CHAPTER 17
CLEMENTINE DESCHAMPSLinggo na uli kaya naman pinayagan ako ni Francis na makapunta sa Notre Dame. Balak ko rin sanang bisitahin ang pamilya ko at alamin ang kalagayan ng ate ko. Sana lang ay mas maayos na siya ngayon.Katulad nang nakaraan, si Alphonse at ang mga tao niya ang magbabantay sa'kin. Hindi raw kasi papayag si Francis na umalis ako ng walang bantay, baka may magtangka na naman daw sa buhay ko."Madame, nakaimpake na po ng maayos ang mga gamit." Sabi sa akin ni Fantine.Sumunod na ko sa kaniya palabas ng palasyo, kung saan naghihintay ang mga karwahe."Francis." Nakangiting tawag ko sa kaniya nang makitang naghihintay siya sa labas.Nang makalapit ako ay agad niyang inabot ang kamay ko at hinalikan."Pasensya ka na at hindi ako makakasama, marami pa kong dapat asikasuhin." Paumanhin niya.Umiling ako. "NaiiCHAPTER 18CLEMENTINE DESCHAMPSNapatayo si Francis nang makita ang babae."Charlotte?" Pagtawag niya dito.Mas lalo pang lumawak ang ngiti ng babae, lumapit siya kay Francis at agad itong niyakap."Ang tagal din nating hindi nagkita!" Masayang turan nito sa kaniya habang nakayakap pa rin.Napatingin naman ako kay Fantine nang hawakan niya ang balikat ko, ngunit muli ko ring binalik ang tingin kina Francis.Bumitaw na siya kay Francis at muling nagsalita. "Ikaw ha! Bakit hindi ka na nagpapadala ng mga sulat sa'kin?!""Marami akong ginagawa, Charlotte. Alam mo namang basta may libre akong oras, susulatan kita." Sagot ni Francis.Kumapit naman siya sa braso ni Francis. "Ang lakas ko talaga sa'yo!""Mahal na prinsesa." Bati ng kapatid ni Sofia at yumuko, tumungo rin si Sofia bilang paggalang.
CHAPTER 19CLEMENTINE DESCHAMPS"Ito na." Nakangiting sabi ko at inabot kay Saber ang pinagpuyatang sulat ko kagabi."'Wag kayong mag-alala, Madame. Ihahatid ko ito ng maayos." Paniniguro niya.Tumango ako. "Alam ko naman 'yon.""Mauuna na ko." Paalam niya at lumabas na sa kwarto ko."Sana ay maayos ang pamilya niyo, Madame." Sabi sa akin ni Isabelle."Sana nga. Wala na kong balita sa kanila. Gusto kong malaman kung anong kalagayan nila, lalo na ni ate." Tugon ko."Madame, naisip niyo na po ba kung palilipatin niyo sa palasyo ng Rouen ang pamilya niyo?" Tanong ni Fantine habang inaayos ang mga aklat sa lamesa. "Hindi po ba ay mas makakabuti 'yon para sa ate ninyo?""Pinag-iisipan ko pa ang bagay na 'yan, ngunit nais ko na rin na gumaan ang pakiramdam ni ate." Sagot ko."Kamusta na nga pala si J
CHAPTER 20CLEMENTINE DESCHAMPS"May mahalaga akong balita, Clementine." Seryosong wika ni Saber.Halatang pagod siya at hindi pa natutulog mula sa byahe."May problema ba?" Nag-a-alala kong tanong."Sinuri ko ang kalagayan ng nakatatanda ninyong kapatid. Hindi ako sigurado kaya pinatawag ko rin ang kakilala kong doktor na malapit, ngunit pareho lang ang resultang nakuha namin. Habang tumatagal ay lumalala ang kalagayan niya.""Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan." Tugon ko."Tama ka. Dapat niyo na siyang ilipat. Hindi na tatagal pa ang katawan niya sa gan'ong klaseng lugar. Hindi sariwa ang hangin na nalalanghap niya at tago kayo sa sikat ng araw.""Bilang doktor, sa tingin mo ay saan magandang ilipat ang aking kapatid?" Tanong ko."Malapit sa dagat kung saan sariwa ang hangin at makakalabas siya p
CHAPTER 21DUCHESSE DIANE"Mag-i-ingat ka." Paalam ko kay Amadeo."Babalik ako kapag may pagkakataon, Diane." Paniniguro niya. "Sa ngayon, kailangan ko munang lumayo ayon sa utos ng hari.""Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ka pa nilang paalisin." Tugon ko."Alam nilang gagawa ako ng paraan para hindi matuloy ang plano nila para kay Francis, kaya ngayon pa lang ay pinapaalis na nila ako.""Vicomte, aalis na tayo." Wika ng tagapaglingkod niya."Sige. Sandali na lang." Sagot niya rito.Tumingin naman siya sa'kin at ngumiti. "Ingatan mo ang sarili mo, Diane. Ingatan mo rin si Francis."Tumango ako. "Gagawin ko."Hinalikan niya ang kamay ko bago sumakay ng karwahe. Wala na kong nagawa pa kundi panuorin ang karwahe niyang umalis."Duchesse!" Hinihingal na pagtawag sa'kin ng isang tagapaglingkod."Bakit?""Inaatake po ng sakit niya si Prinsesa Celine!""Jusko po!" Wika ko at gan'on na lang ang pagmamadali ko papunta sa silid ni Celine.'Ano na naman kayang nangyari?' Nag-a-alala ko
CHAPTER 22DUCHESSE DIANEKasalukuyan kaming naghahanda sa isang gubat na pagmamay-ari ng maharlikang angkan para mangaso. Isa ako sa mga nag-aayos ng toldang tutuluyan ni Prinsipe Francis habang nandito.Nasa labas ang prinsipe ngayon kasama si Marquis Alphonse at Comte Oriel. Nagsasanay silang bumaril para sa pangangaso, dahil kung sino daw ang may pinakamagandang nahuli ay may gantimpala. Ayaw sanang makisali ng prinsipe, pero nais makita ng mga kaibigan niya ang magiging gantimpala. Kaya ayun sila ngayon at nagsasanay.Alam ko ang dahilan kung bakit ayaw makisali ng prinsipe. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin nakakalimutan ang nangyari at natatakot siyang humawak ng baril. Pero dahil napilit siya ng mga kasama niya ay mukhang kailangan niyang harapin ang takot niya."Tapos na po kami," sabi sa akin ng isang babaeng tagapaglingkod na tumutulo
CHAPTER 23DUCHESSE DIANELabing-isang taong gulang na ang prinsipe. Marami na ang nangyari. Marami na rin ang nagbago sa kaniya. Pero matalino, gwapo, at mabait pa rin siyang bata. Masaya rin ako dahil madali ring gumaling ang ginawang pag-atake sa kaniya ng lobo."Kailangan ko ba talagang sumama?" nakabusangot niyang tanong."Aba! Syempre naman!" masaya kong tugon at inayos ang asul niyang kurbata. "Prinsipe ka ng France kaya kailangan mong pumunta sa kasiyahan."Napabuntong-hininga siya. "Anong mapapala ko sa kasiyahang 'to?""Pupunta rin sina Marquis Alphonse at Comte Oriel kaya may pagkakataon kang makita sila. Hindi ba masaya 'yon?"Nakangiwi naman siyang tumingin sa'kin na parang sinasabing, "Niloloko nyo ba ko?""Araw-araw ko silang nakikita at nakakausap, ano pang masaya r'on?" asik niya.Natawa
CHAPTER 24DUCHESSE DIANEIsang taon na ang lumipas. Mas lalo lang umiinit ang labanan ng mga rebelde at pamahalaan. Bulung-bulungan na rin na magkakar'on ng gyera kapag nagtuluy-tuloy ang ganitong sitwasyon."Pinatawag n'yo raw ako," wika ko nang makapasok sa silid kung saan nagpupulong ang hari at iba pa.Napadako ang tingin ko sa reyna na umiiyak habang inaalo ng iba. Nag-alala naman ako at agad na lumapit sa kaniya at tinanong kung anong problema."Diane," pagtawag sa'kin ni Ayer. "Ihanda mo ang mga gamit ni Francis. Sasama siya sa'min.""Sasama saan?" Naguguluhan kong tanong."Sa gyera.""Sa gyera?!" Sigaw ko. "Bakit siya sasama sa gyera?! Gusto n'yo ba siyang mamatay?!""Kailangan niyang sumama, Diane.""Hindi," mariin kong tugon. "Bakit siya s
