Share

Behind Her Innocence
Behind Her Innocence
Author: Dragon88@

Chapter 1

Chapter 1-

Busy ang lahat ng tao sa loob ng San Lorenzo Hospital, may mga ilang Nurse na nagtutulak ng stretcher habang nakahiga ang isang pasyente na duguan at panay ang d***g dahil sa sakit na nararanasan nito.

Mula sa hallway ng hospital ay may isang pitong taong gulang na batang babae ang nakaupo sa isang waiting area, tahimik na nakamasid sa mga taong dumadaan sa kan’yang harapan.

Sa kabila ng kainosentihan nito ay makikita ang kalungkutan sa maganda niyang mukha.

Sa murang edad ay binalot na ng matinding pangamba ang puso ng batang babae dahil sa labis na pag-aalala para sa kanyang ina na kasalukuyang nasa loob ng emergency room ng hospital.

Mag-isang nakaupo sa waiting area ang bata, naghihintay kung kailan lalabas ang kan’yang ina, wala siyang ideya kung ano talaga ang totoong kalagayan nito.

Habang naglalakad sila ay bigla na lang itong bumagsak sa kalsada na kanilang dinadaanan.

Mabuti na lang at may concern citizen na nagmalasakit sa mag-ina at kaagad na tinakbo sa hospital ang ina ni Aria.

May isang oras na siyang naghihintay at kanina pa siya nagugutom.

Wala naman siyang pera pambili ng pagkain kaya tinitiis na lang niya ang gutom na nararamdaman.

“Nasaan ang pamilya ng pasyente?” tanong ng Doctor sa Nurse.

Nang marinig ito ng bata ay mabilis itong tumayo at lumapit sa doctor na kalalabas lang ng emergency room.

“Doctor, kumusta po ang Mommy ko?” Nag-aalala na tanong ng batang babae sa doctor.

Luminga-linga ang doctor at biglang lumambot ang expression ng mukha nito nang makita niya ang isang inosente na batang babae na nakatayo mula sa kanyang likuran.

Humarap siya sa bata at saka lumuhod sa harapan nito upang magpantay ang kanilang mukha.

“Iha, ikaw lang ba ang kasama ng pasyente?” Malumanay na tanong ng doctor sa munting bata.

Mabilis itong tumango sa doctor.

Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ng doctor dahil iniisip niya kung paano ipapaliwanag sa batang babae ang totoong kalagayan ng ina nito.

“Nasaan ang daddy mo?” Muling tanong nito sa bata.

Malungkot na tumitig ang bata sa mga mata ng doctor bago sumagot.

“H-hindi ko po alam kung nasaan ang Daddy ko, Mommy lang po kasi ang meron ako.” Malungkot nitong sagot.

Nakadama ng awa ang doctor sa bata at sinikap na ipaunawa sa kanya ang kasalukuyang sitwasyon ng ina nito.

“Anong pangalan mo, Iha?” Malumanay na tanong ng doctor.

“Zaharia Lynch po.” Nakangiti nitong sagot, napangiti ang doctor dahil sa labis na pagkagiliw sa batang si Zaharia.

“Listen, Zaharia, kailangan na maoperahan ang iyong ina sa lalong madaling panahon kung hindi ay may posibilidad na mamatay ang Mommy mo.” Pahayag ng doctor sa malungkot na tinig.

Natigilan ang batang si Zaharia sa kan’yang narinig hanggang sa tuluyan na siyang umiyak at humawak sa damit ng butihing manggagamot.

“T-tulungan n’yo po ang mommy ko, doctor nakikiusap po ako, iligtas mo po ang mommy ko, hm?” Pagsusumamo nito sa doctor.

“Iha, wala ka na bang ibang kapamilya na maaari kong makausap?” Muling tanong ng doctor.

Malungkot na umiling ang batang si Zaharia.

Isang malalim na buntong hininga na naman ang pinakawalan ng doctor na tila problemado para sa munting bata na nasa kan’yang harapan.

“Zaharia, makinig ka, kailangan ng malaking halaga para maoperahan ang mommy mo at wala kasi akong kakayahan na tulungan ka para sa operasyon ng mommy mo.” Malungkot na paliwanag nito sa bata na sinisikap na ipaunawa ang lahat.

“G-gagawa po ako ng paraan, kapag po ba may pera na ako pwede n’yo ng operahan ang mommy ko?” Inosenting tanong ng batang si Zaharia.

