Share

CHAPTER 6

Author: Marie Orson
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

CHAPTER 6

CLEMENTINE DESCHAMPS

Nagising ako dahil sa sikat ng araw at nakitang wala na ang hari sa tabi ko.

"Madame, maaga po siyang umalis upang pumirma ng mga dokumento." Sagot ni Fantine.

Tumango na lang ako. Hindi ko naman siya hinahanap e.

"Maligo na po kayo at mag-ayos." Tugoj ni Fantine.

Ibinaba naman sa tabi ng kama ko ni Julie at Isabelle ang isang banyerang puno ng tubig at rosas. Tinulungan naman ako ni Fantine palitan ang pangtulog ko ng manipis na damit pampaligo.

Pagka-ahon ko sa tubig ay agad nila akong binalutan ng twalya at tinulungang magbihis.

Isang simpleng mahabang pulang damit na may maikling manggas ang pinasuot nila sa akin. May burda ito ng rosas sa gitna ng dibdib at may mga itim na lasong dekorasyon sa may palda. Kapares ng damit ay pinasuot nila sa akin ang itim na guwantes. Suot ko rin ang isang simpleng kulay itim na pangyapak na may tangkong na dalawang pulgada.

"May binigay po na singsing ang hari. Susuotin niyo po ba?" Tanong sa akin ni Fantine.

"Sige." Sagot ko.

Sinuot niya sa kaliwang palasingsingan ko ang gintong singsing na may pulang bato.

"Ruby ba 'to?" Biglang tanong ko.

Tinignan niyang mabuti ang bato at umiling.

"Madalas po itong mapagkamalian pero ito po ay spinel. Pulang spinel." Sagot niya.

"Anong klaseng bato 'yan?"

"Kilala rin po ito bilang bato ng walang hanggang buhay. Sabi nila, natatanggal nito ang negatibong enerhiya at pinapalakas ang may suot." Paliwanag niya.

"Ang galing. Ang dami niyong alam." Puri sa kaniya ni Julie.

"Wala naman akong ginagawa sa mansyon noon kaya nakahiligan kong mag-aral ng iba't-ibang bato. Wala lang 'to." Sagot ni Fantine.

"Gusto ng hari na mabuhay kayo habambuhay." Tugon ni Isabelle.

"Iniisip talaga ng hari si Madame." Animo'y kinikilig na tugon ni Julie.

Napakunot naman ang noo ko sa sinasabi nila. Hindi ko alam ang mararamdaman ko pero kinakalibutan ako.

"Oops. Kukunin ko na pala ang pagkain ni Madame." Pagtakas ni Julie sa kwarto.

"Kamusta na nga pala ang kamay niyo?" Tanong sa akin ni Fantine.

"Hindi ko pa rin magalaw pero mas mabuti." Sagot ko.

"Gagaling din po kayo." Tugon niya.

Nagmamadali naman at pinagpapawisan si Julie pagkapasok niya habang hawak ang tray na may lamang tinapay at tsaa.

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Madame, may magsasaka pong iniharap ngayon sa hari. Hindi daw po nagbabayad ng buwis." Sagot niya sa akin.

"Nasaan sila?" Tanong ko.

"Sa harapan po ng trono, Madame."

Agad akong lumabas nang marinig ang sagot niya. Tahimik naman nila akong sinundan papunta sa bulwagan. Nang buksan ko ang pinto, lahat ng maharlika sa loob ay nagsitinginan sa akin. Habang ang magsasakang nasa harap ng hari at ang mga kasama niya nananatili pa ring nakaluhod at nakayuko.

"Clementine." Pagtawag niya sa akin ng hari dahilan upang mapatingin sa akin ang magsasaka. "Magandang umaga." Bati niya.

"Walang maganda sa umaga." Sagot ko at tinignan ang matandang lalaking gulat na makita ako. "Lalo na at may nangyayaring ganito."

"Nako. Si Monsieur Augustin kasi. Dinala niya ang magsasakang 'yan dito. May gulo tuloy." Sabi ng hari at umiling-iling.

"P-Patawad po mahal na hari ngunit ilang buwan na po siyang hindi nagbabayad ng buwis. Kailangan niya po ng akmang kaparusahan." Kinakabahan niyang tugon.

"Ilang buwan na siyang hindi nagbabayad?" Tanong ko.

"Pitong buwan na po, Madame."

"Nang mga nakaraang buwan... May nangyayaring rebolusyon. Inaasahan mo bang makakapagbayad siya sa mga ganoong panahon?" Taas kilay kong tanong.

"K-Kahit po may rebolusyon, dapat pa rin po siyang magbayad. Depende na lang po kung rebelde rin siya." Sagot niya sa akin.

"Marahil nga ay rebelde rin siya."

"Magsasaka rin siya diba? Kaya malamang."

"Walang duda. Kaya siya pinagtatanggol."

Rinig kong bulungan nila na nakapagpangisi sa akin.

"Monsieur..." Tugon ko at lumapit sa kaniya. "May mga bagay na sigurado ako."

"Ano po?" Tanong niya habang nakayuko.

