BLYTHE JULIANNA (ACE)....
"Let me help you with him," boluntaryo na sabi ng lalaki na ikinabalik n'ya sa kan'yang sarili. Hindi pa s'ya sumasagot ngunit lumuhod na ito sa tabi ni Dos at kinuha ang kamay ng kapatid mula sa kan'ya. Nakasunod lang ang kan'yang tingin kay Luke dahil hindi n'ya alam kung ano ang sasabihin dito. At kahit hanggang sa itinayo na ng lalaki ang kan'yang kapatid na lasing ay wala pa rin s'yang imik. Lalo pa s'yang namangha ng makita na parang wala lang rito ang bigat ni Dos na kung tutuusin ay halos magkasing built lang ang dalawa ng katawan. Parehong matipuno at alaga sa gym ang katawan ng mga ito ngunit mas gusto n'ya ang katawan ni Luke. Siguro ay dahil kapatid n'ya si Dos at walang epekto sa kan'ya kapag nakikita n'ya itong walang pang-itaas na suot. But Luke is different dahil unang kita n'ya pa lang sa katawan nito ay nagulo na agad ang kan'yang tahimik na mundo. "Sweety, open the door, please," nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses nito. At ayan na naman sa endearment ang lalaki na s'yang dahilan ng pag-init ng kan'yang mukha. Ipinilig n'ya ang kan'yang ulo, hinamig ang sarili at mabilis na tumayo para buksan ang kan'yang pinto. Imwenestra n'ya ang kan'yang kamay kay Luke ng mabuksan ang pinto at nauna itong pumasok sa loob habang akay-akay si Dos na wala pa ring malay ng mga oras na iyon. Isinarado n'ya din agad ito at sumunod sa dalawang lalaki. Tinungo n'ya ang isang pintoan ng spare room ng kan'yang penthouse para doon patulugin ang kapatid. Agad namang nakuha ni Luke ang kan'yang ipinahiwatig dito. Ipinasok nito si Dos sa isang bakanteng silid at dinala sa kama. Pabagsak na nahiga ang kapatid sa malambot na kama at napailing na lamang s'ya dahil kahit siguro bugbugin ito ngayon ay hindi pa rin nito malalaman dahil sa sobrang kalasingan. "Is he okay?" narinig n'yang tanong ni Luke sa kan'ya habang inaayos n'ya ang paa ng kapatid at inaalis ang suot nitong sapatos. "He will! Lasing lang s'ya kaya nagkaganito," sagot n'ya rito. "Isn't he a doctor? I remember, I saw him at the hospital pero matagal na panahon na iyon," sabi nito maya-maya. Nagbuga s'ya ng hangin at inayos ang pagkakatayo. "He is!" tipid na sagot n'ya rito. Tama naman kasi ito. Dos is a neurologist at kilala na isa sa mga mamagaling na doctor abroad ngunit nagbago ang lahat dahil sa isang babae na s'yang dahilan kung bakit ito nagkaganito ngayon. He's been through a lot na umabot na sa muntikan nitong pagkamatay dahil sa kagagawan ng babae na nanloko rito. Kaya hindi n'ya masisisi ang kapatid sa mga pinagagawa nito ngayon sa buhay. "Okay!" tipid na sagot ni Luke sa kan'ya ng makita nito na wala s'yang balak na pahabain ang kan'yang sagot tungkol sa kapatid. "Let's go outside!" aya n'ya sa binata at nagpatiuna na ng lumabas. Sumunod naman ito sa kan'ya hanggang sa living room ng kan'yang bahay. Pabagsak s'yang naupo sa sofa at kahit hindi n'ya ito inaya na maupo ay naupo pa rin ito sa kan'yang harapan. "Nice place," puri nito sa kan'yang bahay ng ilibot ang paningin sa paligid. "What are you doing here, Muller? At paano ka nakakaakyat sa penthouse ko ng walang sariling susi?" imbes na pasalamatan