Share

05

Author: ajixaya
last update Last Updated: 2024-10-10 10:43:49

O ayun ang akala niya.

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang ni Leandra sa loob ay hindi na niya napigilan pa ang mapahagulgol sa kamay ng kaniyang kaibigan.

“Hush, Leandra. I'm so proud of you. You handled it without crying in front of them.” Hindi mapigilan ni Kara ang magalit sa kalunos-lunos na itsura ng kaniyang kaibigan.

“Tama ba ang desisyon ko na itigil lahat para sa kaniya?” mahina at basag na tanong ni Leandra habang titig na titig sa magarang paligid ng bahay ni Kara.

Kasalukuyan silang nasa back patio at tanging puno at malawak na syudad lamang ang kita.

Hindi sumagot ang kaibigan. Sa halip, marahan itong lumapit kay Leandra, iniabot ang isang baso ng mainit na tsaa, at umupo sa tabi niya. Ilang segundo silang walang imikan, tila iniintay ang bawat isa na magsalita. Hanggang sa maramdaman ni Kara ang marahang panginginig ng balikat ni Leandra. Ipinatong niya ang kamay sa balikat ng kaibigan, bahagyang niyugyog ito at binasag ang katahimikan.

“Wala kang kasalanan, Lea. Wala kang pagkakamali sa ginawa mong pagpili sa pagmamahal.” Mahinahon ngunit may halong kirot sa boses ni Kara. “Siya ang may kasalanan, hindi ikaw.”

Umiling si Leandra, pilit na pinipigilang bumuhos muli ang mga luha.

“Ano’ng mali sa’kin, Kara? Hindi ko ba siya minahal ng sapat? Hindi ko ba siya inalagaan ng tama?” Bahagyang natawa si Leandra, ngunit puno ng pighati ang tunog nito. “Sinakripisyo ko ang lahat, kahit ang pangarap kong makapagtapos. Lahat binigay ko sa kaniya, kahit ang pagkatao ko.”

Niyakap ni Kara si Leandra, marahang idinampi ang kaniyang ulo sa balikat ng kaibigan.

“Wala kang ginawang mali, Lea,” bulong niya. “He’s just a jerk, okay? Kupal siya, gago siya. Kasalanan niya lahat, Lea. You've done your best. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo. Wala kang ginawang mali. Nagkamali lang si Reiwon sa dahil tanga siya at nabulog sa paniniwalang santa ang babaeng malanding ‘yon.”

Muling nagpatuloy ang tahimik na iyak ni Leandra. Ngunit sa gitna ng mga luhang iyon, tila unti-unti niyang napagtanto ang mga katotohanan na matagal na niyang pinipilit itanggi sa kaniyang sarili. Niyakap niya si Kara ng mahigpit, tila ba doon niya ibinuhos ang lahat ng sakit at galit na hindi niya naipakita.

“Paano na ako ngayon, Kara?” Mahina niyang bulong.

Ngumiti si Kara, puno ng tapang at pag-asa. “Bubuo ka ng bagong simula, Lea. Bubuo ka ng sarili mong buhay na walang takot, walang sakit. Kasama ako, susuportahan kita.”

Tahimik na tumango si Leandra. Ngayon lamang niya naramdaman ang kakaibang lakas sa mga salitang binitiwan ni Kara. Tumayo ito, dahan-dahang hinatak si Leandra upang maglakad-lakad sa maluwag na sala ng bahay.

“Simula ngayon, Lea, titigil na tayo sa pagtatanong ng ‘paano kung’,” malambing ngunit mariing sabi ni Kara. “Simula ngayon, itatayo natin ang sarili mong buhay — buhay na ikaw mismo ang pipili ng direksyon.”

Unti-unting ngumiti si Leandra, tila ba nabubuo ang isang bagong determinasyon sa kaniyang puso. Marahan niyang pinunasan ang mga natitirang luha, bumuntong-hininga, at tumayo nang mas maayos.

“Gusto kong simulan ang buhay ko ulit, Kara,” ani Leandra, ang boses ay puno ng pananabik at kaunting takot. “Gusto kong bumalik sa kung sino ako dati — pero mas malakas, mas matapang.”

Muling ngumiti si Kara, at sa pagkakataong iyon, isang ngiting puno ng pagmamalaki at pag-asa ang kaniyang ipinakita sa kaibigan.