"Nang mga nakaraang buwan na may rebolusyon, lalong nagtaas ng buwis ang pamahalaan upang gamitin laban sa mga rebelde. Sobrang taas na ng buwis ngunit dinoble mo pa ito ng singilin mo ang mga magsasaka sa nayon niyo. Maraming umangal ngunit ang lalaking 'yan na sinasabi mo ay walang sinabi at binayaran na lang ang buwis na hinihingi mo kahit ang pamilya niya mismo ay wala na ring makain." Lintanya ko.

"P-Paano mo..." Tugon niya at inangat ang tingin sa akin.

Ilang sandali niyang tinignan ang mukha ko at labis na gulat ang bumakas sa kaniya nang makilala ako.

"Hindi rin siya rebelde." Tugon at humarap sa mga tao. "Alam niyo kung bakit?"

Walang nagtangkang sumagot sa akin, kaya muli naman akong lumapit sa tabi ng hari habang tinitignan ang magsasakang sinasabi nila.

"Masyadong mabuti ang taong ito at hindi ko siya hahayaang kumapit sa dahas. Hindi ko siya hahayaang mapahamak." Tugon ko habang umiiling.

Tinignan ko ang mga mata niya. Kita ko ang saya sa mata niyang makita at ang lungkot dahil sa mga katagang binitawan ko. Matanda at payat na ang anyo niya, kupas na ang damit, at sira na ang suot niyang pangyapak. Makikita mo rin ang makakapal na kalyong bumabalot sa mga kamay nya sanhi ng labis na pagta-trabaho.

Lumapit ako sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya. Inalalayan ko siyang tumayo at ilapit sa hari.

"Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa aking ama." Tugon ko at diretsong tinignan sa mata ang hari.

Nagbulungan ang mga tao matapos marinig ang sinabi ko. Halatang hindi nila inaasahan na mangyari 'to.

"May gusto ka bang sabihin, Monsieur Agustin?" Tanong sa kaniya ng hari.

"K-kamahalan..."

"Francis." Pagtawag ko sa pangalan ng hari.

"Sino ka para kausapin na parang kauri mo lamang ang mahal na hari?!" Galit na tugon ng reyna.

"Walang problema sa akin, Sofia. May problema ka ba?" Malamig na tugon ng hari.

Hindi na nagtangka pang sumagot ang reyna ngunit bakas sa mukha niya ang labis na pagka-inis.

"Sa tingin ko ay kailangan na nating palitan ang kolektor ng buwis sa nayon namin." Pagtuloy ko sa sinasabi ko.

Halatang namutla siya sa sinabi ko at agad na lumapit sa akin upang magmakaawa.

"M-Madame! Maawa ka!"

"Naawa ka ba sa mga magsasaka nang dayain mo sila na magbayad ng dobleng buwis?"

"Mga kawal. Alis niyo ang taong 'yan dito." Utos ng hari.

Agad nila siyang dinampot at hinila palabas habang nagmamakaawa pa rin sa amin.

Isa-isa kong tinignan ang mga maharlika sa kwartong ito at bawat isa sa kanila ay iniwasan ang tingin ko.

"Mas makapangyarihan ka, mas matatakot sila sa'yo." Bulong sa akin ni Francis.

"Mga k-kamahalan..." Nauutal na tugon ng aking ama.

"Samahan mo ang iyong sa ama sa iyong silid, kasama ang mga kasamahan niya." Sabi ng hari.

"Salamat." Sagot na nakapaglaki ng mata ng hari.

Nang pumasok na sa utak niya ang sinabi ko, napakurap na lang siya at napangiti.

Inalalayan ko naman ang aking ama papunta sa aking kwarto, habang ang iba naman ay kasama nila Fantine. Pagkapasok sa aking silid ay agad silang namangha sa laki at ganda nito. Hindi rin nila maialis ang tingin sa mga mamahaling gamit na naka-ayos sa kwarto.

"Ama, umupo po tayo." Tugon ko at inalalayan siyang umupo sa sofa na nasa harap ng kama ko.

"Kamusta ka na, anak? Sinaktan ka ba nila?" Tanong niya.

Ngumiti ako at tinago ang kaliwang kamay ko sa kaniya.

"Maayos lang po ako. Kamusta si ina? Ang mga kapatid ko?" Tanong ko rin.

"Sa ngayon, may sakit ang ate mo. Hindi namin alam kung ano dahil hindi kami makalapit sa doktor." Problemadong sagot niya.

"Ama, kung papayagan ako ng hari ay sasama akong bumalik sa inyo upang bisitahin kayo at ang mga kasamahan natin."

"Clementine, bumalik ka na lang. Pakiusap. Kailangan ka namin. Kailangan kita." Tugon ni Bern, kasama ni ama.

Kababata ko siya. Isa ring magsasaka at sa kaniya ko pinagkatiwala ang pamilya ko bago ang rebolusyon.

"Kahit wala ng magbago. Bumalik ka lang sa amin." Sagot naman ni Angeline, kapatid ni Bern.

"Hindi na ko pwedeng bumalik." Sagot ko sa kanila.

"Bakit? Ayaw mo na ba sa'min? Gusto mo na dito?" Tugon ni Angeline.

"Angeline!" Galit na pagsaway sa kaniya ni Bern.

"Mawalang-galang na." Pagsabat ni Fantine. "Nauunawaan kong malapit kayo noon ngunit isipin niyo ang mga sasabihin niyo sa isang marquise."