Napangiti ang doctor dahil sa nakikita niyang katatagan ng bata.

“Yes, Iha, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para iligtas ang mommy mo.” Nakangiting sagot nito sa bata, dahil sa sinabi ng doctor ay isang matamis na ngiti ang sumilay sa maliit na bibig ng batang babae.

Isang ngiti na tila puno ng pag-asa sa isang napaka imposibleng sitwasyon.

Mabilis na umalis si Zaharia sa harap ng doctor para puntahan ang kan’yang mommy.

Nakaramdam ng awa ang doctor para sa munting anghel na nasa kanyang harapan ngunit kaakibat nun ay isang matinding paghanga dahil sa katatagan ng batang si Zaharia.

Naluluha na lumapit si Zaharia sa ina na nakaratay sa hospital bed, maingat na dinampot nito ang kanang kamay ng ina at dinala sa kan’yang pisngi.

Nagising si Zarina ng maramdaman niya ang maliit na kamay ng anak na humawak kan’yang palad.

Napangiti ang Ginang ng makita ang magandang mukha ng pinakamamahal niyang anak.

“Z-Zaharia…” anya sa mahinang tinig, halata ang sakit na nararanasan nito.

Bumuka ang kanang kamay nito kaya nabaling ang atensyon ni Zaharia sa palad ng ina.

Namangha ang bata ng tumambad sa paningin niya ang isang kwintas na mayroong dalawang singsing na halos magkapareho ang disenyo na ginawang pendant.

“I-itago mo ang mga singsing na ito para makilala ka ng iyong ama.” Hinihingal nitong wika, kinuha ng batang si Zaharia ang kwintas mula sa palad ng ina at isinuot sa kanyang leeg.

“Don’t worry, Mommy, gagawa ako ng paraan para maoperahan ka, hintayin mo lang po ako dito, hm?” Anya sa malambing na tinig ng batang paslit bago ngumiti ng matamis sa ina.

Napangiti si Zarina dahil sa nakangiting mukha ng anak na tila puno ng kumpiyansa sa sarili na kaya talaga niyang solusyunan ang mabigat nilang suliranin.

Alam kasi niya na walang magagawa ang isang batang paslit sa malaking problema na kanilang kinakaharap.

Labis na nababahala si Zarina kung paano na ang anak kapag oras na siya ay pumanaw, dahil sa isipin na iyon ay tuluyang pumatak ang mga luha sa gilid ng kanyang mga mata.

May sasabihin pa sana ang ina nito ngunit mabilis na humalik ang anak sa pisngi ng ina bago nagmamadaling lumabas ng kwarto.

Walang nagawa si Zarina kung hindi ang pagmasdan ang papalayong anak, nais niya itong tawagin ngunit wala ng lakas ang kan’yang boses.

Mariin niyang ipinikit ang mga mata ng muli niyang maramdaman ang kirot sa kan’yang dibdib.

Barado ang puso niya at kailangan na maoperahan siya sa lalong madaling panahon ngunit dahil wala siyang sapat na pera ay binalewala niya ang nararanasang sakit.

Ngayon ay namamaga na ang kan’yang puso at aware siya na 50/50 na lang pag-asa na makaligtas pa siya.

Harris Smith POV

Naabala ang pagtulog ko ng may humila sa manggas ng white long sleeve ng polo ko.

Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumambad sa paningin ko ang isang munting bata na sa tingin ko ay nasa edad anim na taon pataas.

Seryoso ang maamong mukha ng bata sa aking harapan habang diretsong nakatitig sa akin ang luntian nitong mga mata na mayroong mahaba at malalantik na pilik mata.

Namumula ang dalawang matambok nitong pisngi, nagmukha itong banyaga dahil sa malagatas nitong balat.

Pakiramdam ko ay para akong nahipnotismo sa berde nitong mga mata, kaya hindi na maalis ang mga titig ko sa magandang mukha nito.

Nagkatinginan ang dalawang bodyguard ko na nakatayo sa magkabilang gilid na may isang dipa ang layo mula sa amin.

“Yes?” Seryosong tanong ko sa munting batang babae na nakatayo sa aking harapan.

Imbes na sumagot ang batang babae ay hinubad nito ang suot na kwintas mula sa kan’yang leeg.

Tahimik lang akong nakamasid sa bawat kilos nito.

Pagkatapos niyang hubarin ang kwintas at tanggalin ang isang malaking singsing ay isinilid niya ito sa bulsa ng kanyang suot na puting blusa.

