“OH bakit mukhang Biyernes-santo na naman iyang mukha mo, Grasya? Hindi na naman ba kayo pinautang ni Aling Puring?”
Nakasimangot na lumingon si Grace sa likod niya nang marinig ang nagsalita. Si Jill iyon, ang kapitbahay nilang kaedaran niya lang pero halos ginawa nang pabrika ng mga bata ang matres sa sobrang dalas nitong mag-anak. Marahas na muna siyang napabuntong hininga bago sunod-sunod na tumango.
“Ewan ko ba naman sa matandang ‘yon...” naiiritang usal ng dalaga habang napapakamot pa sa batok niya. “... akala mo hindi babayaran kung makahindi sa’kin eh ang taas-taas nga ng patong niya sa mga paninda niya. At saka may dagdag pang five percent ‘pag nade-delay sa pagbabayad. Nakakainis!” singhal na dagdag ni Grace at hindi na nakapagpigil sa inis na nararamdaman kung kaya’t malakas niyang sinipa ang paso ng halaman na nakita niya lang kung saan.
Agad naman siyang hinampas ni Jill nang mahina sa braso.
“Hoy, ‘wag mong pagbuntunan ng galit iyang nanahimik na halaman. Sige ka, baka makita ka pa ng may-ari, mapabarangay ka-”
“Eh di ipabarangay nila! Kung gusto nila ay ipa-Tulfo pa nila ako. Wala akong pakielam!” inis na inis na wika ni Grace at mabigat ang mga paang tinahak ang daan pauwi sa tinutuluyan nila ng kanyang kapatid na barong-barong.
Wala siyang nautang na pagkain sa tindahan ng matandang Aling Puring na iyon. Mamomroblema na naman tuloy siya sa kung anong kakainin ng kapatid niyang si Gerald. Hindi kasi pupwedeng uminom iyon ng gamot nang hindi pa kumakain, sisikmurain daw sabi ng doctor. Silang dalawa nalang magkapatid ang magkasama sa buhay. Namatay ang kanilang mga magulang bata pa lamang sila kung kaya’t sanay sa hirap ang dalaga. Kaya naman niya kung tutuusin hindi kumain sa isang araw pero paano naman ang nakababata niyang kapatid? May sakit ito sa puso kaya naman may iniinom itong gamot pang-maintenance, hindi maaaring umuwi ang dalaga nang walang dalang kahit ano dahil ayaw niyang makaligtaan nila pareho ni Gerald ang pag-inom nito ng gamot.
Mabilis na huminto sa paglalakad si Grace at may matamis na ngiti sa labi nang tingnan muli si Jill. Lumapit pa siya rito nang kaunti bago nanlalambing ang boses na nagsalita sa kapitbahay.
“Jill... baka naman-”
“Ay nako, Grasya! Wala din akong maipahihiram sayo. Mangungutang nga din sana ako kay Aling Puring ng gatas ng inaanak mo pero mukhang binadtrip mo kaya bukas nalang ako babalik.”
Awtomatikong napasimangot muli ang dalaga. “Ano ba naman ‘yan. Ang hirap talagang maging mahirap oh! Kailan ba ako yayaman?!” Kung kanina ay sandaling napawi ang inis ni Grace sa sarili ngayon naman ay unti-unti na naman iyong bumabalik. Hindi na niya alam kung saan siya kukuha ng pera o kahit pagkain man lang na iuuwi para sa kanyang kapatid.
Akmang pahakbang na sanang muli ang dalaga nang mabilis naman siyang hawakan sa braso ni Jill. Nakakunot ang noo na nilingon niya itong muli.
“Ano na naman? Parehas lang tayong walang pera-”
“May raket ako mamaya, Grace! Gusto mo sayo nalang?” nakangiting tanong sa kanya ni Jill kaya naman medyo nagkaroon siya ng pagdududa. Hindi naman sa pinag-iisipan niya ng masama ang kapitbahay niyang ito pero parang ganoon na nga. Kung saan-saang kaso na kasi ito nasasangkot eh. Kung minsan ay adultery, biglang may asawa pala ang ama sa isa sa mga anak niya at kung minsan naman ay drugs. Pero hindi naman napatunayan iyong huli.
“Legal naman ba?” naniningkit ang mga matang tanong ng dalaga.
Halos mapapalakpak pa sa hangin si Jill bago sumagot sa kanya. “Oo naman! Hindi naman ako pumapatos ng hindi legal ‘no-”
“Aysus... ayoko nalang magsalita, Jill.” Aniya habang napapailing ng ulo. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ba ang kapitbahay o huwag. Pero pera na kasi ang lumalapit, tatanggihan niya pa ba? Syempre hindi!