"Hindi na siya isang magsasaka o rebelde, babae siya ng hari." Tugon naman ni Julie.

"Maaaring ayos lang kay Madame na sabihan niyo siya ng ganiyan pero kapag nalaman ito ng hari ay hindi na namin masasabi pa." Ani naman ni Isabelle.

Dahil sa mga sinabi nila, nanahimik na lang si Angeline at hindi na nagreklamo pa dahil sa takot.

"Anak. Ayos lang sa akin kahit ano pa ang desisyon mo. Masaya na ko kung mabibisita mo kami kahit ngayon lang."

"Ama..."

"Bago pa mabuo ang alyansa niyo na mag-umpisa ng rebolusyon, hindi na ko payag na sumapi ka sa kanila. Hindi dapat dahas ang gamiting solusyon sa isa pang dahas. Pagkatapos, nang malaman kong namatay ang naunang pinuno at ikaw ang pinalit nila, nanghina ako. Doon pumasok sa utak ko... Paano kung matalo kayo? Paano kung manalo nga kayo pero mawawala ka naman sa akin? Hindi ko kaya. Kahit isa sa inyong magkakapatid, ayokong may mawala. Ang inyong ina at ang tatlo mo pang kapatid na lang ang yaman ko sa mundo." Tugon niya habang lumuluha.

Dahil sa bigat ng emosyon na pinapakita mismo ng aking ama ay hindi ko na rin kaya pang itago ang lungkot ko at tumangis sa harap niya.

"Siguro dahil ayaw ko ay... Alam kong ibang landas ang kailangan mong tahakin kung gusto mo talagang makamtan ang pagbabago. Hindi ko alam kung ito, pero sundin mo lang ang sasabihin ng tadhana sa'yo."

"Ama, wala na kong susundin pa. Ako mismo ang gagawa ng sarili kong tadhana tungo sa gusto kong pagbabago. Kaya huwag na kayong umiyak." Tugon ko at pinahid ang mga luha niya.

Kinuha ko naman ang panyong inabot sa akin ni Isabelle at pinunasan rin ang mukha kong basa ng luha.

"Ang hari... Kamusta ang pagtrato niya sa'yo?" Tanong ni Bern.

"Mabuti naman." Sagot ko at ngumiti.

"Dapat hindi na lang ako pumayag noon na umanib ka. Sana ngayon ay kasama na kita." Seryoso niyang tugon habang diretsong nakatingin sa mga mata ko.

"Ngunit akin na siya."

Lahat kami ay napalingon sa hari. Hindi namin napansin na dumating pala siya.

"Kamahalan." Bati sa kaniya ni Fantine at tumungo kasabay ang dalawa pa.

Wala namang ibang nagawa ang dalawang magkapatid at ang aking ama kundi ang lumuhod.

"Kayo ang ama ni Clementine. Tumayo po kayo." Magalang na tugon niya sa aking ama.

Tumingin sa akin ang aking ama na tila nagtatanong kung anong gagawin. Inalalayan ko na lang siyang tumayo at muling umupo sa tabi ko.

"Alam mo ba kung nasaan ka?" Tanong ng hari kay Bern.

"Nasa palasyo po, kamahalan." Mahinang sagot nito.

"Tama ka. Palasyo ko 'to. Lahat ng nandito ay akin. Kahit si Clementine pa."

Napaangat ng tingin sa kaniya si Bern at halatang hindi ito natutuwa sa mga narinig niya.

"Malinaw ba o kailangan ko pang ulitin?"

"Francis." Pagtawag ko sa kaniya upang sa akin naman mabaling ang atensyon niya. "Bibisitahin ko ang pamilya ko."

Nilagpasan niya si Bern at lumapit sa akin. "Walang problema." Sagot niya.

Napangiti ako sa naging sagot niya at maging ang aking ama ay natuwa.

"Pero..." Tugon niya at maingat na hinawakan ang kaliwang kamay ko kung nasaan ang singsing. "Umayon ka kung sino ka."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Nakita ko kung paano ka i-trato kanina. Baka kapag bumalik ka roon ay bulyawan ka rin." Tugon niya at tumingin kay Angeline bago muling binalik ang tingin sa akin. "Marquise ka at hindi ka na isang magsasaka. May katungkulan ka at higit na mas mataas ka sa kanila. Ikaw ang pinakapinapaboran kong babae sa palasyo, wala silang karapatang i-trato ka na parang ka-uri ka lang nila. Kapag nalaman kong napagtaasan ka ng kahit isa sa kanila ay sisiguraduhin kong ibaba ko siya sa impyerno."

"Kung 'yan ang gusto mo. Susundin ko para bisitahin ang pamilya ko." Sagot ko sa kaniya.

"Alphonse." Pagtawag niya sa tauhan niya.

Pumalakpak ito at pumasok ang iba pang katulong sa silid na may dalang mga kahon.

"Tumayo na kayo at tulungan niyo ang amo niyo." Tugon ng hari kay Fantine.

"Salamat po." Sagot nila at tumayo upang tumulong.

