Ito na nga ang naisip na plano ni Onse. Nakahanap na nga siya ng babae na magiging fake wife ko.
Akala ko wala nang magiging problema. Pero bakit nag-da-drama ang babae na ‘to? Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko rin alam kung maniniwala ba ako sinasabi niya. Lahat pa naman ng ayaw ko ay iyong pretender. If only I have the guts to look at her. Maybe I can tell if she’s telling the truth or not, pero hindi ko nga magawa. I lost face. Nahihiya ako, hindi ko alam kung bakit. Sa tuno kasi ng pananalita niya, I can sense na nagsasabi nga siya ng totoo. At isa pa, I feel her pain. Mas masakit sa sampal niya sa mukha ko. But still, there’s a part of me na nagsasabi na ‘wag agad ako maniwala. Sa edad kong ‘to, hindi na ako mahuhulog sa trap ng mga nagpapanggap na angel. Madalas nga kasing nagpapanggap na angel ang mga demonyo. At ayaw ko na mademonyo ng isang ‘to. Lalo’t alam ko na maraming babae ang gustong maging asawa ako. Marami ang gustong makuha ang title na “Madame Abrazaldo”. “What made you think na maniniwala ako sa pinagsasabi mo?” tanong ko, without looking at her. Pero pasimple ko namang sinusulyapan ang kamay niyang kinuyumos ang laylayan ng damit niya. Rinig ko rin ang tawa niyang nayayamot. “Wow! Imposible kang matanda ka!” gigil at pabulong niyang sabi. Kumuyom na rin ang kamao niya. Para ngang gusto na akong suntukin. Hindi sadyang na tiim ko ang mga labi ko. Makasabi na matanda, parang uugod ugod na ako. Gusto ko tuloy siyang bigyan ng leksyon. Gusto kong supalpalin ang ngusong niyang kumikibot-kibot. “Do you think, may paki ako sa paniniwala mo?” “You!” Hindi ko na awat ang sarili at naduro ko na siya. Ang lakas ng loob na sagot-sagutin ako. “ ‘Wag mo akong you-you-hin! Kung kanina ay pumapayag ako na insultuhin mo, ngayon hindi na. Akala ko kasi magiging amo na kita. Kahit magaspang ang ugali mo, nagpasensya ako dahil sa malaki mong pasahod. Pero ngayon, wala na akong paki, malaki man ang pasahod mo, wala ka kasing modo!” “Sumusubra ka na!” Dinuro ka siya. Pero agad ko namang binawi ang daliri ko at naikuyom na lang. Tinalikuran ba naman ako. At ngayon ay kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya na parang pinipigil ang mapaiyak. “Bakit mo pa ba ako hino-hold dito?” Maya maya ay tanong nito, habang nakatalikod pa rin. Hindi ako sumagot. Isa rin siyang walang modo. Walang respeto na ang lakas ng loob na sagot-sagutin ang nakatatanda sa kanya, at ngayon ay kausapin akong hindi man lang ako nilingon. “Hayaan mo na lang po akong umalis. Maghahanap pa po kasi ako ng trabaho. ‘Yong trabaho na matino ang amo, at hindi walang modo!” Nakagat ko na lang ang labi ko. Damn! What a mess! Nakapanggigil. Ang sarap na niyang sakalin. Naikuyom ko na naman ang kamao ko. Ang hirap makipag-away sa bata. “You can’t leave, hangga’t hindi bumalik si Onse,” sagot ko. Madiin para tumatak sa utak niya na mas matigas kay sa akin. Speaking of Onse. Nasaan na kaya ang lalaking ‘yon? Basta na lang umalis na hindi muna nilinaw ang nangyayari ngayon. Hindi rin nag-re-reply. He prepared all this. Siya ang naghanap ng babae na maging fake wife ko. He made this mess. Ngayon, ang lakas ng loob na tumakas, at iwanan sa akin ang isip-bata na ‘to. Tama nga siguro ang desisyon niya na hindi muna humawak ng kaso. Baka magkalat lang ‘yon sa korte gaya ng ginagawa niya ngayon. Inabandona niya pa kami na client niya. “Bakit kailangan ko pang maghintay? Wala pa naman po akong nakuhang pera sa inyo. Wala akong napala sa pagpunta ko rito.” Napisil ko na lang ang noo