ang papuri nito sa bahay n'ya ay sinita n'ya ang lalaki kung paano ito nakakaakyat sa taas. At ng marinig nito ang kan'yang tanong ay may dinukot ito sa bulsa at ipinakita ang isang key card na pag-aari n'ya. She knows na sa kan'ya iyon dahil kulay ginto ang kulay ng key card. Ang sa pamilya n'ya naman ay kulay silver ang hawak ng mga ito na susi sa kan'yang penthouse. "Bakit nasa sayo yan? Where did you get that?" salubong ang mga kilay na tanong n'ya sa lalaki. "Naiwan mo ito sa La Car's kasama ang iba pang susi," sagot ng binata na ikinatapik n'ya ng palad sa noo. Naalala n'ya na inalis n'ya ang susi ng kan'yang sasakyan sa bungkos ng iba pang mga susi bago n'ya ibinigay ito kay Luke para ipagawa ang kotse. At ngayon lang nangyari na naging careless s'ya sa kan'yang mga galaw lalo na sa mga mahahalagang bagay katulad ng kan'yang mga susi. "At bakit hindi mo ibinalik sa akin ng unang punta mo rito? Are you planning of something, Muller?" sita n'ya sa lalaki. Mahina itong natawa ngunit imbes na mairita ay kumalabog na naman ulit ang kan'yang dibdib ng lumitaw ang dalawang biloy sa pisngi nito. "You didn't give any chance na maibalik ko sayo ang mga gamit mo. Pinalayas mo ako, remember? At nakalimutan ko na din ang pakay ko noong unang punta ko rito. I think it's because you kissed me tha—," "Shut up! How dare you accusing me of kissing you! Ikaw ang nanghalik, Muller at hindi ako!" namumula sa galit at pagkapahiya na singhal n'ya sa lalaki. Agad namang mababanaag sa mga mata ng lalaki ang pagkaaliw sa kan'yang reaction. "At nagpahalik ka naman! Hmmmmm!" dagdag pa nito na mas lalo pang ikinainit ng kan'yang mukha. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nahiling n'ya sa taas na sana ay bumuka ang sahig ng kan'yang bahay at lamunin s'ya para hindi na sila magkita pa ni Luke dahil hiyang-hiya s'ya rito at sa kan'yang sarili.BLYTHE JULIANNA (ACE)..."At nagpahalik ka naman! Hmmmmm!" dagdag pa nito na mas lalo pang ikinainit ng kan'yang mukha. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na nahiling n'ya sa taas na sana ay bumuka ang sahig ng kan'yang bahay at lamunin s'ya para hindi na sila magkita pa ni Luke dahil hiyang-hiya s'ya rito at sa kan'yang sarili.Tumikhim s'ya para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan bago tinapunan ng isang matalim na tingin ang lalaki na nasa kan'ya din pala ang tingin."Lumayas ka sa pamamahay ko, Muller bago pa ako may magawa sayo na hindi mo magugustohan!" mahina ngunit may diin na taboy n'ya sa binata.Kung ibang lalaki pa itong kaharap n'ya ay baka kanina pa ito kumaripas ng takbo dahil sa takot but not Luke dahil sobrang lakas ng loob nito na tumayo at lumapit pa sa kan'ya.At hindi lang ito tumayo sa kan'yang harapan kundi umuklo pa para magpantay ang kanilang mga mukha. At sinadya nitong ilapit ng sobra ang pagmumukha sa kan'ya na halos magdikit na ang kanilang mga labi."Ba