"Tatlong maliliit na kahon po ito at dalawang malaki. Laman po ng unang kahon ay mga ginto. Ang pangalawa naman po ay mga alahas. Ang pangatlo naman po ay mga pampaganda. Ang dalawang malaking kahon naman po ay parehong mga damit ang laman. 'Yon lamang po, Madame." Paliwanag sa akin ni Alphonse.

"Sasama rin sa'yo sila Fantine upang siguraduhin ang kalagayan mo. Hindi ka rin tutuloy sa bahay niyo. Tutuloy ka sa palasyo ko malapit sa inyo." Sabi ng hari.

"Bakit kailangan pa?" Kunot-noong tanong ko sa kaniya.

"Tandaan mo. Bibisita ka lang at hindi ka titira roon."

Tinignan ko ang aking ama at tumango na lamang siya sa akin.

"Ang plano ko nga palang paaralan-"

"Ako na ang bahala." Sagot niya.

"May isa pa kong gusto." Tugon ko.

"Sabihin at ibibigay ko."

"Imbes na bigyan mo ko ng kung anong mamahaling gamit... Bigyan mo na lang ako ng sapat na dami ng pagkaing maaari kong ibigay sa kanila sa pagbisita ko."

"Bibigyan kita pero sa'yo pa rin ang mga gamit mo." Sagot niya sa akin.

"Alphonse. Narinig mo ang gusto niya." Tugon niya sa kaniyang alalay na agad namang tumango.

"Bibigyan kita ng isang linggo at babalik ka sa akin." Mahina niyang tugon at hinalikan ang noo ko.

Humiwalay na siya sa akin at mabilis na lumabas kasama ang mga katulong niya.

"Mukha ngang masaya ka na." Mapait na tugon ni Bern.

"Julie, ihatid mo muna ang mga bisita sa labas at alalayan mo ang ama ni Madame." Utos ni Fantine rito na kusang-loob niyang sinunod.

Ayaw pa sanang sumama ni Bern ngunit wala na rin siyang nagawa at sumunod na lang.

"Madame, may nakaraan ba kayo ng lalaking 'yon?" Tanong ni Fantine.

"Meron." Sagot ko. "Ipinangako ng mga magulang namin na ikakasal kami sa isa't-isa."

"May nararamdaman ka ba sa kaniya?" Tanong ni Isabelle.

"Basta ang alam ko lang noon ay siya ang pakakasalan ko dahil sa kasunduan. Kumportable ako sa kaniya dahil kaibigan ko siya at hanggang doon lang."

"Mabuti naman po." Tugon ni Fantine na nakahinga ng maluwag.

"Madame, magkwento po kayo tungkol sa pamilya niyo para may ideya po kami bago sila makilala." Sabi naman ni Isabelle.

"Nakita niyo naman kanina na ang aming ama ay mabuti sa amin. Ebidensiya ang kalyo sa mga kamay niya at ang mga luha niyang itinatangis para sa amin. Ang aming ina, malakas na babae. May sariling paninindigan at tunay niyang mahal ang aking ama. Mula siya sa may kayang pamilya ngunit mas pinili niyang makasama ng masaya ang aking ama kaysa mabuhay ng miserable sa iba." Pagkwento ko sa mga magulang ko.

"Dama ko sa inyong tono ang pagmamahal sa kanila." Komento ni Isabelle na ikinangiti at ikinatango ko.

"Ang mga kapatid ko naman..."

"Ang panganay namin ay si ate Clemance. Mahina ang kaniyang katawan at lagi siyang may sakit. Dahil sa karamdaman niya ay nanatili na lang siyang nakaratay sa kama at hindi na makalabas. Naging malungkutin siya at mainitin ang ulo. Sa aming pamilya, ako lamang ang mahinahon niyang nakakausap at hindi tinataboy."

"Ako naman ang sumunod sa kaniya. Dahil sakitin si ate, ako ang tumayong panganay. Ako ang gumagawa ng mga gawaing-bahay at tumutulong minsan sa sakahan. Nakita ng aking ina ang pagtiya-tiyaga ko at tinuruan niya kong magbasa at magsulat, umaasa na baka ako ang bumago ng buhay namin. Lumaki akong matapang gaya ng aking ina at dahil banat ang buto ko sa init ng araw, lumaki akong malakas."

"Sumunod sa akin si Cayenne. Basagulero at napakatigas ng ulo. Hindi siya nakikinig sa mga magulang namin at nagagalit kapag pinagsasabihan. Hindi rin siya marunong sumeryeso at rumespeto ng babae. Kung maaari ko lamang siyang alugin hanggang sa maayos ang pwesto ng utak niya ay gagawin ko. Gago siya. Ang hirap na nga ng buhay namin, dadagdag pa."

"Ngunit kung may Cayenne sa buhay namin, natutuwa akong dumating si Corbeau. Siya ang bunso at katulong ng aking ama sa mga gawain niya. Kung minsan pa nga ay kumukuha pa siya ng iba pang trabaho upang makatulong sa mga panggastos namin. Napakaganda ng boses niya at 'yon ang ginagamit niya upang mapatulog kami sa gabi kahit walang laman ang mga sikmura namin."

"Ang hirap po pala ng buhay niyo." Tugon ni Isabelle.

"Hindi lang kami. May iba pa nga na mas malala ang pinagdadaanan sa amin." Sagot ko.

