Ang buhay ni Edward Martel ay isang bangungot na nilikha ng kanyang sariling pamilya. Pinagtaksilan, inmanipula, at pinilit sa isang walang pagmamahal na kasal, gumuho ang mundo ni Edward nang hindi sinasadyang nakipaghiwalay siya sa tanging taong tunay na nagmamahal sa kanya, si Sasha Raine Zorion. Punong-puno ng galit at pagsisisi, tiniis niya ang malupit na kamatayan, ngunit muling nabuhay na may pagkakataong itama ang mga pagkakamali.
View MoreLahat ay napalingon sa direksyon ng pinto, at nakita nila ang isang binatang nakasuot ng light gray na casual suit na parang walang iniintinding naglalakad papasok, may misteryosong ngiti sa labi.“Sino ba ‘tong bastos? Hindi man lang kumatok bago pumasok—”Papasiklab na sana si August, pero natigilan siya nang makita kung sino ang dumating. “Ikaw…”Napako ang tingin niya sa mga mata ni Edward—masyadong kamukha ng “hoodie god” niya!“August, siya ang bagong talent manager ng kumpanya—si Edward!”Agad namang paliwanag ng executive assistant ni August. “Siguro narinig niyang ikaw ang gaganap na bidang babae sa musical ni Liah, kaya pumunta para magreklamo...”“Ah, siya pala si Edward...”Gusto man ni August hanapin ang lalaki sa hoodie na bumihag ng puso niya, ayaw naman niyang magkamali ng tao. Ayaw niyang mapahiya kung sakaling iba pala ito. Bukod pa ro’n, ‘yung lalaking ‘yon ay may espesyal na pwesto sa puso niya—hindi basta-basta mapapalitan ng taong kamukha lang.“Edward, ito ang l
Noong una ay nagtaka si Edward kung sino ang gumagawa ng kalokohan sa kanila sa ganitong kritikal na oras, pero nang makita niya ang listahan, naintindihan niya agad ang lahat.Si August ay kilalang artista na laging may kontrobersiya—hindi maganda ang reputasyon, pero hindi siya nawawalan ng proyekto. Isa kasi siyang anak ng mayamang pamilya at may malawak na koneksyon. Bukod pa rito, isa sa mga major shareholders ng isang sikat na ahensiya sa Lighthouse Country ang kamag-anak niya.Kung wala siyang ganitong koneksyon, kahit gaano pa siya kayaman, imposible siyang umangat sa industriya ng showbiz lalo na’t ganun ang ugali niya.“Edward, anong gagawin natin ngayon? Malapit nang i-announce nang opisyal ang cast ng musical!” Halos maiyak si Ella sa sobrang kaba.Siya ang assistant ni Liah. Kung mawala ang opportunity na ito at muling mapabayaan si Liah ng kumpanya, siguradong damay siya at baka mapilitang maghanap ng ibang trabaho.Pinagpag ni Edward ang kanyang mga daliri na naninigas
Muling kumunot ang noo ni Hanshel.Sanay na siya sa mga "paandar" sa entertainment industry kaya kadalasan, hindi na siya nagpapakaapekto. Pero sa pagkakataong ito, pakiramdam niya'y sobra na ang inaasta ng mga tao sa paligid.Lalo na’t naka-livestream pa sila ngayon—at bilang isang taong pinahahalagahan ang reputasyon, ayaw niyang magkaroon ng kahit anong negatibong isyu na madadamay ang buong production ng musical.Sa mga sandaling ito, matapos maabisuhan, nakaakyat na si Liah sa entablado.Hindi pa man siya nakaka-awit, binaha na agad ng "boo" ang live chat. Halos hindi na makita ang mukha ni Liah sa dami ng mga masasakit na komento sa screen.Nakaharap kay Hanshel at sa mga hurado, kita pa rin ang bahagyang kaba sa kanya.Ngunit nang magsimula na siyang kumanta, tila nawala lahat ng ingay at distractions.Nakatayo siya sa gitna ng entablado—nakalimutan na niya ang kaba, ang pustahan nila ni Sidney, at kahit ang katotohanang audition pa rin ito.Isa lang ang nasa isip niya: maipara
