Share

Chapter 2

Author: Ydewons
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

HINIHINGAL pa buhat nang layo at bilis na ginawang pagtakbo ni Grace makalayo lamang sa abandonadong gusali na iyon. Nang lumingon siya at masiguradong hindi na siya maaabutan ng mga lalaking iyon kung sakaling magbago ang isip nila ay doon lamang nakahinga nang maayos ang dalaga. Hinding-hindi na talaga siya maniniwala kay Jill! Baka sa susunod na patusin niya muli ang ibibigay na raket nito ay baka isang malamig na bangkay na siyang uuwi sa kanila.

“Oh, pakshet na malagkit! Hindi na talaga ako uulit! Mas gugustuhin at pagtitiisan ko nalang magkuskos ng pwet ng kaldero sa bar na pinapasukan ko kaysa naman malagay na naman sa bingit ng kamatayan ang buhay ko. Ayoko pa at hindi pa ako handa. Ni hindi pa nga bumabagsak ang Bataan ko eh-”

“Ano pang ginagawa mo dito sa daan eh halos hatinggabi na?”

Awtomatikong napahawak sa kanyang dibdib si Grace nang bigla-bigla na lamang may sumulpot sa tabi niya. Agad na nagkaroon ng gitla ang noo niya at salubong ang kilay na tinitigan ito.

“Ano ba naman po kayo kuya... may lahi po ba kayong kabute? Bakit bigla-bigla nalang kayong sumusulpot? Saan po ba kayo galing? Hulog po ba kayo ng langit?” pagbibiro ng dalaga at tiningnan ang kabuuan ng lalaking nakatayo hindi gaanong kalayuan sa kanya.

May hawak na sako ang lalaki habang ang damit ay butas-butas na rin. May uling rin ito sa mukha at maging ang halos kalahati ng katawan ngunit hindi naman ito mukhang mabaho. Medyo napangisi ang dalaga nang mapansin na may kalakihan nang kaunti ang ilong ng lalaki habang sira rin ang dalawang ngipin sa harapan.

Hindi naman sa nanghuhusga siya ng kapwa pero parang ganoon na nga kaya’t tahimik nalang siyang humingi ng tawad sa itaas.

“Kanina pa kasi ako paikot-ikot kakahanap ng pagkain. Meron ka ba dyan?”

At nahingian pa nga siya! Hindi alam ni Grace kung paanong reaksyon ba ang gagawin niya sa tanong ng lalaki. Ang perang pinahiram kasi sa kanya ni Jill ay halos naipambayad na niya sa sinakyan niyang taxi kanina. Mabilis niya nalang na kinuha ang wallet na nakaipit sa gitna ng kilikili niya at binuksan iyon. Napakamot siya agad ng ulo nang makitang barya na lamang ang mayroon siya.

“Wala na din kasi akong pera eh... pasensya kana ah-”

“Ano ba ‘yan! Ang ganda-ganda mo bago wala kang pera.”

Halos nagpantig ang dalawang tenga ni Grace sa narinig na sinabi ng lalaki. Ang kapal din naman ng mukha ng pulubing ito! Singkapal ng dumi at libag nito sa katawan. Humingi pa naman siya ng kapatawaran kanina sa itaas dahil sa ginawa niyang panghuhusga rito ngunit ngayon ay binabawi na niya! Deserve mahusgahan at malait ni kuya! Kairita.

“Ay pasensya kana ah... wala ka naman kasi yatang pinatago sa aking pera para may maibigay ako sayo ngayon na naghihingi ka, ano po? At saka ako na ang mahihiya sa sobrang pagkademanding mo dahil lang sa parehas tayong walang pera. Maganda lang ako pero dukha ako kuya, looks might be deceiving and so are you! Tse! Makaalis na nga.”

Akmang aalis na sana si Grace para makapagsimula na ulit maglakad pauwi sa kanila dahil mukhang matagal-tagal na lakaran ang mangyayari kung magkataon nang marinig niya ulit na nagsalita si kuyang pulubi. Wala na nga siyang pera ay baka mahold up pa siyang muli. Baka tuluyan na siyang magripuhan sa tagiliran kapag wala siyang maibibigay na pera na alam naman niya sa sarili niyang wala talaga.

“Sandali lang...”

Salubong ang kilay na hinarap ni Grace ang pulubi slash basurero slash kuyang demanding habang nakapamewang. “Ano na naman? Baka pati barya ko ay paghatian din natin ah? Huwag na kuya, balato mo na sa akin ‘yon dahil pambili ko ‘yon ng pandesal para sa kapatid ko bukas ay este mamaya at madaling araw na pala. Goodbye na, good night ay este good morning na pala. See you when I see you nalang-”

“May alam ka bang pwede kong pasukan na trabaho? Kahit saan o kahit magkano lang ang sweldo ay okay na ako...”

“Mapagkakatiwalaan ka ba?” naniningkit ang mga matang tanong ni Grace sa binata.

“Oo naman, kung hindi ako mapagkakatiwalaan ay sana kanina pa kita ginahasa dahil wala namang ibang taong nandito-”

“Hep! Hep! Hep! Ang wild ng imagination mo kuya, itigil mo ‘yan. Masama ‘yan at kasalanan sa itaas ‘yan...”

“Nagsasabi lang naman ako-”

“At nagdahilan pa nga!” muling binuksan ni Grace ang wallet niya at kinuha ang isang calling card roon. Agad niya ring iniumang iyon sa lalaki na mabilis naman nitong inabot.

“Anna Fuente? Ikaw si Anna Fue-”

“Gaga hindi ako ‘yan! Mukha bang Anna ang pangalan ko?!” kunot na kunot ang noo na tanong ni Grace. Ang simple na nga ng pangalan niyang Grace tapos mas papasimplehin pa ng lalaking ito.

“... eh sino pala ‘to?”

“Si ate Anna ‘yan, may-ari ng bar na pinapasukan ko-”

“P****k ka?” halos sakmalin na ni Grace ang binatang kaharap niya dahil hindi na niya nagugustuhan ang mga salitang lumalabas sa bibig nito. Masyadong judgemental kaya hindi pinagpapala! Gosh!

“Baliw ka hindi ‘no! I’m a proud virgin coconut oil. Never been kissed, never been touched!”

“Ah ganoon ba... anong gagawin ko sa calling card na ito-”

“Kainin mo kung gusto mo. O kaya naman sabawan mo rin para mas masiyahan ka. Eh di syempre tatawagan ano pa ba? Ay teka may cellphone ka ba?”

“Oh kita mo na? Ikaw itong baliw eh, pulubi ako at basurero tapos ine-expect mong may cellphone ako. Okay ka lang?” sarcastic na wika ng lalaki at tinitigan pa siya na animo’y siya na ang pinakatangang nakilala nito sa buong buhay.

Hindi na alam ni Grace kung saan pa nga ba papunta ang usapan nilang ito. Isang marahas na buntong hininga na lamang ang pinakawalan niya bago mahinang napatampal sa kanyang noo.

“Oo nga pala. Pasensya naman...”

“Ano nga-”

“Ito na nga! Nagmamadali ka ba? May taxi bang naghihintay? Asan? Ba’t hindi ko makita?”

“Ewan ko sayo...”

“Ewan ko din sayo basta pumunta ka nalang sa address na iyan tapos sabihin mo sa gwardya kay Grace kamo-”

“Oh sino naman ‘yong Grace?” sabad na tanong ng binata.

“Ako na ‘yon, bonak ka. Ako si Grace, happy?” tanong niya habang ang mukha ay hindi na maipinta. Masyado nang humahaba ang pag-uusap nila ng lalaking pulubing ito na hindi naman niya kilala.

“Ah Grace happy ang pangalan mo-”

“Grace lang, ‘wag kang abnormal.”

“Ah okay sige. Ako si Jan-”

“Anong Jan? January?” sabad na tanong ni Grace ngunit sinimangutan lang siya ng binata. Hindi na tuloy niya ngayon makita ang dalawang bulok na ngipin ng lalaki.

“Jan lang din. J. A. N. Jan, okay na ba?” awtomatikong rumehistro ang pandidiri sa mukha ni Grace nang makitang biglang ngumiti nang malapad ang binata at ngayon nga ay kitang-kita na niya ang maduming mga ngipin nito.

“O-oo na. Tama na kakangiti nang malapad. Pumunta ka nalang sa bar sa lunes, agahan mo ha. Dapat alas-singko ng hapon ay nandoon kana.”

Nagpaalamanan pa nga muna silang dalawa sa isa’t isa bago muli nang naglakad nang mabilis ang dalaga pauwi sa kanila. Naisip na naman niya ang kamiserablehan na nangyari sa kanya. Sa oras lang talaga na magkasalubong ang mga landas nila ni Jill ay kukurutin niya ang buong katawan nito gamit nail cutter. Tingnan niya lang kung hindi sumigaw iyon sa sakit.

MABILIS na binaba ni Jomari ang sakong bitbit-bitbit niya. Tinanggal niya rin ang pekeng ngipin na nakalagay sa bibig niya, halos mangalay ang bunganga niya dahil doon. Agad na nga niyang kinuha ang cellphone niya para matawagan ang secretary niyang si Rafael. Ilang ring lamang ang narinig niya at agad nang sumagot ang nasa kabilang linya.

“Sir-”

“Where the fuck are you? Come here as quickly as possible before I slit that neck of yours. Ang laki masyado ng mga ngipin na binigay mo sa akin, nangalay ang panga ko-”

“I’m sorry sir-”

“Anong magagawa ng sorry mo? Hindi ba’t wala naman? Puntahan niyo na agad ako dito at nilalamok na ako. Sa oras lang talaga na magkaroon ako ng insects bites, itatali ko kayong lahat na nandyan sa abandonadong gusali at ipapapapak kayo sa mga bubuyog. Tingnan niyo lang talaga...” pagbabanta ni Jomari sa kanyang mga tauhan at hindi pa man natatapos ang tawag nila ni Rafael ay isa-isa nang nagsidatingan ang mga kotseng kinasasakyan ng mga tauhan niya. Awtomatikong napangisi ang binata. “... goods, ang bilis niyo naman palang kumilos eh. Rafael?”

“Sir?” mabilis na tanong ng kanyang secretary. Agad niyang hinagis rito ang calling card na inabot sa kanya kanina ng dalaga.

“Search about that place. Tingnan mo kung legal at ano ang mga services ang ino-offer nila-”

“I can make you reservation to a high-class entertainment club sir-”

“Hindi iyon ang pinapagawa ko sayo, Rafael. Stick to my instructions and never say your opinion unless I asked you to. Do you understand?” suplado niyang tanong rito bago marahas na pumasok sa kanyang sasakyan. Agad rin namang sumunod si Rafael at sumakay na sa unahan. Ito lang kasi ang pinapayagan niyang magmaneho para sa kanya. Wala siyang tiwala sa iba niyang tauhan.

Nang maramdaman ni Jomari na nagsimula nang paandarin ni Rafael ang sasakyan niya ay mabilis lang rin siyang napapikit ng mga mata. Hanggang ngayon ay ang magandang mukha pa rin ni Grace ang laman ng isipan niya. That woman got his attention and interest big time!  Agad niyang naisip na may pagkakaabalahan na siya pansamantala sa nakakabagot niyang buhay.

Related chapters

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 3

    ILANG araw na rin ang lumipas simula nang mag-usap at magpanggap na isang pulubing basurero si Jomari sa harapan ni Grace. At ngayon nga ay nakapagdesisyon na siyang pupuntahan niya ang dalaga sa bar na pinagtatrabahuan nito. Mabilis niyang kinuha ang mga prosthetics na gagamitin niya para sa pagpapanggap at nag-ayos ng sarili. Maging siya rin ay nandiri sa kinalabasang mukha nang isuot na niya ang malaking ilong at maiitim na ngipin. Nagsuot rin siya ng wig na hindi madaling maalis. Nang makuntento ay lumabas na ang binata sa kanyang kwarto. Agad namang nagsitayuan ang mga tauhan ng daddy niya nang makita siya para magbigay respeto sa kanya.“Hindi pa rin nakakauwi si dad?” tanong niya sa mga ito habang pababa siya sa hagdan.“Don Azrael was still in Russia sir Jomari. Siguro daw po ay sa sunod na araw pa ito makakauwi...”Awtomatikong tumaas ang kilay ng binata nang marinig iyon. Mukhang abala pa rin ang daddy niya sa pagpapalawig ng organisasyon nila ah. Sino na naman kayang goverm

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 4

    MALAKAS na iniunat ni Jomari ang kanyang katawan pagkababa na pagkababa niya mula sa sasakyan niya. Ito na ang panghuling araw niya para sa unang linggo niyang pagtatrabaho kasama si Grace sa bar na pinapasukan nito. Pakiramdam niya ay nabanat nang sobra ang mga buto niya at kasu-kasuan dahil sa tindi ng ginawa niyang paglilinis sa lugar. Halos pikit na ang kalahating mga mata niya habang naglalakad patungo sa kwarto niya, ni hindi na nga niya pinapansin ang kanilang mga tauhan sa tuwing siya ay babatiin.Nang tuluyang marating ang kanyang kama ay pabagsak siyang nahiga roon. Pakiramdam niya ay naubos ang kanyang lakas. Sanay naman ang katawan niya sa mga mabibigat na gawain dahil kahit noong bata pa lamang siya ay pinagbibitbit na siya ng kanyang ama ng mga malalaki at mabibigat na armas. Nakadalo na nga siya ng mga training na daig pa ang sa militar sa higpit ng pagbabantay. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung hindi paglalampaso at pagwawalis ang pinapagawa sa kanya ay pinagk

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 1

    “OH bakit mukhang Biyernes-santo na naman iyang mukha mo, Grasya? Hindi na naman ba kayo pinautang ni Aling Puring?”Nakasimangot na lumingon si Grace sa likod niya nang marinig ang nagsalita. Si Jill iyon, ang kapitbahay nilang kaedaran niya lang pero halos ginawa nang pabrika ng mga bata ang matres sa sobrang dalas nitong mag-anak. Marahas na muna siyang napabuntong hininga bago sunod-sunod na tumango.“Ewan ko ba naman sa matandang ‘yon...” naiiritang usal ng dalaga habang napapakamot pa sa batok niya. “... akala mo hindi babayaran kung makahindi sa’kin eh ang taas-taas nga ng patong niya sa mga paninda niya. At saka may dagdag pang five percent ‘pag nade-delay sa pagbabayad. Nakakainis!” singhal na dagdag ni Grace at hindi na nakapagpigil sa inis na nararamdaman kung kaya’t malakas niyang sinipa ang paso ng halaman na nakita niya lang kung saan.Agad naman siyang hinampas ni Jill nang mahina sa braso.“Hoy, ‘wag mong pagbuntunan ng galit iyang nanahimik na halaman. Sige ka, baka m

Latest chapter

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 2

    HINIHINGAL pa buhat nang layo at bilis na ginawang pagtakbo ni Grace makalayo lamang sa abandonadong gusali na iyon. Nang lumingon siya at masiguradong hindi na siya maaabutan ng mga lalaking iyon kung sakaling magbago ang isip nila ay doon lamang nakahinga nang maayos ang dalaga. Hinding-hindi na talaga siya maniniwala kay Jill! Baka sa susunod na patusin niya muli ang ibibigay na raket nito ay baka isang malamig na bangkay na siyang uuwi sa kanila.“Oh, pakshet na malagkit! Hindi na talaga ako uulit! Mas gugustuhin at pagtitiisan ko nalang magkuskos ng pwet ng kaldero sa bar na pinapasukan ko kaysa naman malagay na naman sa bingit ng kamatayan ang buhay ko. Ayoko pa at hindi pa ako handa. Ni hindi pa nga bumabagsak ang Bataan ko eh-”“Ano pang ginagawa mo dito sa daan eh halos hatinggabi na?”Awtomatikong napahawak sa kanyang dibdib si Grace nang bigla-bigla na lamang may sumulpot sa tabi niya. Agad na nagkaroon ng gitla ang noo niya at salubong ang kilay na tinitigan ito.“Ano ba n

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 1

    “OH bakit mukhang Biyernes-santo na naman iyang mukha mo, Grasya? Hindi na naman ba kayo pinautang ni Aling Puring?”Nakasimangot na lumingon si Grace sa likod niya nang marinig ang nagsalita. Si Jill iyon, ang kapitbahay nilang kaedaran niya lang pero halos ginawa nang pabrika ng mga bata ang matres sa sobrang dalas nitong mag-anak. Marahas na muna siyang napabuntong hininga bago sunod-sunod na tumango.“Ewan ko ba naman sa matandang ‘yon...” naiiritang usal ng dalaga habang napapakamot pa sa batok niya. “... akala mo hindi babayaran kung makahindi sa’kin eh ang taas-taas nga ng patong niya sa mga paninda niya. At saka may dagdag pang five percent ‘pag nade-delay sa pagbabayad. Nakakainis!” singhal na dagdag ni Grace at hindi na nakapagpigil sa inis na nararamdaman kung kaya’t malakas niyang sinipa ang paso ng halaman na nakita niya lang kung saan.Agad naman siyang hinampas ni Jill nang mahina sa braso.“Hoy, ‘wag mong pagbuntunan ng galit iyang nanahimik na halaman. Sige ka, baka m

DMCA.com Protection Status