"May awa ang Dios, Madame." Payo sa akin ni Madame.

Napangisi ako at sumagot.. "Madame, patawarin mo ko ngunit hindi ako naniniwala sa Kaniya."

"Sa dami ng hirap na pinagdaanan namin. Sa dami ng pagluhod at pagtawag namin sa pangalan Niya. Hindi ko alam kung maniniwala pa ko."

"Madame..."

"Mag-ayos na tayo ng gamit. Tulungan niyo ko."

Kaugnay na kabanata

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 7

    CHAPTER 7CLEMENTINE DESCHAMPS"Mag-ingat po kayo." Tugon sa akin ng mga batang maharlika habang binibigyan ako ng mga bulaklak."Salamat." Nakangiting tugon ko sa kanila."Umalis na kayo para pagdating niyo mamayang gabi ay makapagpahinga na kayo." Sabi ng hari."Sige.""Tara na po, Madame." Tugon sa akin ni Fantine at inalalayan akong pumasok sa karwahe.Isinara na niya ang pinto at umupo sa harap ko. Lumingon ako sa bintana at muling nagtama ang mga tingin ng hari."Huwag kang mamamatay."Iba talaga ang diksyunariyo ng taong 'to. Sasabihin lang na mag-ingat, mahirap ba 'yon?Nang umandar na ang karwahe ay inalis ko na ang tingin sa kaniya at ibinaba na ni Fantine ang kurtina."Madame, sa Rouen po tayo, hindi po ba?" Tugon ni Fantine.Tumango na lang ako bilang sagot."Ikukuha ko na lang po kayo ng libro para malibang kayo habang nasa byahe." Tugon niya at binuksan ang kahong nasa tabi niya.Ang tagal na niyang naghahanap pero wala pa siyang binibihay."May problema ba?" Tanong ko s

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 8

    CHAPTER 8 CLEMENTINE DESCHAMPS"Mukhang mas mabuti na po talaga ang lagay ng kamay niyo, Madame." Sabi sa akin ng doktor."Doktor, kayo rin po ang tumingin sa kalagayan ng kapatid ko diba?""Opo. Tama po kayo. May impeksyon siya sa baga.""Alagaan niyo siya.""Madame, sa tingin ko po ay may nalalaman kayo sa medisina. Siguro po ay hindi rin lingid sa kaalaman niyo na kailangan niyang magpagaling sa isang malinis na lugar na may sariwang hangin, mahihirapan siya sa inyong tahanan." Paliwanag nito."Alam ko, doktor. Titignan ko kung anong magagawa ko." Sagot ko sa kaniya."Mauuna na po ako, Madame." Sagot niya at yumuko bago umalis kasama ang alalay niya."Mukhang kailangan niyo na pong ilipat ang kapatid niyo." Tugon ni Fantine habang nilalagyan ng gamot ang kamay ko."Paano po kaya kung ilipat niyo siya sa Versailles?" Suhestiyon naman ni Julie."At pagka-isahan din siya ng ibang maharlika? Huwag na lang." Sagot ko."Ano po ang plano niyo?" Tanong ni Isabelle."Hindi ko pa alam."Ina

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 9

    CHAPTER 9CLEMENTINE DESCHAMPS"Gising ka na pala." Rinig kong sabi sa akin ni Francis.Teka? Francis?Napatingin ako sa direksyon kung saan nanggaling ang boses na narinig ko at nakita si Francis na katabi kong nakahiga sa kama.Binabangungot ba ko o ano?"Bakit ganiyan ang itsura mo?" Kunot-noong tanong niya.Kung nakakunot ang noo niya ay napakunot din ang noo ko."Anong ginagawa mo dito? Diba dapat nasa Versailles ka?" Gulat kong tanong sa kaniya."Wala akong ginagawa." Dahilan niya."Wala kang ginagawa? Bakit hindi mo gawin ang trabaho mo bilang hari?""Kaya kong gawin dito 'yon.""Sinundan mo ba ko dito?" Tanong ko sa kaniya."Sinundan? Sino ka para sundan ko?" Pagtanggi niya."Kung gan'on... BAKIT KA NANDITO?" Madiin kong tanong."Ayaw mo bang nandito ako o ano? Alam mo bang wala pa kong tulog dahil ginugol namin ang buong gabi na bumabyahe papunta lamang rito?""Wala naman akong sinabi na ayaw kong nandito ka. Nagtatanong lang ako kung bakit ka nandito. Isa pa, kasalanan ko ba

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 10

    CHAPTER 10FRANCIS OF FRANCECrack!"MGA WALA SILANG KWENTA! SINONG NAGBIGAY SA KANILA NG KARAPATANG KWESTYUNIN AKO?!""Mahal na hari, huminahon po kayo." Pagpapakalma sa akin ni Alphonse.Napasabunot na lang ako sa sarili ko at pabagsak na umupo.Si Alphonse naman ay tumawag ng mga tagapaglingkod na maglilinis ng kalat mula sa tasang binasag ko."Huminahon ka tapos pag-usapan natin." Muli niyang tugon."HUMINAHON?! PAANO AKO HIHINAHON SA MGA GAGONG 'YON?! SINUSUBUKAN TALAGA NILA AKO!""Kahit na ayaw mong makialam sila sa buhay mo, wala kang magagawa." Sagot niya.Matalim akong tumingin sa kaniya."Kung sa tingin nila matatakot nila ako, nagkakamali sila!" Tugon ko habang nagpipigil ng galit."Kamahalan, bakit galit na galit ka? Diba dapat mas maganda ang pakiramdam mo dahil sa nangyari sa inyo ni Clementine?"Mas lalo napakunot ang noo at mas lalong nag-init ang dugo ko sa sinabi niya.Nagulat na lang siya nang sipain ko ang lamesang nasa harap ko papunta sa kaniya."T-Teka... Ibig s

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 11

    CHAPTER 11CLEMENTINE DESCHAMPS"Ito na ang huling araw mo dito, tama?" Pagkumpirma ni Padre Amadeo."Ito na nga po at babalik na kami sa Versailles bukas ng umaga." Sagot ko."Buti at hindi ka niya sinundan ngayon." Natatawang biro ni Padre Amadeo.Alam kong biro lang pero hindi ako natutuwa."Oo nga pala." Bigla niyang tugon. "Ang paghanap mo sa salarin?""Hinahanap na siya." Sagot ko."Mabuti naman at maayos mong kausap si Bern tungkol sa bagay na ito.""Maayos namang kausap si Bern. Iniintindi niya ko.""Mukhang malungkot ka pa rin." Tugon ni Padre.Nilingon ko siya at sandaling ngumiti."Hindi lang ako basta malungkot..." Mahina kong tugon.I'm broken."Kamusta na nga pala si Clemance?" Pagkamusta niya sa kapatid ko."Ginagamot siya pe

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 12

    CHAPTER 12CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, sumuko na daw po ang England laban sa France." Balita sa akin ni Fantine.Napatango na lang ako. Alam ko naman kasi na talagang matatalo na ang England, hindi na nakakagulat."Pwede ko bang malaman kung ano ang naging kasunduan nila?" Tanong ko."Opo." Sagot niya at may kinuha sandali. "Ito po." Tugon niya at binigay sa akin ang isang dokumento.Ang dokumento ay sinulat sa dalawang lenggwahe. Ang unang mga kataga ay nakasulat sa wika namin at ingles naman ang nasa baba.Unang kasunduan pa lang ang nababasa ko pero nanlaki na ang mga mata ko."Totoo ba 'to?" Hindi ko makapaniwalang tanong."Opo." Masaya niyang sagot.Napangiti ako nang muling basahin ang unang kasunduan.'Hindi na kailangan pang magbayad ng utang ang France sa England. Ang utan

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 13

    CHAPTER 13CLEMENTINE DESCHAMPSIsang linggo na ang nakaraan pero hindi ko pa rin nakikita ang hari. Wala na rin akong malaman na kahit ano tungkol sa nangyari noon."Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Julie habang nilalagyan ng pulbos ang mukha ko."Oo naman." Sagot ko at pinilit na ngumiti."Madame." Pagtawag sa akin ni Isabelle na kapapasok lang sa kwarto ko. "Hindi raw po kailangang ihatid ngayon ang agahan niyo. Sasabay daw po kayo sa pagkain ng hari.""Ha?" Gulat kong tanong. "Maayos na siya?""Opo. 'Yon po ang sabi nila."Makikita ko na siya. Baka magkaroon na ko ng ideya kung ano bang nangyari sa kaniya."Sige. Pwede na 'yan." Tugon ko sa kanola at tumayo na."Mukhang gusto niyo po siyang makita?" Panunukso sa akin ni Julie.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa panunukso

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 14

    CHAPTER 14CLEMENTINE DESCHAMPS"Maraming salamat, Padre." Pamamaalam ko kay Padre Amadeo."Mag-iingat ka." Tugon niya. "Ihahatid na kita palabas.""Madame." Tawag sa akin ni Alphonse pagkalabas ko ng simbahan.Kunot-noo ko naman siyang tinignan.Anong ginagawa niya dito?"Pinasunod ako ng hari, Madame. Utos niya na hindi na maaari pang maulit ang nangyaring pagtatangka sa buhay niyo." Sagot niya na tila nabasa ang iniisip ko."Alphonse." Bati rin sa kaniya ni Padre na nakasunod sa akin."Padre." Tugon niya pabalik. "Mauuna na po kami.""Mag-iingat kayo."Tumango na lang siya kay Padre.May nararamdaman akong kakaiba. Bakit parang masyadong seryoso si Alphonse?"Tara na po."Naglakad na kami papunta at tinulungan niya kong makasakay sa karwahe.

Pinakabagong kabanata

  • Clementine: The Mistress   EPILOGUE

    CLEMENTINE DESCHAMPS"Magandang umaga, Madame," masayang bati sa'kin ni Fantine.Ngunit imbes na tumugon ako ay minasahe ko ang magkabila kong sintido. Medyo nahihilo ako."May problema ba, Madame?""Nahihilo ako.""Madame, mukhang napapadalas ang pagkahilo n'yo," sagot niya. "At pansin ko rin ang pagtaba n'yo.""Pagtaba?" Tanong ko. "'Di kaya...?"Mukhang nakuha rin ni Fantine ang sinasabi ko. "Julie, tawagin mo si Oriel.""Sige po," tugon niya bago madaling umalis."Ibig mong sabihin, Madame," usal naman ni Isabelle. "Buntis kayo?""Hindi pa tayo sigurado ngunit ganito rin ako noon kay Maëlle. Mabuti na magpatingin na 'ko agad kay Oriel."Ilang sandali lamang ay dumating na si Oriel at tinignan ang pulso ko."Totoo, Madame. Buntis ka nga.""Binabati ka namin, Madame!" Bati ng tatlo."Ang emperador ng France!"Agad kaming napatayo nang pumasok sa silid si Francis."Anong problema?" Tanong niya. "Bakit nagpatawag ng doktor si Clementine?""Walang problema, Francis," sagot ko."Binabat

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 56

    CHAPTER 56CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, oras na," paggising sa'kin ni Fantine.Kahit na gusto ko pang matulog ay bumangon na rin ako. Kailangan kong mag-ayos ngayon dahil ngayon ang araw na gugulong ang ulo ni Charlotte mula sa guillotine.Lumusong ako sa banyera na may lamang maligamgam na tubig at naligo. Pagkatapos maligo ay pinili ko ang isang kulay pulang bestida upang isuot. Pagkatapos kong magbihis ay inayusan na nila ako at pinasuot ng mga alahas na bagay sa suot kong damit, kasama na r'on ang ginto kong korona na may mga pulang bato."Bagay na bagay sa inyo, Madame," wika ni Julie."Totoo," tugon naman ni Isabelle. "Talagang kuhang-kuha ni Madame ang presensya ng isang emperatris."Napabungisngis na lang ako sa mga papuri nila."Kailangan na nating umalis, Madame," usal naman ni Fantine.Lumakad na kami at nagtungo sa labas ng palasyo. Agad naming nakita sina Francis at ang iba pa. Mukhang kami na lang pala ang hinihintay."Clementine," pagtawag sa'kin ni Francis bago niya k

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 55

    CHAPTER 55CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame," usal ni Fantine. "Nandito si Duchesse Celine.""Papasukin n'yo siya."Nang binigay ko ang permiso ko ay dali-dali nilang binuksan ang pinto ng aking silid upang makapasok ang duchesse. 'Di ko napigilang mapangiti nang makita siya. Nakasuot siya ng kulay pulang damit na binagayan niya ng mga kulay itim na mga alahas na may kulay pulang mga bato. Bagay na bagay sa kaniya ang ayos niya."Clementine," wika niya bago ako yakapin nang mahigpit."Duchesse Celine, dahan-dahan lang po," usal naman ni Fantine. "Kakaayos lang po namin kay Madame. Malapit na po ang oras ng kasal. Baka mamaya po ay mahuli siya nagulo ang ayos niya."Dahil sa sinabi ni Fantine ay binitawan ako ng duchesse. "Sabi ko nga," tugon pa niya.Tinignan kong muli ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng kulay berdeng damit na binagayan nila ng mga gintong alahas. Kung ako ang tatanungin ay sobra 'tong mga pinasuot nila sa'kin, ngunit dahil espesyal ang araw ngayon ay pumayag din ak

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 54

    CHAPTER 54CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama!" Masayang bulalas ni Maëlle nang makita niya 'ko.Lalapit sana siya sa'kin upang yumakap ngunit pinigilan siya ng mga babaeng nag-aayos sa kaniya. "Sandali lamang, mahal na prinsesa! Inaayusan ka pa namin! At baka magulo ang damit mo!"Natawa na lang ako bago umupo sa isang malapit na upuan. "Sundin mo sila, Maëlle.""Opo," sagot nito bago muling maupo sa upuan upang ituloy ang pag-ayos sa kaniya.'Di ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod silang ayusan ang anak ko. Nakasuot siya ng kulay bughaw na damit na kakulay ng kaniyang mga mata. Kumikinang naman sa liwanag ang kulay ginto niyang buhok. Pareho niyang namana ang kulay ng mga ito sa kaniyang ama. Ang tanging namana lamang niya sa'kin ay ang hugis ng kaniyang mukha.Kaya siya binibihisan ngayon ay dahil ngayon na ang araw kung kailan siya kikilalanin bilang Madame Royale. Masaya akong makitang naibibigay sa kaniya ni Francis ang mga bagay na nararapat para sa kaniya. Ngayon ay pinaghahanda

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 53

    CHAPTER 53CLEMENTINE DESCHAMPS"Francis, Madame, gising..."Sabay kaming nagising ni Francis nang marinig ang boses ni Oriel."Anong problema?" Tanong ni Francis. "May problema ba kay Maëlle?""Walang problema kay Maëlle. 'Wag kayong mag-alala sa kaniya," tugon ni Oriel ngunit halata ang pagkabahala sa mukha. "Ngunit magbihis na kayo.""Kung gan'on bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko. "Anong nangyayari?""Si Duchesse Celine..."___"Nasaan sila?" Tanong ni Francis kay Oriel habang nagmamadali kaming maglakad sa pasilyo ng palasyo."Sa may simbahan, Francis," hinihingal na tugon ni Oriel. "Madali kayo.""Anong nangyari?" Muling tanong ni Francis. "Sinabihan ko siya na 'wag munang gumawa ng kahit na ano. Makakapaghintay pa ang parusa para kay Charlotte. Bakit niya tinututukan ngayon ng baril si Charlotte?""'Di rin namin alam, Francis. Basta't naroon ngayon si Alphonse para pakalmahin ang duchesse at pigilan siyang iputok ang baril."Nang makarating kami sa simbahan ng palasyo ay n

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 52

    CHAPTER 52CLEMENTINE DESCHAMPS"Pinatawag mo raw ako," wika ko nang makapasok ako sa kwarto ni Francis at huminto sa harap niya.Nagbabasa siya ng mga dokumento habang nakaupo sa dulo ng kama nang inangat niya ang tingin niya upang tumingin sa'kin. "Kumusta si Maëlle?""Ayun," usal ko. "Maaga siyang natulog ngayon dahil sa pagod. Ngunit napakasaya niya kanina, salamat sa'yo."Hinagis niya sa sahig ang mga hawak niyang dokumento bago ako hilahin paupo sa mga hita niya. "Kumusta ka naman?" Bulong niya habang gumagala ang kamay niya sa batok ko pababa sa likod ko."Masaya rin. Nandito na 'ko uli kasama ka," mahinahon kong tugon kahit nararamdaman ko na ang pag-init ng katawan ko sa mga hawak niya."Masaya rin ako," wika niya. "Alam mo ba kung gaano ako nangulila sa'yo? Kapag nahiwalay ka pa uli sa'kin, 'di ko na kakayanin."'Di na 'ko nakasagot pa dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa'kin upang ihiga sa kama. Agad niya 'kong pinaibabawan at tinanggal ang pangtaas niyang damit. Napalunok a

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 51

    CHAPTER 51CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama, tignan mo! Ang laki!" Masayang wika ni Maëlle habang nakaturo sa cake na nasa gitna ng kasiyahan.Lumapit ako sa kaniyang upang bumulong. "Para sa'yo 'yan. Gusto mo bang kumuha ng isang hiwa?"Nang tumango siya ay agad siyang kinuha ni Fantine ng isang hiwa ng cake. Iniwan ko na muna siya kay Fantine upang kumain. Naglakad-lakad muna ako at nakipag-usap sa mga taong nandito sa kasiyahan. Halata sa mga ngiti nila ang saya na makita akong muli. Habang kinakausap ko sila ay 'di nila mapigilang magbato ng mga masasamang salita kay Charlotte. 'Di ko na lang pinapansin dahil inasahan ko na na ganito ang mangyayari. Kasalanan na ni Charlotte kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa kaniya ngayon. Inaani niya lang ang mga tinanim niya.Napangiti ako nang makitang kausap ni Francis si Maëlle. Masaya ak

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 50

    CHAPTER 50FRANCIS DE FRANCE"Ngayon na ang pagbabalik nila," wika ni Alphonse habang tinutulungan niya 'kong magbihis. "Makikita mo na ang prinsesa, Francis. Makakasama mo na uli si Clementine."Napangiti ako. Isipin ko pa lang na makikita ko na uli si Clementine, 'di na mapakali ang puso ko. Ilang taon na ang nagdaan. 'Di ko alam kung paano ko kinaya na wala siya sa tabi ko. Dahil sa bawat araw na 'di ko siya nakikita, nanghihina ako. Nais ko na siyang makita, mayakap, at mahalikan uli.At ang anak namin...Nais ko nang makita si Maëlle. 'Di ko man lang siyan nahawakan nang pinanganak siya. Ngunit ngayong dito na sila sa Versailles mananatili, uubusin ko ang oras kasama siya. Gusto ko na siyang makita, mayakap, at makausap. Kung gusto niya, maglalaro kami hangga't gusto niya. Ipapaluto ko ang mga paborito niyang pagkain hanggang sa magsawa s

  • Clementine: The Mistress   CHAPTER 49

    CHAPTER 49DUCHESSE CELINE DE BERRYApat na taon na ang nakalilipas nang manganak si Clementine. Sa apat na taon na 'yon, nagawang paliitin ng France ang malawak na imperyo ng Alemanya. Nagawang sakupin ni Francis ang Alemanya nang 'di direktang nag-aanunsyo ng digmaan. Dahil sa mga magaganda niyang pangako, nagawa niyang kumbinsihin ang mga mamamayan at mga maharlika ng Alemanya na magpasakop sa France. At dahil nagawa ni Francis na tuparin ang plano niya nang ganito kabilis, pinaghihinalaan ng Alemanya si Charlotte. Iniisip nila na tinraydor niya sila. Wala nang dahilan pa ang Alemanya para protektahan siya. 'Di nagawa ni Charlotte na pigilan si Francis sa pagsakop sa Alemanya. Wala rin siyang anak. Wala na siyang kwenta pa.Kaarawan ngayon ni Maëlle. Apat na taon na siya. Kasalukuyan akong nasa loob ng karwahe kasama si Maëlle, at ang kaniyang ina. Babalik na kami sa Versailles kung saan may naghihintay na kasiyahan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Maëlle.Tiyak 'kong nasasabik na

DMCA.com Protection Status