Behind Her Innocence

Behind Her Innocence

last updateLast Updated : 2023-08-27
By:   Dragon88@  Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
10 ratings. 10 reviews
69Chapters
27.5Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Scan code to read on App

“Maaari ko bang isangla muna sa iyo ang kwintas na ito kasama ng singsing ng aking mommy?” Anya ng pitong taong gulang na batang babae sa isang lalaki na nakapikit habang nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan sa isang waiting area ng hospital. Seryosong tumitig ang 20 years old na binata sa isang munting bata sa kan’yang harapan. “Alam ba ng mommy mo na isinasangla mo ang ang wedding ring niya?” Seryosong tanong na hindi maalis ang tingin sa mala anghel na mukha ng bata. “Ang sabi ng doctor ay kailangang maoperahan si mommy, pero wala akong pera, hindi mo naman siguro ipapaalam kahit kanino na sinangla ko ito sayo, di’ba?” Malungkot na sagot nito, bago matapang na sinalubong ng batang babae ang mga mata ng lalaki. “Paano kung kukunin ko ‘yan, paano mo ito matutubos sa akin? Hindi ako tumatanggap ng pera.” Seryosong pahayag ng lalaki. Saglit na nag-isip ang bata na wari mo’y naguluhan. “Kukunin ko ‘yan at sasagutin ko ang operasyon ng mommy mo pero sa isang kondisyon, magiging akin ka at pagtuntong mo sa tamang edad ay ikakasal ka sa akin. Kung hindi ka tutupad ay hindi ko babalik sayo ang kwintas at ang singsing ng mommy mo.” “Pumapayag po ako.” Inosenteng sagot nito. ————— Isang batang babae ang nakipagkasundo sa nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Smith, si HARRIS SMITH. No read, no write at mangmang sa lahat ng bagay ‘yan si ZAHARIA LYNCH. Isang simpleng dalaga na sinamantala ang kainosentihan ng mga taong itinuturing niyang pamilya. Paano magkakaroon ng katuparan ang kasunduan ng dalawa kung sa apat na sulok ng kwarto umiikot ang mundo ni Zaharia?

View More

Latest chapter

Free Preview

Chapter 1

Chapter 1-Busy ang lahat ng tao sa loob ng San Lorenzo Hospital, may mga ilang Nurse na nagtutulak ng stretcher habang nakahiga ang isang pasyente na duguan at panay ang daing dahil sa sakit na nararanasan nito.Mula sa hallway ng hospital ay may isang pitong taong gulang na batang babae ang nakaupo sa isang waiting area, tahimik na nakamasid sa mga taong dumadaan sa kan’yang harapan.Sa kabila ng kainosentihan nito ay makikita ang kalungkutan sa maganda niyang mukha.Sa murang edad ay binalot na ng matinding pangamba ang puso ng batang babae dahil sa labis na pag-aalala para sa kanyang ina na kasalukuyang nasa loob ng emergency room ng hospital.Mag-isang nakaupo sa waiting area ang bata, naghihintay kung kailan lalabas ang kan’yang ina, wala siyang ideya kung ano talaga ang totoong kalagayan nito.Habang naglalakad sila ay bigla na lang itong bumagsak sa kalsada na kanilang dinadaanan.Mabuti na lang at may concern citizen na nagmalasakit sa mag-ina at kaagad na tinakbo sa hospital...

Interesting books of the same period

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Che Mai Mai
ang ganda ng story oi.
2024-10-30 11:52:41
1
user avatar
Criselda Melendres
wow napakaganda basahin..
2024-10-22 12:41:49
1
user avatar
Zhaegy Doremo
highly recommend nakakakilig
2024-08-29 21:43:43
1
user avatar
Richelle Malibiran Garcia
Napakagandang story ... Thank you author for this. Keep up the good work ......... God Bless
2024-07-27 16:39:49
1
user avatar
Mia Dee
must read ganda
2024-01-24 16:06:59
1
user avatar
jeane dura
very nice story, hoping for continue updates............
2023-08-11 23:53:01
1
user avatar
Yanne Bueno Nerizo
highly recommended
2023-08-06 16:24:41
1
user avatar
Dragon88@
Hello dear readers, palambing naman po, maaari n’yo po bang bigyan ng rate ang akda kong ito? Upang mapagbuti ko pa ang susunod kong akda, Thank you po!...
2023-06-23 00:05:27
6
user avatar
Jadexanne
tuloy2x Sana nag update nito...
2023-06-15 21:50:38
4
user avatar
Maridel Moreno
ganda ng story
2023-06-05 18:03:28
3
69 Chapters
Chapter 1
Chapter 1-Busy ang lahat ng tao sa loob ng San Lorenzo Hospital, may mga ilang Nurse na nagtutulak ng stretcher habang nakahiga ang isang pasyente na duguan at panay ang daing dahil sa sakit na nararanasan nito.Mula sa hallway ng hospital ay may isang pitong taong gulang na batang babae ang nakaupo sa isang waiting area, tahimik na nakamasid sa mga taong dumadaan sa kan’yang harapan.Sa kabila ng kainosentihan nito ay makikita ang kalungkutan sa maganda niyang mukha.Sa murang edad ay binalot na ng matinding pangamba ang puso ng batang babae dahil sa labis na pag-aalala para sa kanyang ina na kasalukuyang nasa loob ng emergency room ng hospital.Mag-isang nakaupo sa waiting area ang bata, naghihintay kung kailan lalabas ang kan’yang ina, wala siyang ideya kung ano talaga ang totoong kalagayan nito.Habang naglalakad sila ay bigla na lang itong bumagsak sa kalsada na kanilang dinadaanan.Mabuti na lang at may concern citizen na nagmalasakit sa mag-ina at kaagad na tinakbo sa hospital
last updateLast Updated : 2023-05-16
Read more
Chapter 2
Harris POVNapalingon ako sa batang si Aria na nakaupo sa aking tabi, nakasandal ito sa sandalan ng bangko habang nakayukyok ang ulo.Pilit nilalabanan ang antok at matiyagang naghihintay kung kailan matatapos ang operasyon ng ina nito.10:30 na ng gabi ngayon, nagsimula ang operasyon kaninang 9:00 o’clock, ang sabi ng doctor ay aabutin daw ang operasyon ng apat na oras.Kaya ngayon ay nandito kaming dalawa sa labas ng operating room at naghihintay kung kailan ito matatapos.May kung anong humaplos sa puso ko habang nakamasid sa makulit na batang ito hanggang sa kusang kumilos ang aking mga kamay.Inangat ko ito mula sa kan’yang kinauupuan at inilipat sa aking kandungan.Nag-angat ito ng mukha at nagtatanong ang namumungay nitong mga mata na tumingin sa akin.“Matulog ka muna at gigisingin na lang kita kapag natapos na ang operasyon.” Malambing kong wika, hindi na ito sumagot sa akin at kusa niyang isinubsob ang mukha sa aking dibdib bago yumakap sa katawan ko ang maliit nitong mga br
last updateLast Updated : 2023-05-16
Read more
Chapter 3
Harris POVSa dami ng trabahong hinarap ko buong maghapon ay halos five thirty na ng hapon ako nakabalik ng hospital.Nasasabik na akong makita muli ang batang si Aria at matinding kasiyahan ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito.Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng pintuan ng kwarto na inuukopa nilang mag-ina, pumuwesto sa magkabilang gilid ng pintuan ang dalawang bodyguard ko upang doon magbantay.Sabik na pinihit ang doorknob habang nakapaskil ang isang matamis na ngiti sa labi para sa aking munting Aria.Biglang naglaho ang ngiti ko sa labi ng tuluyan ko ng mabuksan ang pintuan at tumambad sa aking harapan ang dalawang Nurse na kasalukuyang nag-aayos ng kama.Mabilis na yumukod ang mga ito ng makita ako.“Nasaan ang pasyente dito?” Seryoso kong tanong sa kanilang dalawa, halata ang pagdagsa ng takot sa kanilang mga mukha.“Namatay na po ang pasyente, around 3:00 o’clock ng madaling araw.” Malumanay na sagot ng nurse sa akin.Lumalim ang gatla sa aking noo dahil sa labis na pa
last updateLast Updated : 2023-05-16
Read more
Chapter 4
Aria’s POV“Sweetie, aalis na si daddy baka malate ako ng uwi mamayang gabi, kaya huwag mo na akong hintayin.” Malambing na wika ng daddy ko habang karga ako nito sa kanang braso.“Dad, pwede ba na huwag ka na lang muna pumasok sa work mo? Saturday naman eh, mamasyal ulit tayo, tapos isama natin si ate Chelsy.” Naglalambing kong request sa aking ama bago niyakap ito ng mahigpit sa leeg.Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na ito, parang ayoko na mawala sa aking paningin si daddy at kahit kasama ko ito ngayon ay namimiss ko pa rin siya.Nakita ko na lumapad ang kan’yang ngiti bago nanggigigil na hinalikan ang matambok kong pisngi.“Naglalambing ang baby ko, don’t worry tomorrow babawi ako, ipapasyal kita sa lahat ng lugar na nais mong puntahan.” Magiliw nitong sagot sa akin.“Promise po?” Naninigurado kong tanong.“Promise…” nakangiti niyang sagot bago dinampian ng isang mariin na halik ang aking noo.Ipinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang pagmamahal ng aking a
last updateLast Updated : 2023-05-20
Read more
Chapter 5
“Aria, anak.” Maingat na bumukas ang pintuan at ng marinig ni Aria ang tinig ng kanyang Yaya ay mabilis na bumangon ang bata at nagmamadaling lumapit sa pintuan.“Yaya, tulungan mo ako, ayoko dito, ang dilim, natatakot po ako.” Nakikiusap na wika ni Aria habang umiiyak.“Sshhh… huwag kang maingay aalis tayo dito, tatakas tayo.” Anya sa pabulong na paraan. Kinuha nito ang kamay ng bata at hinila palabas ng kwarto, ngunit ng nasa kalagitnaan palang sila ng kwarto ay nagulat ang dalawa ng makita nilang nakatayo sa bungad ng pintuan si Lyra.Nanlilisik ang mga mata nito dahil sa matinding galit na tila nais nitong patayin ang babaeng lapastangan.“Ang lakas naman ng loob mo na kalabanin ako.” May diin nitong wika habang matalim na nakatitig sa Yaya ni Aria.Mabilis itong humakbang palapit sa dalawa at mahigpit na hinawakan sa buhok ang babae bago kiladkad papasok sa secret room na pinanggalingan ng dalawa kanina.“Bitawan mo ako! Halimaw ka! Wala kang awa, pati inosenteng bata ay pinahih
last updateLast Updated : 2023-05-21
Read more
Chapter 6
“Señora may mga tao po sa labas na naghahanap kay señorita Aria.” Sabi ng isang katulong kay Lyra, bakas ang takot sa mukha nito.Lumalim ang gatla sa noo ni Lyra dahil sa labis na pagtataka.Wala siyang Ibang alam na pwedeng maghanap sa anak ni Lorenzo maliban kay atty. Thompson.Ilang segundo lang ang lumipas ay namangha si Lyra ng mula sa pintuan ay biglang pumasok ang isang matangkad at gwapong binata na nakasuot ng black, 3 piece suit.Mula sa matikas na pangangatawan ay malalaman mo na hindi siya isang ordinaryong tao. Ang awra nito ay naghuhumiyaw sa kapangyarihan, halata na mula ito sa mataas na estado ng lipunan dahil sa mamahaling kasuotan nito.Nakakatakot kung makatitig ang itim nitong mga mata na tila ba inaarok ang buong pagkatao mo.Nanatiling blangko ang mukha nito, kaya kay hirap basahin kung ano ang tumatakbo sa isip ng binata.At base sa expression ng kan’yang mukha ay siya ang klase ng taong hindi mo dapat pinaghihintay.Napalunok si Lyra, hindi niya alam kung bak
last updateLast Updated : 2023-05-22
Read more
Chapter 7
“Eleven Years Later”Biglang nataranta ang lahat dahil sa pagdating ng isang mamahaling sasakyan, nagmamadaling kumilos ang lahat ng empleyado nang Smith Auto Luxury Company at nagtipon ang mga ito sa bungad ng lobby upang salubungin ang pagpasok ng kanilang boss.Bumukas ang pintuan ng kotse at bumaba ang isang pares ng makintab na sapatos.Sabay-sabay na yumukod ang lahat ng tuluyang makababa si Harris sa kan’yang sasakyan.Wala kahit isa sa kanila ang may lakas ng loob na magtaas ng tingin upang tingnan ang mukha ng binata.Walang pakialam na humakbang papasok sa loob ng kan’yang kumpanya ang binata habang nanatiling seryoso ang expression ng mukha nito.“Mga walang silbi ang mga taong kinuha mo, ilang taon na ang nakaraan hanggang ngayon ay hindi n’yo pa rin nakikita si Aria.” Mahina ngunit may diin na pahayag ng binata sa kan’yang tauhan na si James habang patuloy sila sa paglalakad.Mas pinili ni James ang tumahimik at tanggapin ang galit ng kan’yang boss dahil kilala niya ang u
last updateLast Updated : 2023-05-23
Read more
Chapter 8
Aria’s POVNapabalikwas ako ng bangon nang biglang tumunog ang maliit na alarm clock na nakalagay sa bandang uluhan ko.Ala-una na ng madaling araw kaya nagmamadali akong tumayo at isinuot ang aking tsinelas.Sa maraming taon na lumipas ay masasabi ko na parang huminto ang buhay ko, dahil sa matinding kalungkutan. Tanging ang apat na sulok ng kwarto na ito ang naging saksi sa lahat ng hirap na dinanas ko sa kamay ng aking stepmother.Sa gabi lang ako maaaring lumabas at kailangan bago mag-alas tres ay matapos ko na ang lahat ng gawain ko.Para akong multo sa sarili kong tahanan dahil walang nakakaalam na nag-eexist pa ako dito sa mundo.Buong maghapon ay nakakulong lang ako sa loob ng aking kwarto, bawal akong lumabas, bawal akong magsalita o gumawa ng anumang ingay.Buong araw din akong hindi kumakain, nakakakain lang ako tuwing gabi kaya para makasurvived sa malaimpyernong buhay na ito ay palihim akong nagtatago ng pagkain upang may makain ako kahit kaunti sa buong maghapon.Sa tuwi
last updateLast Updated : 2023-05-24
Read more
Chapter 9
“Mommy, may hinala ako na nakita ni Mr. Smith ang babaeng iyon!” Naghi-hysterical na wika ni Chelsy sa kan’yang ina.“Anong sabi mo?” Naguguluhan na tanong ni Lyra sa anak.“Yes, Mommy, narinig ko ng utusan ni Mr. Smith ang mga tauhan niya upang hanapin ang isang babae.Nagulat din ako ng biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin, kaya sigurado ako na nakita niya ang babaeng iyon!” Naluluha na pahayag nito sa ina.Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto ni Lyra at ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ng makaalis na si Harris at ang mga tauhan nito.“Don’t cry, Sweetheart, dahil sisiguraduhin ko na hindi mangyayari ang kinatatakutan mo, at kung sakaling muling magkita ang dalawa ay sigurado ako na si Mr. Smith na mismo ang lalayo kay Aria.Kaya ituloy mo lang ang pagpapanggap hanggang sa tuluyang mahulog sayo ang loob ni Mr. Smith.” Balewalang pahayag ni Lyra sa anak habang nakataas ang gilid ng bibig nito.Natigilan si Chelsy sa narinig mula sa kan’yang ina at u
last updateLast Updated : 2023-05-25
Read more
Chapter 10
Aria’s POVPagsapit ng hating gabi ay biglang bumukas ang pintuan, mabilis akong bumangon at sumiksik sa pader ng pumasok si mama Lyra sa loob ng aking kwarto.Hindi ito nag-iisa dahil mula sa likuran nito ay nakasunod ang isang may katandaan ng lalaki.Tanging ang ilaw mula sa labas ng kwarto ang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto na kinaroroonan ko kaya bahagya pa akong nasilaw dahil hindi sanay na makakita ng liwanag ang aking mga mata.“Sigurado ka ba na hindi ako sasabit sa babaeng ito Lyra?” Naniniguradong tanong ng matandang lalaki kay mama Lyra.“Ulila na yan, kaya wala ng maghahabol pa sa babaeng ‘yan, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo sa kan’ya at higit sa lahat ay birhen pa ang isang yan.” Nakangising sagot ng aking madrasta sa lalaki.Tila natuwa ang lalaki sa kan’yang narinig at malagkit na tingin ang ipinukol nito sa akin kaya nakadama ako ng takot sa mga titig nito.“Naideposito mo na ba ang pera sa bank account ko?” Narinig kong tanong ni mama Lyra.“Tulad ng na
last updateLast Updated : 2023-05-25
Read more
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status