Lea's world had crumbled around her. The once-vibrant hues of her life had faded into a monochromatic blur. The divorce had left her feeling adrift, lost in a sea of loneliness and uncertainty. But amidst the wreckage, a flicker of hope ignited. One fateful day, Lea's path crossed with a stranger's. His warmth and kindness were like a beacon in the darkness. As their bond deepened, Lea began to see a future beyond the pain. Could this man be the one to mend her shattered heart?
View MoreIlang minuto na ang lumipas ngunit puno ng pagtataka at pagkamangha ang utak ni Leandra. Sa harap niya ay ang nagiisang tagapagmana ng Rolus Inc. Hindi lang iisang kompamya ang nakapangalan dito kun‘di lahat.“I didn’t know you had a visitor, Sir.”Rinig ang impit na tili ni Kara na kasalukuyang nasa tabi Leandra. Naupo sila sa salas, magkatabi si Leandra at Kara habang nasa kanilang harapan ay ang propesor at si Draven Rolus. “Uh . . . we just visited Professor for something— we can leave if you have to do something!”Ambang tatayo na si Leandra nang sumenyas ang propesor na maupo sila. Kataka-takang balot ng ngiti ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.“Maupo kayo, Leandra . . . hayaan ninyong ipakilala ko kayo,” anas ng propesor at ngumiting muli.Dahan-dahang napaupo si Leandra at napatingin na lamang sa lalaking kaharap. Kita sa mata nito ang pagtatanong at pagtataka ngunit mas pinili nitong hindi magsalita. “Draven Iho . . . si Kara at Leandra nga pala, mga dati kong est
Ilang beses na kinurap ni Leandra ang kaniyang mga mata upang siguraduhin kung tama nga ba ang nababasa niya. Ang papel na hawak niya ang dokumentong naglalaman ng titulo ng lupa, bnahay at iilang ari-arian na nakapangalan sa kaniya. Bahagya niyang itinaas ang kaniyang paningin at mabilis na nasalubong ang matalim na tingin ng dating kasintahan. Ang tapang na nararamdaman ni Leandra kanina ay tila ba napalitan ng kagulumihanan at hiya. "Ayan ang magsisilbing pahiwatig na nagtapos ang pamilya natin sa maayos na sitwasyon, Leandra. Okay?”Hindi na kailangan pang lumingon ni Leandra. Kahit mahinahon ang boses ng matanda ay alam niyang pagbabanta ito. Palibhasa, malaking kasiraan sa kanila kung malaman ng masa ang kalokohan ng kaniyang apo.Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ni Leandra at taas noong nilingon ang buong pamilya ni Reiwon. Hindi niya mapigilang mapangisi nang sarkastiko matapos makita ang nanlilisik na mata ng kaniyang biyenan.Nginitian niya ito. “Maraming s
Pigil ang hininga ay nagdadalawang isip si Leandra na bumaba sa sasakyan. Isang buntonghininga ang kaniyang iginawad bago muling tinignan ang sarili.Suot-suot ang itim na bestidang hapit sa kaniyang katawan at umabot lamang hanggang sa kaniyang hita. Labas ang kaniyng balikat dahil sa manipis na strap nito habang ang kaniyang mga buhok ay bahagyang nakakulot at hinayaan lamang ito sa kaniyang balikat.“Bakit ka ba kinakabahan, Lea? Sila Reiwon lang ‘yan! Hindi nga ‘yan kinabahan nung niloko ka niya, eh!”Hindi mapigilan ni Leandra ang matawa dahil sa sinabi ni Kara na kasalukuyang pinag-maneho siya patungo sa bahay nang dating kasintahan.“Iba kasi ngayon, Kara. Alam mo namang sanay silang naka-daster ako at hindi ganito . . . ”Totoo ang sinabi ni Leandra. Dahil sa kagustuhan ni Reiwon, ni hindi na nakapagsuot nang maiikling damit si Leandra na siyang kinasanayan na niya bago pa ikasal sa lalaki.Inis na tinignan lamang siya ni Kara, “And? Ano? Nakipaghiwalay na siya, susundin mo pa
