Home / Romance / Sold To The Abandoned Husband / KABANATA 3: A Substitute

Share

KABANATA 3: A Substitute

Author: P.P. Jing
last update Last Updated: 2023-11-20 18:56:14

“Sister-in-law! Finally, bumaba ka rin!” 

Nagulantang ako sa pagbaba sa hagdanan dahil sa malakas na sigaw ng pamilyar na boses na 'yon. Kaagad kong nadatnan si Raquel na nakaupo sa living room ng mansyon.

“Waah! Raquel!” 

Sa sobrang pagkatuwa nang makita siya ay nagmamadali akong bumaba ng hagdan at halos liparin ang pagitan namin. 

Tumayo rin siya upang salubungin ako ng mainit na yakap. Gano’n na lang kahigpit ang yakap ko sa kaniya sa sobrang pangungulila sa kaniya. 

She’s Raquel De Silva, Ezekiel’s adoptive sister, at siya namang sister-in-law ko. She’s my life savior in this marriage! Siya lang ang lagi kong nalalabasan ng sama ng loob at matiyagang nakikinig sa mga hinaing ko na hindi ako nahuhusgahan. 

Kahit na magkapatid sila sa pangalan ng asawa ko at maganda ang relasyon nila sa isa’t-isa, hindi iyon hadlang para sa pagkakaibigan namin. She herself knows how heartless her brother can be most of the time.

“I’m so glad you came here, Raquel!” Malaki ang pagkakangiti ko siyang hinarap.

“Of course, Faye informed me na bumalik ka na rito sa wakas after three weeks!” bulalas pa niya. “You have no idea how bored I was without seeing you! No one can even contact your personal number.”

“I’m sorry…”

“Spill the tea, girl.”

Napanguso ako at naupo naman kami sa sofa na magkaharapan. Nag-utos naman ako kay Panying na mag-serve sa amin ng breakfast.

“Masyado lang talaga akong busy sa trabaho sa nakalipas na dalawang linggo kaya walang time umuwi.” uminom ako ng juice.

“‘Yun na ‘yon?" Napakrus siya ng braso na napasandal sa kinauupuan. “You can’t fool me with that excuse! Anong walang time na umuwi? Ano ba namang isang gabi magpakita ka man lang kay kuya sa loob ng isang linggo?”

“Why would I even show him my face if he’s glaring at me every time like I’m a sinner?" Masama ang loob kong nilapag ang juice sa babasaging table. “You know how I’m having anxiety and stress nung bago pa lang kaming ikasal dahil sa kaniya! Thankfully, nakaka-recover na ako. T’saka obvious naman na hindi ako ang hinahanap niya kapag nawawala—’yung katawan ko!”

Habang inaalala ang nangyari kagabi hanggang sa paggising ko na wala man lang nakita ni anino niya ay sumasama pa lalo ang loob ko. 

Mabait lang siya kapag nasa kama, pero kapag nasa katinuan, binabalewala lang ako ng basta-basta!

“I mean? Mukha ba akong parausang babae? Asawa niya ako, ‘no?” 

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. A look of concern was displayed on her face while looking at me. 

“Akala ko mag-iimprove ang relasyon niyo ‘pag tapos ng isang taon, mali pala.” Kinuha rin niya ang cake sa lamesa para lang laruin iyon gamit ang tinidor. “Hindi ko ba alam kung bakit gano’n si kuya. Kahit sa’kin malamig ang trato niya, kaya akala ko dati ayaw niya ng ampon na kapatid. Pero sadyang wala lang siyang pakialam sa’kin talaga! Can you believe that?”

“Yes, yes..." napatango-tango ako.

“Anyway, saan ka naman nagpunta nitong nakaraang linggo?”

“I booked a hotel room to sleep for days, then umattend ako sa interview with Mami Vic kasama si Brantley last night before coming home.”

Nakita ko ang unti-unting pagtaas ng dalawa niyang kilay at pag-uunat ng kaniyang labi. “Brantley! Oh my gosh, oh my gosh! Kailan ilalabas ang interview!? Kyaah! Why didn’t you tell me? Edi sana pumunta ako bilang audience para suportahan ang SereLey!”

