“Aria, anak.” Maingat na bumukas ang pintuan at ng marinig ni Aria ang tinig ng kanyang Yaya ay mabilis na bumangon ang bata at nagmamadaling lumapit sa pintuan.
“Yaya, tulungan mo ako, ayoko dito, ang dilim, natatakot po ako.” Nakikiusap na wika ni Aria habang umiiyak.“Sshhh… huwag kang maingay aalis tayo dito, tatakas tayo.” Anya sa pabulong na paraan.Kinuha nito ang kamay ng bata at hinila palabas ng kwarto, ngunit ng nasa kalagitnaan palang sila ng kwarto ay nagulat ang dalawa ng makita nilang nakatayo sa bungad ng pintuan si Lyra.Nanlilisik ang mga mata nito dahil sa matinding galit na tila nais nitong patayin ang babaeng lapastangan.“Ang lakas naman ng loob mo na kalabanin ako.” May diin nitong wika habang matalim na nakatitig sa Yaya ni Aria.Mabilis itong humakbang palapit sa dalawa at mahigpit na hinawakan sa buhok ang babae bago kiladkad papasok sa secret room na pinanggalingan ng dalawa kanina.“Bitawan mo ako! Halimaw ka! Wala kang awa, pati inosenteng bata ay pinahihirapan mo!” Galit na sigaw ng Yaya ni Aria.“Oo! Halimaw talaga ako, at matitikman mo kung anong ginagawa ko sa mga kumakalaban sa akin!” Nanggigigil na pahayag ni Lyra bago malakas na itinulak papasok sa loob ng kwarto ang babae.“Yaya!” Umiiyak na tawag dito ni Aria, binalingan naman ito ni Lyra at mahigpit na kinapitan sa braso.“Pasalamat ka at hindi pa kita pwedeng patayin.Hanggat hindi ko nakukuha ang lahat ay mananatili kang bilanggo sa kwartong ito!” Galit na wika ni Lyra kay Aria bago hinila ang bata papasok sa loob ng kwarto.Kaagad na sinarado niya ang pintuan bago nilock ng mabuti, tinulak niya ang harang na aparador para matakpan ang pintuan upang walang makakita.“Yaya, nasaan na po ba si Daddy? Bakit hanggang ngayon ay wala pa rin siya?” Umiiyak na tanong ng batang si Aria.Napaiyak ang Yaya nito dahil sa matinding awa na nararamdaman niya para sa kan’yang alaga.Kinapa niya ang mukha ng bata at kahit hindi nila naaaninag ang mukha ng isa’t-isa dahil sa sobrang dilim ay hinarap pa rin niya ito at hinawakan sa magkabilang pisngi.“Aria, anak, makinig ka, ha? Kailangan mong maging matapang, hm? Kahit wala na ang daddy mo o kahit wala na ako sa tabi mo, mangako ka na magiging matatag ka.” Labis na naguguluhan ang munting musmos ngunit sinikap pa rin niyang unawain at itatak sa isip ang bawat salitang naririnig mula sa kanyang Yaya.“Darating ang panahon na magbabayad sila sa lahat ng kanilang kasalanan, kaya lagi kang mag dasal para gabayan ka ng Diyos.Manalig ka, may hangganan din ang lahat.” Umiiyak na bilin ng kan’yang Yaya habang masuyong hinahaplos ang mahabang buhok ni Aria.Pagkatapos sabihin iyon ay dinampian niya ng isang magaan na halik sa ulo ang kanyang alaga bago niyakap ito ng mahigpit.Nang mga sandaling iyon ay nababalot ng matinding takot ang buong pagkatao ng dalawa, dahil hindi nila alam kung ano ang kahihinatnan nila sa mga kamay ni Lyra.Lyra’s POV“Ilabas mo si Aria, Lyra! Saan mo tinago ang anak ni Lorenzo?” Galit na tanong ni Thompson sa akin.Namumula na ang buong mukha nito habang nakakuyom ang dalawang kamay, matalim ang tingin na ipinupukol nito sa akin na parang gusto akong kainin ng buhay.