Hareth point of view“Salamat, Hareth, hangad ko ang kaligayahan ninyong dalawa.” Nakikita ko ang katapatan niya sa kanyang mga salita kaya alam ko na walang halong pagkukunwari ito. Sabay pa kaming napangiti ni Margareth na wari mo ay malapit na magkaibigan, bago siya tuluyang nagpaalam sa akin.Nakangiti na akong lumabas ng comfort room at bumalik sa table na kinaroroonan ng aking mga kaibigan.“Oh, Par, nasaan si Angela?” Nagtataka na tanong sa akin ni Jasper na siyang ikinataka ko, halos magdikit na ang mga kilay ko dahil sa tanong nito.“Ang tagal mo kasing bumalik kaya sumunod na siya sa restroom, hindi ba kayo nagkita?” Naguguluhan na tanong niya sa akin, huli na bago ko pa maunawaan ang lahat. Mabilis na inikot ang buong paligid nagbabakasakali na matagpuan ko ko ito ngunit hindi ko nakita ang aking asawa. Maging sina Jasper ay sinubukang hanapin si Angela ngunit maging sila ay bigo na mahanap ito.Nagmamadali na tinungo ko ang kinapaparadahan ng aking sasakyan at halos palipa
Angela’s Point of viewUmangat ang dalawang daliri ko sa ere bago sumenyas ito pauna habang seryosong nakatingin sa unahan. Kahit hindi ako tumingin sa aking mga kasamahan ay alam ko na alerto silang lahat sa bawat signal na ginagawa ko.Pagkatapos na sumenyas ay nag simula ng kumalat ang kasamahan ko sa paligid habang bitbit ang kanilang mga baril, kasalukuyan kaming nasa mission ngayon at masasabi ko na isa ito sa pinaka delikadong misyon ng aking grupo.Napaka tahimik ng buong paligid, ngunit sa kabila ng payapang gabi ay nagbabadya ang isang matinding laban sa pagitan ng mga rebeldeng grupo at ng mga militar.Makapigil hininga ang bawat segundo na lumilipas dahil nakasalalay sa misyong ito ang aming mga buhay.Tumingin ako sa relo na nasa bisig ko at ilang minuto na lang ay sisimulan na naming lumusob sa kampo ng mga rebelde upang iligtas ang kanilang mga bihag. Maingat ang bawat galaw ng aking mga kasamahan, iniiwasan na gumawa ng anumang kaluskos upang hindi malaman ng kalaban
Angela’s Point of viewNagising ako ng maramdaman ko na may nakatitig sa aking mukha at sa tingin ko ay may ilang minuto ng nakatayo sa aking paanan ang isang estranghero. Kahit hindi ko nakikita kung sino ito ay ramdam ko ang mabigat na enerhiyang dala nito na may kaakibat na panganib. May ilang segundo na rin akong gising ngunit mas pinili ko na mag-kunwaring tulog at makiramdam sa aking paligid.Ilang sandali pa, narinig ko ang mga yabâg nito tungo sa kanang bahagi ng kama.Ramdam ko ang bawat kumpas ng kanyang mga kamay maging ang pag-angat ng isang braso nito sa ere, hanggang sa isang iglap ay mabilis kong nasalo ang braso nito na paparating sa aking mukha. Hindi nga ako nagkamali ng sapantaha ng sa pagmulat ng aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang dulo ng isang patalim na gahibla na lang ang layo sa dibdib ko.Isang lalaki na nakasuot na pang nurse na uniporme ang siyang may hawak ng patalim at nakikita ko mula sa kanyang mga mata ang determinasyon na patayin ako ni
“Young masyer! A-ang mommy n’yo naaksidente!” Nagulat si Hareth sa biglaang pagpasok ng isang nurse sa loob ng kwarto, namumutla na ang mukha nito at halata ang labis na pagkataranta ng nurse na wari mo ay may kinatatakutan.Nang marinig ni Hareth ang sinabi nito ay natataranta siyang tumayo bago lumingon ang sa kanyang tauhan.“Maiwan ka dito bantayan mong mabuti ang asawa ko.” Utos niya sa lalaki, mabilis itong nagyuko ng ulo bilang tugon sa kanya.Isang mabilis na sulyap ang ginawa niya sa asawa na nakaratay sa higaan, hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin ito nagigising.Nagmamadali na lumabas siya ng kwarto at naiwan ang isang katulong pati ang isa sa kanyang bodyguard na nagbabantay sa may pintuan ng kwarto.Malaki ang mga hakbang ni Hareth palabas ng hospital habang pilit na tinatawagan ang kanyang ina sa number nito.Makailang ulit niyang sinubukan na tawagan ang ina ngunit wala talagang sumasagot.Mabilis na pinasibat ang sasakyan palayo ng hospital, habang sa kanyang likuran
