"THAT'S unacceptable!" Bulalas ni Camilla sa harap ng tatlo. Humarap siya kay Atty. Gomez at pinagdiinan ang punto. "This is a family matter, Attorney."
"And this man was never part of it!" turo niya sa kinaroroonan ni Santiago na hindi itinago ang aliw sa mga mata.He's obviously loving the drama!"Calm down, hija," Si Atty. Gomez na ini-adjust ang suot na reading glasses sa mga mata. "As far as the documents were concerned, hindi lang sa iyo at sa asawang si Donya Emilia niya iniwan ang mga ari-arian.""Lahat ng nanilbihan sa pamilya Montoya, iyong mga matatagal na sa serbisyo, ay binigyan ng parte ni Don Vincenzo.""I have nothing against that, Attorney," aniya at huminga ng malalim. "Ibigay natin ang para sa mga magsasaka at trabahador ng hacienda...""What I cannot accept was his presence here," muli ay binalingan niya sa Santiago. He probably knew something that she won't. "Hindi ba't nagkagalit kayo ng Papa noon?""That's the understatement of the year," umiling sa kanya si Santiago na parang hindi makapaniwala. "Ikaw higit kaninoman ang may alam kung ano ang ginawa ng Papa.""Enough!" awat ni Donya Emilia na napahawak sa sariling ulo. "Both of you, enough.""Let's now hear what Atty. Gomez had for us."Napipilitang umupo si Camilla sa tabi ng ina. Pero hindi ibig sabihin na okay na ang lahat. Hindi pa rin humuhupa ang galit niya sa lalaki. Kung bakit ba kailangan pa nitong guluhin ang mga buhay nila!Binasa ni Atty. Gomez ang nilalaman ng mga dokumento. Nakasaad na bibigyan ng kaukulang porsyento ng lupa ang mga magsasaka at trabahador na matagal nang naninilbihan sa hacienda. Bukod doo'y mayrooon ding buwanang pensiyon ang mga ito na magmumula mismo sa kita ng hacienda.Sa pangalan ni Donya Emilia naman malilipat ang mga titulo ng iba't ibang property na nabili ng ama sa iba't ibang lugar bukod pa sa buwanang allowancee na hindi bababa sa sigkwenta mil."Bilang anak nang nag-iisang Don VIncenzo, sa iyo niya ibinibigay ang buong hacienda at ang responsibilidad na palaguin pa ito bukod sa buwanang sustento na hindi bababa sa beinte cinco mil," baybay ni Atty. Gomez na matamang pinakinggan ni Camilla. "Pero dahil alam ng iyong ama na wala ka pang kapasidad para gawin iyon ay ibinibigay niya ang full authority para pangasiwaan ang buong hacienda sa binatang si Santiago Torrealba.""That can't be!" na nang marinig ni Camilla ang estipulong iyon ay muli siyang napatayo. "Nakasulat sa papel na 'yan na ako ang magpapatakbo ng hacienda.""As your father have said, you don't have the capacity, Miss Camilla," sabat ni Santiago sa kanya. "Kung mayroon ay hindi kailangang gawin ito ni Don Vincenzo.""He practically given me the resposibility to rear not only his precious land but his only daughter as well.""Don't say a word like you knew everything!" aniyang tumalim ang mga mata dito.Ngunit hindi natibag ang disposiyson ni Santiago. Bagkus ay tiningnan siya ng mga mata nitong sinlamig ng yelo. "You're right. Wala akong alam sa nangyari sa'yo...""But during those years na wala ka, ako ang nagtaguyod ng hacienda na sana ay ikaw ang gumawa.""What?""That's enough, Santiago," awat ng Attorney. Inayos na nito ang mga gamit at nagpaalam na sa lahat. "That's the summary of the testament. Siguro'y i-reschedule natin ang susunod na pag-uusap. Now, if you'll excuse me.""I have other thinigs to do."Ngayo'y naiwan silang tatlo sa malaking study room ng ama. Hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig. Ano ang ibig sabihin ni Santiago sa mga binitawan nitong salita? Hindi ba't umalis ito ng hacienda tulad nang narinig niya sa balita?May dapat ba siyang malaman?Dinig ni Camilla ang mahinang hikbi ng kanyang ina sa kanyang likuran. Pinakatitigan niya si Santiago na naghahanda na rin para umalis. Sa mga sandaling iyon ay tiyak niyang lubos na ibang tao nga ang kaharap.Totoo. Hindi ito si Santiago Santos na nakilala at minahal noon. At wala itong kaamor-amor sa kanya."Ano'ng ginawa mo nitong mga nakalipas na taon, Santiago?" tanong niya pagkaraan."I did what I must," anito na sinuri siya mula ulo hanggang paa. At gusto niyang manliit sa uri ng titig na ibinigay nito sa kanya. "I wonder what you did the past years that you forget this land and the people around it."Wala na si Santiago sa kanyangg harapan nang hawakan ng kanyang ina ang kanyang mga kamay. Umiiyak ito nang pinakiusappan siyang maupong muli sa kanyang tabi."Hayaan mong ikwento ko ang lahat simula sa umpisa," ani Donya Emilia sa kanya. At nagsimulang makinig si Camilla sa ina.At unti-unti niyang naunawaan ang lahat-lahat.~*~NATULOY siyang lumuwas ng Maynila ng gabing iyon. Hindi siya nagpaawat kahit hiniling pa ng kaanyang ina na manatili muna dito sa hacienda ng ilang araw pa. Miss na niya ang mga anak at nangako na lamang sa ina na babalik muli na kasama na ang mga bata.Hindi niya matanggap ang mga isiniwalat ni Donya Emilia. Nanlumo siya sa mga narinig. Hindi niya lubos akalain na sa loob ng halos limang taon ay madami ang nangyari sa hacienda. At ni wala siyang kamalay-malay sa mga iyon.Nagkasunod-sunod ang suliranin sa hacienda matapos ang isang taon umalis siya doon. Bukod sa sinalanta ng sunod-sunod na bagyo ang lugar ay niloko si Don VIncenzo ng isa sa mga pinagkakatiwalang tao nito sa negosyo. Nakapagdespalko ng milyon milyon ang taong iyon at nahirapang bawiin ng ama ang nawalang kapital.Nasa bingit na noon ng pagkalugi ang hacienda at isa -isang nawawala ang mga kasosyo sa negosyo. Hindi kaya ni Don Vincenzo magpatalsik ng tauhan kaya tuloy tuloy ang pasweldo sa mga ito.Napakabilis lang ng lahat. Dumating sa puntong lubog na lubog sa mga utang sa bangko ang ama na inatake ito sa puso. Nang mga panahong iyon ay saka bumalik si Santiago sa lugar.Totoong umalis si Santiago dahil sa utos na rin ng kanyang ama. Hindi alam ng kanyang ina ang nangyari sa binata. Ang sigurado ni Donya Emilia ay iba na ang lalaki nang muli itong tumapak sa hacienda. At hindi na ang apelyidong "Santos" ang bitbit nito kung hindi "Torrealba" na.Si Santiago ang nagsalba sa papalubog nang negosyo ng ama. Nag-invest ito ng malaking capital at ito na rin ang nag-manage ng lahat. Binayaran nitong lahat ang pagkakautan ni Don Vincenzo sa mga bangko. At sa lahat ng iyon ay hindi humingi ng kapalit ang binata.Kung bakit nito ginawa ang ganoong bagay ay palaisipan sa kanya. Mukhang wala ring alam si Donya Emilia sa naging paguusap ng asawa at ng binata.Sa palagay ni Camilla ay marami pa siyang hindi alam. Na ang makakapagbigay ng sagot sa lahat ng katanungan sa kanyang isipan ay tanging si Santiago lamang.Pasado alas diez na ng gabi nang marating niya ang apartment. Tulad ng inaasahan ay nadatnan niyang muli si Ross sa loob ng bahay. Handa na itong umalis dahil may maagang meeting ito kinabukasan. Sinundo lamang nito ang mga bata mula sa Day Care at inintay siyang makauwi ngayon."Oh, Ross," na nang makita ang kaibigan ay tinakbo niya ang distansiya nilang dalawa at niyakap ito nang mahigpit. Nagulat man, niyakap siya nito pabalik. "Ang dami kong gustong sabihin..."Ibinaba ng lalaki ang mga dalang gamit at iginiya siya sa mahabang sofa. "Simulan mo sa umpisa, Camilla."At ikinuwento niya sa lalaki ang lahat ng nalaman pati na ang laman ng testamento ng kanyang ama."HI," bati ni Camilla nang sinalubong nang yakap ang mga anak. Napalitan ng kalituhan ang tuwa sa kanyang mukha nang mapansin ang itsura nina Atasha at Andres na papalapit sa kanya. "Ano'ng nangyari?" Tanong agad niya sa magkapatid.Agad na yumakap sa kanya si Atasha. Umiiyak ito nang isubsub ang mukha sa kanyang mga balikat. Si Andres ang sumagot sa kanya.Pinunasan muna nito ang dumi sa mukha bago nagsalita. "Kasi Mommy...""Inaaway kami ng ibang bata kasi wala daw kaming Daddy," sumbong nito at umiyak na din. Niyakap din ni Camilla ang panganay sa dalawa. Parang nakikinita na niya sa kanyang isipan kung ano ang nangyari nang wala pa siya. "Eh may Daddy naman kami, 'di ba po?""Hush now," konsola niya sa kambal. Iginala niya ang mga mata sa loob ng Day Care Center at nakita niya ang ibang mga magulang ng mga kaklase ng dalawang anak. Lahat ay may mapanghusgang tingin sa kanila. "Umuwi na tayo."Inakay niya sina Atasha at Andres palabas ng school. Walking distance lang naman ang layo