“Sinabi ko na sayo, Thompson, na halos isang linggo ng nawawala si Aria.Tinangay ito ng kanyang Yaya, nagbayad na ako ng mga taong maghahanap sa anak kong si Aria.Parang tunay na anak ko na rin ang turing ko kay Aria at siya na lang ang nag-iisang alaala ni Lorenzo.Sa tingin mo ba ay magagawa kong saktan ang isang batang walang muwang?” Umiiyak na tanong ko sa kan’ya.Nilakasan ko pa ang pag-iyak upang maging kapani-paniwala sa harap ng lalaking ito.Nakita ko na huminga ito ng malalim bago nagpakawala ng isang mabigat na buntong hininga.“Kapag nalaman ko na may kinalaman ka sa pagkawala ni Aria, sinisigurado ko sayo ni kusing ay wala kayong makukuha sa mana mula sa mga ari-arian ni Lorenzo.Tandaan mo, kapag namatay ang anak ni Lorenzo ang lahat ng ari-arian pati ang kumpanya na iniwan ng iyong asawa ay mapupunta sa mga kawanggawa.” Pagkatapos nitong magbitaw ng mga salita ay tuluyan na itong lumabas ng library.“Ahhhh…” “CRASH!” Malakas kong sigaw bago ibinato ang champagne glass sa naka-saradong pintuan na nilabasan ng matandang abogado.Isang linggo na ang lumipas simula ng mailibing si Lorenzo at aksidente kong nakita ang last will testament nito sa kan’yang drawer.Natuklasan ko na ang lahat ng kayamanan ni Lorenzo ay iniwan nito sa pangalan ng kan’yang anak na si Zaharia.Tanging ang dalawang million lang ang iniwan nito sa aming mag-ina at trust fund para sa kinabukasan ni Chelsy.Wala pa namang pirma iyon ngunit ang duda ko ay may iniwan na itong kopya sa kan’yang abogado kaya malakas ang loob ng abogado na takutin ako na ibibigay nito ang lahat ng kayamanan ni Lorenzo sa Charity.Ayaw namang ipakita sa akin ng abogado ang iniwang sulat ng aking asawa hanggat hindi nakikita si Zaharia.“Hindi ako papayag na ang batang iyon ang makikinabang sa lahat ng kayamanang naiwan ng aking asawa, kaya sinisigurado ko naman sayo na susunod ka rin sa kaibigan mo sa oras na makuha ko na ang lahat!” Nanggagalaiti kong wika habang malakas na nagtaas baba ang aking dibdib, hinihingal ako dahil sa matinding galit.“Alisin n’yo ang babaeng iyan dito at siguraduhin ninyo na habam-buhay na mananahimik ‘yan dahil ayoko ng sagabal sa lahat ng mga plano ko.” Utos ko sa taong binayaran ko upang iligpit ang pakialamerang yaya ni Aria.“Walang problema, ako na ang bahala, pulido kaming magtrabaho.Basta ba maayos kang magbayad.” Nakangising sagot nito sa akin.Napangiti ako sa tinuran ng lalaki, may hitsura ang lalaki dahil maputi ito at malaki ang katawan na halatang batak sa trabaho.Isang matalim na ngiti ang sumilay sa aking labi habang humahakbang palapit sa kan’ya.Dumantay ang palad ko sa malapad nitong dibdib at bahagyang hinimas iyon.Sa ilang taon na pagsasama namin ni Lorenzo, ni minsan ay hindi man lang ako nito tinikman, ang pakikitungo nito sa akin ay kasing lamig ng yelo.Kung minahal lang sana ako ni Lorenzo marahil ay maayos sana ang aming pagsasama ngunit sa tuwina ay laging si Zarina ang laman ng puso’t-isipan nito.Sinunggaban kaagad ng lalaki ang aking mga labi, mapusok naming pinagsaluhan ang isang halik na tila uhaw sa isa’t-isa.May pagmamadali ang bawat kilos ng aming mga kamay na hinubad ang lahat ng saplot ng aming mga katawan.Walang pakialam kahit na kapwa estranghero sa isa’t-isa, ang mahalaga ng mga oras na ito ay matugunan ang tawag ng laman.