Share

Chapter 4

Aria’s POV

“Sweetie, aalis na si daddy baka malate ako ng uwi mamayang gabi, kaya huwag mo na akong hintayin.” Malambing na wika ng daddy ko habang karga ako nito sa kanang braso.

“Dad, pwede ba na huwag ka na lang muna pumasok sa work mo? Saturday naman eh, mamasyal ulit tayo, tapos isama natin si ate Chelsy.” Naglalambing kong request sa aking ama bago niyakap ito ng mahigpit sa leeg.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ng mga oras na ito, parang ayoko na mawala sa aking paningin si daddy at kahit kasama ko ito ngayon ay namimiss ko pa rin siya.

Nakita ko na lumapad ang kan’yang ngiti bago nanggigigil na hinalikan ang matambok kong pisngi.

“Naglalambing ang baby ko, don’t worry tomorrow babawi ako, ipapasyal kita sa lahat ng lugar na nais mong puntahan.” Magiliw nitong sagot sa akin.

“Promise po?” Naninigurado kong tanong.

“Promise…” nakangiti niyang sagot bago dinampian ng isang mariin na halik ang aking noo.

Ipinikit ko ang aking mga mata at nilasap ang pagmamahal ng aking ama, hinalikan ko si daddy sa kan’yang pisngi bago muling niyakap ito ng mahigpit.

Ramdam ko ang mainit na palad ni daddy na banayad na humahaplos sa aking likod, bahagya pa akong isinasayaw nito na akala mo ay isang sanggol na pinaghehele.

“Aalis na si daddy, sweetie,” malambing na paalam ni daddy sa akin bago bumaling kay Yaya.

“Yaya, alagaan mong mabuti ang prinsesa ko.” Seryosong bilin nito na may halong pakiusap kay Yaya, “yes, Sir.” Mabilis nitong sagot.

Ibinaba na ako nito at kinuha ang kan’yang attache case sa isang katulong na nakatayo sa gilid.

“Bye, Daddy, I love you!” Malakas kong sigaw habang kumakaway sa kan’ya bago nag flying kiss.

Nakangiti itong kumaway sa akin bago sumakay sa kan’yang kotse.

Nang mawala na sa aking paningin ang sasakyan ni daddy ay saka pa lang ako pumihit paharap sa loob ng bahay.

Sa pagharap ko ay sumalubong sa akin ang matalim na tingin ni Mama Lyra at ni ate Chelsy.

Sa loob ng anim na buwang lumipas ay hindi man lang nila ako kinakausap, pero kapag kaharap si daddy ay mabait naman sila sa akin.

“Anong itinatanga-tanga mo diyan? Pasok sa kwarto, ayoko na pakalat-kalat ka dito sa pamamahay ko!” Paasik na wika ni Mama Lyra bago ako tinalikuran nito.

Ganito ang pakikitungo niya sa akin sa tuwing nasa trabaho si daddy.

Malungkot na sumunod na lang ako sa kan’ya para hindi na ito magalit pa sa akin, kahit ang yaya ko walang imik na nakabuntot sa aking likuran.

“Ate Chelsy, pwede mo ba akong tulungan sa homework ko?” Malambing kong tanong sa aking kapatid.

Ang sabi kasi ni Daddy sa akin ay ate ang itawag ko sa kan’ya dahil mas matanda daw ito sa akin ng tatlong buwan.

Bigla itong lumingon sa akin habang nanlilisik ang mga mata nito sa galit na nakatingin sa akin.

Hindi ko alam kung bakit sila galit sa akin gayong ginagawa ko naman ang lahat para maging isang mabuting bata.

Kapag sinabi nila na sa kwarto lang ako, buong maghapon ay nakakulong lang talaga ako sa loob ng kwarto.

Minsan na pinaglinis nila ako ng bahay, hindi na ako nagreklamo pa tahimik ko silang sinunod.

Umaasa kasi ako na isang araw ay magustuhan rin nila ako at maging masaya kami na tulad ng isang masayang pamilya.

“Stay away from me! And I don’t want to see your face! You're so ugly and I hate aliens like you!” Bulyaw nito sa akin sa malakas na tinig.

Pagkatapos sabihin iyon ay malakas akong tinulak nito kaya paupo akong bumagsak sa sahig.

Naluluha na nag-angat ako ng aking paningin at tumitig sa kan’yang mga mata.

“Bakit ba ayaw mo sa akin? Wala naman akong ginagawang masama sayo.” Umiiyak kong tanong sa kan’ya.

“You are not my sister! And hindi kita kaano-ano! I hate you!” Pagkatapos sabihin iyon ay lumapit ito sa akin at mahigpit na hinawakan ang mahaba kong buhok.

Pumalahaw ako ng iyak dahil nasasaktan na ako sa pananabunot niya sa aking buhok habang paulit-ulit niyang sinisigaw ang salitang “I hate you!”

“Tama na, please huwag ka ng magalit sa akin, Yaya!” Umiiyak kong sabi bago humingi ng tulong sa aking Yaya.

“Diyos ko, tama na yan Chelsy!” Awat ni Yaya kay ate Chelsy at sinikap na ilayo ito sa akin.

“How dare you touch my daughter?” Mariin at galit na sabi ni Mama Lyra bago hinila sa braso si Yaya at isang malakas na sampal ang binigay nito sa pisngi ng aking Yaya.

“Enough, sweetheart, malambing nitong saway sa anak bago bumaling sa akin.

“Sinong may sabi sayo na lumabas ka ng kwarto mo? Matigas talaga ang ulo mo! Dapat sayo ay turuan ng leksyon para mag-tanda ka sa sunod!” Hinablot niya ang kaliwang braso ko bago hinila pataas.

“PAK!” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaliwang pisngi ko kaya muli akong bumagsak sa sahig.

Wala akong nagawa kung hindi ang pumalahaw ng iyak dahil sa sakit.

Nakita ko ang matalim na ngiti ni Chelsy na tila nasisiyahan sa ginawa sa akin ng kan’yang ina.

“Sa lahat ng ayoko ay ang maingay!” Bulyaw sa akin ni Mama Lyra bago dinakot ang kaliwang braso ko at hinila ako nito paakyat ng hagdan.

“Ma’am, ano pong gagawin n’yo sa alaga ko?” Kinakabahan na tanong ni yaya kay Mama Lyra.

“Huwag kang makialam dito kung ayaw mong pati ikaw ay ikulong ko kasama ng alaga mo!” Anya kay Yaya habang dinuduro ito ng kan’yang hintuturo.

“Mama Lyra, parang awa mo na, tama na po, pangako magbibehave na po ako, hindi na po ako lalabas sa kwarto ko.” Pagsusumamo ko sa kanya ngunit tila bingi ito at patuloy akong kinaladkad papunta sa isang kwarto na walang gumagamit.

Pagkatapos buksan iyon, akala ko ay bibitawan na ako nito ngunit patuloy pa rin ito sa paghila sa akin hanggang sa huminto kami sa harap ng isang malaking aparador.

“Itulak mo!” Utos nito sa aking yaya, dala ng matinding takot ay kaagad na sumunod ito at itinulak niya ang aparador.

Tumambad sa amin ang isang puting pintuan na nakasarado.

Isinuot nito ang susi sa may susian at saka binuksan ang pinto.

“Inihanda ko talaga ito para sa iyong ina, but since patay na pala si Zarina ikaw na lang ang makikinabang nito.” Nakangisi nitong sabi sa akin, mababanaag mo sa kan’yang mga mata ang matinding pagkasuklam para sa akin.

Pagkatapos sabihin iyon ay malakas akong tinulak nito sa loob ng madilim na kwarto.

“Mama Lyra! Huwag po, ayoko dito parang awa mo na! Ayoko dito!” Patuloy ako sa pagmamakaawa ng hindi humihinto sa pag-iyak hanggang sa isinarado na nito ang pintuan kaya tuluyang dumilim ang buong kwarto.

Walang laman ang kwarto maliban sa ilang mga kahon na nakatambak sa isang sulok.

Tanging isang maliit na exhaust fan lang ang nagbibigay hangin sa kwartong ito dahil wala man lang bintana at pawang mga pader ang dingding ng kwarto.

Isang maliit na liwanag lang ang nakikita ko na nagmumula sa siwang ng maliit na exhaust fan,

Napakainit sa loob at pakiramdam ko ay nasosofocate na ako.

