Share

Chapter 4

Author: Ydewons
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

MALAKAS na iniunat ni Jomari ang kanyang katawan pagkababa na pagkababa niya mula sa sasakyan niya. Ito na ang panghuling araw niya para sa unang linggo niyang pagtatrabaho kasama si Grace sa bar na pinapasukan nito. Pakiramdam niya ay nabanat nang sobra ang mga buto niya at kasu-kasuan dahil sa tindi ng ginawa niyang paglilinis sa lugar. Halos pikit na ang kalahating mga mata niya habang naglalakad patungo sa kwarto niya, ni hindi na nga niya pinapansin ang kanilang mga tauhan sa tuwing siya ay babatiin.

Nang tuluyang marating ang kanyang kama ay pabagsak siyang nahiga roon. Pakiramdam niya ay naubos ang kanyang lakas. Sanay naman ang katawan niya sa mga mabibigat na gawain dahil kahit noong bata pa lamang siya ay pinagbibitbit na siya ng kanyang ama ng mga malalaki at mabibigat na armas. Nakadalo na nga siya ng mga training na daig pa ang sa militar sa higpit ng pagbabantay. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung hindi paglalampaso at pagwawalis ang pinapagawa sa kanya ay pinagkukuskos naman siya ng kubeta. Ngali-ngaling masuka nga siya noong unang beses na ginawa niya iyon. Pinagtangkaan pa niyang taniman ng bomba ang lugar para naman tuluyan nang mawala sa mapa ng Pilipinas ang lintik na bar na iyon.

Ngunit agad niya ring binawi ang ideya na iyon sa kanyang isip dahil nabanggit sa kanya ni Grace na iyong lugar lamang na iyon ang siyang tanging bumubuhay sa dalaga at sa nakababata nitong kapatid na may sakit sa puso. Kaya’t gustuhin mang palahuin ni Jomari ang bar na pagmamay ari ni ate Anna ay matindi niyang pinigilan ang sarili.

“Sir Jomari-”

“Not now Rafael, can’t you see that I’m fucking trying to get some rest...” mahinang usal ng binata habang ang ulo ay nakalubog pa rin sa malambot niyang unan. Gustong-gusto na niyang matulog. Ilang gabi na siyang puyat. Inaasikaso niya rin kasi ang family business nila na iniatang na sa kanya ng kanyang ama nang mapagdesiyunan nitong mag-focus sa kanilang organisasyon. Nasa tamang edad naman na siya at may alam rin pagdating sa mga negosyo kaya’t agad niyang kinuha iyon.

“But s-sir...”

“Get out of my room! You fucking dumbass-”

“What’s with the cuss, Jomari Jan? Is that how you treat your secretary?”

Mabilis pa sa alas kwatrong napabalikwas sa kanyang kinahihigan si Jomari at kunot na kunot ang noo na tumitig kay Rafael. Hindi rin naman makapagsalita sa kanya ang binata kung kaya’t marahas nalang niyang kinuha ang teleponong hawak nito at sinenyasang lumabas na sa kanyang kwarto na agad namang sinunod ng huli.

“Dad...”

“Stop treating Rafael like that, son. Iyan na nga lang ang nagtitiyaga sayo.”

Isang hikab na muna ang pinakawalan ni Jomari sabay tango kahit na alam naman niyang hindi iyon makikita ng kanyang ama. Kinusot niya rin ang kanyang mga mata para mapigilan ang antok na lumalamon sa kanya.

“Yeah, yeah... whatever. Nasaan na ba kayo? Bakit hindi pa rin kayo umuuwi?” tanong niya sabay lingon sa paligid. Nakakausap niya kasi ang kanyang ama na parang isang normal na mag-ama lang sa tuwing silang dalawa lang naman ang nagkakarinigan ng kanilang pag-uusap. Ngunit sa tuwing may meeting kasama ang iba’t ibang leader ng grupo mula sa iba’t ibang panig ng mundo at Pilipinas, pinananatili nilang dalawa ang may awtoridad at seryoso sa kanilang mga boses lalo na at ang kanyang ama na si Don Azrael ang pinakapinuno ng Xympho Odoragon.

“I’m still here at Russia, son. Medyo maraming transactions kasi these past few days na hindi ko pwedeng basta-basta nalang ipagkatiwala sa iba nating tauhan. It’s a personal gift for the king in the northern. Hayaan mo at pauwi na rin ako bago matapos ang linggong ito...”