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."Hello?" bungad n'ya rito."Do you miss me?" para s'yang binuhosan ng malamig na tubig ng marinig ang boses ng lalaki na nagpagulo sa kan'yang isipan ngunit ng makabawi ay malakas n'ya itong sinigawan sa cellphone."Go to hell, Muller!" Pabagsak s'yang naupo sa upoan habang busangot ang mukha. Paano ba naman kasi ay parang may recorder ang utak n'ya na paulit-ulit na nagpi- play ang sinabi ni Luke sa kan'ya kagabi ng tawagan s'ya nito.Hindi n'ya alam kung pinagtitripan lang s'ya ng lalaki o ano. Wala naman sana s'yang pakialam ngunit dahil apektado s'ya ay naiinis na s'ya sa mga pinagagawa ng lalaki sa kan'ya."Earth to mareng Ace, bakit parang pasan mo ang mundo, girl?" nagbalik lang s'ya sa kan'yang sarili ng marinig ang boses ni Pickles. At ng ilibot n'ya ang kan'yang tingin ay napabuga ulit s'ya ng hangin dahil hindi n'ya man lang napansin ang kaibigan na nasa loob na rin pala ng meeting room kung saan sila magkakaroon ng meeting sa boss nila."Shut up,
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Dahil sa pag-uusap nila ng kanilang boss ay agad n'yang ginawa ang kan'yang trabaho. Hindi muna s'ya pumasok sa kan'yang kompanya at pinaglaanan ng oras ang kan'yang misyon. Pero ng maisip na paniguradong magkikita na naman sila ni Luke ay agad s'yang nakaramdam ng pagkabahala. Simula ng makilala n'ya ang binata ay nakakaranas na s'ya ng pagiging tanga minsan at madalas ay nakakalimutan ang mga bagay-bagay sa kan'yang paligid. In short ay panira sa katinuan n'ya ang lalaki at panggulo sa isip kaya kailangan n'yang umiwas dito. Mas maaga ay mas mabuti dahil kapag pinatagal n'ya pa ay baka kung ito pa ang dahilan ng ikakapahamak n'ya at ng kan'yang trabaho. Nagbuga s'ya ng hangin habang itinatali pataas ang kan'yang buhok. She has a beautiful and healthy hair. Medyo wavy ito from the tip to the end pero hindi naman iyong tipo na kulot talaga. Bumagay sa kan'yang magandang mukha ang kan'yang buhok at madalas ay natatawag s'yang prinsesa sa mga sinaunang movie
LUKE FRIEDRICH... Maaga pa lang ay pumasok na s'ya sa La Car's dahil may ipinapagawa si Raffish sa kan'ya na agad n'ya namang pinaunlakan. Mas pabor sa kan'ya ang labas-pasok sa La Car's ano mang oras at hindi n'ya sasayangin ang pagkakataong ito na magawa ang kan'yang trabaho. He is from Ireland at lumipad lang papuntang Pilipinas para sa trabahong ito. At hindi n'ya naman pinagsisihan ang kan'yang desisyon dahil nagustohan n'ya ang Pilipinas. His mom is a pure blooded Filipina and his dad is Irish. Kaya s'ya matalas sa salitang Tagalog dahil sa mommy n'ya. Tubong Cebu ang kan'yang ina at marami silang pamilya sa Cebu. Ngunit dahil trabaho ang ipinunta n'ya rito kung kaya ay hindi pa s'ya nagkaroon ng pagkakataon na mabisita ang kan'yang lolo at lola sa Cebu, mga tiyahin na kapatid ng ina at mga pinsan. No one knows in his family na nandito s'ya sa Pilipinas at ayaw n'ya munang ipaalam dahil may kailangan pa s'yang tapusin. Tinapos n'ya ang panghuling papeles na binabasa. Nasa
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Hindi n'ya alam kung ano ang nangyari at natagpuan n'ya na lang ang kan'yang sarili na mapusok ng nakikipaghalikan kay Luke.Sobrang bilis ng pangyayari na hindi n'ya na napansin kung paano s'ya napunta sa mga bisig nito. Nasa sofa s'ya habang ang binata ay nasa ibabaw n'ya at hindi inaalis ang labi sa kan'yang labi.Nabuwag ni Luke ang pader na iniharang n'ya sa pagitan nila at kung kailan pa na nagpaubaya na s'ya sa mga halik nito ay s'ya namang pagputol ng lalaki sa kanilang ginagawa ngunit hindi ito umalis sa pwesto at idinikit ang noo sa kan'yang nooWalang salita na nagtitigan lamang sila at s'ya ang unang sumuko at nagbawi ng tingin. Gamit ang natitira pang lakas ay hinawi n'ya si Luke para umalis ito sa ibabaw n'ya. Hindi naman tumutol ang binata at pabagsak na naupo sa kan'yang tabi.Akmang tatayo s'ya para sana umalis na at lumayo sa lalaki ngunit hindi s'ya nito hinayaan at mabilis na pinaikot ang braso sa kan'yang bewang."Not that fast, sweety," p
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."Ace? What's wrong? May problema ba?" nataohan s'ya ng marinig ang tanong ng kanilang ina. Nabaling naman sa kan'ya ang tingin ng kan'yang kuya Uno at kuya Dos.Lima lang sila sa mesa at wala si Tres. May problema ang kan'yang kapatid at umuwi ito sa probinsya kung saan nakatira noon ang asawa nitong si Preccy na ngayon ay patay na."Ahmmm! Yeah! Of course, I'm fine, nay. May iniisip lang ako tungkol sa trabaho ko," pagsisinungaling n'ya rito ngunit ang totoo n'yan ay si Luke ang laman ng kan'yang isip.Isang linggo na matapos ang nangyari sa kanila ni Luke sa La Car's at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nawawala sa isip n'ya ang bagay na iyon.At ang mas nakakatawa dahil hinihintay n'yang tawagan s'ya o puntahan ni Luke sa kan'yang penthouse. Kaya isang linggo na rin s'ya na hindi umaalis ng bahay at doon na ginagawa ang kan'yang trabaho ngunit dumating na lang ang linggo ay walang Luke ang nagparamdam sa kan'ya.At dahil doon ay nakastigo n'ya ng husto a
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Agad s'yang umalis ng bahay ng mga magulang ng mabasa ang mensahi sa kan'ya ni Pickles. Mabilis n'yang pinaharurot ang kan'yang sasakyan para puntahan ang kaibigan. Habang nasa daan ay hindi n'ya maiwasan ang umigting ang mga panga dahil sa galit. Walang pwedeng kumanti sa mga mahal n'ya sa buhay at kung mayroon mang mangahas na gumawa nito ay hindi n'ya bubuhayin. Dahil sa sobrang galit n'ya ay nakarating s'ya sa bahay ni Graciella ng hindi n'ya namalayan. Malayo pa lang s'ya ay nakita n'ya na ang mga sasakyan ng mga pulis na nasa labas. Ipinarada n'ya ang sasakyan sa likuran ng kotse ni Pickles at dali-daling lumabas. Lakad takbo ang kan'yang ginawa para makarating agad sa loob. "Pasensya na ma'am pero hindi kayo pwedeng pumasok," pigil sa kan'ya ng isang pulis na nasa labas. May mga yellow tape na nakaharang sa pintoan para iparating sa mga gustong pumasok na hindi pwede ang ibang tao sa loob. Kinuha n'ya ang kan'yang tsapa at pinakita sa pulis. At
BLYTHE JULIANNA (ACE)... "What's your plan, Gracie?" tanong n'ya sa kaibigan. Nasa safe house sila kasama ang mga magulang nito na inilayo muna nv kaibigan at itinago sa kanilang safe house. "I will find out who's behind? At sisiguraduhin ko na madudurog ang buto ng may gawa nito sa mga magulang ko," matigas na sagot ng kaibigan sa kan'ya. Mababanaag sa boses nito ang galit sa mga taong may gawa nito sa mga magulang. "Tita Grace is fine. Mabuti na lang at palaban din si