Hareth Point of viewNaalimpungatan ako ng maramdaman ko na gumalaw sa aking tabî si Angela kaya nagmulat ako ng aking mga mata. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” Inaantok kong tanong sa kanya, habang hinahaplos ang makinis niyang pisngi. Alas siyete na ng umaga nang magising ito at nanatili pa rin kaming nakahiga sa kama.Isang matamis na ngiti ang sumilay sa bibig nito bago humarap sa akin, yumakap sa aking katawan ang isang braso nito bago ibinaon ang kanyang mukha sa aking dibdib.“Masarap ang tulog ko kasi katabi kita, salamat.” Malambing niyang saad, mahigpit ko siyang niyakap habang masuyong hinahaplos ito sa likod. May isang buwan na rin kaming namamalagi dito sa resort, dahil kailangan ni Angela ng isang tahimik at payapang lugar na makakatulong sa kanyang paggaling. Naghilom na ang sugat nito sa balikat kaya masasabi kong magaling na ito sa physical na antas ngunit hindi sa emosyonal na aspeto.Pagkatapos ng insidente na iyon ay malaki ang naging epekto nito sa mental health
Hareth’s Point of view“Pare, kinakabahan ako sa surpresa n’yo na ‘to may pa blindfold pa kayong nalalaman.” Ani ko kay Jasper at Lorence, kasama ang iba pa naming kaibigan na kasamahan namin sa racing.“Sisihin mo ‘yang si Lorence siya ang may pakana ng lahat ng ito.” Sagot ni Jasper habang tumatawa, dahan-dahan akong humakbang habang inaalalayan ako ni Jasper paupo sa may sofa.Naririnig ko ang tawanan at hiyawan ng mga kaibigan ko ng pumailanlang sa buong kwarto ang isang maharot na tugtugin.Tinanggal ni Lorence ang tali sa aking mga mata kaya tumambad sa aking paningin ang madilim na kwarto at ang tanging nagbibigay liwanag ay ang ibat-ibang kulay ng ilaw na umiikot sa paligid kaya nagmukhang disco ang loob ng kwarto na aming kinaroroonan. Ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay ang isang malaking kahon na nasa gitna, hindi pa man nabubuksan ito ay kinakabahan na ako dahil nahihinuha ko na kung ano ang laman ng malaking kahon.Isang linggo na lang kasi ay magaganap na ang pag-iisang
Chapter 1-Busy ang lahat ng tao sa loob ng San Lorenzo Hospital, may mga ilang Nurse na nagtutulak ng stretcher habang nakahiga ang isang pasyente na duguan at panay ang daing dahil sa sakit na nararanasan nito.Mula sa hallway ng hospital ay may isang pitong taong gulang na batang babae ang nakaupo sa isang waiting area, tahimik na nakamasid sa mga taong dumadaan sa kan’yang harapan.Sa kabila ng kainosentihan nito ay makikita ang kalungkutan sa maganda niyang mukha.Sa murang edad ay binalot na ng matinding pangamba ang puso ng batang babae dahil sa labis na pag-aalala para sa kanyang ina na kasalukuyang nasa loob ng emergency room ng hospital.Mag-isang nakaupo sa waiting area ang bata, naghihintay kung kailan lalabas ang kan’yang ina, wala siyang ideya kung ano talaga ang totoong kalagayan nito.Habang naglalakad sila ay bigla na lang itong bumagsak sa kalsada na kanilang dinadaanan.Mabuti na lang at may concern citizen na nagmalasakit sa mag-ina at kaagad na tinakbo sa hospital
Harris POVNapalingon ako sa batang si Aria na nakaupo sa aking tabi, nakasandal ito sa sandalan ng bangko habang nakayukyok ang ulo.Pilit nilalabanan ang antok at matiyagang naghihintay kung kailan matatapos ang operasyon ng ina nito.10:30 na ng gabi ngayon, nagsimula ang operasyon kaninang 9:00 o’clock, ang sabi ng doctor ay aabutin daw ang operasyon ng apat na oras.Kaya ngayon ay nandito kaming dalawa sa labas ng operating room at naghihintay kung kailan ito matatapos.May kung anong humaplos sa puso ko habang nakamasid sa makulit na batang ito hanggang sa kusang kumilos ang aking mga kamay.Inangat ko ito mula sa kan’yang kinauupuan at inilipat sa aking kandungan.Nag-angat ito ng mukha at nagtatanong ang namumungay nitong mga mata na tumingin sa akin.“Matulog ka muna at gigisingin na lang kita kapag natapos na ang operasyon.” Malambing kong wika, hindi na ito sumagot sa akin at kusa niyang isinubsob ang mukha sa aking dibdib bago yumakap sa katawan ko ang maliit nitong mga br