Isa ay isang kilalang aktres na may halos 10 milyong tagahanga, habang ang isa naman ay isang baguhan na dati nang pinuri at kinilala sa ilang Korean productions—kaya kahit ganito pa lang ang kompetisyon, talagang mainit na agad.Kamakailan lang, kinumpirma ng ahente ni Sidney ang iskedyul ni Liah sa backstage. Nang makita niyang si Liah ay nagtitraining lang kasama ang isang guro na nagtuturo sa mga trainee ng kumpanya, tuluyan na siyang nakahinga nang maluwag.Ang mga guro ng kumpanya ay okay para sa mga trainee na hindi pa nagde-debut, pero para sa isang artistang tulad ni Liah, imposibleng umangat ang kakayahan sa ganung antas ng training.Ang debut advertising song ni Liah ay nakuha niya mula sa isang amateur audition, kung saan namukod-tangi siya sa mga baguhan at nakapasok sa entertainment industry. Pero hindi ibig sabihin nito ay ayos na ang lahat.Dahil wala pa siyang aktwal na experience at walang kilalang mentor na gumagabay sa kanya, hindi siya karapat-dapat ikumpara kay S
Hindi agad sumagot ang producer, sa halip ay nag-usap muna sila ng mga hurado sa paligid niya.Bagama’t hindi siya sang-ayon sa ideya ng public audition at tingin niya'y isa lang itong pakulo, iba naman ang naging opinyon ng mga huradong ipinadala ng mga investor. Para sa kanila, malaking oportunidad ito para sa publicity. At dahil ang mungkahing ito ay mismo galing sa mga kalahok, napapayag din ang producer sa huli matapos ang ilang pangungumbinsi.“Ayos lang, puwede nating i-broadcast. Magpapakontak ako sa media.”Pero sa totoo lang, hindi na rin kailangan pang maghanap—matagal nang may mga entertainment reporters na nakaabang malapit sa venue mula pa kaninang umaga, dahil alam nilang ngayon gaganapin ang audition para sa female lead.Maya-maya, ang opisyal na Weibo account ng musical na “Good Times Like a Dream” ay naglabas ng anunsyo: Isang oras mula ngayon, ang live audition para sa pangunahing babae ay i-broadcast sa media.Agad itong umani ng pansin mula sa fans at maging sa mg
"Live audition?" Napakunot-noo ang ahente ni Sidney, halatang nagulat.Tumitig si Edward kay Sidney, na nananatiling kalmado sa gilid. "Natakot ka ba?"Nang marinig ito ng mga artistang nanonood lang ng eksena, napatingin sila kay Edward na parang kinukutya."Mukhang nabangga yata ulo ng taong ‘to sa pinto.""Gusto pa niyang mapahiya sa harap ng media at audience?""Hehe, masyado pa siyang bata..."Isang matandang babaeng artista ang mapang-utyang nagsalita habang nakakunot ang labi: "Hindi ba’t ito ang pagkakataon niyang magpasikat? Wala ngang talento ‘yang batang ‘yan, pero sa pakulo, panalo." "Kung hindi dahil sa kaniya, baka hindi pa mamatay si Erik. Tingnan mo, agad niyang pinagawa ng tribute video si Liah. Malamang may nakuha siyang balita na malubha na si Erik kaya ginamit niya ‘yon para sumakay sa kasikatan. Hindi ba’t sobrang sakto? Pagkatapos ng video, pumanaw na rin si Erik.""Pero anong mapapala niya sa gusto niyang public audition ngayon? Kapag natalo si Liah sa harap n
Matagal nang walang natatanggap na project si Liah, at wala rin siyang karanasan sa ganitong klase ng audition. Kaya’t normal lang kung nakakaramdam siya ng kaba.“Ikaw si Liah?” Tanong ni Sidney, bahagyang nakataas ang baba—hindi niya itinago ang pangmamaliit sa tono ng kanyang boses.“Hello, ako nga po si Liah.” Magalang na bati ni Liah, kahit halatang hindi siya komportable.“Maganda ang pagkanta mo doon sa commercial nung nag-debut ka.” Bagama’t parang papuri ito, halatang para lang itong judgment mula sa mas nakakataas—parang hukom na nagpapasa ng opinyon.“Salamat po…” Alam ni Liah na pampa-good shot lang ang sinabi, pero dahil pinuri siya, maayos pa rin siyang nagpasalamat.Hindi pa man siya tapos sa sasabihin, agad siyang pinutol ni Sidney.“Medyo ilusyonada ka yata kung iniisip mong makikipagkumpetensya ka sa akin para sa lead role gamit lang ang lumang jingle ng commercial.”“Sa credentials at karanasan mo, wala kang karapatang maging bida. Tandaan mo, ang bida sa isang mu
“Hindi mo naiintindihan.” Patuloy ang binatang may lungkot sa mukha, “Kahit gaano kahigpit ang produksyong Koreano, kailangan pa rin nilang kumita. Malaking proyekto ito—mula sa paunang promosyon, venue, hanggang stage equipment—lahat yan ay magastos. Kung sarili lang niyang ipon ang aasahan, hindi talaga kakasya. Kaya para makakuha ng investment, sigurado akong magkakaroon ng kompromiso at ipamimigay ang ilang magagandang role.”“Pero karapat-dapat din naman si Alex na maging male lead. Nakipag-collab na siya noon sa Hanshel Production para sa isang album, at mataas talaga ang tingin ng Hanshel sa kanya. Nag-post pa nga sila sa Weibo para i-promote siya, kahit na alam mong bihira nilang gawin 'yon, lalo na sa mga mas bata.”“Si Alex pa ang pinaka-pinapaboran ng LDT Media—may koneksyon siya at may sariling galing. Basta may schedule siya, malamang siya talaga ang magiging male lead ng musical na 'to.”“Ah, at narinig ko rin na yung Korean producer na humahawak sa female lead, mukhang
Hindi bumitaw si Edward sa pagkakahawak hanggang sa nakasiguro siyang nalunok na ni Sasha ang gamot. Kahit na hindi siya lubusang kuntento, binitiwan na rin niya ang kamay nito.Ngumiti siya at dinampot ang natitirang kalahating mangkok ng gamot. Pero bago pa man niya ito maituloy, biglang inagaw ni Sasha ang mangkok sa kamay niya.Napatingin si Edward habang isang lagok lang ang ginawa ni Sasha para maubos ang laman ng mangkok. Sa mga sandaling iyon, para bang may kaunting lungkot at bigat siyang nakita sa kilos nito.Pagkatapos uminom ng gamot, sinamahan ni Edward si Sasha habang kumakain ito ng meryenda. Pinayagan din niya itong magtrabaho ng dagdag na kalahating oras.Pagkaalis ni Sasha papuntang study para ayusin ang isang kontrata, binuksan naman ni Edward ang kanyang cellphone para sagutin ang ilang emails sa kanyang inbox. Pagkatapos noon, binuksan niya ang Weibo nang walang gaanong iniisip.Ang balak lang naman niya ay silipin kung may balita na tungkol sa musical, pero may n
"Edward! Bakit kailangan mong gawin sa akin ito? Gumaganti ka ba kaya ganito na lang ang paghihirap mo sa akin?""Pinapakita mo sa akin na mahal mo ako, pinaramdam mo pero bakit nangyayari ito ngayon? Gusto mo akong hiwalayan?" sigaw ni Sasha sa kanyang asawa. "Hindi ko alam kung ano ang nagawa ko sa'yo pero sige!" Wala siyang tigil sa pag-iyak. "Tutuparin ko ang nais mo...simula ngayon, wala ng relasyon na namamagitan sa atin." Humina ang boses niya sa huling salita. Ang bitbit niyang brown envelop na naglalaman ng divorce agreement ay tinapon niya sa mukha ni Edward, malamig lamang siyang tinignan ni Edward. Napakabigat ng dibdib ni Sasha dahil sa mga nangyayari. Napakabigat na parang pinutol ang lahat ng pagmamahalan ng dalawa."Bang!"Hanggang sa tumunog ang tunog ng paghampas sa pinto ay nagising si Edward, na blangko ang utak!Para bang may naalala siya, kinuha niya ang dokumento at tiningnan ito-[Divorce Agreement][Petsa: Agosto 14]"Buhay ako....""Sasha...buhay ako. Patawa...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments