Trust is earned, respect is given, and loyalty is demonstrated. Betrayal of any one of those is to lose all three. Betrayal annihilates trust. Trust no one! Ito ang kinalakhan n'yang paniniwala dahil sa mapanganib na mundo na mayroon ang kanilang pamilya. Ngunit paano kung sa isang iglap ay nasira n'ya ang paniniwalang ito dahil sa isang lalaki na s'yang unang nagpatibok ng kan'yang puso at pinagkatiwalaan n'ya. At paano kung ang kauna-unahang tao na pinagkatiwalaan n'ya ay lolokohin lang pala at tatraidorin s'ya? Saan s'ya dadalhin ng sakit na dulot ng pagtraidor nito sa kan'ya?
View MoreBLYTHE JULIANNA…“Sino kaya ang ina ng bata? Nasaan siya? Bakit pinabayaan nito ang anak kay Luke?” lihim na tanong niya sa sarili habang palabas ng sasakyan.“Senyorita, dito tayo,” aya sa kaniya ni Susan. Hindi na naman siya bago sa lugar na ito eh. Sa pagkakatanda niya ay dito siya nanirahan noong nagbakasyon silang dalawa ni Luke sa trabaho. Kaya naman kahit papaano ay kabisado niya ang bahay ni Luke.Tahimik siyang sumunod kay Susan papasok sa loob ng mansion ni Luke. Malakas ang loob niya dahil ayon sa babae ay wala dito ngayon ang may-ari. Nagpalinga-linga siya sa paligid at napansin na walang nagbago sa bahay ng lalaki. Ganon pa rin ang hitsura nito since the last time she’s here.“Susan! Mabuti naman at napadalaw ka. Pwede mo bang padedein ulit si baby? Wala pa kasi ang gatas na ipinadala ni sir,” natigil lang siya sa ginagawang pagsiyasat sa paligid ng marinig ang boses ng isang babae. Napaharap siya sa kinaroonan nito na naabutan niya na may kinukuha itong bata sa loob ng s
BLYTHE JULIANNA…“Susan, samahan mo ako sa rancho ng mga Muller!”“Po?”“I said, Samahan mo ako sa rancho ng mga Muller,” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.“Sigurado ho ba kayo, senyorita? Kasi sa pagkakaalam ko ay hindi sila nagpapasok ng bisita. Mahigpit daw ang may-ari sabi ni Lea, senyorita.”“I’m not a guest, Susan. Hindi ako bisita at huwag kang mag-alala at ako ang bahala.”“Sige po, sernyorita. Kung iyan ang gusto mo ay sasamahan kita bukas na bukas din sa rancho ng mga Muller. Kumain na muna kayo, senyorita,” si Susan sa kaniya at nagpaalam na iwan muna siya. Naiwan silang dalawa ni nanay Jossie na mataman na nakatingin sa kaniya.“Anak, tumawag pala ang nanay mo kanina. Tinatanong kung nandito ka ba daw?” pagbibigay alam ng ginang sa kaniya.“Sinabi mo ba na nandito ako, nanay Jossie?”“Paesensya ka na anak. Alam mo naman na hindi ko kayang magsinungaling sa kahit na sino lalo na sa pamilya mo,” nahihiya na paghingi nito ng paumnahin sa kaniya.“it’s okay, nanay Jossie.
BLYTHE JULIANNA…Pagdating niya sa bahay ay agad siyang sinalubong ni nanay Jossie para ipaalam sa kaniya na handa na ang haponan ngunit nagpaalam muna siya rito na aakyat muna para maligo saglit.Mabilis lang naman ang kaniyang ginawang paliligo at agad ding bumaba. Dumeritso siya sa dining at naabutan si nanay Jossie na may kausap na isang babae.“Nanay Jossie?” tawag niya sa pangalan ng ginang. Natigil ang mga ito sa pag-uusap at nabaling sa kaniya ang atensyon ng mga ito. Nang humarap ang babae sa kaniya ay nagsalubong ang kaniyang kilay dahil pamilyar sa kaniya ang pigura ng babaeng kasama ni nanay Jossie.“Ay nandito ka na pala, senyorita. Halika at kumain ka na anak,” nakangiti na aya sa kaniya ng ginang.“Salamat nanay Jossie,” pasasalamat niya rito at naglakad palapit sa dining table.“Oo nga pala iha, ito pala si Susan, pamangkin ko, iha. Dito din siya nakatira at siya ang in-charge sa mga bulaklak ng mommyla mo lalo na ang mga mahal niyang orchids. Susan, si senyorita Ace, i
BLYTHE JULIANNA…Kahit ng makarating siya sa mansion ng kaniyang lolo Drake at lola Eliana ay hindi mawala-wala sa kaniyang isip ang babae na nakita na may tulak-tulak na stroller sa mismong bungad ng rancho ni Luke.“Senyorita, kapag may kailangan kayo ay nandito lang ako sa baba ha. Tawagin mo lang ako,” nagbalik lang siya sa kaniyang sarili ng magsalita ang bagong care taker ng kanilang rancho. Dati na rin nila itong taohan sa Pilipinas at ngayon ay dito na ito sa Arizona naka-assign para may mag-aalaga sa rancho ng kaniyang lolo Drake na maaasahan.Napag-alaman niya na kasama din nito ang asawa at mga anak na pawang may mga pamilya na rin. Buong pamilya nito ang nag migrate sa Arizona para may bantay ang rancho ng kaniyang abuela at abuelo.“Maraming salamat nanay Jossie. Huwag na po kayong mag-alala sa akin at ayos lang ako dito. Bababa na lang ako mamaya kapag nagutom ako,” pasasalamat niya sa ginang. Nginitian siya nito bago iniwan sa kaniyang silid. Inabesohan niya din ito na
BLYTHE JULIANNA…Umuwi siyang mag-isa sa syudad. Nagpasundo siya sa isang taohan ng kaniyang ama. Dumiretso siya sa bahay ng kaniyang mga magulang at naabutan ang kaniyang kapatid na si Uno na kausap ng kanilang mga magulang. Natigil ang mga ito sap ag-uusap ng makita siya.“Ace. Mabuti naman at nandito ka na. May mahalaga tayong pag-uusapan,” ang kaniyang kuya ang unang nagsalita. Mahina siyang natawa ngunit tunog pang-uuyam iyon na ikinasalubong ng mga kilay ng kanilang panganay.“Really kuya? Ako nga din ay may mahalagang sasabihin sa inyo eh. Ay, hindi pala mahalagang sasabihin kundi mahalagang sumbatan. Why? Why kuya, nay, tay? Bakit?” puno ng pait na tanong niya sa mga ito. Kalmado lang ang mga ito at hindi niya nakitaan ng gulat sa mga mukha na mas lalong ikinabugso ng kaniyang galit. Lahat ng mga mahal niya sa buhay ay niloko siya.“Alam mo na?” kalmado ang boses na tanong ng kaniyang kuya Uno.“Kita mo ‘to. Kailangan ko pa palang malaman sa iba na buhay si Muller na kung tutuu
BLYTHE JULIANNA…Pagkatapos ng trabaho niya ay sumama siya sa mga kaibigan patungo sa bahay ni Yin. Marie and Yin love their country na umabot pa ang mga ito sa pagbili ng property sa bansa at pinili na manirahan sa bansa nila kaysa bumalik sa mga sariling bansa ng mga ito.May parehong dugo ng Pilipino ang dalawa at nangingibabaw ang dugo na iyon sa katawan ng dalawa dahil agad na minahal ng mga ito ang kultura ng kanilang bansa. Ayon sa mga kaibigan ay tatlong taon na rin na naninirahan sa Pilipinas ang dalawa.Simula ng magising siya ay ito ang kauna-unahang pagkakataon na makapunta siya sa bahay ng kanilang mga bagong kaibigan. Sa Baguio nakatira ang mga ito kung saan ay gusting-gusto ng dalawa ang klima sa Baguio. Sanay kasi ang mga ito sa malamig na panahon at angkop sa dalawa ang klima sa Baguio.Halos limang oras din ang kanilang ginugol sa byahe bago nila narating ang Highland Subdivision kung saan nakatira ang dalawa.“Damn! Ang layo naman ng bahay ng dalawang ito,” reklamo