“Yan ang gusto kong marinig,” masiglang sagot ni Kara. “At simula bukas, sisimulan na natin ‘yan.”

Hindi mapigilang matawa ni Leandra dahil sa exaggerated na pagbigkas ni Kara.

Kinaumagahan, magkasamang nag-agahan sina Kara at Leandra sa isang maliit na veranda na tanaw ang luntiang kagubatan sa paligid ng bahay ni Kara. Nasa dulo ng lungsod ang bahay na iyon, tila ba isang munting paraiso sa gitna ng kaguluhan ng siyudad.

“May naisip na akong unang hakbang,” biglang sabi ni Kara habang iniinom ang kape.

Nag-angat ng tingin si Leandra mula sa pinipirasong tinapay. “Ano ‘yon?”

Ngumisi si Kara, puno ng kapilyahan. “Balikan mo ‘yung mga bagay na gusto mong gawin dati. Lahat ng napigilan mo dahil kay Reiwon.”

Natahimik si Leandra, tila ba nag-iisip. Marahan niyang ibinaba ang tinapay at tumitig sa kawalan. “Gusto ko… gusto kong bumalik sa pag-aaral.”

Napangiti nang malapad si Kara. “Then do it, Lea! Mag-enroll ka sa kahit anong kurso na gusto mo. Bumalik ka sa dati mong pangarap!”

Tumango si Leandra, at sa kauna-unahang pagkakataon simula nang mangyari ang lahat, naramdaman niya ang kaunting sigla sa kaniyang puso. Tila ba unti-unting bumabalik ang mga pangarap na dati ay kaniyang isinantabi.

“Ano’ng kurso gusto mong kunin? May naisip ka ba? O kung gusto mo, go back to psychology!”

Hindi napigilan ni Leandra ang mapangiti. Matagal na niya itong iniisip, ngunit ngayon lang niya muling binigyang pansin.

“Ayun nga ang balak ko . . . bumalik doon,” sagot niya, puno ng determinasyon.

Tila ba isang paputok ng tuwa ang bumungad sa mukha ni Kara. “Then go for it, girl!”

Hindi pa man nakakapagsalitang muli ay halos mapatili ito nang halos maluwa ni Kara ang iniinom na kape. Nanlalaki ang mga mata nito at nakatitig kay Leandra.

“Oh my god! I forgot to tell you!” sigaw nito.

“What is it? You're scaring me! Stop freaking out, will you?” bahagyang inis na ani Leandra na ikinatawa ni Kara.

“First, Professor Juarez was back at our university!”

Nanlaki ang mga mata ni Leandra sa narinig. Ang propesor na iyon ay ang naging instructor nila noon at talagang napakagaling nito ngunit nang ikasal si Leandra ay siya ring nabalitaang umalis ito sa unibersidad.

“Subukan natin siyang puntahan . . . baka matulungan niya rin ako.”

Tumango si Kara at napangiti. Siya ang mas nakakaalam sa lahat kung gaano kahalaga kay Leandra ang pag-aaral kaya’t ganoon na lamang ang galit nito kay Reiwon.

“Ano ‘yong isa mong sasabihin?” kuryosong tanong ni Leandra.

Napangiti si Kara at sa ngiting iyon ay tila ba natakot si Kara. Ang mga ngiting iyon ay alam na niyang may binabalak si Kara. Umambang iiling pa lamang siya nang magsalita ito.

“Go with me at the gala next week . . . the Rolus heir will be there.”

Related chapters

  • Rekindling Hope: Lea's Return   06

    Pigil ang hininga ay nagdadalawang isip si Leandra na bumaba sa sasakyan. Isang buntonghininga ang kaniyang iginawad bago muling tinignan ang sarili.Suot-suot ang itim na bestidang hapit sa kaniyang katawan at umabot lamang hanggang sa kaniyang hita. Labas ang kaniyng balikat dahil sa manipis na strap nito habang ang kaniyang mga buhok ay bahagyang nakakulot at hinayaan lamang ito sa kaniyang balikat.“Bakit ka ba kinakabahan, Lea? Sila Reiwon lang ‘yan! Hindi nga ‘yan kinabahan nung niloko ka niya, eh!”Hindi mapigilan ni Leandra ang matawa dahil sa sinabi ni Kara na kasalukuyang pinag-maneho siya patungo sa bahay nang dating kasintahan.“Iba kasi ngayon, Kara. Alam mo namang sanay silang naka-daster ako at hindi ganito . . . ”Totoo ang sinabi ni Leandra. Dahil sa kagustuhan ni Reiwon, ni hindi na nakapagsuot nang maiikling damit si Leandra na siyang kinasanayan na niya bago pa ikasal sa lalaki.Inis na tinignan lamang siya ni Kara, “And? Ano? Nakipaghiwalay na siya, susundin mo pa