MAGANDA ang dating ng panahon ng tag-ani sa hacienda. Hitik na hitik sa bunga ang mangga, saging, niyog at kopra. Tiyak na masaganang ani na naman ito, isang malaking biyaha mula sa itaas. At sa tuwina'y hindi pa sumisikat ang haring araw ay nagtatrabaho na ang mga tauhan ng hacienda. At kabilang doon si Santiago. Kung paano nababalanse ng binata ang pamamalakad ng sariling negosyo sa Maynila at pamamalakad dito sa hacienda ay palaisipan sa mga taga-roon. Pero hindi maikakailang malaking tulong si Santiago sa pagbangon muli ng hacienda. Sadyang napakasipag ng lalaki. Sanay ito sa pagbabanat ng buto dahil sa hacienda na ito nagkaroon ng isip. Lagi itong katu-katulong ni Ka Pedro noong araw. Ang matanda ang umaakyat sa puno habang ito ang pumapasan ng sako-sakong ani. Tulad na lang ngayon. Mataas na ang sikat ng araw ay kayod kalabaw pa rin ang binata. Pasan nito ang isang sakong puno ng saging at saka ibinaba malapit sa maliit na kubo. Ang maliit na kubo ay nasa ilalim ng malaking
DUMATING ang hapunan at kumain na silang mag-ina sa hapag-kainan. Lahat ng paborito niyang putahe ay nakahain sa lamesa. Lahat iyon ay tiyak ni Camilla na masarap pero tila nawalan siyang ng gana."May problema ba, Camilla," tanong ng kanyang ina. "Halos hindi mo nagalaw ang pagkain mo...""May iba ka bang gusto? Sabihin mo at ipapaluto ko kay Manang Letty.""Bakit ginawa ng Papa iyon," nasambit niya. "Wala ba siyang tiwala sa akin?"Huminga ng malalim si Donya Emilia bago pinunasan ang gilid ng labi ng table napkin. "Camilla, listen to me...""Hindi sa walang tiwala ang Papa mo sa'yo. Pero higit nating kailangan ang tulong ni Santiago---""Bakit ba lahat na lang ay tungkol sa kanya?" Naibulalas ni Camilla. "Ano ba ang mayroon siya na hindi ko kayang gawin?""I hate to say this but Santiago was the reason we're still here today," pagtatapat ng kanyang ina. Ginagap nito ang kanyang kamay at marahang pinisil. "Alam kong hindi mo ito gusto. Walang sinoman ang may gusto. Believe me at hin
MAAGA nagising si Camilla kinabukasan. HIndi naman kaiba ang araw na iyon sa mga dati niyang gawi. She’s a morning personnever since her twins came. At palaging sinsimulan niya ang araw sa pag-inom ng mainit na kape. Lumabas siya ng kwarto at agad na tinungo ang daan sa kusina. Naabutan niya si Manang Letty na nag-iinit ng tubig sa takure. Isang matamis na ngiti ang ibinigay ng matanda sa kanya. “Kape, hija?” Alok nito sa kanya. “Opo, Manang,” naghikab siya bago umupo sa isa sa mga kitchen stools. Lalo niyang ibinalot sa sarili ang roba nang maramdaman ang lamig ng madaling araw. “Narinig ko na ngayon ang simula mo sa hacienda,” anito at ibinigay sa kanya ang isang umuusok na tasa ng mainit na kape. Kapeng Barako iyon. Amoy pa lang ni Camilla ay sigurado na siya. “Tiyak na matutuwa ang mga tao doon kapag nakita ka.” “Sapalagay ko ay hindi,” aniya at humigop ng kape. Ninamnam niya ang kapeng kay tagal ng hindi natitikman. Wala pa ring kaparis ang lasa niyon. “Matagal akong nawala,
HE’S impossible. Kahit sino’ng makakarinig ay sasabihing napaka-domineering ng lalaki. Na lahat nang sasabihin nito’y kailangang masunod o sundin. But on the other hand, napagtanto ni Camilla na tama ang huli. Her choice of clothing wasn’t suitable at all in the land. She could even put herself in danger being under the harsh rays of the sun. Tinungo niya ang sinasabi nitong cabinet. Puro damit pambabae ang mga naandoon, long sleeves at halos kupas na pantalon. Nakaramdam siya ng kaunting kirot sa dibdib. Kanino kaya ang mga damit na iyon? Sa babae ba nito? Sa girlfriend? Or sa asawa? Isang katok ang nagpanumbalik sa kanyang kamalayan. Nakahawak siya sa pinto ng cabinet nang pumasok ang tiyahin ni Santiago. May dala itong mainit na tasa ng tsokolate. At nang makita ang kanyang tinitingnan ay naunawaan ang tanong sa kanyang mga mata. “Damit ‘yan lahat ng anak kong babae, Si Sarah,” anito at inilapag sa lamesang malapit sa kama ang tray na dala. Lumapit ito sa kanya at kusang pumili
MAHIRAP. Alam ni Camilla na mahirap ang trabaho sa hacienda. She said so before to herself that she’s up to the challenge. Na kaya niya ang magiging trabaho kahit ano pa man ‘yan. What she hadn’t thought that it was physically tiring na ang halos isang oras na trabaho sa ilalim ng araw ay parang walong oras na katumbas sa loob ng convenience store. Or far more. At hindi niya pa naranasang mapagod ng ganito sa tanang buhay niya.Walang inaksayang oras si Santiago. Itinuro nito sa kanya ang lahat-lahat, even the basics of all basics. Ipinakita at ipinaranas sa kanya ng lalaki ang talagang buhay ng mga magsasaka at trabahador. Personal siya nitong tinuruan kung paano mag-ani ng mga palay at prutas. Maging ang pagtatanggal ng bunot sa niyog ay itinuro din nito. Sapalagay ni Camilla na kung hindi lamang siya babae ay baka pinagbuhat na din siya nito ng mga sako-sakong ani. Why the man was every inch of a slave driver!O sa kanya lamang? Bakit ba nakikita niyang mabait naman ito sa iba?“Ta
“CAMILLA!” sigaw ni Donya Emilia sa kanyang anak. Napatigil si Camilla sa akmang pag-akyat sa kabayong si Estrella pero hindi lumingon sa entrada ng villa. May ilang dipa ang layo nito mula sa ina. “Don’t make me repeat the words I’ve said, young lady…”“Hindi ka na magtatrabaho pa sa hacienda.” “I’m no young lady, Mama,” Umakyat na siya sa kabayo at lumingon sa ina. “At gagawin ko ang gusto ko…”“I will work for the hacienda. At patutunayan ko na nararapat akong pumalit sa posisyong iniwan ng Papa.”Pinasibad ng takbo ni Camilla si Estrella at mabilis na nakalayo mula sa villa. Walang nagawang sinundan ng tingin ni Donya Emilia ang papalayong pigura ng anak. Wala pa halos dalawang araw ang ipinahinga nito ay totoong nangungulit na babalik nang magtrabaho sa hacienda. Tinutulan niya iyon at pinal na sinabing hindi na ang anak babalik pa sa hacienda. Na hahayaan na lang kay Santiago ang pamamalakad doon dahil sa nangyari dito. Nakalimutan niyang nakikipag-usap siya sa anak. At hindi
SUMAPIT ang dapit-hapon at maririnig sa bahay nina Antonio ang kasiyahan. Si Antonio, o Toni sa karamihan, ay ikakasal sa anak ni Ka Perla na si Aileen. At lahat sa mga taga-hacienda ay imbitado sa kanyang kasal kinabukasan. Patunay na maagang nagpaalam ang lahat para manulungan sa mga ito.Mabilis lang na naligo si Camilla at isinuot ang siyang pinakamaayos niyang damit, isang floral dress na umabot hanggang sa tuhod at isang strap sandals. Hindi niya akalaing magagamit niya ang mga binili sa isang ukay-ukay na nadaanan niya pauwi noong nakaraan. At nasiyahan siyang tingnan ang sarili mula sa salamin.Narinig niya ang ilang katok sa pinto bago pumasok ang kanyang ina na si Donya Emilia. Nasa mga mata nito ang adorasyon nang mabistahan siya mula ulo hanggang paa. “Napakaganda mong tiyak, anak,” anito at lumapit sa kanya. Tila maiyak-iyak pa ito nang haplusin ang kanyang mukha. “Kung makikita ka ng Papa mo ngayon—”“Kung makikita ako ng Papa ay tiyak na hindi niya ako hahayaang mag-isa
NAGISING muli si Camilla na mag-isa na lamang sa papag. Wala na si Santiago sa kanyang tabi. Medyo mataas na ang sikat ng araw na tumatagos sa mga siwang ng dingding maging sa bukas na bintana. Pinilit niyang umupo mula sa pagkakahiga, ang bigat ng katawan mula pa kagabi ay bahagyang naibsan.Noon di’y narinig niya ang tunog ng sasakyan mula sa labas na hinuha niya ay kay Santiago. Ilang saglit pa’y pumasok ito at lumapit sa kanya. Naka-suot na ito nang hinubad nitong damit kagabi.“Ano’ng oras na?” tanong niya sa lalaki. Her voice was still hoarse.Sinalat nito ang kanyang noo. Hindi napigilan ni Camilla na mapadaing.“Wala na ang lagnat mo but, the doctor has to see you,” isang makapal na jacket ang ipinasuot nito bago siya nito binuhat. This time, he did it properly. At pinamulahanan siya ng pisngi.She noticed Estrella was not around. Bakante na ang kinalalagyan nito kagabi. Nasa labas na sila ng kamalig at isinakay siya ng lalaki sa jeep. “Where is she?”“I made a short trip to y
“YOU don’t do this to me every damn time, Santiago!” bulyaw ni Camilla habang pinagpapalo ang likod ng lalaki. “At pwede bang ibaba mo na ako.”Gumuhit ang kidlat sa kalangitan at nagliwanag panandalian ang buong paligid. Before she could hit hit again, mabilis siyang naibaba ni Santiago sa lumang papag. Tatayo sana siya para sundan ang lalaki nang magsalita ito.“Not now, Camilla,” anito at kinuha ang isang bote ng gas sa ilalim ng kung saan. Isinalin nito ang laman sa gasera bago dumukot sa bulsa. Isang lighter ang hawak nito at ilang saglit pa ay nagliwanag sa loob. She was only watching his every move. And she find everything flawless to a fault. “Please…” lumingon ito sa kanya pagkatapos. Seryoso itong nakatingin sa kanya.“Let us stay inside until the rain stops, then we can both leave our separate ways.”Natahimik siya sa mga sinabi nito. She was blinded by the thought of them together inside this old cabin that she never considered the consequences. Naupo siyang muli sa kama a
NAPAKABILIS ng araw. Lunes na naman at kailangan iwan ni Camilla ang mga bata kay Ross. Wala naman kaso iyon sa lalaki. He was more than willing to take the kids.Hinatid muna niya ang mga bata sa Day Care Center bago bumalik sa apartment at mag-empake. Ross came a few minutes later at may dala itong kwek-kwek. Nang makita niya ang hawak nito ay hindi niya naiwasang hindi mapangiti.“Alam mong hindi mo ako masusuhulan?” aniya pero kinuha pa rin ang dala nitong meryenda. Kwek-kwek had been her comfort food along with other streed foods. Iyon nga lang ay minsan na lamang siya nakakabili. “Pero salamat dito.”“Every week, ganito ang setup natin?” anito at tumabi sa kanya sa sofa. They are in good terms but she had set her boundaries. Humingi naman na nang tawad ang lalaki at walang saysay kung papalawakin pa ang simpleng away. “For how long?” usisa nito.“Until I got the hacienda, Ross,” tumayo siya at kinuha ang ang mga gamit. She got a only a few, isang back pack at travel bag na halos
“BITIWAN mo ako, Santiago!” pilit ni Camilla na gustong kumawala sa mga kamay ni Santiago pero tila kamay na bakal iyon sa kanyang braso. “Pwede ba—”“Iuuwi kita sa inyo, Camilla,” matigas na pahayag nito. Nasa harap na sila nang dala nitong jeep nang bititwan siya ng lalaki. Malayo iyon sa karamihan at halos may isang metro ang layo mula sa mga tao. Lumingon ang lalaki sa kanya at kahit sa nanlalabong mga mata ay aninag niya ang pinipigilan nitong galit. “Hindi mo gugustuhing dito mag-eskadalo!”Salamat sa alak at lalong lumakas ang kanyang loob. Punung-puno na siya sa lalaking ito! Tila ba wala na siyang ginawang tama sa mga mata nito. Oh, I get it! He despised her so much na ang makita siya sa araw-araw ay isang parusa. But she could only tolerate so much. To treat her like this was way out of the line. At hindi niya kayang palampasin ang ganitong pamamahiya. Sinuntok niya ang dibdib nito na animo’y isang pader. Ang isa ay nadagdagan pa ng isa pa. “You are so full of yourself!”“