry para sa kanyang shift, natanggap niya ang isang memo mula sa supervisor niya.Memo:Cherry, ikaw ang na-assign na maging liaison officer para sa isang espesyal na proyekto ng kapitan. Dumalo sa meeting mamayang 3 PM sa Captain's Office.Halos mahulog ang tasa ng kape mula sa kamay ni Cherry. "Ano? Ako? Bakit ako pa?" bulong niya sa sarili habang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.“Uy, Cherry!” sigaw ni Marites, isa sa mga kapwa niya crew. “Ano’ng problema? Para kang nakakita ng multo.”Napabuntong-hininga si Cherry at ipinatong ang memo sa mesa. “Ito, oh! Pinapapunta ako sa opisina ng kapitan. May espesyal daw na proye
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more
I'm Crazy For You Chapter 3
Makalipas ang dalawang linggo mula nang magsimula ang espesyal na proyekto, mas naging abala si Cherry kaysa dati. Hindi na lamang simpleng tungkulin bilang crew ang ginagawa niya; siya na rin ang tumatayong tagapamahala ng mga plano, pag-uusap sa mga VIP passengers, at pagsasaayos ng mga detalye para sa proyekto. Kahit pagod, pilit niyang binibigyan ang sarili ng motibasyon.“Cherry, kaya mo ‘to,” bulong niya sa sarili habang nag-aayos ng mga dokumento sa opisina ng cruise.Isang gabi, matapos ang mahabang araw ng trabaho, naisipan ni Cherry na magpahinga sa lounge deck. Mahangin sa labas, at kitang-kita ang maliwanag na buwan na sumasalamin sa kalmadong dagat. Bitbit ang isang tasa ng mainit na tsaa, sinubukan niyang limutin ang pagod habang pinagmamasdan ang liwanag ng barko na nagbibigay-buhay sa paligid.Ngunit sa di kalayuan, napansin niya ang isang grupo ng mga pasahero na palabas ng bar ng barko. Tumatawa ang mga ito nang malakas, at ang tunog ng kanilang halakhak ay sumabay s
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more
I'm Crazy For You Chapter 4
Habang naglalakad si Cherry pabalik sa kanyang kabina, ramdam niyang para siyang tinatangay ng hangin. Ang bawat hakbang niya ay puno ng kalituhan at hindi maipaliwanag na kaba. “Bakit ako naiinis? Hindi ko naman siya pag-aari. Hindi ko rin naman siya gusto, diba?” Ito ang mga tanong na paulit-ulit niyang iniisip, subalit hindi siya nakakaligtas sa mga emosyon na biglang bumangon mula sa kaibuturan ng kanyang puso.Ang mga nangyari kagabi ay naglalaro pa rin sa kanyang isipan. Si Captain Jal na magkasama ng dalawang sexy na babae, ang mga mata nitong puno ng tiwala at ang pakiramdam ng pagiging may-ari. “Hindi ko siya kailangan. Hindi ko siya gusto,” paulit-ulit na sinasabi ni Cherry sa sarili, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya matanggal ang ngiti ni Jal mula sa kanyang utak.Pagpasok niya sa kanyang kabina, tumagilid siya sa kama at tumingin sa kisame. “Ano ba ‘to, Cherry? Anong nangyayari sa’yo? Ang dami mong pinapahirap na bagay sa utak mo. Hindi ka dapat mag-isip ng ga
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more
I'm Crazy For You Chapter 5
Habang naglalakad si Cherry pabalik sa kanyang kabina, pakiramdam niya’y parang tinatangay siya ng isang malakas na hangin. Ang bawat hakbang ay tila isang pasya patungo sa hindi niya kayang unawain. “Bakit ako? Ano ang nangyayari sa’kin?” Ang mga tanong na ito ay patuloy na paulit-ulit sa kanyang isipan, isang alon na hindi tumitigil. Ang kaba sa kanyang dibdib ay tila mas malakas pa sa dagat na sumasalubong sa barko. Hindi siya makapaniwala na tinanong siya ni Jal para sa dinner party mamaya. Bakit siya? Hindi naman siya espesyal, hindi ba?Isang malalim na hinga ang pinakawalan ni Cherry habang binabaybay ang madilim na daan patungo sa kanyang kabina. Ang mga mata ni Jal, ang mga salitang iyon na tila may misteryo sa likod ng mga simpleng pangungusap, ang mga ngiti niyang laging may kasamang tiwala. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Bakit siya naapektohan ng ganito?"Cherry..." bigla niyang narinig ang boses ni Jal na parang sumabog sa kanyang isipan, at natigilan siya. "I trust
last updateLast Updated : 2024-12-22
Read more
I'm Crazy For You Chapter 6
Habang nakaupo si Cherry sa gilid ng kama, ang tibok ng kanyang puso ay parang nagmamadali, halos kasabay ng mga alon sa labas ng kanyang kabina. Sa kabila ng malamig na hangin na pumapasok mula sa maliit na bintana, pakiramdam niya ay init na init siya. Ang mga mata ni Jal ay hindi niya maalis sa kanyang isipan—puno ng lalim, misteryo, at... anong bagay iyon? Pag-aalaga? Paghanga? Hindi siya sigurado.Hindi niya napansin na napapikit siya habang iniisip ang mga nangyari kanina sa dinner party.Isang mahinang katok ang gumulat sa kanya mula sa pag-iisip. Agad siyang tumayo, pinilit kalmahin ang sarili bago binuksan ang pinto. At naroon siya—si Jal mismo, nakatayo sa labas ng kanyang kabina."Captain Jal?" tanong ni Cherry, halatang nagulat. "Anong ginagawa ninyo dito?"Hindi agad sumagot si Jal. Tila may bigat ang bawat galaw nito, at ang mga mata niyang matagal nang nagdudulot ng kaba kay Cherry ay nakatitig sa kanya nang buong tapang."Gusto kitang makausap," mahina pero puno ng det
