BLYTHE JULIANNA (ACE)... Agad s'yang umalis ng bahay ng mga magulang ng mabasa ang mensahi sa kan'ya ni Pickles. Mabilis n'yang pinaharurot ang kan'yang sasakyan para puntahan ang kaibigan. Habang nasa daan ay hindi n'ya maiwasan ang umigting ang mga panga dahil sa galit. Walang pwedeng kumanti sa mga mahal n'ya sa buhay at kung mayroon mang mangahas na gumawa nito ay hindi n'ya bubuhayin. Dahil sa sobrang galit n'ya ay nakarating s'ya sa bahay ni Graciella ng hindi n'ya namalayan. Malayo pa lang s'ya ay nakita n'ya na ang mga sasakyan ng mga pulis na nasa labas. Ipinarada n'ya ang sasakyan sa likuran ng kotse ni Pickles at dali-daling lumabas. Lakad takbo ang kan'yang ginawa para makarating agad sa loob. "Pasensya na ma'am pero hindi kayo pwedeng pumasok," pigil sa kan'ya ng isang pulis na nasa labas. May mga yellow tape na nakaharang sa pintoan para iparating sa mga gustong pumasok na hindi pwede ang ibang tao sa loob. Kinuha n'ya ang kan'yang tsapa at pinakita sa pulis. At
BLYTHE JULIANNA (ACE)... "What's your plan, Gracie?" tanong n'ya sa kaibigan. Nasa safe house sila kasama ang mga magulang nito na inilayo muna nv kaibigan at itinago sa kanilang safe house. "I will find out who's behind? At sisiguraduhin ko na madudurog ang buto ng may gawa nito sa mga magulang ko," matigas na sagot ng kaibigan sa kan'ya. Mababanaag sa boses nito ang galit sa mga taong may gawa nito sa mga magulang. "Tita Grace is fine. Mabuti na lang at palaban din si tita. Mild stroke lang and still manageable," sabat naman ni Pickles na s'yang tumatayong doctor ng ina ni Pickles. "Kahit na! Hindi deserve ng mga magulang ko ang ma ambush at matakot ng ganito, Pickles," galit na sagot ni Gracie sa sinabi ni Pickles. "Alam namin, Gracie at hindi din kami papayag na hindi mabigyan ng hustisya ang nangyari sa mga magulang mo. Pinakilos ko na ang mga tao ko sa loob and soon ay may makukuha na tayong lead kung sino ang may gawa nito," mahabang sagot ni Pickles sa kaibigan. Naupo i
BLYTHE JULIANNA (ACE)..."What do you think you are doing, Muller?" inis na singhal n'ya rito na agad ding natigil dahil sa biglang paghapit sa kan'ya ng lalaki at idinikit sa katawan nito sabay siil ng isang halik sa labi na ikinawala ng kan'yang lakas.Nanlaki ang kan'yang mga mata dahil sa pagkagulat ngunit ng mahimasmasan sa nangyayari sa kanila ni Luke ay inilagay n'ya ang dalawang palad sa dibdib nito at itinulak ang lalaki. Hindi naman s'ya nahirapan na paghiwalayin ang kanilang mga labi. Malamlam ang mga mata ni Luke ng tapunan n'ya ito ng tingin at may nakita s'yang emosyon sa mga mata ng binata ngunit hindi n'ya mapangalanan kung ano."I'm sorry, sweety. Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko na halikan ka because I miss you so much," mahina na sabi nito sa kan'ya. Kumalabog ng malakas ang kan'yang dibdib ng marinig ang sinabi nito na na miss s'ya nito kaya s'ya hinalikan.Tumikhim s'ya ng ilang beses para alisin ang bara sa kan'yang lalamunan bago nagsalita."Why are you he