BLYTHE JULIANNA…Wala siyang nakuhang sagot mula sa kaniyang mga bisita hanggang sa umuwi ang mga ito. Nagugulohan siya sa mga tanong sa kaniyang isip ngunit ipinagsawalang bahala niya na muna ang lahat.Ilang buwan ang nakalipas at tuloyan na siyang bumalik sa dati. Maayos na rin ang kaniyang pakiramdam at nagagawa niya na ang kaniyang mga dating ginagawa. Hindi nga lang ganon ka extreme katulad ng mga exercise na ginagawa niya.Dahil sa disiplina at determinasyon ay mabilis na bumalik sa dati ang hubog ng kaniyang katawan. Sino ang mag-aakala na dumaan siya sa tatlong taon na pagka comatose? Hindi kita sa kaniyang katawan at hitsura ngayon ang naratay sa hospital ng ilang taon. Ginawa niya ang lahat para maibalik sa dati ang buhay niya. She can't move forward kung patuloy pa rin siyang mamuhay sa nakaraan.Gusto niya ng kalimutan at alisin sa kaniyang isip ang lahat ng masaklap at masasakit na pangyayari sa kaniyang buhay lalo na ang nangyari sa pagitan nilang dalawa ni Luke. Magpaha
BLYTHE JULIANNA…“Ace, calm down! Everything is fine at sasabihin ko sayo ang lahat ng gusto mong malaman tungkol sa lahat-lahat ng araw na iyon.”Mahabang oras ang ginugol ng kuya Uno niya para isiwalat ang lahat. At habang nakikinig siya ay hindi niya mapigilan ang manginig ang katawan. Hanggang sa matapos ang lahat ay nakatulala lang siya na nakatingin sa kapatid.Hindi niya lubos-maisip na magagawa ng kapatid niya ang lahat ng iyon. At doon niya napatunayan kung paano siya mahalin ng kaniyang buong pamilya.Lumipas ang mga araw at malakas na ang kaniyang katawan. At sinabi rin ng kaniyang ninang Gwen na pwede na siyang lumabas ng hospital at sa bahay na lang nila magpapahinga na agad niya namang sinang-ayonan dahil kahit siya ay gusto na ring umuwi sa bahay nila.Sawa na siya na nakaratay sa hospital at kailangan niya ng fresh air para mas bumalik pa ang kaniyang lakas at ang kaniyang pangangatawan dati. Inaamin niya na Malaki ang ipinagbago ng kaniyang katawan.Pumayat siya ng h
BLYTHE JULIANNA…“Who is Leon?” tanong niya rito na ikinatulos ni Pickles sa kinatatayuan habang unti-unti na namumutla ang buong mukha.“Pickles!” tawag niya sa pangalan ng kaibigan ng hindi ito sumagot. Nilingon nito ang kaniyang nanay at nagkatinginan ang dalawa na parang nag-uusap gamit ang mga mata.“May itinatago ba kayo sa akin?” inis na tanong niya sa dalawang babae ng mapansin na parang may inililihim ang mga ito.“Itinatago? Meron! Pero hindi naman naming itatago sayo, Ace. Nagkataon lang talaga na tulog ka ng ilang taon kaya hind imo alam na nanganak na ang alaga mo at Leon ang ipinangalan namin sa kaniya. Hindi ba ninang Trina?” sagot ni Pickles sa kaniyang tanong. Hindi muna siya nakahuma ng ilang segundo at pilit na pinag-aaralan ang mukha ni Pickles.At nang makumbinsi siya nito na nagsasabi ito ng totoo ay hindi na siya nagtanong pa ng tungkol sa pangalan na Leon. Nag-usap sila ng kaibigan at nagkamustahan ngunit napapansin niya na hindi binabanggit ni Pickles ang tungk
BLYTHE JULIANNA (ACE) "Hey Acey! What brought you here, darling?" masayang bati sa kan'ya ng may-ari ng car shop na pinuntahan n'ya. She's at La' Carera Wheels o mas kilala sa tawag na La' Cars, isa sa pinakamalaking car company sa bansa. Pangalawa ito sa MG Car Company ng mamita Flamingo nila at kasalukuyang matunog ang pangalan dahil sa mga bagong hightech na labas na mga kotse nito. "I brought my baby here, can someone help me to fix him? I dunno what is the problem pero parang may naririnig akong unusual sound sa engine," sagot n'ya rito. "Sure darling! Ikaw pa ba? I will call someone to bring your baby inside the workshop," sagot nito. Tinangoan n'ya lang ito bilang sagot at ibinigay ang susi ng kan'yang sasakyan. Raffish Batista is a foreign-Filipino national na nagmamay-ari ng La' Carera Wheels. Bihasa itong magtagalog kahit sa ibang bansa ito lumaki. Isa itong half Nigerian, half Arabic-Filipino na nagpatayo ng branch ng La' Carera Wheels sa Pilipinas. Nakita n'yan...
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments