Share

CHAPTER 5

Author: Marie Orson
last update Last Updated: 2023-04-05 08:40:09

CHAPTER 5

CLEMENTINE DESCHAMPS

"Madame..." Pagtawag sa akin ni Fantine at pinakilala sa akin ang babaeng nakasunod sa kaniya. "Duchesse Celine. Ang nakatatandang kapatid na babae ng hari at ang asawa ng Duke of Berry, Duc Clovis."

"Magandang araw, Madame de Bijou." Tugon niya at kaunting tumungo habang nakangiti.

"Madame, siya po ang magtuturo sa inyo ng mga dapat niyong malaman." Paliwanag uli ni Fantine.

"Narinig ko na marunong po kayong magbasa at magsulat. Alam ko pong hindi na kayo mahihirapan pa." Magalang niyang tugon.

"Madame de Berry." Tugon ko at tumungo sa kaniya upang magbigay-galang.

Halatang nagulat siya sa ginawa ko ngunit pinilit niya itong itago at ngumiti.

"Ako ang unang maharlikang tinunguan niyo."

"Bukod kay Fantine, Isabelle, at Julie, ikaw pa lang ang gumalang sa akin. Binabalik ko lang ang kabutihan mo sa akin." Sagot ko.

"Naiintindihan ko. Inaani ang respeto at hindi lang basta binibigay." Sagot naman niya.

"Madame, umupo tayo." Pag-alok ko sa kaniya.

Umupo kami sa sofa at binigyan naman kami ng mainit na tsokolate nina Julie at Isabelle upang inumin.

"Anong mga maaari mong ituro sa akin, Madame?" Tanong ko sa kaniya.

"Dahil marunong kang magbasa at magsulat, hindi na 'yon problema. Maaari kang mamili ng mga gusto mong matutunan ngunit kailangan mong pag-aralan ang mga tamang pag-uugali ng isang babaeng maharlika, lalo na bilang asawa ng hari." Sagot niya.

"Hindi ko kailangan. Hindi ko rin siya asawa."

"Madame, alam ko kung paano mag-isip ang kapatid ko. Hindi ka niya ginawang babae niya para lang paligayahin siya sa kama, alam kong kinuha ka niya para baguhin ang takbo ng bansang France. Sabihin na natin na kahit isang segundo ay hindi naging mabuti ang pagtrato niya sa'yo, pero hanggang ngayon ay buhay ka pa. Malaking bagay na ang buhay mo at binigyan ka pa niya ng karapatan upang magdesisyon para sa ikabubuti ng lahat. Kaya sana... Huwag mong balewalain at sayangin ang lahat ng binigay niya sa'yo. Kahit siya pa ang hari, hindi ka niya mapoprotektahan sa lahat ng oras kapag may nakalaban ka sa korte." Mahabang lintanya niya sa'kin.

"Sinasabi mo ba na..."

"Oo. Kung gusto mong mabago ang kasaysayan, kailangan mong kumilos ng naaayon sa kung ano ka ngayon. Siguro nga ay dati kang rebelde at tinawag na kriminal, ngunit ngayon ay babae ka na ng hari at may titulo bilang marquise. Hindi mo lang basta mababago ang bawat bagay, kung nasa ayon ang mga desisyon mo, mapapaganda mo pa ito."

"Ano naman ang gagawin ko sa mga ginagawa sa akin ng kapatid mo?" Diretso kong tugon sa kaniya.

"Alam kong hindi makatuwiran ang sagot ko pero... Hayaan mo na lang siya. Isipin mo na lang na baka ang pagiging babae niya ang kabayaran sa lahat ng kabutihang ginawa niya para sa'yo at sa mga taong nasa baba mo." Sagot niya.

Ngumiti na lang ako sa kaniya. "Madame, anong mga maaari kong pag-aralan?" Tanong ko upang mabago ang usapan.

"Ang mga ituturo ko lamang sa'yo ay mga kaugalian, ang mga ibang bagay ay ikaw na ang bahala."

"Maaari ko bang pag-aralan ang medisina?" Diretso kong tanong sa kaniya.

"Kadalasan ang pinag-aaralan lamang ng mga babae rito ay pagbuburda at iba pang gawaing pambabae, ngunit wala akong nakikitang masama kung mag-aaral ka ng medisina." Nakangiting sagot niya.

"Salamat, Madame." Tugon ko.

"Ah, Madame..." Pahabol niyang tugon. "Makakatulong sa'yo kung mag-aaral ka rin ng sining at musika dahil 'yan ang mga hilig ng hari."

"Sige." Sagot ko.

Tumayo na siya upang magpaalam. "Bukas na lang kita tuturuan. Magandang araw uli, Madame." At tumungo.

Tumungo rin ako sa kaniya bilang paggalang at hinintay siyang makaalis bago muling tumayo.

"Madame, maganda rin kung paglalaanan niyo ng oras ang pag-aaral ng politika." Payo ni Fantine.

"Sundin niyo rin po ang sinabi ni Madame de Berry. Mag-aral po kayo ng musika, mas maganda po kung opera." Tugon naman ni Julie.

"Sang-ayon din po ako na mag-aral kayo ng sining dahil 'yon po ang hilig ng hari." Sagot naman ni Isabelle.

"Susundin ko." Sagot ko sa kanila.

"Mukhang nabago ni Madame de Berry ang isip niyo." Nakangiting tugon ni Fantine.

Tumayo ako at lumapit sa larawan na ipininta ng hari habang nakatingin rito.

"Tama naman siya ngunit..." Tugon ko at maiging tinignan ang larawan. "Mali siya sa isang bagay."

"Ano po 'yon?" Tanong ni Fantine.

"Hindi ko isusuko ang sarili ko sa hari. Ano ngayon kung buhay pa ko at may posisyon dahil sa kaniya? Hiningi ko ba 'yon? Bakit kailangan kong bayaran? Wala akong ninais na kung ano man kundi ang umunlad ang France, hindi ko ginustong maging babae niya." Sagot ko.

Ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago nagsalita si Fantine.

"Madame, kailangan na po namin kayong ayusan para sa kasiyahan mamaya." Tugon niya.

