Share

Chapter 3

Author: Ydewons
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

ILANG araw na rin ang lumipas simula nang mag-usap at magpanggap na isang pulubing basurero si Jomari sa harapan ni Grace. At ngayon nga ay nakapagdesisyon na siyang pupuntahan niya ang dalaga sa bar na pinagtatrabahuan nito. Mabilis niyang kinuha ang mga prosthetics na gagamitin niya para sa pagpapanggap at nag-ayos ng sarili. Maging siya rin ay nandiri sa kinalabasang mukha nang isuot na niya ang malaking ilong at maiitim na ngipin. Nagsuot rin siya ng wig na hindi madaling maalis. Nang makuntento ay lumabas na ang binata sa kanyang kwarto. Agad namang nagsitayuan ang mga tauhan ng daddy niya nang makita siya para magbigay respeto sa kanya.

“Hindi pa rin nakakauwi si dad?” tanong niya sa mga ito habang pababa siya sa hagdan.

“Don Azrael was still in Russia sir Jomari. Siguro daw po ay sa sunod na araw pa ito makakauwi...”

Awtomatikong tumaas ang kilay ng binata nang marinig iyon. Mukhang abala pa rin ang daddy niya sa pagpapalawig ng organisasyon nila ah. Sino na naman kayang goverment officials, hari o duke o negosyante ang inuuto ng daddy niya ngayon. Naisip nalang ng binata na wala pa ring kapaguran ang ama niya sa kabila ng tumatandang edad nito. Samantalang heto siya at naghahabol sa isang babae dahil lang sa nakuha nito ang interes niya.

Nang tuluyang makababa ay mabilis na kinuha ni Jomari ang cellphone niya sa bulsa niya. Akma niya pa sanang tatawagan ang numero ni Rafael nang sa isang iglap ay bigla itong lumitaw sa harapan niya.

“Oh there you are! Akala ko ay nasa opisina ka pa?” tanong niya sa kanyang secretary habang naglalakad na patungo sa labas ng mansyon nila. Malapit na mag alas-singko kung kaya’t kailangan na niyang magmadaling makapunta sa address na binigay sa kanya ni Grace. Ayaw naman niyang magpa-importante sa dalaga kahit na importanteng tao naman talaga siya. Siya lang naman ang kaisa-isang anak ni Don Azrael Villazondo, ang leader ng organisasyong Xympho Odoragon na kilalang mafia group hindi lang sa Asya kung hindi maging sa ibang kontinente rin ng mundo. Hindi alam ng normal at pangkaraniwang tao ang organisasyong kinabibilangan at pinamumunuan ng ama niya. Tanging ang mga tao lamang sa underworld ang may alam tungkol rito.

“Maaga ko po natapos ang mga reports na pinapaasikaso niyo, sir. Dala ko na din po ang mga files na pipirmahan niyo nalang-”

“Save that for later... ihatid mo na muna ako sa address na nakalagay sa calling card na binigay ko sayo last week,” utos niya rito at mabilis na ngang sumakay sa kotse niya at isinandal ang likod. Isang itim na tshirt lang ang suot niya pang-itaas habang angb pangbaba ay isang kupas na maong. May butas rin iyon sa mga tuhod. Hindi maiwasang hindi matawa ng binata dahil mukha talaga siyang ibang tao ngayon. Malayong-malayo sa pagkatao niyang si Jomari Jan Villazondo.

Agad na ngang sumakay at nagmaneho si Rafael. Tahimik lamang ito at kung minsan ay palinga-linga sa kanya.

“Malayo pa ba tayo, Rafael?” tanong ni Jomari pagkalipas ng ilang minuto. Medyo napapansin na niya kasi na pakipot na nang pakipot ang daang tinatahak nila. Maging ang mga batang namamalimos ay nagkalat sa tabi-tabi.

“Malapit na po, sir Jomari. Ilang kanto nalang po-”

“Stop the car... bababa na ako...”

Mabilis ngang tumalima sa utos niya ang kanyang secretary at agad na ginilid ang kotseng kinasasakyan nila. Sumulyap siya sandali sa salamin ng kotse upang tingnan ang ayos niya. Panget at mukhang mahirap.

“... I’ll just text you when my business here is done.”

Agad na tumango si Rafael. Bago bumaba ang binata sa sasakyan ay saglit siyang muling luminga sa paligid.

“Ah Rafael?” tawag niya sa pangalan nito.

“Sir-”

“Tell to my dad the currently status here and ask him any idea on how to alleviate the situation. Give him your opinion on my behalf.”

“Sir Jomari, what do you mean by that?” tila naguguluhang tanong sa kanya  ni Rafael dahil pansin na pansin ang gitla nito sa noo.

