Clementine: The Mistress

Clementine: The Mistress

last updateHuling Na-update : 2023-05-26
By:   Marie Orson  Kumpleto
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
6 Mga Ratings. 6 Rebyu
61Mga Kabanata
7.3Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
Leave your review on App

Clementine Deschamps came from a family of farmers located in Rouen, France. Because of war, poverty, and oppression, she joined a rebel group against the king, but their rebellion failed when they fell into a trap. On the day of her execution, she unexpectedly captured the king's attention. Francis, the king, granted her the title of a marchioness and made her his chief mistress against her will. Now, with a crown on her head, what will she do to fight for her country? And to keep the heart of the king as well?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

CHAPTER 1

CHAPTER 1"Hindi ko inaasahan na isang babae lang pala ang namumuno sa kilusang maaaring makapagpabagsak sa France." Komento sa akin ni General Felix VI mula sa labas ng selda.Siya ang inatasan upang hulihin ang taong nasa likod ng rebelyon sa bansa. Isang matandang lalaki na may matikas na pangangatawan pero bulag ang kanang mata. Siya rin ang tiyo ng hari at ang Duc ng Burgundy. Sa tulong ng mga koneksyon at kayamanan niya ay nagtagumpay siyang hulihin ang pinuno ng rebelyon. Nagtagumpay syang hulihin ako at ikulong."Clementine Deschamps? Mula ka sa pamilya ng mga magsasaka kung hindi ako nagkakamali."Tama siya. Mula nga ako sa pamilya ng mga magsasaka. Paano niya nalaman? Sa apelyido ko. Dala ng mga apelyido namin kung saan kami nagmula at ang ibig sabihin ng apelyidong Deschamps ay "mula sa bukid"."Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na ikaw na lang ang natitira sa mga kasama mo." Sabi nito at ngumiti.Ako na lang?Unti-unting namuo ang galit sa puso ko matapos maisip ang imahe n...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Lady Mermaid
Enjoying the book!!! READ! READ! READ!
2023-10-24 01:57:00
0
user avatar
Doy Eva
grabi mahal ng voins
2023-05-04 00:44:47
0
user avatar
Queenregina1994
I recommend this to y'all!
2023-04-11 06:25:48
1
user avatar
Chico Bonito
keep it up beh. SI inang to nakilog in lang Ako sa account ng husband ko. Since Hindi ko pa maopen Ang account ko
2023-04-07 07:35:25
2
user avatar
Reinadohn
Very satisfying to read...
2023-04-06 15:32:20
3
user avatar
Marie Orson
Adbans tenkyu po sa mga magbabasa ...️ Sana ma-enjoy nyo
2023-04-06 15:29:46
3
61 Kabanata
CHAPTER 1
CHAPTER 1"Hindi ko inaasahan na isang babae lang pala ang namumuno sa kilusang maaaring makapagpabagsak sa France." Komento sa akin ni General Felix VI mula sa labas ng selda.Siya ang inatasan upang hulihin ang taong nasa likod ng rebelyon sa bansa. Isang matandang lalaki na may matikas na pangangatawan pero bulag ang kanang mata. Siya rin ang tiyo ng hari at ang Duc ng Burgundy. Sa tulong ng mga koneksyon at kayamanan niya ay nagtagumpay siyang hulihin ang pinuno ng rebelyon. Nagtagumpay syang hulihin ako at ikulong."Clementine Deschamps? Mula ka sa pamilya ng mga magsasaka kung hindi ako nagkakamali."Tama siya. Mula nga ako sa pamilya ng mga magsasaka. Paano niya nalaman? Sa apelyido ko. Dala ng mga apelyido namin kung saan kami nagmula at ang ibig sabihin ng apelyidong Deschamps ay "mula sa bukid"."Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na ikaw na lang ang natitira sa mga kasama mo." Sabi nito at ngumiti.Ako na lang?Unti-unting namuo ang galit sa puso ko matapos maisip ang imahe n