"Huh? Akala ko ba ay manunuod ng pagtatanghal?" Tanong ko.

"Depende po kung ano po ang maiisip nila ngunit ngayon po ay isang kasiyahan." Sagot nito.

"Sige. Ayusan niyo na ko." Tugon ko sa kanila.

"Opo." Masaya nilang tugon dahil sa mabilis kong pagpayag.

"Madame, ang kasiyahan po ngayong gabi ay isang masquerade. Dalawang damit po na may pares na maskara ang pinadala ng hari upang pagpilian niyo." Tugon ni Fantine at pinakita sa akin ang parehong damit at maskara.

Pinakita sa akin ni Julie ang isang damit na hawak niya. "Madame, ito pong isa ay yari sa purong seda, matataas na kaledad ng sinulid, at masusing pagbuburda. Simpleng kasuotan lamang po ito na kulay bughaw at may mahabang manggas na may mga burda ng rosas na kulay puti. Simple lang rin po ang mahabang puting palda at hindi nakalobo, kaya naman po magaang dalhin." Paliwanag niya at ibinigay sa akin ang pares na maskara.

Maskara ito na ang parteng mata lamang ang natatakpan at may taling kulay puti sa makabilang panig. Kulay bughaw rin ito at may puting rosas sa gilid ng kanang mata. May maliliit ring diyamante na nakadisenyo rito na kapag talagang tinapat mo sa liwanag ay kikinang ka.

"Madame..." Pagtawag sa akin ni Isabelle at pinakita naman ang isa pa. "Mas magarbo po itong tignan at mas mabigat dahil puno ito ng iba't-ibang palamuti. Gaya po ng nakikita, kulay berde po ito na may burda ng mga gintong paru-paro at disenyo ng mga perlas at iba pang mahahalagang bato. Kung susuotin niyo po ito ay mahihirapan kayo dahil palobo ang hugis nito." Tugon niya at ibinigay naman sa akin ang isa pang maskara.

Ito naman ay gaya rin ng isa na sa parteng mata lang ang natatakpan ngunit wala itong tali kundi may hawakan lamang sa kanang bahagi na puno rin ng dekorasyon. Kahit maskara lang 'to ay nabibigatan na ko. Paano ba naman? Sino bang nagsabing gawin nilang hardin ang maskarang 'to? Iba't-ibang klaseng bulaklak na nga ang nakadikit sa berdeng maskara, may mga paru-paro pa.

"Madame, ano pong susuotin niyo?" Tanong sa akin ni Fantine.

Sasagot na sana ako nang may makita akong maliit na papel na nakasuksok sa mga bulaklak ng maskara.

'Piliin mo 'to. -F'

F?..

Ah! Francis nga pala ang pangalan ng hari!

Hindi na ko sumagot pa at ibinigay ang papel kay Fantine. Binasa niya ito at ngumiting tumungo sa akin.

"Aayusan na po namin kayo."

---

"Ang bigat! Hindi ako makagalaw! Mas mabigat pa ata 'to sa'kin e!" Reklamo ko habang pinipilit ibalanse ang sarili ko.

"Kaya niyo po 'yan." Tugon naman ni Julie sa akin.

Kung kaya ko, bakit pa ko nagrereklamo?

"'Yong isa na lang. Ayaw ko 'to. Bakit kasi nakikinig ako sa hari na 'yon?"

"Madame, wala na pong oras." Sagot naman sa akin ni Fantine.

"Mag-aayos rin po kami." Tugon naman ni Isabelle.

"Sige. Kayo na lang pumunta." Sagot ko.

"Madame!" Tugon naman ni Julie.

Iirapan ko sana siya kaso biglaang bumukas ang pinto ng kwarto ko at sabay-sabay kaming napatingin sa hari.

"Kamahalan." Tugon ni Fantine at tumungo na ginaya ng dalawa.

Sumenyas ang hari na tumayo sila at agad naman nila itong sinunod.

"Kamusta?" Nakangisi niyang tanong sa akin.

Tinignan ko siya ng mabuti. Nakasuot siya ng isang itim na tunika hanggang tuhod na mas lalong nagpapakita ng hubog ng kaniyang katawan. Habang may kapa namang nakapatong sa kaniya na gawa sa balahibo ng isang itim na alamid. Itim rin ang kaniyang pangyapak. Ngunit pumukaw sa pansin ko ang ginto niyang hikaw na nakasabit sa kaliwa niyang tenga. Kahugis ito ng isang bituin na may asul na bato sa gitna, kumikinang ito at tumatama ang liwanag sa mata niyang kulay asul din at sa kulay ginto niyang buhok.

"Ngayon mo lang naisip kung gaano ako ka-gwapo?" Tanong niya sa akin at lumapit.

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Masyado kang mahangin." Diretso kong sagot.

"Aminin mo na. Nakatulala ka pa sa'kin." Tugon niya.

Napangisi ako sa sinabi niya. "Nakatingin ako sa'yo kasi mukha kang tanga."

"Kung ayaw mo aminin, sige. Pero aaminin kong maganda ka pala." Tugon niya.

Mas lalong napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Napangiwi rin ako.

"Tanga ka talaga." Diretso kong tugon at tinulak siya palayo.

Ngunit dahil sa bigat ng damit, maging ng buhok ko, hindi ko na nabalanse ang sarili ko.

"Madame!" Rinig kong tugon nila Fantine.

Napapikit ako nang maramdamang matutumba na ko, ngunit ilang minuto na ang lumipas at hindi ko pa nararamdamang tumama ako sa sahig. Kaya naman dumilat na ako at nakita ang seryosong tingin sa akin ni Francis. Napatayo at napabitaw ako sa kaniya nang maisip ko na sinalo niya pala ako.

"Madame, ayos lang po kayo?" Nag-aalalang tanong sa akin ni Fantine.

Mabilis namang kumuha ng tubig si Julie at ibinigay sa akin.

"Alalayan niyo siya mamaya." Utos sa kanila ng hari.

Sabay-sabay silang tumungo at sumagot. "Opo, Kamahalan."

"Alalayan niyo siya mamaya pero iwan niyo muna kami." Muli niyang tugon.

"Paalam po." Tugon nila, tumungo at umalis.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Binabalaan kita. Huwag kang gagawa ng bagay na ikagagalit ko sa sayawan mamaya."

"Tulad ng?"

"Ang makipagsayaw sa ibang lalaki."

Pinigilan kong hindi matawa sa sinabi niya.

"Ayos ka lang ba? Kahit hindi mo sabihin sa'kin 'yan ay hindi naman talaga ako makikipagsayaw. Wala akong oras para makipagplastikan sa mga gaya niyo." Natatawang sagot ko.

"Mabuti." Tugon niya at kinuha mula sa kamay ko ang baso at inilapag sa mesa.

Sinubukan niyang hawakan ang mukha ko, ngunit madali kong tinampal ang kamay niya at lumayo sa kaniya.

"Siguro sa ngayon ay lalayuan mo ko, ngunit darating din ang panahon na ikaw ang hahanap sa mga hawak ko."

"Huwag kang magsabi ng imposible! Huwag kang mangarap ng hindi mangyayari!" Bulyaw ko sa kaniya.

Inabot niya ang braso ko at hinatak ako palapit sa kaniya.

"Paano mo nasabing hindi ko magagawa?" Nakangisi niyang tugon sa akin. "Kung nagawa kong magpaamo ng leon, ikaw pa kaya?"

Ngumisi rin ako sa kaniya. "Hindi ako hayop. Tao ako."

"Tao ka man o hayop ka. Mahulog man ang loob mo sa akin o hindi. Akin ka at pag-aari kita."

"Pag-aari mo lang ako pero hinding-hindi ako mahuhulog sa'yo. Tandaan mo yan."

Ilang sandali siyang tumingin sa akin, ngunit hindi na niya napigilan pa ang sarili niya at mapusok akong hinalikan. Ginawa ko ang lahat para magpumiglas pero hindi nakakatulong ang suot kong damit. Nahihirapan akong gumalaw at lagi pa kong nawawalan ng balanse. Napapikit na lang ako nang maramdamang mas lalo pang lumalalim ang paghalik niya.

"Ah..." Ungol ko nang maramdaman ang mga kamay niyang naglalakbay sa likuran ko.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at ginantihan ko ang paghalik niya.

Nang maghiwalay kami ay sabay kaming naghabol ng hininga at tinignan ang isa't-isa. Muli niya kong sinunggaban at naramdaman ang mga halik niya sa leeg ko, pababa sa dibdib ko. Wala na kong narinig pa kundi kaming dalawa.

Nang maisip ko kung saan hahantong ang ginagawa namin, tinulak ko siya palayo. Halatang nagulat siya sa ginawa ko at hindi agad nakapagsalita.

"Ayusin mo ang sarili mo bago ka pumunta sa sayawan." Mahina niyang tugon at umalis.

Pagkalabas niya sa kwarto ko ay bigla akong nanghina at natumba. Nang makita nila Fantine ang kalagayan ay agad nila akong inalalayan sa pa-upo sa sofa.

"Aayusan po namin uli kayo." Nag-aalalang tugon ni Fantine.

Agad namang nagmadali sina Julie at Isabelle sa pagkuha ng mga pulbos na gagamitin nila upang takpan ang mga marka sa leeg at dibdib ko. Pagkatapos ay pinakuha ni Fantine si Isabelle ng yelo na ilalagay sa labi ko, habang sila naman ni Julie ay inaayos rin ang buhok at damit ko.

"Ayos lang po ba kayo? Kaya niyo po bang pumunta mamaya?" Tanong sa akin ni Julie.

"Sa tingin ko... Wala rin akong magagawa. Kailangan kong pumunta." Sagot ko.

"Naiintindihan ko po." Sagot niya at tinuloy ang pag-ayos sa akin.

---

"Madame, halika po." Pag-alalay sa akin ni Fantine patungo sa bulwagan kung saan gaganapin ang sayawan.

Pawang mga nakabihis na rin sila at nakasuot ng maskara.

"Madame, mas nadadalian na po ba kayong maglakad?" Tanong ni Julie sa akin.

"Hindi. Nangangawit na nga ako." Sagot ko.

Sino ba kasing nag-imbento ng ganitong kasuotan? Hindi niya ba alam na ang hirap ng ganito? May hawak pa kong maskara.

"Madame, ito po ang La Grande Galerie." Tugon sa akin ni Fantine.

[The Hall of Mirrors, or La Grand Galerie in French, is a massive room that measures about 240 feet long and 34 feet wide and has a 40-foot ceiling. On one wall, 357 mirrors stretch from floor to ceiling. On the opposite wall, 17 large glass doors offer breathtaking views of Versailles' sprawling gardens.]

Bumungad sa akin ang dami at ingay ng mga taong may kaniya-kaniyang kasuotan sa loob ng bulwagan. Tuloy lang ang kasiyahan nila at hindi alintana kung sino ang taong kausap nila. Ngunit imbes na ang kasiyahan at ganda ng kwarto ang mapansin ko, napukaw ang tingin ko sa hardin sa labas ng silid.

"Ang ganda." Tugon ko.

"Madame, gusto niyo po bang lumabas na lang tayo sa hardin? Alam ko pong hindi kayo mahilig sa mga ganito." Tugon ni Fantine.

"Magandang ideya." Sagot ko at ngumiti.

"Madame." Rinig ko.

Napalingon ako at nakita ang isang binatang may makisig at matikas na pangangatawan ang tumawag sa akin. Nakasuot siya ng isang pulang maskara at maging ang pormal niyang kasuotan ay pula rin. Tanging ang sapatos lang ang naiba na kulay itim.

"Ako ba, Monsieur (Mister)?" Tanong ko rito.

"Ikaw nga, Madame. Kilala ba kita?" Tanong nito sa akin.

"Alam kong kilala mo ako at maaaring kilala rin kita." Sagot ko.

"Maaari ba kitang ikuha ng inumin?" Pag-alok niya sa akin.

Napatingin ako sa mga tagapaglingkod na pawang mga nag-aalala sa magiging desisyon ko. Sinenyasan ko silang iwan ako, kaya naman tumungo na lang sila at umalis.

"Maaari." Sagot ko.

Inabot niya ang kamay niya na agad ko namang tinanggap. Inalalayan niya ko sa isang sulok at sandaling iniwan para kumuha ng inumin. Pagkabalik niya ay may dala na siyang dalawang baso ng alak, isa para sa kaniya at isa sa akin.

"Anong kailangan mo?" Tanong ko sa kaniya.

"Madame de Bijou, ako si Duke Richard III ng England. Ikinagagalak kitang makilala." Tugon niya at kaunting yumuko upang magbigay ng galang.

Tumango ako at tumugon. "Ikinagagalak rin kitang makilala."

"Hindi na ko magpapaliguy-ligoy pa. Alam naman nating pareho na hindi ganoon kaayos ang relasyon ng dalawang bansa at sa tulong mo, nais ko sanang magkaroon ng kasunduan para sa kapayapaan." Pag-uumpisa niya.

"Bakit sa dinami-dami ng mga maharlika at makapangyarihan dito ay ako ang nilapitan mo? Sa tingin mo ba talaga ay may magagawa ako?" Tanong ko sa kaniya.

"Alam ko ang istorya mo, Madame. Kalat rin sa buong palasyo kung gaano kabuti ang pagtrato ng hari sa'yo kumpara sa iba. Isang salita mo lamang ay alam kong maaaring pumayag ang hari." Sagot niya.

Napahalakhak ako. "Hindi mo alam ang sinasabi mo, Monsieur."

"Nang maging rebelde ako, pinag-aralan ko ang mga bagay na makakatulong para sa rebolusyon. Hindi ako ang magiging pinuno kung tanga ako. Alam kong mas lamang ngayon ang France sa digmaan laban sa England dahil nariyan ang Hapsburg para tumulong. Ngayon rin na may alitan sa pagitan ng England at Rome, alam kong mananalo ang France. Sandali na lang at mapapasa-amin na ang England, bakit ako gagawa ng hakbang para pigilan 'yon?"

Nilagok niya ang hawak niyang alak at nilapag ito sa pinakamalapit na mesa.

"Madame, hindi mananalo ang France. Kagagaling lamang ng inyong bansa sa rebelyon, paano kayo mananalo sa digmaan?"

Ngumiti ako. "Huwag mo akong subukang muling patawanin. Alam mo kung gaano kalakas ngayon ang militar ng France sa pamumuno ng hari. Ayos lang sa kaniyang gutomin ang mga mamamayan basta mapalakas ang mga tauhan niya. Mahirap aminin pero totoong matalino siya sa ganitong bagay at may matigas na pusong kailangan sa pamumuno. Tulad rin ng sinabi ko kanina, dalawang malalakas na bansa pa ang kaibigan niya. Hindi siya matatalo." Paliwanag ko.

"Ibig sabihin ba ay hindi ka pumapayag?" Tanong niya.

"Hindi." Diretso kong sagot.

"Maraming salamat sa pakikipag-usap, Madame." Sagot niya at sandaling yumuko.

"Maraming salamat din." Sagot ko sa kaniya.

"Sana makapag-usap uli tayo. Tungkol sa atin at hindi sa dalawang bansa."

"Kapag may pagkakataon."

Nagpaalam na siya at umalis na para makihalubilo sa ibang tao. Pagkaalis niya ay doon naman nagsilapitan uli sa akin ang mga tagapaglingkod ko.

"Madame, anong pinag-usapan niyo?" Tanong ni Julie.

"Hindi mahalaga. Gusto lang niya na magkaayos ang France at England." Sagot ko.

"Ngunit nanalo na ang France, ngayon pa ba tayo makikipag-ayos? Anong sinagot mo, Madame?" Pag-usisa ni Fantine.

"Alam ko ang kalagayan ng France kaya naman hindi ako pumayag." Sagot ko.

"Wala na bang iba, Madame?" Tanong sa akin ni Isabelle.

"Gusto niyang makausap ako sa susunod kapag may pagkakataon." Sagot ko.

"Dapat hindi ka pumayag, Madame. Baka magalit ang hari." Tugon naman ni Julie.

"Pumayag ako." Diretso kong sagot.

"PO?!" Gulat nilang tanong sa akin.

Napatingin ako sa isang direksyon at nagtama ang mga tingin namin. Nakaramdam ako ng pangingilabot kaya umalis ako roon.

"Madame, saan po kayo pupunta?" Tanong ni Fantine sa akin habang pinipilit na sabayan ang lakad ko.

Hindi ako mapakali kaya binibilisan ko rin ang lakad ko.

"Babalik na tayo sa kwarto ko. Sundin niyo ko. Pakiusap. Wala kayong papapasukin." Utos ko sa kanila.

"Masusunod po." Sagot nila.

"Kahit ang hari." Muli kong tugon at inabot kay Fantine ang hawak kong maskara.

Hindi nila ako masagot pero wala akong oras para makipagtalo. Kailangan ko munang ikulong ang sarili ko dahil hindi talaga maganda ang pakiramdam ko.

"Madame!" Pagtawag nila sa akin matapos ko silang pagsaraduhan ng pinto.

Alam kong hindi rin naman talaga tatagal ang pagtatago ko. May susi ang hari ng kwarto. May mga tao rin siya na maaaring sumira ng pinto. Wala akong takas.

Nang magtama ang mga tingin namin kanina... Alam kong may hindi magandang mangyayari. Ang tingin niya, nakakapanindig-balahibo. Buong kasiyahan, hindi, buong araw. Wala siyang ibang ginawa kundi bantayan ako at ang lahat ng kilos ko.

Alam ko ang banta niya sa akin kanina pero wala sa loob ko na maging ang simpleng pakikipag-usap sa ibang tao tungkol sa politika ay maaaring masamain ng iba at maging niya mismo.

Nagmadali akong ayusin ang sarili ko. Tinanggal ko lahat ng pampagandang nilagay nila sa mukha ko at maging ang mga dekorasyon ko sa buhok. Hinubad ko ang magarang damit at ang sapatos kong mamahalin. Nagpalit ako ng simpleng pantulog, pumunta sa kama, at tinakluban ng kumot ang sarili ko.

Nakakainis! Para akong batang nagtatago sa mga magulang niya!

"Clementine." Rinig ko sa kaniyang baritonong boses.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko sa kaniya.

Bumilis ang tibok ng puso ko matapos maramdaman ang pag-upo niya sa gilid ng kama.

"Bakit ka nagtatago?" Tanong niya sa akin pabalik.

"Natatakot ako..." Mahina kong tugon.

"Sa'kin?" Natatawang tugon niya.

Hindi ako sumagot. Naramdaman kong sumeryeso ang awra niya nang hindi ako sumagot.

"Sa tingin mo ba talaga ay pwepwersahin kita?"

Hindi pa rin ako sumagot.

"Nangako ako sa'yo na hindi kita gagalawin." Tugon niya.

Kahit nakataklob ng kumot, naramdaman kong niyakap niya ko.

"Matulog ka na lang. Huwag kang matakot. Hindi bagay sa'yo." Tugon niya.

Hindi ko alam kung bakit. Pakiramdam ko totoo lahat ng sinasabi at ligtas ako sa mga bisig niya. Kung iisipin ko lahat ng ginawa niya sa akin noong nakaraan, iisipin ko na ibang tao ang kasama ko ngayon.

Hindi rin naman ako naniniwala na baka gusto niya ko o baka mahal na niya. Ilang araw pa lang kaming magkakilala at magkasama. Hindi naman totoo ang pag-ibig sa unang tingin.

Kung iisipin ko... Baka talagang niloloko lang ako nito. Ganoon naman siya diba?

"Tulog ka na ba?" Tanong niya.

"Hindi." Sagot ko.

"Anong iniisip mo?"

"Kung anong kalokohan na naman 'to."

"Iniisip mo ko?" Natatawang tanong niya.

Tinanggal niya ang kumot na nakataklob sa akin.

"Tumingin ka sa'kin." Tugon niya na sinunod ko naman.

"Imbes na mapagod ka kakaisip kung anong sagot... Bakit hindi na lang ako ang tanungin mo?"

"Hindi ka matinong kausap." Diretsong sagot ko.

"Dali na. Sasagutin ko."

"Bakit ang bait mo sa'kin ngayon?" Tanong ko.

"Mabait naman talaga ako sa'yo noon pa. Mas mabait lang ako ngayon." Sagot niya.

"Mabait ka? Nakalimutan mo na bang inuntog mo ang ulo ko sa pasilyo ng karwahe at binali ang kaliwang kamay ko? Nakakalimutan mo na rin ba na ilang beses mo kong pinagbantaan at lalong pinalala ang lagay ng kamay ko?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Malamang alam ko." Sagot niya.

"Mabait ka na sa palagay mo?"

"Una, hindi ka mapupunta sa karwahe ko kung hinayaan kitang mamatay. Pangalawa, hindi ko babaliin ang kamay mo at iuuntog ang ulo mo kung hindi mo balak patayin ang sarili mo at ako mismo. Ang pagbanta sa'yo at pagpapalala ng bali mo ay kasalanan ko, oo na. Tinitignan ko lang kung hanggang saan ang kaya mo."

"Ang galing mong magdahilan." Hindi makapaniwalang tugon ko.

"Nagsasabi lang ng totoo." Sagot niya.

"May tatanong rin ako sa'yo."Biglang tugon niya.

"Ano?" Tanong ko.

"Bakit mo ko hinalikan pabalik?" Tanong niya.

"Hindi ko alam."

"Alam ko." Tugon niya at niyakap ako.

"Nasasanay ka na sa mga yakap at halik ko. Siguro nga matapang ka at matigas ang puso mo pero iba ang alam ng katawan mo."

"Masama ba 'yon?" Tanong ko.

"Hindi."

"Bakit?"

"Dahil nasasanay na rin akong yakap ka."

Related chapters

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 6

    CHAPTER 6CLEMENTINE DESCHAMPSNagising ako dahil sa sikat ng araw at nakitang wala na ang hari sa tabi ko."Madame, maaga po siyang umalis upang pumirma ng mga dokumento." Sagot ni Fantine.Tumango na lang ako. Hindi ko naman siya hinahanap e."Maligo na po kayo at mag-ayos." Tugoj ni Fantine.Ibinaba naman sa tabi ng kama ko ni Julie at Isabelle ang isang banyerang puno ng tubig at rosas. Tinulungan naman ako ni Fantine palitan ang pangtulog ko ng manipis na damit pampaligo.Pagka-ahon ko sa tubig ay agad nila akong binalutan ng twalya at tinulungang magbihis.Isang simpleng mahabang pulang damit na may maikling manggas ang pinasuot nila sa akin. May burda ito ng rosas sa gitna ng dibdib at may mga itim na lasong dekorasyon sa may palda. Kapares ng damit ay pinasuot nila sa akin ang itim na guwantes. Suot ko rin ang isang simpleng kulay itim na pangyapak na may tangkong na dalawang pulgada."May binigay po na singsing ang hari. Susuotin niyo po ba?" Tanong sa akin ni Fantine."Sige.

    Last Updated : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 7

    CHAPTER 7CLEMENTINE DESCHAMPS"Mag-ingat po kayo." Tugon sa akin ng mga batang maharlika habang binibigyan ako ng mga bulaklak."Salamat." Nakangiting tugon ko sa kanila."Umalis na kayo para pagdating niyo mamayang gabi ay makapagpahinga na kayo." Sabi ng hari."Sige.""Tara na po, Madame." Tugon sa akin ni Fantine at inalalayan akong pumasok sa karwahe.Isinara na niya ang pinto at umupo sa harap ko. Lumingon ako sa bintana at muling nagtama ang mga tingin ng hari."Huwag kang mamamatay."Iba talaga ang diksyunariyo ng taong 'to. Sasabihin lang na mag-ingat, mahirap ba 'yon?Nang umandar na ang karwahe ay inalis ko na ang tingin sa kaniya at ibinaba na ni Fantine ang kurtina."Madame, sa Rouen po tayo, hindi po ba?" Tugon ni Fantine.Tumango na lang ako bilang sagot."Ikukuha ko na lang po kayo ng libro para malibang kayo habang nasa byahe." Tugon niya at binuksan ang kahong nasa tabi niya.Ang tagal na niyang naghahanap pero wala pa siyang binibihay."May problema ba?" Tanong ko s

    Last Updated : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 8

    CHAPTER 8 CLEMENTINE DESCHAMPS"Mukhang mas mabuti na po talaga ang lagay ng kamay niyo, Madame." Sabi sa akin ng doktor."Doktor, kayo rin po ang tumingin sa kalagayan ng kapatid ko diba?""Opo. Tama po kayo. May impeksyon siya sa baga.""Alagaan niyo siya.""Madame, sa tingin ko po ay may nalalaman kayo sa medisina. Siguro po ay hindi rin lingid sa kaalaman niyo na kailangan niyang magpagaling sa isang malinis na lugar na may sariwang hangin, mahihirapan siya sa inyong tahanan." Paliwanag nito."Alam ko, doktor. Titignan ko kung anong magagawa ko." Sagot ko sa kaniya."Mauuna na po ako, Madame." Sagot niya at yumuko bago umalis kasama ang alalay niya."Mukhang kailangan niyo na pong ilipat ang kapatid niyo." Tugon ni Fantine habang nilalagyan ng gamot ang kamay ko."Paano po kaya kung ilipat niyo siya sa Versailles?" Suhestiyon naman ni Julie."At pagka-isahan din siya ng ibang maharlika? Huwag na lang." Sagot ko."Ano po ang plano niyo?" Tanong ni Isabelle."Hindi ko pa alam."Ina

    Last Updated : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 9

    CHAPTER 9CLEMENTINE DESCHAMPS"Gising ka na pala." Rinig kong sabi sa akin ni Francis.Teka? Francis?Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na narinig ko at nakita si Francis na katabi kong nakahiga sa kama.Binabangungot ba ko o ano?"Bakit ganiyan ang itsura mo?" Kunot-noong tanong niya.Kung nakakunot ang noo niya ay napakunot din ang noo ko."Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa Versailles ka?" Gulat kong tanong sa kaniya."Wala akong ginagawa." Dahilan niya."Wala kang ginagawa? Bakit hindi mo gawin ang trabaho mo bilang hari?""Kaya kong gawin dito 'yon.""Sinundan mo ba ko dito?" Tanong ko sa kaniya."Sinundan? Sino ka para sundan ko?" Pagtanggi niya."Kung gan'on... BAKIT KA NANDITO?" Madiin kong tanong."Ayaw mo bang nandito ako o ano? Alam mo bang wala pa kong tulog dahil ginugol namin ang buong gabi na bumabyahe papunta lamang rito?""Wala naman akong sinabi na ayaw kong nandito ka. Nagtatanong lang ako kung bakit ka nandito. Isa pa, kasalanan ko ba

    Last Updated : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 10

    CHAPTER 10FRANCIS OF FRANCECrack!"MGA WALA SILANG KWENTA! SINONG NAGBIGAY SA KANILA NG KARAPATANG KWESTYUNIN AKO?!""Mahal na hari, huminahon po kayo." Pagpapakalma sa akin ni Alphonse.Napasabunot na lang ako sa sarili ko at pabagsak na umupo.Si Alphonse naman ay tumawag ng mga tagapaglingkod na maglilinis ng kalat mula sa tasang binasag ko."Huminahon ka tapos pag-usapan natin." Muli niyang tugon."HUMINAHON?! PAANO AKO HIHINAHON SA MGA GAGONG 'YON?! SINUSUBUKAN TALAGA NILA AKO!""Kahit na ayaw mong makialam sila sa buhay mo, wala kang magagawa." Sagot niya.Matalim akong tumingin sa kaniya."Kung sa tingin nila matatakot nila ako, nagkakamali sila!" Tugon ko habang nagpipigil ng galit."Kamahalan, bakit galit na galit ka? Diba dapat mas maganda ang pakiramdam mo dahil sa nangyari sa inyo ni Clementine?"Mas lalo napakunot ang noo at mas lalong nag-init ang dugo ko sa sinabi niya.Nagulat na lang siya nang sipain ko ang lamesang nasa harap ko papunta sa kaniya."T-Teka... Ibig s

    Last Updated : 2023-04-05
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 11

    CHAPTER 11CLEMENTINE DESCHAMPS"Ito na ang huling araw mo dito, tama?" Pagkumpirma ni Padre Amadeo."Ito na nga po at babalik na kami sa Versailles bukas ng umaga." Sagot ko."Buti at hindi ka niya sinundan ngayon." Natatawang biro ni Padre Amadeo.Alam kong biro lang pero hindi ako natutuwa."Oo nga pala." Bigla niyang tugon. "Ang paghanap mo sa salarin?""Hinahanap na siya." Sagot ko."Mabuti naman at maayos mong kausap si Bern tungkol sa bagay na ito.""Maayos namang kausap si Bern. Iniintindi niya ko.""Mukhang malungkot ka pa rin." Tugon ni Padre.Nilingon ko siya at sandaling ngumiti."Hindi lang ako basta malungkot..." Mahina kong tugon.I'm broken."Kamusta na nga pala si Clemance?" Pagkamusta niya sa kapatid ko."Ginagamot siya pe

    Last Updated : 2023-04-06
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 12

    CHAPTER 12CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, sumuko na daw po ang England laban sa France." Balita sa akin ni Fantine.Napatango na lang ako. Alam ko naman kasi na talagang matatalo na ang England, hindi na nakakagulat."Pwede ko bang malaman kung ano ang naging kasunduan nila?" Tanong ko."Opo." Sagot niya at may kinuha sandali. "Ito po." Tugon niya at binigay sa akin ang isang dokumento.Ang dokumento ay sinulat sa dalawang lenggwahe. Ang unang mga kataga ay nakasulat sa wika namin at ingles naman ang nasa baba.Unang kasunduan pa lang ang nababasa ko pero nanlaki na ang mga mata ko."Totoo ba 'to?" Hindi ko makapaniwalang tanong."Opo." Masaya niyang sagot.Napangiti ako nang muling basahin ang unang kasunduan.'Hindi na kailangan pang magbayad ng utang ang France sa England. Ang utan

    Last Updated : 2023-04-07
  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 13

    CHAPTER 13CLEMENTINE DESCHAMPSIsang linggo na ang nakaraan pero hindi ko pa rin nakikita ang hari. Wala na rin akong malaman na kahit ano tungkol sa nangyari noon."Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Julie habang nilalagyan ng pulbos ang mukha ko."Oo naman." Sagot ko at pinilit na ngumiti."Madame." Pagtawag sa akin ni Isabelle na kapapasok lang sa kwarto ko. "Hindi raw po kailangang ihatid ngayon ang agahan niyo. Sasabay daw po kayo sa pagkain ng hari.""Ha?" Gulat kong tanong. "Maayos na siya?""Opo. 'Yon po ang sabi nila."Makikita ko na siya. Baka magkaroon na ko ng ideya kung ano bang nangyari sa kaniya."Sige. Pwede na 'yan." Tugon ko sa kanola at tumayo na."Mukhang gusto niyo po siyang makita?" Panunukso sa akin ni Julie.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa panunukso

    Last Updated : 2023-04-08

Latest chapter

  • Clementine: The Mistress   EPILOGUE

    CLEMENTINE DESCHAMPS"Magandang umaga, Madame," masayang bati sa'kin ni Fantine.Ngunit imbes na tumugon ako ay minasahe ko ang magkabila kong sintido. Medyo nahihilo ako."May problema ba, Madame?""Nahihilo ako.""Madame, mukhang napapadalas ang pagkahilo n'yo," sagot niya. "At pansin ko rin ang pagtaba n'yo.""Pagtaba?" Tanong ko. "'Di kaya...?"Mukhang nakuha rin ni Fantine ang sinasabi ko. "Julie, tawagin mo si Oriel.""Sige po," tugon niya bago madaling umalis."Ibig mong sabihin, Madame," usal naman ni Isabelle. "Buntis kayo?""Hindi pa tayo sigurado ngunit ganito rin ako noon kay Maëlle. Mabuti na magpatingin na 'ko agad kay Oriel."Ilang sandali lamang ay dumating na si Oriel at tinignan ang pulso ko."Totoo, Madame. Buntis ka nga.""Binabati ka namin, Madame!" Bati ng tatlo."Ang emperador ng France!"Agad kaming napatayo nang pumasok sa silid si Francis."Anong problema?" Tanong niya. "Bakit nagpatawag ng doktor si Clementine?""Walang problema, Francis," sagot ko."Binabat

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 56

    CHAPTER 56CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, oras na," paggising sa'kin ni Fantine.Kahit na gusto ko pang matulog ay bumangon na rin ako. Kailangan kong mag-ayos ngayon dahil ngayon ang araw na gugulong ang ulo ni Charlotte mula sa guillotine.Lumusong ako sa banyera na may lamang maligamgam na tubig at naligo. Pagkatapos maligo ay pinili ko ang isang kulay pulang bestida upang isuot. Pagkatapos kong magbihis ay inayusan na nila ako at pinasuot ng mga alahas na bagay sa suot kong damit, kasama na r'on ang ginto kong korona na may mga pulang bato."Bagay na bagay sa inyo, Madame," wika ni Julie."Totoo," tugon naman ni Isabelle. "Talagang kuhang-kuha ni Madame ang presensya ng isang emperatris."Napabungisngis na lang ako sa mga papuri nila."Kailangan na nating umalis, Madame," usal naman ni Fantine.Lumakad na kami at nagtungo sa labas ng palasyo. Agad naming nakita sina Francis at ang iba pa. Mukhang kami na lang pala ang hinihintay."Clementine," pagtawag sa'kin ni Francis bago niya k

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 55

    CHAPTER 55CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame," usal ni Fantine. "Nandito si Duchesse Celine.""Papasukin n'yo siya."Nang binigay ko ang permiso ko ay dali-dali nilang binuksan ang pinto ng aking silid upang makapasok ang duchesse. 'Di ko napigilang mapangiti nang makita siya. Nakasuot siya ng kulay pulang damit na binagayan niya ng mga kulay itim na mga alahas na may kulay pulang mga bato. Bagay na bagay sa kaniya ang ayos niya."Clementine," wika niya bago ako yakapin nang mahigpit."Duchesse Celine, dahan-dahan lang po," usal naman ni Fantine. "Kakaayos lang po namin kay Madame. Malapit na po ang oras ng kasal. Baka mamaya po ay mahuli siya nagulo ang ayos niya."Dahil sa sinabi ni Fantine ay binitawan ako ng duchesse. "Sabi ko nga," tugon pa niya.Tinignan kong muli ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng kulay berdeng damit na binagayan nila ng mga gintong alahas. Kung ako ang tatanungin ay sobra 'tong mga pinasuot nila sa'kin, ngunit dahil espesyal ang araw ngayon ay pumayag din ak

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 54

    CHAPTER 54CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama!" Masayang bulalas ni Maëlle nang makita niya 'ko.Lalapit sana siya sa'kin upang yumakap ngunit pinigilan siya ng mga babaeng nag-aayos sa kaniya. "Sandali lamang, mahal na prinsesa! Inaayusan ka pa namin! At baka magulo ang damit mo!"Natawa na lang ako bago umupo sa isang malapit na upuan. "Sundin mo sila, Maëlle.""Opo," sagot nito bago muling maupo sa upuan upang ituloy ang pag-ayos sa kaniya.'Di ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod silang ayusan ang anak ko. Nakasuot siya ng kulay bughaw na damit na kakulay ng kaniyang mga mata. Kumikinang naman sa liwanag ang kulay ginto niyang buhok. Pareho niyang namana ang kulay ng mga ito sa kaniyang ama. Ang tanging namana lamang niya sa'kin ay ang hugis ng kaniyang mukha.Kaya siya binibihisan ngayon ay dahil ngayon na ang araw kung kailan siya kikilalanin bilang Madame Royale. Masaya akong makitang naibibigay sa kaniya ni Francis ang mga bagay na nararapat para sa kaniya. Ngayon ay pinaghahanda

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 53

    CHAPTER 53CLEMENTINE DESCHAMPS"Francis, Madame, gising..."Sabay kaming nagising ni Francis nang marinig ang boses ni Oriel."Anong problema?" Tanong ni Francis. "May problema ba kay Maëlle?""Walang problema kay Maëlle. 'Wag kayong mag-alala sa kaniya," tugon ni Oriel ngunit halata ang pagkabahala sa mukha. "Ngunit magbihis na kayo.""Kung gan'on bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko. "Anong nangyayari?""Si Duchesse Celine..."___"Nasaan sila?" Tanong ni Francis kay Oriel habang nagmamadali kaming maglakad sa pasilyo ng palasyo."Sa may simbahan, Francis," hinihingal na tugon ni Oriel. "Madali kayo.""Anong nangyari?" Muling tanong ni Francis. "Sinabihan ko siya na 'wag munang gumawa ng kahit na ano. Makakapaghintay pa ang parusa para kay Charlotte. Bakit niya tinututukan ngayon ng baril si Charlotte?""'Di rin namin alam, Francis. Basta't naroon ngayon si Alphonse para pakalmahin ang duchesse at pigilan siyang iputok ang baril."Nang makarating kami sa simbahan ng palasyo ay n

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 52

    CHAPTER 52CLEMENTINE DESCHAMPS"Pinatawag mo raw ako," wika ko nang makapasok ako sa kwarto ni Francis at huminto sa harap niya.Nagbabasa siya ng mga dokumento habang nakaupo sa dulo ng kama nang inangat niya ang tingin niya upang tumingin sa'kin. "Kumusta si Maëlle?""Ayun," usal ko. "Maaga siyang natulog ngayon dahil sa pagod. Ngunit napakasaya niya kanina, salamat sa'yo."Hinagis niya sa sahig ang mga hawak niyang dokumento bago ako hilahin paupo sa mga hita niya. "Kumusta ka naman?" Bulong niya habang gumagala ang kamay niya sa batok ko pababa sa likod ko."Masaya rin. Nandito na 'ko uli kasama ka," mahinahon kong tugon kahit nararamdaman ko na ang pag-init ng katawan ko sa mga hawak niya."Masaya rin ako," wika niya. "Alam mo ba kung gaano ako nangulila sa'yo? Kapag nahiwalay ka pa uli sa'kin, 'di ko na kakayanin."'Di na 'ko nakasagot pa dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa'kin upang ihiga sa kama. Agad niya 'kong pinaibabawan at tinanggal ang pangtaas niyang damit. Napalunok a

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 51

    CHAPTER 51CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama, tignan mo! Ang laki!" Masayang wika ni Maëlle habang nakaturo sa cake na nasa gitna ng kasiyahan.Lumapit ako sa kaniyang upang bumulong. "Para sa'yo 'yan. Gusto mo bang kumuha ng isang hiwa?"Nang tumango siya ay agad siyang kinuha ni Fantine ng isang hiwa ng cake. Iniwan ko na muna siya kay Fantine upang kumain. Naglakad-lakad muna ako at nakipag-usap sa mga taong nandito sa kasiyahan. Halata sa mga ngiti nila ang saya na makita akong muli. Habang kinakausap ko sila ay 'di nila mapigilang magbato ng mga masasamang salita kay Charlotte. 'Di ko na lang pinapansin dahil inasahan ko na na ganito ang mangyayari. Kasalanan na ni Charlotte kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa kaniya ngayon. Inaani niya lang ang mga tinanim niya.Napangiti ako nang makitang kausap ni Francis si Maëlle. Masaya ak

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 50

    CHAPTER 50FRANCIS DE FRANCE"Ngayon na ang pagbabalik nila," wika ni Alphonse habang tinutulungan niya 'kong magbihis. "Makikita mo na ang prinsesa, Francis. Makakasama mo na uli si Clementine."Napangiti ako. Isipin ko pa lang na makikita ko na uli si Clementine, 'di na mapakali ang puso ko. Ilang taon na ang nagdaan. 'Di ko alam kung paano ko kinaya na wala siya sa tabi ko. Dahil sa bawat araw na 'di ko siya nakikita, nanghihina ako. Nais ko na siyang makita, mayakap, at mahalikan uli.At ang anak namin...Nais ko nang makita si Maëlle. 'Di ko man lang siyan nahawakan nang pinanganak siya. Ngunit ngayong dito na sila sa Versailles mananatili, uubusin ko ang oras kasama siya. Gusto ko na siyang makita, mayakap, at makausap. Kung gusto niya, maglalaro kami hangga't gusto niya. Ipapaluto ko ang mga paborito niyang pagkain hanggang sa magsawa s

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 49

    CHAPTER 49DUCHESSE CELINE DE BERRYApat na taon na ang nakalilipas nang manganak si Clementine. Sa apat na taon na 'yon, nagawang paliitin ng France ang malawak na imperyo ng Alemanya. Nagawang sakupin ni Francis ang Alemanya nang 'di direktang nag-aanunsyo ng digmaan. Dahil sa mga magaganda niyang pangako, nagawa niyang kumbinsihin ang mga mamamayan at mga maharlika ng Alemanya na magpasakop sa France. At dahil nagawa ni Francis na tuparin ang plano niya nang ganito kabilis, pinaghihinalaan ng Alemanya si Charlotte. Iniisip nila na tinraydor niya sila. Wala nang dahilan pa ang Alemanya para protektahan siya. 'Di nagawa ni Charlotte na pigilan si Francis sa pagsakop sa Alemanya. Wala rin siyang anak. Wala na siyang kwenta pa.Kaarawan ngayon ni Maëlle. Apat na taon na siya. Kasalukuyan akong nasa loob ng karwahe kasama si Maëlle, at ang kaniyang ina. Babalik na kami sa Versailles kung saan may naghihintay na kasiyahan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Maëlle.Tiyak 'kong nasasabik na

DMCA.com Protection Status