CHAPTER 25DUCHESSE DIANE"Madame, saan po namin ilalagay 'to?""D'on na lang," aligaga kong sagot."Madame, ano pong gagawin dito?""Hindi ko alam. Itanong mo sa mga tagapagluto ng kusina.""Opo."Nagpunas ako ng pawis ko. Naghahanda kasi kami para pagdating ng mga delegado ng England, kaya aligaga kaming lahat.o"Kayo muna rito. Pupuntahan ko lamang ang prinsipe," usal ko sa kanila at agad na umalis d'on.Madali akong naglakad patungo sa silid ng prinsipe upang makita kung nakaa-ayos na siya. Pagkarating ko nga ay nar'on na rin sa silid si Oriel at Alphonse na kinakausap si Francis."Magandang araw po, mahal na duchesse!" Masayang bati sa akin ni Oriel."Magandang araw po," wika naman ni Alphonse at yumuko."Magandang araw din sa inyo," tugon ko.Bumaling ako sa prinsipe at nagtanong ng, "Handa na po ba kayo?""Oo," sagot niya at sinuot ang kulay asul niyang sumbrero.Labing-walang taon na siya ngayon, at kitang-kita ko na ang mga pinagbago niya. Naoangiti na lang ako. Napakabilis l
CLEMENTINE DESCHAMPS"Magandang umaga, Madame," masayang bati sa'kin ni Fantine.Ngunit imbes na tumugon ako ay minasahe ko ang magkabila kong sintido. Medyo nahihilo ako."May problema ba, Madame?""Nahihilo ako.""Madame, mukhang napapadalas ang pagkahilo n'yo," sagot niya. "At pansin ko rin ang pagtaba n'yo.""Pagtaba?" Tanong ko. "'Di kaya...?"Mukhang nakuha rin ni Fantine ang sinasabi ko. "Julie, tawagin mo si Oriel.""Sige po," tugon niya bago madaling umalis."Ibig mong sabihin, Madame," usal naman ni Isabelle. "Buntis kayo?""Hindi pa tayo sigurado ngunit ganito rin ako noon kay Maëlle. Mabuti na magpatingin na 'ko agad kay Oriel."Ilang sandali lamang ay dumating na si Oriel at tinignan ang pulso ko."Totoo, Madame. Buntis ka nga.""Binabati ka namin, Madame!" Bati ng tatlo."Ang emperador ng France!"Agad kaming napatayo nang pumasok sa silid si Francis."Anong problema?" Tanong niya. "Bakit nagpatawag ng doktor si Clementine?""Walang problema, Francis," sagot ko."Binabat
CHAPTER 56CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame, oras na," paggising sa'kin ni Fantine.Kahit na gusto ko pang matulog ay bumangon na rin ako. Kailangan kong mag-ayos ngayon dahil ngayon ang araw na gugulong ang ulo ni Charlotte mula sa guillotine.Lumusong ako sa banyera na may lamang maligamgam na tubig at naligo. Pagkatapos maligo ay pinili ko ang isang kulay pulang bestida upang isuot. Pagkatapos kong magbihis ay inayusan na nila ako at pinasuot ng mga alahas na bagay sa suot kong damit, kasama na r'on ang ginto kong korona na may mga pulang bato."Bagay na bagay sa inyo, Madame," wika ni Julie."Totoo," tugon naman ni Isabelle. "Talagang kuhang-kuha ni Madame ang presensya ng isang emperatris."Napabungisngis na lang ako sa mga papuri nila."Kailangan na nating umalis, Madame," usal naman ni Fantine.Lumakad na kami at nagtungo sa labas ng palasyo. Agad naming nakita sina Francis at ang iba pa. Mukhang kami na lang pala ang hinihintay."Clementine," pagtawag sa'kin ni Francis bago niya k