BLYTHE JULIANNA (ACE)... She was still in shock habang paulit-ulit na nagre-replay sa kan'yang isip ang mga sinabi ni Luke sa kan'ya kagabi. Ilang beses nitong sinabi sa kan'ya na gusto s'ya nito at ilang beses n'ya ding itinulak palayo ang lalaki. Hindi sa hindi n'ya ito gusto kundi naguguluhan s'ya sa mga nangyayari sa kan'ya. Pakiramdam n'ya ay masyadong mabilis at natatakot s'ya na baka may hindi magandang kapalit ang lahat dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. Kaya habang nasa katinuan pa s'ya ay iniwas n'ya ang sarili sa lalaki. Umalis din agad ito kagabi ng paulit-ulit n'ya itong itinaboy. Nang mawala si Luke ay nakaramdam din s'ya ng panghihinayang ngunit wala s'yang pinagsisihan sa kan'yang ginawa. Mas mabuti ng masiguro n'ya na totoo ang lalaki sa intensyon nito sa kan'ya. At naniniwala s'ya na kung seryoso ito ay gagawa at gagawa ito ng paraan para mapatunayan sa kan'ya ang lahat. "Ma'am Ace may nagpa-deliver ho ng mga bulaklak sa labas, papapasukin ko ba?" nagbalik lan
BLYTHE JULIANNA (ACE)... Buong araw s'yang nakatulala at walang nagawa na trabaho. Kahit ng dumating ang alas sais ng hapon ay nasa opisina pa rin s'ya nakatunganga. Tanging si Luke lamang ang may kakayahan na magparamdam sa kan'ya ng ganito. Wala sa sarili na napalingon s'ya sa maliit na frame sa gilid. Nagbuga s'ya ng hangin na inabot ang naturang frame at pinadaanan iyon ng kan'yang daliri. "I'm sorry my knight, hindi ko sinasadya na makaramdam ng ganito sa ibang lalaki," pagkausap n'ya sa litrato na naroon. Nagi-guilty s'ya dahil pakiramdam n'ya ay niloloko n'ya ang nasa litrato. Ngunit hindi n'ya rin mapigilan ang kan'yang sarili lalo na ang kan'yang puso sa tuwing makaharap si Luke o kahit marinig lamang ang boses nito. "Fvck! Bakit pa kita nakilala, Muller?" problemado na tanong n'ya sa sarili at inihilamos ang palad sa mukha. Nang walang makuhang sagot ay nagpasya s'yang tumayo para lisanin ang opisina. Wala din naman s'yang magagawa na trabaho sa loob kundi ang tum
BLYTHE JULIANNA... "Fvck! My head!" nakangiwi na reklamo n'ya ng sumigid ang sakit sa kan'yang ulo. Umiikot din ang kan'yang tingin kaya nanatili muna s'yang nakapikit. "You were drunk last night," nagulat s'ya ng marinig ang isang boses na nagsalita. Pinakiramdaman n'ya ang kan'yang sarili dahil baka kung ang sariling utak n'ya na naman ang kan'yang kalaban ngunit may naaamoy s'ya na pamilyar na amoy sa paligid kaya nasiguro n'ya na hindi sarili n'ya ang kan'yang kalaban. "Who are you? Konsensya, ikaw ba yan?" mahinang tanong n'ya ngunit agad ding napangiwi ng maramdaman na may pumitik sa kan'yang noo. "Silly! Get up and take a shower. Nagluto ako ng sopas para mawala ang hang-over mo," sagot ng boses na ikinabalikwas n'ya ng bangon. "L-Luke," nauutal na sambit n'ya sa pangalan ng lalaki ng makita ito sa loob ng silid. Nakita n'yang umigting ang panga ng lalaki at biglang dumilim ang mukha ngunit hindi naman nakakatakot kaya nagtataka s'ya kung bakit parang galit ito. "Fvck!" ma
BLYTHE JULIANNA (ACE)... "Let's eat dahil alam ko na nagugutom ka na," maya-maya ay aya sa kan'ya ni Luke na parang wala lang. Hinawakan s'ya nito sa kamay at hinila patungo sa dining. Wala na s'yang nagawa kundi ang magpaubaya at magpahila sa lalaki. Pumasok sila sa isang pinto at nagulat s'ya ng bumungad sa kan'ya ang napakaganda at eleganteng dining room. "Kaninong bahay to?" hindi napigilan na tanong n'ya sa lalaki ng alalayan s'ya nito na makaupo. Napapansin n'ya na napaka gentleman ni Luke sa kan'ya maliban na lang noong unang kita nilang dalawa. "Sa kaibigan ko. Pinahiram n'ya sa akin," sagot ng lalaki na ikinataas ng kan'yang kilay. "Pinahiram? Ang bait naman ng kaibigan mo, Muller. Buong bahay ang pinahiram sayo and this is not just a house, this is a fvcking mansion. Wala bang ibang tao dito?" "Nope! Tayong dalawa lang ang nandito kaya magagawa natin ang kahit na anong gusto natin. Hmmmmm," pilyong sagot ni Luke sa kan'ya na ikinalunok n'ya ng laway ng palihim. "Pagka
BLYTHE JULIANNA (ACE)...Nakahinga s'ya ng maluwag ng sa wakas ay natapos nila ang pagkain. Dahil sa sobrang hiya kay Luke ay huli n'ya na napansin na masarap lahat ang niluto ng lalaki para sa kan'ya.Unti-unti s'yang humanga sa katangian na mayroon si Luke. Hindi lamang ito magaling na mekaniko kundi magaling at masarap ding magluto. Bonus na lang talaga ang kagwapohan nito at ang ganda ng katawan.Kaya kahit sinong babae ay hindi malabong mahulog agad kay Luke dahil full package na kumbaga ang binata."Ako na ang maglilinis dito. Doon mo na lang ako hintayin sa sala," taboy nito sa kan'ya at isa-isang niligpit ang mga plato at kubyertos na ginamit nila.Hindi n'ya sinunod si Luke bagkus ay tumayo s'ya at tinulongan itong maglipit.Hindi naman s'ya pinigilan ni Luke kahit ng dalhin n'ya sa lababo ang mga plato at sinimulan ng hugasan.Ngunit maya-maya pa ay sumunod sa kan'ya si Luke at tumayo sa kan'yang tabi. Hindi din ito nagpatalo at kumuha din ng sponge at tinulongan s'ya sa pag
BLYTHE JULIANNA…Pangatlong linggo niya na sa bahay ni Luke at wala naman siyang naging problema. Malaki din ang ipinagbago ni Leon sa loob ng tatlong linggo na siya ang nag-aalaga dito. Nagkaroon na ng laman ang pisngi ng kaniyang anak at madalas na rin itong ngumingiti. Ayon sa mga kasama ni Luke sa bahay ay ibang-iba na si Leon ngayon kaysa noong hindi pa siya kasama nito.Tunay nga ang kasabihan na iba talaga kapag ang ina ang kasama ng anak. Naisip niya na sana kung noon pa sila magkasama ni Leon ay baka hindi na aabot sa ganito ang sitwasyon ng kaniyang anak.Sa loob ng tatlong linggo ay wala siyang narinig mula kay Luke. Hindi ito nagparamdam sa kaniya at kahit tawag ay wala siyang natanggap mula sa lalaki. May kaunting pag-alala siya na nararamdaman ngunit ng maalala kung paano ito naka survive kay kamatayan noon ay nawawala ang pag-alala niya rito.Kilala niya si Luke at alam niya na hindi ito ordinaryong tao lamang. Matalino ito at higit sa lahat ay kayang-kaya nitong magpa
BLYTHE JULIANNA…Napalunok siya ng laway dahil pakiramdam niya ay nanunuyo ang kaniyang lalamunan. Inipon niya ang natirang lakas at habang may katinuan pa siya at itinulak si Luke. At dahil hindi iyon inaasahan ng binate ay wala na itong nagawa ng itulak niya ito palayo.“May misyon ako noong nakaraang araw. Iyon ang araw na dinala niyo si Leon sa hospital. At dahil tumawag si Lea at alam ko na tungkol kay Leon ang itinawag nito ay hindi na ako nag-isip pa na mapahamak. Sinagot ko ang tawag at tamang-tama naman na may kalaban kaya natamaan ako sa tiyan,” mahabang salaysay ng lalaki sa kaniya.Nakaramdam siya ng pang-uusig ng konsensya ng marinig ang sinabi nito. Siya ang nag-utos kay Lea na tawagan ito kaya siya ang dahilan kung bakit ito nabaril.“Misyon? Hindi ba at head ka na? Bakit nasa misyon ka pa?” nakataas ang kilay na tanong niya rito para pagtakpan ang guilt na nararamdaman. Nagbuga ito ng hangin at napatingin sa kawalan.“Ganon talaga ang buhay, Ace. Hindi porke’t mataas n
BLYTHE JULIANNA…“Damn! That’s enough, Julianna!” parang nahihirapan ang boses na utos sa kaniya ni Luke. Dali-dali niyang tinapos habang nanginginig ang mga kamay na tinakpan ng malinis at bagong gasa ang sugat ng lalaki.Hindi niya kasi naiwasan na masanggi ng kaniyang kamay ang bukol sa gitna ng mga hita ni Luke na agad na ikinamura ng huli. Dahil na rin siguro sa halo-halong nararamdaman ay hindi niya na namalayan kung saan sumanggi ang kaniyang kamay at nataon pa talaga na sa bukol ng lalaki.“I’m sorry!” nahihiya na paghingi niya ng paumanhin dito. Hindi ito sumagot ngunit nakita niya ang paglambot ng mukha ng lalaki ng tumingin sa kaniya. Pagkatapos malinis ang sugat ni Luke ay pumasok siya sa banyo at nag-lock ng pinto. Isinandig niya ang kaniyang likod sa malamig na tiles at napatingala sa kisame.“Fvck! Ano bai tong ginagawa ko? Hindi dapat ako nagpapakita ng karupokan ko sa lalaking ito dahil walang kasingsama ng ugali nito,” lihim na kastigo niya sa kaniyang sarili habang n
BLYTE JULIANNA…“Demonyo ka! Walang puso!” nangangalaiti sa galit na mura niya sa binata.“Yes, I am Ace!”Nanggigil siya sa sagot ng lalaki sa kaniya at mas lalo pang nag-init ang kaniyang ulo na hindi niya napigilan ang kaniyang sarili na tawirin ang pagitan nilang dalawa at walang pag-alinlangan na sinuntok sa tiyan si Luke.“Fvck!” malutong na mura nito ng maramdaman ang sakit mula sa kaniyang kamao.“You deserve it asshole!” gigil na sabi niya sa lalaki na hawak-hawak pa rin ang tiyan na nasaktan. Tinalikuran niya din ito pagkatapos at bumalik sa kama ng kanilang anak. Hindi niya na nakita pa ang matalim na tingin sa kaniya ni Luke at kahit siguro makita niya ito ay wala pa rin naman siyang pakialam.“Damn it!” narinig niyang muli ang pagmumura nito kaya nilingon niya na ang lalaki at ganon na lang ang panlalaki ng kaniyang mga mata ng makita na may dugo sa damit nito sa bandang tinamaan ng kaniyang kamao.Hindi na siya nag-isip pa ng kung ano-ano. Tinawid niyang muli ang pagitan
BLYTHE JULIANNA…Pagkatapos ng sagutan nilang dalawa ni Luke ay inihatid siya nito sa rancho ng kaniyang abuelo. Wala na siyang lakas para makipag-away dito kaya nagpatianod na lamang siya ng ihatid siya ng lalaki.Nanghihina siya sa kondisyon nito para makuha ang anak ngunit hindi siya susuko ng ganon-ganon na lang. Para kay Leon ay gagawin niya ang lahat para makasama ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na may anak na siya. Kung paano nangyari iyon ay kailangan niyang alamin, kaya naman pagdating niya sa bahay ay agad niyang tinawagan ang kaniyang ina para alamin ang lahat.“Ace, anak?” bungad ng ina sa kaniya. Nagpakawala muna siya ng isang malalim na hininga bago nagsimulang magsalita.“Nay!”“Yes anak, it’s me. Kamusta ka na diyan? Bakit ka napatawag, anak?”“Paano ako nagkaroon ng anak nay? Ano ang mga nangyari ng wala akong malay sa hospital? Bakit hindi niyo sinabi sa akin ang totoo? Bakit walang may nagsabi sa akin na nagka-anak na pala ako? Bakit niyo inili
BLYTHE JULIANNA…“Because Leon is yours, Julianna. Leon is our son!”Pakiramdam niya ay binuhusan siya ng isang drum ng malamig na tubig sa kaniyang narinig. Ilang segundo siyang hindi nakahuma at natulos lamang sa kaniyang kinauupoan.Pati yata ang kaniyang utak ay namanhid ng mga oras na iyon. Alam niya sa kaniyang sarili na may kakaibang nararamdaman na siya kay Leon ngunit ang kumpirmahin ni Luke mismo ang kaniyang hinala ay kakaiba ang dating sa kaniya.Mas masahol pa ito sa tunog ng bomb ana sumabog. Nararamdaman niya ang panunuyo ng kaniyang lalamunan at kahit anong lunok niya ng laway ay wala siyang malunok ng mga oras na iyon.“Julianna? Are you okay? I’m sorry kung sa ganitong pagkakataon ko sinabi sayo ang lahat,” narinig niyang sabi ni Luke sa kaniya. Doon niya lang din napansin na tumigil pala ang sasakyan na sinasakyan nila at ng ilibot niya ang kaniyang tingin sa paligid ay napagtanto niya na nasa masukal na bahagi sila ng daan.“Baby?” tawag ulit sa kaniya ni Luke. At d
BLYTHE JULIANNA…“Sweetheart? Are you inside? Naririnig ko ang boses mo diyan sa loob. Who are you talking, Luke?” pareho silang natigilan ng lalaki ng marinig ang boses ng babae nito na nasa labas ng silid na kinaroroonan nila.“Damn it!” malutong na mura ni Luke at naihilamos ang palad sa mukha. Pinagkrus niya ang mga braso sa kaniyang dibdib at taas ang kilay na tinapunan ng tingin si Luke.“Mukhang problemado ka sa fiancée mo Muller!” puno ng pang-uuyam na sabi niya sa lalaki.“You don’t know what you are talking, Julianna!” matigas na sagot ng lalaki sa kaniya.“Really? Well…, hindi iyan ang nakikita ko sayo Muller,” dagdag niya pa ngunit agad ding natigilan ng inilang hakbang lamang ni Luke ang pagitan nilang dalawa. Nakorner siya ng lalaki at hindi agad nakahuma ng ikulong siya ni Luke gamit ang dalawang braso nito. Halos magdikit na din ang kanilang mga mukha ni Luke dahil sa sobrang lapit nito.Naaamoy niya din ang mabangong hininga ng lalaki na kung hindi niya napigilan ang k
BLYTHE JULIANNA…“No! she didn’t kidnap my son, Inid. Nagpaalam siya sa akin ng kunin niya si Leon sa bahay, nagulat siya at napaawang ang kaniyang lab isa sinabi ni Luke. Ipinagtanggol siya nito mula sa babae at aaminin niya na hindi niya inaasahan ang bagay na iyon na gagawin ng lalaki sa kaniya.Nagsalubong ang kilay ng babae ng marinig ang sinabi ni Luke. Kita sa mukha nito na hindi ito makapaniwala sa narinig mula sa lalaki. Lihim na tumaas ang kaniyang kilay dahil hindi niya alam kung ano ang trio ni Luke sa buhay ng sabihin iyon sa babae.“What? Ipinaglatiwala mo sa kaniya ang anak natin? Bakit, Luke? Sino ba siya? Huh?” bulalas ng babae sa lalaki. Lihim siyang nagulat ng marinig ang sinabi nito na anak nito si Leon. Parang may kung anon a bumara sa kaniyang lalamunan ng mga oras na iyon. Pakiramdam niya ay parang may matalim na bagay na tumarak sa kaniyang puso sa narinig.No! Ayaw niyang tanggapin na ang babae ang in ani Leon. Hindi niya matanggap! Lihim niyang naikuyom ang k
BLYTHE JULIANNA…Napag-alaman niya na may karamdaman si Leon at iyon ay ang mahina ang puso nito. May mga pagkakataon daw talaga na dumarating sa bata na bigla na lamang ito nangingisay at nagkulay-ube ang labi.Ayon din sa tumingin dito na doctor ay kailangan ng heart transplant ni Leon ngunit dahil sae dad nito ay ayaw pa ng ama dahil isang malaking risk para sa bata. Masyado pang mahina ang katawan ni Leon para sa transplant at baka hindi kakayanin ng katawan ng bata.Inilipat ito sa isang pribadong silid at siya mismo ang nagbabantay kay Leon. Naaawa siya sa sinapit at mga pinagdadadaan nito. Masyado pa itong bata para makaranas ng ganitong sakit.Umalis muna si Lea at Susan para umuwi. Inutosa niya ang dalawa na kumuha ng mga gamitb nila para may magamit siya habang nagbabantay kay Leon. Naupo siya sa tabi ng kama nito at buong ingat na ginanap ang maliit na kamay ng bata.“You are very strong, honey. Alam ko na lumalaban ka sa buhay and because of that ay napahanga mo ako. Hmmmm