BLYTHE JULIANNA (ACE)....
So..., do you find me charming, huh? hmmmmm!" seryoso na sabi nito ngunit mababanaag sa mga mata nito ang isang emosyon na hindi n'ya kayang pangalan. Hindi n'ya mabilang kung ilang beses s'yang napalunok ng laway at pilit na pinapakalma ang sarili habang magkasalubong ang kanilang mga mata na dalawa ng lalaki. "Fvck! Get your senses back to your body, Ace!" lihim na kastigo n'ya sa sarili dahil pakiramdam n'ya ay namanhid ang kan'yang buong katawan ng mga oras na iyon lalo pa at magkadikit ang kanilang mga balat na dalawa ni Luke. "Sweety?" ipinilig n'ya ang kan'yang ulo ng marinig ang malambing na boses ni Luke at ang itinawag nito sa kan'ya. "Back off, Muller and stay away from me! Kahit landiin mo pa ako ng landiin ay hindi pa rin ako magbabayad sa isiningil mo sa akin! Scammer ka! Scammer!" nanlilisik ang kan'yang mga mata habang pinagduduro ang lalaki. Mabuti na lang at nakabawi s'ya mula sa kan'yang pagkatulala dahil sa lalaking kaharap. Sumilay ang isang ngiti sa labi nito at napalunok s'ya ng laway ng makita ang dalawang biloy sa pisngi ng lalaki na nagpadagdag sa taglay nitong karisma at kagwapohan. "Damn it! Talagang malandi ang lalaking ito. Ayaw talaga akong tantanan," lihim na sabi n'ya habang kuyom ang mga kamao. "At nagpalandi ka naman? Aminin mo, Ace na apektado ka rin sa kagwapohan ng kaharap mo!" sabat naman ng kan'yang kabilang isip na ikinainit ng kan'yang pisngi. At para makaiwas sa lalaki ay inipon n'ya ang lahat ng natitirang lakas ng loob at mabilis na tinungo ang pinto kung saan sila pumasok kanina. Nilagpasan n'ya si Luke ngunit hindi pa s'ya nakakarating sa pinto ay mabilis nitong hinablot ang kan'yang braso at sa isang iglap ay natagpuan n'ya na lamang na magkahinang na ang kanilang labi. At ito ang ikalawang pagkakataon na hinalikan s'ya ng lalaki at katulad sa una ay ganon pa rin ang epekto nito sa kan'ya. Mapusok ang pagkakahalik sa kan'ya ni Luke ngunit hindi s'ya nagpadala rito. Ayaw n'ya ng maging alipin ulit sa karismang taglay at sarap ng halik ng binata. Inipon n'ya ang natitirang lakas at itinulak ito. Dahil hindi nito inaasahan ang kan'yang ginawa ay nagawa n'yang alisin ang labi nito sa kan'ya. Hindi na s'ya nag-aksaya pa ng oras at hindi n'ya na rin binigyan pa ng pagkakataon ang lalaki na makagawa ulit ng bagay na hindi dapat. Tinalikuran n'ya ang binata at malalaki ang mga hakbang na tinungo ang pinto para lumabas. Naiwang mag-isa ang lalaki sa emergency exit ng bar ni Graciella. Kung kanina ay gusto n'yang magbanyo ngunit dahil sa nangyari ay nagpasya na lamang s'yang umuwi. Sa kabilang bahagi s'ya dumaan para hindi na s'ya makita pa ng mga kaibigan. Deritso s'yang lumabas at tinungo ang car park kung saan nakaparada ang kan'yang sasakyan. Walang lingon-lingon na pumasok s'ya sa kan'yang kotse at pinaharurot ito paalis. Nakahinga lang s'ya ng maluwag ng nasa highway na s'ya. Hindi n'ya maintindihan kung bakit ganito na lang ang epekto sa kan'ya ng damuhong si Luke. Wala s'yang ideya dahil ni minsan ay hindi n'ya pa naman naranasan ang ma attract sa isang lalaki. Luke is the first man na nakakuha ng kan'yang atensyon kaya naguguluhan s'ya kung simpleng paghanga pa ba ang kan'yang nararamdaman ng mga oras na iyon o may iba pang kahulogan. Dahil sa kan'yang mga naiisip ay hindi n'ya na namalayan pa na nakarating na pala s'ya sa building na tinitirhan n'ya. Deritso s'ya sa kan'yang sariling car park kung saan naroon ang iba n'ya pang sasakyan at mga big bikes. Babae s'ya pero mahilig s'yang magkolekta ng mga sasakyan at mga bikes. Mas marami pa nga s'yang koleksyon kaysa mga kapatid n'ya. At dahil nag-iisang babae lang s'ya ay madalas na napagbigyan s'ya ng kan'yang mga gusto. Kung hindi s'ya makakalusot sa kan'yang mga magulang ay sa kuya Uno at Dos s'ya nanghihingi. Kay Tres lang s'ya medyo dehado dahil pareho silang bunso na dalawa at madalas ay ayaw nitong mag giveway sa kan'ya. Pero hindi naman sila magkagalit ng kapatid. Close pa rin naman sila at magkakampi sa lahat ng bagay. Matapos iparada ang sasakyan ay pinatay n'ya na ang makina at lumabas. Deritso s'yang naglakad sa elevator at pumasok sa loob. Pinindot n'ya ang penthouse at maya-maya pa ay nagsimula ng gumalaw ang naturang elevator. Habang paakyat ang elevator ay wala sa sarili na naipikit n'ya ang kan'yang mga mata ngunit agad ding napadilat ulit ng biglang lumitaw sa kan'yang balintataw ang gwapong mukha ni Luke. "Fvck!" malutong na mura n'ya at wala sa sarili na naihilamos ang palad sa mukha. Kahit anong gawin n'ya ay mukhang sinusundan pa rin s'ya ng imahe ng lalaki. Natigil lamang s'ya sa mga iniisip ng tumunog ang elevator, hudyat na nasa penthouse na s'ya. Bumukas ang pinto at agad s'yang lumabas para lamang matigilan ng makita ang kapatid na si Dos na nakahandusay sa harapan ng pinto ng kan'yang bahay. "Kuya Dos! Damn it!" natatarantang tawag n'ya rito na may kasamang mura. Agad na nilapitan ang kapatid at dinaluhan ito para lang mapamura ulit ng maamoy ang amoy ng alak sa bibig nito. He is drunk at dahil sa kalasingan ay nawalan ng malay sa pintoan ng kan'yang bahay. "Fvck you, kuya! Pinakaba mo ako! Akala ko kung ano na ang nangyari sayo!" kastigo na sabi n'ya sa kapatid na walang malay. Matapang s'ya at malakas ang loob ngunit pagdating sa mga mahal n'ya sa buhay ay hindi n'ya mapigilan ang panghinaan ng loob lalo na kapag nakikita n'ya na nasasaktan ang mga ito. Nagbuga s'ya ng hangin at nagpasyang ipasok sa loob ang kapatid. Akmang aalalayan n'ya na ito na itayo nang biglang bumukas ang elevator at iniluwa ang lalaki na s'yang laman ng isip n'ya simula pa kanina. Nagtama ang kanilang paningin na dalawa at agad na nag react ang kan'yang puso sa pamamagitan ng malakas na pagkalabog ng makita ang matiim na tingin ng lalaki. Ngunit nagsalubong ang kilay nito at kita n'ya ang biglang paglamig ng awra ng makita nito ang lalaki na nakahandusay sa sahig at hawak n'ya ang kamay. "He is my brother!" mabilis na sabi n'ya rito ng mapunta sa magkahawak nilang kamay ni Dos ang mga mata ni Luke. Huli na ng maisip n'ya kung bakit s'ya nagpapaliwanag dito. Wala naman s'yang ginagawa na masama at wala s'yang obligasyon para magpaliwanag kay Luke. At ng marinig nito ang kan'yang sinabi ay nakita n'ya agad na nagbago ang hitsura nito. Nawala rin ang pag-igting ng mga panga na ikinahinga n'ya ng maluwag. "Let me help you with him," boluntaryo na sabi ng lalaki na ikinabalik n'ya sa kan'yang sarili.BLYTHE JULIANNA (ACE)...."Let me help you with him," boluntaryo na sabi ng lalaki na ikinabalik n'ya sa kan'yang sarili. Hindi pa s'ya sumasagot ngunit lumuhod na ito sa tabi ni Dos at kinuha ang