tita. Mild stroke lang and still manageable," sabat naman ni Pickles na s'yang tumatayong doctor ng ina ni Pickles. "Kahit na! Hindi deserve ng mga magulang ko ang ma ambush at matakot ng ganito, Pickles," galit na sagot ni Gracie sa sinabi ni Pickles. "Alam namin, Gracie at hindi din kami papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mga magulang mo. Pinakilos ko na ang mga tao ko sa loob and soon ay may makukuha na tayong lead kung sino ang may gawa nito," mahabang sagot ni Pickles sa kaibigan. Naupo i
BLYTHE JULIANNA…Napag-alaman niya na may karamdaman si Leon at iyon ay ang mahina ang puso nito. May mga pagkakataon daw talaga na dumarating sa bata na bigla na lamang ito nangingisay at nagkulay-ube ang labi.Ayon din sa tumingin dito na doctor ay kailangan ng heart transplant ni Leon ngunit dahil sae dad nito ay ayaw pa ng ama dahil isang malaking risk para sa bata. Masyado pang mahina ang katawan ni Leon para sa transplant at baka hindi kakayanin ng katawan ng bata.Inilipat ito sa isang pribadong silid at siya mismo ang nagbabantay kay Leon. Naaawa siya sa sinapit at mga pinagdadadaan nito. Masyado pa itong bata para makaranas ng ganitong sakit.Umalis muna si Lea at Susan para umuwi. Inutosa niya ang dalawa na kumuha ng mga gamitb nila para may magamit siya habang nagbabantay kay Leon. Naupo siya sa tabi ng kama nito at buong ingat na ginanap ang maliit na kamay ng bata.“You are very strong, honey. Alam ko na lumalaban ka sa buhay and because of that ay napahanga mo ako. Hmmmm
BLYTHE JULIANNA…Nagulat si nanay Jossie ng makita sila. Ilang segundo pa itong hindi nakahuma habang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang tatlo. Alam niya na hindi nito inaasahan ang lahat ngunit buo na ang kaniyang desisyon. Hindi niya ibabalik sa mansion ng mga Muller ang bata.Sa kaniya si Leon hanggang hindi pa dumarating si Luke. At kapag bumalik na ito at magkaharap silang dalawa ay wala na siyang pakialam dahil ang mahalaga sa kaniya ay ang kapakanan ng bata.“Anong ibig sabihin nito, senyorita? Bakit niyo dala si baby Leon?” nagtatakang tanong ng ginang.“Dito muna si Leon, nay,” sagot niya rito.“Ano? Naku naman anak, sigurado ka ba diyan? Malaking gulo ‘to kapag nalaman ng ama n iya,” puno ng pag-alala na bulalas nito.“Ako na ang bahala sa bagay na ‘yan, nay. Huwag po kayong mag-alala sa ama ni baby Leon at ako na ang bahala sa kaniya,” siya sa ginang at nilingon ang dalawang babae na kasama at senenyasan.Agad namang tumalima ang ito at lumapit sa kaniya habang dala-dala
CHAPTER 132BLYTE JULIANNA…“J-Julianna!”“Yes, it’s me! Akala mo ba ay patay na ako?”Naramdaman niya na natigilan ang lalaki sa kabilang linya. Nagulat siguro ito ng malaman na buhay siya at mas lalo pa nitong ikinagulat ng malaman na nasa kaniya ang anak nito. Wala naman siyang balak na masama, katunayan nga ay naiinis pa siya kay Luke dahil iniwan nitong mag-isa ang anak at walang gatas.Alam niya na kaya ni Luke na buhayin ang anak nito ngunit ang iwan itong mag-isa sa yaya ang hindi niya ikinasaya. At hindi niya alam kung bakit ganon na lang ang inis niya sa lalaki na kung tutuusin ay wala naman siyang pakialam sa buhay ito.Kinamumuhian niya nga ito pero ngayon ay nakuha niya pang pakiaalaman ito sa buhay nito. Sa isiping iyon ay mahina siyang natawa.Sino ang mag-aakala na mauuwi siya sa ganitong sitwasyon? All she wanted id to move on at hindi na iisipin pa ang lalaki pero heto siya at tangay-tangay pa ang anak nito.“Don’t touch Leon, Julianna. Wala siyang kasalanan. Kung ga
BLYTHE JULIANNA…“Who are you to do that?” pareho silang natigilan na tatlo ng biglang may nagsalita sa kanilang likuran.Napalingom siya sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ng harap-harapan ang babaeng kinaiinisan niya. Ang babae na siyang dahilan ng kaniyang selos noon. Ang babae na kausap ni Luke at kinikita behind her back kahit pa nasa bahay siya nito.Maarte itong lumapit sa kanila habang hindi inaalis ang tingin sa kaniya. Tumigil ito sa kaniyang harapan at masuri siyang pinakatitigan mula ulo hanggang paa. Hinayaan niya lang ito at walang ibang ginawa.“Who are you? At ano ang ginagawa mo sa pamamahay ng fiancé ko?” nakataas ang kilay na tanong nito sa kaniya at sinadya na ipagdiinan ang kataga na “fiancé”. Alam niya na wala na siyang karapatan pa na magselos ngunit hindi niya mapigilan ang maikuyom ang mga kamao dahil sa galit.“I’m asking you bitch! Who are you at ano ang ginagawa mo dito?” pag-uulit nito sa tanong.“Mawalang galang na ho, ma’am Inid, pero hindi po bitc
BLYTHE JULIANNA…“Sino kaya ang ina ng bata? Nasaan siya? Bakit pinabayaan nito ang anak kay Luke?” lihim na tanong niya sa sarili habang palabas ng sasakyan.“Senyorita, dito tayo,” aya sa kaniya ni Susan. Hindi na naman siya bago sa lugar na ito eh. Sa pagkakatanda niya ay dito siya nanirahan noong nagbakasyon silang dalawa ni Luke sa trabaho. Kaya naman kahit papaano ay kabisado niya ang bahay ni Luke.Tahimik siyang sumunod kay Susan papasok sa loob ng mansion ni Luke. Malakas ang loob niya dahil ayon sa babae ay wala dito ngayon ang may-ari. Nagpalinga-linga siya sa paligid at napansin na walang nagbago sa bahay ng lalaki. Ganon pa rin ang hitsura nito since the last time she’s here.“Susan! Mabuti naman at napadalaw ka. Pwede mo bang padedein ulit si baby? Wala pa kasi ang gatas na ipinadala ni sir,” natigil lang siya sa ginagawang pagsiyasat sa paligid ng marinig ang boses ng isang babae. Napaharap siya sa kinaroonan nito na naabutan niya na may kinukuha itong bata sa loob ng st
BLYTHE JULIANNA…“Susan, samahan mo ako sa rancho ng mga Muller!”“Po?”“I said, Samahan mo ako sa rancho ng mga Muller,” pag-uulit niya sa sinabi niya kanina.“Sigurado ho ba kayo, senyorita? Kasi sa pagkakaalam ko ay hindi sila nagpapasok ng bisita. Mahigpit daw ang may-ari sabi ni Lea, senyorita.”“I’m not a guest, Susan. Hindi ako bisita at huwag kang mag-alala at ako ang bahala.”“Sige po, sernyorita. Kung iyan ang gusto mo ay sasamahan kita bukas na bukas din sa rancho ng mga Muller. Kumain na muna kayo, senyorita,” si Susan sa kaniya at nagpaalam na iwan muna siya. Naiwan silang dalawa ni nanay Jossie na mataman na nakatingin sa kaniya.“Anak, tumawag pala ang nanay mo kanina. Tinatanong kung nandito ka ba daw?” pagbibigay alam ng ginang sa kaniya.“Sinabi mo ba na nandito ako, nanay Jossie?”“Paesensya ka na anak. Alam mo naman na hindi ko kayang magsinungaling sa kahit na sino lalo na sa pamilya mo,” nahihiya na paghingi nito ng paumnahin sa kaniya.“it’s okay, nanay Jossie. N
BLYTHE JULIANNA…Pagdating niya sa bahay ay agad siyang sinalubong ni nanay Jossie para ipaalam sa kaniya na handa na ang haponan ngunit nagpaalam muna siya rito na aakyat muna para maligo saglit.Mabilis lang naman ang kaniyang ginawang paliligo at agad ding bumaba. Dumeritso siya sa dining at naabutan si nanay Jossie na may kausap na isang babae.“Nanay Jossie?” tawag niya sa pangalan ng ginang. Natigil ang mga ito sa pag-uusap at nabaling sa kaniya ang atensyon ng mga ito. Nang humarap ang babae sa kaniya ay nagsalubong ang kaniyang kilay dahil pamilyar sa kaniya ang pigura ng babaeng kasama ni nanay Jossie.“Ay nandito ka na pala, senyorita. Halika at kumain ka na anak,” nakangiti na aya sa kaniya ng ginang.“Salamat nanay Jossie,” pasasalamat niya rito at naglakad palapit sa dining table.“Oo nga pala iha, ito pala si Susan, pamangkin ko, iha. Dito din siya nakatira at siya ang in-charge sa mga bulaklak ng mommyla mo lalo na ang mga mahal niyang orchids. Susan, si senyorita Ace, i
BLYTHE JULIANNA…Kahit ng makarating siya sa mansion ng kaniyang lolo Drake at lola Eliana ay hindi mawala-wala sa kaniyang isip ang babae na nakita na may tulak-tulak na stroller sa mismong bungad ng rancho ni Luke.“Senyorita, kapag may kailangan kayo ay nandito lang ako sa baba ha. Tawagin mo lang ako,” nagbalik lang siya sa kaniyang sarili ng magsalita ang bagong care taker ng kanilang rancho. Dati na rin nila itong taohan sa Pilipinas at ngayon ay dito na ito sa Arizona naka-assign para may mag-aalaga sa rancho ng kaniyang lolo Drake na maaasahan.Napag-alaman niya na kasama din nito ang asawa at mga anak na pawang may mga pamilya na rin. Buong pamilya nito ang nag migrate sa Arizona para may bantay ang rancho ng kaniyang abuela at abuelo.“Maraming salamat nanay Jossie. Huwag na po kayong mag-alala sa akin at ayos lang ako dito. Bababa na lang ako mamaya kapag nagutom ako,” pasasalamat niya sa ginang. Nginitian siya nito bago iniwan sa kaniyang silid. Inabesohan niya din ito na
BLYTHE JULIANNA…Umuwi siyang mag-isa sa syudad. Nagpasundo siya sa isang taohan ng kaniyang ama. Dumiretso siya sa bahay ng kaniyang mga magulang at naabutan ang kaniyang kapatid na si Uno na kausap ng kanilang mga magulang. Natigil ang mga ito sap ag-uusap ng makita siya.“Ace. Mabuti naman at nandito ka na. May mahalaga tayong pag-uusapan,” ang kaniyang kuya ang unang nagsalita. Mahina siyang natawa ngunit tunog pang-uuyam iyon na ikinasalubong ng mga kilay ng kanilang panganay.“Really kuya? Ako nga din ay may mahalagang sasabihin sa inyo eh. Ay, hindi pala mahalagang sasabihin kundi mahalagang sumbatan. Why? Why kuya, nay, tay? Bakit?” puno ng pait na tanong niya sa mga ito. Kalmado lang ang mga ito at hindi niya nakitaan ng gulat sa mga mukha na mas lalong ikinabugso ng kaniyang galit. Lahat ng mga mahal niya sa buhay ay niloko siya.“Alam mo na?” kalmado ang boses na tanong ng kaniyang kuya Uno.“Kita mo ‘to. Kailangan ko pa palang malaman sa iba na buhay si Muller na kung tutuu