Humihikbi na umupo ako sa sahig, niyakap ko ang aking dalawang tuhod.

“Daddy, Mommy, natatakot po ako…” anya sa garalgal na tinig habang mahigpit na yakap ang aking mga tuhod.

Puno ng takot ang puso ko at nang mga sandaling ito ay wala akong magawa kung hindi ang umiyak lang sa isang sulok.”

Napalingon si Lyra sa telepono na nasa kan’yang tabi ng bigla itong mag ring, isang makahulugang ngiti ang sumilay sa mga labi nito na tila may inaasahang tawag.

Inihanda muna niya ang sarili bago inangat ang telepono.

“Hello,” malambing niyang sagot.

“Good afternoon Ma’am, dito po ba nakatira si Mr. Lorenzo Lynch?” Tanong ng boses lalaki mula sa kabilang linya.

“Yes, dito nga, and I’m Mrs. Lynch, anong maipaglilingkod ko sa inyo?” Anya sa malumanay na tinig.

“Mrs. Lynch, huwag po sana kayong mabibigla ngunit ang asawa mo ay nabangga sa isang poste at kasalukuyan siyang nasa ICU, nag-aagaw buhay.”

“Hindi! Ang asawa ko…” humagulhol ng iyak si Lyra ngunit wala namang luha na lumalabas sa mga mata nito halatang umaakting lang ito.

Pagkatapos makuha ang address ng hospital ay nagmamadali na niyang tinungo ang kan’yang sasakyan.

Pagdating sa hospital ay natigilan si Lyra ng datnan niya sa harap ng operating room ang abogado ng kan’yang asawa, si Atty. Thompson.

“Atty. Thompson, Si Lorenzo? Kumusta ang asawa ko?” Tanong niya dito habang umiiyak.

Seryoso naman itong tumingin kay Lyra bago nagsalita.

“Kritikal ang lagay ni Lorenzo at ayon sa mga pulis ay hindi aksidente ang lahat, sinadyang tanggalin ang preno ng kotse nang aking kaibigan.” Seryosong pahayag nito ng hindi inaalis ang tingin sa mga mata ni Lyra.

Biglang kinabahan si Lyra ngunit dagli rin niyang hinawi ang sarili upang maitago ang ibang emosyon na maaaring makita ng abogado sa kan’yang mukha.

“Kung sino man ang nasa likod ng lahat ng ito ay sisiguraduhin ko na makukulong siya.” Ang galit na wika ni Lyra bago humagulhol ng iyak upang hindi mahalata ng abogado na siya ang nasa likod ng lahat.

Iniisip ni Lyra na marahil ng mga sandaling ito ay isa na siya sa pinaghihinalaan ng abogado.

Madali nitong malalaman kung guilty ang isang tao dahil bihasa na ito sa kan’yang propesyon.

Idinaan ni Lyra ang lahat sa pag-iyak upang mawalan ng pagkakataon ang abogado na magtanong sa kan’ya.

Napalingon silang dalawa ng biglang bumukas ang pintuan ng operating room at lumabas ang isang doctor.

“Nais makausap ng pasyente si Atty. Thompson.” Anya ng doctor na may pag-aatubili ang tinig nito.

“Teka, ako ang asawa, dapat ako ang kailangan na makausap ni Lorenzo! Kailangan niya ako ngayon!” Galit pahayag ni Lyra habang patuloy sa pag-iyak.

Ngunit hindi na ito pinansin ng doctor at kaagad na pinapasok ang abogado sa loob ng operating room.

Walang nagawa si Lyra kung hindi ang maglakad pabalik-balik, hindi mapakali habang magkasalikop ang dalawang kamay nito.

“A-ang anak ko… Aria… h-huwag mo s-siyang pababayaan… i-ikaw… na ang… hah, hah… b-ba.. ha…” hindi na natapos ni Lorenzo ang sasabihin at tuluyan na itong nalagutan ng hininga.

Naikuyom ni Thompson ang mga kamay dahil sa matinding galit.

“Huwag kang mag-alala poprotektahan ko ang anak mo kukunin ko siya kay Lyra.” Matigas na wika ni Atty. Thompson sa kanyang kaibigan habang tahimik na umiiyak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status