O ayun ang akala niya.Pagkapasok na pagkapasok pa lamang ni Leandra sa loob ay hindi na niya napigilan pa ang mapahagulgol sa kamay ng kaniyang kaibigan.“Hush, Leandra. I'm so proud of you. You handled it without crying in front of them.” Hindi mapigilan ni Kara ang magalit sa kalunos-lunos na itsura ng kaniyang kaibigan.“Tama ba ang desisyon ko na itigil lahat para sa kaniya?” mahina at basag na tanong ni Leandra habang titig na titig sa magarang paligid ng bahay ni Kara.Kasalukuyan silang nasa back patio at tanging puno at malawak na syudad lamang ang kita.Hindi sumagot ang kaibigan. Sa halip, marahan itong lumapit kay Leandra, iniabot ang isang baso ng mainit na tsaa, at umupo sa tabi niya. Ilang segundo silang walang imikan, tila iniintay ang bawat isa na magsalita. Hanggang sa maramdaman ni Kara ang marahang panginginig ng balikat ni Leandra. Ipinatong niya ang kamay sa balikat ng kaibigan, bahagyang niyugyog ito at binasag ang katahimikan.“Wala kang kasalanan, Lea. Wala ka
Chapter 4“Uhm, hello! I'm Anastasia. Can we talk, Lea?”Tila nanlamig si Andrea sa kaniyang kinatatayuan. Sa kaniyang harapan ay ang babaeng nagmamay-ari ng puso ng kaniyang asawa.“Talk? Are you fucking dumb, Anastasia?”Isang malakas na boses ni Kara ang bumalot sa katahimikan nilang dalawa. Ang hawak ni Kara sa kanyang braso ay dahan-dahang dumidiin habang nakatingin kay Anastasia.Ngumiti lamang si Leandra at bahagyang iginilid si Kara. Ang mukha nito ay tila ba puno nang pagtutol sa binabalak ni Leandra ngunit wala itong nagawa kung hindi gumilid at tignan na lamang ng masama ang babaeng kanilang kaharap.“Siguraduhin mong wala kang gagawing katangahan, Leandra. Tila hindi siya napansin ni Anastasia dahil ni isang tingin ay hindi niya ito tinapunan. “I’ll wait for you outside, Lea.” anito at tumalikod na. Bago pa man makalabas si Leandra ay hinarang na ito ni Kara at pinakitaan nang isang determinadong tingin.“Tandaan mo, ang problema ay hindi ikaw, Lea,” bulong niya. “Hindi
“What?!”Halos napatakip ng tainga si Leandra nang sumigaw si Kara. Kasalukuyan pa rin silang nasa loob ng sasakyan at halos treinta minuto na ang nakakalipas ay naikwento na ni Leandra ang lahat kay Kara.“Hindi mo sinabi sa akin na umalis siya! Ano, all this past months, mag-isa ka sa inyo?!”Tanging tango na lamang ang naisagot ni Leandra sa tanong ng kaniyang kaibigan. Ang galit sa mukha ni Kara ay sapat na upang tumahimik si Leandra at hindi na dagdagan pa ang kuwento.“You should've told me! Sana pinasundan ko siya!”Napabuntonghininga na lamang si Leandra sa kaniyang kaibiga. Si Kara ay mula sa pamilyang Cruz, isa sa kilalang pamilya sa bansa. Halos lahat ata ng gustuhin ni Kara ay kaya niyang makuha. Mula sa pera, gamit o ari-arian. Ngunit isa sa pinaka nagustuhan ni Leandra dito ay hindi lahat ng tao ay alam ang antas nito sa buhay.“Grabe! Hindi naman ganoon ka-gwapo si Reiwon para gawin ‘yan! ‘Tsaka, ano bang nakita nun kay Anastasia?”Hindi niya mapigilan ang mapaisip. Kun
