Owned by the Mafia Boss

Owned by the Mafia Boss

last updateLast Updated : 2022-08-10
By:  YdewonsOngoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
2.1Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

Synopsis

Dalawang bagay lang ang gustong magawa ni Grace Morales sa buhay niya. Una ay gusto niyang maipagamot ang kapatid niyang si Gerald sa sakit nito sa puso at ang pangalawa naman ay ang matustusan niya ang pangangailangan nilang magkapatid. Ulilang lubos na silang dalawa kaya naman lahat ng trabaho ay papatusin na ng dalaga... kahit ang pagbibigay aliw sa lalaki ay gagawin niya na rin. Ngunit hindi niya pa man naibibigay ang sarili niya sa una niyang customer nang alukin siya nito ng isang kasunduan. He wants her to carry his child! Noong una ay nag-aalinlangan pa ang dalaga kung papayag ba siya sa kabaliwang iyon ngunit agad na rin siyang sumang-ayon nang sapilitan silang palayasin sa tinitirhan nilang barong-barong. Isang kasunduan na bumago sa buhay ni Grace. Akala niya ay siyam na buwan niya lang dadalhin ang bata sa sinapupunan niya ngunit hindi niya pa man nagagawang ilabas ang bata ay sunod-sunod na ang pasabog ang malalaman niya. Ngunit isang bagay lang ang sigurado siya, magigising nalang siya isang araw na hindi na siya ang nagmamay-ari sa buhay niya. Because after she signed the agreement, she is now absolutely and definitely owned by the Mafia Boss.

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

“OH bakit mukhang Biyernes-santo na naman iyang mukha mo, Grasya? Hindi na naman ba kayo pinautang ni Aling Puring?”Nakasimangot na lumingon si Grace sa likod niya nang marinig ang nagsalita. Si Jill iyon, ang kapitbahay nilang kaedaran niya lang pero halos ginawa nang pabrika ng mga bata ang matres sa sobrang dalas nitong mag-anak. Marahas na muna siyang napabuntong hininga bago sunod-sunod na tumango.“Ewan ko ba naman sa matandang ‘yon...” naiiritang usal ng dalaga habang napapakamot pa sa batok niya. “... akala mo hindi babayaran kung makahindi sa’kin eh ang taas-taas nga ng patong niya sa mga paninda niya. At saka may dagdag pang five percent ‘pag nade-delay sa pagbabayad. Nakakainis!” singhal na dagdag ni Grace at hindi na nakapagpigil sa inis na nararamdaman kung kaya’t malakas niyang sinipa ang paso ng halaman na nakita niya lang kung saan.Agad naman siyang hinampas ni Jill nang mahina sa braso.“Hoy, ‘wag mong pagbuntunan ng galit iyang nanahimik na halaman. Sige ka, baka m...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
4 Chapters
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status