Nanlaki ang butas ng ilong ko. Talagang hindi ko matanggap na isa siyang huge fan ng SereLey!

Mahilig siyang manood ng mga teleserye bilang pangpalipas oras, noong una ay pinanood niya lang ang palabas ko para suportahan, pero bigla-bigla siyang naging fan dahil daw sa ganda nito. At hindi nga nagtagal, naging fan na rin siya ni Brantley, at pinagshiship niya kaming dalawa.

“Mabilis lang ang interview, kaya hindi mo kailangang sayangin ang oras mo du’n. Ipapalabas naman siya next Saturday, nine p.m.” 

“Argh! Ang tagal!" Inisahan niyang nilunok ang cake, agresibo akong tiningnan. “Tell me what the interview is all about! Please, kwentuhan mo ‘ko!”

Napaikot ako ng mga mata. "The key point of the interview is to know whether may relasyon ba kami ni Brantley o wala. Tapos sumagot kami ng ikasa-satisfy ng lahat, kahit wala naman talagang meron sa’min. Then, nagpalaro si Mami Vic para ishowcase ang closeness naming dalawa. Pero dahil alam na namin ang mangyayari, pinractice na namin ‘yon before the show para pakiligin ang audience. Okay ka na?”

“W-What? You’re lying to your fans, and everything is scripted!? No, no, no way!”

“Yes way! That’s just how things work in the industry. Kaya please lang, ‘wag kang maki-fan ng SereLey!”

“Argh!" Para siyang pinagbagsakan ng langit at lupa. “Hindi naman ako nakiki-fan lang o sumasabay sa uso. Girl, may feelings din ako—kinikilig ako sa inyo ni Brantley, okay? Ang lakas ng chemistry niyo. ‘Yung emotions, ‘yung kissing scenes, ‘yung scene na nagkawalay kayo—lahat ‘yon nadama ko bilang manonood. That’s why I love the teleserye so much!”

Siguro nga’y gano’n na lang kaganda ang produksyon ng palabas, dahil halos lahat ay gano’n ang sinasabi. Ang successful talaga ng palabas na pinagbibidahan namin ni Brantley!

“So… wala ba talagang something sa inyo ni Brantley?” Nabuga ko ang juice na iniinom sa biglaang tanong niya!

Agad kong kinuha ang tissue at ‘di makapaniwala siyang tiningnan. “Girl, I’m married! Alam mo namang kasal na ako sa kuya mo.”

“Hindi ‘yon ang tanong ko.” pinagkrus niya pa ang binti at braso niya. “May something na ba sa inyo ni Brantley?”

Kalmado ko siyang sinagot. “Even though there’s no love in our marriage, hindi ako cheater. I hate cheaters the most, dahil ganun din ang papa ko. I’m not like him, so my honest answer is, walang ‘meron’ sa amin ni Brantley. Kung anong nakikita niyo sa TV, it’s pure acting.”

“Wow. It looked so real though,” napalabi siya. “Then what do you think of Brantley?”

“Brantley is a good friend of mine. Hmm,” napaisip ako. “He’s actually my partner in crime sa set, at napakabait niya talagang tao, which is why he’s very admirable. There were many times that he offered me his shoulder to cry on. He’s humble despite sa kung anong narating niya ngayon, and that’s what I like about him the most. He treats other people the same way he wants to be treated, and he always puts on a genuine smile, kahit na sino pa ang kaharap niya.”

Kahit na baguhan pa lang si Brantley ay malaki na ang naging epekto niya sa madla, kaya gano’n na lang din kabilis ang pagsikat niya. Pinantayan niya agad ako, na siyang simula pagkabata ay nag-aartista na. How admirable is that? He deserves my full respect.

“Oh kuya? Nandito ka pala?" Nagugulantang napatayo si Raquel. “Panying told me you went to work?”

“Not yet.”

Nanggaling ang boses ni Ezekiel mula sa likuran at napaintag naman ako sa kinauupuan. Bahagyang bumilis ang pagtibok ng puso ko. Dali-dali akong lumingon saka siya nakitang nakabihis ng pang-business attire.

Gano’n na lang kalakas ang dating niya sa suot. Hindi tulad kagabi, ngayon ay preskong-presko siya, animo’y minomodelo ang suot na suit.