“Goods. Always take care of yourself, dad. Hindi pa ako kinakasal, ayoko namang lisanin mo ang mundo nang hindi mo man lang nakakalaro ang apo mo...” pagbibiro ni Jomari at muli nang nahiga sa kanyang kama. Akala naman niya ay kung anong importanteng bagay ang sasabihin sa kanya ng ama niya. Mag-a-update lang naman pala. His dad might look intimidating but he has a soft heart for everyone, lalo na sa mga tauhan nila. Kaya’t hindi niya rin masisisi ang mga tauhan ng kanyang ama na pinipiling manatili dito sa mansion nila sa kabila ng kagarapalan ng ugali niya. Halimbawa nalang si Rafael. Una itong naging secretary ng daddy niya bago mapunta sa kanya. Kaya naman halos ituring na rin itong anak ni Don Azrael.

“Yeah, about that son. I have something important to tell you...”

Sandali na namang nawala ang antok sa katawan ni Jomari dahil sa narinig na pambibitin ng kanyang ama. Ano na naman kaya ang tinutukoy nito sa sinabi? The last time na nagsabi si Don Azrael ng ganoon sa kanya ay sinurpresa lang naman siya nito ng isang isla. Bumili ito ng isla at pinangalan sa kanya. Lumipas na ang ilang buwan at hanggang ngayon ay hindi man lang niya iyon nabibisita.

“What is it, dad? Don’t tell me bumili ka na naman ng isla para ibigay sa akin ah. That’s really a generous of you but no thanks-”

“No son... this is something important than that...”

“So spill it now, dad. I’m all ears. You know that you can say anything to me naman, ‘di ba? Go on, say it now-”

“You have to produce an heir now.”

Pakiramdam ni Jomari ay nabingi siya sa mga sandaling iyon. Produce an heir? Ni girlfriend nga ay wala siya tapos hahanapan pa siya ngayon ng ama niya ng tagapagmana. Napakaimposible ng hinihingi nito.

“Are you serious dad? No fucking- I mean no way. Ni wala nga akong girlfriend ngayon eh-”

“That’s why you have to search now, anak! Hindi na ako bumabata. I’m aging and you know that. Gusto ko na din namang magretiro at mag-focus nalang sa mga negosyo natin but I can’t leave the organization unless may assurance tayong magkakaroon ka ng anak-”

“Magkakaroon ako ng anak, dad pero hindi ngayon-”

“Hindi na ako bumabata, Jomari. Alam mo ang rules sa organisasyon natin. I can only give you the responsibility as the mafia king as long as you have a son. Sa oras lang na may maipakita tayong anak mo, doon lang ako hahayaang makapagretiro. And I’m telling you son, gusto ko nang huminto. Gusto ko nang manatili nalang dyan sa mansyon at asikasuhin ang mga negosyo natin. Gusto ko nalang mag-enjoy. Another thing is, madalas kong napapanaginipan ang mommy mo. Tinatanong niya ako kung bakit hindi man lang natin nadadalaw ang puntod niya... nakalimutan mo bang magdala ng bulaklak sa kanya last week? It’s your mom death annivesarry, son. Don’t tell me nakalimutan mo?”

Oh shoot! Malakas na napapilig ng ulo si Jomari dahil hindi niya alam kung sasabihin ba ang totoong sagot sa tanong ng ama niya o magsisinungaling. Sa sobrang busy niya kasi sa bar ay nakalimutan niya ngang dalawin ang mommy niya sa sementeryo. Nagi-guilty tuloy siya ngayon.

Sa huli ay hindi na siya muling tinanong ng ama niya at nagpaalam nalang. May gagawin na raw ito at magpahinga na siya. Jomari bid his goodbye before end up the call. Marahas siyang napabuntong hininga ngayon. His father is asking him now to produce an heir. Paano at kanino?

Halos sumabog na ang ulo ng binata kakaisip kung paano bibigyan ng solusyon ang problemang kinahaharap niya ngayon nang may isang pangalan lang ang biglang lumitaw sa kanyang isipan. Tama! Oo nga! Sino ba ang pinag-iinteresan niya ngayon? Malamang si Grace! Maganda, maputi at matangkad ang dalaga kung kaya’t hindi halata na naghihirap ito. Ngunit habang patagal nang patagal ay may isang katanungan ang muling nabubuo sa kanyang isipan. At iyon ay ang paano niya mapapapayag ang dalaga sa kasunduang dalhin nito ang susunod na tagapagmana ng Xympho Odoragon?