kamay ng kapatid mula sa kan'ya.Nakasunod lang ang kan'yang tingin kay Luke dahil hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin dito. At kahit hanggang sa itinayo na ng lalaki ang kan'yang kapatid na lasing ay wala pa rin s'yang imik. Lalo pa s'yang namangha ng makita na parang wala lang rito ang bigat ni Dos na kung tutuusin ay halos magkasing built lang ang dalawa ng katawan.Parehong matipuno at alaga sa gym ang katawan ng mga ito ngunit mas gusto n'ya ang katawan ni Luke. Siguro ay dahil kapatid n'ya si Dos at walang epekto sa kan'ya kapag nakikita n'ya itong walang pang-itaas na suot.But Luke is different dahil unang kita n'ya pa lang sa katawan nito ay nagulo na agad ang kan'yang tahimik na mundo. "Sweety, open the door, please," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."At nagpahalik ka naman! Hmmmmm!" dagdag pa nito na mas lalo pang ikinainit ng kan'yang mukha. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nahiling n'ya sa taas na sana ay bumuka ang sahig ng kan'yang bahay at lamunin s'ya para hindi na sila magkita pa ni Luke dahil hiyang-hiya s'ya rito at sa kan'yang sarili.Tumikhim s'ya para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan bago tinapunan ng isang matalim na tingin ang lalaki na nasa kan'ya din pala ang tingin."Lumayas ka sa pamamahay ko, Muller bago pa ako may magawa sayo na hindi mo magugustohan!" mahina ngunit may diin na taboy n'ya sa binata.Kung ibang lalaki pa itong kaharap n'ya ay baka kanina pa ito kumaripas ng takbo dahil sa takot but not Luke dahil sobrang lakas ng loob nito na tumayo at lumapit pa sa kan'ya.At hindi lang ito tumayo sa kan'yang harapan kundi umuklo pa para magpantay ang kanilang mga mukha. At sinadya nitong ilapit ng sobra ang pagmumukha sa kan'ya na halos magdikit na ang kanilang mga labi."Ba
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."Hello?" bungad n'ya rito."Do you miss me?" para s'yang binuhosan ng malamig na tubig ng marinig ang boses ng lalaki na nagpagulo sa kan'yang isipan ngunit ng makabawi ay malakas n'ya itong sinigawan sa cellphone."Go to hell, Muller!" Pabagsak s'yang naupo sa upoan habang busangot ang mukha. Paano ba naman kasi ay parang may recorder ang utak n'ya na paulit-ulit na nagpi- play ang sinabi ni Luke sa kan'ya kagabi ng tawagan s'ya nito.Hindi n'ya alam kung pinagtitripan lang s'ya ng lalaki o ano. Wala naman sana s'yang pakialam ngunit dahil apektado s'ya ay naiinis na s'ya sa mga pinagagawa ng lalaki sa kan'ya."Earth to mareng Ace, bakit parang pasan mo ang mundo, girl?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses ni Pickles. At ng ilibot n'ya ang kan'yang tingin ay napabuga ulit s'ya ng hangin dahil hindi n'ya man lang napansin ang kaibigan na nasa loob na rin pala ng meeting room kung saan sila magkakaroon ng meeting sa boss nila."Shut up,