“Ipagkakatiwala ko na sayo ang lahat, siguraduhin mo na malinis ang trabaho ng mga tao mo.Ayoko na masira ang lahat ng plano ko ng dahil sa kapalpakan ninyo.” Seryoso kong wika habang nakatingin sa kisame.Katatapos lang ng isang mainit na tagpo sa pagitan namin ng lalaking ito.Ngunit ang magaling na lalaki ay mukhang hindi kuntento sa isang round lang dahil nanatili pa rin ito sa ibabaw ng aking katawan habang patuloy sa marahang paggalaw.“N-narinig mo ba ang sinabi ko?” Paungol na tanong ko sa kanya.“Mamaya na natin pag-usapan yan hindi pa ako tapos sayo.” Hinihingal nitong sagot sa akin.Tuluyan na akong nawala sa aking katinuan ng marahas na nitong angkinin ang aking katawan.”“Y-yaya…” natatakot na sambit ni Aria ng biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang dalawang armadong lalaki na pawang may mga hawak na baril.Mahigpit na nag yakap ang dalawa ramdam ng bawat isa ang panginginig ng kanilang mga katawan dahil sa matinding takot.“S-sino kayo? Anong gagawin ninyo sa akin? Bitawan n’yo ako!” Nahihintakutan na tanong ng Yaya ni Aria ng hawakan siya ng mga ito sa magkabilang balikat at kaladkarin palabas ng kwarto.“Yaya! Saan n’yo dadalhin ang Yaya ko?” Umiiyak na tanong ni Aria ngunit hindi siya pinansin ng mga ito hanggang sa isarado nila ang pintuan at naiwan siyang mag-isa sa loob.“Yaya…” nagsusumamo na sigaw ni Aria habang patuloy itong umiiyak.Naupo siya sa sahig at niyakap ang kan’yang mga tuhod.Sa tagal niyang nanatili sa madilim na kwarto ay nasanay na ang mga mata niya sa dilim.Nang mga sandaling ito ay binalot ng pangamba at ng matinding takot ang kan’yang puso, tanging pag-iyak lang ang kaya niyang gawin.Biglang sumagi sa isipan ng bata ang mga sinabi sa kan’yang Yaya, mahigpit na ikinuyom ang dalawang maliit na kamay.Ang takot sa puso’y dagling naglaho napalitan ito ng poot at galit.“Tama si Yaya darating ang panahon na magbabayad kayo sa lahat ng ginagawa nyo sa akin at hihintayin ko ang pagkakataong iyon.” Umiiyak na bulong nito sa sarili bago pinahid ang mga luha sa kan’yang pisngi.Makikita sa mukha ni Aria ang determinasyon na malampasan ang lahat ng hirap na kanyang nararanasan sa kasalukuyang sitwasyon.“Señora may mga tao po sa labas na naghahanap kay señorita Aria.” Sabi ng isang katulong kay Lyra, bakas ang takot sa mukha nito.Lumalim ang gatla sa noo ni Lyra dahil sa labis na pagtataka.Wala siyang Ibang alam na pwedeng maghanap sa anak ni Lorenzo maliban kay atty. Thompson.Ilang segundo lang ang lumipas ay namangha si Lyra ng mula sa pintuan ay biglang pumasok ang isang matangkad at gwapong binata na nakasuot ng black, 3 piece suit.Mula sa matikas na pangangatawan ay malalaman mo na hindi siya isang ordinaryong tao. Ang awra nito ay naghuhumiyaw sa kapangyarihan, halata na mula ito sa mataas na estado ng lipunan dahil sa mamahaling kasuotan nito.Nakakatakot kung makatitig ang itim nitong mga mata na tila ba inaarok ang buong pagkatao mo.Nanatiling blangko ang mukha nito, kaya kay hirap basahin kung ano ang tumatakbo sa isip ng binata.At base sa expression ng kan’yang mukha ay siya ang klase ng taong hindi mo dapat pinaghihintay.Napalunok si Lyra, hindi niya alam kung bak