Related chapters

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 1

    “OH bakit mukhang Biyernes-santo na naman iyang mukha mo, Grasya? Hindi na naman ba kayo pinautang ni Aling Puring?”Nakasimangot na lumingon si Grace sa likod niya nang marinig ang nagsalita. Si Jill iyon, ang kapitbahay nilang kaedaran niya lang pero halos ginawa nang pabrika ng mga bata ang matres sa sobrang dalas nitong mag-anak. Marahas na muna siyang napabuntong hininga bago sunod-sunod na tumango.“Ewan ko ba naman sa matandang ‘yon...” naiiritang usal ng dalaga habang napapakamot pa sa batok niya. “... akala mo hindi babayaran kung makahindi sa’kin eh ang taas-taas nga ng patong niya sa mga paninda niya. At saka may dagdag pang five percent ‘pag nade-delay sa pagbabayad. Nakakainis!” singhal na dagdag ni Grace at hindi na nakapagpigil sa inis na nararamdaman kung kaya’t malakas niyang sinipa ang paso ng halaman na nakita niya lang kung saan.Agad naman siyang hinampas ni Jill nang mahina sa braso.“Hoy, ‘wag mong pagbuntunan ng galit iyang nanahimik na halaman. Sige ka, baka m

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 2

    HINIHINGAL pa buhat nang layo at bilis na ginawang pagtakbo ni Grace makalayo lamang sa abandonadong gusali na iyon. Nang lumingon siya at masiguradong hindi na siya maaabutan ng mga lalaking iyon kung sakaling magbago ang isip nila ay doon lamang nakahinga nang maayos ang dalaga. Hinding-hindi na talaga siya maniniwala kay Jill! Baka sa susunod na patusin niya muli ang ibibigay na raket nito ay baka isang malamig na bangkay na siyang uuwi sa kanila.“Oh, pakshet na malagkit! Hindi na talaga ako uulit! Mas gugustuhin at pagtitiisan ko nalang magkuskos ng pwet ng kaldero sa bar na pinapasukan ko kaysa naman malagay na naman sa bingit ng kamatayan ang buhay ko. Ayoko pa at hindi pa ako handa. Ni hindi pa nga bumabagsak ang Bataan ko eh-”“Ano pang ginagawa mo dito sa daan eh halos hatinggabi na?”Awtomatikong napahawak sa kanyang dibdib si Grace nang bigla-bigla na lamang may sumulpot sa tabi niya. Agad na nagkaroon ng gitla ang noo niya at salubong ang kilay na tinitigan ito.“Ano ba n

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 3

    ILANG araw na rin ang lumipas simula nang mag-usap at magpanggap na isang pulubing basurero si Jomari sa harapan ni Grace. At ngayon nga ay nakapagdesisyon na siyang pupuntahan niya ang dalaga sa bar na pinagtatrabahuan nito. Mabilis niyang kinuha ang mga prosthetics na gagamitin niya para sa pagpapanggap at nag-ayos ng sarili. Maging siya rin ay nandiri sa kinalabasang mukha nang isuot na niya ang malaking ilong at maiitim na ngipin. Nagsuot rin siya ng wig na hindi madaling maalis. Nang makuntento ay lumabas na ang binata sa kanyang kwarto. Agad namang nagsitayuan ang mga tauhan ng daddy niya nang makita siya para magbigay respeto sa kanya.“Hindi pa rin nakakauwi si dad?” tanong niya sa mga ito habang pababa siya sa hagdan.“Don Azrael was still in Russia sir Jomari. Siguro daw po ay sa sunod na araw pa ito makakauwi...”Awtomatikong tumaas ang kilay ng binata nang marinig iyon. Mukhang abala pa rin ang daddy niya sa pagpapalawig ng organisasyon nila ah. Sino na naman kayang goverm

Latest chapter

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 4

    MALAKAS na iniunat ni Jomari ang kanyang katawan pagkababa na pagkababa niya mula sa sasakyan niya. Ito na ang panghuling araw niya para sa unang linggo niyang pagtatrabaho kasama si Grace sa bar na pinapasukan nito. Pakiramdam niya ay nabanat nang sobra ang mga buto niya at kasu-kasuan dahil sa tindi ng ginawa niyang paglilinis sa lugar. Halos pikit na ang kalahating mga mata niya habang naglalakad patungo sa kwarto niya, ni hindi na nga niya pinapansin ang kanilang mga tauhan sa tuwing siya ay babatiin.Nang tuluyang marating ang kanyang kama ay pabagsak siyang nahiga roon. Pakiramdam niya ay naubos ang kanyang lakas. Sanay naman ang katawan niya sa mga mabibigat na gawain dahil kahit noong bata pa lamang siya ay pinagbibitbit na siya ng kanyang ama ng mga malalaki at mabibigat na armas. Nakadalo na nga siya ng mga training na daig pa ang sa militar sa higpit ng pagbabantay. Ngunit ang hindi niya maintindihan ay kung hindi paglalampaso at pagwawalis ang pinapagawa sa kanya ay pinagk

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 3

    ILANG araw na rin ang lumipas simula nang mag-usap at magpanggap na isang pulubing basurero si Jomari sa harapan ni Grace. At ngayon nga ay nakapagdesisyon na siyang pupuntahan niya ang dalaga sa bar na pinagtatrabahuan nito. Mabilis niyang kinuha ang mga prosthetics na gagamitin niya para sa pagpapanggap at nag-ayos ng sarili. Maging siya rin ay nandiri sa kinalabasang mukha nang isuot na niya ang malaking ilong at maiitim na ngipin. Nagsuot rin siya ng wig na hindi madaling maalis. Nang makuntento ay lumabas na ang binata sa kanyang kwarto. Agad namang nagsitayuan ang mga tauhan ng daddy niya nang makita siya para magbigay respeto sa kanya.“Hindi pa rin nakakauwi si dad?” tanong niya sa mga ito habang pababa siya sa hagdan.“Don Azrael was still in Russia sir Jomari. Siguro daw po ay sa sunod na araw pa ito makakauwi...”Awtomatikong tumaas ang kilay ng binata nang marinig iyon. Mukhang abala pa rin ang daddy niya sa pagpapalawig ng organisasyon nila ah. Sino na naman kayang goverm

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 2

    HINIHINGAL pa buhat nang layo at bilis na ginawang pagtakbo ni Grace makalayo lamang sa abandonadong gusali na iyon. Nang lumingon siya at masiguradong hindi na siya maaabutan ng mga lalaking iyon kung sakaling magbago ang isip nila ay doon lamang nakahinga nang maayos ang dalaga. Hinding-hindi na talaga siya maniniwala kay Jill! Baka sa susunod na patusin niya muli ang ibibigay na raket nito ay baka isang malamig na bangkay na siyang uuwi sa kanila.“Oh, pakshet na malagkit! Hindi na talaga ako uulit! Mas gugustuhin at pagtitiisan ko nalang magkuskos ng pwet ng kaldero sa bar na pinapasukan ko kaysa naman malagay na naman sa bingit ng kamatayan ang buhay ko. Ayoko pa at hindi pa ako handa. Ni hindi pa nga bumabagsak ang Bataan ko eh-”“Ano pang ginagawa mo dito sa daan eh halos hatinggabi na?”Awtomatikong napahawak sa kanyang dibdib si Grace nang bigla-bigla na lamang may sumulpot sa tabi niya. Agad na nagkaroon ng gitla ang noo niya at salubong ang kilay na tinitigan ito.“Ano ba n

  • Owned by the Mafia Boss   Chapter 1

    “OH bakit mukhang Biyernes-santo na naman iyang mukha mo, Grasya? Hindi na naman ba kayo pinautang ni Aling Puring?”Nakasimangot na lumingon si Grace sa likod niya nang marinig ang nagsalita. Si Jill iyon, ang kapitbahay nilang kaedaran niya lang pero halos ginawa nang pabrika ng mga bata ang matres sa sobrang dalas nitong mag-anak. Marahas na muna siyang napabuntong hininga bago sunod-sunod na tumango.“Ewan ko ba naman sa matandang ‘yon...” naiiritang usal ng dalaga habang napapakamot pa sa batok niya. “... akala mo hindi babayaran kung makahindi sa’kin eh ang taas-taas nga ng patong niya sa mga paninda niya. At saka may dagdag pang five percent ‘pag nade-delay sa pagbabayad. Nakakainis!” singhal na dagdag ni Grace at hindi na nakapagpigil sa inis na nararamdaman kung kaya’t malakas niyang sinipa ang paso ng halaman na nakita niya lang kung saan.Agad naman siyang hinampas ni Jill nang mahina sa braso.“Hoy, ‘wag mong pagbuntunan ng galit iyang nanahimik na halaman. Sige ka, baka m

DMCA.com Protection Status