ko at pigil na bumuga ng hangin. “Wala ka ngang nakuhang pera, but you’ve signed the contract. Technically, asawa na kita ngayon!” “Naman e!” Ginulo-gulo niya ang buhok niya, at saka ay tinakpan ang mukha. “Hindi ba’t mayaman ka naman po?! Kaya mong gawan ng paraan ang kontratang ‘yon. Pa void mo! At saka, kasalanan mo naman ‘to! Kung nag-explain ka po agad na marriage contract at agreement pala ‘yong pipirmahan ko, hindi sana ako pumirma. Hindi sana nangyari ang problemang ‘to.” Pabagsak siyang sumandal, at saka, pinadyak-padyak ang mga paa. “Tita Marie, naman e!” mangiyak-ngiyak nitong sabi. “Akala ko, trabaho ang ibibigay mo sa akin, problema pala ang mapapala ko.” Paulit-ulit niyang pinahid ang mga luha, kasabay ng pagsasalita na hindi ko na naintindihan ang iba. “Well you, please shut up?! Lalo lang sumasakit ang ulo ko sa’yo!” sikmat ko habang pisil-pisil pa rin ang noo. “Kasi naman! Sana sinabi niya na mas hayop pa pala ang ugali ng magiging boss ko, kay sa aalagaan ko.” Pabulong niyang sabi. Pero rinig na rinig ko pa rin. Diin na diin pa nga ang pagkasabi. “Isang salita pa. Ikukulong kita sa C.R!” pananakot ko rito. Natakot nga yata sa banta ko. Nanahimik kasi, pero nakakaasar namang buntong-hininga ang pumalit. Alam ko, bagot na bagot na siya. Ako din naman. Bagot na bagot na. Gusto ko nang matapos ang kalokohang ‘to. “Ay, ewan!” pasikmat nitong sabi na ikinagulat ko pa. Tumayo rin siya at walang lingon na iniwan ako. Agad ko naman siyang hinabol, at mahigpit na hinawakan sa braso. “Hindi ka ba makaintindi? I said you can’t leave,” gigil kong sabi na sumabay rin sa pagpisil ko sa braso niya. Rinig ko ang pigil niyang daing. Pero wala namang takot na sinalubong ang matalim kong tingin. “Bitiwan mo na po ako!” Pinipilit niyang kalasin ang kamay kong hawak ang braso niya. Saka matapang akong hinarap. “Pabayaan n’yo na po ako. Sigurado kasing nag-aalala na ang Nanay ko! Kanina pa ako rito.” Sa wakas, nagawa niya ring hablutin ang braso niya na sinadya kong luwagan ang paghawak. Ang lakas talaga ng loob nitong batang ‘to. Kahit kita sa maluha-luha nitong mga mata ang takot, lumalaban pa rin. “Ilang beses ko pa ba dapat sabihin sa’yo? Hindi ka nga pwedeng umalis!” gigil kong sabi. “Alam mo, sir. Ikaw naman ang dahilan kung bakit naging ganito ang sitwasyon.” Paninisi nito. “Ang saya-saya ko na kanina e! Kahit kabado ako. Late kasi ako.” Muli pa siyang bumuga ng hangin matapos sabihin ‘yon. Hinihimas-himas niya rin ang braso niya habang nakatingala sa akin. “Pero dahil kailangan ko nga ng trabaho, Kailangan ko ng pera, ‘yong kaba ko, isinantabi ko.” Sinadyang tawa ang ginawa niya matapos sabihin ‘yon. Habang ako, hindi pa rin makapagsalita. Tumitig na lang sa kanya. Pahilamos niya ring pinahid ang mga luha niya, at saka muling sinalubong ang tingin ko. “Sana, hindi na ako tumuloy. Hindi sana doble-dobleng dismaya ang napala ko. Hinamak n’yo na nga ang pagkatao ko! Hino-hold n’yo pa ako, againts my will. Illegal detensyon na po ‘tong ginagawa n’yo, sir!” Hindi pa rin ako sumagot. Pinapanood ko lang ang kada galaw niya. Kada buga ng hangin habang pinipilit na namang kalasin ang kamay ko na hawak na naman ang braso niya. Aalis na naman kasi sana siya matapos mailabas ang sama ng loob. “Sir, naman e!” Kitang-kita ko ang pagbagsak ng balikat niya. Saka tumigil na rin siya sa pagbaklas sa kamay ko. Ewan ko ba sa sarili ko. Wala na akong maisagot. Sa unang pagkakataon, ang isang Danreve Abrazaldo ay napatahimik ng babae. Hindi ko alam kung nakokonsensya ba ako sa mga masakit sa salitang binato ko sa kanya kanina o naawa na ako dahil sa mga sinabi niya. “Pwede na po ba akong umalis, sir?” Pakiusap na naman niya. “Hindi ka nga pwedeng umalis.” Sa wakas, nagawa ko na ring magsalita habang ang mga mata ay hindi na maalis sa dismaya nitong mukha. Ngayon ko lang siya napagmasdang mabuti. Yes, she’s pretty, young, and looks innocent. And wala nga sa hitsura niya ang pagiging isang gold-digger. Hindi siya bagay maging fake wife ko. Hindi ang kagaya niya ang ipapakilala ko sa mga magulang at sa Lolo, bilang asawa ko. “Mayaman nga po kayo. Kayo na po ang gumawa ng paraan? Please, hayaan n’yo na po ako—” Nahinto ang pagsasalita niya nang biglang bumukas ang pinto. Ang kaibigan kong si Onse ang pumasok. Lukot ang mukha habang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin. “Bro!” Paulit-ulit nitong nakamot ang ulo, kasabay ang sulyap sa fake kong asawa na kahit maluha-luha pa rin ang mga mata, halata namang naiirita na. “I’m sorry, bro! This is all wrong!” Nakamot naman niya ang ulo. At saka ay nilapag ang papel sa lamesa. “She’s not the girl na kausap ko. Mapaklang tawa ang sabay nagpalingon sa amin ni Onse. “Ngayon po, malinaw na. Hindi ako gold-digger!” singit nito. Pinagdidiinan pa ang salitang gold-digger. “Pwede na po ba akong umalis?” “I’m sorry! Seeing you kanina, alam kong may mali na. Ang bata-bata mo pa kasi. Pero hinatak pa rin kita.” Bumuga ng hangin si Onse at hinarap ako. Parang sinasabi nito na humingi ako ng sorry sa babae. “Hindi mo deserve ang treatment na pinakita sa’yo nitong kaibigan. I’m at fault. Aayusin ko ‘to.” “Ano ba kasi ang nangyari, bro? Bakit hindi dumating ang kausap mo?!” inis kong tanong na sumabay sa pagbukas ng pinto. Nagmamadaling umalis ang babae na parang takot na takot na pigilan ko na naman siya. Napabuga na lang ako ng hangin at sumabay naman no’n ang pagtunog ng cellphone ko. “Mom?” sagot ko. “Danreve, where are you? Nagkamalay na ang Lolo mo at hinahanap ka!” pabulong, pero pasikmat na sabi ni Mommy. Naipikit ko naman ang mga mata ko matapos marinig ang balita mula kay Mommy. Narinig ko kasi ang nanghihinang boses ni Lolo. Lagi ko raw pinapasama ang loob niya. Ako raw ang papatay sa kanya. “Where are you going, bro,” tanong ni Onse na sumabay sa paglabas ko ng opisina. Hindi ko na nagawang sagutin ang kaibigan ko. Nauukupa na ang utak ko sa sinabi ni Lolo. Parang kinurot ang puso sa sinabi niyang ‘yon. Kailangan may gawin ako para maibsan ang sama ng loob niya sa akin. Kailangan kong mapasaya siya sa natitirang buhay na mayro’n siya ngayon. “Come with me!” madiin kong sabi sa fake wife ko nang datnan ko siyang nag-aabang ng masasakyan sa labas ng building.(((Charmaine))) Panay ang buntong-hininga ko habang nag-aabang ng masasakyan dito sa labas ng Lazaro Law Firm—Law Firm na pagmamay-ari ng pamilya ni Onse. Katatapos ko lang din tawagan si Daisy. At heto nga, mas nanghina pa ako matapos makausap ang kaibigan ko. Bago ko kasi ibinalita sa kanila na minalas ako at hindi natanggap sa trabaho dahil wala akong experience. Palihim munang sinabi sa akin ni Daisy na inatake na naman daw si Nanay kanina. Kaya nagsinungaling na lang ako. Ayaw ko na mag-alala pa si Nanay. Ayaw kong dagdagan pa ang paghihirap niya. Kaya kahit anong mangyari, ililihim ko sa kanya ang nangyari sa akin kanina. Ililihim ko sa kanya ang panlalait na natanggap ko mula sa lalaking mata-pobre. “Come with me!” Parang tumalon ang puso ko sa sobrang gulat nang marinig ang nakakatakot na boses na ‘yon. Mas kumabog pa ang puso ko dahil sa kamay nitong hawak na ang pulsuhan ko. Ang mata-pobreng si Danreve lang naman ang lapastangan na humawak sa akin na para bang p
