“Kung darating man siya... hindi ikaw ang kailangang matakot. Kami ng Papa mo ang bahala. Hindi ka namin papabayaan. Lalo na’t para sa mga bata ang pinoprotektahan mo.”Napayuko si Cherry, pilit pinipigilan ang luha.“Hindi ko alam, Ma, kung tama ang ginawa kong pagtatago. Baka naging makasarili ako. Baka… baka mali ang iniisip kong protektahan sila mula sa ama nila.”“Anak,” malumanay ang tinig ni Gemma, “ang isang ina, laging iniisip ang kapakanan ng anak. Hindi ‘yan pagiging makasarili. Yan ang pagmamahal. Pero… darating ang araw na hindi na kayang itago ang katotohanan. Darating ang panahon na kakailanganin mong harapin ang lahat. Kahit masakit. Kahit hindi ka handa.”Tumulo ang luha ni Cherry. Agad niya itong pinahid, ayaw niyang makita ng ina ang bigat sa dibdib niya.“Hindi pa ako handa, Ma,” halos pabulong. “Hindi ko alam kung kaya ko pang masaktan ulit.”“Anak,” mahigpit ang hawak ni Gemma sa kamay niya, “kahit kailan, hindi ka nag-iisa. Andito kami. At kahit pa single mom ka
Malamig ang simoy ng hangin sa deck ng Blue Ocean Cruise Ship. Walang ibang naririnig si Cherry kundi ang banayad na tunog ng alon na bumabangga sa barko. Ngayong araw, sa wakas ay day-off niya mula sa trabaho bilang passenger crew. Suot ang simpleng t-shirt at shorts, nagpasya siyang gumala sa paligid ng barko, nagbabakasakaling makahanap ng tahimik na lugar kung saan puwede siyang mag-relax.Sa isip niya, ito na ang pagkakataong magpahinga mula sa magulong mundo ng kanyang trabaho. Pero ang hindi niya alam, isang gulo ang naghihintay sa kanya.Habang abala si Cherry sa pagkuha ng litrato ng malawak na dagat gamit ang kanyang cellphone, bigla siyang nakaramdam ng tapik—hindi sa balikat kundi sa kanyang puwet! Gulat na gulat siyang napalingon, ang kanyang mukha’y namumula sa halong galit at hiya.“Excuse me?!” sigaw niya, halos sumabog sa galit.Ang salarin, isang matangkad, gwapo, at tila mayabang na lalaki, ay nakatingin sa kanya na may nakakalokong ngiti. Ito si Jal, ang kapitan ng
Makalipas ang ilang araw mula sa nakakainis na insidenteng iyon, sinubukan ni Cherry na umiwas kay Jal. Ayaw niyang magkaroon ng kahit anong koneksyon sa lalaking iyon. Ngunit tila ba nilalaro siya ng tadhana—sa bawat sulok ng Blue Ocean Cruise Ship, tila lagi siyang napapadpad sa lugar kung saan naroon si Jal.Isang umaga, habang naghahanda si Cherry para sa kanyang shift, natanggap niya ang isang memo mula sa supervisor niya.Memo:Cherry, ikaw ang na-assign na maging liaison officer para sa isang espesyal na proyekto ng kapitan. Dumalo sa meeting mamayang 3 PM sa Captain's Office.Halos mahulog ang tasa ng kape mula sa kamay ni Cherry. "Ano? Ako? Bakit ako pa?" bulong niya sa sarili habang nararamdaman ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.“Uy, Cherry!” sigaw ni Marites, isa sa mga kapwa niya crew. “Ano’ng problema? Para kang nakakita ng multo.”Napabuntong-hininga si Cherry at ipinatong ang memo sa mesa. “Ito, oh! Pinapapunta ako sa opisina ng kapitan. May espesyal daw na proye