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more
I'm Crazy For You Chapter 7
Bago pa siya magdesisyon, kailangan niyang matutunan kung paano yakapin ang posibilidad ng isang pag-ibig na hindi niya inaasahan."Anong nangyari sa'yo, Cherry?" tanong niya sa sarili, pilit inaalis ang mga saloobin. "Kailan ka naging ganito? Kailan mo pinayagan ang puso mo na magtakda ng bagong landas?"Tinutok niya ang mga mata sa kisame at inisip ang mga oras na lumipas. Si Jal... Ang mga mata nito, ang paraan ng pagtingin sa kanya, hindi kayang itanggi ni Cherry na may kakaibang epekto ito sa kanya. Hindi siya sigurado kung ang nararamdaman niya ay pagmamahal, ngunit may isang bagay na tiyak—si Jal ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanyang mundo."Siguro, ito na nga," bulong niya sa sarili. "Siguro ito na ang pagkakataon ko."Naglakad siya palapit sa pintuan at muling tiningnan ang kanyang kabina. Sa mga sandaling iyon, nagdesisyon siya—hindi siya matatakot. Hindi siya tatakbo palayo sa kung ano ang nararamdaman niya. Hindi na niya hahayaang malusaw ang pagkakataong ito dahil s
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more
I'm Crazy For You Chapter 8
"Cherry," tugon ni Jal, "kung anuman ang nararamdaman mo, ito ay hindi magiging madali. Mahal kita bilang kaibigan, at hindi ko nais na magdulot ng sakit sa'yo o kay David. Hindi ko kayang maging dahilan ng pagkabasag ng buhay mo."Ngunit sa mga salitang iyon, nakaramdam si Cherry ng isang bagong pag-unawa—isang uri ng kalayaan. Hindi niya kailangang magmadali. Hindi niya kailangang magdesisyon agad-agad. Ang lahat ng ito ay isang proseso, at may oras para mapag-isipan.“Puwede ko bang mag-isip pa?” tanong ni Cherry kay Jal, ang mga mata ay puno ng pangako at hindi siguradong pag-asa.“Walang pilitan,” tugon ni Jal, na may ngiti sa mga labi. "Walang madali sa buhay. Pero kahit anong mangyari, andito ako, Cherry."At habang si Cherry ay naglalakad palayo, ang mga saloobin niya ay patuloy na magulo. May pagmamahal para kay David, at may isang bahagi ng kanyang puso na nagsasabing hindi kayang ibasura ang nararamdaman kay Jal. Ngunit alam niyang may mga hakbang na kailangan niyang gawin—m
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more
I'm Crazy For You Chapter 9
Hindi na siya magpapakita ng anumang senyales ng pagiging malapit dito. Wala nang mga hindi inaasahang pagtambay o mga pag-uusap na wala sa plano. Sa tuwing magkakasalubong sila sa barko, maghahanap siya ng mga dahilan para maiwasan ang bawat pagkakataon na magtagpo ang kanilang mga mata, at magtago na lamang sa kanyang sariling mundo.Habang ang alon ng dagat ay patuloy na lumilipad at naglalakbay sa malawak na kalawakan, si Cherry ay nagbigay ng oras upang mag-isip. Gusto niyang lumayo sa kalituhan ng kanyang puso, at sa bawat sandali ng kanyang pag-iisa, nagsimula siyang magbalik-tanaw sa mga alaala ng pagmamahal na binuo nila ni David. Ang bawat tawa, ang bawat yakap, at ang bawat pangako ay nagsisilbing gabay para sa kanya sa mga oras ng kalituhan.“David... ikaw ang aking pangarap,” bulong ni Cherry sa kanyang sarili habang nakatingin sa malawak na dagat. “Ikaw at ako, magkasama. Walang ibang tao kundi ikaw.”Napagtanto ni Cherry na ang nararamdaman niyang kalituhan kay Jal ay hi
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more
I'm Crazy For You Chapter 10
Puno ng kalituhan si Cherry, at nahirapan siyang maipaliwanag sa sarili kung bakit may parte ng kanyang puso na patuloy na umaasa. "Bakit nga ba ako naguguluhan?" tanong niya sa sarili, ngunit alam niyang hindi niya kayang ipagwalang-bahala ang mga pangako at pagmamahal ni David. Siya ay natatakot na baka madala siya ng mga sandaling ito, ng mga emosyon na puno ng kalituhan. Mahal na mahal niya si David at hindi niya nais na mawala ang lahat ng itinaguyod nilang relasyon, ngunit hindi maiwasan ng kanyang puso na magduda at magtanong sa sarili kung paano nangyari na naging ganito siya.Ang bawat pagtingin ni Jal, ang bawat salita na binitiwan nito, ay may matinding epekto sa kanya. Puno ng mga alaala ang kanyang isipan—mga sandaling tila napakagaan at puno ng kasiyahan na kasama siya. Ngunit alam niyang kailangan niyang makawala sa mga ilusyon na ito, dahil si David ang kanyang hinahanap, at si Jal ay bahagi ng isang magulong sitwasyon na hindi dapat laruin.Si Jal, na naramdaman ang pa
last updateLast Updated : 2024-12-30
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status