“Eleven Years Later”Biglang nataranta ang lahat dahil sa pagdating ng isang mamahaling sasakyan, nagmamadaling kumilos ang lahat ng empleyado nang Smith Auto Luxury Company at nagtipon ang mga ito sa bungad ng lobby upang salubungin ang pagpasok ng kanilang boss.Bumukas ang pintuan ng kotse at bumaba ang isang pares ng makintab na sapatos.Sabay-sabay na yumukod ang lahat ng tuluyang makababa si Harris sa kan’yang sasakyan.Wala kahit isa sa kanila ang may lakas ng loob na magtaas ng tingin upang tingnan ang mukha ng binata.Walang pakialam na humakbang papasok sa loob ng kan’yang kumpanya ang binata habang nanatiling seryoso ang expression ng mukha nito.“Mga walang silbi ang mga taong kinuha mo, ilang taon na ang nakaraan hanggang ngayon ay hindi n’yo pa rin nakikita si Aria.” Mahina ngunit may diin na pahayag ng binata sa kan’yang tauhan na si James habang patuloy sila sa paglalakad.Mas pinili ni James ang tumahimik at tanggapin ang galit ng kan’yang boss dahil kilala niya ang u
Aria’s POVNapabalikwas ako ng bangon nang biglang tumunog ang maliit na alarm clock na nakalagay sa bandang uluhan ko.Ala-una na ng madaling araw kaya nagmamadali akong tumayo at isinuot ang aking tsinelas.Sa maraming taon na lumipas ay masasabi ko na parang huminto ang buhay ko, dahil sa matinding kalungkutan. Tanging ang apat na sulok ng kwarto na ito ang naging saksi sa lahat ng hirap na dinanas ko sa kamay ng aking stepmother.Sa gabi lang ako maaaring lumabas at kailangan bago mag-alas tres ay matapos ko na ang lahat ng gawain ko.Para akong multo sa sarili kong tahanan dahil walang nakakaalam na nag-eexist pa ako dito sa mundo.Buong maghapon ay nakakulong lang ako sa loob ng aking kwarto, bawal akong lumabas, bawal akong magsalita o gumawa ng anumang ingay.Buong araw din akong hindi kumakain, nakakakain lang ako tuwing gabi kaya para makasurvived sa malaimpyernong buhay na ito ay palihim akong nagtatago ng pagkain upang may makain ako kahit kaunti sa buong maghapon.Sa tuwi
“Mommy, may hinala ako na nakita ni Mr. Smith ang babaeng iyon!” Naghi-hysterical na wika ni Chelsy sa kan’yang ina.“Anong sabi mo?” Naguguluhan na tanong ni Lyra sa anak.“Yes, Mommy, narinig ko ng utusan ni Mr. Smith ang mga tauhan niya upang hanapin ang isang babae.Nagulat din ako ng biglang nagbago ang pakikitungo niya sa akin, kaya sigurado ako na nakita niya ang babaeng iyon!” Naluluha na pahayag nito sa ina.Kasalukuyan silang nasa loob ng kwarto ni Lyra at ngayon lang sila nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap ng makaalis na si Harris at ang mga tauhan nito.“Don’t cry, Sweetheart, dahil sisiguraduhin ko na hindi mangyayari ang kinatatakutan mo, at kung sakaling muling magkita ang dalawa ay sigurado ako na si Mr. Smith na mismo ang lalayo kay Aria.Kaya ituloy mo lang ang pagpapanggap hanggang sa tuluyang mahulog sayo ang loob ni Mr. Smith.” Balewalang pahayag ni Lyra sa anak habang nakataas ang gilid ng bibig nito.Natigilan si Chelsy sa narinig mula sa kan’yang ina at u