“Ayaw mo ba-”
“Syempre hindi! Anong raket ba iyang tinutukoy mo?” mabilis niyang tanong sa kapitbahay at binigyan ito ng isang malapad na ngiti. Gumanti rin naman si Jill ng isang matamis na ngiti habang naniningkit ang mga mata. Para tuloy maling ideya na pumayag siya sa raket na sinasabi nito.
“So iyon nga...”
HINDI na malaman ni Grace kung paanong hila pa ba ng damit ang gagawin niya sa sobrang ikli at hapit ng suot niya. Ito kasi ang binigay na damit ni Jill sa kanya. Kailangan daw iyon para sa pupuntahan niyang raket. Muli na namang pinalibot ng dalaga ang mga mata sa lugar na pinagbabaan sa kanya ng taxi na sinakyan niya. Halos tatlong daan pa nga ang binayad niya doon eh, sabi ni Jill ay triple naman daw ang babalik sa kanya na pera basta galingan niya lang sa raket na ito.
“Tama ba ‘tong address? Parang abandonadong lugar lang naman ‘to ah. Baka naman jinojoke time lang ako ng maharot na Jill na iyon-”
“Oh meron pa palang humabol! Ipasok niyo na ‘to!”
Mabilis na nanlaki ang mga mata ni Grace nang biglang may sumulpot na mga lalaking nakaitim na may sukbit na malalaking baril at hawakan siya nang mahigpit sa kanyang magkabilaang braso. Nagpupumiglas siya ngunit hindi niya kinakaya ang mga lakas ng mga lalaking nakahawak sa kanya.
“Ano ba mga siraulo?! Bitaw! Saan niyo ba ako dadalhin? Mga talipandas kayo!” Muli na naman ay malakas na nagpupumiglas si Grace ngunit balewala lang ang lahat nang iyon dahil para lamang siyang nakikipag-usap sa pader. Ang titigas din ng mga kamay ng mga lalaki na animo’y mga bakal na nakapulupot sa braso niya.
Hindi niya maintindihan ang nangyayari. Ano ba naman ‘tong raket na napasukan niya. May lihim bang galit sa kanya si Jill at ito ang naisip na paraan para burahin siya sa mundong ibabaw? Huwag naman sana! Hindi niya kakayanin. Ayaw niya pa at lalong hindi pa siya handa iwanan mag-isa ang kapatid niyang si Gerald.
“Parang awa niyo na mga kuya, bitawan niyo ako. Hindi na ako uulit. Hindi na ko magtatangkang magbenta ulit ng katawan. Gusto ko nalang umuwi...” naiiyak na usal ni Grace. Kulang nalang ay lumuhod siya para mapapayag ang mga maskuladong lalaki na bitawan siya. Tahimik siyang nagpasalamat sa itaas nang kahit papaano ay lumuwag na ang pagkakahawak sa mga braso niya. “... salamat po. Tatanawin ko pong utang na loob ito-”
“Hindi mo ba talaga alam miss ang lugar na ito? At kung anong gagawin sa mga babaeng iyan?”
Mabilis na sumunod ang mga mata ni Grace sa isang banda na tinuro ng isang lalaking may hawak sa kanya. Awtomatikong kumunot ang noo niya nang may makitang halos lagpas sa sampung mga babae ang nakatayo roon habang puno ng panghuhusga ang mga matang nakatingin sa kanya. Mga nakasuot rin ang mga iyon nang hapit at todo make up pa sa mga sarili.
Umiling na muna ang dalaga bago sumagot. “H-hindi po kuya... kung alam ko lang naman ay hindi ako maghi-hysterical at mababaliw kakaisip kung bakit niyo ako hinahawakan sa braso ko. Gusto ko pa pong mabuhay! Kawawa ang kapatid ko kung maiiwan nalang siya mag-isa. May sakit pa naman po iyon sa puso!” garalgal ang boses na wika ng dalaga at palahaw ng iyak. Kung kinakailangang gamitin na niya ang pangmalakasang acting’an niya ngayon para lang makaligtas at makatakas ay gagawin niya. Mahal niya pa ang buhay niya at gusto niya pang makauwi.
