CHAPTER 11CLEMENTINE DESCHAMPS"Ito na ang huling araw mo dito, tama?" Pagkumpirma ni Padre Amadeo."Ito na nga po at babalik na kami sa Versailles bukas ng umaga." Sagot ko."Buti at hindi ka niya sinundan ngayon." Natatawang biro ni Padre Amadeo.Alam kong biro lang pero hindi ako natutuwa."Oo nga pala." Bigla niyang tugon. "Ang paghanap mo sa salarin?""Hinahanap na siya." Sagot ko."Mabuti naman at maayos mong kausap si Bern tungkol sa bagay na ito.""Maayos namang kausap si Bern. Iniintindi niya ko.""Mukhang malungkot ka pa rin." Tugon ni Padre.Nilingon ko siya at sandaling ngumiti."Hindi lang ako basta malungkot..." Mahina kong tugon.I'm broken."Kamusta na nga pala si Clemance?" Pagkamusta niya sa kapatid ko."Ginagamot siya pe
CHAPTER 12CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, sumuko na daw po ang England laban sa France." Balita sa akin ni Fantine.Napatango na lang ako. Alam ko naman kasi na talagang matatalo na ang England, hindi na nakakagulat."Pwede ko bang malaman kung ano ang naging kasunduan nila?" Tanong ko."Opo." Sagot niya at may kinuha sandali. "Ito po." Tugon niya at binigay sa akin ang isang dokumento.Ang dokumento ay sinulat sa dalawang lenggwahe. Ang unang mga kataga ay nakasulat sa wika namin at ingles naman ang nasa baba.Unang kasunduan pa lang ang nababasa ko pero nanlaki na ang mga mata ko."Totoo ba 'to?" Hindi ko makapaniwalang tanong."Opo." Masaya niyang sagot.Napangiti ako nang muling basahin ang unang kasunduan.'Hindi na kailangan pang magbayad ng utang ang France sa England. Ang utan
CHAPTER 13CLEMENTINE DESCHAMPSIsang linggo na ang nakaraan pero hindi ko pa rin nakikita ang hari. Wala na rin akong malaman na kahit ano tungkol sa nangyari noon."Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Julie habang nilalagyan ng pulbos ang mukha ko."Oo naman." Sagot ko at pinilit na ngumiti."Madame." Pagtawag sa akin ni Isabelle na kapapasok lang sa kwarto ko. "Hindi raw po kailangang ihatid ngayon ang agahan niyo. Sasabay daw po kayo sa pagkain ng hari.""Ha?" Gulat kong tanong. "Maayos na siya?""Opo. 'Yon po ang sabi nila."Makikita ko na siya. Baka magkaroon na ko ng ideya kung ano bang nangyari sa kaniya."Sige. Pwede na 'yan." Tugon ko sa kanola at tumayo na."Mukhang gusto niyo po siyang makita?" Panunukso sa akin ni Julie.Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa panunukso
CHAPTER 14CLEMENTINE DESCHAMPS"Maraming salamat, Padre." Pamamaalam ko kay Padre Amadeo."Mag-iingat ka." Tugon niya. "Ihahatid na kita palabas.""Madame." Tawag sa akin ni Alphonse pagkalabas ko ng simbahan.Kunot-noo ko naman siyang tinignan.Anong ginagawa niya dito?"Pinasunod ako ng hari, Madame. Utos niya na hindi na maaari pang maulit ang nangyaring pagtatangka sa buhay niyo." Sagot niya na tila nabasa ang iniisip ko."Alphonse." Bati rin sa kaniya ni Padre na nakasunod sa akin."Padre." Tugon niya pabalik. "Mauuna na po kami.""Mag-iingat kayo."Tumango na lang siya kay Padre.May nararamdaman akong kakaiba. Bakit parang masyadong seryoso si Alphonse?"Tara na po."Naglakad na kami papunta at tinulungan niya kong makasakay sa karwahe.
CHAPTER 15FRANCIS OF FRANCE"Huwag kayong mag-alala. Ayos lang si Duchesse Celine." Sabi sa akin ni Oriel."Kung ayos lang siya, bakit siya nawalan ng malay?" Tanong ko."Alam naman natin na noon pa man ay mahina na ang baga niya. Siguro ay masyado siyang nadala ng emosyon, kaya siya nawalan ng malay." Paliwanag niya.Muntik na kong matumba nang sandali akong mabingi at manglabo ang paningin."Ikaw? Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa'kin habang inaalalayan ako."Si Celine na lang ang pansinin mo." Sagot ko.Alam ko namang nagkakaganito lang ako dahil hindi pa ko natutulog. Hindi niya na kailangan pang alalahanin."Pansin ko rin na amoy alak ka." Pagpuna niya."Oriel, ayos lang ako.""Puro ka ayos! Kapag ikaw talaga nawalan ng malay, hindi kita gagamutin!" Sigaw niya.Napata
CHAPTER 16CLEMENTINE DESCHAMPS"SALIR!"Napatigil kami sa pagpasok sa kwarto nang makitang itinapon sa sahig ni Sofia ang mga pagkain niya. Kita ko naman ang pagkabalisa ng mga katulong niya habang pinupulot at nililinis ang kalat niya. Muli kong binalik ang tingin sa kaniya na nakatalikod ngayon at tila nagpupuyos sa galit."Anong nangyayari?" Tanong ko at pumasok na sa kwarto niya."M-Madame...""HINDI NIYO BA NARINIG ANG SINABI KO?! UMALIS KAYO!""O-Opo..." Sabay nilang tugon at isa-isang naglabasan sa kwarto niya."Iwan niyo din muna kami." Utos ko kay Fantine.Tumango naman siya sa akin at hinatak palabas si Julie at Isabelle."Anong problema mo?" Taas-kilang kong tanong sa kaniya. "Umagang-umaga nagwawala ka."Huminga siya ng malalim na para bang pinapakalma ang saril
CHAPTER 17CLEMENTINE DESCHAMPSLinggo na uli kaya naman pinayagan ako ni Francis na makapunta sa Notre Dame. Balak ko rin sanang bisitahin ang pamilya ko at alamin ang kalagayan ng ate ko. Sana lang ay mas maayos na siya ngayon.Katulad nang nakaraan, si Alphonse at ang mga tao niya ang magbabantay sa'kin. Hindi raw kasi papayag si Francis na umalis ako ng walang bantay, baka may magtangka na naman daw sa buhay ko."Madame, nakaimpake na po ng maayos ang mga gamit." Sabi sa akin ni Fantine.Sumunod na ko sa kaniya palabas ng palasyo, kung saan naghihintay ang mga karwahe."Francis." Nakangiting tawag ko sa kaniya nang makitang naghihintay siya sa labas.Nang makalapit ako ay agad niyang inabot ang kamay ko at hinalikan."Pasensya ka na at hindi ako makakasama, marami pa kong dapat asikasuhin." Paumanhin niya.Umiling ako. "Naii
CHAPTER 18CLEMENTINE DESCHAMPSNapatayo si Francis nang makita ang babae."Charlotte?" Pagtawag niya dito.Mas lalo pang lumawak ang ngiti ng babae, lumapit siya kay Francis at agad itong niyakap."Ang tagal din nating hindi nagkita!" Masayang turan nito sa kaniya habang nakayakap pa rin.Napatingin naman ako kay Fantine nang hawakan niya ang balikat ko, ngunit muli ko ring binalik ang tingin kina Francis.Bumitaw na siya kay Francis at muling nagsalita. "Ikaw ha! Bakit hindi ka na nagpapadala ng mga sulat sa'kin?!""Marami akong ginagawa, Charlotte. Alam mo namang basta may libre akong oras, susulatan kita." Sagot ni Francis.Kumapit naman siya sa braso ni Francis. "Ang lakas ko talaga sa'yo!""Mahal na prinsesa." Bati ng kapatid ni Sofia at yumuko, tumungo rin si Sofia bilang paggalang.
CLEMENTINE DESCHAMPS"Magandang umaga, Madame," masayang bati sa'kin ni Fantine.Ngunit imbes na tumugon ako ay minasahe ko ang magkabila kong sintido. Medyo nahihilo ako."May problema ba, Madame?""Nahihilo ako.""Madame, mukhang napapadalas ang pagkahilo n'yo," sagot niya. "At pansin ko rin ang pagtaba n'yo.""Pagtaba?" Tanong ko. "'Di kaya...?"Mukhang nakuha rin ni Fantine ang sinasabi ko. "Julie, tawagin mo si Oriel.""Sige po," tugon niya bago madaling umalis."Ibig mong sabihin, Madame," usal naman ni Isabelle. "Buntis kayo?""Hindi pa tayo sigurado ngunit ganito rin ako noon kay Maëlle. Mabuti na magpatingin na 'ko agad kay Oriel."Ilang sandali lamang ay dumating na si Oriel at tinignan ang pulso ko."Totoo, Madame. Buntis ka nga.""Binabati ka namin, Madame!" Bati ng tatlo."Ang emperador ng France!"Agad kaming napatayo nang pumasok sa silid si Francis."Anong problema?" Tanong niya. "Bakit nagpatawag ng doktor si Clementine?""Walang problema, Francis," sagot ko."Binabat
CHAPTER 56CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, oras na," paggising sa'kin ni Fantine.Kahit na gusto ko pang matulog ay bumangon na rin ako. Kailangan kong mag-ayos ngayon dahil ngayon ang araw na gugulong ang ulo ni Charlotte mula sa guillotine.Lumusong ako sa banyera na may lamang maligamgam na tubig at naligo. Pagkatapos maligo ay pinili ko ang isang kulay pulang bestida upang isuot. Pagkatapos kong magbihis ay inayusan na nila ako at pinasuot ng mga alahas na bagay sa suot kong damit, kasama na r'on ang ginto kong korona na may mga pulang bato."Bagay na bagay sa inyo, Madame," wika ni Julie."Totoo," tugon naman ni Isabelle. "Talagang kuhang-kuha ni Madame ang presensya ng isang emperatris."Napabungisngis na lang ako sa mga papuri nila."Kailangan na nating umalis, Madame," usal naman ni Fantine.Lumakad na kami at nagtungo sa labas ng palasyo. Agad naming nakita sina Francis at ang iba pa. Mukhang kami na lang pala ang hinihintay."Clementine," pagtawag sa'kin ni Francis bago niya k
CHAPTER 55CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame," usal ni Fantine. "Nandito si Duchesse Celine.""Papasukin n'yo siya."Nang binigay ko ang permiso ko ay dali-dali nilang binuksan ang pinto ng aking silid upang makapasok ang duchesse. 'Di ko napigilang mapangiti nang makita siya. Nakasuot siya ng kulay pulang damit na binagayan niya ng mga kulay itim na mga alahas na may kulay pulang mga bato. Bagay na bagay sa kaniya ang ayos niya."Clementine," wika niya bago ako yakapin nang mahigpit."Duchesse Celine, dahan-dahan lang po," usal naman ni Fantine. "Kakaayos lang po namin kay Madame. Malapit na po ang oras ng kasal. Baka mamaya po ay mahuli siya nagulo ang ayos niya."Dahil sa sinabi ni Fantine ay binitawan ako ng duchesse. "Sabi ko nga," tugon pa niya.Tinignan kong muli ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng kulay berdeng damit na binagayan nila ng mga gintong alahas. Kung ako ang tatanungin ay sobra 'tong mga pinasuot nila sa'kin, ngunit dahil espesyal ang araw ngayon ay pumayag din ak
CHAPTER 54CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama!" Masayang bulalas ni Maëlle nang makita niya 'ko.Lalapit sana siya sa'kin upang yumakap ngunit pinigilan siya ng mga babaeng nag-aayos sa kaniya. "Sandali lamang, mahal na prinsesa! Inaayusan ka pa namin! At baka magulo ang damit mo!"Natawa na lang ako bago umupo sa isang malapit na upuan. "Sundin mo sila, Maëlle.""Opo," sagot nito bago muling maupo sa upuan upang ituloy ang pag-ayos sa kaniya.'Di ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod silang ayusan ang anak ko. Nakasuot siya ng kulay bughaw na damit na kakulay ng kaniyang mga mata. Kumikinang naman sa liwanag ang kulay ginto niyang buhok. Pareho niyang namana ang kulay ng mga ito sa kaniyang ama. Ang tanging namana lamang niya sa'kin ay ang hugis ng kaniyang mukha.Kaya siya binibihisan ngayon ay dahil ngayon na ang araw kung kailan siya kikilalanin bilang Madame Royale. Masaya akong makitang naibibigay sa kaniya ni Francis ang mga bagay na nararapat para sa kaniya. Ngayon ay pinaghahanda