“I thought you already left...” Kusa ko ring nasambit, kunot ang noo siyang tiningala. 

Naglakad siya sa kinaroroonan namin, hindi ako binalingan ng pansin at nagtungo lamang sa gawi ni Raquel. 

“It’s too early to be here.”

“Wah? Hindi lang naman ikaw ang pinuntahan ko! T'saka kanina pa ‘ko nandito, ba't ‘di man lang kita nakita.”

“I was in my office room, papasok pa lang ako.” napasinghal siya. “Instead of dissing around early in the morning, why don’t you work as well, Raquel?”

“Ito naman, ang aga-aga, init ng ulo.” naupo siyang muli at ngumuso. “Ngayon na lang ulit kami nagkikita ni Serena, ‘no? Umalis ka na nga! Sinisira mo usapan namin eh!”

Hindi nakatakas sa paningin ko ang matalim na pagsulyap sa akin ni Ezekiel kasabay ng pagdilim ng mukha niya.

Nagsalubong ang kilay ko ngunit kalmadong nagsalita. “Seven a.m. na, hindi ka pa ba male-late sa trabaho niyan?”

Subalit hindi niya ako tinugunan. Sa halip ay tinalikuran niya ako at naglakad papalayo hanggang sa makalabas sa malaking pintuan ng mansyon.

Napangiwi ang labi ko sa asta niya. Kung anong kinaganda ng mukha niya at perkpeto ng katawan niya, ay siya namang pinagkaitan ni Lord ng mabuting asal. 

Puwede bang mag-donate si Brantley sa kaniya ng good manners and right conduct? Para ko ring gustong bumili ng libro ng ‘How to Treat Your Wife with Love and Respect 101’ at isampal sa pagmumukha niya.

I’m willing to respect him and show him a bit of affection if only he treats me the way I deserve. If only…

“I’m sorry, Serena.” nag-aalalang sabi ni Raquel. “Are you okay? My kuya is too hard on you.”

“Well,” nag-iwas ako ng paningin at inubos na ang juice ko. “Nasasanay na ‘ko.”

“Tsk! Si kuya parang ewan kasi! Ano ba namang magpaalam sa’yo na aalis na siya at papasok sa trabaho? Kahit simpleng beso man lang o ano! Mahirap ba ‘yon gawin? Para namang ikalulugi ng business niya kapag ginawa niya ‘yon.”

“It’s okay. ‘Wag na lang tayong maging sensitive masyado, Raquel.”

“Sensitive? We women are emotionally sensitive! Hay nako! Nasa lalaki ang pagha-handle ng relasyon. No wonder you didn’t come back for the past few weeks. He deserves your cold shoulder!”

Pinakalma ko siya subalit patuloy siyang bumubuwelta. 

“I swear! If my future husband treats me like that—ipapalamon ko sa kaniya ang annulment paper!”

Natahimik ako. It’s not like I can annul him. I can’t leave Ezekiel because of the contract.

Wala akong magagawa kundi ang umasa ng paulit-ulit.

Maybe one day he will see me—more than just my naked body.

“He wasn’t like that when I saw him talking to Marian last time!”

Nanigas ako sa kinauupuan nang sambitin iyon ni Raquel. 

I tried to suppress my emotions. “What do you mean? Is he still talking to Marian?”

Napaikot siya ng mga mata. “Of course he is! It’s not like he has still moved on—oh!" Kusa niyang natakpan ang bibig niya. “I-I’m sorry…”

Bumigat ang paghinga ko, ngunit suminghal upang hindi iyon ipahalata. “It’s fine, I just want to ask. Wala na rin akong update tungkol sa kanila. Hindi mo kailangang maglihim sa’kin tungkol do’n since I already knew.”

She breathes a sigh of relief. “Napaka-unbothered mo talaga, Serena! Tama ‘yan, hindi ka dapat papaapekto kay Marian! Ano naman kung nasa kaniya parin ang affectrion ni kuya? For all we know, she’s nothing but second-rate. Trying hard, copycat!”

“Pfft! Raquel, you’re becoming a kontrabida—kakanood mo ‘yan ng teleserye!”