“Ipapadala ang mga iyan sa ibang bansa para-”
“Para patayin po ba? Tapos kakatayin at pipira-pirasuhin ang mga lamang-loob? Tapos makikita nalang sa dagat na palutang-lutang na ang katawan pero hindi na makikilala dahil sa sobrang tagal nang patay-”
“Ineng! Maghunos dili ka, ano ka ba naman...” saglit na nakahinga nang maluwag si Grace nang mahinuha niyang mali naman pala ang iniisip niya. Nanatili siyang tahimik at nakikinig sa lalaki. “... ang mga babaeng iyan ay dadalhin sa ibang bansa at doon pag-aasawahin ng mga mayayamang matanda. At saka kagustuhan nila iyon, hindi namin sila pinilit o tinakot. Kung tutuusin ay nagpapasalamat pa nga sila sa mga boss namin dahil sa oras na malaman naming sinasaktan ang mga babaeng pinadala namin sa ibang bansa na iyon, tiyak na magagalit sila bossing at bugbog sarado ang mga kanong iyon..”
“Ano po ulit ang gagawin nila doon? Magiging asawa ng mga foreigner?” paniniguradong tanong ni Grace habang pasimpleng tinitingnan ang mga babae. Kaya pala ganoon ang mga ayos ng mga iyon. Hindi nalalayo sa suot niya. Bwiset na Jill! Ipapahamak pa siya dahil sa suot niya.
“Depende... pero kung hindi maging asawa ay baka maging sex slaves-”
“Po?!” pakiramdam ni Grace ay parang nabingi siya panandalian sa narinig. Mahabagin na itaas! Ano na nga ba ang nangyayari sa mundo?! Ngunit may isang banda pa rin naman ng kanyang utak ang kinakastigo siya na tila nagsasabi na hindi ba ay iyon din naman ang plano niya sa oras na wala na siyang ibang trabahong mapasukan.
Maganda siya, maputi. At saka matangkad! Walang tapon sa kanya, in short hindi siya hipon!
“Hayaan mo na nga ineng, ikaw nga ay tatanungin ko. Gusto mo bang sumama 0 hindi? Aalis na kami maya-maya lamang-”
“Ah hindi po... ayoko po...” mabilis na tanggi ng dalaga. Ayaw niyang maiwan mag-isa ang kapatid niya. At saka wala pa siyang balak mag-asawa kahit bente-tres anyos na siya, anak ng kabayo naman! “... aalis na po ako.”
Agad na ngang kumaripas ng takbo si Grace nang maramdaman niyang lumuwag na ang pagkakahawak sa kanya ng dalawang lalaki. Hindi na rin siya lumingon muli nang makalabas sa naturang abandonadong gusali. Kinakabahan siya. Akala niya ay katapusan na ng buhay niya. Akala niya ay lilisanin niya ang mundo nang hindi man lang nakakapagpaalam sa kapatid niya, mabuti naman at hindi. Salamat pa rin talaga sa itaas!
“WHERE did the woman go?” iyon agad ang tanong ni Jomari nang sa paglingon niya ay hindi na niya mamataan ang kaninang maganda, matangkad at maputing babae sa unang palapag ng gusaling kinaroroonan niya. Sumama lang siya sa mga tauhan ng daddy niya dahil gusto daw nito ipakita sa kanya ang isa sa mga operasyon na ginagawa ng organisasyon nila.
“Nandyan pa din po sila, boss. Nasa gilid lang-”
“No, I mean ‘yong babae na sumisigaw kanina. May paiyak-iyak pa nga eh...” kunot ang noo na paglalarawan ng binata habang mabilis na pinapalibot ang paningin sa lugar. Hindi na niya makita ang dalaga. Nakuha nito ang atensyon niya dahil sa angkin nitong ganda, puti at tangkad. Na para bang may isang bulaklak na naligaw sa lugar ng mga damo.
“Sir Jomari, the woman you were looking for was already gone. She run away about three minutes ago-”
“What?! Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin, Rafael?! What are you? A fucking dumb and useless?” naiirita na tanong ni Jomari at mabilis nang naglakad pababa sa unang palapag. Kailangan niyang maabutan ang dalaga. Kailangan niyang malaman ang pangalan nito. Ito ang unang beses na nagkainteres siyang muli sa babae, hindi niya iyon titigilan hangga’t hindi siya nagsasawa.
He fucking needs to see her. He fucking wants to see her right now.
HINIHINGAL pa buhat nang layo at bilis na ginawang pagtakbo ni Grace makalayo lamang sa abandonadong gusali na iyon. Nang lumingon siya at masiguradong hindi na siya maaabutan ng mga lalaking iyon kung sakaling magbago ang isip nila ay doon lamang nakahinga nang maayos ang dalaga. Hinding-hindi na talaga siya maniniwala kay Jill! Baka sa susunod na patusin niya muli ang ibibigay na raket nito ay baka isang malamig na bangkay na siyang uuwi sa kanila.“Oh, pakshet na malagkit! Hindi na talaga ako uulit! Mas gugustuhin at pagtitiisan ko nalang magkuskos ng pwet ng kaldero sa bar na pinapasukan ko kaysa naman malagay na naman sa bingit ng kamatayan ang buhay ko. Ayoko pa at hindi pa ako handa. Ni hindi pa nga bumabagsak ang Bataan ko eh-”“Ano pang ginagawa mo dito sa daan eh halos hatinggabi na?”Awtomatikong napahawak sa kanyang dibdib si Grace nang bigla-bigla na lamang may sumulpot sa tabi niya. Agad na nagkaroon ng gitla ang noo niya at salubong ang kilay na tinitigan ito.“Ano ba n
ILANG araw na rin ang lumipas simula nang mag-usap at magpanggap na isang pulubing basurero si Jomari sa harapan ni Grace. At ngayon nga ay nakapagdesisyon na siyang pupuntahan niya ang dalaga sa bar na pinagtatrabahuan nito. Mabilis niyang kinuha ang mga prosthetics na gagamitin niya para sa pagpapanggap at nag-ayos ng sarili. Maging siya rin ay nandiri sa kinalabasang mukha nang isuot na niya ang malaking ilong at maiitim na ngipin. Nagsuot rin siya ng wig na hindi madaling maalis. Nang makuntento ay lumabas na ang binata sa kanyang kwarto. Agad namang nagsitayuan ang mga tauhan ng daddy niya nang makita siya para magbigay respeto sa kanya.“Hindi pa rin nakakauwi si dad?” tanong niya sa mga ito habang pababa siya sa hagdan.“Don Azrael was still in Russia sir Jomari. Siguro daw po ay sa sunod na araw pa ito makakauwi...”Awtomatikong tumaas ang kilay ng binata nang marinig iyon. Mukhang abala pa rin ang daddy niya sa pagpapalawig ng organisasyon nila ah. Sino na naman kayang goverm
MALAKAS na iniunat ni Jomari ang kanyang katawan pagkababa na pagkababa niya mula sa sasakyan niya. Ito na ang panghuling araw niya para sa unang linggo niyang pagtatrabaho kasama si Grace sa bar na pinapasukan nito. Pakiramdam niya ay nabanat nang sobra ang mga buto niya at kasu-kasuan dahil sa tindi ng ginawa niyang paglilinis sa lugar. Halos pikit na ang kalahating mga mata niya habang naglalakad patungo sa kwarto niya, ni hindi na nga niya pinapansin ang kanilang mga tauhan sa tuwing siya ay babatiin.Nang tuluyang marating ang kanyang kama ay pabagsak siyang nahiga roon. Pakiramdam niya ay naubos ang kanyang lakas. Sanay naman ang katawan niya sa mga mabibigat na gawain dahil kahit noong bata pa lamang siya ay pinagbibitbit na siya ng kanyang ama ng mga malalaki at mabibigat na armas. Nakadalo na nga siya ng mga training na daig pa ang sa militar sa higpit ng pagbabantay. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung hindi paglalampaso at pagwawalis ang pinapagawa sa kanya ay pinagk

“OH bakit mukhang Biyernes-santo na naman iyang mukha mo, Grasya? Hindi na naman ba kayo pinautang ni Aling Puring?”Nakasimangot na lumingon si Grace sa likod niya nang marinig ang nagsalita. Si Jill iyon, ang kapitbahay nilang kaedaran niya lang pero halos ginawa nang pabrika ng mga bata ang matres sa sobrang dalas nitong mag-anak. Marahas na muna siyang napabuntong hininga bago sunod-sunod na tumango.“Ewan ko ba naman sa matandang ‘yon...” naiiritang usal ng dalaga habang napapakamot pa sa batok niya. “... akala mo hindi babayaran kung makahindi sa’kin eh ang taas-taas nga ng patong niya sa mga paninda niya. At saka may dagdag pang five percent ‘pag nade-delay sa pagbabayad. Nakakainis!” singhal na dagdag ni Grace at hindi na nakapagpigil sa inis na nararamdaman kung kaya’t malakas niyang sinipa ang paso ng halaman na nakita niya lang kung saan.Agad naman siyang hinampas ni Jill nang mahina sa braso.“Hoy, ‘wag mong pagbuntunan ng galit iyang nanahimik na halaman. Sige ka, baka m