last updateHuling Na-update : 2023-03-27
Magbasa pa
CHAPTER 2
CHAPTER 2CLEMENTINE DESCHAMPSDing! Ding! Ding!Nagising ako dahil sa nakabibinging tunog ng kampanilya. Pagkadilat ng mga mata ko ay bumungad sa akin ang tatlong babae. Ang isa sa unahan ay may edad na, nakasuot ito ng marangyang asul na damit at maraming alahas, siya ang may hawak ng bell. Ang nasa likod naman niya sa kaliwa ay tila bata pa at nakasuot naman ng simple pero eleganteng dilaw na damit habang may hawak na pamaypay. Ang nasa kanan naman ay halos kasing edad ko lang at nakasuot naman ng puting damit at puting gloves, may hawak siyang palanggana."Magandang umaga, Madame." Bati ng matanda sa akin.Napatango na lang ako dahil hindi ko alam ang gagawin o sasabihin ko.Inilapag ng matanda ang bell sa lamesa at ganoon rin ang ginawa ng may hawak sa palanggana."Tumayo na po kayo." Sabi naman sa akin ng bata."Bakit?" Tanong ko."Aayusan na po namin kayo." Sagot naman ng ka-edad ko."Huh?!" Gulat kong tugon. "Hindi na kailangan! Kaya ko ang sarili ko!""Sinusunod lang namin an
last updateHuling Na-update : 2023-03-27
Magbasa pa
CHAPTER 3
CHAPTER 3CLEMENTINE DESCHAMPS"Ipakikilala kita sa reyna." Tugon ng hari.Makailang beses niyang pilit na inililingkis ang braso niya sa baywang ko ngunit makailang beses ko rin itong tinampal. Wala akong pakialam kung ano ang iisipin o sasabihin sa akin ng ibang nakakakita ng ginagawa ko sa hari, huwag lang akong makulong sa mga kamay niya."Huwag mong ubusin ang pasensya ko." Bulong niya."Pakialam ko sa pasensya mo. Edi ubusin mo." Sagot ko sa kaniya.Hindi na niya ko pinansin pa at pwersahang hinatak na lang papunta sa harap ng reyna."Ito ang aking reyna. Sofia V. Ang pangalawang anak na babae ng hari ng Spain at ang aking legal na asawa." Pagpapakilala ng hari sa isang babae.Isang babae na may suot na isang magarbong puting damit na nabuburdahan ng ginto. Marami rin itong alahas at natatabunan ng pampaganda ang mukha."Kinagagalak ko ang makilala ka Madame de Bijou." Tugon nito sa akin at ngumiti.Hindi ako sumagot. Tahimik lamang ako habang nakatingin sa kaniya at nakatingin
last updateHuling Na-update : 2023-03-27
Magbasa pa
CHAPTER 4
CHAPTER 4CLEMENTINE DESCHAMPS"Aray! Hindi na ko makahinga!" Reklamo ko sa kanila."K-Kaunting hila na lang po, Madame." Tugon naman sa akin ni Fantine."Aray!" Daing ko nang higpitan niya pa lalo ang suot kong corset."Ayos na." Masyang tugon ni Isabelle.Sinuotan naman na ako ng magarbong damit ni Julie. Kulay lilang damit na nabuburdahan ng mga rosas. Habang ang suot ko namang sapatos ay may takong na kulay rosas at napapalamutian ng mga batong amethyst."Huwag niyo ko lalagyan ng ganyan." Tugon ko sa kanila nang aktong lalagyan na nila ako ng pampaganda sa mukha."Pangako po. Kaunti lang." Tugon sa akin ni Fantine."Susuotan pa namin kayo ng alahas." Tugon naman ni Julie habang pinapakita pa sa akin ang mga dala niyang gamit.Pakiramdam ko pinapahirapan nila ako kahit binibihisan lang naman nila ako.Huminga ako ng malalim. "Sige na nga. Basta kaunti lang.""Sige po." Masayang tugon ni Fantine.Umupo na ako sa salamin habang nilalagyan nila ng pampaganda ang mukha at inaayos ang