Makalipas ang dalawang linggo mula nang magsimula ang espesyal na proyekto, mas naging abala si Cherry kaysa dati. Hindi na lamang simpleng tungkulin bilang crew ang ginagawa niya; siya na rin ang tumatayong tagapamahala ng mga plano, pag-uusap sa mga VIP passengers, at pagsasaayos ng mga detalye para sa proyekto. Kahit pagod, pilit niyang binibigyan ang sarili ng motibasyon.“Cherry, kaya mo ‘to,” bulong niya sa sarili habang nag-aayos ng mga dokumento sa opisina ng cruise.Isang gabi, matapos ang mahabang araw ng trabaho, naisipan ni Cherry na magpahinga sa lounge deck. Mahangin sa labas, at kitang-kita ang maliwanag na buwan na sumasalamin sa kalmadong dagat. Bitbit ang isang tasa ng mainit na tsaa, sinubukan niyang limutin ang pagod habang pinagmamasdan ang liwanag ng barko na nagbibigay-buhay sa paligid.Ngunit sa di kalayuan, napansin niya ang isang grupo ng mga pasahero na palabas ng bar ng barko. Tumatawa ang mga ito nang malakas, at ang tunog ng kanilang halakhak ay sumabay s
Habang naglalakad si Cherry pabalik sa kanyang kabina, ramdam niyang para siyang tinatangay ng hangin. Ang bawat hakbang niya ay puno ng kalituhan at hindi maipaliwanag na kaba. “Bakit ako naiinis? Hindi ko naman siya pag-aari. Hindi ko rin naman siya gusto, diba?” Ito ang mga tanong na paulit-ulit niyang iniisip, subalit hindi siya nakakaligtas sa mga emosyon na biglang bumangon mula sa kaibuturan ng kanyang puso.Ang mga nangyari kagabi ay naglalaro pa rin sa kanyang isipan. Si Captain Jal na magkasama ng dalawang sexy na babae, ang mga mata nitong puno ng tiwala at ang pakiramdam ng pagiging may-ari. “Hindi ko siya kailangan. Hindi ko siya gusto,” paulit-ulit na sinasabi ni Cherry sa sarili, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hindi niya matanggal ang ngiti ni Jal mula sa kanyang utak.Pagpasok niya sa kanyang kabina, tumagilid siya sa kama at tumingin sa kisame. “Ano ba ‘to, Cherry? Anong nangyayari sa’yo? Ang dami mong pinapahirap na bagay sa utak mo. Hindi ka dapat mag-isip ng ga
Habang naglalakad si Cherry pabalik sa kanyang kabina, pakiramdam niya’y parang tinatangay siya ng isang malakas na hangin. Ang bawat hakbang ay tila isang pasya patungo sa hindi niya kayang unawain. “Bakit ako? Ano ang nangyayari sa’kin?” Ang mga tanong na ito ay patuloy na paulit-ulit sa kanyang isipan, isang alon na hindi tumitigil. Ang kaba sa kanyang dibdib ay tila mas malakas pa sa dagat na sumasalubong sa barko. Hindi siya makapaniwala na tinanong siya ni Jal para sa dinner party mamaya. Bakit siya? Hindi naman siya espesyal, hindi ba?Isang malalim na hinga ang pinakawalan ni Cherry habang binabaybay ang madilim na daan patungo sa kanyang kabina. Ang mga mata ni Jal, ang mga salitang iyon na tila may misteryo sa likod ng mga simpleng pangungusap, ang mga ngiti niyang laging may kasamang tiwala. Bakit ganito ang nararamdaman niya? Bakit siya naapektohan ng ganito?"Cherry..." bigla niyang narinig ang boses ni Jal na parang sumabog sa kanyang isipan, at natigilan siya. "I trust
Habang nakaupo si Cherry sa gilid ng kama, ang tibok ng kanyang puso ay parang nagmamadali, halos kasabay ng mga alon sa labas ng kanyang kabina. Sa kabila ng malamig na hangin na pumapasok mula sa maliit na bintana, pakiramdam niya ay init na init siya. Ang mga mata ni Jal ay hindi niya maalis sa kanyang isipan—puno ng lalim, misteryo, at... anong bagay iyon? Pag-aalaga? Paghanga? Hindi siya sigurado.Hindi niya napansin na napapikit siya habang iniisip ang mga nangyari kanina sa dinner party.Isang mahinang katok ang gumulat sa kanya mula sa pag-iisip. Agad siyang tumayo, pinilit kalmahin ang sarili bago binuksan ang pinto. At naroon siya—si Jal mismo, nakatayo sa labas ng kanyang kabina."Captain Jal?" tanong ni Cherry, halatang nagulat. "Anong ginagawa ninyo dito?"Hindi agad sumagot si Jal. Tila may bigat ang bawat galaw nito, at ang mga mata niyang matagal nang nagdudulot ng kaba kay Cherry ay nakatitig sa kanya nang buong tapang."Gusto kitang makausap," mahina pero puno ng det
Bago pa siya magdesisyon, kailangan niyang matutunan kung paano yakapin ang posibilidad ng isang pag-ibig na hindi niya inaasahan."Anong nangyari sa'yo, Cherry?" tanong niya sa sarili, pilit inaalis ang mga saloobin. "Kailan ka naging ganito? Kailan mo pinayagan ang puso mo na magtakda ng bagong landas?"Tinutok niya ang mga mata sa kisame at inisip ang mga oras na lumipas. Si Jal... Ang mga mata nito, ang paraan ng pagtingin sa kanya, hindi kayang itanggi ni Cherry na may kakaibang epekto ito sa kanya. Hindi siya sigurado kung ang nararamdaman niya ay pagmamahal, ngunit may isang bagay na tiyak—si Jal ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanyang mundo."Siguro, ito na nga," bulong niya sa sarili. "Siguro ito na ang pagkakataon ko."Naglakad siya palapit sa pintuan at muling tiningnan ang kanyang kabina. Sa mga sandaling iyon, nagdesisyon siya—hindi siya matatakot. Hindi siya tatakbo palayo sa kung ano ang nararamdaman niya. Hindi na niya hahayaang malusaw ang pagkakataong ito dahil s
“Kung darating man siya... hindi ikaw ang kailangang matakot. Kami ng Papa mo ang bahala. Hindi ka namin papabayaan. Lalo na’t para sa mga bata ang pinoprotektahan mo.”Napayuko si Cherry, pilit pinipigilan ang luha.“Hindi ko alam, Ma, kung tama ang ginawa kong pagtatago. Baka naging makasarili ako. Baka… baka mali ang iniisip kong protektahan sila mula sa ama nila.”“Anak,” malumanay ang tinig ni Gemma, “ang isang ina, laging iniisip ang kapakanan ng anak. Hindi ‘yan pagiging makasarili. Yan ang pagmamahal. Pero… darating ang araw na hindi na kayang itago ang katotohanan. Darating ang panahon na kakailanganin mong harapin ang lahat. Kahit masakit. Kahit hindi ka handa.”Tumulo ang luha ni Cherry. Agad niya itong pinahid, ayaw niyang makita ng ina ang bigat sa dibdib niya.“Hindi pa ako handa, Ma,” halos pabulong. “Hindi ko alam kung kaya ko pang masaktan ulit.”“Anak,” mahigpit ang hawak ni Gemma sa kamay niya, “kahit kailan, hindi ka nag-iisa. Andito kami. At kahit pa single mom ka
“Anak, huwag kang mag-aalala. Malaki ang Quezon. Hindi gano’n kadaling makapunta rito. Mahigpit ang mga checkpoint, may ECQ pa. Hindi siya basta-basta makakarating dito.”Humugot si Cherry ng malalim na buntong-hininga. Hindi maikakaila ang kaba sa kanyang dibdib.“Pero Ma… ‘di ba ang swerte minsan, malupit din?” mahinang sabi niya. “Paano kung biglang mapadpad siya rito? Paano kung… makita niya ang mga bata? Paano kung malaman niya ang totoo?”Mariin ang tinig ni Gemma, puno ng paninindigan.“Huwag kang matakot. Nandito kami ng Papa mo. Kami ang bahala. Hindi ka namin papabayaan.”Tumango si Cherry pero halata sa kanyang mata na hindi pa rin siya ganap na panatag. Nagpalinga-linga siya na parang may inaabangan. Sa kanyang dibdib, ang pintig ng puso'y tila hindi mapigil, tila may kinatatakutang darating.Pinilit ni Gemma na ibahin ang usapan.“Bumili ako ng paborito mong buko. At magtitínola ako mamaya, ha? Para lumakas-lakas ang katawan mo. Palagi ka nang nagpupuyat sa trabaho.”Napa