“Teka lang po, sir,” sabi ko sabay hawak sa kamay nitong fake kong asawa. Nandito na kami sa parking lot ng hospital. Kanina habang sinasabi niya sa akin ang mga dahilan kung bakit niya ginagawa ang lahat ng ito, medyo nabawasan naman ang inis ko sa kanya. May puso din naman palang tumitibok. Akala ko manhid at hindi marunong magmahal. Kaya lang, parang bumabahag naman ang buntot ko ngayong nandito na kami. Paano kung gaya n’ya, mata-pobre rin ang pamilya niya? Paano kung hindi nila ako tanggap bilang asawa nitong masungit nilang Anak? Paano kung sandamakmak na panghahamak na naman ang marinig ko mamaya? Kahit pa hindi totoo ang mga sasabihin nila, ang sakit pa rin kayang marinig. Kanina nga lang, tagos hanggang buto ko ang sakit ng mga sinabi ni Sir Danreve. Kaya kahit alam kong may puso naman pala siya, hindi pa rin tuluyang nawala ang sama ng loob ko. At saka, unang araw pa nga lang ng play namin ngayon bilang mag-asawa. Hindi pa namin kilala ang isa’t-isa, at hindi ko pa
Sa asim ng mukha ng Mommy ni Sir Danreve, gusto ko na lang mahimatay at hindi gigising hangga’t kasama pa namin siya. “Danreve!” Agad akong umatras nang magtaas ito ng kamay. Akala ko, masasampal na ako. Dinuro niya lang pala si Sir Danreve. “Are you out of mind?!” Gigil na sikmat nito. Kung kanina ay duro-duro niya lang si Danreve, ngayon ay kuyom na ang kamao na parang gustong suntukin ito. “Ang gusto namin ay gumawa ka ng paraan na makabawi sa Lolo mo! Hindi ‘yong gagawa ka nga ng paraan na mas ikamamatay niya!” Pabulong, ngunit gigil na gigil nitong sabi. Nanginginig na rin ito sa galit. “Mom, calm down. Makinig muna kayo, please,” pabulong din na pakiusap ni Sir Danreve sa galit nitong ina. Sa totoo lang dobleng takot na ang nararamdaman ko. Takot dahil sa nanggagalaiti sa galit na Mommy ni Sir Danreve, at takot sa kondisyon nito. Tumaas na yata kasi ang dugo. Medyo hirap na rin ito sa paghinga. Paano kong atakihin siya sa puso. Nilingon ko si Sir Danreve. Gusto
Sandali akong natahimik dahil sa singhal ng matanda. Pero nagawa ko naman siyang tulungan na umupo.“I’m sorry, po,” sabi ko, na nagpaismid naman sa kanya.“Bakit ka nag-so-sorry? Ang gusto kong itanong, why risk your life for someone you don’t even know? ” pasinghal pa rin nitong tanong, pero ang tingin ay nasa siko ko na ang laki ng lapnus. Nagmukhang glass skin sa kintab, namumula pa. Hapdi!“Sa totoo lang, hindi ko rin po alam,” sagot ko, sabay ihip sa tuhod kong nalapnus din. “But, siguro dahil po sa reflexes ko. Ang lapit mo lang kasi sa akin, kaya nagawa ko ‘yon.”“Kaya mo bang tumayo?” tanong ng matanda, kasabay na rin ang pagtayo niya, at saka ay nagpagpag. Ngumiti ako. “Syempre po. Bata pa po ako, kaya matibay pa ang buto ko.” Kayabangan kong sagot. Pero no’ng sinubukan kong tumayo, hindi ko pala magawa. Ang sakit ng katawan ko. Ako nga kasi ang unang tumama sa sementadong daan, kaya ako ang napuruhan. Siya ay may gasgas rin, pero hindi kasing laki nitong sa akin.“Akala ko