CHAPTER 55CLEMENTINE DESCHAMPS"Madame," usal ni Fantine. "Nandito si Duchesse Celine.""Papasukin n'yo siya."Nang binigay ko ang permiso ko ay dali-dali nilang binuksan ang pinto ng aking silid upang makapasok ang duchesse. 'Di ko napigilang mapangiti nang makita siya. Nakasuot siya ng kulay pulang damit na binagayan niya ng mga kulay itim na mga alahas na may kulay pulang mga bato. Bagay na bagay sa kaniya ang ayos niya."Clementine," wika niya bago ako yakapin nang mahigpit."Duchesse Celine, dahan-dahan lang po," usal naman ni Fantine. "Kakaayos lang po namin kay Madame. Malapit na po ang oras ng kasal. Baka mamaya po ay mahuli siya nagulo ang ayos niya."Dahil sa sinabi ni Fantine ay binitawan ako ng duchesse. "Sabi ko nga," tugon pa niya.Tinignan kong muli ang itsura ko sa salamin. Nakasuot ako ng kulay berdeng damit na binagayan nila ng mga gintong alahas. Kung ako ang tatanungin ay sobra 'tong mga pinasuot nila sa'kin, ngunit dahil espesyal ang araw ngayon ay pumayag din ak
CHAPTER 54CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama!" Masayang bulalas ni Maëlle nang makita niya 'ko.Lalapit sana siya sa'kin upang yumakap ngunit pinigilan siya ng mga babaeng nag-aayos sa kaniya. "Sandali lamang, mahal na prinsesa! Inaayusan ka pa namin! At baka magulo ang damit mo!"Natawa na lang ako bago umupo sa isang malapit na upuan. "Sundin mo sila, Maëlle.""Opo," sagot nito bago muling maupo sa upuan upang ituloy ang pag-ayos sa kaniya.'Di ko mapigilang mapangiti habang pinapanuod silang ayusan ang anak ko. Nakasuot siya ng kulay bughaw na damit na kakulay ng kaniyang mga mata. Kumikinang naman sa liwanag ang kulay ginto niyang buhok. Pareho niyang namana ang kulay ng mga ito sa kaniyang ama. Ang tanging namana lamang niya sa'kin ay ang hugis ng kaniyang mukha.Kaya siya binibihisan ngayon ay dahil ngayon na ang araw kung kailan siya kikilalanin bilang Madame Royale. Masaya akong makitang naibibigay sa kaniya ni Francis ang mga bagay na nararapat para sa kaniya. Ngayon ay pinaghahanda
CHAPTER 53CLEMENTINE DESCHAMPS"Francis, Madame, gising..."Sabay kaming nagising ni Francis nang marinig ang boses ni Oriel."Anong problema?" Tanong ni Francis. "May problema ba kay Maëlle?""Walang problema kay Maëlle. 'Wag kayong mag-alala sa kaniya," tugon ni Oriel ngunit halata ang pagkabahala sa mukha. "Ngunit magbihis na kayo.""Kung gan'on bakit ganiyan ang itsura mo?" Tanong ko. "Anong nangyayari?""Si Duchesse Celine..."___"Nasaan sila?" Tanong ni Francis kay Oriel habang nagmamadali kaming maglakad sa pasilyo ng palasyo."Sa may simbahan, Francis," hinihingal na tugon ni Oriel. "Madali kayo.""Anong nangyari?" Muling tanong ni Francis. "Sinabihan ko siya na 'wag munang gumawa ng kahit na ano. Makakapaghintay pa ang parusa para kay Charlotte. Bakit niya tinututukan ngayon ng baril si Charlotte?""'Di rin namin alam, Francis. Basta't naroon ngayon si Alphonse para pakalmahin ang duchesse at pigilan siyang iputok ang baril."Nang makarating kami sa simbahan ng palasyo ay n
CHAPTER 52CLEMENTINE DESCHAMPS"Pinatawag mo raw ako," wika ko nang makapasok ako sa kwarto ni Francis at huminto sa harap niya.Nagbabasa siya ng mga dokumento habang nakaupo sa dulo ng kama nang inangat niya ang tingin niya upang tumingin sa'kin. "Kumusta si Maëlle?""Ayun," usal ko. "Maaga siyang natulog ngayon dahil sa pagod. Ngunit napakasaya niya kanina, salamat sa'yo."Hinagis niya sa sahig ang mga hawak niyang dokumento bago ako hilahin paupo sa mga hita niya. "Kumusta ka naman?" Bulong niya habang gumagala ang kamay niya sa batok ko pababa sa likod ko."Masaya rin. Nandito na 'ko uli kasama ka," mahinahon kong tugon kahit nararamdaman ko na ang pag-init ng katawan ko sa mga hawak niya."Masaya rin ako," wika niya. "Alam mo ba kung gaano ako nangulila sa'yo? Kapag nahiwalay ka pa uli sa'kin, 'di ko na kakayanin."'Di na 'ko nakasagot pa dahil sa biglaan niyang pagbuhat sa'kin upang ihiga sa kama. Agad niya 'kong pinaibabawan at tinanggal ang pangtaas niyang damit. Napalunok a
CHAPTER 51CLEMENTINE DESCHAMPS"Mama, tignan mo! Ang laki!" Masayang wika ni Maëlle habang nakaturo sa cake na nasa gitna ng kasiyahan.Lumapit ako sa kaniyang upang bumulong. "Para sa'yo 'yan. Gusto mo bang kumuha ng isang hiwa?"Nang tumango siya ay agad siyang kinuha ni Fantine ng isang hiwa ng cake. Iniwan ko na muna siya kay Fantine upang kumain. Naglakad-lakad muna ako at nakipag-usap sa mga taong nandito sa kasiyahan. Halata sa mga ngiti nila ang saya na makita akong muli. Habang kinakausap ko sila ay 'di nila mapigilang magbato ng mga masasamang salita kay Charlotte. 'Di ko na lang pinapansin dahil inasahan ko na na ganito ang mangyayari. Kasalanan na ni Charlotte kung bakit nangyayari ang mga ganitong bagay sa kaniya ngayon. Inaani niya lang ang mga tinanim niya.Napangiti ako nang makitang kausap ni Francis si Maëlle. Masaya ak
CHAPTER 50FRANCIS DE FRANCE"Ngayon na ang pagbabalik nila," wika ni Alphonse habang tinutulungan niya 'kong magbihis. "Makikita mo na ang prinsesa, Francis. Makakasama mo na uli si Clementine."Napangiti ako. Isipin ko pa lang na makikita ko na uli si Clementine, 'di na mapakali ang puso ko. Ilang taon na ang nagdaan. 'Di ko alam kung paano ko kinaya na wala siya sa tabi ko. Dahil sa bawat araw na 'di ko siya nakikita, nanghihina ako. Nais ko na siyang makita, mayakap, at mahalikan uli.At ang anak namin...Nais ko nang makita si Maëlle. 'Di ko man lang siyan nahawakan nang pinanganak siya. Ngunit ngayong dito na sila sa Versailles mananatili, uubusin ko ang oras kasama siya. Gusto ko na siyang makita, mayakap, at makausap. Kung gusto niya, maglalaro kami hangga't gusto niya. Ipapaluto ko ang mga paborito niyang pagkain hanggang sa magsawa s
CHAPTER 49DUCHESSE CELINE DE BERRYApat na taon na ang nakalilipas nang manganak si Clementine. Sa apat na taon na 'yon, nagawang paliitin ng France ang malawak na imperyo ng Alemanya. Nagawang sakupin ni Francis ang Alemanya nang 'di direktang nag-aanunsyo ng digmaan. Dahil sa mga magaganda niyang pangako, nagawa niyang kumbinsihin ang mga mamamayan at mga maharlika ng Alemanya na magpasakop sa France. At dahil nagawa ni Francis na tuparin ang plano niya nang ganito kabilis, pinaghihinalaan ng Alemanya si Charlotte. Iniisip nila na tinraydor niya sila. Wala nang dahilan pa ang Alemanya para protektahan siya. 'Di nagawa ni Charlotte na pigilan si Francis sa pagsakop sa Alemanya. Wala rin siyang anak. Wala na siyang kwenta pa.Kaarawan ngayon ni Maëlle. Apat na taon na siya. Kasalukuyan akong nasa loob ng karwahe kasama si Maëlle, at ang kaniyang ina. Babalik na kami sa Versailles kung saan may naghihintay na kasiyahan upang ipagdiwang ang kaarawan ni Maëlle.Tiyak 'kong nasasabik na