"A slave like you shouldn't call my name. Now, address me properly." "Opo, m-master.” Tatlong taon na ang lumipas magmula nang iwan ni Serena Laurel-De Silva ang kaniyang asawa dahil nasaksihan niyang nakikipagtalik ito sa ex-fiance nito. Kahit na contractual marriage lamang iyon, minahal niya si Ezekiel De Silva at labis siyang nasaktan. Kaya naman napagdesisyunan niyang sumama sa ibang lalaki habang dala-dala sa sinapupunan ang kanilang anak. Ngunit hindi niya aakalaing mahuhulog lamang siya sa patalim sa piling ng bago niyang kinakasama at mapunta sa black market para sana’y ibenta sa kung sino-sinong lalaki. At ang pinaka-masama pang pangyayari sa kaniyang buhay ay malaman na ang bumili sa kaniya ay walang iba kundi ang dati niyang asawa na si Ezekiel. "Why did you leave me three years ago? Did you know what hell I've been living all this time without you?! How could you have a child with him?!" He drunkenly yelled at her, crying in pain. Matapos nitong saktan ang puso niya ng paulit-ulit noon at alipinin siya ngayon, bakit ito umaasta na parang mahal siya nito? Bakit umaakto si Ezekiel na parang siya pa ang may malaking kasalanan kung bakit niya ito iniwan noon? Subalit hindi niya lubos akalain na unti-unting mabubunyag ang mga lihim at sikreto, maging ang mga taong nasa likod ng kanilang nasirang pag-iibigan.
View MoreBinabati ko po ang lahat na umabot sa puntong ito! Maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi ko po ito maipagpapatuloy at matatapos kung hindi dahil sa inyong mambabasa! Thank you ng marami 🫶🫶🫶 Kung isa po kayo sa naaliw at napasaya ng kwento nila Ezekiel at Serena, sana po ay huwag kayong mag-atubiling magbigay ng rate and comment nang maipabatid po sa akin ang naisin niyong sabihin, hihi. Good or bad reviews man, tatanggapin ko po as I am willing to learn more! ^o^ Hanggang sa muli. Kita po tayo sa susunod na kwento, paalam! Ezekiel and Serena are now signing off...
“Kumusta na si Ezekiel matapos himatayin?” nag-aalala ngunit natatawang tanong ni Serena pagkatapos niyang manganak.“Ayun, nagkaroon ng bukol sa noo.” napapailing pang tugon ni Panying. “Humihingi na ng yelo doon sa nurse. Hahaha!”Napahagalpak siya ng tawa. “Panying, hindi ko alam na hindi niya pala kakayanin sa loob, pero pinilit niyang maging emotional support. Siya pala dapat ang suportahan sa panganganak ko! Hahahaha!”“Sa totoo lang! Kung anong kinatapang pagdating sa ibang tao, siya namang kinahihina sa'yo. Nahimatay ‘yon dahil sa stress at takot nang makita kang nahihirapan sa pag-ire. Wala pang tulog dahil nenenerbyos sa pag-inda mo ng sakit. Kawawa rin naman.”Hindi nawala ang pagtawa ni Serena sa kabila ng pagod at panghihina dahil sa eksena ni Ezekiel. “Kawawa naman ang mahal ko.”“I'm fine!” bulalas ni Ezekiel pagkapasok sa silid ng hospital. Malalaki ang mga hakbang niya na lumapit kay Serena sa kama upang suriin ang lagay niya. “My wife, are you feeling okay?”“Pfft!”