Aria’s POVPagsapit ng hating gabi ay biglang bumukas ang pintuan, mabilis akong bumangon at sumiksik sa pader ng pumasok si mama Lyra sa loob ng aking kwarto.Hindi ito nag-iisa dahil mula sa likuran nito ay nakasunod ang isang may katandaan ng lalaki.Tanging ang ilaw mula sa labas ng kwarto ang nagbibigay liwanag sa loob ng kwarto na kinaroroonan ko kaya bahagya pa akong nasilaw dahil hindi sanay na makakita ng liwanag ang aking mga mata.“Sigurado ka ba na hindi ako sasabit sa babaeng ito Lyra?” Naniniguradong tanong ng matandang lalaki kay mama Lyra.“Ulila na yan, kaya wala ng maghahabol pa sa babaeng ‘yan, pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo sa kan’ya at higit sa lahat ay birhen pa ang isang yan.” Nakangising sagot ng aking madrasta sa lalaki.Tila natuwa ang lalaki sa kan’yang narinig at malagkit na tingin ang ipinukol nito sa akin kaya nakadama ako ng takot sa mga titig nito.“Naideposito mo na ba ang pera sa bank account ko?” Narinig kong tanong ni mama Lyra.“Tulad ng na
Harris POVSimula ng maka-encounter ko ang éstranghérang babae ay hindi na ako mapakali at para akong masisiraan ng ulo sa kakaisip sa babaeng iyon.Lalo na kapag naaalala ko ang malambot nitong mga labi na tila hinihigop ang lahat ng lakas ko.Hindi ko maintindihan ang aking sarili kung bakit pagdating sa babaeng iyon ay nawawala ang kontrol ko sa sarili at bigla akong nakadama ng matinding pananabik para sa kan’ya.Di yata’t tinangay nito ang puso ko dahil labis akong nasaktan ng hindi ko na naramdaman ang presensya nito sa aking tabi.Nakapagtataka na kay bilis niyang nawala, hinalughog na ng mga tauhan ko ang buong paligid ngunit bigo sila na mahanap ang babae.Pakiramdam ko ay puno ng sikreto ang tahanan ng mga Lynch at iyon ang nais kong tuklasin.Bago ako umalis sa bahay ng mga Lynch pinaiwan ko sina James upang lihim na magmatyag sa bawat kilos ng stepmother ni Aria.Mula ng makadaupang palad ko ang éstranghérang babae ay tuluyan na akong nawalan ng gana kay Aria.Walang akong
Harris POVNapalingon ako sa pintuan ng bathroom ng maramdaman ko ang presensya ni Collin.Nahihiya na lumabas ito mula sa pintuan at hindi ko maiwasan ang matulala sa kagandahan niyang taglay.Bumagay sa kan’ya ang malaking t-shirt’s ko na umabot hanggang kalahati ng hita niya.Pinagamit ko muna kasi sa kan’ya ang damit ko dahil hindi pa dumarating ang mga pinabili kong damit para sa dalaga.Ang suot niyang panloob ay ang short trunks ko na itinali ko na lang ng mahigpit upang hindi siya mahubaran.“K-kuya, o-okay k-ka la-lang?” Nahihirapan niyang bigkas, bigla akong natauhan ng marinig ko ang boses nito.Mabilis akong tumayo saka lumapit sa kanya at inalalayan ito na makaupo sa gilid ng kama. “Maupo ka muna at gagamutin ko ang mga sugat mo.” Anya bago kinuha ang medicine kit habang ito ay tahimik lang na nakamasid sa akin.“Ngayon, pwede mo na bang sabihin sa akin kung ano ang nangyari sayo? At sino ang may gawa nito sayo?” Malumanay na tanong ko sa kan’ya.Napansin ko na hindi ito