She flipped her hair. “Dapat talaga bata pa lang ako nag-artista na ‘ko. I have so much talent pa naman.”

Pinilit kong makipagsabayan sa mga biro at topics niya. Subalit ang puso ko ay naiwan na kay Marian at Ezekiel. To think they’re still seeing each other now that we’re married?

May kung anong tumusok sa puso ko. 

Marian is Ezekiel’s ex-fiance. Nalaman ko iyon mula kay Raquel nang makita ko ang picture ng babae. She looked so much like me na kinagulat ko pa nang husto. 

Magkaiba man kami ng tangkad at hubog ng katawan, ang mga mukha namin ni Marian ay halos magkapareha, kung hindi lang din sa naiiba nitong hugis ng mukha ay para na kaming pinaglayong kambal. 

Alam kong hindi lang iyon coincidence. I may be a substitute for her. Kaya naman, kahit na maraming risk ang artista na tulad ko ay ako parin ang piniling pakasalan ni Ezekiel. 

Lagi akong nagpapanggap na parang wala lang iyon sa akin. Subalit hanggang kailan ko pa matatago ang nararamdaman ko, gayong nakikipagkita parin siya kay Marian? 

What would happen to me… if, at the end, he still chose the original over the replacement?

Related chapters

  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 4: Disastrous Night Out

    I’ve been tossing around the bed, but I can’t seem to fall asleep at all.Napaupo ako sa kama saka napabuntong hininga.Kinuha ko ang cellphone ko sa ibabaw ng drawer at tiningnan ang messages. Sa hindi mabilang na pagkakataon ay muli akong nadismaya.Bakit pa nga ba ako umaasang ite-text niya ako para i-update sa buhay niya?Eleven p.m. na subalit hindi parin umuuwi si Ezekiel. Alam kong five pa lang ay out na niya, kung overtime man, dapat kaninang nine o ten pa siya nakauwi.If he’s not going home, then fine! Kaya nga’t ayaw kong masanay na katabi siyang matulog, kasi ako itong nagsusuffer kapag bigla-bigla siyang nawawala.Gumaganti ba siya sa’kin o baka naman may ibang pinagkakaabalahan? Not to mention, Marian?“Shit, I shouldn’t feel like this.” napahilamos ako ng mukha sa pagkadismaya sa sarili.Subalit sa kalagitnaan ng panlulumo ay malakas na tumunog ang cellphone kong hawak.Taranta kong tiningnan ng screen sa pag-aakalang tumawag na siya sa wakas. Subalit agad ding natigila

    Last Updated : 2023-11-20
  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 5: Scandal

    Hindi ba’t kasama niya lang si Marian kanina? How can he be here at this moment? No, how did he even know that I’m here?Naglinga-linga ako ng paningin at nakita si Faye sa kaniyang likuran, nagtatago. Nakagat ko ang ibaba kong labi. I thought she’s already asleep! Talagang nagsumbong pa siya kay Ezekiel. But did he really leave Marian just to get here? Is he for real?!Gulong-gulo akong nakatitig kay Ezekiel. Habang siya naman ay nag-aapoy sa galit akong tinitigan at paminsanang lumalandas ang paningin kay Brantley sa aking likuran.“Who are you?” Pagtatanong ni Brantley na umabante para itago ako sa kaniyang likuran. Mariin akong napapikit. Ano ba talagang ginagawa niya rito? Walang nakakaalam na mag-asawa kaming dalawa!“Serena!” Ma-awtoridad akong tinawag ni Ezekiel. “Come here.”Sunod-sunod akong napalunok. Napamulagat ng mga mata sa kaba. Akma na sana akong hahakbang nang harangin ako ng likuran ni Brantley. “What the fuck, man? Sino sa tingin mo ang inuutusan mo?” Giit niya

    Last Updated : 2023-11-20
  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 6: He's Cheating