Ang unang babaeng minahal ni Ezekiel ay walang iba kundi ang sarili niyang ina.He treated his mother with respect and honor. Napakabuti ni Eliza bilang isang ina sa kaniya at lahat ng alaala nilang magkasama ay talaga namang masasayang yugto ng pagkabata niya.Ito ang ilaw ng kanilang tahanan, kung kaya't nang mamatay ito ay siyang kinadilim ng kaniyang mundo.He sat there in the corner of his room, full of darkness, with no one to comfort him. No one was there but his own shadow.Nagluluksa siyang mag-isa, nagpapakalunod sa sariling mga luha, walang paglalagyan ang bigat ng kaniyang dibdib.At dahil siya ay lalaki, inaasahan ng kaniyang ama na hindi siya magpapakita ng kahit anong emosyon sa harapan ng mga tao. Doon niya nagsimulang itago at ikimkim ang tunay na mga nararamdaman sa likod ng malamig niyang mukha.Hindi rin nakatulong ang mga insultong naririnig niya patungkol kay Eliza mula sa sariling kamag-anakan, at ang napapabalitang bagong papalit niyang ina na si Elizabeth.He
“Ta-da! Napakaganda!”Tuwang-tuwa ang makeup artist ko na babae nang matapos siya sa pag-aayos sa akin.“This is a work of art! Tingnan mo beh ang sarili sa salamin!”HInid ko mapigilang mapangiti ng matamis. Nang humarap ako sa salaming pader ay ganoon na lang ang paghanga ko sa sarili.Suot-suot ang napakaganda at may tumataginting presyo ng puting wedding gown ay halos hindi ko mamukhaan ang sarili ko. Sa makeup ko, bagaman hindi nabura ang natural kong mukha ay ito namang mas lalong nagpatingkad sa magandang katangian ko.Ang paraan ng pagtibok ng aking puso ngayon ay puno ng kasiyahan. Hindi ko lubos maisip na talagang magpapakasal akong muli kay Ezekiel! At nakalipas lamang ang isang buwan magmula nang mag-propose siya ay heto na kami ngayon, naghahanda para sa araw na ito!Sa katunayan, noong una kaming kinasal ay hindi ganito ang pakiramdam ko. Marahil ay hindi ko pa siya kilala noon ay labis-labis din ang kalungkutan at panlulumo ko. Ilang beses pa ako noong pinipilit ngumiti
Nasa beach kami ni Ezekiel, pinapanood si Duziell na nakikipaglaro kina Halaenna, Freya, Panying at Danilo sa kalayuang dagat, kasama rin ang tatlong guwardiya na lihim lamang nagbabantay.Nagpapahinga kaming dalawa at nag-eenjoy sa mainit na araw. Ang buhangin sa pagitan ng aking mga daliri sa paa at ang malalim na kulay asul ng dagat ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan at kapayapaan sa aking puso.Ang sarap pala mag-bakasyon. Hindi ko na maalala ang huling pagkakataon na naranasan ko ‘to.“Wife, hindi ba meron kang palabas noon about sa Sirena?” may mga ngiting saad ni Ezekiel, tila'y may inaalala. “I remember dito kayo nag-shoot no'n.”“Ha?” natauhan ako. Muli ko tuloy nilibot ang paningin ko sa paligid. “Dito ba ‘yun? Hindi ko maalala, kasi fifteen pa lang ako nung gumanap akong isa sa mga Sirena.” hindi ko maiwasang magulat sa kaniya. “Mahal, ah? Ganiyan ka pala ka-fan sa ‘kin noon para pati ‘to malaman mo?”Tumawa siya ng marahan, may nagniningning na mga matang tumitig sa akin
“Be careful where you step, my wife!” Todo ang pag-alalay sa akin ni Ezekiel pagkababa namin ng saksakyan kagagaling lamang sa hospital.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. “Ezekiel, three weeks pa lang akong buntis. Wala pa ngang umbok ang tiyan ko.”“Still!” hindi parin nakakabawi ang mukha niya mula sa pamumutla. “W-We need to be extra careful, of course.”"Syempre kapag malaki-laki na ang tiyan ko, kailangan talagang doble ingat. Pero sabi naman ng doctor, healthy ako kaya sa simpleng paglalakad lang, hindi malalaglag ang baby natin, okay?” paglilinaw ko pa sa kaniya.Ngunit hindi nabawasan ang nerbyos at pangamba sa mukha niya. “I should buy everything a woman needs during pregnancy!”“Mahal,” pinisil ko ang pisngi niya. “Ikaw lang sa tabi ko ang kailangan ko sa pagbubuntis.”Natigilan siya. "Then I should stop working—”Tumingkayad ako upang hulihin ang labi niya. Siniilan ko siya ng matagal at malalim na halik. Bago muling bumitaw at ngumiti sa kaniya ng matamis.“Kailang