Harris POVAlas nuebe na ng gabi ako nakauwi sa bahay dahil pagkatapos kong makipagkita kay Chelsy ay dumiretso ako sa aking opisina.Inuwi ko sa bahay ang lahat ng trabaho ko para may kasama si Collin.Pagpasok ko pa lang sa pinakamaindoor ng bahay ay sinalubong na kaagad ako ng kasambahay halata na balisa ito.“Y-young Master, kaninang umaga pa hindi lumalabas ng kwarto si Collin, hindi kami makapasok sa loob dahil nakakandado ang pintuan.” Natataranta nitong wika, halos takbuhin ko na ang hagdan para mabilis na makarating sa aking kwarto.Dinukot ko ang susi sa bulsa ng suot kong pantalon at saka binuksan ang kwarto.Sa pagbukas ko ng pintuan ay tumambad sa akin ang madilim na loob ng kwarto kaya hindi ko makita si Collin.“Collin!” Tawag ko sa pangalan nito ngunit wala akong narinig na anumang sagot mula sa dalaga.Pinindot ko ang switch ng ilaw at kumalat ang liwanag sa buong kwarto, napansin ko ang pagkain sa lamesa na hindi man lang nagagalaw at sa tingin ko ay kaninang umaga pa
Hareth’s Point of view“Pare, kinakabahan ako sa surpresa n’yo na ‘to may pa blindfold pa kayong nalalaman.” Ani ko kay Jasper at Lorence, kasama ang iba pa naming kaibigan na kasamahan namin sa racing.“Sisihin mo ‘yang si Lorence siya ang may pakana ng lahat ng ito.” Sagot ni Jasper habang tumatawa, dahan-dahan akong humakbang habang inaalalayan ako ni Jasper paupo sa may sofa.Naririnig ko ang tawanan at hiyawan ng mga kaibigan ko ng pumailanlang sa buong kwarto ang isang maharot na tugtugin.Tinanggal ni Lorence ang tali sa aking mga mata kaya tumambad sa aking paningin ang madilim na kwarto at ang tanging nagbibigay liwanag ay ang ibat-ibang kulay ng ilaw na umiikot sa paligid kaya nagmukhang disco ang loob ng kwarto na aming kinaroroonan. Ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang isang malaking kahon na nasa gitna, hindi pa man nabubuksan ito ay kinakabahan na ako dahil nahihinuha ko na kung ano ang laman ng malaking kahon.Isang linggo na lang kasi ay magaganap na ang pag-iisang
Hareth Point of viewNaalimpungatan ako ng maramdaman ko na gumalaw sa aking tabî si Angela kaya nagmulat ako ng aking mga mata. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Inaantok kong tanong sa kanya, habang hinahaplos ang makinis niyang pisngi. Alas siyete na ng umaga nang magising ito at nanatili pa rin kaming nakahiga sa kama.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa bibig nito bago humarap sa akin, yumakap sa aking katawan ang isang braso nito bago ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib.“Masarap ang tulog ko kasi katabi kita, salamat.” Malambing niyang saad, mahigpit ko siyang niyakap habang masuyong hinahaplos ito sa likod. May isang buwan na rin kaming namamalagi dito sa resort, dahil kailangan ni Angela ng isang tahimik at payapang lugar na makakatulong sa kanyang paggaling. Naghilom na ang sugat nito sa balikat kaya masasabi kong magaling na ito sa physical na antas ngunit hindi sa emosyonal na aspeto.Pagkatapos ng insidente na iyon ay malaki ang naging epekto nito sa mental health
“Young masyer! A-ang mommy n’yo naaksidente!” Nagulat si Hareth sa biglaang pagpasok ng isang nurse sa loob ng kwarto, namumutla na ang mukha nito at halata ang labis na pagkataranta ng nurse na wari mo ay may kinatatakutan.Nang marinig ni Hareth ang sinabi nito ay natataranta siyang tumayo bago lumingon ang sa kanyang tauhan.“Maiwan ka dito bantayan mong mabuti ang asawa ko.” Utos niya sa lalaki, mabilis itong nagyuko ng ulo bilang tugon sa kanya.Isang mabilis na sulyap ang ginawa niya sa asawa na nakaratay sa higaan, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito nagigising.Nagmamadali na lumabas siya ng kwarto at naiwan ang isang katulong pati ang isa sa kanyang bodyguard na nagbabantay sa may pintuan ng kwarto.Malaki ang mga hakbang ni Hareth palabas ng hospital habang pilit na tinatawagan ang kanyang ina sa number nito.Makailang ulit niyang sinubukan na tawagan ang ina ngunit wala talagang sumasagot.Mabilis na pinasibat ang sasakyan palayo ng hospital, habang sa kanyang likuran