    Last Updated : 2024-10-27
  • Rekindling Hope: Lea's Return   07

    Ilang beses na kinurap ni Leandra ang kaniyang mga mata upang siguraduhin kung tama nga ba ang nababasa niya. Ang papel na hawak niya ang dokumentong naglalaman ng titulo ng lupa, bnahay at iilang ari-arian na nakapangalan sa kaniya. Bahagya niyang itinaas ang kaniyang paningin at mabilis na nasalubong ang matalim na tingin ng dating kasintahan. Ang tapang na nararamdaman ni Leandra kanina ay tila ba napalitan ng kagulumihanan at hiya. "Ayan ang magsisilbing pahiwatig na nagtapos ang pamilya natin sa maayos na sitwasyon, Leandra. Okay?”Hindi na kailangan pang lumingon ni Leandra. Kahit mahinahon ang boses ng matanda ay alam niyang pagbabanta ito. Palibhasa, malaking kasiraan sa kanila kung malaman ng masa ang kalokohan ng kaniyang apo.Isang malakas na buntonghininga ang pinakawalan ni Leandra at taas noong nilingon ang buong pamilya ni Reiwon. Hindi niya mapigilang mapangisi nang sarkastiko matapos makita ang nanlilisik na mata ng kaniyang biyenan.Nginitian niya ito. “Maraming s

    Last Updated : 2024-11-02
  • Rekindling Hope: Lea's Return   08

    Ilang minuto na ang lumipas ngunit puno ng pagtataka at pagkamangha ang utak ni Leandra. Sa harap niya ay ang nagiisang tagapagmana ng Rolus Inc. Hindi lang iisang kompamya ang nakapangalan dito kun‘di lahat.“I didn’t know you had a visitor, Sir.”Rinig ang impit na tili ni Kara na kasalukuyang nasa tabi Leandra. Naupo sila sa salas, magkatabi si Leandra at Kara habang nasa kanilang harapan ay ang propesor at si Draven Rolus. “Uh . . . we just visited Professor for something— we can leave if you have to do something!”Ambang tatayo na si Leandra nang sumenyas ang propesor na maupo sila. Kataka-takang balot ng ngiti ang mukha nito habang nakatingin sa kaniya.“Maupo kayo, Leandra . . . hayaan ninyong ipakilala ko kayo,” anas ng propesor at ngumiting muli.Dahan-dahang napaupo si Leandra at napatingin na lamang sa lalaking kaharap. Kita sa mata nito ang pagtatanong at pagtataka ngunit mas pinili nitong hindi magsalita. “Draven Iho . . . si Kara at Leandra nga pala, mga dati kong est

    Last Updated : 2024-11-13
  • Rekindling Hope: Lea's Return   09

    Pinanatili ni Leandra ang titig kay Draven. Ang mga mata nito’y malalim, tila ba binabasa ang bawat iniisip niya. Sa bawat segundo ng katahimikan ay parang lalo lamang bumibigat ang hangin sa paligid. Ano kaya ang nais nitong iparating? At bakit tila may kakaiba sa intensyon nito? Kahit sina Kara at ang propesor ay tahimik na naghihintay. Nagtama ang mga mata ni Leandra at ni Draven, at sa mga titig nito ay may halong kabigatan at sinseridad. Tumikhim si Draven, binasag ang katahimikan. “Do you really want to go back to school, Leandra?” tanong niya sa malamig na tinig. Ang paraan ng pagsasalita niya ay parang palaging may nakatagong hamon. “Oo naman,” sagot ni Leandra nang hindi nag-aalinlangan. “Kaya nga kami nandito, hindi ba?” Tumango si Draven, ngunit ang ekspresyon nito’y nanatiling seryoso. “I can help you get into the university despite the semester already starting. I have connections. Pero...” saglit itong tumigil at bahagyang inilapit ang katawan, “… may kondisyon.”