“Maaari ko bang isangla muna sa iyo ang kwintas na ito kasama ang singsing ng aking mommy?” Seryosong tanong nito sa akin habang nanatiling nakatitig kami sa mata ng isa’t-isa.

Nagulat ako sa tinuran ng batang babae.

Maging ang aking mga bodyguard ay hindi makapaniwala at bahagya pang umawang ang mga labi nila.

“Alam ba ng mommy mo na isinasangla mo ang wedding ring niya?” Seryosong tanong ko sa kan’ya, lihim akong napangiti dahil naglumikot ang mga mata ng batang babae.

Bigla itong lumapit sa akin at parang matanda na umupo sa tabi ko.

“Ang sabi ng doctor ay kailangang maoperahan si mommy, pero wala akong pera, hindi mo naman siguro ipapaalam kahit kanino na sinangla ko ito sayo, di’ba?” Anya habang nakatitig sa sahig ang mga mata nito na patuloy sa pagsasalita.

Muling lumingon sa akin ang inosenti nitong mga mata.

Hindi ko maunawaan kung bakit kakaiba ang nararamdaman ko para sa munting batang ito, ni halos ayaw ko ng alisin ang aking mga mata sa magandang mukha niya.

Parang may kung anong damdamin ang namamagitan sa aming dalawa, hinaplos ng awa ang puso ko para sa bata.

Napakabata pa kasi nito para harapin ang isang malaking problema.

“Magkano mo ba isinasangla yan?” Seryoso kong tanong, nang marinig ito ng batang babae ay biglang nag ningning ang kan’yang mga mata na tila nagkaroon ng pag-asa.

“Hindi ko po alam, eh, nakalimutan ko kasing itanong sa doctor kung magkano ang kailangan na pera para sa operasyon ni mommy.” Inosenteng sagot nito na parang problemado at bahagya pang nanghaba ang maliit at cute nitong mga labi.

“Paano kung kukunin ko ‘yan? paano mo ito matutubos sa akin? Hindi ako tumatanggap ng pera.” Anya habang matamang nakatitig sa maliit nitong mukha na parang manika.

Biglang tumitig sa akin ang berde niyang mga mata at sa pagkakataong iyon ay parang kami lang ang tao sa paligid.

Natahimik ang bata na wari mo ay naguluhan sa aking tanong.

“Kukunin ko ‘yan at sasagutin ko ang operasyon ng mommy mo pero sa isang kondisyon, magiging akin ka at pagtuntong mo sa tamang edad ay magpapakasal ka sa akin.

Kung hindi ka tutupad ay hindi ko babalik sayo ang kwintas at ang singsing ng mommy mo.” Seryoso kong wika habang nanatiling magkahinang ang aming mga mata.

“Seryoso po kayo? Kapag ako niloko mo, nakikita mo itong kamay ko?” Anya bago itinaas niya ang maliit na kanang kamay sa aking harapan saka kinuyom ng mahigpit.

“Paglaki ko susuntukin ka nito.” Seryoso nitong wika, hindi ko na mapigil ang aking sarili na matawa ng malakas dahil sa nakakatuwang expression ng mukha nito.

Biglang ngumiti ang batang babae at parang matanda na inilahad ang kanang palad sa aking harapan.

Napangiti ako at tinanggap ang munting palad ng batang babae.

“Anong pangalan mo?” Tanong ko ng hindi nawawala ang ngiti sa labi.

“Zaharia Lynch po, or Aria for short.” Bibo nitong sagot na ang mukha ay kakikitaan mo na ng pag-asa at kasiyahan dahil sa wakas ay maoperahan na rin ang kan’yang ina.

“Harris Smith, your future husband.” Nakangiti kong pakilala sa aking sarili habang sa aking isipan ay isang pangako na balang araw ay magiging akin si Aria dahil mula sa araw na ito ay pag-aari ko na s’ya.”

Kapwa nakatitig sa isa’t-isa ang dalawa habang nakapaskil ang matamis na ngiti sa kanilang mga labi.

Ang dalawang bodyguard ng binata ang tanging saksi sa kasunduan ng dalawa, maging ang mga ito ay hindi makapaniwala na ang kanilang boss ay nakipagkasundo sa isang batang paslit.

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lucita Cherry Lawas Tagalog
magaan ang loob nya sa bata
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
thank you Hindi Kaya Siya Ang ama
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status