Angela’s Point of viewNagising ako ng maramdaman ko na may nakatitig sa aking mukha at sa tingin ko ay may ilang minuto ng nakatayo sa aking paanan ang isang estranghero. Kahit hindi ko nakikita kung sino ito ay ramdam ko ang mabigat na enerhiyang dala nito na may kaakibat na panganib. May ilang segundo na rin akong gising ngunit mas pinili ko na mag-kunwaring tulog at makiramdam sa aking paligid.Ilang sandali pa, narinig ko ang mga yabâg nito tungo sa kanang bahagi ng kama.Ramdam ko ang bawat kumpas ng kanyang mga kamay maging ang pag-angat ng isang braso nito sa ere, hanggang sa isang iglap ay mabilis kong nasalo ang braso nito na paparating sa aking mukha. Hindi nga ako nagkamali ng sapantaha ng sa pagmulat ng aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang dulo ng isang patalim na gahibla na lang ang layo sa dibdib ko.Isang lalaki na nakasuot na pang nurse na uniporme ang siyang may hawak ng patalim at nakikita ko mula sa kanyang mga mata ang determinasyon na patayin ako ni
Angela’s Point of viewUmangat ang dalawang daliri ko sa ere bago sumenyas ito pauna habang seryosong nakatingin sa unahan. Kahit hindi ako tumingin sa aking mga kasamahan ay alam ko na alerto silang lahat sa bawat signal na ginagawa ko.Pagkatapos na sumenyas ay nag simula ng kumalat ang kasamahan ko sa paligid habang bitbit ang kanilang mga baril, kasalukuyan kaming nasa mission ngayon at masasabi ko na isa ito sa pinaka delikadong misyon ng aking grupo.Napaka tahimik ng buong paligid, ngunit sa kabila ng payapang gabi ay nagbabadya ang isang matinding laban sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at ng mga militar.Makapigil hininga ang bawat segundo na lumilipas dahil nakasalalay sa misyong ito ang aming mga buhay.Tumingin ako sa relo na nasa bisig ko at ilang minuto na lang ay sisimulan na naming lumusob sa kampo ng mga rebelde upang iligtas ang kanilang mga bihag. Maingat ang bawat galaw ng aking mga kasamahan, iniiwasan na gumawa ng anumang kaluskos upang hindi malaman ng kalaban
Hareth point of view“Salamat, Hareth, hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa.” Nakikita ko ang katapatan niya sa kanyang mga salita kaya alam ko na walang halong pagkukunwari ito. Sabay pa kaming napangiti ni Margareth na wari mo ay malapit na magkaibigan, bago siya tuluyang nagpaalam sa akin.Nakangiti na akong lumabas ng comfort room at bumalik sa table na kinaroroonan ng aking mga kaibigan.“Oh, Par, nasaan si Angela?” Nagtataka na tanong sa akin ni Jasper na siyang ikinataka ko, halos magdikit na ang mga kilay ko dahil sa tanong nito.“Ang tagal mo kasing bumalik kaya sumunod na siya sa restroom, hindi ba kayo nagkita?” Naguguluhan na tanong niya sa akin, huli na bago ko pa maunawaan ang lahat. Mabilis na inikot ang buong paligid nagbabakasakali na matagpuan ko ko ito ngunit hindi ko nakita ang aking asawa. Maging sina Jasper ay sinubukang hanapin si Angela ngunit maging sila ay bigo na mahanap ito.Nagmamadali na tinungo ko ang kinapaparadahan ng aking sasakyan at halos palipa