    “I can’t believe what Kuya Heskel did!” Emosyonal na bumubulalas si Raquel habang pabalik-balik na naglalakad sa harapan ko matapos kong ikwento sa kaniya ang nangyari sa bar. It’s past two a.m. when I rushed into her house to bend all the things that happened earlier, and she’s almost exploding from anger.“I mean, what was he thinking, really?! Hindi ba niya iniisip kung pa’no ‘to makakaapekto sa career mo para gumawa ng huge scandal? Isa pa, saan siya nakakuha ng kapal ng mukha para gawin ‘yon, aber??”“I know…” Napayuko ako sa aking mga mahahabang kuko. “That's exactly how I reacted, pero parang mas galit pa siya."“Argh!” Halos maputol na ang litid sa kaniyang leeg dahil sa galit. “He literally just had a date with Marian! God knows how I’m always witnessing their affairs from time to time!!”Natigilan ako sa sinabi niya at emosyonal siyang tiningala. “T-Talaga bang nagkikita sila ng madalas, Raquel?”She tightly pressed her lips and looked down at me with concern. “Why do you

    Last Updated : 2023-11-21
  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 7: Carrying His Child

    “Buntis ako…”Kahit ilang beses ko ‘yong paulit-ulit na sambitin ay naninibago parin ako.Kahit na alam ko sa sarili kong normal lang naman talagang mabuntis dahil nakikipagtalik ako kay Ezekiel, ay para pa rin akong hindi makapaniwala na may nabubuong sanggol sa loob ng tiyan ko. Para akong naiiyak sa isiping iyon at hindi na maalis ang kamay ko na kanina pa humahaplos sa flat kong tiyan. “Magiging ina na ako,” hindi ko mapigilan ang pagtaas ng sulok ng aking labi.“Sasabihin mo na ba kay Kuya na magiging ama na rin siya?” nakakunot ang noong tanong sa akin ni Raquel. ”Kung gusto mo, dito ka muna manatili ng ilang mga araw sa condo ko habang pinag-iisipan ang magiging plano mo. Isa pa, kailangan mo rin munang magpahinga, away from what’s stressing you out and for that child’s safety.”Ilang linggo rin akong nanatili sa condo niya, at paminsan-minsan ay nagbo-book ako ng hotel room para doon magpahinga after ng shooting. Sa nakalipas na buwan ay bilang lang sa daliri akong umuwi sa

    Last Updated : 2023-11-22
  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 8: Escaped But Caught

    EZEKIEL parked his car in the garage, leaving the key to Kuya Pier afterwards.Tumingin siya sa screen ng kaniyang cell phone, at hindi na siya magtataka kung bakit wala paring reply sa kaniya ang asawa.Actually, his wife has never replied to his messages since the day they got married. But it became a habit for him to check his phone to see if she replied, though the ending is the same.Pinaalam niya lang na uuwi siya ngayong gabi, at pinapauwi niya rin ito.He heard from Faye that their shooting for their teleserye finally came to an end.He can now breathe peacefully. There would be no reason for her not to go home, at wala na rin itong magiging dahilan para makasama ang lalaking ‘yon.Nagtungo siya sa kusina upang tingnan kung nakahain na ang mga putahe pang hapunan. His wife always comes home hungry, as if she hasn’t eaten for decades. Marapat lang na marami ang nakahain.Pero dahil bago na ang dining table na ngayon ay mas maliit kumpara noon, ay iilang mga putahe na lamang ang

    Last Updated : 2023-11-22
  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 9: Burning Pleasure

    “SERENA! You can’t run from me.”Gulong-gulo ang isip ko habang pinapalibot ang paningin sa paligid. Hindi ko lubos akalain nang magising ako kinaumagahan ay nasa loob na ako ng barko at walang ibang nakapalibot sa amin kundi ang dagat.Naaalala ko pa kagabi nang bigla niya akong dakmain at takpan ang aking bibig! Bigla na lang akong nawalan ng malay at heto na kami ngayon.Kahit saan ako tumakbo sa barko ay mabilis niya akong nahahabol. Parang tambol na paulit-ulit kinakalambag ang dibdib ko sa labis na kaba at takot.Humawak ako sa riles ng barko nang may lukot na lukot na mukha habang nakatitig sa nakakatakot na dagat. Sa oras na tumalon ako rito, paniguradong hindi ako mabubuhay! Pero kailangan kong makatakas at makabalik sa anak ko!“You can’t swim, Serena. Don’t even think of jumping off!!”“AH!!” Napatili ako sa gulat nang marahas niya akong hilain mula sa likuran at ilayo sa riles. “Let go of me, you evil ex-husband! Argh!!”Kaagad na namula ang mga mata ko. Nararamdaman kong a