last updateHuling Na-update : 2023-04-05
Magbasa pa
CHAPTER 5
CHAPTER 5CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame..." Pagtawag sa akin ni Fantine at pinakilala sa akin ang babaeng nakasunod sa kaniya. "Duchesse Celine. Ang nakatatandang kapatid na babae ng hari at ang asawa ng Duke of Berry, Duc Clovis.""Magandang araw, Madame de Bijou." Tugon niya at kaunting tumungo habang nakangiti."Madame, siya po ang magtuturo sa inyo ng mga dapat niyong malaman." Paliwanag uli ni Fantine."Narinig ko na marunong po kayong magbasa at magsulat. Alam ko pong hindi na kayo mahihirapan pa." Magalang niyang tugon."Madame de Berry." Tugon ko at tumungo sa kaniya upang magbigay-galang.Halatang nagulat siya sa ginawa ko ngunit pinilit niya itong itago at ngumiti."Ako ang unang maharlikang tinunguan niyo.""Bukod kay Fantine, Isabelle, at Julie, ikaw pa lang ang gumalang sa akin. Binabalik ko lang ang kabutihan mo sa akin." Sagot ko."Naiintindihan ko. Inaani ang respeto at hindi lang basta binibigay." Sagot naman niya."Madame, umupo tayo." Pag-alok ko sa kaniya.Umupo kam
last updateHuling Na-update : 2023-04-05
Magbasa pa
CHAPTER 6
CHAPTER 6CLEMENTINE DESCHAMPSNagising ako dahil sa sikat ng araw at nakitang wala na ang hari sa tabi ko."Madame, maaga po siyang umalis upang pumirma ng mga dokumento." Sagot ni Fantine.Tumango na lang ako. Hindi ko naman siya hinahanap e."Maligo na po kayo at mag-ayos." Tugoj ni Fantine.Ibinaba naman sa tabi ng kama ko ni Julie at Isabelle ang isang banyerang puno ng tubig at rosas. Tinulungan naman ako ni Fantine palitan ang pangtulog ko ng manipis na damit pampaligo.Pagka-ahon ko sa tubig ay agad nila akong binalutan ng twalya at tinulungang magbihis.Isang simpleng mahabang pulang damit na may maikling manggas ang pinasuot nila sa akin. May burda ito ng rosas sa gitna ng dibdib at may mga itim na lasong dekorasyon sa may palda. Kapares ng damit ay pinasuot nila sa akin ang itim na guwantes. Suot ko rin ang isang simpleng kulay itim na pangyapak na may tangkong na dalawang pulgada."May binigay po na singsing ang hari. Susuotin niyo po ba?" Tanong sa akin ni Fantine."Sige.
last updateHuling Na-update : 2023-04-05
Magbasa pa
CHAPTER 7
CHAPTER 7CLEMENTINE DESCHAMPS"Mag-ingat po kayo." Tugon sa akin ng mga batang maharlika habang binibigyan ako ng mga bulaklak."Salamat." Nakangiting tugon ko sa kanila."Umalis na kayo para pagdating niyo mamayang gabi ay makapagpahinga na kayo." Sabi ng hari."Sige.""Tara na po, Madame." Tugon sa akin ni Fantine at inalalayan akong pumasok sa karwahe.Isinara na niya ang pinto at umupo sa harap ko. Lumingon ako sa bintana at muling nagtama ang mga tingin ng hari."Huwag kang mamamatay."Iba talaga ang diksyunariyo ng taong 'to. Sasabihin lang na mag-ingat, mahirap ba 'yon?Nang umandar na ang karwahe ay inalis ko na ang tingin sa kaniya at ibinaba na ni Fantine ang kurtina."Madame, sa Rouen po tayo, hindi po ba?" Tugon ni Fantine.Tumango na lang ako bilang sagot."Ikukuha ko na lang po kayo ng libro para malibang kayo habang nasa byahe." Tugon niya at binuksan ang kahong nasa tabi niya.Ang tagal na niyang naghahanap pero wala pa siyang binibihay."May problema ba?" Tanong ko s
last updateHuling Na-update : 2023-04-05
Magbasa pa
CHAPTER 8
CHAPTER 8 CLEMENTINE DESCHAMPS"Mukhang mas mabuti na po talaga ang lagay ng kamay niyo, Madame." Sabi sa akin ng doktor."Doktor, kayo rin po ang tumingin sa kalagayan ng kapatid ko diba?""Opo. Tama po kayo. May impeksyon siya sa baga.""Alagaan niyo siya.""Madame, sa tingin ko po ay may nalalaman kayo sa medisina. Siguro po ay hindi rin lingid sa kaalaman niyo na kailangan niyang magpagaling sa isang malinis na lugar na may sariwang hangin, mahihirapan siya sa inyong tahanan." Paliwanag nito."Alam ko, doktor. Titignan ko kung anong magagawa ko." Sagot ko sa kaniya."Mauuna na po ako, Madame." Sagot niya at yumuko bago umalis kasama ang alalay niya."Mukhang kailangan niyo na pong ilipat ang kapatid niyo." Tugon ni Fantine habang nilalagyan ng gamot ang kamay ko."Paano po kaya kung ilipat niyo siya sa Versailles?" Suhestiyon naman ni Julie."At pagka-isahan din siya ng ibang maharlika? Huwag na lang." Sagot ko."Ano po ang plano niyo?" Tanong ni Isabelle."Hindi ko pa alam."Ina
last updateHuling Na-update : 2023-04-05
Magbasa pa
CHAPTER 9
CHAPTER 9CLEMENTINE DESCHAMPS"Gising ka na pala." Rinig kong sabi sa akin ni Francis.Teka? Francis?Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na narinig ko at nakita si Francis na katabi kong nakahiga sa kama.Binabangungot ba ko o ano?"Bakit ganiyan ang itsura mo?" Kunot-noong tanong niya.Kung nakakunot ang noo niya ay napakunot din ang noo ko."Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa Versailles ka?" Gulat kong tanong sa kaniya."Wala akong ginagawa." Dahilan niya."Wala kang ginagawa? Bakit hindi mo gawin ang trabaho mo bilang hari?""Kaya kong gawin dito 'yon.""Sinundan mo ba ko dito?" Tanong ko sa kaniya."Sinundan? Sino ka para sundan ko?" Pagtanggi niya."Kung gan'on... BAKIT KA NANDITO?" Madiin kong tanong."Ayaw mo bang nandito ako o ano? Alam mo bang wala pa kong tulog dahil ginugol namin ang buong gabi na bumabyahe papunta lamang rito?""Wala naman akong sinabi na ayaw kong nandito ka. Nagtatanong lang ako kung bakit ka nandito. Isa pa, kasalanan ko ba
last updateHuling Na-update : 2023-04-05
Magbasa pa
CHAPTER 10
CHAPTER 10FRANCIS OF FRANCECrack!"MGA WALA SILANG KWENTA! SINONG NAGBIGAY SA KANILA NG KARAPATANG KWESTYUNIN AKO?!""Mahal na hari, huminahon po kayo." Pagpapakalma sa akin ni Alphonse.Napasabunot na lang ako sa sarili ko at pabagsak na umupo.Si Alphonse naman ay tumawag ng mga tagapaglingkod na maglilinis ng kalat mula sa tasang binasag ko."Huminahon ka tapos pag-usapan natin." Muli niyang tugon."HUMINAHON?! PAANO AKO HIHINAHON SA MGA GAGONG 'YON?! SINUSUBUKAN TALAGA NILA AKO!""Kahit na ayaw mong makialam sila sa buhay mo, wala kang magagawa." Sagot niya.Matalim akong tumingin sa kaniya."Kung sa tingin nila matatakot nila ako, nagkakamali sila!" Tugon ko habang nagpipigil ng galit."Kamahalan, bakit galit na galit ka? Diba dapat mas maganda ang pakiramdam mo dahil sa nangyari sa inyo ni Clementine?"Mas lalo napakunot ang noo at mas lalong nag-init ang dugo ko sa sinabi niya.Nagulat na lang siya nang sipain ko ang lamesang nasa harap ko papunta sa kaniya."T-Teka... Ibig s
last updateHuling Na-update : 2023-04-05
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status