Maraming salamat po sa lahat ng mga nag-aabang sa natitirang mga kabatana sa kwento nila Ezekiel at Serena! Pasensya na dahil ngayon lang ang ako nakasulat matapos akong trangkasuhin >_
Ezekiel leaned back in his chair, his eyes fixed on his father's lawyer, Samson, waiting for his response. The old lawyer, Samson, had been his father's trusted legal advisor for many years. Sila ay nag-uusap tungkol sa huling habilin at testamento ng yumaong ama ni Ezekiel, na naglalaman ng susi sa paghahati ng malaking kayamanan ng pamilya.“As the rightful heir, I expect to inherit the majority of my father's wealth, as stated in the document. However, there is an additional matter I would like to address."The old man adjusted his glasses and nodded attentively. "Of course, Ezekiel. Mangyaring magpatuloy ka."He continued. "According to the will, my stepmother, Elizabeth, who has already passed away, is entitled to a portion of the inheritance. However, given what happened, I believe that those rights should now be transferred to me."Tumango-tango ang abogado, binibigyang-pansin ang kahilingan ni Ezekiel. "Nauunawaan ko ang iyong pananaw, Ezekiel. However, please let me review t
Ezekiel entered the underground basement. Malayo pa lang ay umaalingasaw na ang amoy ng dugo sa lugar na matagal na niyang nakasanayan, kung kaya't wala na iyong epekto sa kaniya.“Open the cell.” pag-uutos niya kay Ramil, at agad naman itong nakakilos.Nang bumukas ang selda ay saka niya tinungo ang papasok. Hindi pa roon mismo makikita ang dalawang taong inadya niya ngayon. Kinailangan pa niyang maglakad ng ilang metro bago sila matunton.Samantalang ang mga tao namang nakakulong sa mga gilid ng selda ay puno ng hinagpis at pagmamakaawa na pakawalan na sila.Those arrogant and brutal criminals are now acting like victims, always begging for his mercy whenever they see him.This is the side of him he never wished Serena would understand. Batid niyang alam na ni Serena ang tungkol sa organisasyong ito. Subalit ninanais niya paring panatilihin itong sekreto at ibaon na lamang sa hukay kasama ng mga tao sa loob.This is a place where you'll only encounter his brutality and mercilessness
“‘Beteranang actress na si Serena Laurel, nagpakasal sa isang full time businessman at billionaire na si Ezekiel De Silva!’” Habang nakatulala sa lumang headline ng dyaryo at sa litrato namin ni Ezekiel noong kami’y bagong kasal ay hindi maiwasan ang pagtulo ng mga luha ko. Tatlong taon na ang nakaraan magmula nang iwan ko siya magmula nang masaksihan ko ang pagtataksil niya sa’kin.Sa loob ng halos tatlong taon din naming buhay mag-asawa, wala akong naramdaman kundi sakit at sama ng loob sa kaniya dahil lang sa minahal ko siya. Subalit ang buhay ko kasama siya ay ‘di hamak na mas maganda kaysa sa buhay ko kasama si Brantley. Lalo pa ngayong walang puso niya akong binenta sa black market upang pagpiyestahan ng mga mayayamang tao na nanggaling pa sa iba’t-ibang bansa. “Punyeta! Naka-ilang retouch na ako sa makeup mo! Bakit ba iyak ka parin ng iyak, bruha ka?! Gusto mo ba talagang walang bumili sa’yo?!” “S-Sorry po!”Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko sa nakakatindig-balahibong ...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments