Five years ago…“SERENA and Brantley! Ginulat ninyo ang lahat sa hit na hit ngayong teleseryeng ‘The Wife’s Illicit Affair’! Talagang ganap na ganap ang pagiging mag-asawa ninyo, ano? Sabi pa nga ng mga fans, ang lakas ng spark sa love team na SereLey! Anong masasabi niyo ro’n?” Natawa kaming pareho ni Brantley sa tanong ng host na si Mami Vic. Nagkatinginan kami kung sino ang unang sasagot, at agad naman niya akong pinauna. “For me, well, first, I am very thankful for the fans of SereLey, na gabi-gabing nag-aabang sa mga bagong episodes at sumusuporta sa amin ni Ley—talagang nakakatuwa na malamang dalang-dala sila sa bawat eksena!” nakangiting sabi ko at tiningnan si Brantley sa tabi ko. “Hindi ko alam, pero maraming nagsasabi na may spark talaga kami ni Ley, hahaha! Syempre masaya sa feeling na malamang hindi nauuwi sa wala ang acting naming dalawa!” Tumawa si Brantley at siya namang sumang-ayon sa akin. “Yeah, for the fans to praise us like that—it means a lot to me especially
Last Updated : 2023-11-20 Read more