“Sir Danreve, bakit mo ‘yon sinabi? Bakit mo binigla?!” pabulong kong tanong dito sa asawa kong fake na hindi ko alam kung anong utak mayro’n na kanina pa hindi nagsasalita. Guilty na naman ang sira-ulo. Paano kasi, masiyadong impulsive. Ngayon, ni ang lapitan ang Lolo niya ay hindi na magawa. Nagagalit kasi kapag lumalapit siya. Kaya puro lingon lang ang ginagawa niya sa Lolo Clam niya. “Alam mo namang hindi pa magaling ang Lolo mo, sir!” dagdag ko pa, sabay ang bahagyang silip sa Lolo niya na nakahiga sa hospital bed na hindi kalayuan sa akin. Imbes kasi na ako lang ang dadalhin sa ER; dalawa na kami ng Lolo niya. Tumaas kasi ang presyon. Sumukip pa ang dibdib. At kasalanan na naman nitong pasaway niyang Apo.Ang tanda-tanda na hindi marunong mag-isip ng tama. Akala ko naman, ginagawa niya itong fake marriage namin, para bumawi at mabawasan ang sama ng loob sa kanya ng Lolo niya. E, dinagdagan niya.“Puntahan mo ang Lolo mo. Magpaliwanag ka!” utos ko sa kanya, pero pinanliitan
(((Danreve)))Ilang minuto ko nang pinagmamasdan ang likod ni Charmaine.Matapos niya kasing ilabas ang sama ng loob kanina ay hindi niya na ako muling kinausap. Hindi niya na ako pinansin at tahimik na lang na umiiyak.Gusto ko sanang mag-sorry, but I don't know how. Maski ang e-comfort siya ay hindi ko magawa. Kahit ano kasing sasabihin ko, hindi na siya nag-react. She completely ignored me.“Charmaine, tama na ang arte!” Napangiti na lamang ako ng mapait. Pisil-pisil ko na rin ang noo ko. Sakit siya sa ulo. Ang tigas kasi ng ulo niya. Talagang kaya niyang magmaktol sa taong magpapasweldo sa kanya. Tama si Lolo ang yabang niya! Porket kailangan ko ang tulong niya—ang serbisyo niya, feeling mighty na.“Bumangon ka na, Charmaine. Kanina pa dumating ang result mo. Pwede na raw tayong umalis,” sabi ko pa, kahit hindi pa rin niya ako kinikibo. Para na akong tanga. Kausap ang sarili. Ilang beses na rin akong bumuga ng hangin. Grabe na ang pagtitimpi ko na ‘wag siyang pagalitan at ‘wag
“Lolo, sorry po, hindi pwede,” biglang sabi ni Charmaine na ikinalaki ng mga mata ko. “Bakit, hindi pwede?!" pasikmat na tanong ni Lolo, at napabangon pa. Humigpit na lang ang paghawak ko sa wheelchair ni Charmaine habang nakatitig sa ulo nito na ang sarap batukan. Kitang-kita ko kasi ang pagtataka sa mukha ni Lolo, dahil sa padalos-dalos na sagot nitong isip bata kong asawa. “Hindi po papayag ang Nanay ko!” Walang paligoy-ligoy naman nitong sagot na nagpaawang sa labi ni Lolo. Maging ako ay umawang din labi. Nagulat din naman ako sa sinabi ni Lolo na plano ng kasal, pero hindi katulad niya na masyadong napaghahalata. Kabadong-kabado na parang takot na takot na mauwi sa totoong kasal ang fake marriage namin. “Hindi papayag ang Nanay mo? Hindi ba’t sabi nitong Apo ko ay asawa ka na niya? Gusto ko ay bigyan kayo ng proper wedding. Gusto kong makilala ka bilang asawa ng Apo ko.” Dinuro-duro ako ni Lolo Clam, pero ang tingin ay na kay Charmaine lang. Hindi ko nakikita ang m
(((Charmaine))) “Congratulations, Mr. and Mrs. Abrazaldo,” bati sa amin ni Sir Onse, pagkalabas at pagkalabas namin ng kwarto. Sabay namin siyang nilingon at ginantihan ng matinding simangot na nagpailing naman sa kanya ng paulit-ulit. Oo, natuloy ang kasal namin. Isa na akong Abrazaldo. Dala-dala ko na ang apilyedo nitong boss ko. Wala kasing silbi ang mga sinabi namin kanina, hindi pa rin lumusot ang paliwanag at mga dahilan namin dahil sa biglang pagdating ng Daddy ni Sir Danreve. Kaya pala panay dotdot sa cellphone ang Mommy ni Sir Danreve kanina, tumawag pala ng backup. Pinarating nito sa asawa niya ang kalokohang pinaggagawa ng Anak nila. Kaya ayon, sumugod sa hospital; nagdala ng judge, isinama pa si Onse, bilang witness, at agad-agad nga kaming pinakasal. Napatingin din ako sa suot kong singsing na takot na takot ko sanang isuot. Sa Lola raw kasi ‘to ni Sir Danreve. Wedding ring ng Lola niya. Bukod sa takot akong mawala ‘to, hindi naman kasi para sa akin ‘to—hindi