Hareth Point of view“Honey, ayaw mo ba akong samahan? Remember ngayon ang anniversary ng organization namin sa racing.” Pangungulit ko sa aking asawa, ni hindi man lang ito nag-abalang magmulat ng kanyang mga mata ng sumagot sa akin.“Susunod na lang ako, mauna ka na, gusto ko pang matulog eh, kahit thirty minutes lang, please Honey.” Ani niya sa tono na tila nakikiusap. Hindi ko naman siya masisisi kung bakit tinatamad itong bumangon dahil masyado siyang napagod sa pag-aasikaso para sa nalalapit naming kasal. Hindi ko na kasi siya nasamahan dahil nagkaroon ng emergency meeting sa kumpanya, maaga naman akong nakauwi ngunit halos sabay lang kaming dumating ng bahay.“Sure ka, na susunod ka?” Naninigurado kong tanong sa kanya bago ito hinalikan sa labi habang masuyong hinahaplos ang kanyang likod.“Yeah, promise.” Inaantok niyang sagot sa akin, halata ang matinding pagod sa maganda niyang mukha. Tumayo na ako upang makapag palit ng damit at bago pa ako tuluyang lumabas ng kwarto ay mul
“And now you may kiss the bride.” Anunsyo ng Judge na siyang nagkasal sa aming dalawa ni Hareth. Napakabilis ng mga pangyayari, dahil sa pagkakaalam ko ay ipinatawag lang kami ni tita Zaharia upang kausapin. Ngunit laking gulat ko ng pagdating namin sa mansion ng mga Smith ay may naghihintay ng Judge na siyang magkakasal sa aming dalawa.Hindi ako malapaniwala na wala pang isang oras ang lumipas ay may asawa na kaagad ako. Nilibot ko ang aking paningin at tanging ang mga nakangiting mukha ng lahat ang siyang nakapalibot sa akin.“Congratulations, Iha, sa wakas natupad na rin ang pangarap ko na ikaw ang mapangasawa ng aking anak.” Ani ni tita Zaharia bago mahigpit akong niyakap nito kaya gumanti ako ng isang mahigpit na yakap sa kanya.“Maraming salamat, tita.” Ani ko, ngunit biglang sumimangot ang mukha nito kaya nagkatawanan ang lahat.“My Ghod, Angela, hanggang ngayon ba ay tita pa rin ang tawag mo sa akin? Talaga bang mahirap para sayo ang tawagin akong mommy?” Nagtatampo niyang tu
Angela’s Point of viewNakakailang, iyon ang nararamdaman ko ng mga oras na ito ngunit wala akong magawa kung hindi ang tahimik na tumayo sa tabi ni Hareth.Nandito kami ngayon sa isang magarbong pagtitipon dahil kaarawan ng isa sa mga business partner ng mga Smith. Wala akong nagawa ng sapilitan akong isinama ni Tita Zaharia bilang escort ng kanyang anak.Walang ideya ang ginang sa kung ano ang nangyayari sa pagitan namin ng kanyang anak. Nangako naman sa akin si Hareth na walang makakaalam sa kung anong relasyon ang meron kami. Gusto ko kasi na maging pribado ang lahat para walang mapag-usapan ang mga tao sa aming paligid kung sakaling dumating ang panahon na kailangan na naming maghiwalay.Nang araw na sabihin ko kay Hareth na tinatanggap ko lang siya bilang kaibigan ay wala akong natanggap na anumang reaksyon mula sa kanya, ngunit ng ibalik ko ang singsing na binigay niya sa akin ay basta na lang ako nito tinalikuran at umalis na lang ito ng bahay ng walang paalam.“Hi, babe! How