“Magpahinga ka na muna, ma'am.”Mas lumakas ang hagulgol ni Leandra nang maramdaman ang paghagod ng kanilang mayordomang si Rosa kaniyang likuran.“Naku, hindi ko matanggap na pinalayas ka lang nila ng gano’n, Ma'am!” anas ng isa pang kasambahay.Nang palabasin si Leandra sa mansion ay mabilis siyang nilapitan ng mga kasambahay at pinagpahinga sa loob ng maid's quarter na nakahiwalay sa mansion.“Huwag kayong magsalita ng ganiyan, amo niyo pa rin iyon,” anas Leandra sa isang mahinang boses.Pasiring lamang ang sinagot ng ibang kasambahay. Sa tagal ng pag-iisa si Leandra, tanging ang mga kasambahay lamang niya ang kaniyang nakakausap at nakakasama. Ilang minuto pa ang lumipas at tanging iyak lamang ang ginagawa ni Leandra. Tila ba hindi pa matanggap ng kaniyang utak ang nangyayari. Pilit na inaalala ng kaniyang isipan ang kaniyang mga ginawa.Tuwing may sakit si Reiwon ay nariyan siya. Nang apuyin ito ng lagnat ay kahit na may ginagawa si Leandra ay itinitigil nito upang kamustahin an
“Ang tagal kong hinintay ito.”Isang ngiti ang iginawad ni Leandra sa kaniyang sarili sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang suot niyang damit. Isang puting bestida na regalo sa kaniya ng kaniyang asawang si Reiwon. Hindi mapawi ang ngiti sa kaniyang mukha nang makarinig ito ng katok.“Ma‘am, nariyan na po si Sir Rei!” galak na salubong ng kanilang mayordoma. “Salubungin niyo na po siya sa baba.”Isang tango ang kaniyang iginawad at dahan-dahang binagtas ang marmol na hagdanan. Bawat hakbang ay parang tumatagos sa katahimikan ng malaking mansyon. Mula sa itaas ay tanaw na ni Leandra ang isang katulong na naghihintay sa kaniya sa ibaba. Tila gumuhit ang sakit sa kaniyang puso nang makita ang kaba sa mga mata nito. Ang kaninang ngiti ay onti-unting napawi at ang kaniyang mga yapak ay tila naging tunog ng kalungkutan.“Ma‘am Leandra, hinihintay ka po ni Sir Rei sa opisina niya.”Hindi pa man tuluyang nakakababa sa hagdan ay sinalubong na siya ng kanilang katulong. Tila isang mabig
“Ang tagal kong hinintay ito.”Isang ngiti ang iginawad ni Leandra sa kaniyang sarili sa harap ng salamin habang pinagmamasdan ang suot niyang damit. Isang puting bestida na regalo sa kaniya ng kaniyang asawang si Reiwon. Hindi mapawi ang ngiti sa kaniyang mukha nang makarinig ito ng katok.“Ma‘am, nariyan na po si Sir Rei!” galak na salubong ng kanilang mayordoma. “Salubungin niyo na po siya sa baba.”Isang tango ang kaniyang iginawad at dahan-dahang binagtas ang marmol na hagdanan. Bawat hakbang ay parang tumatagos sa katahimikan ng malaking mansyon. Mula sa itaas ay tanaw na ni Leandra ang isang katulong na naghihintay sa kaniya sa ibaba. Tila gumuhit ang sakit sa kaniyang puso nang makita ang kaba sa mga mata nito. Ang kaninang ngiti ay onti-unting napawi at ang kaniyang mga yapak ay tila naging tunog ng kalungkutan.“Ma‘am Leandra, hinihintay ka po ni Sir Rei sa opisina niya.”Hindi pa man tuluyang nakakababa sa hagdan ay sinalubong na siya ng kanilang katulong. Tila isang mabig
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments