"HI," bati ni Camilla nang sinalubong nang yakap ang mga anak. Napalitan ng kalituhan ang tuwa sa kanyang mukha nang mapansin ang itsura nina Atasha at Andres na papalapit sa kanya. "Ano'ng nangyari?" Tanong agad niya sa magkapatid.
Agad na yumakap sa kanya si Atasha. Umiiyak ito nang isubsub ang mukha sa kanyang mga balikat. Si Andres ang sumagot sa kanya.Pinunasan muna nito ang dumi sa mukha bago nagsalita. "Kasi Mommy...""Inaaway kami ng ibang bata kasi wala daw kaming Daddy," sumbong nito at umiyak na din. Niyakap din ni Camilla ang panganay sa dalawa. Parang nakikinita na niya sa kanyang isipan kung ano ang nangyari nang wala pa siya. "Eh may Daddy naman kami, 'di ba po?""Hush now," konsola niya sa kambal. Iginala niya ang mga mata sa loob ng Day Care Center at nakita niya ang ibang mga magulang ng mga kaklase ng dalawang anak. Lahat ay may mapanghusgang tingin sa kanila. "Umuwi na tayo."Inakay niya sina Atasha at Andres palabas ng school. Walking distance lang naman ang layo nito mula sa apartment na kanilang tinutuluyan. Maaga siyang lumabas sa trabaho para masundo ang dalawa. Nagsabi si Ross na may prior commitment ito at hindi masusundo ang mga bata.Balak niyang pumasok kahit late na sa part-time job. Ngunit sa sitwasyon ng dalawang bata ay mukhang liliban muli siya sa trabaho.Hindi miminsang pinatawag siya ng teacher nina Andres at Atasha sa Day Care para kausapin. Ito ay dahil sa sunod-sunod na cases nang panununtok ng anak na si Andres sa kapwa nito kaklase. Ang dalawang anak ay nakakaranas ng bullying. At dahil hindi lumalaban si Atasha at umiiyak na lamang ay si Andres ang lumalaban para sa sarili at sa kakambal.Hindi komporme si Camilla sa nararanasan ng mga anak. Sino bang magulang ang gustong makitang umiiyak at nasasaktan ang mga anak dahil sa pangmamata ng iba? Wala. Kaya inihabilin niya kay Andres bilang nakatatanda sa dalawa na poprotektahan si Atasha ano man ang mangyari. At hindi naman siya nabigo.Lihim siyang nasasaktan para sa mga ito. Sino bang may hindi gusto na buo at kumpleto ang pamilya? Ngunit hindi niya pa kayang ibigay ang bagay na iyon sa kambal. At hindi niya alam kung kaya pa niyang ibigay iyon sa mga anak.May isang linggo na halos ang nakakaraan nang makauwi siya sa Maynila buhat nang mailibing ang kanyang ama. Madalas silang nagkakausap ng inang si Donya Emilia. Giit nitong dalhin na ang mga bata sa villa para makapagbakasyon. Ang mga ito ay lehitimong tagapagmana ng mga Montoya. Nararapat lamang na malaman ng mga bata kung saan nagmula ang lahat.Sa isiping iyon ay natakot si Camilla. Sa palagay niya ay may alam ang kanyang ina. Hindi pa siya handang komprontahin ang nakaraan. At natatakot siyang kapag nalaman ng taong iyon ang kanyang sikreto ay magbago ang buhay nilang laahat.Hindi lamang siya pati na ang buhay ng mga bata.Nakarating sila sa apartment at agad na nagbihis ang dalawang bata. Ipinakita agad ni Atasha ang mga star stamp nito sa kamay. Si Andres nama'y muling pumasok sa kwarto at bumalik sa kandungan niya na may dalang larawan.Nawala ang ngiti sa kanyang mga labi at nanigas ang buo niyang katawan.Larawan niya iyon kasama ng una't at huling lalaki na minahal."Ito po ang Papa namin, 'di ba, Mama?" inosente nitong tanong. "Ipapakita ko ito sa kanila---""Hindi ka dapat nakikialam ng mga gamit ko, Andres," kinuha ni Camilla sa bata ang larawan at pinunit iyon sa gitna. Huli na nang mapagtanto niya ang nagawa.Umiyak si Andres at tumakbo pabalik ng kwarto. Nag-lock ito ng pinto. At naiwan siya kasama ang kakambal nitong si Atasha.Umiiyak din, niyakap siya ng isa pang anak. "Huwag ka na pong umiyak, Mama..."Niyakap ni Camilla nang mahigpit ang anak at malayang lumuha. Alam niyang lumalaki ang mga bata at nagkakaroon na ng sariling isip. Matalino si Atasha at Andres. Madali ng mga itong mapagtatagpi-tagpi ang mga bagay-bagay.Pero hindi pa sa ngayon. Hindi niya pa kayang sagutin ang mga tanong ng mga ito. Hindi pa sa ngayon.Binuhat niya si Atasha at kinuha ang spare key ng kwarto. Nang mabuksan ni Camilla ang pinto ay bumungad sa kanya ang itsura ni Andres. Nasa sulok ito ng silid at nakayupyop habang umiiyak. Tila pinipiga ang kanyang puso ng makita ang sitwasyon ng anak. Kaya dali-dali niyang tinawid ang distansiya nilang mag-ina at niyakap ang anak na lalaki.Lalong umiyak si Andres sa kanyang mga balikat. At ganoon din si Atasha. "Sorry po, Mama. Hindi na po mauulit!" paghingi ng tawad nito sa pagitan ng pagsinok.Pinahid niya pareho ang pisngi ng dalawa. "Huwag niyon ng intindihin ang nangyari...""Matulog na tayo at bukas pupunta tayo sa mall."Nagliwanag ang mukha ng dalawang anak at sabay siyang hinalikan sa magkabilang-pisngi. Umalis ang dalawa sa kanyang mga bisig at tumakbo sa kanilang kama. Ilang saglit pa'y nagkukulitan na muli ang dalawa. At napuno ng halakhakan ang maliit nilang silid.Nakatulog na silang mag-ina sa kama ay nawala sa isip ni Camilla ang larawang pinunit sa harapan ng mga anak. Nakakalat lamang iyon sa malamig na sahig.Iyon ang una at huling larawan nila ni Santiago.~*~INIHABILIN muli ni Camilla ang mga bata kay Ross. Buo ang isipang muli siyang bumalik sa hacienda para pag-aralan kung paano ito patatakbuhin. Bilang nag-iisang tagapagmana ng mga Montoya ay responsibilidad niyang ipagpatuloy ang nasimulan ng ama. At kahit mahirap ay kakayanin niya ang lahat.Malapit naman si Andres at Atasha sa kaibigan. Sa katunayan ay halos ito na ang tumayong ama ng mga ito. Bagama't giniit niya na "Tito Ross" ang itawag sa lalaki. Ayaw niyang gawing komplikado pa ang lahat.Walang kaso iyon kay Ross. Mabait ang dalawang bata at hindi kailangan bantayan gaano. At halos sa Day Care naman ng mga ito ginugugol ang buong araw.Dumating ang biyernes ng gabi at iniintay na lamang ni Ross ang pagdating ni Camilla. Mabilis na nakatulog ang mga bata dahil dinala niya ang mga ito sa mall. Marami siyang pinamiling gamit sa mga ito na lubhang ikinasiya ng dalawa.Na una nang sinabi ng babae na lingguhan uuwi mula sa hacienda. Na kailangan nitong pag-aralan ng maigi ang bawat kalakaran sa hacienda. Wala siyang nagawa nang makapagdesisyon ito. Kahit anong sabihin niya'y buo na ang pasya ng babae.Hindi niya maintindihan si Camilla. Napakadali lang kung tutusin ng solusyon sa problema nito. Hindi na nito kailangan pang magpakapagod para sa wala. Kung pinakasalan lamang siya nito ay hindi na ito maghihirap pa.Hindi kailangan manirahan ang mag-iina sa simpleng apartment na ito. Hinayon ni Ross ng tingin ang buong sala. Kung pinakasalan siya ni Cammilla ay ipagpapatayo niya ito ng bahay sa isa sa mga exclusive subdivision sa lugar. At sa private schools papasok ang dalawang bata.Kung tungkol naman sa hacienda ay alam niya ang kalakaran. Matagal nang magkaibigan ang mga Tan at Montoya kahit pa sabihing nagkaroon ng lamat sa relasyon nila.But that was in the past. It's not worth to revelled at it anymore.Narinig niyang nagsasalita si Andres sa loob ng kwarto pagkaraan. Tumayo si Ross at tiningnan ang batang lalaki. Mahimbing pa din naman itong natutulog. Pero napansin niya ang isang larawan na hawak hawak nito.Nagtataka ay kinuha iyon ni Ross sa kamay ni Andres. At nang mapagsino ang nasa larawan ay nanigas ang kanyang panga.Isa iyong punit na larawan na pinagdikit marahil ni Andres gamit ang tape.Isang larawan ni Camilla na kasama ang lalaking nakita niya sa hacienda.MAGANDA ang dating ng panahon ng tag-ani sa hacienda. Hitik na hitik sa bunga ang mangga, saging, niyog at kopra. Tiyak na masaganang ani na naman ito, isang malaking biyaha mula sa itaas. At sa tuwina'y hindi pa sumisikat ang haring araw ay nagtatrabaho na ang mga tauhan ng hacienda. At kabilang doon si Santiago. Kung paano nababalanse ng binata ang pamamalakad ng sariling negosyo sa Maynila at pamamalakad dito sa hacienda ay palaisipan sa mga taga-roon. Pero hindi maikakailang malaking tulong si Santiago sa pagbangon muli ng hacienda. Sadyang napakasipag ng lalaki. Sanay ito sa pagbabanat ng buto dahil sa hacienda na ito nagkaroon ng isip. Lagi itong katu-katulong ni Ka Pedro noong araw. Ang matanda ang umaakyat sa puno habang ito ang pumapasan ng sako-sakong ani. Tulad na lang ngayon. Mataas na ang sikat ng araw ay kayod kalabaw pa rin ang binata. Pasan nito ang isang sakong puno ng saging at saka ibinaba malapit sa maliit na kubo. Ang maliit na kubo ay nasa ilalim ng malaking
DUMATING ang hapunan at kumain na silang mag-ina sa hapag-kainan. Lahat ng paborito niyang putahe ay nakahain sa lamesa. Lahat iyon ay tiyak ni Camilla na masarap pero tila nawalan siyang ng gana."May problema ba, Camilla," tanong ng kanyang ina. "Halos hindi mo nagalaw ang pagkain mo...""May iba ka bang gusto? Sabihin mo at ipapaluto ko kay Manang Letty.""Bakit ginawa ng Papa iyon," nasambit niya. "Wala ba siyang tiwala sa akin?"Huminga ng malalim si Donya Emilia bago pinunasan ang gilid ng labi ng table napkin. "Camilla, listen to me...""Hindi sa walang tiwala ang Papa mo sa'yo. Pero higit nating kailangan ang tulong ni Santiago---""Bakit ba lahat na lang ay tungkol sa kanya?" Naibulalas ni Camilla. "Ano ba ang mayroon siya na hindi ko kayang gawin?""I hate to say this but Santiago was the reason we're still here today," pagtatapat ng kanyang ina. Ginagap nito ang kanyang kamay at marahang pinisil. "Alam kong hindi mo ito gusto. Walang sinoman ang may gusto. Believe me at hin
MAAGA nagising si Camilla kinabukasan. HIndi naman kaiba ang araw na iyon sa mga dati niyang gawi. She’s a morning personnever since her twins came. At palaging sinsimulan niya ang araw sa pag-inom ng mainit na kape. Lumabas siya ng kwarto at agad na tinungo ang daan sa kusina. Naabutan niya si Manang Letty na nag-iinit ng tubig sa takure. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng matanda sa kanya. “Kape, hija?” Alok nito sa kanya. “Opo, Manang,” naghikab siya bago umupo sa isa sa mga kitchen stools. Lalo niyang ibinalot sa sarili ang roba nang maramdaman ang lamig ng madaling araw. “Narinig ko na ngayon ang simula mo sa hacienda,” anito at ibinigay sa kanya ang isang umuusok na tasa ng mainit na kape. Kapeng Barako iyon. Amoy pa lang ni Camilla ay sigurado na siya. “Tiyak na matutuwa ang mga tao doon kapag nakita ka.” “Sapalagay ko ay hindi,” aniya at humigop ng kape. Ninamnam niya ang kapeng kay tagal ng hindi natitikman. Wala pa ring kaparis ang lasa niyon. “Matagal akong nawala,
HE’S impossible. Kahit sino’ng makakarinig ay sasabihing napaka-domineering ng lalaki. Na lahat nang sasabihin nito’y kailangang masunod o sundin. But on the other hand, napagtanto ni Camilla na tama ang huli. Her choice of clothing wasn’t suitable at all in the land. She could even put herself in danger being under the harsh rays of the sun. Tinungo niya ang sinasabi nitong cabinet. Puro damit pambabae ang mga naandoon, long sleeves at halos kupas na pantalon. Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa dibdib. Kanino kaya ang mga damit na iyon? Sa babae ba nito? Sa girlfriend? Or sa asawa? Isang katok ang nagpanumbalik sa kanyang kamalayan. Nakahawak siya sa pinto ng cabinet nang pumasok ang tiyahin ni Santiago. May dala itong mainit na tasa ng tsokolate. At nang makita ang kanyang tinitingnan ay naunawaan ang tanong sa kanyang mga mata. “Damit ‘yan lahat ng anak kong babae, Si Sarah,” anito at inilapag sa lamesang malapit sa kama ang tray na dala. Lumapit ito sa kanya at kusang pumili
MAHIRAP. Alam ni Camilla na mahirap ang trabaho sa hacienda. She said so before to herself that she’s up to the challenge. Na kaya niya ang magiging trabaho kahit ano pa man ‘yan. What she hadn’t thought that it was physically tiring na ang halos isang oras na trabaho sa ilalim ng araw ay parang walong oras na katumbas sa loob ng convenience store. Or far more. At hindi niya pa naranasang mapagod ng ganito sa tanang buhay niya.Walang inaksayang oras si Santiago. Itinuro nito sa kanya ang lahat-lahat, even the basics of all basics. Ipinakita at ipinaranas sa kanya ng lalaki ang talagang buhay ng mga magsasaka at trabahador. Personal siya nitong tinuruan kung paano mag-ani ng mga palay at prutas. Maging ang pagtatanggal ng bunot sa niyog ay itinuro din nito. Sapalagay ni Camilla na kung hindi lamang siya babae ay baka pinagbuhat na din siya nito ng mga sako-sakong ani. Why the man was every inch of a slave driver!O sa kanya lamang? Bakit ba nakikita niyang mabait naman ito sa iba?“Ta
“CAMILLA!” sigaw ni Donya Emilia sa kanyang anak. Napatigil si Camilla sa akmang pag-akyat sa kabayong si Estrella pero hindi lumingon sa entrada ng villa. May ilang dipa ang layo nito mula sa ina. “Don’t make me repeat the words I’ve said, young lady…”“Hindi ka na magtatrabaho pa sa hacienda.” “I’m no young lady, Mama,” Umakyat na siya sa kabayo at lumingon sa ina. “At gagawin ko ang gusto ko…”“I will work for the hacienda. At patutunayan ko na nararapat akong pumalit sa posisyong iniwan ng Papa.”Pinasibad ng takbo ni Camilla si Estrella at mabilis na nakalayo mula sa villa. Walang nagawang sinundan ng tingin ni Donya Emilia ang papalayong pigura ng anak. Wala pa halos dalawang araw ang ipinahinga nito ay totoong nangungulit na babalik nang magtrabaho sa hacienda. Tinutulan niya iyon at pinal na sinabing hindi na ang anak babalik pa sa hacienda. Na hahayaan na lang kay Santiago ang pamamalakad doon dahil sa nangyari dito. Nakalimutan niyang nakikipag-usap siya sa anak. At hindi
SUMAPIT ang dapit-hapon at maririnig sa bahay nina Antonio ang kasiyahan. Si Antonio, o Toni sa karamihan, ay ikakasal sa anak ni Ka Perla na si Aileen. At lahat sa mga taga-hacienda ay imbitado sa kanyang kasal kinabukasan. Patunay na maagang nagpaalam ang lahat para manulungan sa mga ito.Mabilis lang na naligo si Camilla at isinuot ang siyang pinakamaayos niyang damit, isang floral dress na umabot hanggang sa tuhod at isang strap sandals. Hindi niya akalaing magagamit niya ang mga binili sa isang ukay-ukay na nadaanan niya pauwi noong nakaraan. At nasiyahan siyang tingnan ang sarili mula sa salamin.Narinig niya ang ilang katok sa pinto bago pumasok ang kanyang ina na si Donya Emilia. Nasa mga mata nito ang adorasyon nang mabistahan siya mula ulo hanggang paa. “Napakaganda mong tiyak, anak,” anito at lumapit sa kanya. Tila maiyak-iyak pa ito nang haplusin ang kanyang mukha. “Kung makikita ka ng Papa mo ngayon—”“Kung makikita ako ng Papa ay tiyak na hindi niya ako hahayaang mag-isa
“BITIWAN mo ako, Santiago!” pilit ni Camilla na gustong kumawala sa mga kamay ni Santiago pero tila kamay na bakal iyon sa kanyang braso. “Pwede ba—”“Iuuwi kita sa inyo, Camilla,” matigas na pahayag nito. Nasa harap na sila nang dala nitong jeep nang bititwan siya ng lalaki. Malayo iyon sa karamihan at halos may isang metro ang layo mula sa mga tao. Lumingon ang lalaki sa kanya at kahit sa nanlalabong mga mata ay aninag niya ang pinipigilan nitong galit. “Hindi mo gugustuhing dito mag-eskadalo!”Salamat sa alak at lalong lumakas ang kanyang loob. Punung-puno na siya sa lalaking ito! Tila ba wala na siyang ginawang tama sa mga mata nito. Oh, I get it! He despised her so much na ang makita siya sa araw-araw ay isang parusa. But she could only tolerate so much. To treat her like this was way out of the line. At hindi niya kayang palampasin ang ganitong pamamahiya. Sinuntok niya ang dibdib nito na animo’y isang pader. Ang isa ay nadagdagan pa ng isa pa. “You are so full of yourself!”“
NAGISING muli si Camilla na mag-isa na lamang sa papag. Wala na si Santiago sa kanyang tabi. Medyo mataas na ang sikat ng araw na tumatagos sa mga siwang ng dingding maging sa bukas na bintana. Pinilit niyang umupo mula sa pagkakahiga, ang bigat ng katawan mula pa kagabi ay bahagyang naibsan.Noon di’y narinig niya ang tunog ng sasakyan mula sa labas na hinuha niya ay kay Santiago. Ilang saglit pa’y pumasok ito at lumapit sa kanya. Naka-suot na ito nang hinubad nitong damit kagabi.“Ano’ng oras na?” tanong niya sa lalaki. Her voice was still hoarse.Sinalat nito ang kanyang noo. Hindi napigilan ni Camilla na mapadaing.“Wala na ang lagnat mo but, the doctor has to see you,” isang makapal na jacket ang ipinasuot nito bago siya nito binuhat. This time, he did it properly. At pinamulahanan siya ng pisngi.She noticed Estrella was not around. Bakante na ang kinalalagyan nito kagabi. Nasa labas na sila ng kamalig at isinakay siya ng lalaki sa jeep. “Where is she?”“I made a short trip to y
“YOU don’t do this to me every damn time, Santiago!” bulyaw ni Camilla habang pinagpapalo ang likod ng lalaki. “At pwede bang ibaba mo na ako.”Gumuhit ang kidlat sa kalangitan at nagliwanag panandalian ang buong paligid. Before she could hit hit again, mabilis siyang naibaba ni Santiago sa lumang papag. Tatayo sana siya para sundan ang lalaki nang magsalita ito.“Not now, Camilla,” anito at kinuha ang isang bote ng gas sa ilalim ng kung saan. Isinalin nito ang laman sa gasera bago dumukot sa bulsa. Isang lighter ang hawak nito at ilang saglit pa ay nagliwanag sa loob. She was only watching his every move. And she find everything flawless to a fault. “Please…” lumingon ito sa kanya pagkatapos. Seryoso itong nakatingin sa kanya.“Let us stay inside until the rain stops, then we can both leave our separate ways.”Natahimik siya sa mga sinabi nito. She was blinded by the thought of them together inside this old cabin that she never considered the consequences. Naupo siyang muli sa kama a
NAPAKABILIS ng araw. Lunes na naman at kailangan iwan ni Camilla ang mga bata kay Ross. Wala naman kaso iyon sa lalaki. He was more than willing to take the kids.Hinatid muna niya ang mga bata sa Day Care Center bago bumalik sa apartment at mag-empake. Ross came a few minutes later at may dala itong kwek-kwek. Nang makita niya ang hawak nito ay hindi niya naiwasang hindi mapangiti.“Alam mong hindi mo ako masusuhulan?” aniya pero kinuha pa rin ang dala nitong meryenda. Kwek-kwek had been her comfort food along with other streed foods. Iyon nga lang ay minsan na lamang siya nakakabili. “Pero salamat dito.”“Every week, ganito ang setup natin?” anito at tumabi sa kanya sa sofa. They are in good terms but she had set her boundaries. Humingi naman na nang tawad ang lalaki at walang saysay kung papalawakin pa ang simpleng away. “For how long?” usisa nito.“Until I got the hacienda, Ross,” tumayo siya at kinuha ang ang mga gamit. She got a only a few, isang back pack at travel bag na halos