Maingay ang tunog ng mga pinggan habang naghuhugas si Cherry sa kusina. Sa tabi niya, nakaupo si Mikee sa baby chair, habang si Mikaela ay nakahiga sa crib, at si Mike ay tahimik na natutulog. Tumunog ang kanyang cellphone—si Marites ang tumatawag."Hello, Marites? Kumusta ka na diyan sa barko?""Cherry! Grabe, ang dami kong kwento. Alam mo ba, umuwi na sina Capt. Jal at Capt. Prescilla sa Pilipinas. Kasama nila ang baby nilang si Miguel.""Talaga? Bakit sila umuwi?""Natatakot sila na baka mahawa ang baby nila sa COVID. May mga kaso pa kasi dito sa barko. Nakadaong kami pansamantala sa Vietnam, pero hindi pa rin ligtas.""Oo nga, mahirap na. Buti na lang at nakauwi sila. Dito nga, todo ingat ako sa mga bata. Laging naghuhugas ng kamay at nag-aalcohol.""Kumusta naman ang trabaho mo bilang CSR na work-from-home?""Okay naman. Nakakapagod, pero kinakaya para sa mga anak ko.""At si David? Kumusta na?""Ah, si David... Wala na kaming komunikasyon. Pinapalabas ko lang na siya ang ama ng
Si Madam Luisa ay biglang humarap kay Heidy, ang mga mata ay puno ng galit at tapang. “Heidy, tama na. Wala nang ibang maaaring pumili ng landas ni Jal kundi siya. Kung may sinuman sa atin na hindi nararapat sa Pereno, ikaw yun. May ilang bagay na hindi mo kayang tanggapin.”“Wala akong sinasabi na hindi tama, Lola,” sagot ni Heidy.Si Jal, na tila nakaramdam ng pagkabigo, ay lumapit kay Prescilla at hinawakan ang kanyang kamay. “Pres, hindi mo kailangang magpaliwanag pa. Ako na ang bahala.”“Alam ko naman, Jal. Ang gusto ko lang ay maging bahagi ng pamilya ninyo. Hindi ko po kailanman hangad na masaktan kayo,” sabi ni Prescilla, ang boses ay puno ng lungkot.Madam Luisa ay niyakap si Prescilla. “Huwag kang mag-alala. Sa atin, hindi lang pangalan ang mahalaga. Ang pagmamahal natin sa isa’t isa, yun ang magdadala sa atin.”Si Jal ay tumingin kay Heidy, at tinanong ang kanyang ina. “Ma, sana... sana tanggapin mo na ang aming desisyon.”Mabilis na tumingin si Heidy kay Jal, at sa wakas,
Pagdating sa mansyon ng mga Pereno, tahimik si Prescilla. Pinatuloy siya, inalalayan, at tila ba pinaparamdam na siya’y bahagi na ng pamilya. Ngunit hindi pa rin niya makalimutang malamig na pagtanggap ni Heidy.Tahimik na naglakad si Prescilla habang pumasok sila sa loob ng mansyon. Alam niyang hindi madaling baguhin ang lahat, at hindi pa rin nawawala ang takot sa kanyang puso. Sa kabila ng mainit na pagtanggap ng mga kasambahay at ng mga naririnig niyang papuri kay Miguel, nararamdaman pa rin niyang hindi siya ganap na bahagi ng pamilya ni Jal.“Jal, sigurado ka bang... okay lang ‘to?” tanong ni Prescilla habang huminto sa gitna ng sala, isang kamay na nakahawak sa bag at ang isa ay nakayakap kay Miguel. “Parang ramdam kong... may lamat pa rin.”Si Jal ay tumingin sa kanya, mahigpit na hinawakan ang kamay ni Prescilla. “Pres, hindi madaling baguhin ang puso ng mga tao, lalo na kung sanay sila sa ibang pamumuhay. Pero wag mong isipin na hindi mo kaya. Isa-isa nating patutunayan sa k
Maliwanag ang sikat ng araw nang magising si Prescilla. Sa kanyang tabi, mahimbing na natutulog si Miguel, ang kanilang isang buwang gulang na anak. Habang pinagmamasdan niya ang maamo nitong mukha, unti-unting napuno ang kanyang puso ng damdaming hindi maipaliwanag—halo ng kaba, tuwa, at pag-asa.Ilang oras na lang, lilipad na sila pauwi ng Pilipinas. Sa wakas, matapos ang mahigit isang taon ng pagka-stranded sa Vietnam dahil sa pandemya, may pahintulot na silang makauwi. At higit sa lahat, matatapos na rin ang pagbitbit nila ng lihim. Lihim na sila’y isang buong pamilya na.“Pres, gising ka na pala.” Lumapit si Jal habang may hawak na tasa ng kape. “Tinimplahan na kita. Saka... naka-pack na ‘yung mga gamit. Inaantay na lang natin ang sundo pa-airport.”“Salamat, Jal.” Hinawakan ni Prescilla ang tasa at umupo sa gilid ng kama. “Hindi ko pa rin mawari ang nararamdaman ko. Parang... ang bilis ng lahat.”“Ako rin. Pero sa bawat pagdikit ng paa ko sa lupa, palapit nang palapit sa 'Pinas,
Tahimik ang gabi. Tanging ang tunog ng malamig na hangin mula sa aircon at banayad na huni ng kuliglig mula sa labas ng hotel room ang maririnig. Maliit lang ang kwartong iyon, ngunit tila naging isang santuwaryo para kay Prescilla at Jal—isang lugar kung saan sila muling binuo ng kapalaran.Nakaupo si Prescilla sa gilid ng kama, pinapadede si Miguel. Malamlam ang ilaw, saksi sa mga matang punong-puno ng pagod, saya, at pangarap para sa anak. Sa harapan niya, tahimik na umiinom ng kape si Jal, nakaupo sa isang lumang silya. Sa bawat higop niya sa mainit na inumin, may lungkot sa kanyang mga mata, ngunit higit doon ang pagnanais na ayusin ang lahat ng nasira noon.“Ang bilis ng panahon,” bulong ni Prescilla, halos hindi marinig kung hindi dahil sa katahimikan ng gabi. “Parang kahapon lang, nasa isolation facility pa ako.”Tumango si Jal. “Oo,” mahinang tugon niya. “Pero ngayon, andito ka na. Kasama na natin si Miguel.”Napatingin si Prescilla sa lalaki, may bahid ng pag-aalinlangan ngu
Isang buwan na ang lumipas mula nang huling magkausap si Prescilla at Jal sa video call. Isang buwan na ang nakalipas simula nang marinig niya ang masiglang tawa ng anak nilang si Miguel. At ngayon—sa wakas—hawak na niya ang resulta ng huling COVID test. Negative. Malaya na siya. Malaya na siyang muling mayakap ang pamilyang matagal na niyang pinangarap.Tahimik ang paligid ng discharge area. Ang amoy ng antiseptic at malalaking puting pader ay tila nagpapalakas ng kabog sa dibdib ni Prescilla. Hawak niya ang maliit na bag, parang kaya pa niyang magsingit ng ilang mga pangarap sa bawat sulok ng kanyang isipan. Ang mga simpleng blusa at faded jeans na suot niya ngayon ay nagbigay ng pakiramdam ng pagiging malaya. Ngunit kahit nakatago ang kanyang mukha sa mask, ang mga mata niyang punong-puno ng pangarap at takot ay nag-aalab pa rin sa pagkatalo at paghihirap.Sa loob ng kanyang maliit na backpack ay naroon ang mga lumang sketch—mga guhit ng buhay na tinangka niyang magtulungan muli sa
Sa Gitna ng Laban: VietnamTahimik ang paligid. Malinis ang maliit na hotel room kung saan pansamantalang tumuloy si Jal Pereno kasama ang kanilang anak. Maaga pa, pero tirik na ang araw sa labas. Sa kabila ng sikat ng araw, tila may malamig na hangin na pumapawi sa init—hindi sa katawan, kundi sa puso.Nakatayo si Jal sa harap ng bintana. Suot pa rin niya ang parehong t-shirt na gamit niya kahapon. Halos hindi niya namamalayan ang paglipas ng oras. Mula sa kanyang kinatatayuan, tanaw niya ang malalayong gusali, ang banayad na trapiko sa ibaba, at ang mga taong tila wala namang alalahanin sa buhay. Iba sa sitwasyon niya ngayon. Iba sa realidad na kinasadlakan nila.Hawak niya ang cellphone. Bukas ang video call app. Tinitigan niya ito ng matagal. Ilang beses na niyang sinubukang tawagan si Prescilla pero palaging hindi nasasagot.Napalingon siya sa crib na nasa tabi ng kama. Doon, mahimbing na natutulog ang kanilang sanggol. Mahigpit na yakap nito ang maliit na stuffed toy na binili n