Gisingin ang Puso

Gisingin ang Puso

last updateHuling Na-update : 2023-04-24
By:   Clara Alonzo  Ongoing
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
1 Rating. 1 Rebyu
17Mga Kabanata
1.7Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Synopsis

Langit at lupa. Isang heredera si Camilla Montoya na umibig sa anak ng katiwala na si Santiago Santos. Ang pag-ibig nila'y puro at wagas. Minahal niya ang binata higit sa inaasahan at handa siyang iharap nito sa dambana. Perpekto ang lahat para sa dalaga kung hindi lamang nakialam ang tadhana. At lahat ng pangarap niya'y nasira para sa kanilang dalawa. Lumipas ang ilang taon at nagkrus muli ang landas nilang dalawa. Hindi akalain ni Camilla na mababaligtad ang sitwasyon nilang dalawa. Kilala pa siya ni Santiago ngunit wala ng pag-ibig sa mga mata nito. Ang nakasalamin sa mga iyon ay galit, pighati at kalungkutan. Batid niyang wala na siyang puwang sa buhay ni Santiago. Masakit isiping hindi na siya nito mahal. Paano niya sasabihin na wala siyang ibang lalaking minahal kung hindi ito lamang? Paano niya gigisingin ang pusong siya mismo ang nagwasak?

view more

Pinakabagong kabanata

Libreng Preview

Ang Kahapon

"TARANTADA!" Malakas na hagupit ng latigo ni Don Vincenzo Montoya ang nakapagpatigil sa lahat. Nasira ang damit ng anak na si Camilla at gumuhit ang mahabang linya sa likod nito. Hindi pa nasiyahan ang Don, ilang beses pang lumapat ang galit nito sa balat ng dalaga. "Hindi mo na kami binigyan ng Mama mo ng kahihiyan?""Pumatol ka sa isang inutil?"Marahas na lumingon si Camilla sa ama. "Hindi siya inutil, Papa. At may pangalan siya ---"Muli ay lumapat sa kanyang likod ang latigo ng ama. Napaigtad siya sa sakit. Ramdam niya ang sariwang dugo na dumadaloy sa kanyang likod. Ngunit pilit niya iyong ininda. Binalot niya ng dalawang braso ang sariling tiyan, pinoprotektahan ang buhay na naroroon.Nang hapong iyon ay hindi na siya nakalabas pa ng Villa Montoya. Nalaman ng kanyang ama ang lihim na ugnayan niya kay Santiago. Lubos ang galit nito sa kanya at binigyan ng agarang leksyon.Ang bawat latay ng latigo ay tunay na magmamarka sa kanyang balat. Dama ni Camilla ang poot ng ama sa kanyan...

Magandang libro sa parehong oras

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Mga Comments

user avatar
Clara Alonzo
Hope na magustuhan niyo po ang story nina Camilla at Santiago. You can leave comments behind. Thank you...
2023-03-30 19:46:08
4
17 Kabanata
Ang Kahapon
"TARANTADA!" Malakas na hagupit ng latigo ni Don Vincenzo Montoya ang nakapagpatigil sa lahat. Nasira ang damit ng anak na si Camilla at gumuhit ang mahabang linya sa likod nito. Hindi pa nasiyahan ang Don, ilang beses pang lumapat ang galit nito sa balat ng dalaga. "Hindi mo na kami binigyan ng Mama mo ng kahihiyan?""Pumatol ka sa isang inutil?"Marahas na lumingon si Camilla sa ama. "Hindi siya inutil, Papa. At may pangalan siya ---"Muli ay lumapat sa kanyang likod ang latigo ng ama. Napaigtad siya sa sakit. Ramdam niya ang sariwang dugo na dumadaloy sa kanyang likod. Ngunit pilit niya iyong ininda. Binalot niya ng dalawang braso ang sariling tiyan, pinoprotektahan ang buhay na naroroon.Nang hapong iyon ay hindi na siya nakalabas pa ng Villa Montoya. Nalaman ng kanyang ama ang lihim na ugnayan niya kay Santiago. Lubos ang galit nito sa kanya at binigyan ng agarang leksyon.Ang bawat latay ng latigo ay tunay na magmamarka sa kanyang balat. Dama ni Camilla ang poot ng ama sa kanyan
last updateHuling Na-update : 2023-03-13
Magbasa pa
Capitulo Uno
IKA-24 ng Abril, 2004Gabi na nang makauwi si Camilla mula sa pinapasukang part-time job. Pagod na pagod na pumasok siya inuupahang apartment at naupo sa sala. Nakapikit na ang kanyang mga mata nang marinig niya ang pagbukas ng pinto ng silid."Hindi kailangang ganito, Camilla," si Ross na lumapit sa kinaroroonan niya at naupo sa kanyang tabi. "Kung pumayag ka na pakasalan mo ako noon---""Kung pumayag ako noon, pareho sana tayong miserable ngayon," aniya at muling ipinikit ang mga mata. "Don't take it against me, Ross...""Alam nating dalawa na hindi tayo para sa isa't isa. And don't talk about convenience dahil hindi ko iyon kailangan.""What can I say," tumayo ito at kinuha ang gamit sa tabi. "If there's any woman I wanted to marry, that would be you, Camilla. Alam mo 'yan.""Still a no, Ross," aniya at niyakap ang kaibigan. "But I hope you'll get your happiness soon."Si Ross ang lalaking ipinagkasundo ng ama sa kanya taon na ang nakakaraan. He was a perfect gentleman. A simply do
last updateHuling Na-update : 2023-03-14
Magbasa pa
Capitulo Dos
Siguro panaginip lang ang lahat. Kay tagal na nang huling maranansan ni Camilla ang ganitong klaseng pakiramdam. Para siyang idinuduyan sa alapaap. She had longed for this kind of feeling. At kung pwede lang na hindi na magising pa ay ginawa na niya. Sa kanyang panaginip ay nakasakay siya sa kabayong si Estrella. Nakatanaw sila sa malawak na lupain ng mga Montoya sa mataas na burol sa di-kalayuan. Papasikat pa lang ang haring araw ng mga sandaling iyon, unti-unting binibigyang liwanag ang lupaing puno ng iba't ibang pananim at punong kahoy.Napakapayapa ng lahat. Ngunit nagbago ang ihip ng hangin ng sa pagbalik niya sa Villa ay matagpuan niya ang lalaking magpapabago ng kanyang mundo.Ang nag-iisang lalaking nagturo sa kanya kung ano ang ibig sabihin nang magmahal ng tunay at wagas.Ang unang pagkikita nila ni Santiago Santos.Nagmulat ng mga mata si Camilla at ang puting kisame ang una niyang nakita. Pamilyar iyon sa kanya. At nang igala niya ang paningin ay natagpuan niya ang sar
last updateHuling Na-update : 2023-03-15
Magbasa pa
Capitulo tres
MAGKASALO silang mag-ina sa komedor ng umagang iyon. Parehong silang tahimik habang kumakain ng umagahan. Kapansin-pansin ang lumbay sa kanilang mga mukha. Marahil iyon ay wala na ang taong laging naka-upo sa dulo ng lamesa.Dumating si Ross pagkaraan at binati si Donya Emilia. "Good Mornningg, Tita,," Hinalikan ng lalaki ang ginang sa pissngi, maging ang kaibigan na si Camilla. "Good Morning, Camilla.""Kumain ka na, hijo," inutusan ng kanyang ina ang mga katulong na pagsilbihan si Ross. "Maiwan ko na muna kayo'ng dalawa." ani Donya Emilia na pinunasan ang tabi ngg labi gamit ang table napkin. At iniwan sila nito pagkaraan at umakyat sa sarilingg silid.Gustuhin man ni Camilla na sundan ang ina ay hindi niya ginawa. Sa huli ay inubos lang niya ang laman ng kanyang plato at nagdesisyon na pumunta sa kwadra. Iniwan niya Ross sa komedor kahit pa matindi ang pagtutol nito.Puno ng mga alaaala ang bawat sulok ng villa. At sa sandaling iyon ay gusto niyang umalis ng panandalian. Naalala ni
last updateHuling Na-update : 2023-03-16
Magbasa pa
Capitulo cuatro
"THAT'S unacceptable!" Bulalas ni Camilla sa harap ng tatlo. Humarap siya kay Atty. Gomez at pinagdiinan ang punto. "This is a family matter, Attorney." "And this man was never part of it!" turo niya sa kinaroroonan ni Santiago na hindi itinago ang aliw sa mga mata. He's obviously loving the drama!"Calm down, hija," Si Atty. Gomez na ini-adjust ang suot na reading glasses sa mga mata. "As far as the documents were concerned, hindi lang sa iyo at sa asawang si Donya Emilia niya iniwan ang mga ari-arian.""Lahat ng nanilbihan sa pamilya Montoya, iyong mga matatagal na sa serbisyo, ay binigyan ng parte ni Don Vincenzo.""I have nothing against that, Attorney," aniya at huminga ng malalim. "Ibigay natin ang para sa mga magsasaka at trabahador ng hacienda...""What I cannot accept was his presence here," muli ay binalingan niya sa Santiago. He probably knew something that she won't. "Hindi ba't nagkagalit kayo ng Papa noon?""That's the understatement of the year," umiling sa kanya s
last updateHuling Na-update : 2023-03-16
Magbasa pa
Capitulo cinco
"HI," bati ni Camilla nang sinalubong nang yakap ang mga anak. Napalitan ng kalituhan ang tuwa sa kanyang mukha nang mapansin ang itsura nina Atasha at Andres na papalapit sa kanya. "Ano'ng nangyari?" Tanong agad niya sa magkapatid.Agad na yumakap sa kanya si Atasha. Umiiyak ito nang isubsub ang mukha sa kanyang mga balikat. Si Andres ang sumagot sa kanya.Pinunasan muna nito ang dumi sa mukha bago nagsalita. "Kasi Mommy...""Inaaway kami ng ibang bata kasi wala daw kaming Daddy," sumbong nito at umiyak na din. Niyakap din ni Camilla ang panganay sa dalawa. Parang nakikinita na niya sa kanyang isipan kung ano ang nangyari nang wala pa siya. "Eh may Daddy naman kami, 'di ba po?""Hush now," konsola niya sa kambal. Iginala niya ang mga mata sa loob ng Day Care Center at nakita niya ang ibang mga magulang ng mga kaklase ng dalawang anak. Lahat ay may mapanghusgang tingin sa kanila. "Umuwi na tayo."Inakay niya sina Atasha at Andres palabas ng school. Walking distance lang naman ang layo
last updateHuling Na-update : 2023-03-19
Magbasa pa
Capitulo Seis
MAGANDA ang dating ng panahon ng tag-ani sa hacienda. Hitik na hitik sa bunga ang mangga, saging, niyog at kopra. Tiyak na masaganang ani na naman ito, isang malaking biyaha mula sa itaas. At sa tuwina'y hindi pa sumisikat ang haring araw ay nagtatrabaho na ang mga tauhan ng hacienda. At kabilang doon si Santiago. Kung paano nababalanse ng binata ang pamamalakad ng sariling negosyo sa Maynila at pamamalakad dito sa hacienda ay palaisipan sa mga taga-roon. Pero hindi maikakailang malaking tulong si Santiago sa pagbangon muli ng hacienda. Sadyang napakasipag ng lalaki. Sanay ito sa pagbabanat ng buto dahil sa hacienda na ito nagkaroon ng isip. Lagi itong katu-katulong ni Ka Pedro noong araw. Ang matanda ang umaakyat sa puno habang ito ang pumapasan ng sako-sakong ani. Tulad na lang ngayon. Mataas na ang sikat ng araw ay kayod kalabaw pa rin ang binata. Pasan nito ang isang sakong puno ng saging at saka ibinaba malapit sa maliit na kubo. Ang maliit na kubo ay nasa ilalim ng malaking
last updateHuling Na-update : 2023-03-22
Magbasa pa
Capitulo Siete
DUMATING ang hapunan at kumain na silang mag-ina sa hapag-kainan. Lahat ng paborito niyang putahe ay nakahain sa lamesa. Lahat iyon ay tiyak ni Camilla na masarap pero tila nawalan siyang ng gana."May problema ba, Camilla," tanong ng kanyang ina. "Halos hindi mo nagalaw ang pagkain mo...""May iba ka bang gusto? Sabihin mo at ipapaluto ko kay Manang Letty.""Bakit ginawa ng Papa iyon," nasambit niya. "Wala ba siyang tiwala sa akin?"Huminga ng malalim si Donya Emilia bago pinunasan ang gilid ng labi ng table napkin. "Camilla, listen to me...""Hindi sa walang tiwala ang Papa mo sa'yo. Pero higit nating kailangan ang tulong ni Santiago---""Bakit ba lahat na lang ay tungkol sa kanya?" Naibulalas ni Camilla. "Ano ba ang mayroon siya na hindi ko kayang gawin?""I hate to say this but Santiago was the reason we're still here today," pagtatapat ng kanyang ina. Ginagap nito ang kanyang kamay at marahang pinisil. "Alam kong hindi mo ito gusto. Walang sinoman ang may gusto. Believe me at hin
last updateHuling Na-update : 2023-03-25
Magbasa pa
Capitulo Ocho
MAAGA nagising si Camilla kinabukasan. HIndi naman kaiba ang araw na iyon sa mga dati niyang gawi. She’s a morning personnever since her twins came. At palaging sinsimulan niya ang araw sa pag-inom ng mainit na kape. Lumabas siya ng kwarto at agad na tinungo ang daan sa kusina. Naabutan niya si Manang Letty na nag-iinit ng tubig sa takure. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng matanda sa kanya. “Kape, hija?” Alok nito sa kanya. “Opo, Manang,” naghikab siya bago umupo sa isa sa mga kitchen stools. Lalo niyang ibinalot sa sarili ang roba nang maramdaman ang lamig ng madaling araw. “Narinig ko na ngayon ang simula mo sa hacienda,” anito at ibinigay sa kanya ang isang umuusok na tasa ng mainit na kape. Kapeng Barako iyon. Amoy pa lang ni Camilla ay sigurado na siya. “Tiyak na matutuwa ang mga tao doon kapag nakita ka.” “Sapalagay ko ay hindi,” aniya at humigop ng kape. Ninamnam niya ang kapeng kay tagal ng hindi natitikman. Wala pa ring kaparis ang lasa niyon. “Matagal akong nawala,
last updateHuling Na-update : 2023-03-30
Magbasa pa
Capitulo Nueve
HE’S impossible. Kahit sino’ng makakarinig ay sasabihing napaka-domineering ng lalaki. Na lahat nang sasabihin nito’y kailangang masunod o sundin. But on the other hand, napagtanto ni Camilla na tama ang huli. Her choice of clothing wasn’t suitable at all in the land. She could even put herself in danger being under the harsh rays of the sun. Tinungo niya ang sinasabi nitong cabinet. Puro damit pambabae ang mga naandoon, long sleeves at halos kupas na pantalon. Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa dibdib. Kanino kaya ang mga damit na iyon? Sa babae ba nito? Sa girlfriend? Or sa asawa? Isang katok ang nagpanumbalik sa kanyang kamalayan. Nakahawak siya sa pinto ng cabinet nang pumasok ang tiyahin ni Santiago. May dala itong mainit na tasa ng tsokolate. At nang makita ang kanyang tinitingnan ay naunawaan ang tanong sa kanyang mga mata. “Damit ‘yan lahat ng anak kong babae, Si Sarah,” anito at inilapag sa lamesang malapit sa kama ang tray na dala. Lumapit ito sa kanya at kusang pumili
last updateHuling Na-update : 2023-03-30
Magbasa pa
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status