“Rafael, don’t start me with your dumbness. Of course! Ask my dad to build an orphanage here to decrease the number of street children. O kung hindi naman ay magpadala siya dito ng mga tauhan to give some relief goods. Iyon naman talaga ang mission ng organization, right? To help the poor and give opportunities to our fellow countrymen...” kumunot ang noo ni Jomari nang lumipas ang ilang segundo at hindi pa rin umiimik sa kanya si Rafael. “... Rafael, are you still with me? Rafael?”

“Rafael!”

“S-sir...”

“Narinig mo ba ang lahat ng sinabi ko?!” singhal ng binata dahil parang hangin lang ang kausap niya. Mabilis namang tumango ang sekretarya niya ngunit pansin na pansin na parang wala ito sa sarili.

“Y-yes sir... narinig ko po lahat-”

“Good. Siguraduhin mo lang na narinig mo dahil kapag may nakaligtaan kang sabihin ni maliit na detalye lang kay daddy ay tatapyasan kita ng isang tenga. Better take that as a warning.”

Hindi na niya hinintay pang makasagot ang secretary at agad nang bumaba sa kotse. Sinadya niya talaga na hindi bumaba sa eksaktong address na nakasaad sa calling card dahil ayaw naman niyang magtaka si Grace kung aksidente nitong makita siya na bumaba galing sa isang mamahalin at magandang sasakyan. Iba si Jomari kay Jan. At ngayong hapon ay siya si Jan na pulubi at dukha.

“KAY Grace daw! May naghahanap sayo.”

Agad na binaba ni Grace ang mga kaldero at kaserolang bitbit-bitbit nang marinig niya ang malakas na boses na iyon na nanggaling kay Kuya Berto, ang isa sa mga maskuladong bouncer nila. Noong una ay hindi naniniwala ang dalaga na may naghahanap sa kanya ngunit nang paglingon niya at nakita roon ang binatang nakaraan niya pa hinihintay ay masaya siyang naglakad patungo sa kinatatayuan nito.

“Oh maigi naman at dumating ka pa. Akala ko naiwala mo ‘yong papel eh. Ba’t ngayon ka lang nagpunta? Busy pa si Ate Anna eh, hayaan mo at aabalahin ko agad ‘yon mamaya.”

Sunod-sunod na wika ng dalaga at matamang tiningnan ang kabuuang ayos ng binata. Nakasuot ito ng isang plain na tshirt. Wala na rin ang uling nito sa mukha ngunit nandoon pa rin ang itim nito sa mga ngipin. Mukhang nakalimutan yata magsepilyo.

“Pasensya kana Grace ah, naghanap pa kasi ako ng pera pampamasahe papunta rito tapos ito... itong damit ko, bumili pa ko sa ukay-”

“Okay lang ‘yan! Saktong-sakto nga ang dating mo eh. Kakaalis lang kahapon ng janitor namin. Tiyak akong tatanggapin ka agad ni Ate Anna dahil hindi ka naman mukhang mambubudol!” Malakas na ani ng dalaga sabay tawa na animo’y wala na’ng bukas. “... oo nga pala, saglit lang ha. Stay put ka lang dyan sa tabi ni Kuya Berto at dadalhin ko lang ‘tong mga kaldero at kaserola sa kusina. Kanina pa kasi ‘to hinihintay doon eh. Wait lang at babalikan kita!”

Agad na ngang kinuhang muli ni Grace ang mga kaldero at kaserola na kanina ay binaba niya at nagmamadaling nagtungo ng kusina ng bar. Awtomatiko siyang napangiti nang mamataan si ate Anna sa loob.

 “Ate Anna!” malakas niyang tawag sa may-ari ng bar at nilapitan ito.

“Saan ka na naman nanggaling ha Grasya? Kanina pa hinihintay iyang mga kaldero at kaserola at walang paglulutuan. Biyernes ngayon at marami-raming customer ang tiyak na pupunta dito ngayon. Bilisan mo na at kumilos-”

“Iyon nga ate Anna... dumating na ‘yong sinasabi ko sayong kaibigan ko na papasok bilang janitor. Hindi ba tumakas at tinakbo ng dati nating janitor ang kinita ng bar noong nakaraang linggo kahapon. Oh ayan, may kapalit na siya agad!” Masayang anunsyo ni Grace na para bang proud na proud pa siya.

Huwag lang sana siyang bibiguin ni Jan dahil baka mag-asawang sampal ang ibibigay niya rito sa oras lang na tumulad din ito sa janitor nilang nagnakaw tapos ngayon ay hindi na mahagilap.

“Masipag ba ‘yan? Mapagkakatiwalaan at hindi sinungaling?” naniningkit ang mga matang tanong ni ate Anna sa kanya habang naghihiwa ng bawang na gagamitin panggisa. Mabilis namang tumango ang dalaga na para bang buong-buo talaga ang tiwala niya kay Jan kahit hindi pa naman niya ito lubos na kilala.

“Syempre naman ate Anna! Ako pa ba? Ipapaputol ko ang mga daliri ko sa paa at kamay kapag gumawa ‘yon ng masama. Believe me!”

Isang malapad na ngiti ang agad na rumehistro sa mukha ni Grace nang makita niyang tumatango-tango na ang amo niya. Isa lang ang hula niya at tingin niya ay tama iyon. Pumayag na ito.

“... ano na ate Anna? All goods na ba? Start na siya magtrabaho?” paniniguradong tanong niya habang nagniningning pa ang mga mata.

“Oo na, basta siguraduhin mo lang Grace ha. Sagot mo ‘yan kasi ikaw ang nagpasok dyan...”

“Syempre naman ate Anna! Bait-bait mo talaga, sana ‘di ka muna kunin ni Lord!”

“Aba’t loko kang bata ka ah!”

Mabilis na tumakbo palabas ng kusina si Grace kahit na naririnig niya pa ang pagtawag sa kanya ni ate Anna. Gusto na niya agad puntahan si Jan para sabihin dito ang magandang balita! Wala lang, masaya lang siya na nakatulong siya sa kapwa niya. Pakiramdam niya tuloy ay pwede na niyang palitan si San Pedro sa sobrang kabaitan niya. Chares!

Related chapters

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 4

    MALAKAS na iniunat ni Jomari ang kanyang katawan pagkababa na pagkababa niya mula sa sasakyan niya. Ito na ang panghuling araw niya para sa unang linggo niyang pagtatrabaho kasama si Grace sa bar na pinapasukan nito. Pakiramdam niya ay nabanat nang sobra ang mga buto niya at kasu-kasuan dahil sa tindi ng ginawa niyang paglilinis sa lugar. Halos pikit na ang kalahating mga mata niya habang naglalakad patungo sa kwarto niya, ni hindi na nga niya pinapansin ang kanilang mga tauhan sa tuwing siya ay babatiin.Nang tuluyang marating ang kanyang kama ay pabagsak siyang nahiga roon. Pakiramdam niya ay naubos ang kanyang lakas. Sanay naman ang katawan niya sa mga mabibigat na gawain dahil kahit noong bata pa lamang siya ay pinagbibitbit na siya ng kanyang ama ng mga malalaki at mabibigat na armas. Nakadalo na nga siya ng mga training na daig pa ang sa militar sa higpit ng pagbabantay. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung hindi paglalampaso at pagwawalis ang pinapagawa sa kanya ay pinagk

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 1

    “OH bakit mukhang Biyernes-santo na naman iyang mukha mo, Grasya? Hindi na naman ba kayo pinautang ni Aling Puring?”Nakasimangot na lumingon si Grace sa likod niya nang marinig ang nagsalita. Si Jill iyon, ang kapitbahay nilang kaedaran niya lang pero halos ginawa nang pabrika ng mga bata ang matres sa sobrang dalas nitong mag-anak. Marahas na muna siyang napabuntong hininga bago sunod-sunod na tumango.“Ewan ko ba naman sa matandang ‘yon...” naiiritang usal ng dalaga habang napapakamot pa sa batok niya. “... akala mo hindi babayaran kung makahindi sa’kin eh ang taas-taas nga ng patong niya sa mga paninda niya. At saka may dagdag pang five percent ‘pag nade-delay sa pagbabayad. Nakakainis!” singhal na dagdag ni Grace at hindi na nakapagpigil sa inis na nararamdaman kung kaya’t malakas niyang sinipa ang paso ng halaman na nakita niya lang kung saan.Agad naman siyang hinampas ni Jill nang mahina sa braso.“Hoy, ‘wag mong pagbuntunan ng galit iyang nanahimik na halaman. Sige ka, baka m

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 2

    HINIHINGAL pa buhat nang layo at bilis na ginawang pagtakbo ni Grace makalayo lamang sa abandonadong gusali na iyon. Nang lumingon siya at masiguradong hindi na siya maaabutan ng mga lalaking iyon kung sakaling magbago ang isip nila ay doon lamang nakahinga nang maayos ang dalaga. Hinding-hindi na talaga siya maniniwala kay Jill! Baka sa susunod na patusin niya muli ang ibibigay na raket nito ay baka isang malamig na bangkay na siyang uuwi sa kanila.“Oh, pakshet na malagkit! Hindi na talaga ako uulit! Mas gugustuhin at pagtitiisan ko nalang magkuskos ng pwet ng kaldero sa bar na pinapasukan ko kaysa naman malagay na naman sa bingit ng kamatayan ang buhay ko. Ayoko pa at hindi pa ako handa. Ni hindi pa nga bumabagsak ang Bataan ko eh-”“Ano pang ginagawa mo dito sa daan eh halos hatinggabi na?”Awtomatikong napahawak sa kanyang dibdib si Grace nang bigla-bigla na lamang may sumulpot sa tabi niya. Agad na nagkaroon ng gitla ang noo niya at salubong ang kilay na tinitigan ito.“Ano ba n

Latest chapter

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 3

    ILANG araw na rin ang lumipas simula nang mag-usap at magpanggap na isang pulubing basurero si Jomari sa harapan ni Grace. At ngayon nga ay nakapagdesisyon na siyang pupuntahan niya ang dalaga sa bar na pinagtatrabahuan nito. Mabilis niyang kinuha ang mga prosthetics na gagamitin niya para sa pagpapanggap at nag-ayos ng sarili. Maging siya rin ay nandiri sa kinalabasang mukha nang isuot na niya ang malaking ilong at maiitim na ngipin. Nagsuot rin siya ng wig na hindi madaling maalis. Nang makuntento ay lumabas na ang binata sa kanyang kwarto. Agad namang nagsitayuan ang mga tauhan ng daddy niya nang makita siya para magbigay respeto sa kanya.“Hindi pa rin nakakauwi si dad?” tanong niya sa mga ito habang pababa siya sa hagdan.“Don Azrael was still in Russia sir Jomari. Siguro daw po ay sa sunod na araw pa ito makakauwi...”Awtomatikong tumaas ang kilay ng binata nang marinig iyon. Mukhang abala pa rin ang daddy niya sa pagpapalawig ng organisasyon nila ah. Sino na naman kayang goverm

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 2

    HINIHINGAL pa buhat nang layo at bilis na ginawang pagtakbo ni Grace makalayo lamang sa abandonadong gusali na iyon. Nang lumingon siya at masiguradong hindi na siya maaabutan ng mga lalaking iyon kung sakaling magbago ang isip nila ay doon lamang nakahinga nang maayos ang dalaga. Hinding-hindi na talaga siya maniniwala kay Jill! Baka sa susunod na patusin niya muli ang ibibigay na raket nito ay baka isang malamig na bangkay na siyang uuwi sa kanila.“Oh, pakshet na malagkit! Hindi na talaga ako uulit! Mas gugustuhin at pagtitiisan ko nalang magkuskos ng pwet ng kaldero sa bar na pinapasukan ko kaysa naman malagay na naman sa bingit ng kamatayan ang buhay ko. Ayoko pa at hindi pa ako handa. Ni hindi pa nga bumabagsak ang Bataan ko eh-”“Ano pang ginagawa mo dito sa daan eh halos hatinggabi na?”Awtomatikong napahawak sa kanyang dibdib si Grace nang bigla-bigla na lamang may sumulpot sa tabi niya. Agad na nagkaroon ng gitla ang noo niya at salubong ang kilay na tinitigan ito.“Ano ba n

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 1

    “OH bakit mukhang Biyernes-santo na naman iyang mukha mo, Grasya? Hindi na naman ba kayo pinautang ni Aling Puring?”Nakasimangot na lumingon si Grace sa likod niya nang marinig ang nagsalita. Si Jill iyon, ang kapitbahay nilang kaedaran niya lang pero halos ginawa nang pabrika ng mga bata ang matres sa sobrang dalas nitong mag-anak. Marahas na muna siyang napabuntong hininga bago sunod-sunod na tumango.“Ewan ko ba naman sa matandang ‘yon...” naiiritang usal ng dalaga habang napapakamot pa sa batok niya. “... akala mo hindi babayaran kung makahindi sa’kin eh ang taas-taas nga ng patong niya sa mga paninda niya. At saka may dagdag pang five percent ‘pag nade-delay sa pagbabayad. Nakakainis!” singhal na dagdag ni Grace at hindi na nakapagpigil sa inis na nararamdaman kung kaya’t malakas niyang sinipa ang paso ng halaman na nakita niya lang kung saan.Agad naman siyang hinampas ni Jill nang mahina sa braso.“Hoy, ‘wag mong pagbuntunan ng galit iyang nanahimik na halaman. Sige ka, baka m

DMCA.com Protection Status