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Dahil sa pag-uusap nila ng kanilang boss ay agad n'yang ginawa ang kan'yang trabaho. Hindi muna s'ya pumasok sa kan'yang kompanya at pinaglaanan ng oras ang kan'yang misyon. Pero ng maisip na paniguradong magkikita na naman sila ni Luke ay agad s'yang nakaramdam ng pagkabahala. Simula ng makilala n'ya ang binata ay nakakaranas na s'ya ng pagiging tanga minsan at madalas ay nakakalimutan ang mga bagay-bagay sa kan'yang paligid. In short ay panira sa katinuan n'ya ang lalaki at panggulo sa isip kaya kailangan n'yang umiwas dito. Mas maaga ay mas mabuti dahil kapag pinatagal n'ya pa ay baka kung ito pa ang dahilan ng ikakapahamak n'ya at ng kan'yang trabaho. Nagbuga s'ya ng hangin habang itinatali pataas ang kan'yang buhok. She has a beautiful and healthy hair. Medyo wavy ito from the tip to the end pero hindi naman iyong tipo na kulot talaga. Bumagay sa kan'yang magandang mukha ang kan'yang buhok at madalas ay natatawag s'yang prinsesa sa mga sinaunang movie
LUKE FRIEDRICH... Maaga pa lang ay pumasok na s'ya sa La Car's dahil may ipinapagawa si Raffish sa kan'ya na agad n'ya namang pinaunlakan. Mas pabor sa kan'ya ang labas-pasok sa La Car's ano mang oras at hindi n'ya sasayangin ang pagkakataong ito na magawa ang kan'yang trabaho. He is from Ireland at lumipad lang papuntang Pilipinas para sa trabahong ito. At hindi n'ya naman pinagsisihan ang kan'yang desisyon dahil nagustohan n'ya ang Pilipinas. His mom is a pure blooded Filipina and his dad is Irish. Kaya s'ya matalas sa salitang Tagalog dahil sa mommy n'ya. Tubong Cebu ang kan'yang ina at marami silang pamilya sa Cebu. Ngunit dahil trabaho ang ipinunta n'ya rito kung kaya ay hindi pa s'ya nagkaroon ng pagkakataon na mabisita ang kan'yang lolo at lola sa Cebu, mga tiyahin na kapatid ng ina at mga pinsan. No one knows in his family na nandito s'ya sa Pilipinas at ayaw n'ya munang ipaalam dahil may kailangan pa s'yang tapusin. Tinapos n'ya ang panghuling papeles na binabasa. Nasa
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Hindi n'ya alam kung ano ang nangyari at natagpuan n'ya na lang ang kan'yang sarili na mapusok ng nakikipaghalikan kay Luke.Sobrang bilis ng pangyayari na hindi n'ya na napansin kung paano s'ya napunta sa mga bisig nito. Nasa sofa s'ya habang ang binata ay nasa ibabaw n'ya at hindi inaalis ang labi sa kan'yang labi.Nabuwag ni Luke ang pader na iniharang n'ya sa pagitan nila at kung kailan pa na nagpaubaya na s'ya sa mga halik nito ay s'ya namang pagputol ng lalaki sa kanilang ginagawa ngunit hindi ito umalis sa pwesto at idinikit ang noo sa kan'yang nooWalang salita na nagtitigan lamang sila at s'ya ang unang sumuko at nagbawi ng tingin. Gamit ang natitira pang lakas ay hinawi n'ya si Luke para umalis ito sa ibabaw n'ya. Hindi naman tumutol ang binata at pabagsak na naupo sa kan'yang tabi.Akmang tatayo s'ya para sana umalis na at lumayo sa lalaki ngunit hindi s'ya nito hinayaan at mabilis na pinaikot ang braso sa kan'yang bewang."Not that fast, sweety," p
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."Ace? What's wrong? May problema ba?" nataohan s'ya ng marinig ang tanong ng kanilang ina. Nabaling naman sa kan'ya ang tingin ng kan'yang kuya Uno at kuya Dos.Lima lang sila sa mesa at wala si Tres. May problema ang kan'yang kapatid at umuwi ito sa probinsya kung saan nakatira noon ang asawa nitong si Preccy na ngayon ay patay na."Ahmmm! Yeah! Of course, I'm fine, nay. May iniisip lang ako tungkol sa trabaho ko," pagsisinungaling n'ya rito ngunit ang totoo n'yan ay si Luke ang laman ng kan'yang isip.Isang linggo na matapos ang nangyari sa kanila ni Luke sa La Car's at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip n'ya ang bagay na iyon.At ang mas nakakatawa dahil hinihintay n'yang tawagan s'ya o puntahan ni Luke sa kan'yang penthouse. Kaya isang linggo na rin s'ya na hindi umaalis ng bahay at doon na ginagawa ang kan'yang trabaho ngunit dumating na lang ang linggo ay walang Luke ang nagparamdam sa kan'ya.At dahil doon ay nakastigo n'ya ng husto a
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Agad s'yang umalis ng bahay ng mga magulang ng mabasa ang mensahi sa kan'ya ni Pickles. Mabilis n'yang pinaharurot ang kan'yang sasakyan para puntahan ang kaibigan. Habang nasa daan ay hindi n'ya maiwasan ang umigting ang mga panga dahil sa galit. Walang pwedeng kumanti sa mga mahal n'ya sa buhay at kung mayroon mang mangahas na gumawa nito ay hindi n'ya bubuhayin. Dahil sa sobrang galit n'ya ay nakarating s'ya sa bahay ni Graciella ng hindi n'ya namalayan. Malayo pa lang s'ya ay nakita n'ya na ang mga sasakyan ng mga pulis na nasa labas. Ipinarada n'ya ang sasakyan sa likuran ng kotse ni Pickles at dali-daling lumabas. Lakad takbo ang kan'yang ginawa para makarating agad sa loob. "Pasensya na ma'am pero hindi kayo pwedeng pumasok," pigil sa kan'ya ng isang pulis na nasa labas. May mga yellow tape na nakaharang sa pintoan para iparating sa mga gustong pumasok na hindi pwede ang ibang tao sa loob. Kinuha n'ya ang kan'yang tsapa at pinakita sa pulis. At
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Hindi n'ya na kaya pa ang panunukso at pambibitin na ginagawa ni Luke sa kan'ya kaya s'ya na mismo ang kumilos at humarap sa kasintahan.At nang makaharap n'ya na ito ay s'ya na mismo ang pumalibot ng kan'yang braso sa batok ng kasintahan at siniil ito ng halik sa labi.Isang linggo na mahigpit ng may nangyari sa kanilang dalawa at pagkatapos ng unang beses na may nangyari sa kanila ay hindi na ulit ito naulit dahil hindi pa s'ya pwede.Kaya ngayon ay para na naman s'yang baliw na sabik na sabik kay Luke. Aaminin n'ya na nagugustohan n'ya na ang bagay na ito at hinahanap-hanap na din ng kan'yang katawan.Mapusok na ginantihan ni Luke ang kan'yang mga halik hanggang sa mag espadahan ang kanilang mga dila. Puno ng panggigil at kasabikan ang kanilang mga galaw na dalawa ni Luke.Ang dalawang palad nito ay nalipat sa pisngi ng kan'yang puwet at mukhang alam n'ya na ang gagawin nito kaya naman ay inihanda n'ya na ang kan'yang sarili.At ng maramdaman ang galaw ni L
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Nagbuga s'ya ng hangin habang nakatanaw sa malawak na tanawin sa kan'yang harapan. Hindi pa rin maalis sa isip n'ya ang kan'yang natuklasan tungkol sa dalawa.Ang inaalala n'ya lang ay kung ang kuya Uno n'ya ang makatuklas sa lihim ng kanilang kapatid na si Dos. Kung s'ya lang ay wala namang problema at nirerespeto n'ya ang desisyon nito.At lihim n'yang hiniling na sana ay maintindihan din ng kuya Uno n'ya kapag nalaman nito ang tungkol sa kambal nila. Ayaw n'yang mag-away ang dalawa dahil magkagalit na si Tres at Dos dahil din sa ginawa nito na ikinasira ng pamilya ng kapatid nilang si Tres."What are you thinking, sweetheart?" ang malambing na boses ni Luke ang pumukaw sa kan'ya. Agad nitong ipinalibot ang dalawang braso sa kan'yang bewang at niyakap s'ya mula sa likod."You're up," s'ya rito at inihilig ang ulo sa didbib ng kasintahan. Maaga s'yang nagising at agad na dumiretso sa balkonahe habang naiwan si Luke na mahimbing na natutulog sa kanilang silid.
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Narating nila ang bahay ni Luke ng hindi ito umiimik. Hindi na din s'ya nagsalita dahil napuno ng mga tanong ang isip n'ya. Hindi sinagot ni Luke ang mga tanong n'ya kanina ngunit nangako naman ito na sasagutin ang lahat pagdating nila sa bahay nito. Lumapag sa helipad ang helicopter na sinasakyan nila at agad s'yang bumaba. Si Luke naman ay kinuha ang kanilang mga gamit bago sumunod sa kan'ya. Tahimik nilang binabagtas ang hagdan pababa sa bahay nito at nagulat s'ya ng mabungaran ang kapatid na si Dos sa sala ng bahay ni Luke. Ngayon ay nasagot ang isang tanong n'ya kanina, na magkakilala ang dalawang lalaki. Patunay lang ang biglang pagsugod ni Dos sa bahay ni Luke at alam nito kung saan nakatirik ang bahay na ito ng kan'yang kasintahan. Malamig at blangko ang kan'yang reaction ng makita ang kapatid. Kung gaano ka blangko ang reaction sa mukha nito ay ganon din ang ipinakita n'ya sa kapatid. "Ace! Let's talk!" may diin na sabi ng kapatid sa kan'ya. "Ye
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Ace!""Julianna!" magkasabay na sigaw ng dalawang lalaki sa kan'yang pangalan ng makita s'ya na bumulagta sa sahig dahil sa pagbaril sa kan'ya ni Raffish.At kasunod sa pagsigaw ng dalawang lalaki na kasama n'ya ay ang pagbulagta ng katawan ni Raffish sa sahig habang naliligo sa sariling dugo."Sweetheart," nababahala at puno ng pag-alala na tawag sa kan'ya ni Luke ng lapitan s'ya nito. Nginitian n'ya ang kasintahan at itinaas ang kan'yang kamay para haplusin ang pisngi nito."Thank you! Hindi ko inaasahan ang mabilis na pagbaril ni Raffish sa akin at kung hindi mo ako pinilit na magsuot ng bullet proof vest ay baka napurohan na ako," s'ya kay Luke. Nakita n'ya ang pagkawala ng pag-alala sa mukha nito ng marinig ang kan'yang sinabi.Nakalimutan din yata nito na pinilit s'ya nito kanina na isuot ang vest para extra protection. Ngayon n'ya napatunayan na tama ang lalaki sa pagpilit sa kan'ya kanina na magsuot."Fvck! You scared me, sweetheart. Akala ko ay—,""Ge
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."Kuya Dos," matigas na sambit n'ya sa pangalan ng kapatid na s'yang kausap ng mga taga La Car's."Fvck! It's him!" dagdag n'ya pa habang nakatingin sa kapatid na walang ka emo-emosyon ang mukha. Nagharap na ang mga ito at ganon na lang ang kan'yang mura ng magsibunot ng mga baril ang mga kaharap ni Luke."Luke, that's my brother! Let me handle him!" pagbibigay alam n'ya sa kasintahan. Alam n'ya na kailangan n'yang hulihin ang mga tao na nasa likod ng malaking sindikato ngunit kapatid n'ya pa rin si Dos at pareho ang dugo na nasa katawan nila.Ilang beses n'yang inulit ang kan'yang sinabi kay Luke ngunit wala s'yang tugon na narinig mula sa kasintahan na ikinataranta n'ya lalo na ng magsimula ng magpalitan ng putok ang grupo."Damn it!" Mabilis n'yang inayos ang kan'yang position at nagsimula ng isa-isahin ang mga kalaban na nakikita mula sa kan'yang kinaroroonan. Hinanap n'ya si Dos ngunit hindi n'ya na ito namataan sa grupo ng mga kalalakihan, ganon din si L
BLYTHE JULIANNA (ACE)...The time has come at iniwan na s'ya ni Luke sa kan'yang kinaroroonan para pumunta sa kabilang building. Nakasunod ang kan'yang sniper gun kung saan ay may nakakabit na scoop at nakikita n'ya mula rito ang lalaki.Ayaw n'yang maalis sa kan'yang paningin si Luke kaya hangga't maaari ay susundan n'ya ito ng kan'yang paningin. Hindi muna ito dumiretso sa La Car's. Tumigil ito sa tagong bahagi sa baba at nagmatyag sa paligid."Did you see something, sweetheart?" narinig n'yang tanong nito mula sa suot na earpiece."Yeah!" wala sa sarili na sagot n'ya rito."What is it?" tanong nito pabalik sa kan'ya."A handsome man!""Handsome man? What the fvck! Who is the handsome man na tinitingnan mo ngayon, Ace?" may diin na tanong nito sa kan'ya. Mahina s'yang natawa dahil kita mula sa kan'yang kinaroroonan ang paglabas ng mga ugat sa leeg ni Luke tanda na galit ito."The man I love the most. Hmmmmm," pilyang sagot n'ya rito. Tumingala sa kan'yang kinaroroonan ang binata at
BLYTHE JULIANNA (ACE)...She agreed to work with Luke and after a week of resting for Luke to fully recover they started their plan.Ngunit kahit nasa bahay lang sila nito ay nagtatrabaho silang dalawa. Since si Luke ang may alam ng pasikot-sikot sa La Car's ay madali para sa kanilang dalawa ang pagplano.At natutuwa s'ya sa ginagawa nilang dalawa ng kasintahan. Kakaiba magtrabaho si Luke at masasabi n'ya na napapahanga s'ya ng lalaki sa mga ideya at katalinuhan nito. Hindi lamang ito gwapo at maganda ang pangangatawan. Puno din ng talino si Luke at kakaiba kung mag plano.Pulido at pinag-aaralan ng mabuti. Matagal na s'ya sa ganitong trabaho ngunit ang ipinakita sa kan'ya ni Luke ay kakaiba."Are you ready?" tanong sa kan'ya ng kasintahan. Pareho silang nag-aayos ng kanilang mga kakailanganin sa paglusob sa La Car's mamayang gabi. May magaganap na transaction mamaya sa La Car's at darating ang big boss ng naturang sindikato at hindi nila palalampasin ang pagkakataong ito.Nakaplano
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Nasa bahay sila ni Luke sa Tagaytay at kasalukuyan s'yang nasa balkonahe at nililinis ang kan'yang mga baril.Nang masiguro na maayos na ang kalagayan ni Luke ay umuwi na sila at dito sila dumiretso sa bahay nito sa Tagaytay. Alam n'ya na may nakakaalam kung nasaan sila ngayon dahil sa parehong nangyaring ambush sa kanilang dalawa at sigurado s'ya na may nakasunod sa bawat galaw nila ni Luke.Ngunit hindi s'ya takot dahil alam n'ya na kayang-kaya nilang labanan ni Luke ang mga kalaban. At hindi na din s'ya nag protesta ng sinabi ng kasintahan kanina na dito sila uuwi na dalawa.Alam n'ya na may dahilan kung bakit dito sila dumiretso. At may tiwala s'ya sa lalaki at alam n'ya na ginagawa nito ang tama.Nasa mataas na bahagi sila ng lugar at mula sa kan'yang kinaroroonan ay kitang-kita ang baba. May mataas na bakod ang bahay ni Luke at ngayon n'ya lang napansin na kakaibang bakod ang mayroon sa bahay nito.Lihim s'yang napangisi dahil ngayon ay naintindihan n'y
LUKE FRIEDRICH..."Mabuti na lang at hindi ka napurohan, Muller. Masamang damo ay matagal mamatay talaga," kantyaw sa kan'ya ng kaibigan habang ginagamot ang kan'yang sugat."Shut the fvck, Morgan," singhal n'ya sa lalaki. "What? Totoo naman ang sinasabi ko ah! Masamang damo ay matagal mamatay at ikaw ang patunay sa kasabihan na yan. Look at you at buhay ka pa rin magpahanggang ngayon. C'mon, Muller! Alam natin pareho kung gaano ka ka demonyo na hayop ka!" dagdag pa nito na ikinabato n'ya ng gunting sa kaibigan."Fvck you! Mas demonyo ka sa aking hayop ka!" balik mura n'ya sa kaibigan. Tinawanan lamang s'ya nito ngunit maya-maya lang ay nag seryoso din ang mukha."Who did this to you, Muller? Kailan ka lang dito sa Pilipinas at may kaaway ka na agad? O di kaya ay ang mga kaaway mo pa ito sa Russia?" "I don't know yet, Ashley. Kailangan ko pang mag-imbestiga at alamin kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito," igting ang mga panga na sagot n'ya sa kaibigan."I'm here, Muller. At nasa