    Last Updated : 2024-11-27
  • Rekindling Hope: Lea's Return   10

    Sa isang maliit na café malapit sa unibersidad, tahimik na nagkakape sina Leandra at Kara. Malapit na ang enrollment sa prestihiyosong paaralang pinapangarap ni Leandra, pero tila balisa ang babae.“Lea, ano bang iniisip mo? Mukhang malalim na naman ang iniisip mo diyan,” sabi ni Kara habang sinisimsim ang iced latte.Napabuntong-hininga si Leandra, hinawakan ang tasa ng kape at tumingin sa labas ng bintana ng café. “Kara, tungkol kay Draven… Naalala mo yung sinabi niya nung nakaraang linggo?”Tumango si Kara. “Yung alok niya? Oo naman. Pero ang tanong, papayag ka ba talaga?”Tahimik si Leandra saglit bago nagsalita, mabagal at puno ng pag-aalinlangan. “Kailangan niyang tulungan ang kapatid niyang si Mara. May sakit daw ito, at kailangan ng tutor para sa mga advanced lessons niya habang nagpapagaling.”Napatigil si Kara sa pagsipsip ng inumin at tumitig kay Leandra. “Teka, Lea. Ibig mong sabihin, tutulong ka sa kapatid niya kapalit ng tulong niya para makapasok ka sa unibersidad? Hind

    Last Updated : 2024-12-23
  • Rekindling Hope: Lea's Return   11

    Sa isang café, nagkaharap sina Leandra at Draven. Ang buong paligid ay tila punong-puno ng katahimikan, pero para kay Leandra, ang bawat segundo sa presensya ni Draven ay nagdadala ng bigat na mahirap ipaliwanag.Si Draven ay nakasuot ng tailored black suit, na lalong nagpapalabas ng kanyang aura ng awtoridad. Nang umupo siya sa tapat ni Leandra, agad niyang ipinako ang kanyang malamig ngunit matalim na tingin sa babae.“Leandra,” bungad ni Draven, ang boses niya’y malalim, kalmado, ngunit puno ng implikasyon na siya ang nasusunod. “I’m glad you came. Let’s not waste time—do you accept the deal?”Saglit na nagdalawang-isip si Leandra, ngunit nagdesisyon siyang huwag ipakita ang kanyang pag-aalinlangan. Tumuwid siya ng upo at sinagot ito nang diretso. “Yes, I think, I can. I’ll start helping Mara.”Tumango si Draven, ang ekspresyon sa kanyang mukha ay nanatiling walang pagbabago. “Good. You’ll start today.” Iniabot niya sa mesa ang isang leather folder. “Inside are all the materials yo

    Last Updated : 2025-01-21
  • Rekindling Hope: Lea's Return   12

    Nasa loob ng isang mamahaling sasakyan si Leandra. Tahimik siyang nakaupo sa likuran habang pinipilit pigilan ang kaba na nararamdaman niya. Ang interior ng sasakyan ay hindi katulad ng kahit anong nasakyan niya noon—ito’y isang jet-black Rolls-Royce Phantom. Ang mga leather seats ay kulay cream na malambot at halatang mamahalin, habang ang mga accent ng wood paneling ay parang pinakintab na ginto. Ang ilaw mula sa overhead starlight ceiling ay parang mga kumikislap na bituin sa gabi, nagdadagdag ng kakaibang ambiance.Sa dashboard ay makikita ang touchscreen interface na kumokontrol sa halos lahat ng aspeto ng sasakyan, mula sa temperatura hanggang sa entertainment system. Malinis, moderno, at sobrang elegante—isang sasakyan na nagpapakita ng yaman at kapangyarihan.Tahimik na nagmamaneho si Draven sa harapan, nakasuot pa rin ng kanyang tailored black suit. Wala siyang imik, ngunit ang presensya niya ay napakabigat, halos mapuno ang kabuuan ng sasakyan. Sa gilid niya, naroon ang isan

    Last Updated : 2025-01-21
  • Rekindling Hope: Lea's Return   13

    Ang tensyon na nararamdaman ni Leandra ay mabilis na napalitan ng bahagyang ginhawa nang may babaeng nagsalita sa kanilang gilid.“Naku, Sir Reiwon! Narito pala kayo, hindi ako nakapaghanda ng kakainin.”Isang matandang naka-daster ang sumalubong sa kanila. Puti na ang taas ng buhok nito at ngiting-ngiti habang nakatingin kay Leandra.“Manang, hindi magtatagal si kuya rito. That's Leandra, my tutor.”Tinapunan ni Leandra ng tingin si Mara, na ngayon ay pabalang na naupo sa isang napakalaking couch. Naka-krus ang mga kamay nito at bored na nakatingin sa kanya.“Mara is right, Manang. Hinatid ko lamang si Leandra. Kayo na po muna ang bahala rito.”Isang tango lamang ang binigay ni Draven sa kanila at tumalikod na ito hanggang sa mawala sa kanilang paningin.Tahimik na naupo si Leandra sa harap ni Mara. Ramdam niya ang bigat ng tingin ng dalaga, ngunit pilit niyang pinanatiling magaan ang kanyang ekspresyon. Sa likod ng pagmamataas ng dalaga ay may halatang tensyon, parang anumang pagkak

    Last Updated : 2025-01-22

Latest chapter

  • Rekindling Hope: Lea's Return   19

    Nagising si Leandra sa malambot na kama, ramdam pa rin ang panghihina sa kanyang katawan. Ang liwanag ng umaga ay malumanay na pumapasok sa kwarto, bumabalot sa paligid ng mapayapang ambiance. Unti-unting bumalik ang kanyang diwa, at doon niya napansin na hindi siya nag-iisa. Sa tabi ng kama, nakaupo si Kara, nakasuot ng isang simpleng white blouse at jeans, may bahagyang kunot sa noo habang nakatingin sa kanya. “Good morning, sleepyhead,” bati ni Kara, may halong pag-aalala sa boses. “Kumusta ang pakiramdam mo?” Napasinghap si Leandra at dahan-dahang bumangon, ngunit agad niyang naramdaman ang bahagyang pagkahilo. Mabilis namang inalalayan siya ni Kara. “Easy lang,” sabi ni Kara, maingat na inayos ang unan sa likod niya. “Hindi mo ako puwedeng biglain ng ganyan. Buti na lang tinawagan ako ni Draven, kung hindi, baka napabalikwas ako sa kama sa sobrang gulat.” Bahagyang kumunot ang noo ni Leandra. “Tumawag siya sa’yo?” Tumango si Kara. “Kaninang madaling-araw. Sinabi niyang nan

  • Rekindling Hope: Lea's Return   18

    “Why are you dong this?” mahinang tanong ni Leandra, halos bulong, habang pilit na nilalabanan ang sariling kahinaan. Hindi kumurap si Draven. Ang titig niya’y parang binabasa ang kaluluwa ni Leandra, tila gustong sirain ang mga pader na matagal niyang itinayo. Bago pa siya makapagsalita, isang malutong na boses ang sumingit sa tensyon. “Well, isn’t this a cozy little scene?” Sabay silang napalingon sa pinto, kung saan nakatayo si Mara. Suot nito ang isang cream trench coat at mataas na leather heels, na nagbigay-diin sa kanyang kagalang-galang at elegante niyang itsura. Ang kanyang maayos na nakapusod na buhok ay kumikintab pa sa kaunting ulan. Hawak niya ang ilang mamahaling shopping bag sa isang kamay at ang isang payong na basa pa sa kabila. “Mara,” mahinang sabi ni Draven, ang boses niya’y mababa ngunit kontrolado. Tumayo siya nang tuwid, agad na bumalik ang kanyang awtoridad sa eksena. “Maaga kang nakauwi.” “I don’t recall needing permission to return to my own apartment,”

  • Rekindling Hope: Lea's Return   17

    Pagkatapos ng tensyonadong sandali sa ilalim ng ulan, halos hindi na nag-usap sina Draven at Leandra sa biyahe papunta sa apartment ni Mara. Tahimik ang sasakyan, tanging ang tunog ng wiper na naglilinis ng basang windshield ang maririnig. Paminsan-minsan ay pasimple si Leandra na sumusulyap kay Draven. Basa pa rin ang damit nito, at ang patak ng ulan ay tila nagpapatingkad sa matipunong pangangatawan niya. Ang lalim ng tingin nito habang nagmamaneho ay nagdudulot ng kakaibang init sa dibdib ni Leandra na pilit niyang nilalabanan. “We’re here. This is Mara’s apartment. Ginagamit niya pag may pasok. Help your self out.” Nang makarating sila sa apartment, agad na binuksan ni Draven ang pinto at tumungo sa banyo. Si Leandra naman ay naiwan sa sala, nagbabantay habang pinupunasan ang sarili ng maliit na tuwalya na nakuha niya sa bag. “May mga damit akong pwedeng mahiram kay Mara,” bulong niya sa sarili, ngunit ang isip niya’y abala pa rin sa nangyari kanina. Paulit-ulit na bumabalik s

  • Rekindling Hope: Lea's Return   16

    Naguguluhan ay halos dalawang beses umiling si Leandra. Mariin ang titig niya sa lalaki na para bang sinisisid kung ano ang nasa utak nito.“What?” Bakas sa boses ni Draven ang inis.Tinapunan nito ng masamang tingin si Leandra ngunit para sa babae ay kakaiba ang tingin nito. Tila ba hinihipnotismo nito ang kaniyang kaluluwa. Sa lalim ng tingin nito ay kada segundo’y pakiramdam niya ay hindi siya makahinga.“Hey, I said get in.” Ang baritonong boses ni Draven ang nakapagbalik sa kaniyang ulirat. Ang kaniyang mga kilay ay mas lalo pang kumunot at mas sumama ang tingin sa kaniya.Napaayos ng tayo si Leandra at napalunok bago muling umiling. “No Sir, we’ve talked about this. Salitan ang pagpunta ko kay Mara dahil may klase rin ako.”Kita ang pagtutol sa mata ni Draven. Tiim bagang itong tumingin sa kaniya at tila ba pinaglalaruan ang dila sa loob ng kaniyang pisngi.“Uuwi ako kay Kara, Sir. Salamat.”Mabilis na tumalikod si Leandra at walang lingunang sumakay sa isang bus. Ang totoo ay

  • Rekindling Hope: Lea's Return   15

    Habang ang mga tahimik na tunog ng mga estudyante sa loob ng klase ay nagiging kabuntot ng mga pag-uusap, nakaupo si Leandra sa likuran ng silid, tahimik na nakikinig sa lektura ng propesor. Ang paksa ng araw na iyon ay tungkol sa mga teorya ng developmental psychology—isang mahalagang aspeto ng kurso na siyang siyang magiging pundasyon ng kanyang mga susunod na pag-aaral. Pinag-aaralan nila ang mga sikolohikal na pagbabago mula sa pagkabata hanggang sa pagtanda, at paano ito nakakaapekto sa pagbuo ng personalidad.“Sa bawat yugto ng buhay, nagkakaroon tayo ng mga pagbabago,” wika ng propesor, “na humuhubog sa ating pananaw, ugali, at mga reaksyon sa mga nangyayari sa ating paligid. Ang ating mga relasyon sa iba, lalo na sa ating pamilya at mga kaibigan, ay may malaking papel sa ating pag-unlad.”Habang nag-iisip, napansin niyang may babaeng sumulyap sa kanya mula sa gilid ng kanyang mata. Hindi na bago ang mga matang iyon na minsan ay nagmamasid o nagmamasid sa mga kasama sa klase. N

  • Rekindling Hope: Lea's Return   14

    Pagkatapos ng mahabang araw sa mansyon ng mga Rolus, umuwi si Leandra sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan, si Kara. Inabutan niya itong nakaupo sa couch, nakasandal habang iniinom ang paboritong red wine. Kaagad siyang nilapitan ni Kara, bakas ang excitement sa mukha nito. “Hey, you’re home! How was your first day with Mara Rolus?” tanong ni Kara, kasabay ng pagbibigay sa kanya ng isang baso ng tubig. Napaupo si Leandra sa kabilang dulo ng couch at napabuntong-hininga. “It was… a lot,” sagot niya, halatang pagod pero may halong alanganin sa boses. Kumunot ang noo ni Kara. “A lot? I thought you’d be tutoring her. Hindi naman siguro gano’n kahirap magturo, di ba?” Umiling si Leandra, iniwas ang tingin na parang nag-iingat sa mga sasabihin. “It’s not about the lessons. I mean, Mara’s smart. Pero…” Nag-atubili siya, pilit nilalabanan ang pagnanais na magkuwento. “Pero ano?” usisa ni Kara, nakatingin sa kanya nang mabuti. “May something off,” sagot ni Leandra. “Hindi ko maip

  • Rekindling Hope: Lea's Return   13

    Ang tensyon na nararamdaman ni Leandra ay mabilis na napalitan ng bahagyang ginhawa nang may babaeng nagsalita sa kanilang gilid.“Naku, Sir Reiwon! Narito pala kayo, hindi ako nakapaghanda ng kakainin.”Isang matandang naka-daster ang sumalubong sa kanila. Puti na ang taas ng buhok nito at ngiting-ngiti habang nakatingin kay Leandra.“Manang, hindi magtatagal si kuya rito. That's Leandra, my tutor.”Tinapunan ni Leandra ng tingin si Mara, na ngayon ay pabalang na naupo sa isang napakalaking couch. Naka-krus ang mga kamay nito at bored na nakatingin sa kanya.“Mara is right, Manang. Hinatid ko lamang si Leandra. Kayo na po muna ang bahala rito.”Isang tango lamang ang binigay ni Draven sa kanila at tumalikod na ito hanggang sa mawala sa kanilang paningin.Tahimik na naupo si Leandra sa harap ni Mara. Ramdam niya ang bigat ng tingin ng dalaga, ngunit pilit niyang pinanatiling magaan ang kanyang ekspresyon. Sa likod ng pagmamataas ng dalaga ay may halatang tensyon, parang anumang pagkak

  • Rekindling Hope: Lea's Return   12

    Nasa loob ng isang mamahaling sasakyan si Leandra. Tahimik siyang nakaupo sa likuran habang pinipilit pigilan ang kaba na nararamdaman niya. Ang interior ng sasakyan ay hindi katulad ng kahit anong nasakyan niya noon—ito’y isang jet-black Rolls-Royce Phantom. Ang mga leather seats ay kulay cream na malambot at halatang mamahalin, habang ang mga accent ng wood paneling ay parang pinakintab na ginto. Ang ilaw mula sa overhead starlight ceiling ay parang mga kumikislap na bituin sa gabi, nagdadagdag ng kakaibang ambiance.Sa dashboard ay makikita ang touchscreen interface na kumokontrol sa halos lahat ng aspeto ng sasakyan, mula sa temperatura hanggang sa entertainment system. Malinis, moderno, at sobrang elegante—isang sasakyan na nagpapakita ng yaman at kapangyarihan.Tahimik na nagmamaneho si Draven sa harapan, nakasuot pa rin ng kanyang tailored black suit. Wala siyang imik, ngunit ang presensya niya ay napakabigat, halos mapuno ang kabuuan ng sasakyan. Sa gilid niya, naroon ang isan

  • Rekindling Hope: Lea's Return   11

    Sa isang café, nagkaharap sina Leandra at Draven. Ang buong paligid ay tila punong-puno ng katahimikan, pero para kay Leandra, ang bawat segundo sa presensya ni Draven ay nagdadala ng bigat na mahirap ipaliwanag.Si Draven ay nakasuot ng tailored black suit, na lalong nagpapalabas ng kanyang aura ng awtoridad. Nang umupo siya sa tapat ni Leandra, agad niyang ipinako ang kanyang malamig ngunit matalim na tingin sa babae.“Leandra,” bungad ni Draven, ang boses niya’y malalim, kalmado, ngunit puno ng implikasyon na siya ang nasusunod. “I’m glad you came. Let’s not waste time—do you accept the deal?”Saglit na nagdalawang-isip si Leandra, ngunit nagdesisyon siyang huwag ipakita ang kanyang pag-aalinlangan. Tumuwid siya ng upo at sinagot ito nang diretso. “Yes, I think, I can. I’ll start helping Mara.”Tumango si Draven, ang ekspresyon sa kanyang mukha ay nanatiling walang pagbabago. “Good. You’ll start today.” Iniabot niya sa mesa ang isang leather folder. “Inside are all the materials yo

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status