    Last Updated : 2023-11-30
  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 10: Escape Plan

    “Why aren't you eating?” he asked impatiently. “Stop curling up in the corner and eat your food.”Mas niyakap ko ang dalawa kong tuhod habang nakayuko sa sulok, hindi siya tinutuunan ng pansin.“How stubborn," pagalit siyang umalis sa harapan ko. “Eat your food or starve to death, your choice. Tsk! What a waste of money.”Napaintag ako sa narinig at pinagmasdan ang likod niya hanggang sa makaalis siya sa kwarto.Who told you to buy me? How I wish it wasn't you!Kanina ko pa nilalabanan ang gutom. Sadyang hindi ko masikmurang kumain matapos ng ginawa niya sa akin kahapon.Ramdam ko pa ang panghihina ng katawan ko. Hindi ko masikmurang tingnan ang mga markhang iniwan niya sa iba't-ibang bahagi ng katawan ko.Naiinis ako sa kaniya sa ginawa niyang ‘yon, at mas naiinis ako sa sarili ko dahil wala akong nagawa para mapigilan siya.‘You only have to obey me from now on and for the rest of your life.’Paulit-ulit iyong umaalingawngaw sa isipin ko.Gano'n na lang ang pagbugso ng damdamin ko. H

    Last Updated : 2023-12-06
  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 11: Master

    Warning: Matured!“Serena…”Mainit na mga labi ang dumampi sa tuktok ng aking dibdib. Paulit-ulit na naglilikot ang kaniyang dila na tila ba'y nasisiyahan sa paglalaro.Ang malaki niyang palad ay sinakop ang isa kong dibdib at walang habas iyong pinisil.Habang ako nama'y pinapanood ang kaniyang mga mahahabang daliri habang pasalit-pasalit niyang nilalaro ang dalawa kong dibdib na ngayon ay basa ng laway, matigas na nakatayo.Bahagya kong nararamdaman ang bigat ng kaniyang katawan habang buhat-buhat ang sariling nakadagan sa akin.“Ahmm…” kahit anong pigil ay hindi ko maiwasang hindi mapadaing.Kung pananatilihin kong nakamulat ang mga mata ko ay kusa akong tumutugon sa kaniya. Pero sa tuwing ipipikit ko naman ang mga mata ko ay mas lalo ko lamang nadadamdam ang hatid ng ginagawa niya.This sexual desire makes it hard to not be tempted. At the same time, it's hard to not be aroused, even if I'm unhappy and not enjoying it.This is all just the human body's reaction to sex and nothing m

    Last Updated : 2023-12-07

Latest chapter

  • Sold To The Abandoned Husband   Author Here!

    Binabati ko po ang lahat na umabot sa puntong ito! Maraming salamat po sa inyong lahat. Hindi ko po ito maipagpapatuloy at matatapos kung hindi dahil sa inyong mambabasa! Thank you ng marami 🫶🫶🫶 Kung isa po kayo sa naaliw at napasaya ng kwento nila Ezekiel at Serena, sana po ay huwag kayong mag-atubiling magbigay ng rate and comment nang maipabatid po sa akin ang naisin niyong sabihin, hihi. Good or bad reviews man, tatanggapin ko po as I am willing to learn more! ^o^ Hanggang sa muli. Kita po tayo sa susunod na kwento, paalam! Ezekiel and Serena are now signing off...

  • Sold To The Abandoned Husband   Dagdag na Kabanata: Welcome to the Family De Silva

    “Kumusta na si Ezekiel matapos himatayin?” nag-aalala ngunit natatawang tanong ni Serena pagkatapos niyang manganak.“Ayun, nagkaroon ng bukol sa noo.” napapailing pang tugon ni Panying. “Humihingi na ng yelo doon sa nurse. Hahaha!”Napahagalpak siya ng tawa. “Panying, hindi ko alam na hindi niya pala kakayanin sa loob, pero pinilit niyang maging emotional support. Siya pala dapat ang suportahan sa panganganak ko! Hahahaha!”“Sa totoo lang! Kung anong kinatapang pagdating sa ibang tao, siya namang kinahihina sa'yo. Nahimatay ‘yon dahil sa stress at takot nang makita kang nahihirapan sa pag-ire. Wala pang tulog dahil nenenerbyos sa pag-inda mo ng sakit. Kawawa rin naman.”Hindi nawala ang pagtawa ni Serena sa kabila ng pagod at panghihina dahil sa eksena ni Ezekiel. “Kawawa naman ang mahal ko.”“I'm fine!” bulalas ni Ezekiel pagkapasok sa silid ng hospital. Malalaki ang mga hakbang niya na lumapit kay Serena sa kama upang suriin ang lagay niya. “My wife, are you feeling okay?”“Pfft!”

  • Sold To The Abandoned Husband   EPILOGO

    Ang unang babaeng minahal ni Ezekiel ay walang iba kundi ang sarili niyang ina.He treated his mother with respect and honor. Napakabuti ni Eliza bilang isang ina sa kaniya at lahat ng alaala nilang magkasama ay talaga namang masasayang yugto ng pagkabata niya.Ito ang ilaw ng kanilang tahanan, kung kaya't nang mamatay ito ay siyang kinadilim ng kaniyang mundo.He sat there in the corner of his room, full of darkness, with no one to comfort him. No one was there but his own shadow.Nagluluksa siyang mag-isa, nagpapakalunod sa sariling mga luha, walang paglalagyan ang bigat ng kaniyang dibdib.At dahil siya ay lalaki, inaasahan ng kaniyang ama na hindi siya magpapakita ng kahit anong emosyon sa harapan ng mga tao. Doon niya nagsimulang itago at ikimkim ang tunay na mga nararamdaman sa likod ng malamig niyang mukha.Hindi rin nakatulong ang mga insultong naririnig niya patungkol kay Eliza mula sa sariling kamag-anakan, at ang napapabalitang bagong papalit niyang ina na si Elizabeth.He

  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 90: The Second Wedding

    “Ta-da! Napakaganda!”Tuwang-tuwa ang makeup artist ko na babae nang matapos siya sa pag-aayos sa akin.“This is a work of art! Tingnan mo beh ang sarili sa salamin!”HInid ko mapigilang mapangiti ng matamis. Nang humarap ako sa salaming pader ay ganoon na lang ang paghanga ko sa sarili.Suot-suot ang napakaganda at may tumataginting presyo ng puting wedding gown ay halos hindi ko mamukhaan ang sarili ko. Sa makeup ko, bagaman hindi nabura ang natural kong mukha ay ito namang mas lalong nagpatingkad sa magandang katangian ko.Ang paraan ng pagtibok ng aking puso ngayon ay puno ng kasiyahan. Hindi ko lubos maisip na talagang magpapakasal akong muli kay Ezekiel! At nakalipas lamang ang isang buwan magmula nang mag-propose siya ay heto na kami ngayon, naghahanda para sa araw na ito!Sa katunayan, noong una kaming kinasal ay hindi ganito ang pakiramdam ko. Marahil ay hindi ko pa siya kilala noon ay labis-labis din ang kalungkutan at panlulumo ko. Ilang beses pa ako noong pinipilit ngumiti

  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 89: Marry me!

    Nasa beach kami ni Ezekiel, pinapanood si Duziell na nakikipaglaro kina Halaenna, Freya, Panying at Danilo sa kalayuang dagat, kasama rin ang tatlong guwardiya na lihim lamang nagbabantay.Nagpapahinga kaming dalawa at nag-eenjoy sa mainit na araw. Ang buhangin sa pagitan ng aking mga daliri sa paa at ang malalim na kulay asul ng dagat ay nagbibigay ng kakaibang kasiyahan at kapayapaan sa aking puso.Ang sarap pala mag-bakasyon. Hindi ko na maalala ang huling pagkakataon na naranasan ko ‘to.“Wife, hindi ba meron kang palabas noon about sa Sirena?” may mga ngiting saad ni Ezekiel, tila'y may inaalala. “I remember dito kayo nag-shoot no'n.”“Ha?” natauhan ako. Muli ko tuloy nilibot ang paningin ko sa paligid. “Dito ba ‘yun? Hindi ko maalala, kasi fifteen pa lang ako nung gumanap akong isa sa mga Sirena.” hindi ko maiwasang magulat sa kaniya. “Mahal, ah? Ganiyan ka pala ka-fan sa ‘kin noon para pati ‘to malaman mo?”Tumawa siya ng marahan, may nagniningning na mga matang tumitig sa akin

  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 88: Blissful Life

    “Be careful where you step, my wife!” Todo ang pag-alalay sa akin ni Ezekiel pagkababa namin ng saksakyan kagagaling lamang sa hospital.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. “Ezekiel, three weeks pa lang akong buntis. Wala pa ngang umbok ang tiyan ko.”“Still!” hindi parin nakakabawi ang mukha niya mula sa pamumutla. “W-We need to be extra careful, of course.”"Syempre kapag malaki-laki na ang tiyan ko, kailangan talagang doble ingat. Pero sabi naman ng doctor, healthy ako kaya sa simpleng paglalakad lang, hindi malalaglag ang baby natin, okay?” paglilinaw ko pa sa kaniya.Ngunit hindi nabawasan ang nerbyos at pangamba sa mukha niya. “I should buy everything a woman needs during pregnancy!”“Mahal,” pinisil ko ang pisngi niya. “Ikaw lang sa tabi ko ang kailangan ko sa pagbubuntis.”Natigilan siya. "Then I should stop working—”Tumingkayad ako upang hulihin ang labi niya. Siniilan ko siya ng matagal at malalim na halik. Bago muling bumitaw at ngumiti sa kaniya ng matamis.“Kailang

  • Sold To The Abandoned Husband   Author Here!

    Maraming salamat po sa lahat ng mga nag-aabang sa natitirang mga kabatana sa kwento nila Ezekiel at Serena! Pasensya na dahil ngayon lang ang ako nakasulat matapos akong trangkasuhin >_

  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 87: Redemption

    Ezekiel leaned back in his chair, his eyes fixed on his father's lawyer, Samson, waiting for his response. The old lawyer, Samson, had been his father's trusted legal advisor for many years. Sila ay nag-uusap tungkol sa huling habilin at testamento ng yumaong ama ni Ezekiel, na naglalaman ng susi sa paghahati ng malaking kayamanan ng pamilya.“As the rightful heir, I expect to inherit the majority of my father's wealth, as stated in the document. However, there is an additional matter I would like to address."The old man adjusted his glasses and nodded attentively. "Of course, Ezekiel. Mangyaring magpatuloy ka."He continued. "According to the will, my stepmother, Elizabeth, who has already passed away, is entitled to a portion of the inheritance. However, given what happened, I believe that those rights should now be transferred to me."Tumango-tango ang abogado, binibigyang-pansin ang kahilingan ni Ezekiel. "Nauunawaan ko ang iyong pananaw, Ezekiel. However, please let me review t

  • Sold To The Abandoned Husband   KABANATA 86: Play No More

    Ezekiel entered the underground basement. Malayo pa lang ay umaalingasaw na ang amoy ng dugo sa lugar na matagal na niyang nakasanayan, kung kaya't wala na iyong epekto sa kaniya.“Open the cell.” pag-uutos niya kay Ramil, at agad naman itong nakakilos.Nang bumukas ang selda ay saka niya tinungo ang papasok. Hindi pa roon mismo makikita ang dalawang taong inadya niya ngayon. Kinailangan pa niyang maglakad ng ilang metro bago sila matunton.Samantalang ang mga tao namang nakakulong sa mga gilid ng selda ay puno ng hinagpis at pagmamakaawa na pakawalan na sila.Those arrogant and brutal criminals are now acting like victims, always begging for his mercy whenever they see him.This is the side of him he never wished Serena would understand. Batid niyang alam na ni Serena ang tungkol sa organisasyong ito. Subalit ninanais niya paring panatilihin itong sekreto at ibaon na lamang sa hukay kasama ng mga tao sa loob.This is a place where you'll only encounter his brutality and mercilessness

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status