CHAPTER 53CLEMENTINE DESCHAMPS"Francis, Madame, gising..."Sabay kaming nagising ni Francis nang marinig ang boses ni Oriel."Anong problema?" Tanong ni Francis. "May problema ba kay Maëlle?""Walang problema kay Maëlle. 'Wag kayong mag-alala sa kaniya," tugon ni Oriel ngunit halata ang pagkabahala sa mukha. "Ngunit magbihis na kayo.""Kung gan'on bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko. "Anong nangyayari?""Si Duchesse Celine..."___"Nasaan sila?" Tanong ni Francis kay Oriel habang nagmamadali kaming maglakad sa pasilyo ng palasyo."Sa may simbahan, Francis," hinihingal na tugon ni Oriel. "Madali kayo.""Anong nangyari?" Muling tanong ni Francis. "Sinabihan ko siya na 'wag munang gumawa ng kahit na ano. Makakapaghintay pa ang parusa para kay Charlotte. Bakit niya tinututukan ngayon ng baril si Charlotte?""'Di rin namin alam, Francis. Basta't naroon ngayon si Alphonse para pakalmahin ang duchesse at pigilan siyang iputok ang baril."Nang makarating kami sa simbahan ng palasyo ay n
CHAPTER 52CLEMENTINE DESCHAMPS"Pinatawag mo raw ako," wika ko nang makapasok ako sa kwarto ni Francis at huminto sa harap niya.Nagbabasa siya ng mga dokumento habang nakaupo sa dulo ng kama nang inangat niya ang tingin niya upang tumingin sa'kin. "Kumusta si Maëlle?""Ayun," usal ko. "Maaga siyang natulog ngayon dahil sa pagod. Ngunit napakasaya niya kanina, salamat sa'yo."Hinagis niya sa sahig ang mga hawak niyang dokumento bago ako hilahin paupo sa mga hita niya. "Kumusta ka naman?" Bulong niya habang gumagala ang kamay niya sa batok ko pababa sa likod ko."Masaya rin. Nandito na 'ko uli kasama ka," mahinahon kong tugon kahit nararamdaman ko na ang pag-init ng katawan ko sa mga hawak niya."Masaya rin ako," wika niya. "Alam mo ba kung gaano ako nangulila sa'yo? Kapag nahiwalay ka pa uli sa'kin, 'di ko na kakayanin."'Di na 'ko nakasagot pa dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa'kin upang ihiga sa kama. Agad niya 'kong pinaibabawan at tinanggal ang pangtaas niyang damit. Napalunok a
CHAPTER 51CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama, tignan mo! Ang laki!" Masayang wika ni Maëlle habang nakaturo sa cake na nasa gitna ng kasiyahan.Lumapit ako sa kaniyang upang bumulong. "Para sa'yo 'yan. Gusto mo bang kumuha ng isang hiwa?"Nang tumango siya ay agad siyang kinuha ni Fantine ng isang hiwa ng cake. Iniwan ko na muna siya kay Fantine upang kumain. Naglakad-lakad muna ako at nakipag-usap sa mga taong nandito sa kasiyahan. Halata sa mga ngiti nila ang saya na makita akong muli. Habang kinakausap ko sila ay 'di nila mapigilang magbato ng mga masasamang salita kay Charlotte. 'Di ko na lang pinapansin dahil inasahan ko na na ganito ang mangyayari. Kasalanan na ni Charlotte kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa kaniya ngayon. Inaani niya lang ang mga tinanim niya.Napangiti ako nang makitang kausap ni Francis si Maëlle. Masaya ak
CHAPTER 50FRANCIS DE FRANCE"Ngayon na ang pagbabalik nila," wika ni Alphonse habang tinutulungan niya 'kong magbihis. "Makikita mo na ang prinsesa, Francis. Makakasama mo na uli si Clementine."Napangiti ako. Isipin ko pa lang na makikita ko na uli si Clementine, 'di na mapakali ang puso ko. Ilang taon na ang nagdaan. 'Di ko alam kung paano ko kinaya na wala siya sa tabi ko. Dahil sa bawat araw na 'di ko siya nakikita, nanghihina ako. Nais ko na siyang makita, mayakap, at mahalikan uli.At ang anak namin...Nais ko nang makita si Maëlle. 'Di ko man lang siyan nahawakan nang pinanganak siya. Ngunit ngayong dito na sila sa Versailles mananatili, uubusin ko ang oras kasama siya. Gusto ko na siyang makita, mayakap, at makausap. Kung gusto niya, maglalaro kami hangga't gusto niya. Ipapaluto ko ang mga paborito niyang pagkain hanggang sa magsawa s
CHAPTER 49DUCHESSE CELINE DE BERRYApat na taon na ang nakalilipas nang manganak si Clementine. Sa apat na taon na 'yon, nagawang paliitin ng France ang malawak na imperyo ng Alemanya. Nagawang sakupin ni Francis ang Alemanya nang 'di direktang nag-aanunsyo ng digmaan. Dahil sa mga magaganda niyang pangako, nagawa niyang kumbinsihin ang mga mamamayan at mga maharlika ng Alemanya na magpasakop sa France. At dahil nagawa ni Francis na tuparin ang plano niya nang ganito kabilis, pinaghihinalaan ng Alemanya si Charlotte. Iniisip nila na tinraydor niya sila. Wala nang dahilan pa ang Alemanya para protektahan siya. 'Di nagawa ni Charlotte na pigilan si Francis sa pagsakop sa Alemanya. Wala rin siyang anak. Wala na siyang kwenta pa.Kaarawan ngayon ni Maëlle. Apat na taon na siya. Kasalukuyan akong nasa loob ng karwahe kasama si Maëlle, at ang kaniyang ina. Babalik na kami sa Versailles kung saan may naghihintay na kasiyahan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Maëlle.Tiyak 'kong nasasabik na