Sa asim ng mukha ng Mommy ni Sir Danreve, gusto ko na lang mahimatay at hindi gigising hangga’t kasama pa namin siya.
“Danreve!” Agad akong umatras nang magtaas ito ng kamay. Akala ko, masasampal na ako. Dinuro niya lang pala si Sir Danreve. “Are you out of mind?!” Gigil na sikmat nito. Kung kanina ay duro-duro niya lang si Danreve, ngayon ay kuyom na ang kamao na parang gustong suntukin ito. “Ang gusto namin ay gumawa ka ng paraan na makabawi sa Lolo mo! Hindi ‘yong gagawa ka nga ng paraan na mas ikamamatay niya!” Pabulong, ngunit gigil na gigil nitong sabi. Nanginginig na rin ito sa galit. “Mom, calm down. Makinig muna kayo, please,” pabulong din na pakiusap ni Sir Danreve sa galit nitong ina. Sa totoo lang dobleng takot na ang nararamdaman ko. Takot dahil sa nanggagalaiti sa galit na Mommy ni Sir Danreve, at takot sa kondisyon nito. Tumaas na yata kasi ang dugo. Medyo hirap na rin ito sa paghinga. Paano kong atakihin siya sa puso. Nilingon ko si Sir Danreve. Gusto kong sabihin na gumawa siya ng paraan para kumalma ang Mommy niya. Natatakot na kasi talaga ako. Ang gusto ko lang ay mapagamot at madugtungan ang buhay ni Nanay. Hindi ko hangad na may mawalan ng Nanay dahil sa akin. “Mom, please. Just hear me out.” Bumuga ng hangin si Sir Danreve, sabay sulyap sa akin. Bago pa kami nagpunta rito sa hospital. Nagpag-usapan na namin ang mga posibleng mangyari. Pero ngayong nasa actual na kaming pangyayari. Lahat ng nagpag-usapan namin kanina, awtomatikong nabura. Ramdam ko, gaya ko, hindi na rin alam ni Sir Danreve kung ano ang sasabihin. Hindi ko sadyang naipulupot ang braso ko sa baywang ni Sir Danreve. Pero ramdam kong napaigtad siya at sandaling tumitig sa mga mata ko, saka naman niya muling hinarap ang Mommy niya. “Mom, ‘wag ka naman magalit, please,” pakiusap na naman niya. Hindi na sumagot ang Mommy niya. Hinahabol pa rin kasi nito ang paghinga niya. “Alam ko na kasi na ito ang mangyayari. Kaya ko nga po tinago ko ang totoo ng matagal na panahon. Alam ko na magagalit kayo.” Halos pabulong na paliwanag nito. Kasinungalingang paliwanag. Matapos mawala sa isip ang mga napag-usapan namin kanina. Sa wakas, nagbalik rin sa katinuan ang mga utak namin. “Alam ko, pagdududahan n’yo siya. Alam ko, you wouldn’t accept her.” Ngayon ay um-effort na si Sir Danreve. Parang totoo, at hindi kasinungalingan ang mga sinasabi nito. Titig na titig pa ito sa Mommy niya. Kung hindi nga lang ako kasali sa dramang ‘to, tiyak ay mapapaniwala niya rin ako, that he is deeply in love me. Sobrang makatutuhanan kasi ng paliwanag niya. Masyado nga yata siyang na dala ng emosyon, pati kamay niya ay sumabay rin sa pagsasalita niya. Hinaplos-haplos ba naman ang likod ko, may papisil pang kasama. “Do you think, maniniwala ako sa kasinungalingan mo? I wasn’t born yesterday, Danreve. Hindi mo ako mapapaniwala sa kasinungalingan mo—ninyo nitong batang ‘to!” Duro na naman ako nito na may kasabay na matalim na tingin. Mapaklang tumawa si Danreve. "Bata…” mahinang tawa ang tumapos sa salitang ‘yon. “Mom, walang bata o matanda, when it comes to love. Alam mo naman po ‘yon.” Sandali naman niya akong nilingon at ngumiti ng matamis. Saglit akong nawala sa focus. Hindi ko kasi napaghandaan ang ngiting ‘yon. Hindi ko alam na marunong rin palang ngumiti ang gaya niya. “Nakalimutan mo na po ba? Thirteen years din ang age gap ng Lolo at Lola no’ng ikasal sila?” Thirteen years? Parang kami lang? Nineteen ako, siya ay thirty-two. Hindi na tuloy maalis ang tingin ko sa mukha nitong fake kong asawa na ang galing um-acting, with action pa talaga. Matapos kasing magtaas-baba ang kamay nito sa buong likod ko, ngayon ay baywang ko naman ang pinagdidiskitahan. Pinisil-pisil ba naman na may paminsan-minsang haplos. “Please, Mom, give us a chance…” “Stop it, Danreve!” Diniin niya ang food container sa dibdib ng Anak niya. Agad naman iyong hinawakan ni Sir Danreve, at inilayo sa katawan niya, sabay lingon naman sa akin. Mainit yata ang stainless container. Dumaing kasi. Napabitiw sa baywang ko. “I don’t want to hear any more lies. Ang gawin mo, pumasok ka sa loob. Alagaan mo ang Lolo mo. Pakainin mo. Gawin mo lahat, mawala lang ang dinaramdam niyang sama ng loob sa’yo, at hindi ‘yong magdadala ka ng sakit ng ulo!” “Mom—” Kokontra pa sana si Sir Danreve, pero pinatahimik ito sa duro ng Mommy niya na sinabayan ng panlilisik ng mga mata. “And you! Come with me!” Agad nitong hinawakan ang braso ko, at pakaladkad akong hinatak. Hindi ako nakapag-react. Hindi na rin ako nahawakan ni Sir Danreve. Akmang susunod rin sana siya sa amin, pero dinuro na naman siya ng Mommy niya. Gusto kong, magsalita. Gusto kong magmatigas, pero nadaig na naman ako ng takot. Sumikip na ang dibdib ko. Nag-iinit na rin ang mga mata ko. Paulit-ulit akong bumuga ng hangin. Pinapakalma ko ang sarili. Si Nanay—kalagayan ni Nanay ang iniisip ko. Sa kanya lang kasi ako kumukuha ng lakas at kapal ng mukha para magawa ko itong trabahong pinasok ko. “Tita—” Isang lingon niya lang na may kasamang pandidilat, ay agad nang sumara ang labi ko. Halos hindi ko na nga mapigil ang panginginig. “Magkano ang kailangan mo, layuan mo lang ang Anak ko?!” pasinghal nitong tanong, sabay ang patulak na pagbitiw sa akin. Bumangga ako sa nakaparadang kotse. Masakit. Pero physical pain lang ‘yon. Mawawala rin agad. Ang masakit, iyong tingin niya sa akin. Tingin na parang ang dumi-dumi ko. Napangiti ako ng mapait. Napapikit din ako sandali. Alam ko na ito talaga ang maririnig ko. Mayaman nga sila. Akala nila, kaming mahihirap, pera lang ang katapat. Which is tama naman. Dahil sa pera, kaya ko ‘to ginagawa. Oo, inaamin ko masama ang magsinungaling. Masama ang magpanggap. Pero kapit sa patalim na nga ako. As long as, wala naman akong nasasaktang tao, go lang ng go, para sa Nanay ko. “Tita—” “Don’t call me, Tita! Hindi kita kilala at lalong hindi kita kapamilya!” sikmat nito, pero may dinudukot naman sa loob ng bag. “One million pesos, sapat na siguro ito, layuan mo lang ang Anak ko!” Diniin niya sa dibdib ko ang cheque. Wala akong nagawa kung hindi, hawakan iyon. Muli na naman akong ngumiti ng mapait habang ang tingin ay nasa cheque. One million, ang laking halaga na nga nito, pero alam kong hindi pa rin ito sapat para pang gastos sa gamutan ng Nanay ko. “Hindi po sapat ‘to!” matapang kong sagot na nagpatawa sa kanya. Tawang nanghahamak. Inagaw niya ang cheque at pinagpupunit ng pinong-pino. “Then say it! Give a number na sapat bayaran ang gold-digger na katulad mo!” Ouch! Narinig ko na naman ang pinaka-hate kong salitang narinig ngayong araw na ‘to. Pero sige lang. Tiis lang. Pinasok ko nga ‘to. Kaya titiisin ko hangga’t kaya ko. Mapait na naman akong ngumiti. Kasing pait nang nararanasan kong hirap ngayon sa buhay. Humakbang ako palapit sa fake kong mother-in-law. 'Yong mapait kong ngiti, siniguro kong hindi mawala sa labi ko. “Hindi sapat ang ano mang halaga na ibibigay n’yo sa akin, Ma’am! Walang katumbas na halaga ang pagmamahal ko sa Anak ninyo!” Mabagal ang bigkas ko sa mga salitang ‘yon na nagpaangat ng isang kilay nito. “Hypocrite!” Madiin nitong sabi. “Ipokrita na kong ipokrita, pero iyon po ang tototo. Kahit buong kayamanan n’yo pa ang ibibigay n’yo sa akin. Hinding-hindi ko pa rin lalayuan ang Anak ninyo!” sagot ko, at agad na umalis sa harap niya. Ayaw ko nang pahabain ang usapan namin. Baka hindi ko na kayanin ang sakit. Baka mapaamin na ako ng wala sa oras. Walang lingon at ang bilis ng mga hakbang ko. Patawid na rin sana ako, pero nahinto dahil sa lalaking kalalampas lang sa akin at walang lingon-lingon na tatawid na sana. “Sir!” sigaw ko, pero hindi niya ako pinansin. Nagpatuloy siya sa mabagal na paglalakad, at hindi pansin ang paparating na motor. Agad ko siyang tinakbo at niyakap. Naiwasan nga namin ang motor, pero sabay naman kaming natumba sa sementadong daan. At imbes na tulungan kami no’ng muntik bumangga sa amin, sinigawan pa kami, bago nito pinaharurot ang motor niya. “Okay lang po ba kayo, hindi po kayo nasaktan?” nag-aalala kong tanong, at tinulungan siyang umupo. Saka ko naman naramdaman ang hapdi sa siko at tuhod ko. “Are you crazy? Bakit mo ‘yon ginawa?” singhal ng tinulungan ko na nagpahinto sa paghinga ko.Maraming salamat sa mga bumabasa nito. Thank you sa gems.
Sandali akong natahimik dahil sa singhal ng matanda. Pero nagawa ko naman siyang tulungan na umupo.“I’m sorry, po,” sabi ko, na nagpaismid naman sa kanya.“Bakit ka nag-so-sorry? Ang gusto kong itanong, why risk your life for someone you don’t even know? ” pasinghal pa rin nitong tanong, pero ang tingin ay nasa siko ko na ang laki ng lapnus. Nagmukhang glass skin sa kintab, namumula pa. Hapdi!“Sa totoo lang, hindi ko rin po alam,” sagot ko, sabay ihip sa tuhod kong nalapnus din. “But, siguro dahil po sa reflexes ko. Ang lapit mo lang kasi sa akin, kaya nagawa ko ‘yon.”“Kaya mo bang tumayo?” tanong ng matanda, kasabay na rin ang pagtayo niya, at saka ay nagpagpag. Ngumiti ako. “Syempre po. Bata pa po ako, kaya matibay pa ang buto ko.” Kayabangan kong sagot. Pero no’ng sinubukan kong tumayo, hindi ko pala magawa. Ang sakit ng katawan ko. Ako nga kasi ang unang tumama sa sementadong daan, kaya ako ang napuruhan. Siya ay may gasgas rin, pero hindi kasing laki nitong sa akin.“Akala ko
“Sir Danreve, bakit mo ‘yon sinabi? Bakit mo binigla?!” pabulong kong tanong dito sa asawa kong fake na hindi ko alam kung anong utak mayro’n na kanina pa hindi nagsasalita. Guilty na naman ang sira-ulo. Paano kasi, masiyadong impulsive. Ngayon, ni ang lapitan ang Lolo niya ay hindi na magawa. Nagagalit kasi kapag lumalapit siya. Kaya puro lingon lang ang ginagawa niya sa Lolo Clam niya. “Alam mo namang hindi pa magaling ang Lolo mo, sir!” dagdag ko pa, sabay ang bahagyang silip sa Lolo niya na nakahiga sa hospital bed na hindi kalayuan sa akin. Imbes kasi na ako lang ang dadalhin sa ER; dalawa na kami ng Lolo niya. Tumaas kasi ang presyon. Sumukip pa ang dibdib. At kasalanan na naman nitong pasaway niyang Apo.Ang tanda-tanda na hindi marunong mag-isip ng tama. Akala ko naman, ginagawa niya itong fake marriage namin, para bumawi at mabawasan ang sama ng loob sa kanya ng Lolo niya. E, dinagdagan niya.“Puntahan mo ang Lolo mo. Magpaliwanag ka!” utos ko sa kanya, pero pinanliitan
(((Danreve)))Ilang minuto ko nang pinagmamasdan ang likod ni Charmaine.Matapos niya kasing ilabas ang sama ng loob kanina ay hindi niya na ako muling kinausap. Hindi niya na ako pinansin at tahimik na lang na umiiyak.Gusto ko sanang mag-sorry, but I don't know how. Maski ang e-comfort siya ay hindi ko magawa. Kahit ano kasing sasabihin ko, hindi na siya nag-react. She completely ignored me.“Charmaine, tama na ang arte!” Napangiti na lamang ako ng mapait. Pisil-pisil ko na rin ang noo ko. Sakit siya sa ulo. Ang tigas kasi ng ulo niya. Talagang kaya niyang magmaktol sa taong magpapasweldo sa kanya. Tama si Lolo ang yabang niya! Porket kailangan ko ang tulong niya—ang serbisyo niya, feeling mighty na.“Bumangon ka na, Charmaine. Kanina pa dumating ang result mo. Pwede na raw tayong umalis,” sabi ko pa, kahit hindi pa rin niya ako kinikibo. Para na akong tanga. Kausap ang sarili. Ilang beses na rin akong bumuga ng hangin. Grabe na ang pagtitimpi ko na ‘wag siyang pagalitan at ‘wag
“Lolo, sorry po, hindi pwede,” biglang sabi ni Charmaine na ikinalaki ng mga mata ko. “Bakit, hindi pwede?!" pasikmat na tanong ni Lolo, at napabangon pa. Humigpit na lang ang paghawak ko sa wheelchair ni Charmaine habang nakatitig sa ulo nito na ang sarap batukan. Kitang-kita ko kasi ang pagtataka sa mukha ni Lolo, dahil sa padalos-dalos na sagot nitong isip bata kong asawa. “Hindi po papayag ang Nanay ko!” Walang paligoy-ligoy naman nitong sagot na nagpaawang sa labi ni Lolo. Maging ako ay umawang din labi. Nagulat din naman ako sa sinabi ni Lolo na plano ng kasal, pero hindi katulad niya na masyadong napaghahalata. Kabadong-kabado na parang takot na takot na mauwi sa totoong kasal ang fake marriage namin. “Hindi papayag ang Nanay mo? Hindi ba’t sabi nitong Apo ko ay asawa ka na niya? Gusto ko ay bigyan kayo ng proper wedding. Gusto kong makilala ka bilang asawa ng Apo ko.” Dinuro-duro ako ni Lolo Clam, pero ang tingin ay na kay Charmaine lang. Hindi ko nakikita ang m
(((Charmaine))) “Congratulations, Mr. and Mrs. Abrazaldo,” bati sa amin ni Sir Onse, pagkalabas at pagkalabas namin ng kwarto. Sabay namin siyang nilingon at ginantihan ng matinding simangot na nagpailing naman sa kanya ng paulit-ulit. Oo, natuloy ang kasal namin. Isa na akong Abrazaldo. Dala-dala ko na ang apilyedo nitong boss ko. Wala kasing silbi ang mga sinabi namin kanina, hindi pa rin lumusot ang paliwanag at mga dahilan namin dahil sa biglang pagdating ng Daddy ni Sir Danreve. Kaya pala panay dotdot sa cellphone ang Mommy ni Sir Danreve kanina, tumawag pala ng backup. Pinarating nito sa asawa niya ang kalokohang pinaggagawa ng Anak nila. Kaya ayon, sumugod sa hospital; nagdala ng judge, isinama pa si Onse, bilang witness, at agad-agad nga kaming pinakasal. Napatingin din ako sa suot kong singsing na takot na takot ko sanang isuot. Sa Lola raw kasi ‘to ni Sir Danreve. Wedding ring ng Lola niya. Bukod sa takot akong mawala ‘to, hindi naman kasi para sa akin ‘to—hindi
“Sir Danreve, masyado ka po’ng pikon! Binibiro ka lang po ni Sir Onse.” Kaagad kong sabi. Dinuro-duro ba naman ang kaibigan niyang halata namang inaasar lang siya. Tiim bagang na parang gustong sapakin si Sir Onse na ngising-ngisi naman. Nilingon niya ako at sinamaan ng tingin. Pero wala na sa kanya ang focus ko; nasa cellphone ko na. “Ihatid mo na lang po ako, Sir Danreve. Pwede po ba? Kanina pa kasi nag-aalala si Nanay.” Kinapalan ko na ang mukha ko. Kailangan ko na kasing umuwi kaagad. Kanina pa tumatawag si Daisy, pero hindi ko masagot-sagot dahil sa nangyari kanina. Heto, at nag-ring na naman ang cellphone ko. “Hello, Daisy,” agad kong sagot. “Charmaine, nasaan ka na?” tanong ni Daisy. “Daisy, bakit ganyan ang boses mo? Anong problema? May nangyari ba kay Nanay?” kabado kong tanong sa kaibigan ko na parang pinipigil ang pag-iyak at parang natatakot. “Uwi ka na…ano ba?! Akin na ‘yan!” Kumabog ng malakas ang dibdib ko nang marinig ang sigaw ni Daisy na sumabay sa
Dahil sa naramdamang takot, hindi ko na naawat ang sarili. Yumakap na rin ako ng mahigpit kay Sir Danreve. ‘Yong yakap na parang nakahanap ng kakampi. Pakiramdam ko, safe na ako dahil iniligtas niya ako. “Sinaktan ka ba nila. Anong ginawa nila sa’yo?” Bakas ang galit sa boses nito, pero ramdam ko naman ang pag-aalala niya. Paulit-ulit ko lang na pinilig ang ulo ko, bilang sagot sa tanong niya. Mas humigpit naman ang yakap niya sa akin sa puntong dikit na dikit na ang mukha ko sa dibdib niya. “Tahan na, you’re safe now. Wala ng mananakit sa’yo,” sabi niya pa na sumabay sa banayad na haplos sa likod ko. “Bro, tama na ‘yan. Nakatingin ang Nanay, oh. At saka, parang hindi ka na boss, d’yan sa ginawa mo!” Sabay kaming napabitiw sa isa’t-isa nang marinig ang pabulong na sabi ni Sir Onse. Hindi namin namalayan ang paglapit niya, at ngayon nga ay may nang-aasar na naman itong ngiti. Pero maya maya ay dinuro naman ang mga lalaking payat na hanggang ngayon ay hindi pa rin tumatayo. Puro d
Maang akong humarap kay Sir Danreve. Hindi ko alam kung paano mag-react. Gusto ko siyang kaladkarin palabas at doon kausapin ng masinsinan. Pero alam ko naman na lalo lang magtaka si Nanay kapag ginawa ko ‘yon. Lalo lang siyang mag-iisip ng masama at baka lalo niya pa kaming pagdudahan. Mas lumapit pa ako kay Sir Danreve. “Hindi nga po pwede, sir," madiin at pabulong kong sabi. Kinagat ko pa ang pang ibaba kong labi. Nakakagigil ‘to eh! Inismiran ba naman ako, at pagkatapos ay kumibot ang labi na parang may sinasabi na hindi ko naman maintindihan. Talagang hindi ko siya maintindihan. Grabe ang tago namin sa mga magulang niya sa fake naming kasal. Lahat ng masakit na salita, tiniis ko. Nilunok ko, kahit ang hirap lunukin. Tapos, aamin lang pala siya kay Nanay. Kung hindi ba naman siya buang! “Charmaine, mag-isip ka nga—” “Hinda nga po, pwede, sir! Kita mo naman, galit na si Nanay.” Agad kong putol sa pagsasalita niya na nagpatiim sa labi niya. “Kaya nga, we need to tell her the t